CHAPTER 23

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

                             CHAPTER 23

KYLE’S P.O.V.

IT’S BEEN two weeks since Zyrie left me and read her last message before she deactivated her account. Hanggang ngayon ay masakit pa rin. Hindi na yata ito mawawala hanggang hindi siya bumabalik sa akin. Kahit sinaktan niya ako at iniwan, I’m still willing to accept and love her.

Her last chat motivates me to study hard. Sinunod ko ang sinabi niya. Alam at ramdam ko na babalik siya sa akin. Hihintayin ko na i-activate niya ang account niya and ask for a second chance. I’m willing to give her a second chance. She deserves it. Our love story deserves a second chance. Nasaktan niya ako, oo, pero hindi iyon ang rason para kamuhian siya. She has a reason why she broke up with me. Her reason was good enough to give her a second chance that she deserve.

Masarap ang relasyon sa pangalawang pagkakataon. Iyan ang iniisip ko palagi. Isipin ko lang na babalik sa akin si Zyrie, bumibilis kaagad ang tibok ng puso ko.

“I’m still into her,” I whispered to myself while combing my hair using my fingers.

Medyo mahaba na ang buhok ko. Plano kong pagupitan ito dahil sa natutusok na nito ang mata ko at para na rin maayos akong tignan sa darating na graduation. Next week na iyon. Ang dali talaga ng oras. Parang kahapon lang nang magsimula ang klase namin tapos sa sunod na linggo graduation na. Ang dali nga talaga ng panahon.

Dahil sa wala naman kaming activities na gagawin sa school dahil nag-p-prepare na ang mga teachers and principal para sa graduation and recognition na magaganap sa susunod na linggo, napag-usapan naming magkakaibigan na umabsent ngayon. Hindi ko alam kung ang gagawin namin. Ang alam ko lang ay sa tambayan lang naman namin ang aming kababagsakan. Hindi naman kasi kami masyadong gala, kapag trip lang namin.

Tapos naman na ako magpapogi kaya lumabas na ako ng k’warto ko para pumunta sa tambayan naming magkakaibigan.

Pagkarating ko sa sala naabutan ko si Mama na nakaupo sa upuan na gawa lamang sa kawayan.

“Mama, pupunta lang po ako sa tambayan namin. Magkikita-kita raw kami roon saka may sasabihin daw si Hance.” Paalam ko rito na inaayos pa ang buhok.

“Sige lang, ’nak. Huwag makikipag-away dyan sa kanti. May kasama kayong babae kaya iwasan ang away. Baka mapahamak pa kayo,” tugon nito saka tumayo papunta sa nakasabit na walis tambo.

Palaging gan’yan ang paalala ni Mama sa ’kin kahit alam naman niya na hindi naman kaming magkakaibigan nakikipag-away dahil iniiwasan namin iyon. Ayaw din namin ang mapahamak kami kaya ingat na ingat kami na huwag magkaroon ng kaaway. Iniiwasan na nga lang namin ang mga taong maaari naming makaaway. Hindi rin kami hayok sa away o sa sakit ng katawan. Hindi naman namin ikakayaman at ikakasikat iyon. Masasayang lang ang oras namin at masisira ang g’wapo naming mga mukha.

“Sige po, Mama. Alis na ako.” Pagpapalaam ko ulit dito na nagwawalis na.

“Ingat,” tipid na sagot nito na hindi man lang ako binalingan. Tuloy-tuloy lamang ito sa pagwawalis.

Mabilis na akong naglakad papalabas ng bahay. Nang makalabas ay kaagad na akong tumuloy sa paglalakad papunta sa aming tambayan.

Dahil sa mahaba ang bawat hakbang ko at mabilis na paglalakad ay kaagad ko ring narating ang aming tambayan. Kompleto na ang mga kaibigan ko, ako na lang ang hinihintay.

“Bakit ang tagal mo, Kyle?” tanong ni Hance saka nakipag-fist bump sa ‘kin.

Pagkatapos ni Hance ay sabay-sabay na ang mga kaibigan ko na makipag-fist bump sa akin.

“Medyo natagalan pa ako mag-paalam kay Mama,” sagot ko saka umupo sa katabi ni Wilbert.

Gawa lang kahoy ang tambayan namin. Para siyang waiting shed pero Anahaw lang atip at kahoy lang ang haligi. May upuan na mahaba na kahoy lang naman. Dalawang kahoy na ipinako para maging upuan. Kami ang gumawa nito Tatay lang ni Wilbert ang naglagay ng atip ng tambayan namin.

“Bakit kasi nagpaalam pa?” ani Albert na lumapit kay Wilbert.

“Parang hindi mo kilala si Mama eh.”

Tumayo ako saka lumipat sa katabi ni Hance at umupo. Alam ko kasi na manonood na naman ng porn ang dalawang iyon dahil inilabas na ni Wilbert ang kan’yang cellphone.

“Bakit ka lumipat sa tabi ko, Albert?” tanong ni Wilbert kay Albert saka umusod.

“Manonood daw kayo ng porn,” sambit naman ni Alexa at nandidiring tumingin kay Albert at Wilbert.

“Hindi ko dala ang cellphone ko na may porn. Ibang cellphone itong dala ko. Walang porn dito.”

“Naol rich kid!” sigaw ni Angel.

Samantalang kami ni Hance ay tahimik lamang. Hindi ko dala ang cellphone ko dahil hindi ko rin naman iyon magagamit.

“Porke dalawa ang cellphone, rich kid kaagad. Bulok ang mindset mo, Angel.” Ngumiti nang tipid si Wilbert matapos niyang sabihin iyon.

“Bakit ba naisipan niyo pa pumunta rito? Ano naman ang gagawin natin dito?” tanong ko at tiningnan sila isa-isa.

“Ewan kay Hance, siya nakaisip na pumunta rito eh.” Tumingin si Alexa kay Hance habang sinasabi ang mga iyon.

Mga sira rin itong mga kaibigan ko minsan. Panigurado kaya lang nagyaya na pumunta kami rito sa tambayan para makatakas sa mga gawaing bahay.

“Wala kakatamad lang sa bahay. Dapat pala pumasok na lang ako,” buryong saad ni Hance saka humalukipkip.

“Mas lalong boring sa school. Wala namang ginagawa roon. Puro lang upo at lalakad-lakad ang gagawin natin doon. Busy ang mga teacher kaka-prepare para sa graduation. Next week na iyon.” Tumayo pa si Angel habang sinasabi iyon na para bang nakikipag-debate siya kay Hance.

“Bakit tumayo ka na riyan?” naguguluhang saad ni Hance.

“Gusto ko lang. Ang sakit kaya sa p’wet umupo!” inis na sagot ni Angel saka hinimas ang p’wet niya.

Mga sira talaga. Bakit ko kaya naging kaibigan ang mga ito? Umiling-iling na lamang ako habang tinitingnan sila.

“Bakit nga kasi tayo pumunta rito?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita dahil nagtataka na rin ako kung bakit ba gusto nila na pumunta kami rito. “Hance?” tawag ko rito.

“Wala na kami ni Kyla,” malungkot na sabi nito.

“Bakit?” curious na tanong ni Wilbert.

“Ang saya niyo naman ahh. Bakit kayo naghiwalay?” saad din ni Albert na sa sobrang ka-curious-san ay lumipat pa ito sa left side ni Hance.

“Jowa pa!” nang-aasar na sigaw ni Alexa. Tiningnan ito nang masama ni Hance. “Sabi ko nga hindi na magsasalita.” Dagdag nito. Tumahimik ito saka aktong zinipper ang kan’yang bibig.

“Anyare ba, dre? Ayos naman kayo. Hindi ko kayo nakikitang nag-aaway kahit isang beses lang,” saad ko at tumingin nang mariin kay Hance na halata ang lungkot sa mga mata nito.

“A-Akala ko rin eh. A-Akala ko ayos kami.” Huminto ito dahil medyo nababasag ang boses nito. Walang luhang lumalabas sa mga mata ni Hance pero ang lungkot ay makikita mo sa mata nito at kung gaano ito nasasaktan. “She made me her rebound. S-Sa anim na buwan namin bilang magkasintahan akala ko mahal niya ako. Nakipaghiwalay na siya sa akin kahapon dahil sa bumalik na ang ex-boyfriend niya. Mahal niya pa raw ito kaya bumalik siya rito at nakipaghiwalay sa akin.” Dagdag nito na ekspertong napigilan na huwag mautal at mabasag ang kan’yang boses.

Minsan lang lumabas ng hinanakit si Hance kaya alam ko na sobra siyang nasasaktan dahil sa naglabas na siya ng sakit na nararamdaman niya.

“Ang sarap palang sabunutan iyang Kyla na iyan!” gigil na sabi ni Alexa na lumalabas na ang pagiging war freak nito.

“Tama ka riyan, Alexa. Ang sarap ngang sabunutan. Ang kapal ng mukha! Huwag lang siyang magpakita sa akin, baka masabunutan ko siya!” Mas gigil pa si Angel kaysa kay Alexa.

“Mahal na mahal ko siya. I gave all my time, effort and love to her para hindi siya mawala. Pero... tangina lang. Mahal niya pa pala ang ex niya!” Galit ngunit nandoon pa rin ang sakit sa mukha ni Hance nang sabihin niya iyon.

“Huwag mong pipigilan ang luha mo na lumabas. Lalong masakit iyan.” Payo ko na para bang eksperto ako roon.

Dahil sa sinabi kong iyon agad na umagos ang luhang kanina pa ni Hance pinipigilan. Alam ko ang nararamdaman niya dahil naramdaman ko rin iyon nang maghiwalay kami ni Zyrie. Alam ko kung gaano kasakit ang maiwan ng taong labis-labis mong minahal.

Hindi na muna kami nagsalita. Hinayaan lang namin si Hance na umiyak nang umiyak. Awang-awa kami rito pero hindi namin ito pinapakita sa kan’ya dahil ayaw niya nang kinakaawaan. Lahat kami ayaw nang kinakaawaan.

“I-I l-love h-her s-so much but she u-used me. S-She made me her r-rebound.” Sobra talaga itong nasasaktan dahil utal-utal na ito kung magsalita. Nahirapan pa itong sabihin ang ‘used’ at ‘rebound’

Isa rin palang mapagkunwari si Kyla. Masaya ito at kita naming mahal din nito ang aming kaibigan. Ang saya sa mata nito kapag kausap at kasama nito si Hance. Hindi ko lubos na may hinihintay pala itong dumating —ang ex niya. Kahit ako man ay masasaktan kapag nalaman kong ginawa lang akong panakip-butas. Sa anim na buwan nila Hance at Kyla ay saksi kami sa pagmamahalan nila. Hindi ko akalain na huwad ang pag-ibig ni Kyla.

Tumayo na si Hance saka pinunasan ang mata na may luha pa. “Ayos na ako. Salamat sa inyo,” paunang sabi ni Hance. Galing ito sa pag-iyak kaya pumiyok ito. Nahiya ata ito kaya yumuko nalang siya.

“Sino ba ang magtutulungan kung hindi tayo-tayong magkakaibigan lang naman. Dalawa na kayong sawi sa pag-ibig ni Kyle.” Lumingon ito sa akin saka umiling-iling. “Ayan, jowa pa.” Dagdag pa nito.

Magkasabay naming tiningnan nang masama si Alexa.

“Kaya lang naman ako nagyaya na pumunta rito para ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na kasi kayang sarilinin ito.” Ngumiti ito sa amin pero halata pa rin ang sakit na nararamdaman nito dahil kitang-kita ito sa kan’yang mga mata.

“Tara na umuwi na tayo.” Yaya ni Wilbert na isinilid na sa bulsa ng short niya ang kan’yang cellphone.

“Tara,” sang-ayon naman ni Albert.

At naglakad na nga kami palabas sa aming tambayan at dere-deretso na sa aming bahay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro