CHAPTER 24

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

                             CHAPTER 24

KYLE’S P.O.V.

LUMIPAS ANG MGA ARAW ngayon ay graduation na namin sa Senior High School. Sa wakas nagbunga rin paghihirap namin. Si Hance ang nakakuha ng unang dangal, samantalang ako naman ay nakuha ang pangalawang dangal. Si Angel ang nakakuha ng pangatlong dangal. Ang iba naman naming kaibigan ay tanging academic awards lang ang makukuha. Pero masaya dahil kahit papaano ay lahat sila may award din. Lahat kami nagsikap na mag-aral kaya nararapat lang makuha namin ang award na iyon.

Kahit papaano ay maayos na rin si Hance. Medyo nakakalimutan niya na si Kyla.

Alas k’watro ay dapat nasa school na kami dahil alas k’watro y medya magsisimula ang programme.

“Anak, bilisan mo na riyan. Ang bagal mo maliligo ka lang naman!” sigaw ni Mama mula sa labas ng aking kwarto.

“Nagbibihis na lang po, Mama. Masyado kang excited!” sigaw ko pabalik dito.

“Dalian mo. Nandoon na raw ang mga kaibigan mo. Nag-text sa akin ang mga Tita mo. Ikaw na lang daw ang hinihintay!” sigaw pa nito ulit.

“Bibilisan na po!” sigaw na sagot ko rito saka mabilis na isinuot ang itim na slack.

Polo raw ang susuutin at itim na slack ang sa lalaki at dress naman sa mga babae.

Narinig ko na ang yabag papaalis ni Mama. Malakas ang tunog nito dahil sa may takong ang suot nitong sandals.

Nang ma-isuot ko na ang slack ay kaagad na kong isinunod suotin ang medyas nang matapos ay ang black shoes.

Sinuot ko na rin ang kulay blue na polo na binili ko kasama ang mga kaibigan ko. Ibinutones ko ito isa-isa.

Kinuha ko ang aking cellphone saka tiningnan ang repleksiyon ng aking mukha. Ang g’wapo ko talaga kahit anong isuot ko.

Sinipat-sipat ko pa ang buong bahagi ng mukha ko. Sobrang g’wapo ko talaga.

Hindi na ako naglagay pa ng wax sa buhok dahil maayos naman na ang buhok ko. G’wapo pa rin kahit hindi na mag-wax.

Lumabas na ako sa kwarto ko at dumeretso na sa sala dahil alam kung naghihintay na roon si Mama.

Nadatnan ko si Mama sa sala na halata ang inis sa mukha.

“Akala ko hindi ka na lalabas eh. Ang tagal mo. Bente minuto na lang alas k’watro na.” Tumayo ito na hawak-hawak na ang toga at ang kalo na ginagamit kapag graduation. Nakalimutan ko ang tawag roon. Nakaayos ang pagkakahawak dito ni Mama at nakadikit na rin ang ribbon na may nakalagay na Graduate at sa suot ni Mama na green na damit nakadikit na rin ang ribbon na may nakalagay na Parents.

“Nagpag’wapo pa ako, Mama.” Ngumiti ako kay Mama ‘saka nag-pogi signs.

“Puro ka kalokohan. Tara na nga.” Naglakad na si Mama papalabas kaya sumunod ako.

Kinakabahan ako para sa speech ko mamaya.

Sumakay na kami ni Mama sa tricycle papunta sa school namin.

Ilang minuto lang ay kaagad din kaming nakarating sa school. Marami na ang tao. Nakita ko na rin ang mga kaibigan ko nang kumaway sa akin si Hance. Mabilis akong naglakad papunta sa kanila kasabay si Mama.

Pumunta ako sa mga kaibigan ko samantalang si Mama ay sa mga kaibigan niya pumunta na nanay ng mga kaibigan ko. 

“Ang gwapo natin ngayon, Kyle,” sabi ni Wilbert at nakipag-fist bump sa akin.

Sabay-sabay na silang nakipag-fist bump sa akin.

“Congrats, dre!” masayang sabi ni Hance.

“Congrats din.” At nag-fist bump kami.

“Congrats sa ating lahat, batch of school year 2020-2021!” malakas na sigaw ni Albert kaya lahat ng tao ay napatingin sa amin.

Ngumiti ang mga ka-batch namin pati ang mga nanay at tatay ng mga ito ‘saka sumigaw ang mga ka-batch namin, “Congrats! Finally matatapos na rin tayo sa high school!” Sabay-sabay na sigaw ng mga ito na punong-puno ng tuwa at galak.

Ito ang pinakamasayang moment para sa mga estudyante—ang maka-graduate.

Masaya sa pakiramdam nung i-announced nang principal na lahat ng grade 12 students ay ga-graduate. Walang naiwan dahil lahat nagsikap na makapasa.

“All students, please line up with your parents. Magsisimula nang tawagin ang pangalan niyo para makaupo na at makapag simula na sa programme. Kung saan kayong section doon kayo mag-la-line up. May mga nakasulat naman na section kaya hindi kayo mahihirapan.” Ani ng emcee. “Huli raw ang section miracle na tatawagin.” Dagdag pa nito.

Section miracle kami kaya kami ang huling tatawagin. Matagal pa kami dahil pang labing dalawa ang section. Lalong matatagalan dahil 35 per section ang estudyante. Sa daming tao ay punong-puno ang quadrangle kahit sobrang laki nito. Dito kami nag-fa-flag ceremony.

At nagsimula na nga ang emcee na tawagin ang pangalan isa-isa. Alas singko na pero hindi pa kami natatawag.

“Let’s proceed on section miracle!” malakas na anunsiyo ng emcee.

Isa-isa nang tinawag ang pangalan ng mga ka-classmate ko. Nag-request kami sa principal at organizer ng graduation na ito na i-huli kaming magka-kaibigan na tawagin.

“Dela Cruz, Angel B.!” Umayos na ako ng tayo ng tawagin na ang pangalan ni Angel—isa sa mga kaibigan ko.

Naglakad na ito kasama si Tito Ricardo—ang Tatay ni Angel.

“Macapagal, Alexa A.!” Naglakad na rin si Alexa kasama si Tito Alfred—tatay niya.

“Buenaobra, Albert D.!” Maangas itong naglakad kasama si Tita Bea—nanay niya.

“Del Pilar, Wilbert B.!” Katulad ni Albert maangas din itong naglakad kasabay si Tita Mira—nanay niya.

Nasabi ko na ba na magpinsan sila Albert at Wilbert? Kung hindi pa ngayon alam niyo na. Ang Tatay ni Albert kapatid ng Nanay ni Wilbert at Kapatid naman ng Tatay ni Wilbert ang Nanay ni Albert. Kaya parehas ang ugali ng dalawa dahil magkaparehong dugo ang nananalaytay sa pagkatao nila.

“Alonzo, Hance Z.!” Kasama niyang naglakad si Tita Jane—Nanay niya.

“Sanchez, Kyle Cedric A.!”

Magkasabay na kaming naglakad ni Mama nakusunod lang kami kay Hance at Tita Jane.

Nang marating namin ang upuan na para sa amin ay kaagad na kaming umupo.

At nagsimula na ang programme.












JANNA’S P.O.V.

I-aactivate ko na ngayon ang RPA ko. Alam kong ngayong week ang graduation nila Clyde. Hindi ko lang alam kung ngayong Monday or sa Friday.

“Anak, ano’ng niluluto mo?” tanong ni Mama sa akin nang pumasok ito sa kusina.

“Ina-adobo ko po iyong tilapya,” sagot ko rito.

“Madali na bang maluto?” tanong ulit nito ‘saka umupo sa may inu-upuan kapag kakain na.

“Ito na po, Mama, luto na,” sambit ko at inalis na sa pagkakasalang sa kalan ang kawali na nilulutuan ko.

“Mahal, halika na! Kakain na tayo!” sigaw ni Mama mula rito sa kusina. Nasa sala si Papa baka nanonood ng balita.

“Papunta na!” sigaw na sagot rin ni Papa.

Ilang sandali pa ay nandito na si Papa sa kusina. Umupo na ito sa kan’yang naturang upuan.

“Upo na, ‘nak. Sabay-sabay na tayong kumain,” sabi ni Mama at itinuro ang upuan malapit sa kan’ya. Umupo na ako sa tinurong upuan ni Mama.

Kaniya-kaniya kaming sandok ng kanin pati ulam. Nang makakuha na kami ay nagdasal muna kami pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain.

Tahimik lamang ang hapag-kainan tanging tunog lamang ng mga kubyertos at kalansing ng mababasaging plato na gamit namin ang tanging naririnig.

Lumipas ang ilang minuto at sabay-sabay kaming natapos kumain.

Nilinis ni Mama ang hapag-kainan at nilagay sa lababo ang pinagkainan nila ni Papa. Ang sa akin ay ako na lang ang naglagay sa lababo.

“Ako na ‘nak ang maghuhugas. Ikaw na nagluto eh.” Ani ni Mama at nagsimula nang maghugas.

“Sige po, Mama,” sagot ko na lamang. Naglakad na ako palabas ng kusina. Balak kong sa kwarto ko na lang pumunta.

Alas siete na ng gabi. Nag-online muna ako gamit ang real account ko. Wala naman akong ka-chat at boring mag-scroll kaya nag-log out na ako.

In-online ko ang RPA ko, dahil sa naka-deactivated ito ay in-activate ko muna ito. Pagkatapos ko na ma-activate iyon ay tinignan ko agad ang mga message. Walang message dahil nga sa naka-deactivate ‘tong account ko. Si Clyde ang una sa chat list ko dahil siya ang huling chinat ko bago ako mag-deactivate.

Babalik na sana ako sa news feed nang mag-chat si Ace.

Akala ko ba nag-delete account na ito?

“Kumusta na?” Iyan lang naman ang chat niya sa akin.

“Ayos naman. Akala ko nag-delete account ka na?”

“Hindi ako nag-delete account. Nag-deactivate lang.”

“Kung nag-chat ka para sabihing manliligaw ka, huwag ka na mag-chat.” Inis kong reply dito.

“Hindi na ako manliligaw sa iyo. I’m already in a relationship in RW. I love my girlfriend. Sorry if I pestered you before. Hindi na mauulit. Let’s be friends, is it okay with you?”

Kaya yata hindi na nagparamdam ang ulopong na ito dahil busy makipag-landian sa real world.

“Buti naman. Nakakairita ka kaya. Alam mo ba iyon?”

Siguro pinagtatawan na ako ng lalaking ito.

“Sorry na nga. Natatawa na lang ako sa sarili ko sa kakulitan ko dati sa iyo. So, friends na tayo?” Ang chat nito para lang nag-uusap sa RW.

“Okay friends na tayo. Stay strong sa inyo ng girlfriend mo. Huwag nang lalandi may girlfriend ka na. Alam niya ba na nag-rp ka?”

Ang feeling close ko yata.

“Oo alam niya. Alas otso na pala.”

Parang kanina lang alas siete pa lang ngayon alas otso na agad. Oras nga naman ang bilis tumakbo.

“Ang dali ng oras. Mamaya niyan alas nuwebe na.” Reply ko rito.

“Bye na pala. May date kami bukas ng girlfriend ko kaya need ko na matulog nang maaga dahil matagal pa naman ako gumising. 8:00am ang usapan namin.”

“Sige. Have a nice date to the both of you.”

Hindi na ito nag-reply kaya sigurado akong naka-log out na ito. Dahil sa wala naman na akong ka-chat ay nag-scroll na lang ako sa aking news feed.














KYLE’S P.O.V.

Saktong alas otso nang matapos ang programme ng aming graduation. Sobrang saya dahil lahat kami ay nag-share-ran Ng mga experience namin during our Senior High School. Kung gaano naghirap sa mga subject na sobrang hirap. Kung paano kami pagpawisan tuwing may unexpected long quizzes at marami pang iba na naranasan namin sa Senior High School.

Dumeretso kaming lahat sa bahay nila Hance dahil doon namin napagkasunduang i-celebrate ang aming graduation. Maraming handa dahil sa lahat ng magulang namin at nag-ambagan doon. Nag-inuman kami dahil pinayagan kami ng Magulang namin pero mga beer. Tatlong case ng beer ang naubos namin pero hindi man lang kami nalasing.

May i-a-announce raw ang mga magulang namin bago kami mag-siuwian sa aming mga bahay.

10:00pm na nang tingnan ko sa wristwatch ko ang oras.

“Mga anak, pumunta kayo rito.” Tawag sa amin ni Tita Jane. Ang Nanay ni Hance.

Sabay-sabay kaming tumayo at naglakad papalapit sa mga magulang namin.

Nang makalapit kami ay nagsisipag-tanungan pa sila kung sino ang magsasabi kung ano man ang sasabihin nila.

“Mga bata, napagplanuhan na naming lahat na mag-bakasyon na lang tayo sa Bicol. Hindi na tayo titira roon. Isang buwan tayong magba-bakasyon doon. Kasi kung doon tayo titira may maiiwan tayong mga ari-arian dito at nandito ang source of income natin.” Si Tita Jane na ang nagsalita dahil ayaw ng iba. Parang mga bata Lang.

Lahat kami nagulat dahil sa sinabi ni Tita Jane. Dati pang plano na after our graduation pupunta na kami sa Bicol at doon na maninirahan pero ngayon biglang nagbago. Pero ang gulat na iyon at kaagad ding napalitan ng tuwa dahil ayaw talaga namin na umalis dito.

“Ayos lang ba iyon sa inyo?” tanong ni Mama.

“Ayos po sa amin iyon!” Tuwang-tuwa na sagot namin at nagsipag-fist bump-an kaming magkakaibigan.

“Ayos naman pala sa mga bata. Wala na tayong problema,” sabay-sabay din na sabi ng aming mga magulang.

Pagkatapos ng anunsiyo ay nagsipagpaalaman na kami na uuwi na sa kaniya-kaniyang bahay. Nag-congratulation-nan pa kaming magkakaibigan bago magsipag-uwian.

Nang makarating sa bahay ay kaagad na akong pumunta sa aking kwarto. Nang nasa kwarto ko na ako ay nagbihis na ako ng pantulog na ‘saka nahiga.

Binuksan ko ang RPA ko. Mayroong chat kaya pumunta ako sa message section ng Facebook Lite.

Kumalabog sa tuwa ang aking puso ng mabasa na si Zyrie ang nag-chat. In-activate niya na pala ang account niya.

“Hi, Clyde. Kumusta? I miss you.” Iyon lamang ang chat niya pero ako’y labis na natutuwa.

“Ayos lang ako. Kakatapos lang namin mag-celebrate ng graduation namin. Ngayon kasi ang graduation namin. Alas otso na nga natapos ehh.” Reply ko rito.

“Congrats! May award ka ba?”

Akala ko offline na siya dahil alas dies na pero online pa siya nagawa pa ngang mag-reply eh.

“Maraming award. Hmm... nasungkit ko ang pangalawang dangal at sa unang dangal ay ang kaibigan ko.” Kinusot ko ang mata ko matapos na ma-sent iyon. Medyo antok na ako.

“Ang galing. Congratulations, Clyde.”

“Thank you, Zyrie.”

“Hmmm... Clyde. P’wede pa ba ako bumalik sa iyo? Ako pa ba ang mahal mo? Ako kasi mahal na mahal pa rin kita. I lied nung sinabi ko na hindi kita mahal. Nasabi ko lang naman iyon dahil ayokong maging sagabal sa iyo. Nakipaghiwalay ako sa iyo dahil ayokong ma-pressure ka sa study mo at sa time mo sa akin.”

Mahaba iyon pero isa lang ang naiintindihan ko. She broke up with me dahil iniisip niya ang pag-aaral ko.

“I understand it now. I love you. You're always have a space here in my heart. So, tayo na ulit?”

Marupok na kung marupok. Mahal ko ang babaeng kausap ko ngayon, kaya tatanggapin ko pa rin ito. Her reason was enough para papasukin ko ito muli sa buhay ko.

“Thank you for accepting me again, Clyde. I love you.”

“I love you too.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro