LAST CHAPTER

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

                          LAST CHAPTER

KYLE’S P.O.V.

ISANG LINGGO na simula nang magkabalikan kami ni Zyrie. Ang plano na mag-bakasyon sa Bicol ay hindi natuloy dahil nagsipag-anihan na ang mga magulang namin ng palay. Tumulong kaming magkakaibigan pwera sa mga babae. Sa sunod na taon na lang daw kami magba-bakasyon. Wala ng oras para mag-bakasyon pa dahil after ng pag-ani ng palay ay magpapatanim agad sila Papa. Next week ay mag-entrance exam na kaming magkakaibigan sa university na gusto namin.

Masaya naman kami ni Zyrie. Mas masaya kaysa sa nauna naming relasyon. Naipaparamdam namin ang pagmamahal namin sa isa’t isa kahit sa chat at tawag lamang.

Hindi pa rin namin sinasabi sa isa’t isa ang real identify namin. Love with chat and call only is enough for the both of us. Plano namin na magkita na hindi pa alam ang mukha ng isa’t isa.  Nag-c-call kami. Voice call sa messenger and phone call. Lalo akong nahuhulog sa boses niya. Ang ganda ng boses nito. Kinakabahan ko siya minsan at ganon din ako. Papalit-palit naming kinakantahan ang isa’t isa.

Napagod ako ngayong araw dahil sa tumulong ako kay Papa sa pag-ani. Alas kwatro ng hapon kami umuwi ni Papa. Nag-meryenda ako pagkatapos ay natulog.

Kagigising ko nga lang. Humikab ako at pumunta sa banyo ko para mag-hilamos. Nang matapos ay bumalik sa higaan ko.

Tiningnan ko kung anong oras na sa cellphone ko. Nang makita ko na ang oras ay inilapag ko na lamang ito sa unan ko.

“Alas otso na pala. Ang daming tinulog ko ahh.” Kausap ko sa sarili ko.

“Kyle, kumain ka na lang sa kusina. Tapos na kami ng Papa mo.” Narinig kong sabi ni Mama.

“Busog pa po ako, Mama. Dalhan niyo na lang po ako rito, kakainin ko kapag nakaramdam ako ng gutom . Medyo masakit kasi katawan ko. Nabigla ata.” Hinimas-himas ko ang katawan ko na masakit lalo na sa likod.

“Sige. Dala na rin ako ng salonpas para maidikit mo sa katawan mo, lalo na sa likod mo.”

Hindi na ako sumagot. Narinig ko na lang ang papaalis na yabag ni Mama.

Binuksan ko ang pocket Wi-Fi ko saka WiFi ng cellphone. Nag-online na ako ng mag-connect na iyon.

“Are you still online?” Chat ko kay Zyrie pagka-online na pagka-online ko.

Nabasa ko kasi ang chat niya na one hour ago pa kaya ina-assume ko na offline na ito.

“Yeah. Buti online ka na. Kumain ka na?” Reply agad nito.

“Hindi pa ako kumakain. Nakatulog kasi ako. Ang sakit kasi ng mga katawan ko. Nabigla yata. I miss you, Hon.”

“I miss you too, Hon. Dapat magpahinga ka na lang. Tapos hindi ka pa kumakain.”

Sa chat nito para itong naiinis.

“Dadalhan ako ni Mama ng pagkain. Busog pa naman ako ehh. Gusto mo akong pagpahingahin, eh kakagising ko nga lang. Gusto kita makausap. Miss kita, ngayon nga lang tayo nag-usap.” Tampong reply ko rito.

“Okay, mag-usap tayo.”

Reply niya na kaya napangiti ako.

Narinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto ko.

“Anak, ito na pagkain mo. Dito ko lang ito sa lamesa mo,” saad nito at nilagay ang pagkain sa lamesa.

May lamesa kasi ako rito na gawa sa kawayan. Pinagawa ko kay Papa kapag mag-aaral ako. Ayoko kasi sa sala mag-aral. Ang ingay ng TV, na-d-distract ako.

“Diyan mo lang po, Mama. Kakainin ko na lang mamaya,” magalang na tugon ko rito.

May tubig rin na dala si mama. Nakalagay sa pitsel.

“Talikod ka anak. Ilagay ko itong salonpas sa likuran mo. Dito lang sa likuran mo ang lagyan natin dahil alam kong dyan ang pinakamasakit.” At tumalikod nga ako.

Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa matapos si Mama at lumabas ng kwarto ko.

“Sorry late reply. Nilagyan kasi ni Mama ng salonpas ang likod ko.”

“Ayos lang. Kumain ka habang nag-cha-chat-tan tayo.”

“Sige.”

Kinuha ko ang pagkain at nagsimula nang kumain.

“Musta entrance exam mo?” tanong ko rito.

“Ayos naman. Kinakabahan nga ako baka hindi pumasa.”

“Papasa ka. Ikaw pa ba?”

“Hindi ako kasing talino mo.”

“Makakapasa ka, okay. Tiwala lang.”

Nag-take siya ng entrance exam kaninang umaga. Alam kong makakapasa siya.

“Ikaw, kailan entrance exam mo? Nag-review ka?” tanong nito.

Isinubo ko muna ang huling kutsara ng kanin ‘saka uminom. Ibinalik ko na ito sa lamesa at nag-reply na kay Zyrie.

“Next week na. Sa Friday. Tapos na ako mag-review. Puro logic lang naman pinag-aralan ko dahil may nagsabi sa amin na logic daw ang entrance exam.” Mahabang reply ko rito.

“Good. May load ka? Tawag ka kung meron.”

“Phone call or voice call sa messenger tayo?”

“Phone call. Wala akong data load eh.”

“Sige wait.”

Agad akong pumunta sa contacts at kaagad na tinawagan si Zyrie. Ilang ring lang ay sinagot niya na agad ito.

“Hello!” bungad niya ng sagutin niya kaagad ang tawag ko.

“Hi. Alas nuwebe na. Hindi ka pa ba antok?”

“Hindi pa. Ikaw?”

“Hindi pa rin.”

“Sa tingin mo magtatagal tayo sa ganitong set up? Call and chat lang?” tanong nito at humangos.

“Oo naman. We just need to trust and be loyal to each other. Kahit gaano man kalayo ang pagitan natin basta walang magloloko, tatagal tayo.” Siguradong sigurado na saad ko.

“Mahal na mahal kita, Clyde. Ayaw kong mawala ka. Basta promise me na hindi ka magloloko. Na sa akin ka lang kahit magkalayo tayo.”

“I’m all yours, Hon. Hindi man kita nahahawakan, nahahalikan at nayayakap hindi dahilan iyon para magloko ako. My heart beats only for you. Kaya hanggang tumitibok ang puso ko sa ‘yo, mananatiling ikaw lang ang mamahalin ko. Hindi ang pagitan natin sa isa’t isa ang maghihiwalay sa atin. Mahal kita at mamahalin pa,” senserong sabi ko.

“Mahal na mahal kita. Naiiyak ako na kinikilig sa iyo.” Humihikbing ani nito.

“Shhhh... Don’t cry okay.”

RP name ko pa rin ang tawag niya sa akin pati rin ako RP name niya rin ang tawag ko sa kaniya kapag naiinis ako. Kadalasan ay endearment na namin ang tawag ko sa kan’ya.

“Kasi ikaw pinapaiyak mo ako.”

Medyo natawa ako roon. “I love you.” I said seductively.

“Hindi oobra ang seductive voice mo sa akin haha. I love you too.”

Ngumiti na naman ako dahil sa I love you nito.

“Let’s sleep na, Hon,” antok na sabi ko.

“Sure. I’m sleepy na rin.” Humikab ito kaya napahikab din ako.

“I’ll hang it up na.”

“Sige.”

Papatayin ko na sana pero naunahan niya ako.

Isinilid ko na sa ilalim ng unan ko ang aking cellphone matapos kong patayin ang Wi-Fi ng cellphone ko pati ang pocket Wi-Fi ko.

I love Zyrie so much. Kahit gaano man kalayo ang aming pagitan namin sa isa’t isa. Siya at siya pa rin ang pipiliin ko. I’m really into her kaya gagawin ko ang lahat huwag lang siya mawala sa akin. We maybe don’t know our real identity. We maybe met in RPW or Role Player World na tinatawag nilang fake world ang nararamdaman ko para kay Zyrie ay totoo.

Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko dahil sila ang dahilan kung bakit ko napasok ang RPW at kung bakit ko nakilala ang babaeng mahal ko ngayon. Ang babaeng mamahalin ko pa ng sobra kahit sa RPW o pekeng mundo man kami nagkakilala.

                           

    

                              THE END~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro