CHAPTER 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

                             CHAPTER 5

THIRD PERSON’S P.O.V.

Hindi mapalagay si Janna matapos niyang basahin ang chat ni Kyle.

“Bakit ba nag-chat pa ang lalaki na ‘yan? Ito namang pusong to, ‘di na tumigal sa bilis nang pagtibok!” angil niya sa kaniyang sarili.

Bakit nga ba sa kan’ya nag-chat ang lalaking iyon eh kaka-confirm niya pa lang sa friend request nito?

“Huwag ako. Ayaw kong makipag-relasyon. Gusto mo akong makilala? P’wes, manigas ka! Dahil hindi na ako makikipag-usap pa sa ‘yo. Huwag ka nang mag-chat ulit. Baka ma-block kita.” Kaunti na lang mawawasak na ang cellphone niya sa diin nang pagkakatipa niya rito. “Tigil-tigilan mo ako!” Dagdag niya pa na inis na inis pa rin.

“Finally, Miss Zyrie, nag-online ka rin. Dalawang oras din akong naghintay na mag online ka.” Nagulat si Janna dahil sa nag-reply ang lalaki. Akala niya naka-offline ito. Naka-turn off lang pala ang active status nito.

“Sabing tigilan mo na ako ehh. Ayaw ko nga kasi makipag-relasyon!” Inip na reply ni Janna rito.

“Makikipagkilala lang ako, isip mo makikipag-relasyon kaagad. Advance ka rin mag-isip, Miss Zyrie. Pero kung gusto mo sige magka-relasyon na tayo.” Nang-uuyam na reply ni Kyle rito.

“Ang kapal ng mukha mo. Hindi ako makikipag-relasyon sa ‘yo. Lalong-lalo na kung dito pa sa RPW!” Inis na inis na talaga si Janna habang tinitipa niya ang mga mensaheng iyon.

“Send me your address then. Pupuntahan kita tapos liligawan para hindi tayo rito sa RPW maging magka-relasyon. Para na rin makilala kita at maging maging karelasyon ka rito sa RW.” Nakabungisngis na si Kyle nang ma-isend niya na iyon.

Natutuwa talaga si Kyle na inisin ang dalaga. Kung nakikita niya lang ito, lalo siyang matutuwa. Siguro pulang-pula na ang mukha nito sa sobrang inis sa kan’ya.

“Tigilan mo nga sabi ako. Iba na lang landiin mo.”

“Hindi kita nilalandi. Gusto ko lang talaga nang inaasar ka. Siguro ang cute mo tingnan habang inis na inis. Makikita ko rin yang mukha mong naiinis. Soon.” Ngiting-ngiti pa rin si Kyle habang hinihintay niya na mag-reply si Janna sa chat niya.

“Ay! Nag log out na pala,” ani Kyle nang makita niyang na limang minuto na palang naka-log out si Janna. “Hindi man lang nag-paalam,” dagdag pa nito nang nakanguso. Dahil sa wala naman na siyang kausap ay nag-log out na rin siya at pinatay ang pocket wi-fi niya.



LUMABAS si Kyle ng kwarto niya para uminom ng tubig. Pumunta siya kusina at kumuha nang malamig na tubig sa refrigerator. Nang makainom ay bumalik siya sa kan’yang kwarto.

Alas kwatro na pala ng hapon. Mamaya pa ang uwi ng Mama at Papa niya galing sa bukid. Nagbisita ang mga ito sa tanim nilang palay para tingnan kung p’wede na ba itong anihin. Alas tres na kasi umalis ang mga ito. Titingnan lang naman ang palay pero aabutin pa ng alas singko.

Plano niyang matulog muna at gigising na lang kapag alas singko para siya na lang ang magluto ng kanilang pang-hapunan dahil alam niya na uuwing pagod ang kaniyang mga magulang.

Nang makapasok siya sa k’warto niya ay kaagad siyang nahiga at hindi tumagal ay nakatulog.


BAGO PA MAN sumapit ang alas singko ay nagising na si Kyle. Wala naman siyang gagawin kaya bumangon siya kaagad at saka mabilis na pumunta sa kusina para magsimula nang magluto.

Alam niyang pauwi na rin ang kaniyang mga magulang. 

Nagsasaing siya habang binabalatan ang papaya. Iyon ang gusto niyang lutuing gulay.

Nang matapos na siyang magsaing ay natapos na rin siya sa pagbabalat ng papaya kaya hinati niya na iyon sa ilang piraso saka tinanggalan ng buto gamit ang kutsilyong hawak niya. Saka siya kumuha ng palanggana. Nilagyan niya iyon ng tubig. Pagkatapos ay nagsimula na siyang hiwain ang papaya.

Handa na siya na magluto kaya nagsimula na siya.



JANNA’S P.O.V.

Nakakairita na ‘yang Clyde Vexon na ‘yan. Ang kulit-kulit. Guguluhin ako tapos kapag nahulog ako hindi naman sasaluhin. Paulit-ulit ko nang sinasabi na ayaw ko ngang magka-boyfriend lalo na roon sa RPW. Ayaw kong matulad sa ibang rp’ers na nasaktan dahil sa pakikipag-relasyon sa pekeng mundong iyon.

Maggagabi na pala kailangan ko na magluto para makapag-hapunan kami nang maaga. Ayaw ko naman na pagalitan ako nila Mama. Kaagad akong lumabas sa k’warto ko at pumunta sa kusina.

Kinuha ko ang rice cooker at nagtakal ng bigas doon. Pagkatapos ay nilagyan ko ng sabaw at sinaksak na. Sa rice cooker ako nagsaing para madaling maluto at para makapag-prito na rin ako sa kalan. Hindi kami mayaman kaya kalan lang ang nilulutuan namin at uling ang panggatong.

Gumamit ako ng plastik at posporo para pangsiga ng apoy sa kalan. Nang medyo dumadami na ang apoy ng mga uling ay kaagad ko nang hinugasan ang kawali para isalang na at nang matuyo na, para makapag-prito na ako. Hinayaan ko lang ‘yong sinasaing ko, nasa rice cooker naman ‘yon kaya kusa na lang iyong maluluto.

Nang matuyo na ang kawali ay kaagad ko na itong nilagyan ng mantika. Nang mainit na ay nilagay ko na ang bangus na pi-prituhin ko. Minsan natatakot din akong mag-prito kasi ‘yong mantika natitilamsikan ako. Masakit pa naman sa balat.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na akong mag-prito at tiningnan ko na rin ang sinaing ko kung luto na ba ito. Luto naman na kaya inalis ko na ang pagkakasaksak nito. Nilagay ko na rin ang kawali sa tamang lalagyan nito. Pagkatapos ay tinakpan ko ang prinito ko ng planggana sa hapag-kainan at bumalik sa k’warto para maligo. Nang makapasok ay kaagad kung hinanda ang susuotin ko para ‘di na ako maghalungkat pa mamaya. Nang makakuha na ay kaagad na akong pumasok sa banyo dala ang tuwalyang puti na gagamitin kong pantapis mamaya kapag tapos na akong maligo.

Hindi naman ako tumagal sa banyo. Ilang minuto lang ay natapos na akong maligo. Hindi naman kasi ako mabagal maligo. Hindi naman ako katulad ng ibang babae na inaabutan pa ng ilang oras bago matapos maligo. Bakit pa patatagalin kung mauuwi man lang sa pagtatapos? Ang mahalaga naman ay naligo ka.

Tinapis ko na ang tuwalya sa buo kong katawan at lumabas ng banyo para magbihis na. Sigurado akong kakatukin na ako nila Mama para kumain.

“Anak, kakain na raw sabi ng Papa mo. Lumabas ka na riyan. Ang aga mong magluto,” ani nito.

“Sige po, Mama. Nagbibihis lang ako. Naligo kasi ako dahil pawis na pawis po ako sa pagluluto,” sagot ko rito.

“Sige, anak,” huling anito.

Batid kong umalis na ito dahil sa yabag nito. Kaagad naman akong nakapagbihis. Pagkatapos ay dinampot ko ang aking cellphone na nasa higaan. Binuksan ko iyon para tignan kung anong oras na.

“Alas sais y trenta na pala. Kaya pala tinawag na ako ni Mama,” ani ko sa sarili nang makita ko na ang oras.

Kaagad na akong lumabas sa k’warto ko at dumeretso na sa kusina para kumain na.

“Upo na, ‘nak. Ayan ang plato mo hinanda ko na ‘yan,” ani Mama nang madatnan ko sila ni Papa na may mga kanin na sa kanilang plato.

Umupo na ako at nagsimula nang magsandok ng pagkain ko. Nang malagyan ko na ay kaagad na akong nagsimulang kumain. Ganoon din sina Mama at Papa.

Tahimik kaming kumakain. Tanging tunog lang ng plato at kalansing ng kubyertos ang aming naririnig.




KYLE’S P.O.V.

It’s been two weeks simula nang guluhin ko si Zyrie. Gustong-gusto ko kapag naaasar siya. Ang cute lang kasi. Interesadong-interesado talaga ako sa kan’ya. Habang kausap siya hindi ko mapigilang mapangiti na parang baliw, pati si Mama napapansin din iyon kapag nakikita niya ako na nakangiti habang nakaharap sa cellphone ko.

I like Zyrie. I’m planning to court her now pero natatakot ako na baka i-reject niya ako. Alam kong ayaw niyang makipag-relasyon lalo na sa RPW, kaya sigurado ako na babastedin lang ako nito. Pero wala namang masama kung susubukan ko. If she rejected me okay lang at least sinubukan ko kaysa naman sa itago ko ito.

It’s 6 o'clock in the morning. Kanina pa ako nakapag-almusal kasi maaga akong nagising. Nag-sinangag at nag-prito lang ako ng tuyo at itlog. ‘Yon lang ang madaling lutuin at masarap i-ulam sa sinangag kaya ‘yon lang ang niluto ko.  Umalis din sina Mama at Papa. Pumunta sila sa bukid para anihin ‘yong tanim naming mais. Iyong palay ay hindi pa puwedeng maani. Hindi ako makapag-cellphone dahil lowbat pa ito. Nakalimutan kong i-charge kagabi pagkatapos kong gamitin.

Pumunta ako sa k’warto ko. Nang makapasok ay kaagad akong pumunta sa banyo para maligo. Pupunta na lang ako sa mga kaibigan ko ngayon para hindi naman ako ma-boring. Nang makapasok sa banyo ay kaagad kong binuhay ang gripo at nilagay ang timba para masalok ito.




JANNA’S P.O.V.

Kanina pa ako gising pero hindi ako mapakali kaya hindi pa ako bumabangon. Pagulong-gulong lang ako sa aking kama. Pagkagising ko, cellphone kaagad ang hinawakan ko. Alas dose na akong nakatulog kagabi dahil ang kulit-kulit ni Clyde. Kung hindi pa yata iyon inabot ng puyat siguro umabot pa kami ng umaga. Ang kulit niya sobra. Pero ewan ko kung bakit gustong-gusto ko iyon. Sa iba naman inis na inis ako kaagad kahit hindi pa ang mga ito nagsisimulang mangulit sa akin. Pero kay Clyde, natutuwa ako. Nag-r-reply ako na parang inis pero deep inside kinikilig ako. Baliw na yata ako.

Nag-online ako para tingnan kung may chat na siya kasi alam ko kapag ganitong oras ay online na siya. Pero nanlumo lang ako nang makita ko na hindi pa siya online at wala pa siyang chat sa akin. Bigla akong nalungkot kasi wala siyang chat. Sigurado akong hindi pa ito nag-o-online simula kanina kasi active 7 hours ago pa ang nakalagay sa profile niya.

Hindi ko maintindahan kung bakit palagi ko nang hinahanap ang chat niya. Araw-araw ko nang hinihintay ang mga ito. Araw-araw sobrang saya ko kapag kausap siya. Simula nang kulitin niya ako, palagi na akong naghihintay sa kan’ya. Nalulungkot ako kapag hindi pa siya online. Gusto ko na ba siya? Posible bang magustuhan mo ang taong kakikilala mo pa lang?

Nag-log out na lang ako kaysa naman mag-online pa ako na wala namang kausap. Lumabas ako sa k’warto ko at naglakad palabas ng bahay. Bibili ako ng milo sa tindahan, ‘yon na lang iinumin ko. Wala sila Mama at Papa. Si Mama nagtrabaho na sa munisipyo, hapon pa ang uwi. Si Papa naman namasahero na, tanghali pa ang uwi niya.

Nang makabili na ako ng milo ay kaagad na akong bumalik sa bahay para timplahin na ito, para mainom ko na.

Nang makarating ako sa bahay ay sa kusina kaagad ang deretso ko para itimpla ang milo. Nang ma-itimpla ko na ito ay kaagad ko na itong ininom. Hindi na masyadong mainit ang tubig kaya dineretso lagok  ko na ito.

Nang matapos ay kaagad akong bumalik sa k’warto ko para matulog ulit. Gigising na lang ako kapag kailangan nang magluto.  Nang makapasok ako sa silid ko ay kaagad na akong nahiga sa higaan ko. Gawa lamang sa kawayan ang higaan ko at nilagyan ng foem para lumambot ito. Nagtalukbong ako ng kumot at pinikit ang mga mata. Hindi nagtagal ay nakatulog ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro