CHAPTER 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

                            CHAPTER 6

KYLE’S P.O.V.

“Ohh, Kyle. Ano’ng nakain mo at napapunta ka rito?” tanong kaagad sa akin ni Albert nang makalapit na ako sa tambayan namin.

“Boring sa bahay eh,” tanging sagot ko na lamang.

“Buti naman at pumunta ka rito, Kyle. May sasabihin kami sa ‘yo,” ani Hance na may chuckie na hawak. Adik na adik talaga ito sa chuckie. Hindi yata buo ang araw nito kapag walang naiinom na chuckie.

“Ano naman ang sasabihin niyo? Importante ba?” tanong ko na nakatingin kay Wilbert na busy sa pinapanood sa cellphone niya, naka- headphone pa ang gago.

“Aalis na kami sa RPW. Kakaboring na, masyado ng toxic. Wala nang matino, ibang-iba na ito. Hindi katulad noong unang pasok pa lang namin dito,” ani Alexa na naglalagay ng liptint.

“Eh ‘yong hood natin? Sinong hahawak no’n? Ako? Hindi naman pwede yun. Kayo ang nag-yaya sa ‘kin na pasukin ang RPW tapos iiwan niyo rin pala ako ro’n!” inis kong sabi.

“Kung gusto mo, p’wede ka ring umalis. Kung ayaw mong mag-isa sa RPW, p’wede kang sumama sa ‘min na umalis dito,” sabi ni Hance.

“Oo nga, sumama ka na lang sa ‘min na umalis,” si Wilbert iyon, inalis na pala nito ang headphone niya at hindi niya na rin hawak ang kaniyang cellphone. “Dalian niyo na para makauwi na tayo, na-lowbat na cellphone ko. Nanonood pa naman ako ng porn, hindi ko tuloy natapos limang oras kasi iyon.” Dagdag pa nito. Gago talaga. Hindi na nahiya.

“Tangina ka, Wilbert. Nanonood ka pala. Hindi ka man lang nang-yaya. Ang damot mo,” sabi ni Albert at siniko pa si Wilbert. Parehong gago talaga. Ang hihilig manood ng porn.

“Magtigil nga kayo. Masyado na kayong naaadik sa kakanood ng porn,” umiirap na sabi ni Angel.

“So... Ano Kyle, sasama ka bang umalis sa RPW o mag-stay ka?” tanong ni Hance kaya dito na natuon ang atensyon ko.

Pinag-isipan ko muna ang magiging desisyon ko. Wala namang maganda sa RPW, base sa mga nabasa ko na impormasyon tungkol sa RPW, ibang-iba nga ito ngayon kaysa noon. Puro na ka-toxic-kan ang kumakalat sa RPW. Maraming nagbago, lalong-lalo na sa mga hood. Pero naaalala ko si Zyrie, hindi naman p’wedeng basta ko lang itong iiwan.

Sa dalawang linggo na pangungulit ko sa kan’ya ay marami na akong alam tungkol sa kan’ya. Simula sa mga ayaw niya at gusto niya, hanggang sa kung paano siya iinisin.

“I’ll stay,” tipid kong sabi. I will stay for Zyrie.

“Hahawakan mo ang hood?” tanong ni Hance na ginugulo ang buhok.

“Hindi,” tipid kong sagot.

“Okay. Buwagin na lang natin,” sabi ni Angel.

“Bakit kasi sabay-sabay kayong aalis? Hindi ba pwedeng may maiwan muna sa inyo? Paano niyo ito sasabihin sa members ng hood? At saka sino ang ibang hahawak ng position doon?” sunod-sunod kong tanong.

“Ikaw sana sa founder tapos ‘yong ibang position meron nang nagmamay-ari. Binigay na namin kanina. Hindi ka online kaya hindi mo nakita,” sabi ni Hance na pinaglalaruan ang wala nang laman na chuckie.

“Okay fine, hahawakan ko na ang hood. Sayang naman kasi kung mabubuwag,” ani ko.

“Papayag naman pala eh,” sabay-sabay na sabi nina Wilbert, Albert, Alexa at Angel. “Pero bakit ka mag-stay, Kyle? Ano ang dahilan?” dagdag na tanong ni Alexa.

“Basta huwag mo na lang alamin,” sabi ko.

“Baka may chix na siya ro’n!” nang-aasar na anas ni Albert. Kahit kailan talaga eh.

“Ayiiiee, binata na ang Clyde natin!”

“Mga gago!” singhal ko. Puro lang ang mga ito pang-aasar.

“Pero seryoso, Kyle. Meron ba?” tanong ni Wilbert na nakangisi pa.

“Meron at huwag niyo nang alamin kung sino,” ani ko.

“Ayon, binata na talaga ang nonoy natin. Hahahaha!”

“Bahala nga kayo riyan!” inis na sabi ko at naglakad na palayo sa tambayan namin. Ang tawanan nila ay naririnig ko pa rin kaya mas binilisan ko na lang ang paglalakad para hindi ko na sila marinig pa.

Trip na trip talaga ako nilang asarin. Palagi akong asar talo kasi hindi ako makalaban. Kapag nang-aasar ako, sa huli ako pa rin ang napipikon.

Nang makarating ako sa bahay ay inisip ko kaagad kung bakit hindi na lang ako sumama na umalis sa RPW. Pero ayaw ko namang iwan si Zyrie. I like her. Kaya kahit walang kasiguraduhan na magugustuhan niya ako ay mananatili ako para sa kaniya.




THIRD PERSON’S P.O.V.

“Can I court you?” Iyan kaagad ang tanong na nabungaran ni Janna pagka-online na pagka-online niya.

“Are you sure?” balik na reply niya rito.

“I’m really really sure, Zyrie. Pero kung ayaw mo okay lang, naiintindihan ko naman eh.” Chat ulit ni Kyle kay Janna.

“Hindi naman sa ayaw ko. Nagtataka lang ako kung bakit ako kahit ilang beses ko nang sinabi sa ’yo na ayokong magkaroon ng nobyo.” Pagdadahilan niya rito.

“Gustong-gusto kita, Zyrie. Please let me court you. Hayaan mo akong patunayan sa ‘yo kung gaano kita kagusto.”

“Pero, Clyde, alam mo naman na ayoko pa. Alam mo naman na natatakot ako na magkaroon ng karelasyon dito sa RPW, baka kasi masaktan ako. Nakakatakot, Clyde. Paulit-ulit ko na yung sinasabi sa’yo.”

“Just say that you don't want me to court you, Zyrie. Tatanggapin ko iyon. Oo alam ko na natatakot ka pero palagi ka na lang bang gan’yan? Paano mo malalaman kung hindi mo naman susubukan?”

“Clyde, ayokong masaktan, natatakot ako na matulad sa ibang rp’ers na nagsi-delete-tan ng account dahil sa nasaktan sila.”

“Subukan mo lang, Zyrie. Let me. Please. Huwag kang matakot na masaktan kasi gano’n naman talaga iyon, kapag nagmahal ka, masasaktan ka. Kasi kung hindi ka magmamahal, hindi ka naman masasaktan.” Pangungumbinsi pa ni Kyle kay Janna.

“Pag-iisipan ko muna, Clyde.” Tanging na-reply na lamang ni Janna rito.

“Okay!” tipid na sagot ni Kyle rito.

Lumipas ang ilang minuto na hindi sila nag-usap. Si Janna naguguluhan at wala pa ring maisip kung magpapaligaw ba siya kay Kyle. Si Kyle naman ay umaasa na sana payagan siya ng dalaga na ligawan ito.

Napangiti kaagad si Kyle nang matanggap na ang sagot mula sa dalaga.

Yes! Tanging lumabas sa bibig niya.






JANNA’S P.O.V.

Hanggang ngayon ay napapa-isip pa rin ako kung bakit ba ako pumayag na magpaligaw kay Clyde. Hindi ko iyon napaghandaan, hindi ko naman kasi inaasahan na manliligaw kaagad siya. Paano kapag naging kami na at nagbago siya? Paano kung biglang magbago ang lahat? Natatakot ako na baka totoo ‘yong sa una lang masaya. Sa umpisa masaya pa at nagkakaintindihan pero kapag tumagal ay puro na away at hindi na nagkakaintindihan.

Pero tama si Clyde. Paano ko malalaman kung hindi ko susubukan? Kaya kahit takot na takot akong masaktan ay susubukan kong magpaligaw. Kung masaktan ako at least hindi ako naduwag na harapin ang aking kinatatakutan.

“Zyrie, gusto ka raw ligawan ni Ace.” Chat ni Via sa akin—kaibigan ko rito sa RPW.  Ang Ace na tinutukoy niya ay ang boybestfriend niya na may gusto raw sa akin. Buti pa rito sa RPW habulin ako.

“May nanliligaw na sa akin ehh.” Reply ko. Ayoko naman na mag-entertain pa ng iba gayong may nanliligaw na sa akin.

“Hala seryoso? Akala ko ba ayaw mo?” tanong nito.

“Gusto kong subukan eh. Atsaka gusto ko yung nanliligaw sa akin.” Nakakagat na labi ako nang i-reply ko iyon sa kanya.

“Ayieee. Ikaw ahh. Sino naman ‘yang manliligaw mo?”

“Clyde Vexon ang pangalan niya.”

“Ayyy. Ma-stalk nga.”

“Wala kang ma-stalk doon. Wala nga ni kahit isang post.”

“Hala. Grabi naman yan.”

“Tatanungin ko nga mamaya. Nag offline kasi, kakain daw muna.”

Nagpalitan pa kami ng chat. Inaasar pa ako at marami pa kaming napag-usapan ni Via—naging kaibigan ko siya noong unang araw ko pa lang sa RPW. Nag-comment kasi siya sa post ko na ‘I'm newbie, can I have your warm welcome’. Hindi ko akalain na ro’n pala magsisimula ang friendship namin. Mabait siya at madaldal, hindi ka ma-bo-boring kapag kausap siya. Palaging may baong topic kaya hindi kami nawawalan ng pinag-uusapan. Siya rin ‘yong tipo ng kaibigan na hindi ka hahayaang mag-isa kahit tanging sa chat lang kayo nag-uusap.

“Zy, bye muna. May gagawin lang ako.” Paalam na nito sa akin.

“Sige. Mag-log out na rin muna ako.” Reply ko.

“Sige.”

Hindi na ako nag-reply pa. Hindi pa naman online si Clyde kaya mag-log out muna ako.

“Mag-log out din muna ako. Babalik ako mamaya. May gagawin lang ako. Bye. Ingat.”  Nag-log out na ako matapos na ma-send ang chat ko kay Clyde

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro