13: Gangsters?

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Song: Blind by Monsta X


Napatigil ako sa paglalakad nang malapit na ako sa Dean's Office. Una sa lahat, alam ko ang dahilan kung bakit ako pinapatawag ng Dean. Pero hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nakapasok na ako sa office nya.

Baka maexpel ka Mozy.

Napagakat ako ng labi dahil sa naisip kong iyon.

Hindi ko maimagine ang mukha ni dad kapag nalaman nya to. He'll be disappointed with me.

But you need to go meet the Dean right now.

Huminga ako ng malalim. Tama na Mozy. Face the consequence.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at kumatok na nga sa pinto. Matapos iyon ay pumasok na ako.

Mas lalong dumoble ang kaba ko dahil sa sobrang lamig ng office ni Dean.

"Have a seat Ms. Montgomory," sinunod ko si Dean at naupo na nga.

Hindi ako makatingin sakanya. Nakakahiya lang kasi dahil kilala nya pa si dad.

"Are you aware why you're here right now Ms. Montgomory?,"

Napalunok ako bago tumango.

"I'm sorry Dean," I said. Kahit na alam kong walang magbabago sa sinabi kong iyon.

"Look at me Ms. Montogomory,"

Huminga ako ng malalim saka tiningnan nga si Dean.

"Kamukha mo talaga ang dad mo at hindi ko inaasahang mukhang parehas din kayong troublemaker," ngumiti sya.

Kinakabahan parin ako lalo na't binaggit na nya si dad.

"Ma-eexpel po ba ako?," tanong ko.

Nagulat ako sa reaksyon nyang 'gulat' din sa tanong ko.

"I'm not that heartless Ms. Montgomory," lumiwanag ata ang mukha ko sa narinig ko.

"But it does not mean na palalampasin ko lang ang ginawa nyong pagtakas ni Mr. Elizandré,"

Nawala ang ngiti sa labi ko.

"Hindi kita pinagbabawalan na makipagkaibigan sa grupong iyon. Hindi ko mapipigilan ang dapat mangyari but I'm here to guide you all," napatango ako.

"Kahit anong parusa po dean tatanggapin ko po. Pero sana hindi po to makarating kay dad," I pleaded.

Baka kasi kapag nalaman nya ay ibalik nya ako kay mom. I don't belong there anymore.

"You want me to keep secrets from your dad?,"

Tumungo ako. Ano ba tong mga pinagsasasabi ko.

"Wala na po kasi akong mapupuntahan. I can't go back to where I came from, everything has changed. And I think I finally found where I belong, nakakatawa man pero satingin ko ay dito sa academy ako nababagay,"

Hindi ko alam kung paano at bakit ko nasabi ang linyang yun. Pero maaaring totoo yun o baka hindi.

"I thought it too Ms. Montgomory. I think you really belong here,"

Pinasadahan ko ng tingin si Dean.

"Talaga po? It means hindi nyo po ako isusumbong sa dad ko?," tumango sya.

"It's a secret between us," nakahinga ako ng malalim.

"Naging student din ako noon kaya alam ko ang pakiramdam," napahawak ako sa dibdib ko.

Kahit na anong parusa ay tatanggapin ko. Hindi ko rin naman na uulitin ang pagtakas dahil piangsabihan ako hindi lang ni Minhyuk kundi lahat ng boys. Delikado daw ang ginawa namin ni Hyungwon.

"Bilang parusa mo naman. Tutulungan mo si Ms. Gilda sa library after your class for two weeks. I think it's enough to cool everything,"

Nagpapasalamat ako sa narinig ko. Ang bait ni Dean! Naawa sya sakin!

"You can go now Ms. Montogomory," agad akong tumayo.

"Maraming salamat talaga Dean," ani ko.

Nginitian naman nya ako. Yung ngiti na alam kong hindi pilit.

"Anyway, may sasabihin pa pala ako sayo,"

"Ano po yun Dean?,"

Kinabahan na naman ako, baka kasi bawiin nya.

"You can trust them,"

Napatango ako sa sinabi nyang iyon kahit na hindi ko naman naintindihan. Lumabas ako matapos iyon at abot-abot ang saya ko dahil hindi ako mae-expel!

Makakahinga na talaga ako ng maayos dahil okay na ang lahat.

Nagsimula akong maglakad pababa at nakasalubong ko si Jooheon at Cindy. Awe. Ang cute nilang tingnan.

"Mozy!," bati ni Jooheon.

Ngumiti ako.

"O ano? Pinagalitan ka ba ni Ally?," kumunot ang noo ko.

"Si Dean ba?," tumango si Jooheon.

Masyado namang informal ang Ally. Anyway.

"Hindi pero kailangan kong tumulong kay Ms. Gilda sa library, parusa ko," saad ko. Napatango si Jooheon.

Napunta naman ang tingin ko kay Cindy. Malapad ang ngiti nya sakin.

"Tama ka babe, mas maganda sa malapitan si Mozy,"

Gulat ako sa sinabi nya. Ghad. Nakakahiya.

"Hi! Ako nga pala si Cindy! I'm pleased to meet the New Queen," nilahad nya ang kamay nya at agad ko namang tinanggap iyon.

"Just call me Mozy,"I said.

"Sabay ka na samin maglunch!,"hindi pa ako nakakapagsalita ay hinila na ako ni Cindy pababa.

Ang daldal nya at ang hyper, naalala ko si Delilah sakanya. No wonder nagustuhan sya ni Jooheon. Ang cute nya din kasi.

Nakarating kami sa Dining Hall at nakita namin ang kumakaway na mga boys. Hinila ako papunta doon ni Cindy. Balak ko pa naman sanang umiwas kahit ngayong araw lang. Kahapon lang kasi ay ang init ng ulo sakin ni Minhyuk. At andun sya ngayon.

"Hi boys!," bati ni Cindy.

"Nasaan si Jooheon?," tanong ni Shownu.

"Iniwan ko, kasama ko ang Queen eh," aniya.

Kapag talaga naghiwalay ang dalawa ay iisipin kong dahil yun sakin.

"Nasaan si Hyungwon?," Cindy asked.

Napatingin sya sakin kaya agad akong nagkibit balikat.

Hindi ko alam kung nasaan ang Sleeping Pills na yun. Hindi ko pa sya nakikita ngayong araw. Mukhang iniiwasan nya rin ako.

"Babe," binitawan naman ako ni Cindy nang makarating si Jooheon.

Nag-usap si Jooheon at si Cindy habang ako ay nakiupo sa mga boys.

"Kinausap ka daw ni Ally?," tiningnan ko si I.M.

"Yeah. Pero okay na," sagot ko.

"I'm sorry again guys," I bite my lips.

"Nah. Nevermind it Mozy. Mukhang sumobra din ata kami kagabi. We overreacted," pahayag ni Shownu. Kita ko ang pagkindat ni Wonho sakin.

Agad akong umiling.

"No. Pinag-alala ko kayo kaya pasensya na talaga," tiningnan ko ang kumakain na si Minhyuk. He's not lending me his attention pero alam kong nakikinig sya.

"Hihiramin ko muna ang Queen ah," aniya

Tiningnan ko si Cindy saka nalaman ko nalang na hinila nya ako palayo sakanila sa hindi ko malaman na dahilan.

Umupo kami sa bakanteng table at may pangkain ng nakahanda.

"Salamat sa pagkuha ng pagkain," saad ko.

"Anything for you Queen," nakakaawkward lang talaga kapag tinatawag akong ganon.

"Pwede bang Mozy na lang? Nakakailang kasi e," tiningnan nya ako.

"Tama nga ang lahat ng mga sinabi ni babe sakin. Iba ka sa lahat," kumunot ang noo ko.

"Ang dami atang nakukuwento ni Jooheon tungkol sakin," I said. Tumango sya.

"Hindi lang naman sya kundi ang iba din. Look at the students around you, they're wondering what kind of Queen you are,"

Pinasadahan ko ng tingin ang mga nasa Dining Hall at hindi parin talaga nawawala ang mga titig at pagbubulungan nila.

"Kind of Queen?," binalik ko ang tingin sakanya.

"Yep,"

Wala akong maintindihan.

"I will explain everything to you Queen. Mukhang kailangan mong malaman kung anong klaseng academy tong Monsta X," she said.

Napatango ako. May mga tanong nga ako na hindi pa nasasagot. Lalo na yung Burlington.

"Una kong ipapaliwanag ang ranking dito sa academy so listen carefully," napatango na naman ako.

"What kind of ranking?," I wondered.

Uminom sya ng juice bago magsalita.

"Ranking base on power and popularity," she said.

"Magsisimula tayo sa 7th rank at nasa pwestong yun ang babe ko," malapad ang ngiti nya.

"Si Jooheon?,"

"Yep! Si Jooheon Grazeldo, isa sya sa mga anak ng may-ari ng Monsta X Academy. Nasa rank 7 sya dahil hindi sya masyadong friendly at medyo may pagkabully din sya sa mga students dito,"

Hindi ako nagsalita at hahayaan ko na lang na magsalita si Cindy.

"Nasa ika anim si Shownu Vuenas. Isa din sa anak ng mga may-ari ng academy. He's the leader of the group. Mabait pero tahimik at napagkakamalang snob,"

"5th placer si Chang Kyun Preston o mas kilalang I.M. Sya ang pinakabata sa grupo nila. At kagaya ng iba ay anak din sya ng isa sa mga nagmamay-ari dito sa academy,"

"Nasa ikaapat si Wonho Kriston. He's approachable kaya na rin nasa ikaapat ang ranking nya. Nagmamay-ari din sya ng Monsta X Academy,"

"Ang first, second at third ang pinakaimportante sa lahat dahil dito mas malaki ang chance na sundin ng mga students dito ang utos nila. Katulad ni Kihyun na inanunsyong ikaw ang bagong Queen ng Monsta X noong nagdaang araw, lahat ay naniwala dahil nasa ikatatlong pwesto sya,"

"Pangalawa si Minhyuk at nasa pinakaunang pwesto si Hyungwon na hindi mapalit-palitan. Kaya kahit na anong sabihin ni Hyungwon ay susundin ng lahat dito,"

Napatango ako.

Napuno ata ng utak ko. May ganitong sistema pala sa academy na to, kaya pala big deal ang lahat.

"Eh diba girlfriend ka ni Jooheon? Dapat ikaw ang maging Queen," nasabi ko.

Umiling sya.

"Hindi ako pwedeng maging Queen dahil sabi ko nga ang first, second at third placer lang ang may makakapagsabing magiging Queen ka. At hindi naman yun ang habol ko kay Jooheon,"

Napabuntong hininga ako.

"Nalalaman ang ranking thru voting online. Ngayong semestre, si Hyungwon Elizandré parin ang nasa first place. Si Minhyuk Trejos naman at Kihyun Albranxas ay madalas nagpapalitan lang ng pwesto pero ngayong semestre si Minhyuk ang pumangalawa habang nasa ikatatlo na si Kihyun,"

So superior talaga silang pito dito. Bukod sa pagiging may-ari nila sa academy na to may mga ganito ring pakulong ranking ang Monsta X Academy. Kaya pala masyado silang informal kay Dean. They're just calling her Ally.

Hmmm..

"Kaya no matter you like it or not hindi mo na mapipigilan ang pagiging Queen mo dito. Pinili ka na nila. Lalo na ni Hyungwon,"

Pinili ako ni Hyungwon.

"Cindy. May nakalimutan ka pa bang sabihin sakin?," I asked.

Tumango sya.

"Yeah. Marami pa actually,"

"Can you tell me what are they? I mean ang mga boys. What are they?,"

Napa -ah sya.

"They're gangsters," simple nyang saad.

"Gangsters?," balik kong tanong.

"Yeah. Pero ngayon hindi na. They're not fighting because they make a pledge,"

Naalala ko bigla ang napag-usapan nila Shownu sa gym at yung sinabi ni Wonho sakin na 'we're just good at fighting'. Now, I get it.

"May nangyari sa Monsta X Academy last year kaya natigil sila," tiningnan ko ang mga boys.

Curious parin ako kahit na may alam na ako sakanila.

"Matagal ng walang Queen ang Monsta X Academy kaya naninibago pa ata ang mga students dito. Pero don't worry, masasanay na din yan sila,"

Napapansin ko lang talaga na tinatawag akong 'New Queen'.

"Ibig mong sabihin ay may naging Queen na talaga noon?," tumango si Cindy.

This conversation is getting weirder.

"Yep. May dalawa ng naging Queen ng Monsta X at ikaw ang pangatlo,"

"What happened to them?," I asked.

"Let's talk about it next time. Papalapit si Hyungwon dito," agad syang tumayo saka iniwan ako. Pwede naman syang umusog pero iniwan talaga ako.

Nakita ko nga ang papalapit na si Hyungwon sa pwesto ko.

Pinanood ko syang maupo sa harap ko.

"How are you?," bungad nya.

"I'm fine. How about you? Okay na ba kayong pito?," I sound so troubled about it.

"Yeah. Don't stress yourself about us,"

Tss.. dahil nga sakin ay nagkakagulo kayo.

Pinasadahan ko ng tingin ang mukha ni Hyungwon. Ngayon lang bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi ni Cindy sakin.

They're gangsters.

So gangster pala tong Sleeping Pills na to at nasa ikaunang pwesto pa sya dito.

At kung tama ang nasa isip ko na ang Burlington ay isa ring grupo ng gangsters at kaaway nila ito.

"Hey,"

He pinched my nose.

"Hindi ka nakikinig," aniya.

"I said, Kihyun's glaring at me," tiningnan ko si Kihyun sa pwesto nila. Nakatingin nga sya samin. Natural lang naman siguro na tumingin yung tao diba?

Kumaway si Wonho sakin habang napunta ang tingin ko kay Minhyuk na mabilis ding inalis ang tingin sakin.

"He likes you,"

Nabalik ko ang tingin kay Hyungwon.

"Sira. Masyado mo lang binibigyan ng kahulugan ang lahat," saad ko.

Tsss. Ano ba tong pinagsasasabi ng Sleeping Pills na to. Hindi nya ba naririnig ang mga sinasabi nya?

"I know him too well. He likes you," sinamaan ko sya ng tingin. Sige ipush mo pa yan.

"Ewan ko sayo Hyungwon," sabi ko.

Tumawa sya.

"But I'm not bothered," pinanood ko syang tumayo.

"Cause you're my Biscuit," aniya at umalis na.

Tsss. You're my Biscuit.

Tigilan mo nga ako Hyungwon. Kung anu-ano ang mga pinagsasasabi mo at baka maniwala na ako sayo.

M's Note:

Dedicated to: sha_shaa

Don't forget to:

Vote.

Comment.

Be a fan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro