14: Ligaw

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter Song: Honestly by Monsta X

Pagkatapos nga ng klase ko ay agad na tumungo ako sa library. Pinasadahan ako ng tingin ni Ms. Gilda na natigil sa ginagawa nya sa harap ng netbook nya.

"Ikaw na naman Montgomory," napangiti ako ng pilit sa sinabi nya.

"Opo. Ako na naman po," sabi ko.

"O sha. Katulad ng dati parin ang magiging trabaho mo. Pagpatak ng alasyete ng gabi ay matatapos ang parusa mo,"

Napatango ako. Agad din naman akong nagsimulang ibalik ang mga nagkalat na libro sa kani-kanilang shelves. Mabuti at kaonti na lang ang mga students na nasa library. Mukhang napunta nga lang dito ang mga students para guluhin tong library e.

Mahirap na parusa din to dahil sobrang laki ng library ng Monsta X at ang daming shelves. Isama mo pa na hindi ko kabisado ang lahat dito dahil kakalipat ko lang. Pero ayos na to kesa sa maexpel.

Matapos kong ilagay sa pushcart ang mga libro ay sinimulan ko ng hanapin ang mga number ng shelves nila. Hays. Nakakapanlumong tingnan ang mga kabundok na librong to.

Palibhasa kasi mayayaman ang mga students dito kaya hindi na nila binabalik sa shelves ang ginamit nilang libro.

Hawak-hawak ang libro sa History na nasa shelf 156 ay agad kong hinanap iyon. Mukhang sasakit ang leeg ko sa gawaing to.

"Turn right then left again, you will find the shelf 156,"

Natigilan ako nang makita ko ang nakasandal na si Minhyuk at nagbabasa ng libro.

Nang makabawi ako sa gulat ay nagpatuloy akong maglakad hanggang sa madaanan sya.

"Salamat," saad ko.

Hindi nya ako pinasadahan ng tingin. Hindi ko na rin hinintay na may sabihin sya at nagdire-diretso na sa shelf 156.

Nang mailagay ko ang History book ay sumilip akong muli sa pwesto ni Minhyuk kanina pero wala na sya.

Napailing ako. Bakit ba ako sumisilip.

"You need help?,"

Nabato ako sa kinatatayuan ko. Paano sya napunta dito?

Pero akakahiya.

Nahuli nya ako.

"Ah. Kaya ko na," sabi ko.

Hinarap ko sya.

Nang magtama ang mga tingin namin ay agad kong binaba iyon sa mga libro. Hindi talaga ako komportable kapag andito si Minhyuk. Para kasing may mali akong nagawa kaya andito sya.

"Seryoso ka?," tanong nya. Pinanood ko syang kumuha ng isang libro sa pushcart.

"Sobrang dami kaya nito,"

Alam ko naman. Pero hindi ako makapaniwalang kinakausap nya ako ngayon.

"Seryoso ka rin?,"binalik ko ang tanong dahil mukhang sakanya nararapat ang tanong na yun. Iniangat ko ang tingin sakanya.

"Seryoso ako," napatango ako.

Okay. Wala naman sigurong masama na tulungan ka ni Minhyuk. Think of this a an oppurtunity to talk to him Mozy.

"Sige. Mukhang kailangan ko nga ng tulong," nahihiyang saad ko.

Hindi sya sumagot pero nalaman ko na lang na tulak-tulak na nya ang cart kaya agad akong sumunod sakanya.

Nangyayari ba talaga to? Kasama ko ngayon si Minhyuk at tinutulungan nya ako sa pagsasauli ng mga libro?

Nag-iba yata ang ihip ng hangin ngayon.

"Minhyuk," napalunok ako matapos tawagin sya.

"Pasensya na talaga kagabi," I bite ny lips.

Kahit na nagsorry na ako kanina ay satingin ko dapat akong magsorry mismo sakanya.

Nakaharap ang malapad nyang likod sakin kaya nagkalakas loob akong magsalita.

"Masyado ba akong masama sayo Mozy?,"

Kumabog ang puso ko sa tanong nya.

Anong isasagot ko? Oo?

"Medyo?," sagot ko.

Rinig ko ang mahinang tawa nya.

"I guess that is a yes,"

I zip my mouth. Baka sirain ko ang sitwasyon na to. Pero chance ko na to para sabihin ang nasa utak ko kaya bahala na.

"Pasensya ka na. Alam ko namang ayaw mo akong maging parte ng buhay nyo at hindi ko rin naman inaasahan to. Para bang parati akong nadadawit sainyong pito at kahit anong iwas ko ay hindi ko iyon magawa. Kaya pasensya na talaga Minhyuk kung kailangan mong makisama sakin. Ayos lang naman kahit na hindi mo ko kausapin hindi naman kita---,"

"Ang sama ko nga talaga sayo," singit nya.

Napatingala ako nang humarap sya sakin.

Ngayon ay nangangatog na tong tuhod ko.

"I have my reasons why I did that. Ayoko lang maulit ang mga nangyari noon. I'm saving you from a nightmare but I think I need to accept the situation right now. Hindi ko na mapipigilan to,"

Tama ba tong naririnig ko ngayon?

Gulat na gulat parin ako na nag-uusap kami e. Baka doppleganger lang to ni Minhyuk o baka nasa isipan ko lang to.

"Welcome to the clan Mozy---I mean Queen,"

Naghuhuramentado ang puso ko dahil sa saya? Hindi ko maintindihan pero ang saya ko ngayon! Honestly, this is the best news I've ever heard!

Parang nawala yung barrier saming dalawa. Ang sarap lang sa pakiramdam na wala na tong kaba kapag andito si Minhyuk.

"Bilisan na natin to para makasabay tayong kumain sa iba,"

Masaya akong tumango at nagpatuloy nga kami sa pagsasauli ng mga libro.

At bandang alas syete nga ay natapos namin ni Minhyuk ang trabaho ko.

Pinasadahan ako ng kakaibang tingin ni Ms. Gilda nang magpaalam ako sakanya. Dahil narin siguro nasa likod ko si Minhyuk.

I'm sure they're aware about that ranking at kasama ko ngayon ang second placer. Still can't believe I'm with a gangster.

Pagkalabas namin sa library ay sabay kaming tumungo sa Dining Hall. Wala naman kaming pinag-usapan at hindi ko masasabing close na talaga kami ngayon.

Kontento na ako kung ano kami ngayon ni Minhyuk. 'Accepted' na ako kaya wala na akong hihilingin pa.

Kaya nang makarating kami sa Dining Hall ay pansin ko ang ibang tingin ng mga boys. Nagtataka siguro kung bakit sabay kami.

"Kanina ka pa namin hinanap, saan ka ba galing?," tanong ni Kihyun kay Minhyuk nang makaupo kami.

Binigyan ako ng kakaibang tingin ni Hyungwon na nasa harap ko. Himala at andito sya. Akala ko natutulog na naman to.

"Nagpahangin lang," rinig kong saad ni Minhyuk.

Hindi ko talaga maiwasan ang hindi mapangiti kaya pinipigilan ko ito hangga't maaari. Baka mapansin ng iba at magtanong na naman.

"Gusto mo bang kausapin namin si Ally tungkol sa parusa mo?," tiningnan ko si Kihyun.

"Huwag na. Ayos lang naman sakin ang parusang yun. I'm even grateful na naparusahan ako," napatango si Kihyun.

Tama nga ang sinabi nilang nangyayari ang lahat dahil may dahilan ang mga ito. Kung siguro hindi kami nagcut ni Hyungwon ay hindi rin kami magkakausap ni Minhyuk.

Kaya matapos ang dinner na yun ay masarap ang naging tulog ko. At kinabukasan ay hindi ako na ako nakaramdam ng kahit na anong kaba kapag naiisip kong makikita ko si Minhyuk sa next subject ko. Hindi katulad ng dati na halos manlamig ako kapag andyan sya.

Finally. Tapos na ang cold war sa pagitan namin ni Minhyuk.

Pinasadahan ko ng tingin ang nakatingin sa bintanang si Hyungwon na nakaearphones nang makapasok ako sa classroom.

Pagkaupo ko sa tabi nya tiningnan nya ako.

"Bakit?," natanong ko nang titigan nya ako.

"Nakita kita,"

Kumunot ang noo ko.

"Ha?," tanong ko. Blanko ang ekspresyon ng mukha nya.

"Nakita na naman kita," aniya.

This is really awkward.

Nilapit nya ang mukha nya sakin kaya napaatras ako.

"Sa panaginip ko," ngumiti sya matapos sabihin iyon.

"Baliw," I uttered. Akala ko naman kung saan nya ako nakita. Doon parin kasi sya natutulog sa kwarto ko at baka kung anu-ano na ang nakikita nya.

Nakakapraning naman tong si Hyungwon.

Tumayo sya matapos iyon.

"Tara Biscuit. Walang pasok ngayon," sinundan ko sya ng tingin.

Kinakabahan ako kapag niyayaya ako ni Hyungwon.

Sumunod ako kay Hyungwon dahil wala ngang tao sa classroom. Teka, wala ba talagang pasok?

"Hyungwon. Bakit walang klase ngayon?," tanong ko nang mahabol ko sya.

"May mga bisita," aniya.

Kumunot ang noo ko. Hindi na ako nagtanong hanggang sa makababa kami sa building.

"Tara sa hideout," aniya.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Bakit parang may fiesta? May mga bandaritas kasi akong nakikita at mukhang busy ang Monsta X Academy. Sabagay, may mga bisita nga kaya dapat maghanda.

"Sinong bibisita sa academy?," natanong ko.

"Some old people," aniya.

Napatango ako.

Umangkas na ako sa likod ng bmx nya. Malawak ang Monsta X Academy kaya mas mainam na magbisekleta.

Nagsimulang magpedal si Hyungwon. Amoy na amoy ko na naman ang pabango nya. Amoy chocolate talaga sya.

Nahuli ko naman ang mga tingin ng mga students samin. Hindi ko na lang pinansin ang mga iyon, siguro masasanay na rin ako na tingnan ako ng ganun.

Bumaba ako nang makarating kami sa hideout. Pagkapasok namin ni Hyungwon ay nadatnan ko ang hideout na tahimik. Si Cindy lang ata ang maingay at ang nakikita ko ngayon.

Usually kasi kapag ganito ay puno ng ingay at tawa ang hideout.

"Queen!," lumapit sya sakin at niyakap ako.

"Buti at dumating ka na. Ang gloomy ng ambiance dito e," aniya.

Pinanood kong ilagay ni Hyungwon ang bmx nya sa gilid saka pumasok sa isang kwarto.

"Anong meron Cindy?," tanong ko.

Umupo kami ni Cindy sa couch.

"Nasaan ang mga boys?," tanong ko na naman.

Ang tahimik e.

"Nasa mga kwarto nila at nagkukulong," mahina nyang saad.

"Ha? Nagkukulong? May nangyari ba?," umiling si Cindy.

"Wala pa pero maya-maya ay meron na,"

Hindi ko sya maintindihan.

"Ay hindi mo nga pa pala alam ang tungkol sa mga dad nila,"

Napa-ah ako.

"Ganito kasi yan. Bibisita ang mga dad nila ngayon, kaya ganyan na lang silang pito," paliwanag ni Cindy.

Yung bibisita pala dito na 'old people' na sinabi ni Hyungwon ay mga dad nila.

Tsss. Anong old people Hyungwon.

"Kaya sila malungkot? Diba dapat maging masaya sila?," nasabi ko. Kung bibisita si dad dito ay sasalubungin ko talaga sya sa gate ng Monsta X Academy.

"Hindi kasi maganda ang relasyon nila sa mga dad nila," tiningnan ko ang mga pinto ng kwarto nila.

"Talaga? Ang lungkot naman marinig yun," sabi ko.

"Sinabi mo pa. Minsan nga lang sila bisitahin ng mga dad nila pero ganito ang inaasta nilang pito. Tss.. si Jooheon pinipilit kong salubungin ang dad nya. Alam ko naman kasing namimiss nya ang dad nya pero lahat sila ay mapride," napailing si Cindy.

Napabuntong hininga naman ako.

"Diba magkakaibigan din ang mga dad nila kaya sila naging magkakaibigan?," tumango si Cindy.

Naalala ko lang ang nakwento ni Kihyun sakin.

"Para kasi sakanila, Monsta X Academy is a prison. Pinatapon sila dito ng mga magulang nila kaya naging malayo ang loob nila sakanila. I can't blame them too," bumuntong hininga na naman si Cindy.

"Pero alam mo ba na lahat sila ay only child? Nakakatawa nga isipin na puro lalaki ang naging anak ng mga dad nila. Friendship goals kung baga," natawa ako.

"Kaya nga siguro naging totoo ang like father like son,"

"What dyou mean Cindy?,"

Ang dami nyang sinasabi sakin hindi ko naman maintindihan.

"Hindi ko nga pala nabanggit na dating mga gangsters din ang mga dad nila at dito rin nag-aral ang mga yun sa Monsta X Academy. Nasa lahi talaga nila ang pagiging gangster,"

Napa-oh ako.

"Ang dami mo namang alam tungkol sakanila Cindy," nasabi ko. Ngumiti sya ng malapad.

"Syempre. Ever since first year ako crush ko na si Jooheon kaya inalaman ko lahat sakanila," may tili sa huli akong narinig.

Okay.

Gangsters ang mga dad nila at bibisita sila ngayon dito. Great. Kaya pala bongga ang paghahanda ng academy dahil darating ang mga may-ari ng school.

Napapaisip tuloy ako sa mga dad ng boys. Bigla akong kinabahan dahil mukhang pati ako ay madadamay dito.

Pero speaking of dad. Alam kaya ni dad ang tungkol sa bagay na to? Alam nya kayang iniwan nya ang kaisa-isang anak nya sa academy ng mga gangsters? Sumasakit ang ulo ko sa mga sarili kong tanong.

Tatanungin ko na lang si dad kapag bumisita sya dito.

"Pero syempre, hindi ko naman alam lahat tungkol sakanila. May mga nakatago parin silang sekreto na hindi ko alam. Gaya na lang ni Hyungwon, sakanilang pito, kaonti lang ang nalalaman ko sakanya,"

Nabalik ang tingin ko sakanya.

At bakit naman napunta kay Hyungwon ang usapan namin.

"Speaking of Hyungwon. Kayo ba o hindi? Naguguluhan din kasi ako dahil nililink ka nila kay Kihyun,"

Sabi ko na nga ba at dito mapupunta ang usapang to.

Naghihintay sya ng isasagot ko nang pareho kaming napatingin sa kadadating na si Kihyun. Speaking of him.

Naramdaman ko ang pagsundot ni Cindy sa tagiliran ko.

"Mozy," ani ni Kihyun nang lumapit sya samin.

"Pwede mo ba akong samahan?," tanong nya.

"Saan naman?," binalik ko ang tanong.

"Sa Dean's Office pinapatawag ako ni Ally," napatango na lang ako sabay tayo.

Nagpaaalam kami kay Cindy at lumabas na nga ng hideout. Napirmi naman ang tingin ko sa bmx ni Kihyun.

"Mukhang bagong linis si Alaska," I said.

Tiningnan ako ni Kihyun. Iba yung tingin nya sakin.

"I think I should change my bmx's name. May isusuggest ka ba?," agad akong nag-isip.

"Maganda naman ang Alaska ah," nasabi ko.

Ngumiti sya.

"Wala ka lang maisip kaya mo nasabi yan," napangisi ako sa sinabi nya. Totoo naman pero totoo rin na wala akong maisip.

Sumakay na sya sa bmx at ako naman ay umangkas na rin sa likod. Hindi ako sanay na umangkas kay Kihyun, mas komportable kasi ako kay Hyungwon.
Err. Ano bang naiisip mo Mozy. Napailing ako. Si Cindy kasi.

Nang magsimula nang magpedal si Kihyun ay napansin kong hindi kami patungo sa building kung saan andun ang Dean's Office. Papunta kami sa Camping Site.

"Ugh. Kihyun, what is happening?," natanong ko nang makababa ako at pinasadahan ang Camping Site.

Bakit ang daming students na may hawak na bulaklak? May patay ba?

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng music. Isang romantic music to be exact.

Pinasadahan ko ng tingin si Kihyun.

"Ano bang nangyayari," ulit ko.

"Mozy,"

Nagsimula akong kabahan nang hawakan ni Kihyun ang isang kamay ko.

Napuno ng tilian ang paligid habang ako ay nanigas na dito sa kinatatayuan ko.

"Pwede ba kitang ligawan?," nakatingin ng diretso sakin si Kihyun nang tanungin nya ako nun.

Tuluyan na akong nabaliw sa tilian ng nga students sa paligid at nagsimula silang mag chant ng 'Yes'.

Okay. What now Mozy.


Author's note:

Dedicated to: misssulli10

Don't forget:

VOTE.

COMMENT.

BE A FAN!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro