16: Kiss?

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Song: Amen by Monsta X

Nagising ako nang may maramdaman ako sa mukha ko. Pagkadilat ko ay nakita ko si Cutie. Bakit amoy tsokolate din tong si Cutie? Kaamoy na nya si Hyungwon.

"Meow," aniya.

Ang cute ng mga mata nya na nakatingin sakin.

"Goodmorning Cutie, salamat sa paggising sakin," ani ko.

Bumangon ako at kinarga ko sya. Pinasadahan ko ang kama ni Hyungwon at wala na sya. Oh well.

"Pakakain na kita," naglakad ako patungo sa drawer saka kinuha ang pagkain na binili ni Hyungwon para sakanya.

Ibinaba ko si Cutie at naramdaman ko ang paglalambing nya sa paanan ko.

"Wait for awhile," natatawa kong saad dahil panay sya sa pagm-meow.

Mabilis kong hinanda ang pagkain nya saka nilapag na ito. Pinanood ko syang kumain.

"I want to remember someone,"

Biglang napasok sa isipan ko ang usapan namin kagabi.

Sa susunod Mozy, hayaan mo ng matulog si Hyungwon. Importante sakanya ang mga alaalang iyon. Atleast sya mukhang may pag-asa pang mabalik ang mga nawalang alaala nya kaya tulungan mo sya.

Tumayo ako matapos iyon at nag-inat. Friday na nga pala ngayon! Masaya kong tinungo ang banyo para maligo na, may pakanta-kanta pa akong nalalaman habang naliligo ako kaya nang makalabas ako nang nakasuot lang ng towel ay napasigaw ako.

"What are you doing here!," nayakap ko ang sarili ko habang nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin kay Hyungwon na karga si Cutie.

Pati si Cutie nanlalaki ang mga mata sakin.

Tinakpan nya ang mata ni Cutie. Dapat yung mga mata nya ang tinatakpan nya!

"S-stop staring at me!," I'm stuttering!

Umiinit ang pisngi ko sa tingin ni Hyungwon sakin. What the hell! Bakit sya napunta dito!

Mas lalo yata akong namula nang makita ko ang pagngiti nya.

Jusko Mozy! Bumalik ka na sa banyo! Ano pang hinihintay mo!

"U-umalis ka na nga!,"

Mabilis akong tumakbo pabalik sa banyo.

Nasapo ko ang noo ko. Bwisit.

Nakita nya akong nakatowel lang! Jusko Mozy! Una undies ngayon nakatowel ka lang!

Napapikit ako. Gusto kong magmura ng maraming beses kapag naalala ko ang ngiti ni Hyungwon. Para akong tanga sa totoo lang.

"Bakit ba to nangyayari," I uttered.

Akala ko kasi hindi na sya babalik dito. Nakalimutan kong napunta nga pala ang lalaking yun dito kahit anong oras nya gusto!

Narinig nya kaya pati ang pagkanta ko sa banyo?

Ghad.

Ang daming kong kahihiyan ngayong araw! Friday the 13th ba?

Sobra ang kabog ng puso ko ngayon. Gusto ko na lang matunaw dito dahil sa kahihiyan. Lupa, pwede mo na ang lamunin.

Umalis na kaya yun?

"Biscuit," kumakatok sya sa pinto.

Napakagat ako ng labi. Andito pa sya! What the Hyungwon! Kailangan ko ng magbihis!

"U-umalis ka na!," nanginginig ang labi ko.

"You need help?,"

Mas lalong nanlalaki ang mga mata ko sa narinig ko.

"Anong tulong! Umalis ka na! Yun ang kailangan ko!,"

Jusko Hyungwon. Parang awa mo na. Wala na akong mukhang maipapakita sayo!

"Just kidding. Okay. I'll leave now,"

Did I just heard him laugh or what?

Sobra talaga ang init ng katawan ko ngayon.

Nasampal ko ang pisngi ko.

Panaginip ba to?

Matapos ang kahihiyan na iyon ay sinumpa ko na si Hyungwon. Tsss!

Bakit ba kasi nakalimutan mo ang tungkol sa bagay na yun Mozy? Hays. Kelan ko kaya to makakalimutan? Nakakahiya talaga kahit saang anggulo tingnan.

Bumuntong hininga ako bago lumabas ng kwarto.

Napahawak ako sa dibdib ko nang makita ko si Kihyun.

Bakit ba nila ako ginugulat ngayong araw!

Mabuti na lang talaga at wala akong sakit sa puso. Ikakamatay ko ang mga tao dito.

"Good morning Mozy," aniya.

Ngumiti ako.

"Good morning din,"

"What brought you here?," natanong ko.

"Sinusundo kita," sabi nya sabay abot ng isang rosas.



My heart skip a beat.


Wala pang nagbibigay ng bulaklak sakin maliban kay dad.

Nakalimutan kong nililigawan pala ako ni Kihyun. Wala na sa tamang takbo tong utak ko.

Tinanggap ko ang rose sabay sabing 'thank you' at sabay na nga kaming tumungo sa Monsta Building.

Habang papalapit kami sa building ay naisip kong kaklase ko nga pala si Hyungwon sa first subject ko at magkatabi pa kami. How unfortunate Mozy.

Sana ay natutulog yun ngayon. Jusko. Hindi pa rin ako makaget over sa nangyari kanina.

Nang nasa labas na kami ng room ko ay nagpaalam na ako kay Kihyun. Hindi naman talaga nya kailangan na ihatid pa ako sa classroom ko. Feeling ko tuloy kindergarten ako.

At pagkapasok ko nga sa classroom ay nakita ko ang naka-ub ob sa table na si Hyungwon. Thank God tinupad ang hiling ko.

Tahimik akong naupo ako sa tabi nya. Huminga ako ng malalim. Hayaan mo na syang matulog Mozy at baka ngayon ay nananaginip na sya.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaklase ko. Ang sama ng tingin nila sakin (as usual.) Nanliliit ang mga mata nila at mukhang masasama ang nasa isip nila. Ang sabi ni Cindy na masasanay lang din sila sa bagong 'Queen' nila. Pero mukhang ako yata ang hindi masasanay sa ganito.

Hindi ko na sila pag-aaksyahan ng oras. Bahala na sila sa iniisip nila.


Inalis ko ang tingin ko at napunta sa rosas na nilapag ko sa table ko. Kailangan ko talagang sabihin kay dad ang mga nangyayari sakin ngayon. He needs to know na nagpaligaw na ako at naging instant Queen ako at meron pa pala, na may mga gangster blood ang mga kaibigan ko.

Pero kinakabahan din ako.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ni dad.

Napako ang pangako ko.

Hays. Napasandal ako sa upuan ko.

Kinabahan naman ako nang makita ko ang paggalaw ni Hyungwon.

Please. Matulog ka na lang dyan! Tutal hindi ka naman sinisita ng teacher natin!

Nakahinga ako ng malalim nang hindi naman sya nagising.

Dumating na rin sawakas ang teacher namin at nagsimula na ang discussion. Since History ang first subject ko ay tungkol sa nakaraan ang diniscuss ni Teacher Carlos.

Natigil ako sa pagsusulat nang sabihin nya ang linyang 'Without knowing what the past you can never understand the present'.


Nakakarelate ako sa sinabi ni Teacher Carlos. Marami akong hindi naiinitindihan sa buhay ko dahil kulang ang nasa utak ko. May mga nawawalang mahalagang impormasyon.

Tiningnan ko ang natutulog na si Hyungwon. Sana maaalala mo na ang mga panaginip mo Hyungwon. Ipagdarasal ko yan.


Gumawa kami ng reaction paper tungkol sa topic namin. After that, natapos ang first subject ko.

"Tulog pa rin," I uttered.

Nang marinig ko na ang bell ay tumayo na ako para pumunta sa second subject ko. Hindi ko na sya gigisingin.

Lumabas ako ng classroom at pagkapasok ko sa classroom ay nakita ko si Minhyuk.

Napangiti ako. Hindi na kasi ako natatakot sakanya.

"Good morning," bati ko.

Gulat sya nang makita ako pero agad din namang nawala iyon sa mukha nya at binati ako.

Napadpad ang tingin nya sa rosas na nasa kamay ko.

"Galing kay Kihyun," saad ko. Napatango sya.

Mabilis kong pinasok sa bag ang rosas at baka sitahin ako ng mga teacher namin.

"Seryoso talaga sya sayo," aniya.

"Talaga? Pinapabango mo ata si Kihyun sakin," ngumiti sya.

"Hindi sa ganon. Nakikita ko lang na nagbalik na ang dating Kihyun at mukhang dahil yun sayo,"

Binigyan ko sya ng nagtatakang ekspresyon.

Nagbalik na ang dating Kihyun? Dahil sakin? Ano bang ginawa ko kay Kihyun.

"Good morning class," pumasok si Teacher Flores kaya nagsitahimik na kaming lahat.


Itatanong ko pa sana kung anong ibigsabihin ni Minhyuk pero hindi ko na ginawa dahil nasa harap kami nakaupo.

We discussed about emotions and art since tungkol to sa Humanities. Nagkaroon ng recitation at mabuti ay nakasagot ako. Nakakahiya at baka sabihin ng mga taga Monsta X na ang 'New Queen' nila ay bobo. (Tinaggap ko na talaga ang pagiging Queen) Wala rin naman kasi akong choice kundi ang tanggapin ang title na yun.


Matapos iyon ay sabay kaming tumungo ni Minhyuk sa Dining Hall. Nakasalubong namin si Kihyun habang pababa kami sa Monsta Building kaya nauna na lang sya.

(Pwede naman syang sumabay samin)


"I'm glad nag-uusap na kayo ni Minhyuk," tiningnan ko si Kihyun na nakapamulsa.

"Oo nga. We're friends now," saad ko. Napansin nya rin siguro yung panahong hindi kami nagpapansinan ni Minhyuk.

"Lovebirds!," pareho kaming natigilan ni Kihyun at lumingon.

Nakita namin ang kumakaway na si Wonho kasama si I.M na may hawak na teddy bear.

"Kanino galing yan?," tanong ni Kihyun kay I.M nang makalapit sila samin.

"Stalker nya," sagot ni Wonho.

Kita ko ang pagbusangot ni I.M. Hindi naman nakapagtataka na magkaroon sila mga stalker dahil ang gaganda ng lahi nila.

"Tigilan nyo nga ako. Mas lalo lang ako naiinis," aniya at pinanood namin syang nagwalk out.

Tumawa si Wonho sa inasta ni I.M.

"Batang yun," rinig kong bulong ni Wonho.

Napunta naman ang tingin nya samin ni Kihyun. Nanunuya ang mga tingin nya samin kaya natawa ako.

"Pwedeng makithird wheel papuntang Dining Hall?,"

Sira talaga tong si Wonho.

So ayun sabay kaming tatlo pumunta sa Dining Hall at kumain ng lunch.


Pagkatapos ng lunch ay p.e namin kaya agad na dumiretso ako sa locker room para kunin ang p.e uniform ko.


Pagkapasok ko sa banyo ay walang tao kaya nagpapasalamat ako. Baka kasi kung anu-ano pa ang marinig kong usapan dito. Last time, ako ang topic ng mga students dito.


Habang nagpapalit ako ay nayakap ko ang sarili ko. Umiinit ang pisngi ko kapag naalala ko ang nangyari kanina!

Ang awkward lang talaga ng sitwasyon na yun.

Mabilis akong nagbihis at lumabas ng banyo. Tumungo na ako sa gym at naabutan ko nga ang mga boys ( Jooheon, Shownu, Wonho na naglalaro na basketball). Umupo ako sa bench.

Pinasadahan ko ng tingin ang gym at wala akong nakitang Hyungwon which is a good news. Hindi ko pa kayang makita ang Sleeping Pills na yun.

"Mozy,"

Napalingon ako at nakita ko si Minhyuk na may hawak-hawak na dalawang Blue.

Inabot nya ang isang Blue sakin.

"Ah..Pinapabigay ni Kihyun," napatango ako.


Tinanggap ko iyon. Si Kihyun talaga ginawa pang delivery boy si Minhyuk.

Sakto naman na narinig namin ang pagpito ng teacher namin kaya nagsipuntahan kami sakanya.

Sana ay hindi nya kami patakbuhin katulad nung dati.

Narinig ata ng langit ang dasal ko dahil ang naging activity lang namin ay ang magsulat ng essay tungkol sa paboritong sport namin, kaya hindi kami pinagpawisan.

Matapos ang p.e namin ay nagpalit na ako ng damit. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko nang magvibrate ito.


"Napatawag ata si Wonho?," natanong ko ang sarili ko bago sagutin ang tawag.


"Hello?,"

("Mozy totoo ba to?!,") sigaw nya kaya nailayo ang cellphone sa tenga ko.

"Anong totoo?," balik kong tanong.

("Wait. Isesend ko sayo,")

Naputol ang tawag at napatingin ako sa screen ng cellphone ko. Naghihintay sa tinutukoy ni Wonho.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sinend nya.

What the!

Nakatanggap ako ng text galing parin kay Wonho.

Wonho: Is that true? Pinapatanong ni Kihyun.

Napatakip ako ng bibig ko.

Ano tong picture na to!

Wonho: He's fuming mad with Hyungwon. Did you guys kiss here?


Anong naghalikan! Hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang picture na to! Tsaka wala pa akong first kiss!

I need to see Hyungwon right now. Nangangamoy na malaking issue to.












Author's Note:

Dedicated to: agnesnessyness

Don't forget to:

Vote.

Comment.

Be a fan!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro