17: Bro Code

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Song: Gone Bad by Monsta X



Tinitigan ko ng maigi ang picture na sinend ni Wonho sakin. Inaamin kong ako at si Hyungwon nga ang nasa picture pero hindi pa kami nagkikiss! Naninindig ang balahibo ko kapag iniiisip ko yun.

Kung titingnan sa anggulo ng pagkakakuha ng picture ay parang nagkiss nga kami. Naalala ko ang sandaling ito. Nung isang araw lang to kung hindi ako nagkakamali pero wala talagang halikan na naganap! Inilapit nya lang naman ang mukha nya sakin sabay sabing "Nakita na naman kita,".

Lumabas na ako sa banyo matapos iyon at kagaya ng inaasahan ko ay laman na naman ako ng usapan dito sa Monsta X.
Andyan na naman ang mga tingin nila at bulungan. Friday the 13th ba ngayon? Talaga kasing minamalas ako.

Mabilis akong naglakad patungo sa locker room at mabilis din na umalis doon dahil nakakaasiwa ang mga tingin ng mga students sakin.

Makaassume naman sila ay wagas! Grabe talaga tong academy na to.

Hindi ka dapat maguilty Mozy dahil wala naman talagang halikan na nangyari kaya kumalma ka lang. Act natural and normal. No need to panic.

Ang mas mabuting gawin ko ngayon ay ang pumasok sa next subject ko. Hindi mo dapat pinapatulan ang mga ganitong issue Mozy.

Sinunod ko nga ang advice ng sarili ko at pumunta sa classroom ng next subject ko.Pagkapasok ko ay laman na naman ako ng usapan. Napailing ako sa isip ko. Wala ba silang ibang alam kundi ang pag-usapan ang buhay ko?

Saktong pagkaupo ko naman ay dumating rin ang teacher namin kaya natahimik na sawakas ang mga maiingay kong kaklase.

Huminga ako ng malalim pero kinabahan ako nang pasadahan ako ng teacher namin ng tingin.

"Ms. Montgomory. Pinapatawag ka nga pala ni Dean,"

Tuluyan na akong nanlamig sa kinauupuan ko at napatango na lang ako. Nagsimulang mag-usap usap ang mga kaklase ko kaya naging maingay muli ang classroom.

"Like, right now Ms. Montgomory,"

Napatayo agad ako saka lumabas ng classroom.

"Babalik ka na naman doon Mozy," napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba.

This is my second time around to be called by the Dean. Patay na talaga ako kay dad neto. Pero wala naman akong ginawang masama! Sino ba kasi ang kumuha ng picture na yun. Tsss.

I conditioned myself. Stay calm Mozy. You'll be just fine.

Tumungo na nga ako sa Dean's Office at kinakabahan na kumatok sa pinto bago pumasok.

Unang nakita ng mga mata ko ang nakapamulsang si Hyungwon. Thank God he's here. Sabay naming ipapaliwanag kay Dean ang lahat.

"Dean," I called.

"I explained to her already. Everything's okay," lumapit sakin si Hyungwon at akmang hahawakan ako para yata alisin dito sa Dean's Office nang magsalita si Dean.

"Both of you can't leave yet, I still need to talk to you,"

Pinasadahan ko ng tingin si Hyungwon.

"It won't take forever Mr. Elizandré," dagdag pa ni Dean.

Hindi sya nagsalita at sumunod sa sinabi ni Dean. Umupo ako katabi ni Hyungwon at napalunok nang pareho kaming tingnan ni Dean.

"Napapansin kong parati kayong nalilink sa isa't-isa," napailing agad ako. Hindi ko rin alam kung bakit Dean.

"It's okay Ms. Montgomory. Hindi ko pinagbabawal ang pagkakaroon ng romantic relationship ng mga students dito," tumigil ako sa pag-iling.

"I just want you to be careful, after all, I'm your Dean at pinagkatiwala kayo sakin ng mga magulang nyo. Yun lang naman ang sasabihin ko," agad na tumayo si Hyungwon.

"Thank you for the advice Ally but we can take care of ourselves," aniya.

"You don't need to worry because we are keeping our promises, tell that to our dads," dagdag nya.

Pinanood ko syang umalis sa harap ni Dean kaya napatayo ako.

"Sige Dean. Lalabas na rin ako," paalam ko at nang ngumiti sya ay lumabas na ako ng tuluyan.

Mabilis kong sinundan si Hyungwon.

"Mabuti at nakapagliwanag ka tungkol sa picture na yun," saad ko nang maabutan ko sya. Makakahinga na ako ng matiwasay.

"Hindi ka mapapaalis dito dahil lang sa picture na yun Biscuit. I won't let that happen," hindi ako sumagot sa sinabi nyang iyon.

Pagkaliko namin ay nasalubong namin si Minhyuk kaya napatigil kami.

Pinasadahan nya kami ng tingin ni Hyungwon.

"I think you need to talk with Kihyun," nakatingin nyang saad sakin.

"Nasaan sya?,"I asked.

"Nasa hideout," napatango agad ako at aalis na sana nang hawakan ako ni Hyungwon sa palapulsuhan ko.

Pinandilatan ko sya.

"Ako na ang kakausap sakanya," saad nya.

Mukhang masamang idea ata yun.

Mukhang galit kasi si Kihyun according to Wonho. Hindi naman siguro magsasapakan ang dalawang to.

"Trust me Biscuit,"

Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan sya sa gusto nya.

Pinanood namin sya ni Minhyuk na umalis.

"Magiging okay din sila. We're following a Bro Code so you don't need to worry Mozy,"

Tiningnan ko si Minhyuk. Bro Code?

"Ihahatid na kita sa classroom mo," pumayag ako sa sinabi nya at hinatid na nga nya ako. Kahit na gusto kong tanungin si Minhyuk tungkol dun sa Bro Code ay hindi ko na ginawa.

"Nakita mo rin siguro yung picture no?," I asked.

"Yeah," pabulong nyang saad.

"Hindi naman kasi totoo yun," napabuntong hininga ako.

"Sinabi ko rin yan kay Kihyun,"

"Galit ba sya?," nag-aalalang tanong ko.

"Hindi. Uminit lang ang ulo nun but don't worry," napabuntong hininga na naman ako.

"Ah, Minhyuk," tiningnan nya ako.

"Hmmm?,"

Napakagat ako ng labi.

"Nevermind," bawi ko. Itatanong ko sana yung sinabi nya sakin tungkol kay Kihyun pero huwag na lang.

"Salamat sa paghahatid," ani ko bago pumasok sa classroom. Tumango sya bilang sagot.

Nang matapos ang klase ko ay dumiretso ako sa library dahil oras na ng parusa ko. Mukhang dapat akong magpasalamat sa parusang to dahil maiiwasan ko ang mga nakakainis na tingin ng mga students sakin at sa mga boys. Parang ako yata ang nagiging dahilan ng pagiging komplikado ng buhay nila dito. Hindi ko maiwasan na hindi sisihin ang sarili ko.

Nakaramdam ako ng pagod ngayong araw. Ang daming nangyayari sakin habang tumatagal ako dito sa Monsta X Academy. Kakayanin mo pa ba Mozy? Masasanay na lang din siguro ako.

Napabuntong hininga ako. Stop overthinking Mozy at tapusin mo na lang tong trabaho mo para makabalik ka na sa kwarto mo at makahiga sa malambot na kama.

Nang sumapit ang alas syete ay umalis na ako sa library at tumungo na sa kwarto ko. Agad akong sumalampak sa kama nang makapasok ako. Gusto ko lang talaga na matulog ngayon.

Hindi pa ako nakakapikit ay may narinig akong kumakatok.

Sino naman kaya to.

Bumangon ako para tingnan kung sino to.

Pagkabukas ko ay sinalubong ako ng malakas na tili ni Cindy.

"Queen!,"

Napunta ang tingin ko sa dala nyang mga gamit.

"Pwedeng makisleepover?," she pouted.

Napatingin ako sa kwarto ko. Papayag ba ako o ano?

"Bakit may nangyari ba?," binalik ko ang tingin sakanya.

Bumusangot sya.

"Yung roommate ko kasi nakakainis! Ang sama sama ng ugali. Please Queen, ngayong gabi lang naman habang hindi pa inaapprove ni Dean ang request ko," napakagat ako ng labi. Ugh.

"Sige," saad ko at nagbunyi nga sya.

Agad syang pumasok sa kwarto ko. Kinakabahan na naman ako dahil baka dumating ang Sleeping Pills na yun at makita ni Cindy! Babalik na naman ako sa Dean's Office at siguradong lagot na talaga ako.

"Ang ganda ng kwarto mo Queen! Para talagang pangreyna!," aniya at humiga sa kama na hinihigaan ni Hyungwon.

Ngumiti ako. Kinakabahan parin ako. Mabuti lang talaga at wala dito si Cutie.

"Ah, Cindy may number ka ba ni Hyungwon?," napabangon sya sa tanong ko.

"Yes Queen, heto oh," inabot nya ang cellphone nya sakin.

Mabilis ko namang kinuha ang number ni Hyungwon saka tinext sya. Grabe talaga to. Kinakabahan talaga ako.

Nakahinga naman ako ng malalim nang magreply si Hyungwon na "Okay Biscuit,". Phew.

"Bakit may problema ba Queen?," she asked.

Agad akong napailing. Just relax Mozy. You can handle this.

"Wala, uhm. Dito ka na lang sa pangalawang higaan, dyan kasi ako natutulog," agad syang tumayo nang sabihin ko yun.

"Sorry talaga Queen hindi ko alam,"

"It's okay," ani ko.

Hindi rin pala ako malas kahit papaano. Ligtas parin ako.

"Pwedeng paggamit ng banyo? Maghahalf bath lang ako Queen," tumango ako sabay sabing 'sure'.

"Ang bait-bait mo talaga Queen!," she squealed. Ngumiti lang ako bilang sagot. She keeps on calling me Queen, nakakailang.

Nang tuluyan ng pumasok si Cindy sa banyo ay abot-abot ang paghinga ko ng malalim.

"It's okay Mozy. Wala ng problema," muli akong bumuntong hininga.

"Biscuit,"

Mabilis akong tumayo nang makita ko si Hyungwon sa may bintana.

Nagsimula akong magmura sa isipan ko. Ano ba Hyungwon! Akala ko ba okay na!

Nilapitan ko sya. Naghahanap ata to ng sakit sa ulo si Hyungwon.

"Umalis ka na bago pa lumabas si Cindy sa banyo," ngumiti lang sya. Jusko! Paano sya nakakangiti sa sitwasyon na to!

"You're cute when you you're so tense," hindi tatalab ang mga salitang yan sakin Hyungwon. Mas nangingibabaw ang kaba sa sistema ko ngayon!

"Hyungwon please! Makinig ka sakin. Pareho tayong malalagot kapag nakita ka ni Cindy!," tinaboy ko sya.

"I just want to make sure that you're not with someone else," sinamaan ko sya ng tingin. Ano bang akala nya sakin!

"Ngayong sigurado ka na pwede bang umalis ka na? For Pete's sake Hyungwon," I pleaded.

"So, I won't be sleeping here tonight," he sound disappointed o baka nag assume lang ako. Anyway. Kailangan nya na talaga umalis.

"I will miss my bed," he chuckled. Tsss. Your bed. Akin nga ang kama na yun.

Napairap ako.

"I'm kidding, I will actually miss watching your face while sleeping, Biscuit," natigilan ako.

Pinanood nya ako habang natutulog? That's creepy Hyungwon!

Paaalisin mo na sya Mozy. Tapusin nyo na tong usapan nyo.

"Sige na Hyungwon. Umalis ka na, goodnight," ginulo nya ang buhok ko.

"Alright," aniya.

Pinanood ko syang bumaba.

"Queen?,"

Napalingon ako kay Cindy at abot-abot ang kaba ng puso ko!Nakita nya kaya? Anong ipapaliwanag ko sakanya!

"Pwede bang makigamit ng shampoo mo? Maliligo na lang pala ako," aniya.

Akala ko kung ano!

"S-sige," pilit kong ngiti.

Tiningnan nya ako nang may pagtataka.

"Anong ginagawa mo dyan sa bintana? Parang nakakita ka ata ng multo,"


Nanlaki ang mga mata ko sa tanong nya. Mag-isip ka ng dahilan Mozy!


"Ah..ano may makulit lang na pusa na gustong pumasok," saad ko. Napatango sya. I'm a terrible liar.

"Sige Queen, maliligo na ako, isarado mo na lang yang bintana para hindi makapasok,"

Tumango ako at pinanood ko syang isarado ang pinto.


Binalik ko ang tingin kay Hyungwon na nasa baba na.

"Goodnight Biscuit,"

Napailing ako. Mababaliw ako ng maaga sa academy na to.








Author's note:

First update for this day!

Thank you so much guys for inspiring me! ❤

Don't forget

Vote.

Comment.

Be a fan!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro