19: New Girl

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Song: Ex-Girl by Monsta X

Palabas ako ng classroom nang makasalubong ko si Shownu. Lunch time na kasi at mukhang patungo din sya sa Dining Hall kaya ayun sabay kaming nagpunta doon.

"Okay na si Kihyun. Salamat sayo," ngumiti ako sa pahayag nya.

"Dahil din yun sa mga luto mo kaya sya gumaling," I said. Kita ko ang pagngiti ni Shownu. Masarap talagang magluto si Shownu at bilib na bilib ako sakanya.

"Pero mabuti naman. Tatlong araw din syang napirmi sa kama nya," saad ko.

Lumipas ang tatlong araw na pag-aalaga ko kay Kihyun at nagpapasalamat ako na maayos na talaga sya. Effective na nurse talaga ako.

"Bisitahin mo sya mamaya para mas lalong gumaling," natawa ako.

"Sige, gagawin ko ang sinabi mo," sagot ko.

Nang makarating kami sa Dining Hall ay naabutan namin ang mga boys. Nagtatawanan sila. Well,except kay Hyungwon na napirmi ang tingin sa pagkain nya.

"Oy. Masyado kayong close kay Mozy! Keep your distance guys. Magagalit si Kihyun," pinagmasdan ko ang nagsabi nun. Si Jooheon.

"Ang arte mo ungas! She's our Queen kaya natural lang na malapit tayo sakanya!," nagulat ako nang akbayan ako ni Wonho.

"Oy Wonho!," tinapunan ni Jooheon si Wonho ng kung ano.

"Nagseselos ka ba? Sumbong kita kay Cindy," natawa ang lahat sa banta ni Wonho.

Pareho kaming nagulat ni Wonho nang alisin ni Shownu ang nakaakbay na kamay ni Wonho sakin.

"Too close," he said. Rinig ko ang pag 'Tsss' ni Wonho.

"Ang aarte nyo naman!," saad ni Wonho.

"Biscuit," I saw Hyungwon mouthed. Nasa harap ko kasi sya.

Tinaasan ko sya ng kilay.

Ngumiti lang sya bilang sagot. Tsss. Ano daw yun.

Anyway, si Kihyun lang wala dito at si Cindy. Kami lang din ata ang nagpapaingay ng Dining Hall. (The perks of being with these gangsters). At matapos ang lunch ay tumungo ako sa Auditorium dahil may seminar. (Yey! Walang Statistics!)

But speaking of Cindy, tatlong araw din sya natulog sa kwarto kaya hindi talaga nabisita si Hyungwon sa kwarto ko. Nakakapanibago nga, pero sa tingin ko ay dapat na akong masanay dahil sinabihan ako ng Department of Keys na may makakasama na ako sa kwarto.

Dumaan muna ako sa banyo bago pumunta doon dahil bawala ang maglabas pasok habang on-going ang seminar.

Mabuti nga at walang katao-tao ang banyo na pinasukan ko para iwas narin chismis.

Pagkalabas ko naman sa cubicle ay naghugas ako ng kamay at napatingin sa salamin.

Napapaisip talaga ako kung ano ang nagustuhan ni Kihyun sakin. Hindi nga ako nag-aayos ng sarili ko. I barely put powder and lipstick o kahit na anong pampaganda sa katawan. Ang dami kayang magaganda dito sa Monsta X Academy kaya hindi parin ako makapaniwalang nililigawan ako ng katulad ni Kihyun.

Napatigil naman ako sa pag-iisip nang may marinig akong anouncement?

"Hello? Hello? Nagana ba to? Damn. Ehem anyway,"

Lumabas ako ng banyo. Nakita ko ang pagtataka ng mga studyante dahil dun.

"Hello again! Teka nga! Magsasalita pa ako! Hindi nyo ba ako kilala?! I'm the Queen of Monsta X Academy!,"

Kumunot ang noo ko. Ano bang nangyayari sa theater club? Sila kasi ang incharge sa mga announcement dito.

"I said let go of me! Ugh! Minhyuk I'm here!,"

Pangalan ba ni Minhyuk ang narinig ko?

Hindi ko na inubos ang oras sa pag-iisip tungkol dun ( kahit na narinig ko ang pangalan ni Minhyuk.)Tumungo na ako sa Auditorium at nakita ko si I.M kaya tumabi ako sakanya.

"Salamat at may kasama ako," I said.

Pinasadahan ako ng tingin ni I.M.

"Mozy, nagkita na ba tayo dati?," kumunot ang noo ko sa tanong nya.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?," out of the blue naman tong si I.M kung magtanong.

"Ah. Wala. Nevermind," aniya. Tumango na lang ako.

Hindi rin naman nagtagal ay nagsimula ang seminar at dalawang oras kaming napirmi sa upuan namin. Gininaw na ako sa sobrang tagal.

Tungkol lang naman sa kahandaan kapag may disaster ang seminar. Pinapaikot-ikot lang kasi ng speaker ang topic.

Kaya pagkalabas namin ni I.M ay agad na nag-inat ako. Jusko ang sakit ng pwet ko.

"Pupunta ka sa hideout?,"

Napatingin ako sa wristwatch ko. Duty ko na sa Library.

"Susunod na lang ako kapag natapos ako sa parusa ko," tinanguan nya ako.

Nauna na si I.M sakin habang ako ay pumunta na sa Library. Pero habang mabilis akong naglalakad patungo doon ay may nakita akong kumpulan ng mga babae?

Nangangamoy 'catfight'. Kaya imbes na manood ay umalis ako dahil ayokong madamay. Pero nang marinig ko ang pangalan ni Minhyuk ay napalingon ulit ako.

"Ang kapal ng mukha mo na bumalik dito," rinig ko nang makalapit ako ng kaonti.

Teka? Pinagtutulungan nila ang isang babae. Grabe talaga ang mga students ng academy na to. Mga bully! Naalala ko tuloy yung muntikan akong kalbuhin ng tatlong babae.

"Pakialam nyo kung bumalik ako? Wala rin naman kayong magagawa dahil ako ang Queen ng Monsta X," tinawanan nila yung babae.

"Queen? Napaka ambisyosa mo naman Miesza! Nakakatawa ka! Hindi ka ba naorient na matagal ka ng wala sa trono? May pumalit na sayo! Si Mozy Montgomory!,"

Bakit nadamay ako? Wait. Sinubukan kong makita ang mukha nung babae.

"Kaya kung ako sayo. Lumayas ka na sa Monsta X Academy! Ang dami mong kasalanan na ginawa at dapat mahiya ka sa pagmumukha mo!,"

Pinagtulungan nila yung babae saka nalaman ko na lang na may naghihilahan na ng buhok! Jusko pinagtutulungan nila yung kawawang babae!

"Isusumbong ko kayo kay Minhyuk!," ani nung Miesza?

"Anong isusumbong! Feeling girlfriend ka parin sakanya! Mag move on ka na! Ex-girlfriend!,"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
Ex-girlfriend ang inaaway nila! You should help her Mozy!

Lalapit sana ako nang makita ko ang paglapit ni Minhyuk kaya agad akong nagtago.

Speaking of him.

"Tumigil na kayo," malumanay na saad ni Minhyuk.

At automatic nga na binitawan nila yung Miesza.

"Minhyuk," saad nung Miesza.

"What are you doing here?," he asked.

I felt bad for Miesza. Dahil ganun din ang ekspresyon na binibigay ni Minhyuk sakin noon. Mararamdaman mo talaga sa sistema mo na para bang ang sama sama mong tao dahil sa tingin na yun.

Inayos ni Miesza ang buhok nya na nagulo dahil sa pakikipag-away pero hindi ko parin kita ang mukha nya dahil nakatalikod sya.

"Bumalik ako para sayo," she said.

"I told you not to comeback here, forever,"

May kakaibang kuryente akong naramdaman sa sistema ko sa napapanood ko ngayon.

"You're causing trouble again," Minhyuk said coldly.

Napahawak ako sa dibdib ko. Naaalala ko ang mga sinabi ni Minhyuk sakin noon at hindi maganda sa pakiramdam ang mga salitang iyon. Alam kong ganon ang nararamdaman ni Miesza ngayon o baka mas malala pa. How can Minhyuk be so heartless with the person he used to love?

Pinanood kong dinaanan lang sya ni Minhyuk. Hindi ako makapaniwala sa inasta ni Minhyuk! Alam kong ex-girlfriend na nya si Miesza pero hindi naman nya kailangan gawin yun! Mas lalo nyang pinahiya si Miesza!

Napatalon ako sa gitla nang makaramdam ako ng tapik. Nang tiningnan ko ay si Wonho pala.

"Anong ginagawa mo dito? At bakit nagtatago ka?," tanong nya.

Napakamot ako ng ulo.

"Ano ba yang pinapanood mo?," aniya at tiningnan yung nagkukumpulan.

Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon ni Wonho.

"Kilala mo ba si Miesza?," tanong ko.

Nang tumikhim sya ay alam ko ng 'Oo' ang sagot nun.

"Huwag mo syang kausapin, hindi maganda ang nangyayari kapag andyan sya," he said or more like he's giving me a warning.

Ganun ba talaga kasama ang ex-girlfriend ni Minhyuk?

"Ang sama talaga ng taste ni Minhyuk pagdating sa mga babaeng nagugustuhan nya," iling nya.

"Sige, mauna na ako Mozy, kitakits sa hideout, bisitahin mo si Kihyun," aniya. Pinanood ko na lang syang umalis. Biglang nag iba ang aura ni Wonho. Dahil kaya yun kay Miesza?

Napapaisip talaga ako ngayon tungkol kay Miesza. Anong meron sa ex-girlfriend ni Minhyuk? Mukhang ang dami nyang bad records dito sa academy at sa mga boys. Kanina ko lang nakita ang ganong tingin ni Wonho.

Sumilip ulit ako at nakita kong mag-isa na lang syang nakatayo at nakatungo. Nakakaramdam tuloy ako ng awa sakanya. Lalapitan ko sana sya nang marinig ko ang bell at naalala kong duty ko na nga pala sa Library! Lagot ako kay Ms. Gilda! Ayaw nya kapag late ako! Baka mas lalo pang madagdagan ang araw ng parusa ko!

Patakbo kong tinungo ang Library kaya hinihingal na binati ko si Ms. Gilda. Agad nya rin naman akong inutusan na isauli ang mga libro.

Nagulat naman ako nang makita ko ang nakadekwatrong si Hyungwon at umiinom ng Chuckie. Ano bang ginagawa nya dito at mukhang hindi naman sya magbabasa ng libro e.

Sinenyasan nya ako na lapitan sya.

"Anong ginagawa mo dito?," tanong ko. Umupo sya ng maayos.

"Killing the time," saad nya na hindi man lang inaalis ang labi sa straw ng Chuckie.

"Okay. Magliligpit na ako ng mga nagkalat na libro," saad ko.

Tiningnan ko sya ng masama nang harangan nya ang dadaanan ko. Matangkad kasi kaya ganito makaasta sakin.

"Tapos na. Tapos na ang trabaho mo," aniya.

Tiningnan ko nga ang mga table at wala ngang mga nakakalat na libro!

"Parang panaginip," nasabi ko. Himala kasi na datnan ko ng ganito ang Library.

"Paano to nangyari?," tiningnan ko sya.

"Inutusan ko sila," sinamaan ko ng tingin si Hyungwon. He's using his rank. Tss. Palibhasa kasi top 1.

Magpapaalam pa sana ako kay Ms. Gilda nang hilahin na nya ako palabas ng Library kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan sya.

"Let's go Biscuit, your lover boy is waiting for you," ngumiwi ako sa pahayag nya.

Naalala kong hindi ko pa sya natatanong tungkol sa pag-uusap nila ni Kihyun nung isang araw.

"Hindi naman siguro ikaw ang dahilan kaya nagkasakit si Kihyun?," biro ko.

Tiningnan nya ako.

"Don't blame me for what happened to him, Biscuit," he answered.

Nasasanay narin ako sa pagtawag nyang biscuit sakin.

"To naman hindi na mabiro," saad ko.

"I'll support him as long as he's sure about you but there's always a but Biscuit, always,"

Err. Anong pahayag yun? Nanindig ang balahibo ko kapag iniintindi ko ang sinabi nya. Satingin ko tama ang sinabi ni Cindy sakin tungkol sa Bro Code.

Hindi na lang ako nagsalita. Nangangapa ako sa dapat kong isagot. Maybe I should change our topic since malayo layo pa ang lalakarin namin.

"Ah. Hyungwon, kilala mo ba si Miesza?," pinasadahan ko sya ng tingin. He's expression remain still.

"Yeah," simple nyang saad. Napatango ako. Gusto ko pa sanang magtanong ng marami pero satingin ko ay hindi si Hyungwon ang dapat kong tanungan ng bagay na to.

Kailangan kong makausap si Cindy. Alam kong alam nya ang tungkol kay Miesza.







***

I.U as Miesza Caddy

Don't forget to:

Vote.

Comment.

Be a fan!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro