20: Evil Queen

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter Song: That's Cheating by Monsta X


"Mozy!," bungad ng mga boys sakin nang makarating kami ni Hyungwon sa Hideout.


"Yiee, andito na ang nurse ni Kihyun," tinukso na naman kami ni Jooheon. Naglalaro sila at napapansin kong wala dito si Minhyuk.


Natawa na lang ako at tumungo nga sa kwarto ni Kihyun. Naabutan ko naman syang gising at ngumiti sya nang makita ako. He still looks sick for me.


"Magpahinga ka pa kaya? Ipapahiram ko na lang sayo ang mga notes ko para hindi ka mabehind sa discussions, but right now I think you still need to rest," saad ko nang makalapit ako.


Muli syang ngumiti.

"If that's what you want. Hindi kita susuwayin," ngumiti ako.

"Good," saad ko.

Muli syang nahiga sa kama nya at kinumutan ko sya.

"Mozy," natigilan ako nang hawakan nang mahuli nya ang kamay ko.

Ang init init nya parin.

"Salamat. I should be the one who take care of you pero nabalikta na. Salamat talaga Mozy, don't worry babawi ako sayo," I smiled.

"It's okay Kihyun. Magpahinga ka na para mabilis kang gumaling, we missed you,"I said.

Humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Thank you for not leaving me," ngumiti lang ako bilang sagot sa sinabi nya.

Matapos iyon ay nagpaalam rin naman ako sa boys. Binisita ko lang talaga si Kihyun at si Cutie na sa kwarto na ni Hyungwon nakatira.


Pagkarating ko naman sa kwarto ay gulat na gulat ako nang makita kong sobrang gulo ng kwarto!



"Bakit ba to nangyayari sakin!," nakarinig ako ng sigaw sa banyo.


Teka. Sino ba tong nagwawala? Ang gulo-gulo ng kwarto! Pati gamit ko ay nagkalat narin! Para namang dinanaan ng bagyo ang bawat sulok ng kwartong to!



"Bwisit! Nakakainis!,"



Nagulat ako nang bumukas ang pinto ng banyo at may lumabas na babaeng mahaba ang buhok at halatang-halata na galing lang sa pag-iyak dahil sa mga namumugto nyang mata at dahil nagkalat ang maskara nya.


Kinabahan ako nang pasadahan nya ako ng tingin. Isang nakakatakot na tingin.


"Anong ginagawa mo dito?," mataray nyang saad.


"Ah. Kwarto ko rin to?," sagot ko. Nag-aalanganin ang tono ko dahil iba ang tingin nya sakin ngayon.


Binigyan nya ako ng naiirita na tingin.


Sino ba to!

"Sinabi mo bang kwarto mo to? Nagpapatawa ka ba? Hindi mo ba ako kilala?," tinaasan nya ako nang kilay.


Mukhang nangangamoy away to. Ayoko ng away miss! Pwede ka namang magpakilala sakin!

"Tinatanong kita kaya sumagot ka sakin," saad nya o parang utos nya. Pinanood ko syang lumapit sakin.



"Roommate mo ko," mahinahon kong saad. Hindi ko pwedeng sabayan ang frequency ng galit nya dahil sasabog ang kwartong to!



Ngumisi sya. Nakakatakot ang aura nya. Parang kakainin nya ako ng buhay!


"How dare you to call yourself roommate with the Queen," she emphasized the word Queen.



Agad kong narealize na si Miesza tong kaharap ko at kasagutan ko.



How stupid Mozy! Si Miesza to! Ex ni Minhyuk!



She snapped her fingers infront of my face kaya napakurap ako.


"Alam mo na siguro kung saan ka na lulugar ngayon? Great. Kaya umalis ka na sa harapan ko at dalhin mo sa labas ang mga cheap mong gamit!,"



Hindi ako ang tipo ng tao na madaling magalit at pumapatol sa mga ganitong tao pero hindi ako papayag na magsalita sya ng ganito sakin. Tsss. Naawa pa naman ako sayo tapos ganito pala ang ugali mo.



Napailing ako.

"Hindi,"

Kumunot ang noo nya sa sinagot ko.


"Anong sabi mo?," muling nanliliit ang mga mata nya sakin.


Maganda ka sana Miesza pero ang pangit ng ugali mo.



"Hindi ako aalis dahil nauna ako sayo," I said sternly.



Napaawang ang bibig nya. Hindi nya siguro inasahang sasagot ako ng ganon sa katulad nyang Queen.



Muli syang lumapit sakin at this time, napakalapit na nya.



Napunta ang tingin nya sa nameplate ko at kita ko ang pagbago ng reaksyon nya.



"So, ikaw pala si Mozy Montgomory. The New Queen of this academy," ang bitter nyang pakinggan.


O please. Wala talaga akong pakialam sa pagiging Queen dito.


"Kaya pala may lakas ng loob kang lumaban sakin," she smirked.


Lumalaban hindi dahil ako ang 'Queen'. Kailangan ko lang ipagtanggol ang sarili ko katulad ng parating sabi ni dad sakin. "Lumaban ka kapag kailangan,"



"Ikaw pala ang pinalit sakin. Hah! Nakakatawa naman talaga ang academy na to, wala man lang ka kadating-dating ang bagong Queen na pinili nila," tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa saka ngumisi ng nakakaloko.



Sinabi mo pa. Nakakatawa talaga ang academy na to at hinahayaang mag enrol ang mga ganitong estudyante.



Tuluyan ng nawala ang awa na nararamdaman ko sakanya kanina. Mabuti lang talaga Mozy hindi mo sya tinulungan. Nagsayang ka lang ng energy kapag nagkataon.



"Pero hindi ka rin magtatagal dahil nagbalik na ako at babawiin ko ang lahat na dapat ay sakin. Kaya ienjoy mo muna ang pagiging Queen mo dahil babawiin ko yan Mozy," ngumiti ako.



Wala talaga akong pakialam Miesza. Bahala ka sa buhay mo.



"Edi bawiin mo. I don't give a damn Miesza," nakita kong mas lalo syang nainis sakin.



Ang sama nga ng taste ni Minhyuk sa babae. Paano nya nagustuhan ang ganito ka war freak na babae? All she think is fame. Ang babaw ng mga tao dito.




"Let's just see Mozy,"aniya at dinaanan ako. Tsss. Binangga nya pa talaga ako.


Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa padabog syang lumabas ng kwarto.


Huminga ako ng malalim. Ang saklap naman ng kapalaran ko at si Miesza pa ang roommate ko. Mukhang araw-araw ay gyera dito.


Agad kong inayos ang mga nagkalat na gamit. Napapailing talaga ako kapag naalalalang ex-girlfriend yun ni Minhyuk. Ģanon ba talaga ang tipo nya? Hays. Sumasakit ang ulo ko.



Mabuti na nga lang at pagkagising ko ng umaga ay wala na sya sa kama nya. Yes. Hindi ako umalis sa kwarto na to dahil kwarto ko rin naman to. Wala syang magagawa kundi ang sumunod sa rules at ganun din ako.



Sana nga ay makatagal ako sa babaeng yun.


Napailing ako. Kailangan ko ng magmadaling magbihis at baka bumalik ang babaeng yun dito.




Sakto nga na natapos akong magbihis at nagsusuklay ako ng buhok ay pumasok sya. Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita kong nakauniform na rin sya at alam kong tinitingnan nya ako ngayon. Ramdam ko ang mga nanunusok nyang tingin.



Huwag mo na lang pansinin ang babaeng to.



"So, you're dating Kihyun,"



Huwag kang sumagot. Hayaan mo lang si Miesza.



"Kaya pala naging Queen ka dahil nilalandi mo ang mga boys. Akala mo siguro hindi ko malalaman ang kati mo. You're dating Kihyun pero palihim mong nilalandi si Hyungwon. Great plan Mozy. Grabe ang paninigurado mo,"



Tinigil ko ang pagsusuklay ko saka tiningnan ko sya. Humalukipkip sya. Ang ayos na nyang tingnan ngayon kumpara kagabi pero masama parin ang ugali nya.

"O bakit? Tama ako diba? Tama ang lahat ng mga sinabi ko na malandi ka," ang taray ng mukha nya.

Kay aga-aga tungkol sa mga walang kwentang bagay ang pinag-uusapan namin. Wala naman tong sense.


"Tapos ka na ba? Kung Oo. Maiwan na kita," saad ko at mabilis na kinuha ang bag ko.


Rinig kong pagbuntong hininga nya nang daanan ko sya. Alam kong naiinis sya dahil hindi ko sya pinapatulan.



"Ang lakas talaga ng loob mo dahil akala mo ay mapoprotektahan ka ng mga boys. Malalaman ko rin ang mga sekreto mo at ang totoo mong balak,"

Natigilan ako at hinarap ko ulit sya.


"Isipin mo lang ang gusto mong isipin," saad ko at tuluyan na ring lumabas ng kwarto.

Tsss. Aalamin ang mga balak ko? Kelan pa ako nagkaroon ng balak sa academy na to. Pero magpapasalamat talaga ako kapag nalaman nya ang mga sekreto ko dahil ako mismo ay walang kaalam-alam sa sarili ko.

Pagkababa ko ng building ay sinalubong ako ni Cindy. Binigyan nya ako ng nag-aalalang tingin.

"Hinihintay talaga kita Queen. Nabasa ko kasi yung article tungkol sa pagiging roommate nyo nung Evil Queen!,"


Evil Queen? Si Miesza ba ang tinutukoy nya? Ang bilis naman kumalat ng balita. Nakakatakot ang academy na to.



"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nya sinabunutan?," umiling ako. Napahinga naman sya ng malalim.


"Mabuti naman dahil susugurin ko talaga sya kapag may ginawa syang masama sayo!," aniya.


"Kilala mo rin si Miesza?," I stupidly asked.

"Ofcourse! Lahat ng monbebe ay kilala ang Evil Queen!," napatango ako.


"Tara sa Dining Hall Queen at baka makasalubong natin yung bruha!,"



Hinila ako ni Cindy patungo sa Dining Hall. Naabutan naman namin ang mga boys (maliban kay Hyungwon at Kihyun) na kumakain ng breakfast.

Tumabi ako kay I.M habang si Cindy ay kay Jooheon.

Pinasadahan nila ako ng tingin.


"Okay ka lang ba Mozy?," tanong ni Wonho.

"Oo. Bakit ganyan ang tingin nyo sakin. I'm fine," saad ko.


"Alam mo na kasi diba? Miesza is back at alam naming ikaw ang pupuntiryahin nya. Be careful," ani ni Jooheon.


Be careful? Ganyan ba talaga kasama si Miesza!?


"Don't worry. I'll keep an eye on her. Sisiguraduhin kong hindi na sya gagawa ng isa pang gulo," napatingin ako kay Minhyuk.


Nararamdaman ko ang pagiging cold nya!

"Lumipat ka na lang kaya ng kwarto? You're not safe there anymore," ani ni I.M.

Umiling ako.


"Okay lang talaga ako. Hindi naman ako natatakot sa babaeng yun at iiwasan ko sya para iwas gulo,"



Pinasadahan ko sila ng tingin.



"Speaking of the Evil Queen," ani ni Cindy.


Napatingin kaming lahat sa papalapit na si Miesza. Natahimik ata ang buong Dining Hall dahil sa pagdating nya.


"What are you doing here?," Shownu asked her.


Hindi nya pinansin si Shownu dahil napirmi ang tingin nya sakin. Now what? Ako talaga ang nakita nya.



"Anong sinumbong ng babaeng yan sainyo?," napatayo si Wonho na ikinabigla ko.


"Get lost Miesza. Stop bothering our Queen," aniya.

Kita ko ang pagpipigil ni Miesza. Parang mapupunit na ang palda nya dahil sa higpit ng pagkakahawak nya.



"Your Queen?," natawa sya.



Gumagawa talaga sya ng eksena dito. Nanonood na ang lahat ng mga students samin!



"Naging Queen nyo rin naman ako dati ah pero bakit ganito nyo na lang ako tratuhin ngayon? Parang wala tayong pinagsamahan," napakagat sya ng labi nya matapos sabihin iyon.


Tiningnan ko ang mga boys. Ang lalamig ng tingin nila kay Miesza!


"You're still wondering why? Nakakatawa ka Miesza. Umalis ka na bago pa kami mairita sayo," ani ni Jooheon at tumayo na rin. Agad syang hinawakan ni Cindy sa braso.



"At ilang beses ko bang sasabihin sainyo na wala akong alam sa mga nangyari! Bakit hindi nyo ako mapakinggan!," tumaas ang boses nya.



Walang patutunguhan ang usapan na to dahil lahat sila ay mainit ang ulo.


Nang tumayo na si Minhyuk ay napunta ang tingin namin sakanya.



"Get your face out of our sight,"



Tiningnan ko si Miesza. Pansin ko ang pangingilid ng mga luha nya.


Bakit kapag ganito ang eksena ay hindi ko mapigilan na hindi maawa sakanya.












Updated!

Dedicated to: RichelleBandiola

Don't forget to:

Vote.

Comment.

Be a fan!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro