21: Savior

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Song: Perfect Girl by Monsta X

Nang marinig ko ang bell ay sakto ang dating ng text ni Cindy. Sabay daw kaming kakain ng lunch dahil madami syang ikukwento sakin. At alam ko kung sino ang ikukuwento nya. That Miesza.

Hindi nga pala napasok si Minhyuk sa Humanities at nag-iisip ako ng dahilan kung bakit. Ganito ba talaga ang epekto ng pagdating ni Miesza sa Monsta X Academy?

Lumabas ako ng classroom at nakita ko nga ang kumakaway na si Cindy. Nginitian ko sya.

"Queen!," sigaw nya talaga kaya napatingin ang ibang studyante.

"Halika na Queen! May masamang spirit dito!," hinawakan nya ako sa braso.

Napag-alaman ko na lang na nasa harap na namin ang nakahalukipkip na si Miesza with her minions? May dalawang babae sa likod nya.

"Ang ingay naman ng girlfriend ni Jooheon. Bakit ba ang papangit ng taste ng mga boys ngayon? Pumapatol na sila sa mga walang class," an evil smile formed in her lips.

Pinigilan ko ang pagtangkang sugod ni Cindy sakanya.

"Tigilan mo sya Miesza. Huwag mo syang idadamay dito," saad ko.

Ngayon, nasa akin na ulit ang tingin nya. Bakit ba parati na lang kami nagkikita. Ang laki laki ng academy na to pero mukhang maliit para saming dalawa ni Miesza.

"Tigilan? Titigil lang ako Mozy kapag hindi sya makikialam dito,"

Hayaan mo na sya Mozy. Just leave.

"Tara na Cindy,"

Hinila ko si Cindy palayo sa Miesza na yun. Inis na inis naman si Cindy sakanya. Napailing na lang ako.

"Kapal talaga ng mukha ng babaeng yun! Hindi mo sana ako pinigilan Queen para nakatikim ang bruhang yun!," inis na inis nyang saad hanggang sa makapunta kami sa Dining Hall.

Pagkakuha namin ng pagkain ay umupo kami malayo sa mga boys. Girl time.

Wala akong ganang kumain ngayon sa totoo lang. Busog na busog ako sa pang-aaway ni Miesza sakin.

"Hay nako Queen. Lumipat ka na ng kwarto! May balak talaga ang babaeng yun sayo. Maniwala ka,"

Uminom ako ng juice. Alam ko na maaaring tama si Cindy pero hindi parin ako aalis sa kwartong yun.

Sino ba talaga tong si Miesza?

"Cindy. Tell me about her. Alam kong alam mo ang tungkol sakanya,"

Tiningnan nya ako. Mukhang mahaba-habang usapan to.

"Miesza Davios Caddy is her fullname pero mas kilala sya bilang Evil Queen. Dahil bully sya at makaasta ay akala mo kung sino. Kung may award nga sa pagiging masama ay nahakot na ng babaeng yun," ramdam ko ang pagkairita ni Cindy.

Being called an Evil Queen was never a good title.

"Naging Queen lang naman sya dahil umalis ang pinakaunang Queen ng Monsta X Academy at dahil girlfriend nga sya ni Minhyuk noon at nasa ikalawang pwesto rin si Minhyuk ay automatic na napunta sakanya ang title,"

Hmmm...

"Talaga bang nagustuhan sya ni Minhyuk? I mean. Kung ganun kasama si Miesza nagtataka ako kung paano nya nakuha ang mga loob ng boys," I wondered.

Inilapit ni Cindy ang mukha nya.

"Dahil nga fake sya. Nagbabait-baitan kapag andyan ang mga boys pero kapag nakatalikod na ay sobrang sama nya! Magaling syang magkapaikot ng tao. Maniniwala ka bang nabaliw si Minhyuk sakanya?,"

Tumaas ang kilay ko.

Nabaliw si Minhyuk kay Miesza?

"He was so in love with her. Kaya nga hindi nya nakita ang totoong ugali ng babaeng yun. Huli na ng malaman nila ang totoong kulay nya,"

Kumunot ang noo ko.

"Anong huli na?," I asked.

Nagpalinga-linga si Cindy saka binalik ang tingin sakin.

"Naaalala mo yung kinuwento ko sayo dati? Tungkol sa nangyari noon sa Monsta X Academy? Sya yung tinutukoy ko, that bitch ruined the boys," mahinang saad ni Cindy.

Nakaramdam ako ng kakaibang kuryente sa sistema ko. Ruined the boys? In what way?

"I told you that they are gangsters pero hindi na sila active at hiatus ang status ng clan nila dahil nangako silang hinding-hindi na makikipag-away. At dahil yun kay Miesza,"

Napapaisip agad ako. I'm connecting the dots right now. Kaya ba ganun na lang ang mga tingin ng boys sakanya.

"That bitch is crazy. Are you familiar with the Burlington?,"

Napatango ako. Kung hindi ako nagkakamali sa pagkakaaalal ay yun ang kausap ni Hyungwon nung tumakas kami.

"May tatlong kilalang school dito sa Greenstone City. Ang Monsta X Academy, Red Arrow Academy at ang Burlington Academy. Lahat sila ay pinamumugaran ng mga gangsters. At may ranking din pagdating sa gangster world. Nangunguna dati ang Monsta X Clan, pangalawa naman yung Red Arrow at nasa 10th place ang Burlington. Kilala ang school nila pero dahil mahihina ang nasa clan nila ay hindi man lang tumaas ang rank nila,"


Here we go again with the ranking. Kulang pa talaga ang nalalaman ko tungkol sa Monsta X Clan.


"Paano naman naging dahil kay Miesza ay natigil sila?,"

Huminga ng malalim si Cindy.

"Dahil nga baliw ang babaeng yun. Nung mga panahon na yun ay nagkakalabuan sila ni Minhyuk at alam mo ba ang ginawa ng babaeng yun para bumalik sakanya si Minhyuk? Nakipagtulungan lang naman sya sa mga taga Burlington. Nagpakidnap sya,"


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

Nagpakidnap si Miesza? What!? That's ridiculous!

"At dahil sa kabaliwan nyang iyon ay muntikan syang mamatay. She was stabbed in her stomach. Kaya nga napilitan ang mga boys na isuko ang pagiging gangster nila. They make a pledge to their dads na hindi na sila sasali sa mga gang fights,"

Natigilan ako.

Ganon kabaliw si Miesza? Dapat na yata akong kabahan ngayon. Hindi ko alam ang mga kaya nyang gawin.

"Anong nangyari sa Burlington matapos iyon?," tanong ko.

"Napatay ang leader nila. Napatay ng mga boys, ni Minhyuk mismo. Kaya natigil din ang Burlington. Nasa rank 1 ang Monsta X Clan matapos ang insendenteng yun pero dahil pinatigil sila ay tuluyan ng nawala ang pangalan ng clan nila sa ranking pero hanggang ngayon ay pinag-uusapan parin sila dahil sa nangyaring iyon,"

Sa lahat ng mga sinabi ni Cindy. Tumatak sakin ang ideyang nakapatay si Minhyuk para kay Miesza.

Wala akong masabi ngayon.


"Kaya nga nagtataka ako kung bakit pa bumalik ang babaeng yun dito matapos ang mga nagawa nya. Ang kapal nya talaga. She's even claiming na wala syang alam sa mga nangyari. Yung mga taga Burlington na mismo ang nagsabi na nakipagtulungan si Miesza sakanila,"


Napabuntong hininga ako. Hindi parin talaga ako makapaniwala sa mga nalaman ko.

"Dapat sakanya nilalagay sya sa mental dahil malaki na ang sira ng utak ng babaeng yun. Now that she's back, nag-aalala ang mga monbebes sa pwede nyang gawin," ani ni Cindy.

Napunta ang tingin ko sa pwesto ng mga boys. They look normal at hindi mo aakalaing nakikipagpatayan pala silang pito dati.

"So Queen. Please be careful kapag magkasama kayo sa kwarto. Ngayong alam mo na ang tungkol sa Evil Queen na yun ay dapat ka na talaga maging maingat. Iba ang nagagawa ng inggit Queen. Nakakapatay to,"

Muli akong humugot ng malalim na hininga. Kailangan mo talagang mag-ingat Mozy. Hindi ka pala dapat maaawa sakanya. Kung ano man ang nangyayari sakanya ay dahil rin yun sa sarili nyang gawain. She does not need your pity.

Matapos ang usapan naming iyon ni Cindy ay hindi na nawala sa isipan ko ang mga pinag-usapan namin hanggang sa matapos nga ang klase ko.

Nagpapasalamat talaga ako sa parusa ko dahil hindi ko kaagad makikita si Miesza pagkatapos ng klase. Now that I knew her story, natatakot na ako sakanya. Tama si Cindy. Iba ang nagagawa ng inggit.


Napakagat ako nang labi nang maisip ko ang mga bagay na yun.

Pagkarating ko naman sa Library ay wala si Ms. Gilda pero kailangan ko paring gawin ang task ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang walang katao-tao na Library. Ako lang yata ang naririto at mabuti dahil kailangan ko ng oras para mag-isip isip.

Sinimulan ko rin naman ang paglalagay ng libro sa pushcart. Pero habang isa-isa kong inilalagay sa mga assigned shelves nila ang mga libro ay nakarinig ako nang pagsarado ng pinto.

Marahil bumalik na si Ms. Gilda kaya nagpatuloy ako sa ginagawa ko.

Napapatigil lang ako kapag may naririnig akong yabag ng paa? Umaalingaw-ngaw kasi sa sobrang tahimik ng Library. (I mean tahimik naman talaga ang lugar na to pero iba kasi).

"Ms. Gilda? Kayo po ba yan?,"tanong ko.

Walang nasagot.

Baka hindi nya lang narinig Mozy.

Huwag mo ngang takutin ang sarili mo Mozy!

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko pero natigilan ako nang may makita ako.

"Sino andyan!,"

Nagsimula ko ng maramdaman ang panginginig ng tuhod ko. Swear. May nakita akong tao sa may shelf 230! Hindi lang ako sigurado kung tao nga iyon o ano.

"Hello?," tawag ko pero walang nasagot.

Napirmi na lang ako sa pwesto ko at naghihintay ng mga mangyayari. I'm too scared to move!

Kumakabog ang puso ko ngayon!

Mas lalo pa akong kinabahan nang makarinig ako ng pagkahulog ng mga libro.

Teka. May multo ba dito sa Monsta X Academy!? Bakit hindi to kinuwento ni Cindy!

Napakagat ako ng labi nang makarinig ako ng mga yabag. Mahirap matukoy kung saang direksyon ito nanggagaling dahil umaalingaw-ngaw ang tunog nya.

Tumigil ang mga yabag ng paa pero mukhang mahihimatay ata ako sa nakikita ko ngayon. May tao akong nakikita! Pero nakasuot sya ng hoodie at may takip ang mukha nya. I can't say if this is a boy or a girl. Pero masasabi kong nasa panganib ako ngayon?

"S-sino ka?,"

Hindi nya ako sinagot pero naglakad sya patungo sakin kaya bago nya pa ako malapitan ay tumakbo ako. Yun ang sabi ng utak ko!

What the! Anong nangyayari!

Mabilis akong natakbo patungo sa pintuan pero hindi ko mabuksan! Nakalock ang pinto! Jusko! Kelan pa naging horror ang genre ng buhay ko!


Pinagpapawisan ako ng malamig lalo na at narinig ko na naman ang na papalapit yung kung sino sakin! Mabilis akong nagtago sa mga shelves. Sa sobrang laki ng Library na to ay nakakatakot. Nakakatakot isipin na walang tutulong sakin ngayon!

Tinakpan ko ang bibig ko nang marinig kong malapit sakin ang yabag ng paa nya. Napapikit ako. May serial killer ba dito sa academy!

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Maliwanag naman ang Library pero pakiramdam ko ay nasa kadiliman ako!

Kinabahan ako nang mawala ang mga yabag. Hindi kaya umalis na yun? Tinatakot lang siguro ako ng mga walang magawang studyante dito!

Napahinga ako ng malalim. You'll be fine Mozy. Kagaya ng sinasabi ng dad mo.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at nagulat ako nang makita ko si Hyungwon!

"Ikaw lang pala---,"

Hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil sa sobrang bilis ng pangyayari.

Pagkahila ni Hyungwon sakin ay niyakap nya ako at pinagpalit kami ng pwesto.

Nalaman ko na lang na pareho kaming nasa sahig pero si Hyungwon.

Nadaganan sya ng isang shelf.

"I saved you again," aniya bago sya mawalan ng malay.
















Updated!

Dedicate to: Empress078

Don't forget to:

Vote.

Comment.

Be a fan!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro