2: Delilah

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ch.2. Pt.1~Mozy

Chapter Song: My Generation by Sunderland


"George," tawag ko. Kanina ko pa sya sinusundan matapos kong malaman ang tungkol sa pagiging magkapatid namin at kanina nya pa ako hindi pinapansin. Nasa labas na nga ako ng kwarto nya at kanina ko pa sya tinatawag. Nagkukulong sya. Ginabi na ko sa pagsusuyo sa kapatid ko. Pero normal naman siguro tong ginagawa ko diba? I mean, punung-puno ng excitement tong katawan ko at gusto ko ng makausap ng maayos ang kapatid ko. I want to know more about her!

"Please talk to me," I tried again. Kahit hindi ko parin lubos maisip na nangyayari to ay masaya ako. May kapatid na ako! What a great news!

"George. Just so you know, I'm happy to know that I have a sister, hindi ako galit o ano. I'm even thankful," naghintay ako ng pagbukas ng pinto pero wala. Hindi parin talaga Mozy. Siguro nabibigla din sya sa existence ko at sa mga nangyayari kaya ilang sya. Hindi ko na muna siguro sya dapat kulitin. It takes time Mozy. Malay mo baka bukas ay kausapin ka na nya. Seatmate naman kayo.

"See you around then. Lumapit ka lang sakin kapag may kailangan ka, I'm always available for you," muli kong sabi. Umalis na ako matapos yun at bumaba na. Nasa third floor ang kwarto ni George at nasa second floor naman ang samin tatlo nila Alaska at Miesza.

"Oh! Kamusta?," bungad nilang dalawa nang makapasok ako sa kwarto.

"Wala e," sagot ko at naupo sa kama ko (yun kamang hinihigaan ni Hyungwon noon.)

"It's okay Mozy. Hindi parin siguro sumisink in sa utak nya na may kapatid sya," sabi ni Alaska. Napatango ako. Parehas kami ng tingin ni Alaska.

"Anyway. Magbihis ka na dahil may party sa Hideout," sabing muli ni Alaska habang sinusuklay ay buhok nyang pinakulayan na nya ng itim. (She used to be a blonde pero mas bagay sakanya ang black hair.)

"Party? Anong meron?," tanong ko.

"Yung pinsan ni Hyungwon dito na rin sa Monsta X Academy," isa lang ang pumasok sa isipan ko sa sinabing iyon ni Miesza.

"Si Delilah ba?," tumango si Miesza.

"So ako lang pala ang hindi nakakakilala sakanya," pahayag nya.

"Mukhang magiging masaya nga ang school year na to," sabi ko. Tiningnan ako ng dalawa.

"Magdilang anghel ka sana Mozy," sabi ni Miesza matapos nyang makapaglagay ng lipgloss. Alam ko kung ano ang ibig nyang sabihin.

"O. Sumunod ka sa Hideout ah, gusto kang makita ni Delilah," sabi ni Alaska na tinanguan ko. I want to see her too.

"Mauna na kami Mozy. Kitakits sa Hideout!," pinanood ko ang paghila ni Alaska kay Miesza palabas sa kwarto. Napangiti lang ako sa kanilang dalawa.

Nang maiwan akong mag-isa sa kwarto ay agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si dad. I know it's impossible to reach him pero kailangan kong makausap si dad! Gusto kong malaman kung sya ba ang nagpadala dito kay George at kung alam nya ba ang mga nangyayari ngayon.

"Psst,"

Sobra akong nabigla sa nakita ko. Hindi parin talaga ako sanay makita si Hyungwon na pumapasok sa bintana. Hindi na sya nagbago. Para parin syang pusa. Bigla-biglang sumusulpot.

"I heard the news," napabuntong hininga ako sa sinabi nya. As expected. Kalat na sa academy ang tungkol dito.

"Are you okay?," tumango ako. Lumapit sya sakin saka umupo sa tabi ko.

"I'm fine. Infact, masaya nga ako dahil finally, may kapatid na ako," tiningnan ko sya at nakatingin sya sakin. Napansin kong may sugat sya sa labi nya. Galing siguro sila sa gang fight. Inubos ko kasi ang araw ko sa panunuyo sa kapatid ko.

"That's what I like about you," he said.

"You have this golden heart," namumula ata ang pisngi ko sa sinabi ni Hyungwon.

Alam nya ang tungkol sa nangyari kay mom and dad. Actually, silang dalawa lang ni Minhyuk ang napagkwentuhan ko tungkol dun, kaya siguro nasasabi nya sakin ang mga linyang yan.

"Wala syang kasalanan sa lahat ng mga nangyari. I don't blame anyone for what happened to my family. Kahit na si mom. Maybe George is not yet ready for me, pero makakaantay naman ako," I smiled.

"I'm so lucky to have you," naramdaman ko ulit ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi nya. Alam talaga ni Hyungwon kung ano ang dapat sabihin kapag ganito ang sitwasyon.

"Stop that Hyungwon," saway ko pero hindi na maitago sa labi ko ang ngiti. Hays. Si Hyungwon talaga.

"Anyway," tumayo ako.

"Kailangan ng malagyan ng ointment yang sugat mo sa labi," sabi ko at lumapit sa drawer ko kung saan andun ang paggamot ko sa mga sugat ni Hyungwon. Active kasi sila sa gangster world at kapag ganitong may gangfight sila ay hindi talaga maiiwasan ang masugatan sya.

"All I need is a hug from you and I'm fine," nilingon ko sya. Nakatayo na sya and his arms are wide open.

"Where's my medicine?," malapad ang ngiti sa labi nya.

"Here," sabi ko habang hawak-hawak ang ointment. Napatawa sya sa ginawa ko.

"Hindi yan effective," sabi nya. Napairap ako dahil talo na ako. Okay. Kelan ka ba nanalo sa Sleeping Pills na to.

"Alright," sabi ko at dahan-dahan na lumapit sakanya. Napatawa ako nang bumusangot sya.

"Ang tagal. I'm dying," reklamo nya.

"Baliw," sabi ko.

"Sayo,"

Matapos nyang sabihin yun ay mabilis nya akong hinila palapit sakanya at niyakap ako. Ang higpit ng yakap nya kaya niyakap ko rin sya pabalik.

"Okay na ako," sabi nya. Nagpipigil ako ng ngiti sa nangyayari ngayon.

"Andito pala si Delilah?," sabi ko.

"Yeah," tipid nyang sagot.

"Ano pang ginagawa natin dito? Tara na sa Hideout," pahayag ko.

"5 more minutes. I'm still in pain," natawa ako. Okay. Pagbibigyan kita Hyungwon.

----

Pt.2~Minhyuk

"Pakidala nga ng nachos sa living room," utos ni Shownu sakin na agad kong sinunod.

"Nasaan na kaya yung dalawa?," tinanong ako ni Delilah. Nagkibit-balikat ako. Tinutukoy nya si Mozy at si Hyungwon.

"Hoy Wonho! Lumabas ka na dyan!," pareho kaming napatingin ni Delilah kina I.M at Jooheon na kanina pa kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Wonho. Kanina pa sya nagkukulong.

"Ang arte nya. Dapat ako nga ang may karapatang magreak ng ganyan," napangisi ako sa dalawa. Kay tagal na ng mangyari ang tungkol sakanila. Ang babata pa namin nun pero hanggang ngayon ay wala hindi parin sila magkasundo.

"Nakikita kong kayo ang magkakatuluyan Delilah," tiningnan ko si Alaska kasama si Miesza.

"Eww Alaska. Nakakatakot yang sinasabi mo," sagot ni Delilah.

Pinanood ko ang pagtabi ng dalawa kay Delilah at iniwan ko rin sila dahil kailangan ko pang tulungan si Kihyun.

Lumabas ako ng Hideout. Saktong dumating si Kihyun na may dala-dalang isang case ng beer.

"Need a hand," pahayag nya na agad kong ginawa.

Pagkapasok namin sa Hideout ay mabilis na kinuha ni Shownu ang case. Sya na talaga ang malakas saming lahat.

"Mozy!,"

Agad akong napalingon nang marinig ko iyon. And I saw her with Hyungwon.

"Namiss kita!," kita ko ang pagyakap ni Delilah sakanya at ang pangngiti nya na abot hanggang mata.

"Hoy Minhyuk. Narinig mo ba ako?," tiningnan ko si Shownu. May sinasabi pala sya.

"Sabi ko. Lagyan mo ng ice ang mga cups," napa-ah ako. Pasensya na.

Mabilis kong ginawa ang sinabi ni Shownu.

"Dalhin mo na lang yan sa living room ah. Kompleto na tayo," napatango ako. At matapos ko ngang lagyan ng ice cubes ang mga red cups ay dinala ko na ito sa living room. Nagsimula ng umingay ang Hideout.

"Si Wonho ayaw lumabas!," sumbong ni I.M.

"Hayaan na lang natin. Mahihimasmasan din yan maya-maya," sagot ni Kihyun na katabi si Alaska.

"Pizza!," masayang saad ng lahat lalo na ni Jooheon.

"May pepperoni ba?," rinig kong tanong ni Mozy.

Tumabi ako kay Miesza na nahuli kong nakatingin sakin. Pansin kong naiinis yata si Miesza sakin sa mga nagdaang araw.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko dahil sa mga titig nya. Umiling sya.

"Oy. Alam ko ang mga tinginang yan Minhyuk! Sya pala yung dating girlfriend mo. You're the second queen right?," tiningnan ko ang pagtango ni Miesza.

"Bagay kayo infairness," ngumiti ako sa sinabi ni Delilah. Alam ko yun.

"Are you back together?," nagtinginan kami ni Miesza.

"Hindi," sagot nya. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Delilah.

"Why?," tumayo si Miesza. Pinanood ko syang tumungo sa kitchen. Mas lalong kumunot ang noo ni Delilah matapos iyon. Hindi naman pansin ng iba ang pag-alis ni Miesza dahil mag sari-sarili silang pinag-uusapan.

"You don't love her anymore? She seems nice though," usisa ni Delilah. Hindi ka na nasanay sa pinsan ni Hyungwon, Minhyuk. Itatanong nya ang lahat ng mga hindi nya maintindihan.

"I care about her," sagot ko.

Napunta ang tingin ko sa iba lalo na kina Alaska at Mozy na may pinag-uusapan.

"Does it mean you like someone else? Yun kasi ang pagkakaintindi ko sa sagot mo," tiningnan ko muli si Delilah.

Umiling ako.

"Wala,"

----

Pt.3~Wonho

"Dito ka lang Wonho. Huwag kang makikinig sakanila. Itulog mo na lang to," tinakpan ko ng unan ang tenga ko dahil nagsisimula na ang kasiyahan sa labas. Tsss. Bakit ba kasi andito si Delilah.

Ayoko syang makita dahil naalala ko lang ang ginawa nya nung Summer. Naaalala ko ang paglagay nya ng ipis sa maleta ko. Imagine? Ang daming ipis sa mga damit ko pagkabukas ko! Napatili ako ng wala sa oras at nakunan nya ng video yun. Pinagbabantaan nya akong ipagkakalat nyang bakla ako. Yun babaeng yun talaga.

"Pasalamat ka talaga babae ka Delilah," tinapon ko ang unan sa pintuan. Kainis. Gusto ko ng makisali pero ayaw talaga mawala sa isipan ko ang ginawa ng Delilahng yun.

Gumanti lang naman daw sya sa ginawa ko noong mga paslit pa kami. Nilagyan ko ng palaka ang likod nya kaya ayun ay para syang kiti-kiti at ang sakit ng tiyan ko dahil sa kakatawa sa pangyayaring iyon. At magmula nun ay sinumpa na nya ako.

"Pfft. Bwahahahahahhaha!," hindi ko mapigilang hindi matawa. Ang epic talaga ng reaksyon ng mukha ni Delilah noon. Ang dungis dungis nya rin kasi noon.

Matapos kong tumawa na parang baliw dito ay huminga ako ng malalim. Nawala bigla ang inis ko. Mas nakakatawa parin talaga ang nangyaring yun. Bumangon na ako. Ayos na ang pakiramdam ko. Siguro naman matapos makaganti ni Delilah sakin ay ceased fire na.

"Alright. Tama na ang pag-iinarte Wonho. It's time to party!,"



××××

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro