3: Bear

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ch.3. Pt.1~Mozy

Chapter Song: You call it romance by K.Will


"Ang sakit ng ulo ko," reklamo ni Miesza na kanina pa minamasahe ang ulo nya. Hangover is real.

"Ayan kasi. Sinabi kong huwag kang magpapasobra sa pag inom dahil may klase tayo ngayon," pangaral ni Alaska. Ginulo ni Miesza ang buhok nya habang ako ay nakikinig lang sa dalawa.

"Kasi naman e! Naiinis ako kagabi kaya napadami ang inom ko," sabi nya. Tiningnan ko sya. Sobrang dami talaga Miesza. Tumba nga sya kagabi.

"Bakit ka nga pala badtrip kagabi? Dahil ba kay Delilah?," tanong ko. Napansin ko kasing hindi nya gaano pinapansin si Delilah kagabi.

"Hindi," sagot nya. Nagtinginan kami ni Alaska.

"Ah. Si Minhyuk no?," usisa ni Alaska. Hindi nasagot si Miesza. Hmmm. Silence means yes.

"Tsk. Sabi na nga ba, alam mo bang ang drama mo kagabi?," ani ni Alaska saka kinuha ang bag nya. Handa na kami ni Alaska na pumasok sa mga klase namin pero tong si Miesza ay nakapantulog parin.

"Ewan. Wala akong maalala," pahayag ni Miesza.

"Kung alam mo lang talaga Miesza. Nakakahiya ka kapag lasing," natatawang saad ni Alaska. Masama ang tingin ni Miesza sakanya. Sanay na ako sa dalawang to.

"Umiyak ka rin kagabi matapos kang ihiga ni Hyungwon. Pinagod mo pa kami ni Mozy na bihisan ka kasi nanandyak ka. Napaka brutal mo," napasok sa isipan ko ang nangyari kagabi. Masaya naman pero si Miesza lang ang hindi.

"Ewan Alaska. Wala talaga akong maalala sa mga pinagsasabi mo," nahiga syang muli.

"Hindi na muna ako papasok ngayon. Gusto ko lang matulog ngayong araw," napairap si Miesza. Pareho naman kaming napatango ni Alaska. Kinuha ko na rin ang bag ko at cellphone ko.

"O sha. Itulog mo na yang feelings mo kay Minhyuk, baka sakaling paggising mo ay mawala na rin yan," rinig ko ang pagtawa ni Alaska. Nakatuon kasi ang atensyon ko sa cellphone ko. Ifoflood ko ulit si dad hanggang sa sumagot sya.

"Ang sama nun Alaska ah, maging supportive naman kayo sakin kahit minsan lang!," sagot ni Miesza. Tinawanan lang ito ni Alaska habang ako ay masyadong busy kay dad.

"Alis na kami Miesza. Maabutan ka pa sana naming buhay ni Mozy mamaya," mabilis akong hinila ni Alaska palabas ng kwarto. Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Miesza.

"Sino yang tinetext mo?," tiningnan ko si Alaska.

"Si dad. Gusto kong malaman mula kay dad ang tungkol kay George," sagot ko.

"Akala ko si Hyungwon. Yieee," napatawa ako.

"Malabong si Hyungwon ang katext ko. Minsan nya lang akong itext dahil araw-araw naman kaming nagkikita dito," sabi ko. Sinundot sundot ni Alaska ang tagiliran ko kaya sinaway ko sya. Nakikiliti ako.

"Hay nako Mozy. Number one fan nyo parin ako ni Hyungwon. Umaapaw kayo sa chemistry e," natatawa na lang ako sa mga sinasabi ni Alaska.

"Kapag narinig yan ni Kihyun ay malulungkot sya," sabi ko.

"Hindi a. Iba ang samin ni Kihyun. It's all about second chances habang si Miesza at si Minhyuk ay no comment," nakagat ko ang labi ko. Ang sama kasi ng timpla ni Miesza kagabi. She's so irritated. Si Hyungwon na nga ang nagbuhat sakanya pabalik sa kwarto namin sa sobrang kalasingan nya (at dahil pinagbawalan na kami ni Dean (Ally) na matulog sa Hideout.) Ayaw kasi ni Miesza na magpabuhat kay Minhyuk, kaya nga nasabi ni Alaska na ang drama nya kagabi.

"Do you think wala na talaga silang pag-asa?," I asked. Nagkibit balikat si Alaska.

"Hindi ko mabasa ng maayos ang kilos ni Minhyuk. It's too vague kaya hindi ko alam kung aasa lang sa wala si Miesza o ano," wala na akong nasabi. Siguro titingnan na lang namin ang mga mangyayari sa mga susunod na araw.

Pagkarating naman namin ni Alaska sa first subject namin ay una kong hinanap si George pero wala sya. Absent sya. Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa mga nangyayari. Wala naman kaming ginawa sa subject na yun dahil second day of class pa. May iilang transferee pa kaya inulit ng teacher namin ang mga rules and regulations nya saka ang grading system nya.

Naghiwalay din naman kami ni Alaska matapos ang subject na iyon dahil hindi kami kaklase sa second subject ko. Sa 3rd at 4th pa kami muling magkakasama. Habang patungo nga ako sa classroom for next subject ko ay napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang usapan ng iilang students.

"Naglaslas daw sya at natagpuang walang malay sa banyo,"

Kahit wala namang pangalang binanggit ay mabilis akong bumalik patungo sa kwarto namin. Hindi naman siguro tuluyang nabaliw si Miesza at naglaslas diba? Masasampal ko talaga sya kapag ginawa nya yun sa sarili nya!

"Miesza?!,"

"Ugh! Ang ingay mo!," tinapunan nya ako ng unan nang makapasok ako. Okay. Hindi naman sya mukhang naglaslas. Mukha lang syang zombie dahil sa eyebags nya.

"I need some beauty sleep Mozy! Leave me alone!," nakapikit nyang reklamo.

"Sorry. Sige. Matulog ka na ulit pero huwag kang magpapakamatay Miesza ah," sabi ko at mabilis na lumabas ng kwarto.

Napatingin ako sa itaas. Agad akong tumungo sa 3rd floor at tumigil sa kwarto ng kapatid ko.

"George? It's me, Mozy," maraming beses ko sya kinatok at napahinga ako ng malalim nang bumukas ang pinto.

But it's not George.

"Roommate nya ako. Nasa clinic sya,"

Wala akong nasabi kundi napatakbo ako patungo sa clinic. So it's George. Sya yung naglaslas! Hinihingal akong pumasok sa clinic at nakita ko nga syang nakahiga at walang malay.

"Kamusta sya?," tanong ko sa nurse.

"Okay lang po sya Ms. Harfhilia, hindi naman gaano kalalim ang mga sugat nya sa pulso," napahinga ako ng malalim saka nilapitan ko si George.

Bakit ba nya to ginawa? Dahil ba to sakin? Gusto ko syang pagalitan sa ginawa nya pero mukhang yun ang hindi ko dapat gawin ngayon.

"Don't do it again George, please. I don't want to lose you," hinawi ko ang iilang hibla ng buhok nya na nasa mukha nya.

I can say that she looked like mom. Nahati kasi ang features ko, may iilang kay dad at iilang kay mom. Pero si George, carbon copy sya ni mom. Kailangan lang ng matagalang tinginan para makita iyon.

"Thank God you're awake," masayamg pahayag ko nang imulat nya ang mga mata nya.

"Stay away from me," nawala bigla ang ngiti sa labi ko nang alisin nya ang kamay ko sa braso nya.

"George," nilamig ang buong katawan ko sa mga tingin nya.

"You're not a family. Back off," tinalikuran nya ako matapos nyang sambitin iyon. Mukhang matagal-tagal na pagsusuyo to Mozy.

----

Pt.2~I.M




"Hoy pasan ka?," hindi ko nilingon si Jooheon.

"Sa locker room!," sigaw ko para marinig nya. May kukunin akong libro dahil mapapatay ako ni Hyungwon kapag hindi ko pa sinauli iyon. Regalo daw ng Biscuit nya yun.

"Bilisan mo ah!," rinig kong sigaw ni Jooheon nang makaliko na ako. Oo na. Heto na nga at binibilisan ko na ang paghakbang ko. Hanapan ko kaya ng bagong girlfriend si Jooheon?

Nakapamulsa akong naglalakad patungo sa locker room. Tahimik ang paligid dahil lunch time na. Lahat ng mga students ay nasa Dining Hall. Pasipol-sipol pa ako dahil tahimik nga. Wala ring tao sa locker room nang makapasok ako. Agad akong lumapit sa locker ko at pinindot ang mga maliliit na button para sa password ko. Teka? Bakit bukas na to?

"Ano to?," kunot noo kong kinuha ang isang envelope na may mga korteng pusong disenyo sa labas. Love letter?

"Hala. Ano pa to?," kinuha ko ang isan box ng chocolates? Kisses?

"Para sayo I.M. I hope u love it, bear," basa ko sa note na nakadikit sa box. Bear? Sino si Bear?

Napatingin ako sa loob ng locker room. Bigla akong natakot. Sinong naglagay nito? Mabilis akong napalingon nang may maramdaman akong nakatingin sakin mula sa likod.

"Hoy! Bumalik ka dito!," sigaw ko nang may makita akong babae. Sana hindi multo yun.

"Hoy I.M! Kanina ka pa! Ang tagal mo! Gutom na ako!," nilingon ko si Jooheon. Panira. Hahabulin ko sana yung babaeng yun.

"O. Ano ang mga iyan?," nakatingin sya sa mga hawak ko. Lumingon ulit ako kung saan natakbo yung babae.

"Regalo?," nag-alinlangan kong sagot. Hindi nya pinansin ang sinabi ko dahil hinablot nya na yung kisses.

"Sakin na to ah. Gutom na ako," napailing ako. Kailangan ko na talagang hanapan ng bagong girlfriend si Jooheon.


×××

Amber as George.

Vote. Comment. Be a fan ❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro