25: Friendly Lunch

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Song: All Mine by f(x)

"Alam ba ng iba ang treehouse na to?," pinasadahan ko ng tingin si Hyungwon. Kumakain sya ng dala kong pagkain (biscuits and chocolates). Para sakanya nga lang ata ang dinala ko dahil malapit na nyang maubos ang mga ito.

Nga pala, ang treehouse ni Hyungwon ay kaiinggitan ng bawat bata na makakita nito dahil sa sobrang ganda, kahit nga ako ngayon ay naiinggit e. Gusto ko kasi nung bata ako na gawan ako ni dad ng ganito kaso lumipat kami sa isang subdivision nung 8 years old ako kaya hindi ko naranasan to. Kaya para akong bumabalik pagkabata.  

"Yes. But this is my place," tumango ako. Kaya siguro naging prohibited ang lugar na to dahil inutos ni Hyungwon. Hindi naman kasi imposible yun dahil nga mga spoiled brat sila dito.

Binalik ko ang tingin sa Greenstone City. Yes. Kita dito ang napakagandang city dahil sa sobrang taas ng puno na to at dahil gabi ay ang ganda talaaga ng view ko ngayon. Kahit na takot ako sa matataas na lugar ay hindi ko maramdaman iyon dito dahil siguro napakatahimik ng lugar at napapakalma ako.

Tinabihan ako ni Hyungwon. Amoy ko ang pabango nya at amoy chocolate talaga sya as always but maybe because he's eating my favorite chocolate bar kaya amoy tsokolate sya.

"Dito ka siguro napunta kapag wala ka sa Hideout o sa kwarto," hula ko. Tumango sya. Hindi na rin talaga sya napunta sa kwarto dahil hindi na talaga pwede.

Napasok naman  tuloy sa isipan ko yung sigaw na narinig ko. Di kaya dito nanggagaling yun?

"May narinig akong sigaw habang naglilibot ako sa academy nung first day ko dito. Dito ba galing yun?," pinanood ko syang mag-isip.

"Hmm... maybe, but its not me. I was at the Library, sleeping, then I  saw you," tiningnan nya ako. After two seconds ay iniwas ko ang tingin ko. Err. Biglang uminit ang ihip ng hangin.

"Ah," yan lang ang nalabas sa bibig ko. Naalala kong napasok nga pala ako sa Library bago mapunta sa field. So nakita nya ako doon?

"Technically, I'm the one who first saw you," rinig ko ang mahina nyang tawa.

"You're supposed to be mine,"

Hindi ko pinansin iyon. Ayoko talaga kapag ganun ang mga lumalabas sa bibig ni Hyungwon.Pakiramdam ko pinaglalaruan nya ako at mukhang kaonti na lang ay mapapaniwala nya na talaga ako. That's hilarious Mozy.

"Biscuit,"

"Hmm...," napirmi ang tingin ko sa city dahil ramdam ko ang tingin nya sakin.

"Do you remember anything about your past?," monotone nyang tanong. Himala at nagtanong sya tungkol dun.

"Wala pa," sagot ko at mukhang hindi na maibabalik pa ang alaala ko. Mine's hopeless.

"I remember mine. Kaonti,"

Agad ko syang tiningnan.

"Talaga? Tungkol saan ang naalala mo? Do you remember that someone?," sunud-sunod kong tanong.

He pat my head.

"Relax. Sabi ko nga na kaonti lang. All bits of scenes that I don't understand," hinawi ko ang kamay nya.

"Atleast meron. Ako nga wala e," saad ko.

"How did you lose it by the way?," wala nga pala sya nung nagkwento ako.

"Okay since you're interested, ikukuwento ko sayo," panimula ko.

"It all happened when I was seven years old. Ang kulit ko kasi daw nung bata ako at dahil sa kakulitan kong iyon ay napahamak ako. I was at the playground, playing when I hit my head then boom, nagising akong walang maalala," kumunot ang noo nya.

"Parang may kulang sa kwento mo," kumunot din ang noo ko.

"What dyou mean?," tanong ko.

"Are you playing alone when it happened?,"

Napaisip agad ako. Is it necessary to know that detail?

"Wala namang nakwento si dad tungkol sa bagay na yan. Because I don't think it's important," pinanood ko syang ialis ang tingin sakin at napunta sa view ng city.

"Sometimes, all these little details that we tend to forget are the key to solve our puzzles," pinagmasdan ko sya ng matagal matapos nyang sabihin iyon. I never dare to say anything. Naramdaman ko ang pag-ihip ng malamig na hangin. Napapikit ako nang dumampi ang malamig na hangin sa pisngi ko.

That's deep Hyungwon. I like this side of him though.

"Biscuit,"

I opened my eyes and I literally stopped breathing---no, I can't breathe, that's it. I can't breathe righ now, for Hyungwon is just inches away from me.

I was looking into his eyes, directly. Actually, we we're both looking in each other's eyes.

He said something but I didn't hear it. Until he flashed that smile of him.

"You need to study now Biscuit,"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang tumayo sya.

Okay. He's right. You need to study Statistics for Pete's sake Mozy! Go and get your books!

But still, I wasn't able to grasp everything I need to remember for today's quiz.

Nakatuon ang tingin ko sa hawak kong ballpen at parang dumadaan lang sa tenga ko ang mga instruction na binibigay ng teacher namin. Why are you acting this way Mozy? Just get over it and focus on your quiz.

"Pass the papers backwards,"

I lifted my head nang makita ko sa gilid ng mga mata ko ang nasa labas na si Kihyun. He's waving at me.

"Miss Montgomory. Tell your suitor to wait for the right time. You need to focus on this quiz. Mababa ang nakukuha mo sa mga assignments na binibigay ko," I bite my lips at tumango kay sir.

Nginitian ko na lang ang nasa labas ng pinto si Kihyun at sinenyasan na mamaya na.

Itinuon ko ang atensyon ko sa papel na dapat kong ipasa. And I did my best. I hope so.

Pinasadahan ako ng ibang tingin ng teacher namin nang ipasa ko ang papel ko.

"You need to study hard in this subject Miss Montgomory," napatango ako.

Bumalik ako sa upuan ko at kinuha ang bag ko saka lumabas na. Bumungad sakin ang nakasandal sa pader na si Kihyun. Hinintay nya talaga ako.

"Are you okay?," he worriedly asked. Halata siguro sa mukha ko na problemado ako sa Statistics.

"Medyo nahihirapan ako sa subject kong to," I said.

"Statistics right?," tumango ako.

Nakakahiya mang aminin pero bahala  na. Si Kihyun naman tong kausap ko.

"I think Hyungwon can help you," panandaliang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Si-Hyungwon?," and why are you even stuttering Mozy!

Tumango sya.

"Yes. He's good at it. Kakausapin ko syang itutor ka nya,"

Napatango ako. So matalino si Hyungwon sa Math stuffs?

"Don't worry, right now you need to eat," tama si Kihyun dahil gutom na rin ako.

Bumaba kami ng building at patungo na ng Dining Hall when a luxurious car parked nearby. Natigilan si Kihyun at seryosong nakatingin doon kaya pinasadahan ko rin ng tingin yun. Rinig ko naman ang pagtikhim ni Kihyun nang may lumabas na lalaki sa sasakyan. Mukhang keadad lang ni dad.

"What is he doing here?," rinig kong bulong ni Kihyun.

Nakakunot ang noo nya. Ramdam ko ang unwelcome vibes ni Kihyun sa lalaking yun.

"Kilala mo sya?," I asked. Tumango sya.

"Yeah. Unfortunately, that guy's my dad,"

Gulat ko syang tiningnan.

Ghad.

Ang lalaking yan na mukhang papuntan sa direksyon namin ay dad  ni Kihyun?

Ang sama ng tingin ni Kihyun sa dad nya, seriously.

Kumakaway na papunta ang dad nya samin. Napapaisip ako kung paano ko sya babatiin. Ghad. Ang isa sa mga may-ari ng Monsta X Academy ay narito! Sinimulan na akong kabahan.

"Kihyun," he said at tumigil sa harap namin.

Pinasadahan ko sya ng tingin. Magkamukha nga sila ni Kihyun. Parang pinatanda lang na Kihyun ang nakikita ko ngayon.

"Long time no see, did I suprise you?," aniya. Parang hindi sila mag-ama sa pinapakita nila ngayon.

"What are you doing here?," walang emosyon na saad ni Kihyun.

"Madaming nakwento sakin si Ally. I want to see it myself,"

Palipat-lipat lang ang tingin ko sakanilang dalawa. Satingin ko ay wala dapat ako sa sitwasyon na to e. Nakakasagabal lang ako.

"And besides, I missed my son. Bawal ka na bang makita ngayon anak?," tumawa to ng mahina.

"Stop with that drama. We will go now," hinawakan ako ni Kihyun sa palapulsuhan at aktong aalis na kami nang magsalita ang dad nya.

"Montgomory,"

Nakatingin sya sakin. Bigla akong kinabahan. Tinawag nya ako!

"Back off," saad ni Kihyun.

"Ally's right. How are you?," tinanong nya ako ng 'how are you?'.

"Okay lang po," sagot ko. Tama kaya ang sagot ko?

Nginitian nya ako. Bakit pakiramdam ko ay kakaiba ang kahulugan ng ngiting iyon? Maybe I'm just nervous right now, that's why.

"Can I treat you and my son for lunch?," he asked.

Napatingin ako kay Kihyun. What now Mozy! Gusto kong um-Oo pero alam kong hindi komportable si Kihyun so I need to say No. Pero hindi ko pwedeng ayawan ang may-ari ng academy!

"It's just a friendly lunch son," napahinga ako ng malalim.

"Silence means yes so let's go," naunang maglakad ang dad nya. Nagkatinginan kami ni Kihyun.

"Let's go Kihyun. Hindi ka naman mag-iisa. We'll be fine," kumbinsi ko.

Bumuntong hininga sya. Mukhang napapayag ko sya.

"Okay. But you don't need to answer everything he'll ask to you. My dad is nosy and irritating," tumango ako.

Sumunod kami ni Kihyun sakanya.

"Thank you Ms. Montgomory," kinindatan nya ako. Nginitian ko lang si Mr. Albranxas.

"Pasok na kayo sa sasakyan. We will eat outside. Hindi ba kayo nagsasawa sa pagkain sa Dining Hall?," he laughed. Mukhang may naalala sya sa sinabi nyang iyon.

"We have our classes after lunch," saad ni Kihyun.

Nagulat si Kihyun nang hawakan sya ng dad nya sa balikat.

"You're a good boy now son. Ally's right. I think that's because of Ms. Montgomory, tama ba ako?," sa akin nakatingin ang dad nya. Napa-hehe ako. I don't know what to answer.

Hinawi ni Kihyun ang kamay ng dad nya sa balikat nya. Iritadong-iritado sya.

"Let's just go para mabilis kaming makabalik," saad ni Kihyun saka pumasok na sa sasakyan at ganun na rin ako.

Mukhang madami-dami ata akong sasagutan na tanong ngayon. By the looks of this lunch, mukhang magiging interview ito sakin. At sa sinasabi ni Mr. Albranxas na 'Ally's right' ay dapat yata akong kabahan dahil baka nakwento din ni Dean ang tungkol sa mga violations ko! Tho nangako sya sakin na hindi yun makakarating kay dad. But that doesn't mean Mozy na hindi nya sasabihin sa mga may-ari ng school! Ghad. Kaya ganun na lang siguro ang mga tingin nya sakin!

Pumasok na rin sa loob ang dad ni Kihyun. Napatingin samin ang dad ni Kihyun.

"You two look good together," saad nya.

This is awkward.

Sana ay maging maayos ang lunch na to.





















Don't forget to:

Vote.

Comment.

Be a fan.

❤❤❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro