26: Meeting the parents

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Song: Kick by f(x)

Tahimik. Tahimik ang loob ng sasakyan habang papalayo na papalayo kami sa academy. Sa labas ko na nga lang itinutuon ang atensyon ko para maiwasan ang mga tingin ni Mr. Albranxas at syempre, yung mga tanong nya. I think he's aware sa panliligaw ni Kihyun sakin.

Maya-maya ay nakarinig ako ng kanta. Isang pamilyar na kanta kaya napaawit ako sa isipan ko.

"Hmmm. Alam mo ang kantang to Ms. Montgomory," tiningnan ko si Mr. Albranxas.

"Opo, yung dad ko kasi madalas nyang pinapatugtog yan kaya pamilyar sakin," sagot ko. He nodded.

"Mind to ask if where is your dad right now?,"    tanong nya.

"I'm not really sure where he is right now, my dad's a soldier kaya hindi ko alam kung saan ang destinasyon nya ngayon," sagot ko. Tinanguan nya ako.

Tiningnan ko ang nakatingin sa labas na si Kihyun.

"How about your mom?," napatingin si Kihyun sa dad nya. Irritated.

"Stop asking her personal stuffs," singit nya.

Hiniwakan ko sya sa braso para pakalmahin sya.

I mouthed the word 'it's okay'.

Rinig namin ang pagtawa ng dad nya.

"I'm sorry son. I just want to know the person who inspires you again,"

Huminga ng malalim si Kihyun.

"Well, about my real mom, she died when I was 10 years old. Tapos si Mommy Rose at ang dad ko ay kahihiwalay lang,"

Tiningnan ako ni Kihyun matapos sabihin yun. Oo nga pala. Hindi nya alam na dalawa ang mom ko.

"I'm sorry for asking Ms. Montgomory," he said. Umiling ako.

"It's okay Sir," pormal kong saad.

"Stop calling me Sir. I want you to call me Tito,"

Gulat ako sa sinabi nya. Tito? Tito ang itatawag ko sa may-ari ng academy? Sino ba ako para tawagin syang Tito?

"Sige po--Tito," I awkwardly answered.

Hindi naman na nasundan ang question and answer portion na yun. Tumigil kami sa isang malaking building. Isang mamahaling restaurant ata to. Ayoko pa naman sa mga ganito. Hindi ko kasi alam ang mga gagamitin kong kubyertos!

"Why here? I'd rather eat the food in Dining Hall than here. Nakakasawa," saad ni Kihyun.

Ngumiti lang ang dad nya samin.

Pinasadahan ko ng tingin ang gusali. Bakit kaya ayaw ni Kihyun dito? Mukhang sikat naman ang restaurant na to dahil ang daming nakapark na sasakyan sa labas.
Pangit ba ang service dito o ang pagkain?

"Let's go. They're waiting for us," ani ni Tito. Err. ni Mr. Albranxas.

Pero ano yung sinabi nya? They are? May naghihintay samin dito? Ano ba yan ang dami ko na tuloy tanong.

Pumasok na kami. Pinasadahan ko ng tingin ang lugar. Jusko. Mukhang mamahalin nga ang lugar na to! At dito kami maglulunch? No way. Tama si Kihyun, I'd rather eat at Dining Hall than here! Chandelier pa lang ay parang nakakatakot makabasag ng pinggan dito dahil sa sobrang gara.

"What dyou think of our restaurant Ms. Montgomory?,"

Nabingi ako sa tanong nya. Did he say 'our restaurant'?

Rinig ko ang 'Tsss' ni Kihyun.

"Drop it dad," ani ni Kihyun.

Ghad.

Pagmamay-ari nila Kihyun to?! Napahinga ako ng malalim. Kaya pala nasabi ni Kihyun na 'nakakasawa'. Jusko Mozy. Ano ba tong napapasok mo!

"Mr. Albranxas. Kumpleto na po sila," rinig kong saad ng 'manager'? Yun kasi ang nakalagay sa nameplate nya.

"Pati si Elizandré?,"

"Yes Sir," sagot nung manager.

Apelyido ni Hyungwon yung Elizandré diba?

Tatanungin ko sana si Kihyun kaso nagpatuloy kami sa paglalakad patungong second floor at tumigil sa isang magandang pintuan. Mukhang nasa isang V.I.P room kami.

Pagkabukas ni Mr. Albranxas ng pinto at tuluyan kaming makapasok ay nanlaki ang mga mata ko. Hindi dahil sa napakagara at sosyal  ng lugar, kundi sa mga anim na taong nakaupo sa long table at nakatingin sakin.  Yes. Sakin talaga.

"What is happening Kihyun?," mahinang tanong ko.

Mukhang si Kihyun ay nagulat din.

"I don't have any idea," he answered.

Ano kaya tong pinaplano ng dad ni Kihyun? And who are these people!

"Have a seat Ms. Montgomory," nabawi ko ang pagkagulat ko dahil sa sinabing iyon ni Mr. Albranxas.

Napatango ako saka naupo kami ni Kihyun. Naiilang na tiningnan ko silang anim. Nakaharap kasi silang anim samin habang kami lang dalawa ni Kihyun ang naupo sa kabila.

Naupo na si Mr. Albranxas sa kabila din.  So what is this.

Tiningnan ko si Kihyun. He's clueless too! Pareho kaming naguguluhan sa mga nangyayari. Kinakabahan na ako! Akala ko ba friendly lunch to?

"Ang laki mo na Kihyun, how are you?," tanong ng isa sakanila. Tiningnan lang sya ni Kihyun. Pati sa dad ng iba ay ilang sila. Bakit ganito ang mga boys sa mga dad nila!

"Ehem," napatingin ako sa lalaking nasa pinakadulo (sa left side).

"Ako na ang unang magpapakilala. I'm Jerome Grazeldo, anak ko si Jooheon," nginitian nya ako. I waved at him sabay sabing 'Nice to meet you Sir,'. Kamukha nga sila ni Jooheon dahil sa mata.

"Oh. Don't call me Sir. Call me Tito," he said.

Napatango ako. Another Tito na naman Mozy.

Sumunod yung pangatlo sa upuan. Tumayo sya.

"I'm Henry Kriston. Kamukha ako ng anak kong si Wonho diba?," kinindatan nya ako. Confirmed. Dad nga to ni Wonho. Nagmana sya sa dad nya.

Nakipagkamay ako nang ilahad nya ang kamay nya. Naupo naman sya matapos yun.

"Ms. Montgomory, I'm Brandon Veunas. Mabait ba ang anak kong si Shownu sayo?," napatango ako.

"That's good to hear," ngumiti sya.

"Close ba kayo ni I.M?," napatingin ako sa katabi ni Mr.Albranxas at hula ko ay si Mr. Preston to.

"Yes Sir," I bite my tounge.

"Huwag mo na akong tawaging Sir. Nakakatanda pakinggan. Call me Tito, Tito Karl Preston," tumango na naman ako. Dad nga to ni I.M dahil ang tangos ng ilong. Parehas sila.

Mukhang dadami ata ang Tito ko ngayong araw at ikabibigla to ni dad kapag nalaman nya.

"Hindi naman nagpapasaway ang mga boys sayo?," nalipat ang tingin ko sa katabi ni Mr. Veunas.

Umiling ako. Why are they asking me about the boys? Andito pa naman si Kihyun sa tabi ko na nakikinig lang.

"How about my son? Minhyuk?," napa-ah ako sa isipan ko.

This is Minhyuk's dad.

"Mabait po si Minhyuk sakin," sagot ko.

Tumango sya.

"I'm Paul Trejos by the way," pakilala nya.

"Nice to meet you po," sagot ko naman.

Lahat sila ay napatingin sa pinakadulo. If I'm not mistaken, dad yan ni Hyungwon? Pareho sila ng aura e.

"It's your turn Robin," tinapik sya sa balikat ni Mr. Albranxas (magkatabi kasi sila).

Pinasadahan ako nya ako ng tingin. Nakikita ko si Hyungwon sakanya.

"How are you?,"

Napalunok ako sa tanong nya. How am I? I'm actually nervous right now.

"Okay lang po," simple kong tanong kahit na wala naman akong maintindihan sa mga nangyayari ngayon.

"That's a good news," he said.

"Hays. Ms. Montgomory, this is Robin Elizandré. Hyungwon's dad," si Mr. Kriston ang nagpakilala sakanya.

"Hello po. Nice to meet you," nginitian nya rin ako.

"I heard your close to my son. Kwento ni Ally," napatango ako.

Ghad. Mas lalo akong kinakabahan! Kausap ko ang dad ni Hyungwon! Ang tono ng kasi ng boses nya e.

"Naaalala ko ang mga panahon na tumatakas din tayo. Galit na galit ang mukha ng Dean satin noon tapos tinatawanan lang natin kaya mas lalo tayong napaparusahan," saad ni Mr. Kriston (dad ni Wonho).

"Sinabi mo pa. Si Robin ang pinakamabait satin nun dahil sumusunod talaga sa rules!,"

Nagtawanan sila.

Ghad. Alam nila ang pagtakas namin ni Hyungwon! Nakakahiya at baka  isipin nilang bad influence ako!

Pero ang dad ni Hyungwon ang pinakamabait? Talaga? Mukhang sa mom ata ni Hyungwon sya nagmana dahil mahilig magbreak ng rules ang Sleeping Pills na yun.

"Anyway, kumain na tayo at baka ginugutom na natin si Ms. Montgomory," pahayag ng dad ni Shownu.

Ngumiti lang ako. Hindi ko alam ang dapat kong irespond. Masyadong mabilis ang mga nangyayari. Hindi parin ako makapaniwala na nagpakilala sakin ang mga dad ng boys. Bakit nga ba sila nagpakilala sakin? Dahil siguro ako yung bagong 'Queen' ng academy? Alam kong masyadong mababaw na dahilan yun pero wala na akong ibang maisip na dahilan.

Anyway. Kumain na nga kami at kahit na gaano kasarap tingnan ang mga pagkain na nasa mesa ay wala na akong gana! Pansin ko ang mga palihim na tingin ng mga dad nila sakin! Mukhang kinikilatis nila ang kaibigan ng mga anak nila.

Para kasing may gusto silang sabihin pero hindi nila masabi. Ewan. Pinasadahan ko ng tingin si Kihyun na tahimik na kumakain.

Napatingin ako sa bumukas na pintuan at pumasok ang isang naka all black na lalaki,(mukhang butler o bodyguard). Lumapit sya kay Mr. Albranxas.

"Sir. Sinuntok po ng mga anak nyo ang mga sumundo sakanila. Pinilit kasi silang ipasok sa sasakyan," ani ng butler kaya lahat ay natigilan sa pagkain.

Sinuntok? Sinuntok ng mga boys?

Tiningnan ko si Kihyun na napailing.

Maya-maya ay nagtawanan ang mga dad nila? Why are they laughing?

Oh. Nakakalimutan ko atang dating gangsters ang mga dad nila. Kaya siguro ganito ang reaksyon nila sa balitang yun. Ganito sila kasupportive sa mga anak nila.

"As expected from them," saad ng dad ni I.M.

"Kanino pa ba magmamana ang mga batang yun," tatawa-tawang saad ni Mr. Veunas.

"Where are they?," tanong ni Mr. Grazeldo.

"Nasa labas ng pinto Sir," sagot nung butler o bodyguard.

"Papasukin mo na sila," utos nya. Sinunod naman ng bodyguard yun at bumukas nga ang pinto saka nagsipasok ang mga boys na lahat ay iritado maliban kay Hyungwon na mukhang gustong matulog o parang nababagot sa mga nangyayari.

Nag-iba lang ang ekspresyon nya nang magtama ang mga tingin namin. Nagulat siguro syang makita ako dito.

"What are you guys doing here?," tanong ni Wonho samin ni Kihyun.

Nagkibit-balikat ako. Wala kaming ideya ni Kihyun, Wonho. Ang akala naming friendly lunch ay naging unexpected reunion ninyo.

"Hi boys!," bati ng mga dad nila. Hindi nila ito sinagutan. Napapailing ako sa nangyayari ngayon.

"Take a seat boys," saad ni Mr. Albranxas.

Lahat sila ay katingin sa mga dad nila. Oh. Mukhang may reunion na magaganap ngayon.

"Tsss. Pinaabduct nyo pa kami para lang dito," saad ni Jooheon.

Pinasadahan ko ng tingin si Mr. Elizandré na nakatingin sa anak nya. Mag-ama nga sila ni Hyungwon.

"What d'you want from us," tanong ni Minhyuk. Para talagang mga 'strangers' tong nasa harap nila.

Natahimik ang lahat at pinanood ko ang pagtinginan ng mga dad nila sa isa't-isa. Parang nagkakaintindihan sila sa isang tingin lang.

Tumayo ang dad ni Kihyun saka may inabot na isang envelope kay Shownu.

"Open it," ani ni Mr. Albranxas na agad namang sinunod ni Shownu.

Kita ko ang pagkunot ng noo ni Shownu.

Hinablot naman iyon ni Jooheon saka nanlaki ang mga singkit nyang mata.

"Nagbibiro kayo diba?," he asked.

Now I'm dying to know what is inside of that envelope!

Pinasa ni Jooheon sa iba ang envelope. At pare-pareho silang gulat?

"We're serious about it. Pinag-isipan namin to. Lahat kayo ay pupunta sa Camp Deli,"

Napatayo si Kihyun.

"Including you Ms. Montgomory," ani ni Mr. Albranxas.

Okay. It sounds fun but what is Camp Deli?


















Vote.

Comment.

Be a fan monbebes! ❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro