27: Trainee

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Song: Boom Bang Boom by f(x)




"What is going to happen now?," Shownu asked.

Yeah. What is going to happen.

Tumayo ang dad nya.

"We think it's time for your clan to return in gangster world,"

Natahimik ang lahat. Did I heard it right?

"But. Only fight when it is necessary. And you have reasons. Good reasons. And as much as possible, avoid death and killing,"

Napatingin ako kay Minhyuk. He killed one for Miesza.

"All gangsters follow these rules. At alam naming alam nyo yun. We're gangsters not just some sort addicts in the streets. We have pride and principles in life. Don't forget about that," Mr. Trejos said that.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga boys. Their faces are serious. But it's a good news right? I mean for them.

Nagsitayuan ang mga dad nila.

"Welcome back boys," they said.

Hindi parin ako makapaniwala ngayon. I mean. Alam kong gangsters sila pero they're not active but now, they're totally back.

Lumabas kami sa restaurant at napag-alaman na lang namin na may isang bus na nakahanda para sa pag-alis namin.

"Are they serious about this?," rinig kong tanong ni Wonho.

"Mukhang oo ang sagot sa tanong mong iyan Wonho," sagot ni I.M.


Napatingin kaming lahat nang lumabas ang mga dad nila.

"Everything's settled there. No need to worry and enjoy your stay," ani ng dad ni Wonho.

"He means "Break the rules and enjoy"," ani ni Mr. Preston.

"And you Ms. Montgomory. You'll be fine there. Hindi ka nila pababayaan," napatango ako sa pahayag ni Mr. Albranxas.

Nagsipasok na ang mga boys sa bus at sumunod na din ako matapos kong makapagpaalam.

Nadatnan nga namin ang mga gamit namin sa loob ng bus. Pinaghandaan ata talaga to ng mga dad nila.

"Totoo ba talaga tong nangyayari?," pinasadahan ko ng tingin si Jooheon na nakatingin sa mga bags namin.

Tinapik sya ng katabi nyang si Kihyun.

"We're so back," aniya at base sa tono ng boses nya ay masaya sya.

"We need to train again. Humihina na ang mga suntok ko," saad ni Shownu.

Naupo na ako sa isang bakanteng pwesto. Napansin kong nasa labas pa pala si Hyungwon at kinakausap ng dad nya. Parehong seryoso ang mga mukha nila habang nag-uusap.

Naramdaman kong may tumabi sakin at si Wonho pala.

"You're now our official Ace," kumunot ang noo ko dahil hindi ko sya naintindihan.

"Ace?," binalik ko ang tanong.

Tumango si Wonho.

"Parang face of the group," napatingin ako sa sumingit na si Jooheon.

"Yeah. You're not just a Queen in our school but also in our clan," saad ni Wonho.

"Lahat ba ng clan meron ganon?," I asked.

"Yep. Don't worry. Sigurado akong ikaw ang magiging susi ng comeback namin," dagdag ni Wonho.

Mas lalo yata akong dapat kabahan sa magiging papel ko sa clan nila. Ano bang silbi ng Queen kung hindi naman marunong makipaglaban? I can't be a burden to them!

Nang makapasok naman si Hyunngwon ay umandar na ang sasakyan.

"Ah Wonho. Ano nga pala ang Camp Deli?," tanong ko. Kailangan kong maorient.

"Hmm..it's a camp for gangsters. Parang training ground, camp for deliquents," simple nyang saad.

What? For Deliquents Mozy! Kaya nga Camp Deli!

"So you mean maraming gangsters sa lugar na yun," tinanguan nya ako.

"At ang mga soon to be gangsters,"

Kailangan ko na bang mahimatay ngayon? I mean si dad kapag nalaman na nya to? Hindi ko maimagine ang mukha nya kapag nalaman nyang isang Ace or Queen ang nag-iisang anak nyang babae. Mahihimatay talaga yun.

Habang tumatagal akong naupo sa bus na to ay napapaisip ako sa madadatnan ko. Kung training ground yun ng mga gangsters ay baka andun ang Burlington?

Tiningnan ko ang natutulog na si Hyungwon at may suot na earphones. Naalala ko yung banta ng Burlington sakanila. Sinabi kaya ni Hyungwon ang tungkol dun?

Napailing ako. Kaya nila ang sarili nila Mozy. They won't call themselves a gangsters if they're not capable of protecting theirselves. Tsaka hindi sila papayagan ng mga dad nila kung alam nilang mahihina ang mga ito. They trust them so you need to do it too.

Napahinga ako ng malalim. Katabi ko parin si Wonho at katulad ng iba ay natutulog sya. Ginabi na kami sa byahe but I can't sleep! My mind won't stop thinking about Camp Deli. Parang ako talaga ang magtatraining dun.

Sumandal na lang ako at pinanood ang mga dinadaanan namin. I closed my eyes at baka dalawin na ako ng antok.

Successful naman ang pagpikit ko at nakatulog nga ako pero nagising ako na nasa kama na.

Agad akong napabangon at nanlalaki ang mga mata. Hindi naman ako tulog mantika pero bakit hindi ko napansin na nakarating na kami!

Nilibot ko ng tingin ang kwarto kung saan ako ngayon. Maganda. Parang Hotel. Teka. Nasa Camp Deli na ba talaga kami?

Bumangon ako at mabilis na pumunta sa bintana. Pagkahawi ko ng magandang kurtina ay nakumpirmi ko talaga iyon. I can see from this spot ang mga nagtatraining sa baba. Nasa camp ka na ng mga gangsters Mozy. Ano naman kaya ang gagawin ko dito? I'm not even a gangster!

Yun nga sana ang gusto kong sabihin sa mga dad ng boys pero mukhang planado talaga ang lahat at kasama talaga ako.

Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok.

Lumapit ako dun at pinagbuksan kung sino man yun.

At isang babae ang nakikita ko ngayon. She's wearing gym clothes at nakabraid ang buhok nya. Pinasadahan nya rin ng tingin ang suot ko. Nga pala nakauniform pa ako at bagong gising.

"You're Mozy right? From Monsta X Academy?," tumango ako.

"You need to be ready. Here's your uniform," aniya sabay abot ng isang paper bag.

"I'll give you 15 minutes to change," aniya at isinarado ang pinto.

Natigilan ako.

Tama ba ang narinig kong hihintayin nya ako at may 15 minutes lang akong magbihis?

Kahit na naguguluhan ay mabilis akong nagpalit ng damit. Isang gym clothes at sneakers din ang laman ng paper bag. Matapos iyon ay itinali ko ang mahaba kong buhok.

Saktong may kumatok kaya lumabas na ako. Nginitian nya ako (yung babaeng nagbigay ng paper bag).

"You're ready," aniya.

Ready for what?

Matapos iyon ay nagsimula syang maglakad kaya sumunod ako sakanya. Err. What is happening.

"Ah. Miss----,"

"Raldine," pakilala nya. Napatango ako.

"Ah. Miss Raldine. Saan tayo pupunta? Bakit ganito ang bihis ko?," I asked.

Napatigil sya sa paglalakad at hinarap ako.

"You don't know why you're here?," umiling ako.

Ang alam ko lang kasama ko ang mga boys sa camp na to.

May binigay syang papel sakin.

"Your name is there, it means you're a trainee,"

Agad kong hinanap ang pangalan ko kung meron nga.

And I was doomed. Nababasa ko ngayon ang pangalan ko. May Mozy na nasa listahan. Baka nama hindi ako yan. Pero may name of school! It really means that it's you Mozy.

"You did not sign up for this?," umiling ako at binalik ko ang papel sakanya.

A trainee? I'm a trainee? Akala ko ba Ace o Queen lang ako?

"Well, since your name is there, you're now a trainee,"

Nanlulumo ako sa narinig ko. Am I going to be a gangster from now on?

Ghad.

Hindi ako naorient tungkol sa bagay na to.

"Let's go or you'll late," aniya at nagpatuloy nga kami sa paglalakad.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako. Paano ko naging trainee? Kaya ba ako sinama dito ng mga dad ng boys dahil dito?

Wala na ba tong atrasan? Pwedeng mahimatay ngayon na mismo?

Nakalabas kami ng building. Nilibot ko ng tingin ang lugar habang nakasunod ako kay Raldine. Hindi naman pala nakakatakot ang Camp Deli dahil parang normal na camp lang dahil maraming puno at may preskong hangin. But looks are always deceiving Mozy.

Sa kalayuan ay may nakikita akong grupo ng mga tao na natakbo at nililibot ang field. May nadaanan din kami na nag-aarnis at nagtataekwondo.

Ghad. Hindi ko pinangarap maging gangster kaya bakit ako napunta dito! Dapat nga ay nag-aaral ako ng Statistics ngayon pero heto ako at naging trainee sa Camp Deli.

Nasaan kaya ang mga boys? Alam kaya nila ang pagiging trainee ko?

"We're here. Mauna ka ng pumasok at nasa loob ang mga kapwa mo trainee," ani ni Raldine.

Napatango ako. Yun lang kasi ang magagawa ko ngayon dahil napakabilis ng mga nangyayari. Kakagising ko lang tapos heto at naging trainee ako.

Huminga ako ng malalim. My dad had taught me to face my fears at hindi ipakitang takot ako. So, I convinced myself again that I'll be fine here.

Pagkapasok ko (sa isang cabin) ay sinalubong ako ng bati ng isang babae din na nakaupo sa isang mahabang mesa.

'Facilitator' ang nakalagay sa kanyang nametag.

"Name please,"

"Mozy," saad ko.

May binigay sya at isang nametag din.

"Welcome Mozy. Maupo ka na dun at maya-maya ay darating na ang instructor nyo,"

Napatango ako. Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakaupong babae na mga 'trainee' rin.

Naupo ako sa malayo sakanila saka nilagay ang nametag ko.

Ghad. Lahat ng mga babaeng to ay gustong maging gangster? Really? Ako lang ata ang hindi nababagay dito.

Napansin ko naman ang tingin ng apat na babae sakin. Iniwas ko ang tingin para maiwasan din ang gulo. Ayokong makipagsapakan dito. Sana naman ay walang 'Miesza' dito.

Napahinga ako ng malalim. Itetext ko sana si Kihyun kung nasaan sya ngayon pero hindi ko na matandaan kung nasaan ang cellphone ko. Masyado akong kabado e.

Napapaisip ako ng mga gagawin ko bilang trainee. Magsusuntukan kaya kami ng isa sa mga babae dito? Paano kung ayokong manapak dahil hindi ko naman nature yun?

"Ehem," pinasadahan ko ng tingin ang apat na babae na nasa harap ko ngayon. Sila din yung mga babaeng tinutukoy ko na nakatingin sakin.

"You're Mozy from Monsta X Academy?," tanong ng isa sakanila. (Jessa ang pangalan,nalaman ko dahil sa nametag.) Mukhang mataray dahil on fleek ang eyebrows nya.

Tumango ako.

"Totoo pa lang nagbalik na ang Monsta X Clan. So ikaw pala ang Ace nila," (sabi ni Mildred).

Ngumisi ang apat sakin.

"See you around Mozy," ani nung Jessa saka umalis naman din sila.

Napahinga ako ng malalim. Akala ko aawayin ako ng mag yun.

Napatayo ang lahat (at ako rin) nang may pumasok na babae. Nakasuot sya ng gym clothes katulad samin pero iba ang kulay ng sakanya at nakalugay ang mahaba nyang blonde hair. (Parang kaedad lang namin). Gangster din siguro to ( I assume) at mukhang sya ang instructor namin.

"Trainees. I'm Alaska Winters, your instructor for this session," pakilala nya. Parang walang emosyon ang mukha nya. Poker face. Ang hirap basahin ng mga ganitong tao.

Bagay nga sakanya ang last name nya. Bigla kasi akong nilamig nang magtama ang mga tingin namin.

Goodluck Mozy.








×××

Dont forget:

Vote.

Comment.

Be a fan ❤❤❤❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro