41: Trouble Date

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter Song: Lonely by B1A4

"How do I look?,"nakaupo ako sa kama at humalukipkip na tiningnan sya. Kanina nya pa ako tinatanong nyan. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilang beses na to ngayon.


"You look absolutely fine-no, gorgeous to be exact Alaska," muli syang napatingin sa salamin. She's nervous. Satingin ko nga rin ay hindi sya nakatulog ng maayos kagabi. Pag-ibig nga naman.


Naglagay sya ng lipgloss sa labi nya at inabot nya sakin yun matapos. Napailing ako. Okay na ako sa ayos ko. I don't need to put anything on my face.

"I'm damn nervous! Ugh! Salamat at kasama kita Mozy. Baka kasi himatayin ako," I rolled my eyes. Bakit hindi sya confident sa sarili nya? Ang ganda nya! Dapat si Kihyun pa ang kabahan sa lakad na to.


"You're overreacting. Magiging okay lang ang lakad nyong ito. Hindi kami sasagabal ni Minhyuk," sabi ko. Oo, napapayag nya nga si Minhyuk, hindi na talaga ako umasa na mananalo ako kay Alaska. She has her way para pasunudin ang mga tao.She's indeed a Queen.



Tumayo ako dahil oras na para umalis. At baka hindi na tuluyang umalis si Alaska sa kwartong to.


"Okay lang ba talaga ako?," napailing ako sa tanong nya at hinila na sya palabas ng kwarto.


Pagkababa namin ng building ay andun na nga ang dalawa. Nginitian ko silang pareho. Pansin ko ang tingin ni Kihyun kay Alaska. Basa ko rin na kabado sya. Bagay nga sila ni Alaska.


"Tara na?," ako na ang nagsabi. Mukhang magtitinginan na lang kasi kami dito.


Umangkas na ako kay Minhyuk at pinasadahan ko ng tingin si Alaska at Kihyun. Bakit ba ako kinikilig sakanilang dalawa? Anyway, lumabas na kami ng academy sakay ang mga bmx ng boys. (Wala silang sasakyan dahil hindi sila pinayagan ng mga dad nila na magkaroon kahit isa man lang sa grupo.) Well, I'm actually fine with riding this. Napapasok tuloy sa utak ko si Hyungwon. Naaalala ko yung pagtakas namin. My first ever cut out in class at ang paglabag ko ng mga rules. Napailing ako. Stop it Mozy. Bakit ba napapasok sa utak mo ang Sleeping Pills na yun.


"Mauna na tayo Minhyuk, iwan na natin ang dalawang yan," saad ko. Natawa sya ng mahina at sinunod ako. Bumilis ang pagpedal nya at nauna nga kami sa dalawa. Bahala na kayo Alaska at Kihyun. Dinadamay nyo pa kami ni Minhyuk.


Papunta kami sa Greenstone Mall. Isang 'friendly date' nga ang magaganap ngayon. Manonood kami ng sine saka napag-usapang pupunta kami sa theme park (na pinuntahan namin ni Hyungwon.) Hindi ko tuloy masabi kung matutuwa ba ako na parang minumulto ako ni Hyungwon dahil kahit wala sya dito ay nagpaparamdam sya.


Anyway, nauna nga kami ni Minhyuk sa Greenstone Mall. (May parking lot for bikes ang mall na to kaya naipark nya si M ng maayos. And speaking of M? Halatang Miesza ang ibigsabihin nun just like Kihyun's bmx na pinangalanan kay Alaska.)


Natingin ako sa wrist watch ko. Nasaan na kaya yung dalawa? I texted Alaska pero hindi sya nasagot so probably ay nasa daan pa sila. Sinulit talaga ni Kihyun ang oras ng nakaangkas si Alaska sakanya.


Tiningnan ko naman si Minhyuk. Kapag nakikita ko sya ay naalala ko si Miesza at ang pinangako ko sakanya. Naninindig ang balahibo ko sa braso dahil dun.


"Napapayag ka talaga nya. Galing ni Alaska mangumbinsi," saad ko. Ngumisi sya.


"Yeah. Kinulit din ako ni Kihyun," napa-ah ako sa sinabi nya. Pareho ang takbo ng isip ng dalawang yun.


"Gusto mong maglibot-libot muna dito? ," he asked. Tumango ako. Mukhang matagal-tagal pa dadating ang dalawang yun. Tsaka hindi ako nakapaglibot dito noon dahil ang tanging ginawa ko lang ay ang nakipag-unahan sa mga baliw na fangirls ni Hyungwon na hanapin sya.

"You won again Biscuit,"

"And I'm your prize,"

Napapikit ako at napailing ng palihim. Great. Bakit ko ba naalala ang mga pangyayaring yun. Lubayan mo muna ako Hyungwon.

Naglakad-lakad nga kami ni Minhyuk at iginala ko ang tingin ko at baka may makita akong interesadong store. Kailangan ko rin kasing bumili ng pasalubong ko kay Mommy Rose kapag bumisita ako sakanya. Hinila ko si Minhyuk patungo sa isang store. Tumingin tingin ako sa mga items sa loob at baka may mahanap nga ako.


"May pagbibigyan ka?," natango ako sa tanong nya.


"Si Mommy Rose," saad ko. Alam nya ang tungkol sa nangyari sa mga magulang ko kaya mabuti na rin siguro na kasama ko si Minhyuk ngayon.


Nang wala akong mapili ay lumabas kami. Saktong nakita ko sina Kihyun at Alaska kaya mabilis na nilapitan namin sila.


"Tagal nyo ah," saad ni Minhyuk.


Siniko ko ng palihim si Minhyuk dahil dun. Mukhang hindi naman narinig ng dalawa kaya tumungo na nga kami sa cinema area. Naunang maglakad ang dalawa dahil syempre, keep distance dapat kami ni Minhyuk. Kahit na 'double friendly whatever date' ito ay hindi dapat kami maging sagabal sa dalawa.


"Are you sure you're okay seeing this?," napatango ako. Alam kong itatanong yan sakin ni Minhyuk.


"Hindi naman naging kami ni Kihyun kaya hindi masakit sa mata," pahayag ko.

"I'm sorry for not telling you about them. We thought Kihyun told you about Alaska," tumikhim ako.

"Hmm..everything went okay, so don't worry. Hindi naman ako galit,"

Hindi naman na nasundan ang tanong na iyon dahil pumila na kami sa para sa ticket. Actually ang boys ang nakapila ngayon, nilibre nga ako ni Minhyuk kahit na nag-abot naman ako ng bayad.

"Halata ba?," kasama ko si Alaska na nakatingin sa nakapilang si Kihyun.

"Na kabado ka? Yep," honest kong sagot.

"Just go with the flow Alaska. Alam ko namang mas kilala mo si Kihyun," sabi ko. Napatango sya sa advice ko. Kung makapagbigay talaga ako ng payo parang ang dami ng naranasan na date. Yung kay Hyungwon pwede na atang tawaging date yun kahit medyo fail.


Napairap ako. Si Hyungwon na naman Mozy? Ghad. Tama na.


"You're right Mozy. I'll be fine now," tiningnan ko sya. Masaya akong marinig yan kay Alaska. So ayos na ang takbo ng lahat.

Lumapit naman samin ang boys nang makabili sila. Dumiretso kaming bumili ng popcorns and drinks. Nakakahiya man pero hindi na ako umayaw sa libre ni Minhyuk.

Nasa upper deck kami naupo at madami ang tao. Sikat kasi tong palabas na papanoorin namin. Nag-enjoy naman ako dahil mukhang nag-enjoy ang dalawa (Alaska at Kihyun) pati narin ata si Minhyuk. At mukhang tumalab nga ang mga binigay kong payo kay Alaska dahil kita ko sa dalawa na hindi na sila ilang. Matapos namin sa Greenstone Mall ay kumain muna kami bago tumungo sa theme park.


Pinasadahan ko ng tingin ang lugar nang makapasok kami. Nagpaalam yung dalawa samin na maglilibot-libot daw. Pareho lang kaming napatango ni Minhyuk at pinanood namin ang pag-alis ng dalawa.


"Dinamay damay tayo tapos kaya naman pala nilang dalawa," sabi ko. Tiningnan ko si Minhyuk.


"What now Mozy?," natigilan ako.

"What now Biscuit,"


"Ah. Maglibot-libot din tayo," sagot ko. Sa ibang direksyon nga kami tumungo ni Minhyuk. Ang laki ng theme park na to kaya imposibleng wala kaming magawa ni Minhyuk.


We both decided to try all the rides. (Nung napunta kami ni Hyungwon dito hindi ko man lang nasubukang sumakay sa ferris wheel. ) Anyway, natuwa ako sa bumper cars at pendulum ride na halos ikahimatay ko pero dahil kay Minhyuk ay naenjoy ko naman din. Sasakay sana kami ng roller coaster kaso masyadong mahaba ang pila kaya sa carousel kami pumunta. Actually, ako ang humila kay Minhyuk papunta dun. Naalala ko si dad kapag may carousel akong nakikita.


Mabilis na umandar ang pila kaya agad kaming nasakay sa carousel. Sumakay ako sa upuan na dragon. Nilingon ko ang nasa likod ko na si Minhyuk. Nakasakay sya sa isang panda. Nginitian ko sya nang magtama ang mga tingin namin.


"Thank you," I mouthed. Then he mouthed "You're welcome,"


Binalik ko ang tingin sa loob ng carousel. Ang ganda talaga ng mga ilaw tingnan lalo na dahil umaandar to. Reminds me of my childhood (I mean, when I was 9 years old.)

Sinundan ko naman ng tingin ang dalawang bata na nag-aasaran sa harapan ko. May kakaibang pakiramdam akong naramdaman habang pinagmamasdan ko ang dalawang bata. Nostalgic? Ewan. Feels weird.


Nilingon ko ulit si Minhyuk. I caught his gaze.


"Favorite ride mo?," napaisip ako. Well, dalawa ang favorite ride ko. Carousel at Ferris Wheel. Torn between two.

"Yeah," sagot ko dahil hindi ako makapagdecide.


"May I know why?," napaisip na naman ako. Bakit nga ba Mozy? Dahil ba kay dad? I'm not sure.


"Hmmm...nakakaakit ang mga ilaw saka it reminds me of dad. Dinadala nya ako sa mga ganito dati," sagot ko.


"Ako rin,"


"Really? So we're both on our favorite ride," I said.


"Seems like it," saad nya.

Binalik ko ang tingin sa harap. Pang tatlong ikot na namin to.


"Baka nga dito tayo nagkita nun,"


Mabilis ko syang tiningnan. Seryoso ang tingin nya sakin. I stare at him too at baka may maalala ko.


"May nakilala akong bata sa isang carousel. And she looks like you,"

Agad akong nag-isip sa sinabi ni Minhyuk. I'm assuming as if I can remember anything.


"How old are you back then?," I asked.

"Probably, seven," napatango ako.


If that's the case. I might met him before the accident.

"Posible nga," sagot ko.

"May kakaibang pakiramdam sa loob ko ngayon. De javu?," nagkibit-balikat akong sinabi yun.He chuckled.


"Huling ikot na," sabi nya.

I nodded.


Baka tama nga si Minhyuk at ang mga boys. Maybe I met him before, silang lahat. At kung oo nga ang sagot sa lahat ng iyon ay matutuwa talaga ako at maniniwalang hindi nga talaga coincidence ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ng tao. And right now, at this very moment, I can say that maybe I do met Minhyuk before. Because this scene's actually familiar.


Baka nasa harap lang namin ang mga kasagutan, we just don't know it. Konektado pala ang lahat hindi ko lang alam kung saan ako magsisimula.



Matapos kami sa carousel, I texted Alaska na mauuna na kami ni Minhyuk pabalik sa academy. Mukhang enough na ang ginawa namin sa araw na to.


"Galit ka pa rin ba hanggang ngayon kay Miesza?," tanong ko. I just want to hear his side.


Matagal bago sumagot si Minhyuk. (Baka nahihirapan syang magpedal dahil sakin.)


"Nope. Nangyari na ang nangyari," ngumuwi ako sa sagot nya.


"Gusto ka talaga nya. Give her another chance. Lahat naman ng tao nagbabago e," saad ko. Napa Hmmm... sya.


"I think it's too late. She's gone," alam kong may panghihinayang sa boses nya. Alam kong namimiss nya rin si Miesza.


"Babalik din sya," sagot ko. Nangako si Miesza kaya alam kong babalik ang babaeng yun.


"At babawiin ka nya," dagdag ko. She told me about that at para sakin ay isang pangako yun na dapat nyang gawin.


Natahimik kami matapos iyon. Wala na kami sa downtown at naabutan din kami ng dilim.(Malamig na rin ang hangin, November na rin kasi.) Habang papalapit kami sa academy ay hindi tumuloy si Minhyuk na pinagtaka ko. Bigla kasi syang lumiko tsaka biglang bumilis ang takbo namin.


"Bakit?," tanong ko. Napahigpit ang hawak ko sa balikat nya.


"Satingin ko, hinahabol tayo ng Burlington," saad nya at muli kaming lumiko sa isa pang eskinita.


Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya. Napalingon ako at mukhang tama nga si Minhyuk. May sumusunod samin at madami sila.





×××

Updated!❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro