42: Maswerte parin

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Song: Breathing Slow (Teen Wolf Soundtrack)

Habang bumibilis ang takbo namin ni Minhyuk ay nakikisabay din ang tibok ng puso ko. Ghad. Ang dami-dami nila! At kung Burlington nga to ay dapat talaga kami kabahan. Marumi silang makipaglaban at talong-talo kami kung iisipin! Hindi kaya ni Minhyuk na kabalanin ang mga yun!

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa balikat nya.

"Don't be afraid. I will protect you," he said. Napakagat ako ng labi. Mas dapat nga yata akong matakot para sayo Minhyuk. Ayokong matulad ka kay Hyungwon!

Tumigil kami sa isang madilim na eskinita at pinagtago nya ako sa likod ng basurahan. He parked M sa gilid. Hindi na kami pwedeng magtatakbo. Pinalilibutan na ng Burlington ang lugar. Napatingin ako sa patay sindi na ilaw ng poste. Mas lalong naging nakakatakot ang ambiance ngayon.

"I'll text them, mapapahamak tayo Minhyuk sa sobrang dami nila," napakagat ako ng labi saka kinuha ang cellphone sa bulsa ko. I immediately texted the boys.

"Just stay here," aniya. Napatayo ako at hinawakan ko ang braso nya.

"Where are you going? Hintayin na lang natin ang mga boys," napatingin sya sa kamay ko na nasa braso nya.

"Please. Don't go," pigil ko. Napatango sya. Ghad. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Minhyuk! Yohoo! Nasaan na kayo?,"

Mabilis kaming nagtago sa basurahan. Tinakpan ko ang bibig ko. Natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi para kay Minhyuk. Baka kasi ano ang magawa nya sa sitwasyon ngayon.

"We don't need you. Yung Queen lang ang habol namin," nasa malapit lang ang boses na yun.

Nagtinginan kami ni Minhyuk. Umiling ako. Baka kasi may plano sya sa isipan nya kaya pipigilan ko sya. Minsan mas makabubuti ang hindi na lang lumaban. (Yun ang turo ni dad sakin.)

"Hindi kayo makakatago habang buhay. Mahahanap namin kayo,"

Napailing ako. Ghad. Ako na naman ang gusto nila! Last time, they buried me alive! Hindi ko na maisip ang pwede nilang gawin sakin ngayon.

Nabuhayan ako ng loob ng makatanggap ako ng reply sa mga boys. They're on their way! Thank God.

Pinabasa ko kay Minhyuk iyon. Nagtanguan kami. Tinago ko ang cellphone ko nang makarinig kami na may papalapit sa pwesto namin. Ghad. Dumagdag pa talaga tong poste na patay sindi!

"We know you're there,"

Napakagat ako ng labi. Wala na kaming magagawa ni Minhyuk kundi ang sumuko. Parating na ang mga boys. All we need is to wait.

Napatili ako nang magpaputok ako ng baril ang taong malapit samin. May baril sila! What the! This is unfair!

Agad kaming napatayo ni Minhyuk at napataas ng kamay nang mahuli kami. Nakatutok sakin ang baril nya. Hindi ko na maramdaman ang sarili kong hininga dahil sa kaba. This is insane.

"Gotcha," isang malapad at nakakatakot na ngisi ang binigay samin ng isang miyembro ng Burlington.

"Ikaw lang ang kailangan naming Queen," nanlaki ang mga mata ko nang itutok nya ang baril kay Minhyuk.

"Please. Huwag nyo syang saktan. Sasama ako sainyo. Don't hurt him," I begged. Tiningnan ko si Minhyuk at napailing sya. Alam kong pinaramdam kong mahina sya pero mas gugustuhin ko pa yun kesa sa makita syang nakahandusay sa lugar na to na walang buhay. Mapapatay ako ni Miesza kapag nagkataon.

"I'll be fine, just stay here," I said.

"Tama sya Minhyuk. She'll be fine with us," hinila ako ng lalaking yun palayo kay Minhyuk at nagpapasalamat ako na hindi nya sinaktan si Minhyuk. Mahigpit at masakit ang pagkakahawak nya sakin, isama mo pa na nakatutok sa tagiliran ko ang baril nya.

"Magpasalamat ka sakin dahil mabait ako sa mga babae," binulungan nya ako.

Naglakad kami papunta sa mga kasamahan nya. Pinasadahan nila ako ng nakakatakot na ngiti.

"Caught the Queen, matutuwa ang kapatid ni boss dito," proud na sabi ng lalaking nasa likod ko.

"Ipasok nyo na yan," utos ng isa sakanila at marahas na pinasok ako sa sasakyan. Nagsakayan na rin sila at napag-alaman ko ng patungo kami sa isang abandonadong building? Paano ko nasabi? Dahil hindi nila ako piniringan.

"Maswerte ka at nabuhay ka pa dati pero ubos na nang swerte mo sa katawan," marahas akong nilabas sa sasakyan. Madami na ang nangyari sakin, alam kong makakaligtas parin ako ngayon. I just need to believe it that I'll be fine.

Pinasadahan ko ng tingin ang madilim na gusali. Perfect hideout for gangsters.Sana nga lang ay malaman ng boys na andito ako.

"Tayo na Queen," ani ng lalaki saka dinala na ako sa loob.

Napapikit ako nang buksan nila ang ilaw. Pagkabukas ko ng mga mata ko ay ang dami nila. Ghad. Nakaschool uniform pa ang iba.

"Welcome, Monsta Queen," sinamaan ko ng tingin ang lalaking nakaupo sa isang magarang upuan. Tsss.King?

"Buhay ka pa pala," aniya.

Tumawa sya nang manliit ang tingin ko sakanya. Hindi bagay ang mgaging gangster sakanya. Ang dumi nyang tingnan. Tsss..

"Luhod," napaluhod nga ako dahil pinilit ako. Ngumisi sakin yung leader nila.

"Good girl," nakakaasar na sya.

"Anong gagawin natin dito boss?," tanong netong lalaki sa likod ko. (Yung nagpaluhod sakin.)

Tumayo yung boss nila saka lumapit sakin.

"Piringan sya at itali. Gusto sya ng kapatid ko at bahala na sya kung anong gagawin nya sa Monsta Queen," humalakhak sya. Ghad. Ang pangit ng tawa nya.


Pinatayo ako ng lalaki saka sinunod nga ang sinabi nung boss nila. Piniringan nila ako at tinali ang kamay ko.

"Goodluck. Nakakatakot pa naman magalit yung kapatid ni boss," saad ng lalaki at sinampal-sampal ang mukha ko. Iniwas ko ang mukha ko. Tumawa sya sa ginawa ko.


Matapos nun ay nalaman kong mag-isa akong nakatayo at mukhang pinalilibutan ako ng mga gangsters na naghihiyawan. Ano na naman kaya ang pakulo ng mga to.


"Our Queen is here!," rinig kong sigaw ng isa sa kanila. Mas lalo pang lumakas ang hiyawan. Nilibot ko ang pandinig ko pero puro sigawan at palapakan ang naririnig ko.


"You'll be fine Mozy, you'll be fine," I chanted. Kahit natatakot ako ay dapat maging kalmado parin ako.

"Bitch," napalingon ako at saktong nakaramdam ako ng sampal. Great. Ang lakas nun.

Mas lalong naging maingay ang paligid. This is unfair. Bakit hindi kaya alisin nila tong tali sa kamay ko at ang piring ko para makapaglaban kami ng babaeng to. Yep. Babae ang nagsampal sakin. Mukhang ito rin yung babaeng sumapal sakin noon.

Napakagat ako ng labi.

"Ano bang kasalanan ko sayo," I asked. Mukhang may galit talaga sya sakin. Nag-effort pa nga sya na ipakidnap ako.

Hindi nya ako sinagot pero isang sampal na naman ang binigay nya. Rinig ko ang pag 'Oww' ng mga gangsters na nanonood. What is this? Cock fight? Cat-fight?

"You need to die," inangat ko ang tingin ko sa pwesto kung saan ko narinig ang boses na iyon.

Pamilyar ang boses saking pandinig. Pero imposible.


"Who are you to tell me to die?," I said. Natahimik ang mga gangsters sa paligid.

"Because I'm the Queen," she said. Ramdam ko na naglalakad sya paikot sakin. Ramdam ko rin ang mga nanunusok nyang tingin. Sino ba ang babaeng to.

"Maalis ka rin sa pwesto mo Mozy," sinundan ko sya. Kilala nya ako.


Napakagat ako ng labi nang hilahin nya ang buhok ko. Ang sakit sa anit! Pero amoy na amoy ko ang pabango nya. Sobrang lapit nya kasi.

"Let's play a game," she whispered.

Ghad. Kabahan ka na Mozy.

"Queen----," hindi nya natapos ang sinasabi nya dahi may pumalakpak.

"What a pussy," teka. Boses ng babae yun ah? But anyway, nagpapasalamat ako sa pag-iinterrupt nya. She's my savior. Biglang natahimik tong lugar.

Nabitawan ako ng babeng to. Pasalamat talaga sya nakatali ako dahil hindi ko palalampasin tong paghigit nya sa buhok ko!

"F-fire," kumunot ang noo ko.

"This is not your business. Go away!," singhal netong babae. Ghad. I wanna see Fire! Hinahanap sya ni Jackson!


Rinig ko ang takong nya na mukhang papalapit samin.


"Halatang takot ka sakin," sabi ni Fire. Ramdam ko rin ang panginginig ng boses netong babae.


"Panandalian lang akong nawala pero ganito na ang nangyayari sa gangster world. Bullying an innocent girl? You can do better than that," tumigil sya sa paglalakad.

"Let her go," utos nya.

"Let's go boys," ani netong babae saka rinig ko ang pag-alisan ng mga gangster dito. Wow. Fire is powerful!

Muli kong narinig ang takong nya at mukhang palapit sya sakin.


Naramdaman ko ang pag-alis nya ng tali ko sa kamay kaya agad kong inalis tong piring sa mga mata ko.

"Hello," she greeted.


Pinagmasdan ko sya. Nakasuot sya ng mask for masquerade na kulay red kaya hindi ko rin makita ng buo ang mukha nya. Tinawag siguro syang Fire dahil pulang-pula ang buhok nya at mahilig sya sa pula.


"Ah..Thank you sa pagtulong sakin," sabi ko. She smiled.


"Ano bang atraso mo sakanila?," napahinga ako ng malalim sa tanong nya at bago pa ako makapagbigay ng sagot ay napalingon kaming dalawa sa kararating lang na mga boys.


"Queen!," sigaw ni Wonho habang papalapit samin.


"Ow, ikaw pala yung ace ng Monsta X Clan," nabalik ko ang tingin sakanya. Napatango ako.


"Nice to meet you, I'm Fire," nilahad nya ang kamay nya kaya agad kong tinanggap yun. Muling nabalik ang atensyon naming sa mga boys. Agad na lumapit sila sakin.

"Are you okay?," tanong ni Minhyuk at tumango ako bilang sagot.


"Fire! Damn! It's you! Thank you for saving our Queen," saad ni Kihyun. Ngumiti lang si Fire bilang tugon.

"Are you back for good?," tanong ni Shownu. Umiling si Fire.


"I don't have any plans to revive my clan anymore. I'm an independent gangster now," sagot nya.

"Naisipan ko lang maglibot-libot at saktong nadatnan ko ang ace nyo," natango ang lahat sa sinabi nya.

"Maswerte parin ako," I said.

"Seems like it. Anyway, I need to go, nice seeing you again guys. I heard you're back in the game and top in this city. Keep it up," ani ni Fire saka tumalikod at nagsimulang maglakad palayo samin.


"May sugat ka Queen," ani ni Jooheon na tinitingnan ang pumutok kong labi.

"I'm fine, thanks to her," saad ko at muling tiningnan ang papalayong si Fire.

"Wait!," tawag ko. Muntikan ko ng makalimutan.

Natigil sya pero hindi nya ako nilingon.


"May naghahanap pala sayo! Jackson! Jackson Wincollins from Seven High!," I shouted. Naglakad din naman sya palayo sa samin matapos marinig yun.


You need to thank me Jackson. Ngayon alam na ni Fire ang tungkol sayo.

"Sorry we're late again," tiningnan ko ang anim. (Wala si Hyungwon)

"Nah. It's okay. Let's go home," saad ko. Nagsitanguan ang lahat. Mukhang nangyari to dahil dapat ko lang makilala si Fire at masabi ko sakanya ang tungkol kay Jackson. I think I can call this destiny not another coincidence.


Pinasadahan ko ng tingin ang mukha ni Minhyuk.

"I told you I'll be fine," saad ko sakanya.

He smiled at me. I can see a sign of relief on his face. Maswerte parin talaga ako.

_


❤❤❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro