43: Come Home

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Song: If We Ever Meet Again by Timbalan ft. Katy Perry

   “Mozy! Are you okay? Sinaktan ka nila? God! May sugat ka sa labi!,” sunud-sunod na saad ni Alaska. Tinanguan ko sya. Muli nya akong niyakap at mahigpit iyon.

   “Mabuti at walang masamang nangyari sayo,” humiwalay kami sa pagyayakapan.

   Nasa Hideout nga pala kami ngayon. Wala na akong takot na nararamdaman because I’m home.

   “Gagamutin kita,” napatingin ako kay Minhyuk na may hawak palang first aid kit.

   Naupo ako at ganun din sya. Sumunod sakin si Alaska.

   “Sasama sana ako na iligtas ka kaso hindi ako pinayagan ni Kihyun,” saad nya. Alalang-alala parin ang  mukha nya.

  “I’m okay now Alaska. Niligtas ako ni Fire,” sabi ko. Kita ko ang pagkagulat nya. Mukhang kilala nya rin si Fire kung ganon. Hindi na rin ako nagtataka dahil gangster din sya.

  “Really? Hindi ako makapaniwalang nagpakita na sya,” sabi nya. Nilingon ni Alaska ang mga boys na nasa kitchen at  naupo sa counter.

  “Sabi nya hindi pa talaga sya nagbalik. She’s just roaming around. Kilala naman natin si Fire,” sabi ni Minhyuk na pinanood kong maglagay ng betadine solution sa cotton.

  “Sabagay. Pero ang tagal nya ring nawala. Napalitan na sya sa pwesto pero sikat parin sya hanggang ngayon,” sagot ni Alaska.

  “Paano kayo nagkakilala ni Fire,” nakisali ako sa usapan.

  Tiningnan ko si Minhyuk na handa ng ipahid ang solution sa labi ko.

  Tiningnan ko na lang si Alaska para hindi mailang si Minhyuk na gamutin ang pumutok kong labi. Naramdaman ko na nga ang pagdampi ng cotton sa labi ko.

   “Hmm..idol ko sya. Naging gangster ako dahil sakanya. Magaling syang makipaglaban at sya rin ang number one sa girl category ng ranking ng mga gangsters. Kahit saang city ay kilala ang pangalan nya at ang clan nila. Pero nawala na lang sya bigla at nabuwag na ng tuluyan ang clan nila. They used to be number one in the world of gangsters, pero hanggang ngayon parin naman ay kilala  ang grupo nila,” dahan-dahan akong natango. Hindi pa kasi tapos si Minhyuk.

    Nang matapos si Minhyuk ay nagsalita ulit ako.

   “Hinanap kasi sya ng kaibigan kong si Jackson pero hindi ko alam kung bakit,” saad ko.

   Naputol ang usapan naming iyon nang pumasok si Jooheon kasama si Cindy na may bandage sa paa?

 
   “What happened to you?,” tanong ko nang tingnan nya kami.

  “Sprain. nahulog ako sa hagdan kanina e, ang dami ko kasing dala pababa,” sabi nya. Inalayayan sya ni Jooheon papalapit samin at naupo rin.

     “I heard what happened. Ayos ka lang ba Queen? Wala ba syang ginawang masama sayo?,” umiling ako.

  “I’m fine. Kaonting sugat lang naman ang natamo ko kaya malayo sa bituka. Ikaw ang dapat magpagaling. Malapit na ang Holloween Party at dapat kasama ka namin ni Alaska,” saad ko. Ngumiti sya.

   “Thank you Queen. Gagaling din to,” saad nya.

   Iniwan kami ng boys sa Hideout dahil pinapunta sila ni Dean sa office nya. Kabado nga ako at baka tungkol to sa nangyari kanina.

   “Sayang Cindy. Isasama pa naman sana kita sa photoshoot ko bukas. Kailangan ng dalawang model. Kayo sana ni Mozy,” pareho kaming napatingin ni Cindy sakanya.

  “Photoshoot?,” tanong ko.

  “Yep. Isasama kita Mozy. Matatakpan naman yang sugat mo sa labi,” sagot naman ni Alaska.

   Model nga pala tong si Alaska. (May dementia nga yata ako.)

  Kita ko ang nanlumong mukha ni Cindy.

   “Kung hindi sana ko nahulog sa hagdan kanina e,” aniya. Natawa kami ni Alaska sakanya.

  “It’s okay Cindy. Just make sure na present ka sa Holloween Party,” kinindatan sya ni Alaska. Masaya namang tumango si Cindy sakanya.

   “Anyway, binabati kita sa date ninyo ni Kihyun,” tinaasan ko sya ng kilay. Tinawanan nya lang ang sinabi ko pero alam kung kinikilig sya ngayon.

  “Love is in the air,” pakantang saad ni Cindy.

  Kinuha ni Alaska ang maliit ni unan saka tinakpan ang mukha nya.

  Natawa ako sa inasta nya. Nakalimutan na nya ang naging date nila ni Kihyun kanina dahil sa nangyari sakin.

  “Don’t be embarrass Alaska,” saad ko.

   “Stop teasing me then!,” namumula talaga ang pisngi nya ngayon.

     We talked about their date, hindi rin ako nakatakas sa panunuya ng dalawa tungkol kay Minhyuk. Like hello? Walang meron samin ni Minhyuk.

    Natahimik naman kami nang makabalik ulit ang boys sa Hideout. Mukhang good news naman dahil kita sa mukha nila ang saya?

   “What’s up boys?,” Alaska asked.

   Nagtinginan silang anim.

  “Ally told us about the upcoming Holloween Party. Kami na daw ang bahala sa lahat dahil para satin ang party na yun!,” masayang balita ni Wonho.

  “Yeahboi! Bukas mismo darating na ang mga gamit para sa preparations,” segundo naman ni I.M.

   I guess, this night is not bad at all. Sunud-sunod ang mga magagandang nangyayari. Pero may kulang parin talaga. Kelan ba sya babalik dito? Sana ay makabalik sya bago ang Holloween Party. I want him to be there bago man lang ako umalis sa academy para bisitahin si Mommy Rose.

   Kahit sa panaginip ko ay hindi talaga ako tinantanan ni Hyungwon. Pagkagising ko tuloy kaumagahan ay pilit kong inalala ang panaginip na iyon. Nakasakay daw kami sa Ferris Wheel which is weird. Bakit sa dinami-dami pa ng lugar ay doon talaga.

   “Goodmorning,” bati ni Alaska. Dito sya natulog sa Hideout dahil maaga kami ngayon.

  May photoshoot kaming pupuntahan. Hindi ko nga alam ang gagawin ko pero bahala na si Alaska.

   Mabilis ang kilos ko habang nilalabas ang mga dapat kong dalhin para sa photoshoot. (Ang bilis kumilos ni Alaska e.) Pinasadahan ko ng tingin si Alaska na bihis na rin. (Ang galing nya talagang pumili ng damit na bagay sakanya kaya nagtataka talaga ako nung date nila ni Kihyun na hindi man lang sya makapili.)

   “Ready?,” huminga ako ng  malalim saka tumango. Lumabas kami ni Alaska sa kwarto at wala kaming nadatnan sa Hideout. Mukhang pati ang mga boys ay napaaga para sa paghahanda sa party.

   Lumabas kami ni Alaska. Dala-dala ko ang isang bagpack at naglakad kami patungo sa Camping Site para makapagpaalam sa mga boys. Nadatnan nga naming busy silang anim. Mukhang maeenjoy ko ang Holloween Party na to.

   “Hey! Aalis na kami! Mamaya pang six ang balik namin ni Mozy!,”kumakaway na saad ni Alaska. Lumapit naman sakanya si Kihyun.

    Pinagmasdan ko lang silang lahat. (I still can’t believe I have such great people here. Ang daming nangyari sakin sa academy na to at lahat ng iyon ay hindi ko pinagsisihan.) Nahuli ni Minhyuk ang tingin ko kaya kumaway ako sakanya. Ganun din ang iba.

    Patakbong bumalik si Alaska sakin. She’s blushing. Successful ang naging ‘friendly date’ nila.  I’m happy to know that.

   “Tayo na?,” ani ko. Tumango sya at umalis na nga kami sa Camp Site saka naglakad na patungong main gate. May susundo naman samin kaya hindi problema ang sasakyan.

   “Para saan ba ang photoshoot na to Alaska?,” tanong ko nang makapasok kami sa sasakyan. Pinasadahan nya ako ng tingin.

   “Para sa isang clothing brand,” sagot nya. Tinanguan ko na lang dahil wala na akong matanong. Lumabas kami ng academy. Sa labas ko tinuon ang mga mata ko.
 

   Tiningnan ko si Alaska nang mapansin ko ang pagtingin nya sakin.

   “What?,” ani ko. She’s giving me this look.

   “Namimiss mo si Hyungwon no?,” alam kong agad na nag-iba ang reaksyon ng mukha ko dahil sa tanong nyang iyon.

   “Hindi a,” tipid kong sagot. She laughed at me. Alam nya kasing nagsisinungaling ako.Yeah. Inaamin kong namimiss ko nga yung Sleeping Pills na yun.

   “You can deny it forever pero hindi mo matatago sa reaksyon ng mukha mo kanina Mozy,” natatawang saad nya. Napairap ako.

   “Oo na. Alam ko namang alam mo na oo ang sagot sa tanong mong iyon e,” dahilan ko pa.

  “Babalik din sya Mozy. Alam kong namimiss karin ni Hyungwon,” talaga lang Alaska. Kung totoo ang sinasabi mo ay dapat andito na sya ngayon. Ang tagal-tagal na nyang wala tapos yung huling usapan namin ay isang goodnight lang. Nakakafrustrate talaga kapag naiisip ko ang sandaling yun. Tsaka wala din sya sa Birthday ko.

  “Nakakapanibago kasi na wala sya. Kaya na—namimiss ko sya,” mahina ang pagkakasabi ko sa huling salita. Ramdam ko ang mga tingin  ni Alaska sakin.

  “O.m.g.! Did you just confess your feelings for Hyungwon?,” sigaw nya. Literal na sumigaw talaga. Napatingin tuloy samin yung driver.  Nakakahiya at ang naririnig nya tong pinag-uusapan namin ni Alaska. Pero ano ba tong mga sinasabi ni Alaska. Feelings for Hyungwon?

  “Sinabi ko lang na namimiss ko sya. Hindi yun confession Alaska,” pagkaklaro ko pero mukhang hindi nya narinig ang sinabi ko.

   “Dyan nagsisimula ang lahat Mozy. Alam ko na kung saan papunta yan,” confident ang tono ng boses nya.

    “Whatever Mozy. Lalabas din ang tinatago mo, so I’ll be waiting in the corner with my popcorn and see what happens sa denial game mo,” napailing ako sa dinagdag nya. Denial game. Wala naman akong tinatanggi ah.

 

    Wala akong gusto kay Hyungwon. Porket ba namimiss ko sya ay gusto ko na sya? Ganon ba talaga yun? Namimiss ko lang naman sya a. Dahil walang tumatawag na Biscuits sakin pati nga si Cutie ay namimiss na rin  si Hyungwon. (Parating nahiga sa tabi ko e.)

    Pinag-isipan ko ang sinabi ni Alaska. Gusto ko ba talaga si Hyungwon? Palihim kong nakagat ako labi ko nang may maramdaman akong kuryente sa sistema ko. Ghad. Hindi naman siguro si Hyungwon ang dahilan ng kuryenteng yun diba? Napailing ako at binalik ang tingin sa labas. Saktong namang nadaanan namin yung pader kung saan kami nag vandal ni Hyungwon.

  Hyungwon x Mozy

   Ang bilis ng tibok ng puso ko kahit na dinaanan lang naman naming yun. Ganito ba talaga kapag namimiss mo ang isang tao? Napahawak ako sa dibdib ko.

   “But if I were you Mozy,” muli kong tiningnan si Alaska. Nakasuot na sya ng shades ngayon.

“Say it before it’s too late,” seryosong saad nya.

Alam ko Alaska. Pero hindi pa ako sigurado. But he needs to come home soon.


Check out Clandestine Academy! Thank you!❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro