6: Cold War

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Song: White Sugar by Monsta X

Pagkatapos ang dinner na yun ay sumama ako sakanila. Oo, kina Kihyun kahit na ayaw ni Minhyuk, which was obviously plastered on his face.

Napag-alaman ko rin na may hideout pala tong mga boys. Napapansin ko na madami silang 'special treatment'. Hindi na naman sa nakikialam ako pero napapaisip ako kung bakit. Like, drinking here in school at ang pagiging special nila sa mga mata ng studyante.

Wala nga kasi akong kaalam-alam tungkol sa Monsta X Academy and I don't have time to research the history of school.

Anyway, speaking of hideout. Isang underground hideout sya to be exact. And I'm still mesmerize with what I'm seeing right now. Kompleto kasi ang nakikita ko. May flatscreen t.v., refrigerator, mamahaling furnitures at sa tingin ko ay mga kwarto din.

May mga kwarto naman pala dito pero bakit doon nalang nahiga sa kama ko si Hyungwon. Mas maganda at komportable pa nga dito kung tutuusin. Dahil sya lang naman ang wala dito ay I assume that he's in my room.

Anyway, para akong nasa isang gangster movie. Nakita ko rin ang mga bmx nila at lahat sila ay may pangalan. And they treat it as if it's their girlfriends.

Nakaupo ako sa counter dahil kumakain ako ng cake at birthday pala ni Shownu kahapon. Hindi man lang ako nakapagreet dahil hindi ko alam at hindi ako sumama sa pagyayaya nila kahapon.

Tinabihan ako ni Kihyun na galing sa paglalaro ng chess laban kay Jooheon. Actually kausap ako ni Wonho kanina kaso lumabas sya kaya naiwan akong mag-isang kumakain. Well, ngayon hindi na.

"I'm happy right now," muntikan akong mabulunan sa sinabi ni Kihyun.

Tiningnan ko sya ng may pagtataka.

"Masaya ako dahil hindi mo na kami iniiwasan,"

Napa 'ah' ako.

Si Wonho kasi kung anu-ano ang mga pinagsasasabi kanina. Medyo naiilang ako kay Kihyun.

"Hindi ko naman talaga kayo iniiwasan dahil ayoko sa inyo. Sa tingin ko lang kasi ay baka maging panira ako at ayokong maging dahilan ng hindi pagkakaintindihan," mahina kong sabi at baka marinig ng iba.

"Panira? Hindi mo kailangan intindihin ang bagay na yun. Magaling makisama ang mga kaibigan ko and they don't mind you spending your time with us, infact they like you," napatingin ako kay Minhyuk na naglalaro ng xbox kasama ni I.M. Except for him.

Napatango na lang ako bilang sagot kay Kihyun.

"Just stick with us Mozy at wala kang magiging problema dito,"aniya. I say thank you for that.

Kung tanungin ko kaya si Kihyun kung bakit dapat akong umiwas sakanila? Pero naisip kong hindi na lang. Ewan. Hindi ko rin siguro alam kung paano itanong kaya hindi ko na lang itatanong.

Matapos naming makapag-usap ni Kihyun ay umalis din naman ako dahil first day of class na bukas at kailangan kong maghanda? Hindi ko alam pero pakiramdam ko dapat akong maghanda.

Nang makapasok ako sa kwarto at pagkabukas ko ng ilaw ay nadatnan ko nga ang natutulog na namang si Hyungwon. At doon parin sya nahiga sa kama ko.

Sisigawan ko sana kaso nakaearphones kaya hindi rin tatalab. Hinayaan ko na naman sya at as usual ay ginawa ko ang night routine ko. Pumasok ako sa banyo dala-dala ang pantulog ko. Matapos kong makapag halfbath ay agad akong nagbihis at lumabas.

Una kong napansin ang pagkawala ni Hyungwon. Well, baka lumabas na nga yun.

Pero mali ako. Hindi pa sya lumalabas dahil nahuli ko syang binubuksan ang box ng assorted biscuits ko.

Para syang pusa sa inaasta nya ngayon. Tss. Cutie.

"Magnanakaw na Sleeping Pills,"saad ko pero hindi nya ako nilingon at nakarinig ako ng 'meow'.

Nanlaki ang mga mata ko nang may lumapit sakin na isang kuting!

"Meow. Meow.," nasa mga paa ko sya at nanlalambing sakin. Isang kulay fade orange na pusa at may maiksing buntot.

Tiningnan ko si Hyungwon na nakatingin sa kuting na nasa mga paa ko.

"He likes you," nagtama ang mga paningin namin.

Err. What was this Mozy? Bakit ka kinakabahan?

Inalis din naman nya ang tingin sakin at kinuha yung kuting saka muling pinakain ng biscuits.

"Paano yan nakapasok dito?," tanong ko.

"Nakita ko sa labas,"hindi ako mapaniwala sa sinabi ni Hyungwon.

Mahilig naman ako sa pusa sa totoo lang. Kaso nasa handbook na bawal ang mga pets dito! Jusko naman Hyungwon! Magkakapenalty talaga ako! Hindi pa nga nagsisimula ang buhay ko dito sa Monsta X Academy ay agad na matatapos dahil sa lalaking to! Hindi nya ba alam ang mga rules dito sa Monsta X Academy!

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo Hyungwon," I sigh.

Hinayaan ko na lang syang pakain yung kuting at nanood na lang sakanilang dalawa.

"Are you going to sleep here?," pinasadahan nya ako ng tingin.

"You want me to sleep with you?," uminit ang pisngi ko sa sinabi nya.

"Sira! Yung kuting ang tinatanong ko," he chuckled.

Hindi parin mawala ang pag-init ng mg pisngi ko. Bakit ba kasi ganon ang tanong mo sakanya Mozy!

"Cutie," namilog ang mga mata ko pero hindi na ako nagreact at inisip na yung kuting ang pinagsabihan nya.

Tumayo sya na buhat buhat ang kuting.

"Let him stay here for tonight," iniabot nya ang kuting sakin na tinanggap ko naman.

Agad na umupo ang kuting sa lap ko.

"Bye cutie,"

Nagpipigil ako ng sarili ko sa sinabi ni Hyungwon. Hindi naman nya sinabi sakin ang linyang yun dahil sa kuting nga sya nakatingin, pero hindi ko parin maiwasan ang hindi mamula dahil napapasok sa isipan ko ang tagpong iyon.

Pinanood ko syang lumabas sa bintana. May puno kasi sa may tabi ng building na to kaya nakakapasok sya dito.

Pinasadahan ko ng tingin ang kuting at napatingin din ito sakin sabay sabing 'meow'.

"So cutie pala ang pangalang binigay sayo ng Sleeping Pills na yun?," sinagot ako ng kuting ng isang malambing na 'meow'.

"Mukhang bagay din naman sayo dahil cute ka nga cutie," napangiti ako.

Katabi kong matulog si Cutie at nang magising ako kinabukasan ay tulog parin ang kuting. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi sila ipagkumpara ni Hyungwon. Nagmana tong kuting sakanya.

At first day of semestre na nga. At dahil first day ay maaga akong nagising at naligo. Excited kasi akong isuot ang uniform. (Yes, ako na nga yata ang may pinakamababaw na kaligayahan.) Kaya nga pagdating ng alas syete ay sakto din akong natapos at ayaw maalis ng tingin ko sa harap ng isang whole body mirror.

Hindi ako mapakali. Kinakabahan parin ako. Pero kinokondisyon ko ang sarili ko na magiging maayos ang araw na to. Parang hindi ka naman sanay mag-isa Mozy. So, you'll be fine. Stop overthinking. Sabi nga ng dad mo na magiging okay ka dito. But speaking of dad. Hindi pa nagpaparamdam si dad sakin, siguro may bago syang mission kaya ganun.

Saktong pagkalabas ko ng kwarto ay tumunog ang bell, indicating that it's time to eat. Pero syempre, bago ako umalis ay iniwanan ko ng biscuits si Cutie. Baka pagalitan pa ako ng Sleeping Pills na yun dahil iniwan kong nagugutom ang kuting nya.

Pagkalabas ko ay hindi parin talaga ako sanay na makitang napakadaming palang studyante dito sa Monsta X Academy. But how stupid of me to think that way.

Napahigpit naman ang hawak ko sa sling ng bag ko habang bumababa ng building. At heto na naman ang kakaibang pakiramdam ko. Para kasing saakin nakatingin ang bawat studyante na makasalubong ko. I mean parang kakaiba.

Pero hindi ko na lang pinansin iyon at dumiretso na sa Dining Hall.

"Mozy,"natigil ako sa paglalakad nang marinig ko iyon.

"Oh, I.M. Papunta ka rin ba sa Dining Hall?," tinanguan nya ako.

"Bagay sayo ang uniform," nahiya ako sa sinabi nya at ngumiti ako.

Speaking of uniform. Bagay din sakanya ang uniform ng academy. Actually, nakita ko na silang pitong isuot ang uniforms nila pero iba ngayon dahil napakapresentableng tingnan ni I.M. Hindi ko maiwasang hindi magwapuhan sakanya dahil ang neat nyang tingnan. Yung buhok nya kasi ay nasa ayos. Student talaga ang dating kahit na may mga earrings syang suot.

Anyway, sabay kaming tumungo sa Dining Hall. At as usual. Nakarinig na naman ako ng bulungan at ang mga kakaibang tingin ay napunta na naman sakin.

Hindi ba sila naiilang kapag tinitingnan sila ng ganun ng mga studyante dito? I mean, sikat nga yata talaga sila dito at parang ako lang ang hindi nakakaalam ng bagay na yun. Pero hindi na nakakapagtaka ang pagiging sikat nila. They're all good looking and possessing good qualities.

Natigilan ako nang makita ko ang mga boys. At kagaya ng inaasahan ay napakapresentable nilang tingnan. Pwera kay Hyungwon na hindi ko mahagilap. Hindi ko sya hinahanap. Napansin ko lang na wala sya kaya naisip ko sya.

Binati ako ng mga boys pwera na naman kay Minhyuk. Kanina lang nakita ko syang nakangiti at tumatawa pero ngayon hindi na maipinta ang mukha nya. Tsss. At alam kong dahil yun sakin.

"Coffee?,"inabutan ako ni Kihyun ng coffee nang makaupo ako sa tabi ni Shownu at kaharap ko nga pala si Minhyuk. Nawala tuloy yung gutom ko.

"Salamat Kihyun," I said.

Nakita ko ang pagkindat ni Wonho sakin.

Kumain parin ako kahit na kaharap ko si Minhyuk pero hindi pa yata ako nakakaupo ng 15 minutes ay nagpaalam syang aalis. Pero alam kong aalis sya dahil sakin. I'm not assuming things here. Alam ko lang na dahil talaga sakin kaya sya umalis.

This is the reason Kihyun. Why I need to avoid you guys. Ayokong may ganito sakanila. Para bang kapag andyan ako ay wala si Minhyuk. That's terrible. This is like cold war.






Don't forget to:

Vote.

Comment.

Be a fan monbebes!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro