7: Partners

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Song: Roller Coaster by Monsta X

After that scene ay nagpaalam ako sakanila saka pumasok na ako sa pinakauna kong klase (at kabado talaga ako) at kagaya sa Dining Hall ay hindi ako tinantanan ng mga tingin ng mga magiging kaklase ko. Ano bang meron ang panay sila sa pagbubulungan? Halata kasi na mukhang 'ako' talaga ang pinag-uusapan nila.

But then again, I didn't mind it at naupo ako sa pinakalikod. Kung sana ay kaklase ko si Wonho dito, atleast kasi ay may magiging kausap ako. Pero hindi rin sigurong maganda ang makasabay ko ang isa sa kanila ngayon. Ewan ko ba. Naninibago talaga ako sa sitwasyon.

Napirmi ang tingin ko sa cellphone ko at doon ko na lang tinuon ang atensyon ko para iwas gulo.

I texted dad kahit na imposibleng makatanggap ako ng sagot. Itinago ko rin naman ang phone ko dahil narinig ko na ang first bell at maya-maya ay may pumasok na isang lalaking na satingin ko ay nasa mga 25 to 29 ang edad. May dala-dalang class record (I assume) at mukhang mabait naman dahil sa maamong mukha nito.

Huminga ako ng malalim dahil kabado ako. Being a transferee really suck. Para kang alien sa isang planeta. Naiiba at pinag-uusapan.

Pinasadahan ko ng tingin ang classroom. Lahat ata ay magkakilala, pwera na lang sakin (dahil nga transferee ka Mozy).

Magsasalita na sana ang teacher namin nang may pumasok. Bigla namang nag-ingay sa hindi ko malaman na dahilan.

Ganito ba talaga ka sikat si Hyungwon at pati ang pagpasok nya ng late ay kinikilig sila? May kasama kasing tili akong naririnig. Pero, ibigsabihin nito ay kaklase ko sya dito? Damn.

Natigilan naman ako nang napunta sakin ang mga tingin nila. Now what?

"Biscuit usog,"

Gulat kong tinignan si Hyungwon na ang neat din tingnan kagaya ng mga kaibigan nya.

Wait Mozy. Kinakausap ka nya. Nasa harap mo ang Sleeping Pills. Stop fantasizing his appearance.

"Umupo ka na lang sa iba,"rinig ko ang pagsinghap ng mga kaklase ko. Para bang big deal ang sagot ko na yun. At mas lalo tuloy naging masama ang tingin nila sakin. Kainin na sana ako ng lupa ngayon na.

"Nope," sagot nya at tiningnan ko syang maupo sa tabi ko. Nasa isip ko lang kanina na hindi maganda ang maging kaklase ko ang isa sa kanila at heto na si Hyungwon.

Mas lalo pa tuloy nagwala ang mga kaklase ko, lalo na ang mga babae sa ginawa nya. Tsss. Pinapahamak ako ni Hyungwon!

"Okay. That's enough class," saway ng teacher namin na mukhang hindi naman galit sa ginawang eksena ni Hyungwon.

Pinasadahan ko ng tingin si Hyungwon at hindi parin ako makapaniwala na matapos nyang maupo ay humalumbaba sya sa table nya at natulog?

Natutulog na naman sya! Kay aga-aga!

Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa inaasta ni Hyungwon. Paano nya nagagawa ang matulog na may teacher sa harap?! At bakit ako ang kinakabahan para sakanya? Dahil siguro katabi ko sya kaya ganito na lang.

"I'm Denise Carlos your History teacher. Magkakasama tayo ng isang semestre at sana ay maging masaya at marami tayong magagandang alaala,"

Hindi ko na lang pinansin ang natutulog na namang si Hyungwon at itinuon ang mga mata ko kay Teacher Denise.

"Mukhang lahat kayo ay pamilyar na sa paningin ko, maliban kay Miss?,"

Naturo ko ang sarili ko dahil sakin sya nakatingin.

Tumango sya na may kasamang ngiti.

Ugh. Introducing yourself Mozy! Yun ang gagawin mo ngayon.

Tumayo ako. Kabado man pero hindi ko pinakita iyon. Kaya nang makapunta ako sa harap ay napakagat ako ng labi bago magsimulang magsalita.

"Girlfriend ka ba ni Prince Hyungwon?,"

Nagulat ako sa tanong. Hindi ko pa nga napapakilala ang sarili at may question and answer na!

Napailing ako. Ayokong magsalita tungkol sa bagay na yun. Parang celebrity lang Mozy?

"Class. Let her speak,"tiningnan ko si Teacher Denise. Sumenyas sya na okay na kaya nagsalita na ako.

"I'm Mozy Montgomory. I'm a transferee from MKD. Nice to meet you all," yun lang naman ang sinabi ko. Mas tipid ay mas maganda.

"Balita namin girlfriend ka ni Kihyun," napatingin ako sa nagtanong nun.

Umiling ulit ako. Ano bang mga balita yan! At bakit ako pinagpipyestahan?

"Eh sino ba talaga ang boyfriend mo sakanila?,"

"At bakit katabi mo si Prince Hyungwon?!,"

"Ikaw ba ang bagong Queen ng Monsta X?,"

Nagkibit-balikat ako sa mga tanong na iyon. Sasabihin ko sanang 'nakita nyo naman siguro na sya ang tumabi sakin at hindi ako'. Pero syempre hanggang isip ko lang yun. There's no reason to debate with these fangirls. And besides, wala akong naintindihan sa mga tinanong nila. Queen?

Pinabalik din naman ako ni Teacher Denise matapos iyon. Pagkaupo ko ay hindi ko matingnan ang natutulog na si Hyungwon. Nakakahiya at narinig nya pa ang tanong na yun (alam kong naka-on ang pandinig nyan kahit na tulog).

Hilig atang gumawa ng storya ang mga studyante dito sa Monsta X. Saan ba nanggagaling ang mga yun.

Anyway. Hindi naman nagsimulang magturo si Teacher Denise. Nagseat plan lang kami at binigay nya ang mga classroom rules nya pati ang grading system ng academy. After that, natapos ang first class ko kaya agad akong tumayo para pumunta sa susunod kong klase na sa pag-kakaalam ko ay Humanities.

Nagdadalawang-isip naman ako kung iiwan ko ang ang natutulog na si Hyungwon o ano.

Hindi naman siguro to gagahasain ng mga fans nya diba?

But in the end, ginising ko parin sya.

I poke his cheeks. But no response. He's deeply asleep, I think.

Regaluhan ko kaya si Hyungwon ng energy drink? Para kasing ubos lahat ng energy nya sa katawan kaya napaka-antukin nya. Tutal, medyo nag-uusap naman kami at kaibigan sya ni Kihyun. I don't think that I can call him a friend already. Ewan Mozy.

"Mauna nako sayo," paalam ko na lang at iniwan ko na nga sya. Atleast nagpaalam ako sakanya.

Mabuti at nasa Monsta Building lang ang lahat ng mga klase ko kaya hindi ako mahihirapan.

Pagkababa ko galing 3rd floor ay nakita ko si Jooheon na may kausap na babae. Hindi ko na sya inabala pa at nagdire-diretso sa MB231.

Pagpasok ko naman sa MB231 ay nagkasalubong ang mga tingin namin ni Minhyuk!

Domoble ang kaba ko sa hindi ko rin malaman na dahilan. Kung sana isa kina Shownu,Jooheon, I.M at Wonho ang magiging kaklase ko ay hindi ako kakabahan ng ganito. Medyo close na nga kasi kami pwera na lang talaga kay Minhyuk. May issue nga kasi sya sa pagiging malapit ko sakanila sa hindi ko naman malaman na dahilan.

Umupo ako sa malayo sakanya. Sinigurado kong hindi talaga magkakasalubong ang mga tingin namin sa napili kong pwesto.
Pero kauupo ko palang ay may lumapit na dalawang babae sakin. Claiming that it's their seat I'm occupying.

Wala akong nagawa kundi ang tumayo (dahil ayaw ko ng gulo) at naghanap ng bagong pwesto. Pero sa tingin ko ay lahat may katabi na. Bakit ba kasi by pair ang ayos ng upuan ng academy na to!

Nang may pumasok ng teacher ay wala akong choice kundi ang umupo sa isang bakanteng upuan.

Upuan na katabi ni Minhyuk.

Ramdam ko ang tingin nya sakin nang makaupo ako. I focused my eyesight infront.

For Pete's sake Mozy don't look at him.
Hindi mo naman talaga gusto tumabi sakanya. Just calm your heart. Hindi ka naman siguto kakainin ng buhay ni Minhyuk!

"Goodmorning class. I'm Teacher Cole Flores and I will be teaching you about Humanities,"

God. Please. Turn on Minhyuk's humanity for me! Kahit dito lang! Kinakabahan kasi ako na baka tumayo sya at magrequest na magpalit ng upuan dahil nga katabi ko sya.

Naalala ko ang ginawa nyang pag-alis kanina sa Dining Hall. It's because of you Mozy. I thought again.

I acted cool just to hide the nervousness in my system. Bakit ba kasi ako nasasabit sakanila.

"First day of class means introducing yourself to your classmates. Para maiba naman ang nakaugalian at nakakaumay na sistema, I want you to find a partner and write something about him or her. It maybe your first impression or if you already know your partner that well, write something that he/she didn't know about his/herself,"

Isang malaking 'what' ang nasa isipan ko ngayon. Nanlalaki ang mga mata ko sa narinig ko. This is what I hate about being a transferee! Nga-nga ka kapag may mga ganitong pakulo.

Basically, si Minhyuk lang naman ang kilala ko dito pero wala namang sinabi si Teacher Flores na dapat ay seatmate mo! You can definitely choose one of your classmates here.

Pero habang namimili ako ng pwedeng maging partner ay napag-alaman kong lahat na nga talaga ata ay may partner.

"Hey,"

Pinasadahan ko ng tingin si Minhyuk. Hindi ako makapaniwala na pinansin nya ako.

"Partners tayo," napatango ako.

Did he really say that we are partners?! Pinakinggan ang dasal ko!

Matapos nyang sabihin yun ay mabilis kong kinuha ang notebook saka ballpen ko sa bag.

Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti. Alam ko namang hindi sya ganito ka cold. He's like the life of the party but it automatically turns off whenever I'm around.

At mukhang hindi ako mahihirapan sa activity na to.

Hindi ko nga namamalayan na medyo mataas na ang nasulat ko sa notebook kaya pinasadahan ko ng tingin ang nagsusulat rin na si Minhyuk. Napapaisip ako sa mga sinusulat nya ngayon tungkol sakin. I'm not expecting that he will praise me and write something good about me. Pero kahit na ano paman ang isulat nya ay wala akong magagawa. That's his perspective and opinion about me.

Pero kahit na, masaya talaga ako ngayon.





Author's Note:

Don't forget to:

Vote

Comment.

Be a fan monbebes!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro