6: OMG Talaga

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ch.6. Pt.1~Mozy

Chapter Song: 11:11 by Taeyeon

"Alaska gangster ka ba talaga?," -Miesza

Uh. Ayoko sanang aminin pero tama si Miesza.

"Baka maabutan tayo ng Monthsary nyo bago pa tayo makapaghanap ng maireregalo kay Kihyun!," -dagdag ni Miesza.

Nasa gitna pa naman ako tapos kapag nag-away tong dalawa ako talaga ang magiging referee.

"Gusto mo bang mamatay ng maaga Miesza!?,"-Alaska. Ramdam kong highblood na sya.

"Hindi! Pero tong pagddrive mo ang papatay sakin! Bilisan mo naman kahit 10kph lang!,"-sagot ni Miesza.

Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ba ako sa dalawang to. Naramdaman ko naman ang pagbuntong hininga ni Alaska.

"Kasing bagal ng pagddrive mo magdamoves si Minhyuk! Nakakastress!," siningit pa talaga ni Miesza si Minhyuk dito.

"Oo na! Bibilisan na para kay Kihyun!," at binilisan na nga ni Alaska ang pagddrive nya.

"Ayan! Ganyan!," masayang saad ni Miesza nang bumilis na ng todo-todo ang takbo namin.

May point si Miesza sa pagsita sa pagddrive ni Alaska dahil sobrang bagal talaga. Pero may point din si Alaska sa sinabi nya. Wala pa naman kaming lisensya kaya pwede kaming mahuli anumang oras. Hays. Tama lang to Mozy dahil inubos mo ang oras ni Alaska para sa Monthsary nyo ni Hyungwon.

"Humanap ka ng shortcuts Alaska! Hindi tayo pwedeng dumaan sa highway! Lagot talaga tayo!,"-Miesza.

Sasabihin ko rin sana yun dahil hindi talaga pwede tong ginagawa namin.

"Oo na Queen Miesza. Dami mo namang utos!," sagot ni Alaska.

Mabilis na lumiko si Alaska papuntang eskinita. Baka dito naman kami mapahamak dahil baka makatagpo kami ng mga gangsters dito. Kahit wala naman na ang Burlington ay nakakatrauma parin.

"May alam akong shop na open 24 hours," sabi ko. Dapat siguro ang pag-usapan namin ngayon ay ang paghahanap ng mga tindahang pwedeng makabili ng regalo para kay Kihyun.

"Okay. Doon tayo pupunta! It's 11:11 already," sabi ni Miesza. Tapos narinig ko syang may sinasabi.

"Wishing at 11:11?," -Alaska. Narinig nya rin ang mga sinabi ni Miesza.

"Dapat rin sigurong humiling kayo ngayong 11:11 dahil kailangan natin ng maraming swerte ngayon," sabi ni Miesza. Napangisi ako.

"Tungkol kay Minhyuk naman yung hiniling mo," sabi ko na hindi mapigilang hindi mapangiti. Hindi parin talaga natitinag si Miesza.

"Aba syempre! Mas kailangan ko ang 11:11 para sa love life ko kumpara sainyong dalawa,"-nagtawanan kami ni Alaska.

"Anyway, saan yung shop na sinasabi mo Mozy?," tanong ni Alaska na agad ko namang sinagot.

Ang tinutukoy kong shop ay yung madalas naming puntahan ni Hyungwon. Maraming magagandang bagay doon. Random shop sya kaya nga more chances of finding great stuffs.

"Aandar pa ba to mamaya?," tanong ni Alaska nang tumigil na kami. Where here.

"Si Miesza na ang bahala nyan," sabi ko sabay alis ng helmet sa ulo ko. Future ME tong si Miesza, nakikita ko.

"Let's get inside,"-Alaska na mabilis akong hinila papasok.

Binati kami ng babaeng nagbabantay ng shop. Actually, kilala nya na ako dahil pabalik-balik naman kami ni Hyungwon dito.

"Nasaan si pogi?," ngumiti ako.

"Hindi ko kasama ngayon," sagot ko. Napatingin naman sya kay Alaska. Si Miesza nasa mga damit natingin.

"Uh. Anong hinahanap nyo?," tanong ng nagbabantay. Nakalimutan ko ang pangalan nya.

"Ano. Kailangan namin ng mga gamit para sa Monthsary ng kaibigan ko," ako na ang nagsabi. Napatango naman sya. (Hindi na ako nahihiyang sabihin na tungkol sa Monthsary ang pakay namin dito dahil sikat naman tong shop na to because of that.)

Tiningnan ko si Alaska. Ice mode sya. Pero alam kong nag-iisip na yan.

"Don't worry, matutulungan nya tayo," sabi ko.

Sumunod kami sa babae.

"Dito, pwede kayong makakuha ng mga idea sa mga gamit na to," nagtinginan kami ni Alaska.

"Sige. Salamat," sabi ko saka iniwan nya kaming dalawa.

"O ano? May nahanap na?," tanong ni Miesza na nasa gilid ko.

"Oh. May naiisip na kayo?," nagtinginan kaming tatlo. Mukhang meron na nga. Biglang nalabas ang creativity sa katawan ko.

"Mukhang may mangyayaring walang tulugan ngayon,"-Miesza sabay kuha ng isang pakete ng balloons.



--

Pt.2~Miesza

BGM: Hard Carry






"Tayo na lang Mozy ang mag-isip sa design tapos si Alaska ka na ang bahala sa regalo para kay Kihyun," sabi ko.

"Alright! Simulan mo ng maghanap Alaska!," tinulak-tulak ko sya palayo. Marami akong nakitang magagandang bagay na pwedeng mairegalo ni Alaska kay Kihyun.

"Ano. Kunin mo yang mga letters tapos yang mga stars,"-utos ko kay Mozy. I'm the boss right now. Walang makakapigil sa mga naiisip ko. 😈

-

"1,235 lahat," binigay ni Alaska ang credit card nya. Ang laki talaga ng nagagastos kapag Monthsary pero mayaman naman tong si Alaska kaya hindi big deal ang presyong yan. Hays. Naalala ko tuloy yung dati. The fudge Miesza. This is not your moment. Mamaya ka na magdrama!

"Anong niregalo mo?," tanong ni Mozy nang makalabas kami sa shop.

"Effort," tawa ni Alaska.

Kumunot naman ang noo ko nang makita kong wala yung motor. Hindi naman siguro naging invisible yun diba? O naunang bumalik sa Monsta X Academy!

"Hoy Alaska! Saan mo nilagay ang motor?!," tiningnan ko ang dalawa at maya-maya ay nanlalaki na ang mga mata nila.

"Andyan! Dyan lang yun!,"-Alaska.

"Wala nga Alaska! May nakikita ka bang motor dyan?!," tanong ko.

So. Wala na kaming masasakyan ngayon. Wala akong makitang dumadaang taxi dito. Great. Sabing magwish sila kaninang 11:11!

"Gosh! May nagnakaw! Shit!,"-Alaska na sinapo ang noo nya.

"Now what?," tanong ko. Napaka fail talaga ng gabing to.

"Maglakad na lang tayo hanggang sa may makita tayong taxi," suhestyon ni Mozy.

Napairap ako. No choice. Kesa sa abutan kami ng umaga dito.

"O sha! Tara na at magsimula na tayong maglakad!,"-ani ko.

Sa tahimik na daan ng downtown ay naglalakad kaming tatlo. Hay nako. Sasakit ang paa ko sa ideyang to. Dapat talaga akong gawaran ni Alaska na best supportive friend nya! I suppose to be sleeping righ now para fresh sa darating na ball but here I am with these two girls. Don't misinterpret it. Masaya ako sa dalawang kaibigan kong to kaya nga ako andito!

"Wait," natigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni Mozy.

"Dito lang kayo," sabi nya at iniwan kami ni Alaska. So ano to? Mang-iiwan na lang sa ere tong Harfhiliang to?

"Saan papunta yun?," tanong ko habang sinusundan ng tingin ang tumatakbong si Mozy papunta kung saan.

Tiningnan ko si Alaska.

"O. Anong regalo mo ulit?," tanong ko.

"Effort nga. Ilalagay ko sa bote," sabi nya. So seryoso talaga sya sa sagot nya kay Mozy kanina.

"I'll write 100 reasons why I love him,"-Alaska. Natunaw ata ang puso ko sa sinabi nya. May naalala kasi ako.

Tinapik ko ang balikat nya.

"Masaya ako sainyong dalawa ni Mozy, walang halong kaplastikan," sabi ko. Tinawanan nya ako. Bakit nya ba ako tinatawanan kapag seryoso ako?

"Guys!," pareho kaming napatingin ni Alaska kay Mozy na nakaangkas sa likod ng bisekleta ng isang lalaki.

"May maghahatid na satin!," sabi nya at may nakita akong apat na nakabisekletang lalaki.

"Hi girls,"-bati ng lalaking kasama ni Mozy. Kilala ko to pero nakalimutan ko ang pangalan.

Tumigil yun apat. I bet these are gangsters. Ang daming kilalang boys ni Mozy ah. Sumbong ko kaya to kay Hyungwon? 😇

"Angkas na girls,"-Mozy. Okay. Kanino naman dyan?

"Kay Youngjae ka na umangkas,"- sabi nung lalaki. Teka. Sino ba sakanila si Youngjae?!

"Ako,"- napatingin ako sa nagtaas ng kamay. Okay. Sya si Youngjae!

"Hindi nila kilala ang mga kaibigan mo Jackson! Ano ka ba!,"saway ni Mozy.

"Alaska kay Bambam ka na umangkas,"-Mozy sabay turo sa Bambam. Kumaway yung Bambam kay Alaska.

Lumapit na ako dun sa Youngjae saka umangkas sa likuran.

"Akin na yang dala mo,"-Youngjae. May mga dala kaming supot. Ayoko sanang ibigay pero dahil sya na ang nagsabi ay agad kong binigay. Lavan.

"Ready na? Alis na tayo,"sabi nung Jackson at naunang magpedal palayo sa lugar na to. Sumunod ang ibang kasamahan nila saka nahuli kami netong Youngjae. Grabe. Ang bigat ko na ba?

"Magaan ka parin hanggang ngayon,"

Bumusangot ako. Napasok tuloy sa isipan ko yun. Sinungaling talaga yung si Minhyuk. Kainis.

"Miesza,"-Youngjae. Nanlaki ang mga mata ko. Kilala nya ako?

"Ano?," tanong ko. Kilala nya ako kaya tama ang tanong ko.

"Hindi mo na ko nakilala," sabi nya. Kilala ba kita?

"Sa Camp Deli. Ako yun," mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Whaaaat?

"Yung hiningan mo ng tulong,"-napakagat ako ng labi.

OMG Miesza.

"Ako yun,"-sabi nya pa.

OMG talaga. 😱

Naalala ko na! Ang kawawa ng dating ko nun! Gooooosh!
















×××

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro