7: Problema mo!

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ch.7. Pt.1~Mozy

Chapter Song: Ooh Ahh by Twice

"George!," tawag ko. Hindi. Habol ko pala. Naghahabulan kami ng kapatid ko.

"Ang bilis naman tumakbo ng kapatid kong yun," nasabi ko. Nawala na lang sya bigla. Ang laki pa naman ng Monsta X Academy.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hinihingal ako ng sobra.

Kakausapin ko lang naman sya. I mean, kakamustahin. Hays Mozy. Ayaw parin talaga. I need to try a little harder.

Natigil naman ako sa paglalakad nang mapunta ako sa locker room ng boys. Nakita ko na naman yung nakita namin ni Alaska nung isang araw. Pumasok ako. Dahil nakatalikod sya ay hindi nya alam ang presensya ko.

"Miss?," tawag ko at nagulat sya na hindi ko sinasadya.

"Pasensya ka na," sabi ko at tinulungan syang pulutin ang mga nahulog na candies? Chocolates? Letters?

Tiningnan ko sya at nakatungo sya. Hindi sya makatingin sakin.

"It's okay. Hindi ka dapat mahiya sakin. I think normal lang naman na magbigay ng regalo sa taong gusto mo," napatingin sya sakin dahil sa sinabi ko.

"Uhh---," napaayos sya ng salamin nya. Maganda naman sya. Cute nga e dahil sa cheeks nya.

"Queen," aniya.

"Nako. Don't call me Queen," sabi ko. Napatingin naman ako sa nameplate nya. Oh. Erica Erah Cervales. 3rd Year.

"Pasensya ka na ulit. Hindi na dapat kita nilapitan, sorry for interrupting," sabi ko. Umiling naman sya saka nilaro-laro ang dalawang kamay nya.

"Ano po kasi. Uhh--diba, kilala nyo po---si I.M?," agad na napatingin ako sa locker na nilalagyan nya kanina.

Napatango ako.

"Yes. Kilala ko sya," lumapad na ang ngiti sa labi ko. Balita ko kasi sa mga boys ang tungkol sa pagkakaroon ng admirer ni I.M. Mukhang alam ko na kung sino.

Napaayos sya ulit ng salamin nya.

"Uh..Queen," aniya.

Gulat ako nang lumuhod sya sa harap ko.

"Please! Huwag nyo pong sabihin kay I.M to. Pakiusap Queen!," mabilis ko syang pinatayo.

"You don't have to kneel down. Hindi naman ako spoiler kaya wala akong babanggitin kay I.M tungkol dito," pahayag ko. Pakiramdam ko ay parang maiiyak sya.

"I promise," dagdag ko pa. Mabilis nya akong niyakap. Ang higpit ng yakap nya sakin.

"Salamat talaga Queen! Ang bait-bait nyo po!," sabi nya saka kumalas.

"Gusto mong kumain?," alok ko. Nagugutom na kasi ako dahil napagod ako sa katatakbo. Saka wala akong kasama. Si Alaska tulog dahil napuyat yun kagabi na magsulat ng 100 reasons para kay Kihyun. Tapos si Miesza ay tulog din dahil kailangan nya ng beauty rest. Ako lang talaga ang pumasok ngayon kahit na antok din ako.

Pumayag si Erica Erah (Hindi ko alam kung anong itatawag ko sakanya, kung Erica o Erah ba kaya pareho na lang.)

"Libre na kita Queen," sabi nya.

"Sige, pero kape lang ay ayos na tsaka huwag mo na akong tawaging Queen. Mozy na lang, " kita ko sa mukha nya na ang pagdadalawang isip nya.

"T-talaga? Pero, hindi naman tayo mag--"

"Kaibigan?," dugtong ko.

"Ayaw mo ba akong maging kaibigan?," tanong ko na agad nya naman inilingan.

"Syempre naman Queen gustong-gusto!" sagot nya kaya natawa ako.

"Kung ganun pala, you need to to call me Mozy from now on. Tsaka may sekreto na tayong dalawa diba?," sabi ko. Kita ko ang pagpula ng pisngi nya.

Pumasok kami sa Dining Hall. Nakita ko ang mga boys na kumakain. Nahuli ni Hyungwon ang tingin ko kaya sumenyas syang lumapit ako. Sumenyas din ako ng "wait".

Tiningnan ko naman si Erica Erah.

"Papakilala kita sa mga boys," kinindatan ko sya. Ang cute nya kapag kinakabahan.

"Te--teka, natatakot ako. Huwag na Queen," tatakas sana sya pero pinigilan ko sya.

"Mozy," sambit ko.

"Just calm down. Hindi naman alam ni I.M ang tungkol sayo. Ipapakilala kita bilang kaibigan ko," pahayag ko. Napakagat sya ng labi nya.

"Trust me Erica Erah, magiging maayos ka lang," sambit ko. (Kagaya ng sinasabi ko sa sarili ko.)Para akong ate sakanya ngayon. Supportive ate sa kapatid nyang may crush. Sana ganito na rin kami ni George.

At nang tumango sya ay mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ko pero agad ko ring inalis yun at baka magtaka si Hyungwon kung ano ang ngini-ngiti ngiti ko.

"Hello," bati ko sakanila nang makalapit kami. Napansin kong wala nga Kihyun, pati na rin si Minhyuk at Jooheon.

Umisog si Hyungwon para umupo ako sa tabi nya pero hindi pa ako uupo. Mamaya na Sleeping Pills.

"Ugh. Si Erica Erah nga pala, kaibigan ko," pakilala ko.

"Hi Erica Erah. Nice to meet you," bati ni Shownu. Kumaway naman si Erica Erah.

"Lahat ng kaibigan ni Mozy ay kaibigan na din namin,"-Wonho.

"Hello," bati ni I.M. Gusto kong sikuhin si Erica Erah dahil dun. Alam kong kinikilig na yan ngayon.

"Mozy!," kita ko sa malayo si Delilah na papunta sa pwesto namin.

"Sabay na tayong maglunch! Namiss kita Mozy!," sabi nya nang makalapit sya samin.

"O, sino sya?,"-Delilah

"Si Erica Erah. Kaibigan ko," sagot ko.

"Isama na rin natin si Erica Erah!"-Delilah na hinawakan na ako sa braso.

"Okay lang ba pinsan? Hiramin ko muna si Mozy ah! Hindi naman na kami kasya dyan!," hindi pa nakakatango si Hyungwon ay mabilis akong hinigit ni Delilah. Hinigit ko rin si Erica Erah.

"Ang laki mo kasi!,"boses ni Wonho iyon.

"Che! Tumahimik ka!," sigaw ni Delilah.

"Hindi pa ba kayo nagbabati ni Wonho?," tanong ko habang patungo kami sa mga pagkain.

"Hindi na kami magbabati," napairap si Delilah.

"Huwag na nating pag-usapan si Wonho! Anyway, I'm Delilah!," pakilala nya. Nginitian sya ni Erica Erah.

Hinayaan kong mag-usap ang dalawa habang kumukuha ng pagkain dahil nakatanggap ako ng text galing kay Hyungwon. Nilingon ko sya sa pwesto nila pero wala na sya. Isang simpleng "Biscuit," lang naman ang laman ng text nya.

I replied: Where are you?

Sleeping Pills: Tree house

I replied: On my way.

Ganyan lang talaga ang laman ng text messages namin ni Hyungwon. Small talks. Pero ewan. Kinikilig pa din ako. 💞

--

Pt.2~Jooheon

"Class, group yourselves into 3," tumikhim ako sa sinabi ng Physics teacher namin. Tiningnan ko naman ang mga kaklase ko.

"Jooheon! Grupo tayo," lumapit si Kyle sakin.

"Sige. Pero kulang pa tayo ng isa," sabi ko . Bakit ba kasi by 3 pa? Hassle lang kapag may isa pa sa grupo.

"Sinong kulang pa?," lumingon ako. Boses ng SC President namin yun.

"Kami! Dito ka na samin Monica!,"

Napamura ako sa isipan ko. Letsugas ka naman Kyle! Ayaw ng babaeng yan sakin! May galit yan simula first year kami! Ewan ko ba sa babaeng yan. Hindi ko naman sinasadya ang pagtama ng bola ng basketball sa ulo nya. Tagal na nun Monica! Hanggang ngayon ay pinag-iinitan nya parin ako. Naging suki ako sa guidance dahil sa babaeng yan.

"Class! Listen! Next week nyo ipapasa ang research na to. Remember 15% to sa grade nyo at huwag nyong kalilimutan na mga 4th years na kayo!,"- teacher namin sa Physics. Maraming nagreklamo sa sinabi nya dahil mangyayari ang ball next week din. Hanep ka talaga sir.

Oo na sir. Graduating na po kami kaya nga dapat less hassle na diba?

"Mag-usap usap kayo tungkol sa research na to. Dapat sa lahat ng grupo ay nagtutulungan!,"-pangaral ulit ni Sir.

Nahuli ko ang tingin ni Student Council President. Sama ng tingin nya sakin a.

"Dismiss na kayo!,"-sir saka umalis na sa harapan namin. Overtime ka na nga sir! Kanina pa ang lunch time! Gutom na ako!

Tumayo na ako pero pinigilan ako ni President.

"Hindi ka pa pwedeng umalis Jooheon. We still need to talk about our research," sabi nya. Hays! Nakakainis! Kasalanan to ni Kyle!

"Lunch time na Miss President. Tao ako kaya kailangan kong kumain," sabi ko saka kinuha na ang bag ko at umalis sa classroom. Pasensya na pero hindi mo ko mapipigilan.

"Hoy Grazeldo! Bumalik ka dito!,"

Natigilan ako. Hindi pa ako nakakalabas ng tuluyan sa classroom dahil may tumamang matigas sa ulo ko. Bato ba yun?

Pero nyemas! Masakit! Hinarap ko ang nakakainis na Monica.

"Problema mo!,"



×××

Updated! 💞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro