Chapter 3: The Apology

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Vaugh's POV

Alas onse na ng umaga at hindi pa rin ako pinapansin ni Quia--not that I want her to notice me. Nakahiga pa rin siya hanggang ngayon, tinitakpan ang buo niyang katawan ng kumot--kaya mukha siyang bangkay sa totoo lang. Nakahiga siya na nakaharap sa kisame ang kanyang katawan. Nasa tiyan niya ang kanyang mga palad. At, hindi siya gumalaw sa ganyang posisyon ng mga tatlong oras na. Ang kulang nalang ay kabaong.

Napailing ako sa naisip. Kung nabasa ito ni Quia ay siguradong hindi na naman maganda ang mangyayari. Umayos ako ng upo nang bigla ko na namang maalala ang nakita ko sa likod ng tenga ni Quia--iyong tattoo.

Simula ng makita ko iyon kanina ay halos ayaw lubayan ng aking isipan ang pag-iisip tungkol dito. Hugis parisukat ito. Sa loob ay may hindi ko mabasang sulat dahil sa liit at kakaibang alpabeto nito. It looks so familiar! Pero hindi ko alam kung saan ko ito nakita noon.

Damn it!

My mind wants answers. Damn it! Pero hindi naman ako makalabas ng clinic--para makapunta man lang sa silid aklatan--dahil sa kasalukuyang kalagayan ni Quia. Hindi ko rin matanong ng deretsahan si Quia dahil hindi naman kami close at alam kong galit parin siya sa akin.

Suddenly, I had an urge to take a look at her tattoo again.

Agad akong napatayo at dahang-dahang lumapit sa kanya, trying my best not to wake her up if ever she's really sleeping. Habang mas lumalapit ako sa kanya ay mas lumakas naman ang tambol ng aking puso. Nagsimula na rin mamuo ang pawis sa aking katawan.

When did I become this sneaky before? Damn it! 

Huminto ako nang nasa gilid na ako ng kanyang kama. Gustong-gusto ko talaga na makita muli ang tattoo ni Quia, pero tila nahati sa dalawa ang aking isipan. 

Ano: itutuloy ko ba o hindi?

Tumingin ako kay Quia--kahit natatabunan pa siya ng kumot. Alam kong magagalit siya sa gusto kong gawin. Nang akma kong hihilahin ang kumot ay napatayo ako ng tuwid dahil sa biglang pagsigaw niya, "Don't you even dare!"

Damn it! I need an excuse!

Biglang nagawi ang mata ko sa orasan kaya peke akong umubo.

"Do you know what time is it?"

"I'm an altus, not a clock," sarkastiko niyang sagot.

Bumuntong hininga ako, nagtitimpi. Vaughn, her situation is your fault so deal with it! Damn it.

"It's time for your lunch, Quia. I was just,"--umubo ako uit, hindi alam kung itutuloy ko ba o hindi--"checking if you are awake for it?"

She snorted loudly, an exaggerated one.

Girls!

"Are you hinting that you want me dead, huh?" sabi niya, hindi pa rin tinatanggal ang nakabalot sa kanya na kumot.

"You want honesty?" banta ko.

Damn it, Vaughn! Magtimpi ka!

Hindi sumagot si Quia.

"I never wished death for people," I said firmly--which is the truth.

Bumuntong hininga ako. 

Quia, quia, quia.

Sa panlabas na anyo, maganda si Quia. May mahaba at makapal siyang itim na buhok na bumagay sa medyo morena niyang kutis. Sa unang tingin ay a-akalain mong anghel dahil sa kanyang matang tila inosente sa lahat ng kasakiman sa mundo. May matangos siyang ilong na bumagay sa maliit niyang mukha. Maliit lang si Quia. Tantiya ko ay nasa 5' 3 ang kanyang tangkad. Payat pero may kaunting muscles--na hindi ko nakita noong nasa airport kami dahil naka-sweater siya. Sa palagay ko ay isa siyang introvert--hindi ko rin alam bakit iyan ang palagay ko. Magalang naman siya hanggang sa iyong nangyari sa Filipino restaurant. 

Napailing ako dahil hindi ko parin lubos maisip kung anong ginawa kong mali sa restaurant na iyon para ma-irita si Quia--which in return, ikina-irita ko rin sa kanya.

Bakit ba ang hirap intindihin ng mga babae? Bakit ba kabaliktaran ang sinasabi nila sa gusto talaga nilang sabihin? Pwede naman nilang sabihin ng literal nilang gustong sabihin. Bakit kailan pa naming magisip kung ano ba talaga? Tutal mas maraming babae sa pilipinas, bakit hindi ito ginawan ng subject sa eskwelahan?

Nawala ako sa pagmo-monologue sa aking isipan nang marinig kong may humahagikhik. Napatingin ako kay Quia, at siya nga. Nanlaki ang mata ko nang kinuha niya ang kumot mula sa kanyang mukha at bumungad sa akin, sa unang pagkakataon, ang mata niyang nakangiti.

Nababaliw ba si Quia? Or, it's just another episode of misunderstanding girls? Damn it!

"You know what,"--she sit down and look at me with those sparkling eyes that I couldn't comprehend--"I need lunch after all."

Nagkasalubong ang aking mga kilay pero tumango ako at baka maulit na naman ang nangyari sa Filipino restaurant kahapon.

"Okay. I'll go and be back with it."

Akmang tatalikod na sana ako ay may sinabi na naman si Quia na hindi ko maintindihan.

"I trust that you know what to get."

Girls! Can you be more straight forward?! Damn this!

"Quia,"--napamasahi ako sa aking sentido--"just don't trust."

Ngumisi siya. 

I must have looked stupid. Well, damn it! What can I do? 

Ang ngisi ni Quia ay naging pagpipigil ng tawa.

What? Ano na naman?!

"Quia--"

"I heard, or perhaps read, it all."

Kumunot ang aking noo, maningkit ang mata ko kay Quia. Then, my eyes widen when the realization hit me like a thunderbolt.

Vaughn, you dumb! Quia have read your thoughts! For the first time in your life history, Vaugh Flint Volpe, you let someone read your thoughts! Dumb!

Just dumb!

Agad akong nagchant at sinarado ang aking isipan mula sa mga gaya ni Quia. Agad akong tumalikod kay Quia, mainit ang pisngi.

I swear to the Goddess Klovia, this won't happen again!

~

Dahil nga weekends ngayon ay kinailangan ko pang lumabas ng MMC para hanapan si Quia ng pananghalian. Nang matapos kong bilhin ang pagkain ay dumaan ako sa cafeteria at humiram ng tray para paglagyan ng pagkain.  Dala ang tray puno ng mga pagkain na gusto sanang kainin ni Quia sa filipino restaurant kahapon--liban sa cola na pinalitan ko ng tubig--ay nag-teleport ako papunta sa loob ng kwarto ni Quia. 

Nang bumungad ako sa harapan niya ay napa-igik ito at napahawak sa kanyang dibdib.

She was about to glare at me, but it became a smile when she saw the food. Does that mean I got what she wanted for lunch?

"Is that for my lunch?" sabi niya, sabay tayo at lumapit sa akin.

I kind of want to tease her at this point--you know, for revenge. But after what I have been through, I must say that I have learned. 

"You like it?"

Her smile grew bigger as she nod. She's eyeing the food with sparkles in her eyes.

"I miss these kinds of foods."

Nagsalubong ang kilay ko.

"Aren't you from Italy?"

I was expecting she would miss italian food.

"Yes,"--she stood up and excitedly grab the tray from me--"thank you, Vaughn. My parents are filipinos and I haven't had these foods since two years ago when they had to change their identity and moved to the US."

Napatango-tango ako.

Kaya pala maliit at medyo morena siya.

"You know how to speak any native language in the country?" sabi ko, sabay upo sa kama.

"I understand tagalog very well. I just get laughed at when I speak in Tagalog because of my accent," she said without glancing at me, focusing her eyes on the food in front of her.

Well, I must say that her accent is really cute with Tagalog. I almost want to burst out laughing yesterday.

"Anyway,"--humarap siya sa akin--"you're not eating?"

"Nope, I already ate breakfast."

"Then, I'm not saying the same threat again," she said and, surprisingly, we both laughed--a thing I never thought we would ever share.

When our laughter died down, I cleared my throat, trying to brace myself together as I will say something that I don't usually say.

"I'm sorry."

Her lips parted.

"I'm partly the reason for your current situation. I'm sorry for misunderstanding--"

"I was being bitch." She nodded. "I'm sorry, too."

An awkward silent followed until I decided to break it.

"So... Are we good?" I akwardly asked.

"We were good the moment to brought me this tray, duh," she said, rolling her eyes.

Her statement brought peace in my system. That's good.

~

Kasalukuyang alas kwatro ngayon ng hapon at natutulog ng mahimbing si Quia. Sinabi ng nurse kanina na dapat siyang matulog--mas matagal, mas mabuti--para raw maging mas madali makapag-recover ang katawan niya. Naka-upo ako sa upuan malapit sa kama niya. Habang tulog siya ay inaantay ko naman ang tawag ng campus director.

Kahit responsibilidad ko itong si Quia--ayon sa campus director--ay responsibilidad ko rin naman kunin sa airport ang sinasabi kong babaeng napapanaginipan ang diyosang Klovia. Hapon na pero hindi parin nagsend ng email ang campus director.

Ako ang naatasang kumuha sa babaeng iyon para hindi umani ng atensyon ang pagdating nito. Hindi kasi alam ng ibang altus--iilan lang kaming nakaka-alam--ang tungkol sa misyon ng babaeng ito. At kahit alam ko kung ano ang misyong ng babaeng ito ay hindi ko alam kung sino siya. Kaya hinihintay ko ang email ng campus director.

Hindi ko alam kung na-delay ba ang flight? O dahil sa nandito ako ngayon, ang campus director na mismo ang kumuha doon? O baka, hindi tumutuloy ang babae. The possibilities are vast and I got tired of thinking about them.

Nabalik ako sa kasalukuyan nang tumunog ang aking phone. Nag-text si Auriel.

Auriel: Kahapon, late ka umuwi. Ngayon, hindi ka uuwi?!

Bumuntong hininga ako. Kadalasan, hindi ako nagre-reply sa mga walang kwentang text, pero dahil wala rin naman akong magawa dito--maliban sa matulala sa kawalan--ay nag-reply ako kay Auriel.

To Auriel: Don't overreact. Not the first time.

Auriel: WHAT IS GOING ON? U REPLIED?! OH MY GODDESS KLOVIAAAA!

I snorted. I hate all caps. 

I didn't replied and tried turning off my phone. But, he texted again.

Auriel: Bakit ka hindi uuwi, dude?

Okay, I'll reply.

To Auriel: Responsibilities of course.

Auriel: Responsibilities?

Then, he sent a voice message.

The voice message says, "But, you already completed every single task you need to do yesterday. What kind of responsibilities are we talking about, dude?"

This dumbass! Walang talagang araw na hindi chismoso.

Auriel: Zadiana?

I gritted my teeth.

When did Zadiana became my responsibility? That girl was so independent. And she has a rumored boyfriend. And even so, she doesn't need other people. It's the other way around.

To Auriel: NO.

And this time, I turned my phone off.

It's better to do nothing than do something this useless. Doing nothing is basically the same thing as doing something useless. But at least doing nothing doesn't require energy.

(⁠๑⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑⁠)

Hello, guys. Kahapon ko sana ito ipopost kaso, na-busy ako sa Valentine's Day--hindi dahil may date ako--pero dahil may pa-bingo sa campus namin. Hindi ako nanalo kaya sana pala nag-update nalang ako. Hahahahaha.

Anyway, guys, thanks for reading. Votes and comments are highly appreciated. And, belated Happy Valentine's Day!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro