Chapter 4: The Appearance

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Vaughn's POV

Limipas na ang katapusan linggo at ngayon ay lunes na.

Kahapon lang ay naka-uwi na si Quia sa kanyang dorm. Pagdating ko naman sa dorm ay saka naman ako tinadtad ng mga tanong ni Auriel: bakit hindi ka umuwi? saan ka nagpunta? bakit hindi mo ako sinama? may babae ka, 'no? kung hindi si Zadiana, sino? o baka, hindi na mga babae ang tipo mo? at marami pang iba. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako tinatantanan sa mga 'yan. At kung wala siyang planong tigilan ako sa mga tanong niya ay mamatay siyang hinahanap ang mga kasagutan dahil wala akong planong sagutin ito.

I'd rather spend my time with something useful.

Ngayon ay nasa meeting room ako ng Club Hall--dito ginigawa ang mga club president assembly, meetings ng student government at marami pang iba. Kasama ko rito ang vice-president ng student government, club president ng football club at team captain ng MMC football team na si Dyzon. Katabi ni Dyzon ang public information officer ng student government at editor-in-chief ng student publication na si Zadiana--yes, the one Auriel and I talked about. Nasa tabi ko naman si Auriel na vice-president ng e-sports club at varsity player ng MMC basketball team.

Kung bakit may clubs, varsity teams, student publication etc. dito kahit na paaralan ito ng mga altus ay dahil hindi lingid sa kaalaman ng mga tao ang institusyong ito. Pero hindi ibig sabihin nito ay alam ng mga tao ang totoong pagkatao ng mga nagaaral dito. Ang tanging alam lang nila ay ang Mt. Malaya Prime, Mt. Malaya High, at Mt. Malaya Colleges ay isang prestihiyosong paaralan dahil lahat ng mga nagaaral dito ay nananalo sa lahat ng mga kompetisyong sinasalihan. Hindi nila alam na kaya kami nananalo ay dahil may kakayahan kaming mag-sarva.

Tuwing pasukan, maraming normal na tao ang nagbabakasakali na makapasok sa paaralan na ito bilang estudyante. Lahat sila umuwing bigo dahil akala nila ay hindi sila nakapasa sa mga interviews o entrance exam. Pero ang totoo ay dahil sa simpleng katotohanan na hindi sila katulad namin.

"Good morning, ladies and gentlemen!"

Agad kaming napatayo sa pag-alingawngaw ng boses ng campus director. Sabay-sabay kaming bumaling sa kanya at naglapit ang aking kilay nang makita ko si Quia sa likuran ng campus director.

Bakit siya nandito? At bakit kami nandito?

"Ms. della Luna, help me introduce the following students that are joining us," sabi ng campus director bago siya lumapit sa akin, "First, this is Vaughn Flint Volpe. I know there's no need for introduction between you two, but please let me. He is the president of the student government, the club president of the chess club, and he is the leading altus student here in Mt. Malaya Colleges."

Quia smiled and offered her hands. I took it, even though I have no idea why she is here. Well, to be fair, I don't know what this meeting is all about either.

Pinagpatuloy ng campus director ang pagpapakilala kay Auriel, Zadiana, at Dyzon.

"Mr. Volpe, Mr. Lim, Ms. Cipresso, and Mr. Cavalierri, prepare to meet Quia Ravine Della Luna, the girl our goddess Klovia visits in her dreams."

My lips parted as Quia slightly bowed.

What the heck!

I looked at Quia, and she was looking at me.

"Why didn't you tell me?" tanong ko sa kanyang isipan.

"I didn't even know you're part of the team."--bumuntong hininga siya--"So, how can I?"

Tumango ako. Makes sense.

Nakakatawa: Hinintay-hintay ko pa ang email ng campus director tungkol sa babaeng napapanaginipan ang diyosang Klovia para kunin ito sa airport, tapos nasa iisang kwarto lang pala kami noong mga panahong iyon.

Napailing ako.

"I am hoping for a smooth collaboration with all of you," sabi ni Quia.

Teka lang. Wag ninyong sabihing...

Nagkatinginan kaming apat--Auriel, Zadiana, Dyzon at ako. At dito ko napagtanto na liban sa akin, isa rin sila sa mga kaunting nakaka-alam sa pagdating ni Quia.

Oh, I get it.

"Let's have a seat first because we will have a long, long discussion."

Yes, we will.

Naka-upo na kaming anim--Auriel, Dyzon, Quia, Zadiana, ang campus director, at ako. Nang marinig ko ang pekeng pag-ubo ng campus director ay alam ko ng dito na magsisimula ang lahat.

"Today, you are gathered to meet and join Ms. della Luna," --then, the campus director intertwined his fingers--"Even though we just heard the news about Ms. Della Luna and her dreams this month, her dreams about the godess Klovia has existed eversince she got her Indus."

Interesting.

Ang indus ay isang ritwal na isinasagawa sa mga bata--anak man ng altus o hindi--para maging ganap ito na altus. Hindi kasi ibig sabihin na altus ang magulang mo ay altus ka rin. Ang indus ang nagbibigay ng kanyang kakayanang gumamit ng enerhiya sa paligid upang makapanipula ng mga bagay-bagay. Ibig sabihin, pwede maging altus ang normal na tao kapag nagkaroon siya ng Indus. Ngunit hindi basta-basta nabibigay ang Indus dahil limang pamilya lang sa buong mundo ang marunong gumawa ng nasabing ritwal. Sila ang mga pamilya na pinagkatiwalaan ng diwatang Klovia sa libro ng orasyon--ito mga pamilya nila Groz, Kathedra, Gazza, Cuppio, at Dauthi na isa sa mga unang altus sa mundo. Dito sa pilipinas, ang lahi ni Cuppio ang gumagawa ng indus.

I looked at Quia, but she was looking at the table--as if letting the campus director narrate her story. I want to ask her so many questions, but I know I needed to back off.

"For years, the goddess wanted her to fulfill something. The problem is that what the goddess want was not clearly stated in her dreams. Everything she said to Quia are riddles and puzzles."

Riddles and puzzles?

Tumingin ako kay Quia, at gustong itanong paano siya namuhay ng may ganitong klaseng panaginip. O kaya totoo bang ang diyosang Klovia ang dumadalaw sa kanyang panaginip. Hindi kaya dala lang ng imahinasyon ang tungkol sa diyosang Klovia?

"All of you are helping Ms. della Luna fulfill the wishes of the goddess Klovia."

Lahat ay napatahimik. Ni hindi namin marinig ang ihip ng hangin.

Fulfill the wishes of the goddess Klovia?

Napailing ako.

Ayon sa libro ni Groz na Asluna, ang huling pagpapakita ni Klovia sa mga altus ay noong iniwan niya ang mga pinakaunang mga altus sa bundok ng Malaya noong sinaunang pang mga panahon. Mula sa panahon na iyan--mga panahon na hindi pa binibilang ang mga taon--hanggang ngayon ay walang naging bagong totoong kwento tungkol sa diwata. Kaya iniisip ng mga makabagong altus na ang tungkol sa diwata ay pawang kwento lamang.

"I know what you are all thinking," basag ni Quia sa katahimikan at isa-isa niya kaming tiningnan, "I am making up stories? But, before I flew here, I already met the apicem."

At isa-isa nalaglag ang aming mga panga--liban na lang sa campus director.

Paano niya napuntahan ang apicem?

Ang apicem ay binubuo ng mga hindi pangkaraniwang altus--iyan lang ang alam naming mga karaniwang altus. Walang nakaka-alam kung sino-sino ang bumubuo dito. Walang nakaka-alam kung saan sila nakabase. Walang nakaka-alam paano nila nagawang hanggang ngayon ay maitago ang katotohanan ng mga altus.

"I also felt what you are feeling right now, kids. But, what Ms. della Luna just said is the truth," sabi ng campus director sabay lapag sa bagay na mas ikinalaglag ng aming mga pangga.

"Is that apicem's black matte envelop?" halos pabulong na sabi ni Auriel.

Kahit hindi ko basahin ang sulat sa loob nito ay nawala ang duda ko sa mga nangyayari. Ang sobre na ito ay sapat na para patunayan na totoo ang aming naririnig. Ito ang sobreng hindi magaya-gaya dahil sa enkantasyong lumulukob dito at kusa itong nawawala kapag nagawa na nito ang kanyang layunin.

"Freely read the letter," sabi ni Quia, sabay upo ng tuwid, "But to cut it short, the apicem have confirmed that I have dreams about the goddess Klovia. And they have confirmed that my dreams about the goddess Klovia is not a product of my imagination. That is why I am asking for your help regarding this mission."

~

Kasalukuyan kaming nage-empake ng mga gamit na dadalhin nami sa Cebu. Kahit nasa magkabilang kwarto kami ni Auriel ay walang sawang tanong ng tanong ito sa akin.

Dude, does that mean you messed with the wrong person? Hindi ka ba maga-apologize kay Quia? Baka balikan ka ni Klovia kapag hindi? at iba pa.

Kahit isa sa tanong niya ay hindi ko sinagot.

Bukas na bukas agad ang flight namin para sa Cebu. Ready na ang mga ticket sa flight at port, ang accomodations sa Cebu, at ang pocket money na p-in-rovide ng Mt. Malaya Colleges--kahit alam naman nilang kaya namin masustentuhan ang mga sarili namin. Dahil sa misyon na ito ay nag-appoint kami kung sino ang pagkakatiwalaan namin sa mamamahala sa ng mga maiiwan naming posisyon sa Mt. Malaya Colleges. Kahit hindi ako panatag sa mga napiling pupuno sa posisyon pero wala na akong magagawa.

"Dude, it's time for lunch!" sigaw ni Auriel, sabay malakas na pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

"I'm still packing," payak kong sabi habang nilalagay ang toothbrush sa aking hygiene bag.

"'Wag ka ngang feeling disney princess," kinuha niya ang hygiene kit ko at pwersahan akong pinalutang palabas ng kwarto.

The heck!

"Kung hindi mo ako ibaba ng maayos ngayon din--"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa mga matang nakatingin sa akin--Quia, Dyzon at Zadiana. Uminit bigla ang aking tenga. Dumb!

"Doesn't this bring back memories, Vaughn?" bulong ni Quia--na rinig ng lahat dahil altus kami--ng may pinipigilang ngisi sa labi.

Ipiniling ko ang ulo ko sa kahihiyan. Buti na lang ay ibinaba na ako ni Auriel.

Pekeng umubo si Dyzon kahit nilalabanan pa rin ang namumuong ngisi sa kanyang labi at sinabing, "What are we still waiting for? Tara na sa cafeteria! Everyone needs to see what our group looks like."

"I agree," sang-ayon naman ni Zadiana at saka naunang umalis sa dorm namin. Sumunod naman si Dyzon at Quia--na nakangising umalis. Damn it!

"Dude," Auriel pat my back, "lilipas din ang lahat." At saka siya madaling lumabas ng dorm habang humahalakhak.

Lintik lang ang walang ganti, Auriel!

Instead of sulking, I teleported in the foyer of the Lord's Dorm, seeing the three--Quia, Dyzon, and Zadia--talking. Where was that dumb Auriel? Obviously, being dumb again and took the elevator instead of teleporting.

Hindi ko na hinintay si Auriel at kinapalan ang mukha kong makapal naman talaga kung tutuusin. Humakbang ako papunta sa tatlo at sa bawat hakbang ay mas lumilinaw ang kanilang pinaguusapan. Pinaguusapan lang naman nila paano nagawang ipuslit ni Dyzon si Quia at Zadiana sa loob ng Lord's Dorm. Hindi ko alam kung hahangaan ko ba sa Dyzon dahil wala pang nakagawa nito noon ni-isa dahil sa higpit ng security sa dorms--Lord's man o Lady's--o madidismya dahil bise presidente pa naman ito pero gumagawa ng mali sa MMC.

Paano niya ginawang ipuslit ang girls? Not that complex actually. He took advantage of the starvation of the dorm lord--tagabantay ng Lord's Dorm. Sinabi ko noon na kahit mga altus kami ay importante pa rin sa min ang pagkain para sa paggamit ng sarva. Dahil mas malakas si Dyzon ngayon kaysa sa nagbabantay na dorm lord, nagawa niyang tapatan ang security spells sa Lord's Dorm. Thus, letting Quia and Zadiana get inside without getting detected.

"I still don't get why we need to have lunch together," bungad ko sa kanila.

Ngayon nasa akin na ang mga mata nila. Parang dejavu dahil ganitong-ganito rin ang mga titig nila kanina. Heck!

"Pres, we need to launch our squad," sagot naman ni Dyzon na ikinangiwi ko.

Why do unecessesary things? Hindi naman parte ng misyon ang gagawin namin. Para pang ginagamit namin ang squad kuno na ito para sa popularity--na hindi naman kailangan sa totoo lang. Pero ano ba ang eni-expect ko kay Dyzon? He likes being in the spotlight.

"Vaughn," nagbabantang saway ni Quia.

What?

"As much as I also hate this idea," sabat ni Zadiana kaya napatingin kaming lahat sa kanya, "but we kinda need this to build connection with each other. Let's take this as team building. Shall we?"

Napabuga ako ng hangin at napatango.

"Kahit kailan talaga, dude. Hindi mo kaya hindi-an ang Zadiana mo," biglang sabi ni Auriel sa aking isipan saka umalingawngaw ang halakhak niya.

Napailing nalang ako.

"Tara na, guys!" masiglang sabi ni Auriel.

Habang naglalakad kami papunta ng cafeteria ay, gaya ng gusto ni Dyzon, nakuha namin ang atensyon ng madla. Nasa gitna at unahan ako nilagay ni Dyzon sa "formation". Nasa likuran ko naman ang dalawang babae--Quia at Zadia. Nasa likod nila sina Dyzon at Auriel. Nasanay na ako sa ganitong atensyon pero hindi ibig sabihin ay ikinatutuwa ko ito. Nang pipila na sana kami ay umalis lahat ng nakapila, kaya agad kaming nasa unahan.

Napailing akong kumukuha ng pagkain.

Sa kabila ng mga nangyari, nakakuha kami ng pagkain at naka-upo ng may mga matang hindi maalis ang mata sa amin. Ang laki ng ngiti ni Dyzon habang ngisi naman ng ngisi si Auriel--kahit kailan mga attention seeker. Si Zadia panay ang buntong hinga habang si Quia ay parang batong hindi makagalaw. Napangisi tuloy ako. Sinaway-saway pa niya ako kanina tapos hindi pala niya kaya ang atensyon na nakukuha namin.

"Quia," tawag ko sa kanya sa isip na ikina-igik niya at tinapunan ako ng masamang tingin, "I thought you wanted this?"

Ngumisi ako kaya napatiim ang kanyang bagang.

So, I was right. She's introverted.

(⁠๑⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑⁠)

Hello, guys! How are you? I know it's a bit late, but I just want to ask how was Valentine's Day for you?

Mine was centered at school and I was so busy with all of the activities.

Anyway, thank you for reading and clicking vote is highly appreciated! You can tell me about your thoughts in the comments.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro