Chapter 15: Dinner Date

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Roxanne's POV

Lumipas ang mga araw at parang may bago sa grupo namin, as usual wala namang mga problemang dumadating dun kanila Kyle at Gab pati sa mga Girlfriends nila. Kami naman ni James, parang friends lang pero umaalis kami. Kilala ko na din ang parents niya at 'di ko alam na tita ko pala ang nanay niya, pinapapunta ako sa bahay nila minsan.

This week, lagi akong niyaya ni James na mag-gala kung saan saan pero isa lang ang destination namin dun sa Park, 'di ko maalala pero parang nakapunta na ako dun dati nung bata ako. Sabi naman niya sa akin, nung bata daw siya lagi siyang nandun at naglalaro kasama ng isang batang babae, 'di niya daw alam ang pangalan pero sana makita daw niya ulit, may picture daw silang dalawa, nasa bahay daw nila kaya 'di ko din nakita.

Weekends ngayon at wala din kaming pasok sa Monday, may plano kami ni James ngayon at kailangang matawagan ko na si bessy.

Calling...
Bessy <3

"Oh bakit?" Bungad niya sa akin, agad agad high blood.

"Bessy! Sleepover ka dito, wala sila daddy and mommy e. Pretty please?"

"Anong oras pupunta?"

"Ngayon na! Hihihi. Magsuot ka naman ng shorts pagpunta mo dito! Mamaya nakapantalon ka na naman!"

"Pake mo ba kung magpantalon ako teh, bahala ka diyan. Sige, aalis na ako. Wala din naman dito si tatay e."

Binaba naman na niya yung phone, di man lang nagba-bye. Tsk, pero atleast pupunta naman siya dito. San kaya kami pupunta? Bigla naman ang Cellphone ko. Unregistered number naman siya. Sino naman kaya to?

"Hello." Sabi ko sa linya.

"Anong ginagawa mo?" Sabi niya at boses lalaki.

"Nasa bahay, sino ka naman? 'Di kita kilala e." Sagot ko.

"Tingin ka sa bintana."

Pag-tingin ko sa bintana, may kotse na kulay red at may lalaki sa likod, bigla siyang humarap at pagtingin ko si James! Ano naman ang ginagawa niya dito?! Bumaba namana ko at binuksan yung gate.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Tatanong ko lang kung saan gaganapin."

"Dun sa Well's Restaurant, ipa-reserve mo na yung place. Tsaka ba't ibang number yung gamit mo?"

"Nagbago na ako isave mo na yun. Bye!"

Debbie's POV

Inayos ko ang gamit ko dahil magsle-sleepover kami kay Roxanne, medyo okay na din yung mga cuts ko sa mukha at naghihilom na siya, yung mga sugat ko naman sa balikat naghilom na, wala namang marka na natira. Aalis daw si Tatay dahil may kailangan siyang askikasuhin.

Naligo na ako at nagbihis ako ng t-shirt, pantalon at ng rubber shoes, kinuha ko na yung bag ko para makaalis na, bigla namang may kumatok sa pinto sino naman ang pupunta dito? Wala naman akong inaasahang dadating o bibisita dito?

Naglakad naman ko pababa, katok naman siya ng katok. 'Di makapag-antay kung sino man yan. Binuksan ko naman ang pinto at ang nakita ko ay si... Seven.

"Ow, Hi! Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko naman sa kanya, pumasok naman siya sa loob at umupo sa upuan.

"May tubig ba kayo?" Tanong niya.

'Oo, magulat ka kapag walang tubig dito." Sabi ko sabay kuha ng tubig at inabot sa kanya.

Tinignan ko naman siyang uminom, its like ugh. Nakakaakit yung paglunok nung tubig. Matigil ka Debbie. Magtigil!

"Matunaw ako 'wag kang tumitig ng ganyan diyan." Sabi naman niya.

"As if naman na tinititigan kita diba? Feeler." Pagsisinungaling ko naman kahit na totoo.

"Bakit ka ba kasi nandito? Aalis pa ako." Pagtatanong ko sa kanya.

"Aalis ka? San ka pupunta?" Tanong niya.

"Ano naman sayo?"

"Sabihin mo na. Saan?"

"Kanila Bessy, magsle-sleepover kami e."

Bigla naman siyang tumayo at parang may tinawagan dun sa labas, 'di ko naman masyado narinig dahil umakyat ako.

"Ang liit naman nitong bahay niyo." Sabi niya, aba nanlait pa ng bahay.

"Ano naman sayo diba? Atleast may bahay, kumakain kami kahit na maliit 'to, tao naman ang nakatira dito." Sabi ko sa kanya.

"Come on, we are going somewhere." Sabi niya, anong pinagsasabi nitong aalis kami?

"Anong aalis ka diyan? Aalis kami ni Bessy."

"We are going there but you are going out also with me. Tsaka ano ba yang damit mo! Nagpapantalon ka pupunta ka lang sa bahay ng bestfriend mo?" Sabi niya, dami naman nitong sinabi.

"As if you care. Leave me alone, I can go with my own. Wag mo akong pagtripan."

"Mukha ba akong nangti-trip?"

"Kahit na ayaw kong sumabay sayo."

"Bakit ayaw mo?"

"Kasi ayaw ko."

"Sumabay kana."

"Ano bang trip mo?"

"Sumabay ka."

"Ayoko."

"Tara na!" Sabi niya, tas biglang umupo at kinuha ang paa ko, mukha tuloy akong baboy. Yung bag ko naman kinuha niya din.

Nagpupumiglas naman ako pero masyado siyang malakas, ang bango ng likod niya. Di ko napansin na Malapit na pala kami sa kotse niya, kulay yellow, mukhang mamahalin. Halata naman e. Pinaandar naman niya yung kotse, nagiba siya ng way, saan ba kasi ako ipupunta nito? Hininto naman niya yung kotse sa tapat ng SM?!

"Uy! Ba't ba tayo nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Sumunod ka sa akin.. Ay hindi tumabi ka pala. Tsk basta! Tara na." Sabi niya.

Habang naglalakad, ang daming nakatitig sa aming mga tao. Pero nilapit niya ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Pumasok naman kami sa loob at pinasok niya ako sa isang Boutique. Puro shorts, Dress mga loose shirts. Nako. Mukhang gagawin pa ako nitong testingan ng damit para sa kapatid niya o kung kanino man.

"Good morning Sir Steven." Sabi nung babae, kilala siya ah. Bakla ba to at kilala na siya dito?

"Maghanap ka ng damit na kakasya sa kanya, yung maganda. Basta yung magmumukha siyang babae, at 'di siya mukhang tomboy." Sabi ni Seven, makapagsalita naman tong tomboy, normal naman tong suot ko.

"Okay sir, Ma'am come with me." Sabi ni Sales Lady.

May pinakita siya sa aking mga damit, puro hanggang tuhod lang ano ba to. 'Di naman ako sanay na magsuot ng ganito e.May nilabas din siya mga Shirts and shorts. Pero kinakusap niya si Seven at puro dress lang ang tinira niya.

Nagsukat ako ng nagsukat. Pauli ulit at pagod na pagod na ako, Ayoko na. Nakakapagod magpalit. Sinabi ko kay seven na isang beses na lang akong magsusukat dahil pagod na pagod na ako. Hanggang sa may nakita akong isang Dress, kulay peach siya. Nagustuhan ko pero wala naman akong pambili kaya binalik ko, bigla naman siyang kinuha nung sales lady.

"Ma'am wear this one, I think it suits with you." Sabi nung sales lady.

Sinukat ko naman siya at mukhang bagay nga sa akin pero 'di pa din ako sanay.

"Ma'am labas ka na po." Sabi niya.

"Okay ba? Ayoko na, last na 'to." Sabi ko kay Seven.

Nakatingin lang siya sa akin, at parang lutang. Nakangiti siya habang nakaupo, ngumiti naman ako at umikot. Tinignan ko naman siya habang tintignan niya ako.

"Bagay sayo." Sabi niya, ngumiti naman ako bilang sagot, namula ang pisngi ko't agad na tumalikod. Hihi!

Pagkatapos ko siya naman ang naghanap ang bilis parehas din kami ng kulay at bagay talaga sa kanya. Mas mukha na siyang gwapo ngayon. Anong sabi ko?! Wala wala.

"Miss, I'll get these both. Magsukat ka na ng sapatos diyan, yung may heels."

"Ano?! Ayokong magheels, parang awa mo na at magsle-sleepover lang kami pagsusuotin mo ako ng ganito?" Sabi ko naman.

'Di siya sumagot at umupo, nilapit naman ni Sales lady yung mga sapatos, siya ang nagsukat sa akin, pakiramdam ko tuloy ako si Cinderella sa Movie! Hanggang 4 inches yung binili niya na kulay puti at may kung ano anong design.

"Come on? Papaayos pa natin yang buhok mo." Sabi ni Seven, tapos inabot niya yung kamay niya sa akin para alalayan akong tumayo.

Inabot ko naman yung kamay ko sa kanya, at tumayo medyo 'di naman ako nahirapan na magsuot nung heels at ilakad nakapagsuot din naman ako ng ganito dati.

"Uy, palabas na tayo ng boutique na 'to, ba't 'di ka nagbayad?" Tanong ko, mamaya singilin kami e.

"We are the owner of this Boutique." Sabi niya, napanganga naman ako pero naka-recover naman agad.

Pumunta naman kami dun sa salon at 'Natasha's Salon' Ang pangalan.

"Kanila Natasha 'to kaya libre sinabi din naman niya sa mga nagta-trabaho dito na libre tayo." Sabi niya.

Pagkapasok namin sa loob ay nakita ko ang mga tao dun na nakaupo mukhang wala pa silang costumer pero sabi ni Seven this day lang daw dahil pupunta kami. Planado ba to?

"Good morning Sir and Ma'am!" Sabi nilang lahat.

"Ayusin niyo yung buhok niya, yung pang dinner asdfghjkl" 'Di ko narinig yung sumunod na sinabi niya. Basta nagbigay siya ng instruction.

Pinaupo na ako nung babae dun sa upuan, at pinutulan ang mahaba kong buhok. Nagulat naman ako at sinabi niya na kailangan tsaka mas gaganda daw ang buhok ko, nagpagupit din ata si Seven pero bigla na lang akong inantok at nagdilim na ang paligid ko.

Seven's POV

Nakatulog ata siya at kinukulot ang buhok niya, ginupitan din dahil mahaba. Bagay talaga sa kanya yung dress, kaya ganun ang reaction ko kanina and ang dami niyang nasukat mukhang pagod na pagod talaga siya kanina.

Pinagupitan ko naman yung buhok ko para new life and new look din naunang natapos yung sa buhok ko kesa sa kanya, malamang kukulutin pa.

"Dinner date yung sinabi mo kanina diba?" Sabi nung nagkukulot kay Deb, siya si Ate Den, matagal na siya dito at siya ang pinaka magaling na parlorista.

"Oo. Dinner date nga po." Sagot ko.

"So naka-moveon na pala kayo kay Miss Pat?" Sabi niya, kilala niya si Pat dahil madalas kasi siyang magpunta dito kasama ako, tsaka siya din ang naggu-ugupit kay Pat dati.

"I guess? Ata."

"Palagay ko, oo. Pangalawang babae pa lang 'to na nasasamahan mo dito. Tsaka matagal na yun ayaw mo pa din bang makalaya sa nakaraan?" Tanong niya.

"Gusto ko, matagal ko nang gusto." Sabi ko.

"May gusto ka ba dito sa babaeng to?" Tanong niya, pero 'di ko alam ang isasagot ko.

"Di ko alam, parang meron." Sagot ko, oo meron na talaga, inaamin ko. Pero itong dinner date na 'to dapat sila James lang pero nadamay ako. Tsaka gusto ko ding kasama si Deb.

"Bagay kayo, maganda siya. Wag mong hayaang mastock ang sarili mo sa nakaraan, huwag mong hayaang ikaw ang magiging dahilan ng pagkalungkot niya pag nagkataon dahil mukha siyang masayahing bata." Sabi niya, ba't siya naging ganito? Parang dati hindi naman.

"Paano mo naman nalamang masayahin siya? Sabagay 'di ko pa nga nakikitang malungkot yan e." Sabi ko.

"Malalaman mo baling araw hindi sa ngayon, pero alam kong masayahin siyang bata." Sagot naman niya.

Lumipas ang ilang oras, nakatulog din pala ako nakita ko namang gising na din si Deb, at 7pm na din pala. Tinignan ko naman ang phone ko, nagtext na si James para sa dinner date, medyo sineryoso ko na din 'to. Tumayo na ako at lumapit sa kanya.

"Tagal mong natulog ah?" Sabi niya, nag-iba yung mukha niya pero maganda siya kapag naka-make up bagay sa kanya ang light make up.

"HUY! Ano na? Di kana sasagot diyan?"

"Tara na, may pupuntahan na tayo." Sabi ko naman

Lumabas na kami inalalayan ko naman siyang maglakad, tintignan naman si Deb ng mga lalaki makatingin naman kulang na lang hubaaran nila, kaya hinawakan ko yung kamay niya, tinignan niya ako pero 'di ako tumingin sa kanya. Nang makababa nagdrive na ako at pumunta sa sinabing restaurant ni James, nandun na daw kasi sila ni Roxanne.

Ano kaya ang mangyayari mamaya? Maging okay kaya ang dinner date? Ngayon lang ulit ako kinabahan ng ganito, simula nung nagdate kami ni Pat...

-----

Here's CHAPTER 15: Dinner Date!

I hope you enjoy reading the update! :*

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! :* ^______^v

Thank you very much! :*

-Theinnocentskater.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro