Chapter 16: Unexpected Date

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Seven's POV

NANDITO na kami sa lugar na sinabi ni James sa akin, sinabi naman niya na pumasok na kami kapag nandito na daw, inalalayan ko naman na maglakad si Deb. May mga tao naman sa loob, tinitigan nila kami at ang weird nila. Nakangiti sila at yung iba parang kinikilig nainggit ata sa amin.

"Sir, table?" Sabi nung lalaki.

"James Cooper's table?"

"Come with me Ma'am and Sir." Sabi niya at naglakad, papunta sa LIKOD?! Anong meron dun?

Sinabi naman niya na pumasok lang daw kami, at nandun na daw yung table nila James, binuksan ko ang pinto at nakita na may lamesa at may mga kandila, may mga musicians din pero walang tao. Sweet siya kung tutuusin, inalalayan naman kami nung waiter papunta dun sa table at pinaupo.

*Beep!* *beep!* *beep!*

From: James Cooper

Bro, kaya mo yan! Umamin kana, hinanda talaga namin yan para sa inyo. Sabihin mo na lang, may importante kaming pupuntahan.

Sabi sa text, tinignan ko naman yung paligid at wala talaga sila. Aamin na ba ako? Wala namang masama dun e. Pero parang ang awkward naman, kaya mo yan. Tinignan ko naman si Deb, at mukhang gulat din yung mukha niya, habang nagbabasa ata ng text. Pero ngintian ko naman siya, at ngumiti siya. Ngiting matamis na ngayon ko lang nakita.

'Di siya gaya ng ngiti na pinapakita niya. Bigla namang may tumugtog na Violin. 'Di ko alam kung anong title pero familiar ang tunog para sa akin.

"Nakakain kana ba dito?" Tanong niya sa akin, himala nagsalita na siya ulit.

"Actually ngayon palang. Ay nga pala, 'di daw makakapunta sila Roxanne at James, may importante daw silang pupuntahan." Sabi ko sa kanya.

"Sabi nga din sa akin ni Roxanne, sorry daw 'di siya makakapunta. So... T-tayo lang dalawa?" nahihiya niyang sabi.

"Oo. So?" Nahihiya ko ding sabi.

"So what?" Sabi niya

"This is considered as a date?" Ayan nasabi ko na. Yes! Ang hirap kaya magsalita ng ganun. Nakatingin naman siya sa akin at gulat ang mukha.

"Ah eh, ano ulit? Date? As in D A T E?" Inisa-isa pa niyang sabi.

"Oo. Hahaha." Natawa kong sabi, gulat kasi yung mukha niya.

Bigla namang dumating yung waiter, at inabot sa amin ang pagkain. Madami ito, mukhang 'di namin mauubos. Samantalang siya naman, nakatingin lang sa mga pagkain. Nadamihan siguro siya o kaya nagugutom na din siya 'di rin kasi kami nakakain kanina. Nang mataps nang mailagay ang pagkain ay inayos ko na yung napkin para 'di madumihan ang damit ko, siya naman kumain na kaagad at 'di na nagsasalita, masarap siyang pagmasdan pero ang dami na niyang amos sa gilid ng labi, dire-diretso ba naman ang pagkain niya dun sa isang order na spaghetti.

Kakaibang restaurant to a, spaghetti? Sa isang restaurant? Weird.

Lumapit ako sa kanya at pinunasan yung gilid ng bibig niya na may sauce pa. Nakatulala lang siya habang nililinisan ko yung mukha niya, para siyang bata. Minsan talaga iniisip ko para na 'tong robot e, pag may sasabihin ako nagiging robot minsan naman masungit, masaya lakas maka-mood swing.

"Ilagay mo yung napkin diyan sa may damit mo, mamaya madumihan. Sayang naman." Sabi ko.

"Ah, salamat." Sabi niya at sinunod naman niya yung sinabi ko.

Nagpatuloy na ako sa pagkain, madami pa at di talaga namin mauubos. May Dessert pa, grabe naman magpa-order yung dalawang yun.

"Uhm, seven. Excuse me muna, magc-cr na muna ako."

"Ah sige, samahan na kita? Mamaya maligaw ka."

"No, thanks na lang. Kaya ko naman e, sa loob naman yun."

"Oh sige."

Tumayo naman siya at pumunta dun sa likod, kinausap ko naman yung magva-violin na pagkatapos namin kumain ay tumugtog ng isang piyesa at yayain ko siyang sumayaw. Medyo nakakakaba kung tutuusin, pero sana 'di naman kami maging awkward sa school, date lang naman e. Wala pa naman 'di pa ako umaamin.

Debbie's POV

Nagpaalam ako sa kanya para mag-CR pero habang naglalakad ako, nakangiti ako. Gusto kong sumigaw kanina pa, nung sinabi niya na Date daw namin to. Tinanong ko naman yung waiter at tinanong yung way papuntang CR. Pagkapasok na pagkapasok ko, sumigaw ako. Waaaaaaah! Nagtatatalon din ako kahit na naka-heels. Ang sarap sa feeling, akala ko kasi aalis lang kami o kung saan lang kami pupunta yun pala dito sa Resturant.

Tapos nung pumasok kami nung sa SM hinahawakan niya talaga yung kamay ko, nakakapanibago nga lang sa buhok pero nagpagupit din siya, mas gwapo siyang tignan ngayon.

Natataranta pa ako kanina habang pinupunasan niya yung gilid ng labi kong may sauce, 'di ko naman kasi napansin, habang kumakain siya, ang gwapo niya tignan kumain. Ang pervert ko naman neto! Alam ko namang sasabihin ni Seven na wala sila Bessy. Planado pa ata to.

*Flashback!*

Habang nakaupo kami kanina, nagbasa ako ng text. Napansin ko ding wala si Bessy at James, ang alam ko kasi kasama namin sila. Nagbabasa din naman ata kasi ng text si Seven kaya tinignan ko na din yung akin.

*Beep!* *Beep!* *Beep!*

From: Bessy <3

Bessy, 'di ako makakapunta may importante kasi akong pupuntahan e. Go na umamin kana kay Seven! Sayang din yan. Lovelots! :*

Napagisip-isip ko din na parang ang awkward naman kung ako mismo yung aamin sa kanya, antayin ko kayang siya muna ang umamin pero ang assumera ko naman nun, mamaya wala naman palang gusto sa akin yung tao tapos kung ano anong iniisip ko.

*End of Flashback*

Bigla naman niyang sinabi sa akin kaya, baka magkasama talaga yung dalawang yun. Nakangiti ako magisip dito sa CR parang baliw. Bigla namang may pumasok na dalawang babae, gumamit sila ng Cubicle.

'Ang sweet nung lalaki sa babae, buti pa siya ang swerte sa lovelife.'

'Baliw, 'di naman yung lalaki yung nag-prepare yung mga kaibigan nila.'

'Pero bagay sila, magkakulay pa ng damit. Hahaha. Ang sweet nila tignan'

'Oo nga e, ang ganda nung babae gwapo din yung lalaki. Meant to be!'

Yan yung narinig ko na pinagusapan nung dalawang babae, 'di ko naman ugaling makinig sa mga usapan pero parang naintriga din ako. Inayos ko naman yung mukha ko at naghugas ng kamay, masarap yung pagkain gusto ko pa ngang kumain pero mahirap na. Kaya di na siguro ako kakain. Lumabas naman na ako ng CR at bumalik sa loob, nakatingin naman yung mga tao sa akin at nakangiti sila, nginitian ko din naman sila upang ' di naman nila isipin na snobber ako.

Pagkabalik ko sa loob, naligpit na yung pagkain at may dessert ng nakalagay. Ngumiti naman sa akin si Seven, napapadalas na yung pag-ngiti ngiti niya napapansin ko. Pero improvement na yan para sa kanya.

"Maganda yung ambiance nung lugar no?" Sabi niya, binasag na din niya yung katahimikan sa wakas. Ayoko naman magsalita kasi nahihiya ako. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon.

"Oo nga e, malamig tsaka maganda yung pagkaka-decor nung lugar. Ikaw ba nag-prepare neto?" Sagot ko naman.

"Hindi actually. Mahilig ka sa Spaghetti no?" Tanong niya, ba't naman siya nagtatanong ng ganun.

"Oo. Sobra. Bakit mo natanong?"

"Napansin ko kanina, naubos mo lahat yung spaghetti e."

"Ah e, Sorry naman, favorite ko yun e." Sagot ko.

Ipinagpatuloy lang namin yung pagkain, nagkwentuhan at nagtatawanan parang komportable na kaming magkasama kahit na 'di naman lagi. May Ice cream din na cookies and cream, parang yung mga paborito kong pagkain nandito. Napansin ko namang nakatitig lang din siya dun sa may Ice cream na cookies ang cream, parang gusto niya din.

"Mahilig ka sa cookies and cream no?" Tanong ko.

"Oo. Favorite ko yan e. Sagot niya. Sabi ko na ba.

"Parehas tayo! Share tayo, kaso bitin naman kasi yung binigay nila." Sabi ko naman sa kanya.

"Nako, sayo na lang yan. Okay lang ako." Pagtanggi niya sa alok ko.

"Sige na. Please? Oh, share na tayo." Pumayag naman siya't di niya matatanggihan yan, favorite niya e.

"Oops. May Ice cream ka sa ilong oh" Sabi ko, ang cute niya.

"Nilagyan mo e, Oh ayan!" Sabi niya, sabay nilagyan yung pisngi ko.

"Bleeeh, ayan mas madami yung sayo." Sabi ko, Sabay tayo. Lalagyan niya kasi ako.

Tumayo naman siya at hinabol niya ako ng hinabol nahuhuli naman niya ako at nilalagyan ng ice cream, gaganti din naman ako syempre. Hanggang sa napagod na kami, malawak naman yung lagar kaya nakatakbo kami. Para kaming mga batang naglalaro ng habulan. Buti na lang may hugasan dun, at may mas malapit pala na CR dun sa likod napagod pa akong maglakad sa loob kanina.

Naghugas naman na kami ng mukha natanggal na din yung make-up ko, buti na lang light lang siya kaya hindi kumalat, nang tignan ko yung bag ko may nakalagay na lipstick, naglagay ako pero konti lang. Nang matapos ako nakita ko na siya dung nakaupo sa may upuan, siya na ang gwapo walang pinagbago ang mukha sabagay, gwapo naman talaga siya.

"Okay kana?" Sabi niya.

"Oo okay na, ikaw kasi nanghahabol ka pa diyan." Sagot ko.

"Sino ba kasi tumakbo ako ba?"

"Whatever, Eh alam ko naman kasing hahabulin mo ako. Alangang magpalagay ako ng ice cream."

"Eh hinabol mo din naman ako."

"Eh kasi nilagyan mo ako sa mukha."

Nagtinginan kami tapos "HAHAHAHAHAHA" Tumawa ng malakas. Nag nakapagpahinga na kami.

"Can I have this dance?"Sabi niya, nakatayo siya sa harap ko at nakatapat yung kamay sa akin.

"Yes." Sabi ko naman.

Tumayo naman ako at ngumiti. Pumunta kami dun sa gitna at nagsimulang tumugtog yung mga may hawak ng violin. Hinawakan niya yung kamay ko at ang isang kamay naman niya'y bewang. Para naman akong kinuryente at napayuko, nakangiti kasi ako. Samatalang siya naka-serious face. Nang medyo okay na tinaas ko na din yung ulo ko.

Nilagay ko naman yung kamay ko sa balikat niya, katulad ng mga nagj-JS Prom. Napaaga pa ata yung akin.

(A/N:Background: Fall For You - Secondhand Serenade. Mas maganda kung isasabay niyo dito yung kanta)

Nakatingin lang kami sa isa't isa habang sumasayaw, 'di rin ako makapagsalita basta parang tumigil ang oras ang paligid tunog lang nung Violin ang naririnig ko, masaya ako kahit na 'di ako sigurado sa mga nangyayari. Dadating naman siguro yung araw na masasabi ko yung nararamdaman ko.

Pero paano kapag dumating nga yun pero wala naman pala siyang nararamdaman para sa akin? Bahala na.

Seven's POV

Natapos kaming sumayaw pero 'di ko naman nagawa yung plano ko, masyado akong na hypnotize sa mata niya, napatitig din naman ako. Iba na talaga, yun na nga talaga siguro ang sagot sa tanong ko, gusto ko na talaga siya. Pagtapos ng tugtog, bumalik na kami sa may upuan at nagpahinga.

Alas diyes na din pala, magsle-sleepover pala sila. Idadaan ko na lang siya. Tinext ko naman si Roxanne, para sigurado at sabi naman niya oo daw. Dun daw sa kanila ihatid si Deb.

"Seven, anong oras na?" Sabi niya.

"10pm na, bakit? Wag mo sabihing tatakbo ka na naman? Naka-heels ka, mamaya masugatan kapa" Sabi ko.

"Hindi no, tara alis tayo!" Sabi niya. Saan naman niya balak pumunta nga ganitong oras?

"Saan naman tayo pupunta?" Sabi ko.

"Sa Park, yung malapit sa school? Actually, malapit pala siya sa bahay." Sabi niya.

"Anong meron?"

"Maganda kaya yung stars dun pag gabi, tara na!" Sabi niya, sabay hila ng kamay ko papuntang kotse.

"Go na! Buksan mo na kaya, wala kaya sa akin yung susi." Sabi niya, di naman siya excited na umalis.

Pagkasakay niya ay naglakad naman na ako papunta sa kabila at pinaandar ang sasakyan papunta dun sa park. Hinubad naman niya yung Heels, parang bata talaga. Tumakbo siya at umupo siya dun sa may isang side na may puno at malawak, humiga siya dun at tumingin sa langit, naalala ko may Grocery pala sa likod ng kotse, kinuha ko naman yung coke at chippy.

"Eto oh, coke." Sabi ko tapos abot sa kanya, kinuha naman niya sabay ngiti.

"Salamat."

Humiga din ako at tumingin sa langit. Maganda nga yung mga bituin, binuksan ko naman yung chippy at kumain. Bigla namang nagkasabay yung kamay namin sa pagkuha ng chichirya. Sabay din naming inalis yung kamay namin. Nabalot ng katahimikan ang paligid at walang nagsasalita ni miski isa sa amin.

"Uy may shooting star ulit oh! Mag-wish ka." Sabi niya. Ano to De Javu?

"Wish ko? Sana matupad yung wish ni Deb. and sana, sana ganun din ang nararamdaman niya sa'kin, at sana mapasa akin siya." Sabay tingin ko sa kanya.

Sakto din namang nakatingin siya sa akin. Nagkatitigan kami at ngumiti siya.

"Nakapag-wish ka na?" Tanong niya sa akin.

"Oo tapos na." Sabi ko.

"Tara na, gabi na eh. Inaantok na ako." Sabi niya't humikab-hikab pa.

"Sige tara na." Sabi ko, sinuot naman na niya yung heels, hanggang sa makabalik na kami sa kotse.

Nagdrive na ako papunta sa bahay nila Roxanne, gigisingin ko na pala siya ng akatulog na pala siya. Tulo laway pala 'to pagtulog, mapicturan nga.

*Click!*

Ayan, may pang-asar na ako sa kanya. Gusto ko man siya gisingin pero mahimbing na ang tulog niya, kaya binuhat ko na lang siya. Nag-doorbell naman ako at angbumukas ay si Roxanne, gulat ang mukha at nakapajama na.

"Ia-akyat ko na lang siya" Sabi ko, gumilid naman siya at tinuro sa akin ang way papunta sa kwarto.

Dahan-dahan ko siyang binaba at tinignan ng maayos, inayso ko ang buhok niya dahil may nakalagay sa pisngi niya, at sinabing "Goodnight Deb." at hinalikan siya sa noo. Pinatay ko na ang ilaw at sinara ang pinto.

"Kamusta ang date? Masaya ba?" Tanong ni Roxanne.

"Oo masaya, sobrang saya. Salamat nga pala." Sabi ko.

"Inamin mo na?" Tanong niya,.

"Alam mo na?"

"Oo sinabi sa akin ni James, kami pa nga nagplano e, simula sa sleepover at ikaw din simula dun sa make-over ni Bessy." Sabi niya habang pababa ng hagdan.

"Di e, nakalimutan ko. Next time na lang."

"Ingatan mo siya ah? Mahal na mahal ko yan. Di pa nai-inlove yan. Sige, ingat ka sa paguwi, nakita ko yung kanina nakakakilig kayo ah! Sige, bye. Ingat." Sabi niya at nagwave pa ng kamay.

Nag-doorbell naman ako at ang smalubong sa akin ay si Mama na ang puti ng mukha. Natatawa na ako pero pinipigilan ko lang dahil seryoso ang mukha niya

"Saan ka galing?" Sabi niya.

"Ma, para ka namang terror mom, 'di bagay sayo. Lalaki naman ako walang mawawala sa akin. Umalis lang ako."

"Alas dose na! Pinag-alala mo ako! Tapos yan lang sasabihin mo?"

"Ma, pwede tumawa? HAHAHAHAHAHAHAHAHA. Okay na, ang puti kasi ng mukha mo e. Pfffft----HAHAHAHAHA!" Di ko na kaya pigilan e.

"So saan ka nga galing at wag kanang tumawa diyan!"

"Sa Date."

"Pasok. Sino yang kadate mo?" Sabi ni mama, habang naglalakad kami papasok sa loob.

"Si Debbie ma."

"Sabi ko na ba! Bagay talaga kayo nak, osige na. Matulog kana. Ingatan mo si Debbie. Good night!"

"Weird. Sige good night na ma."

Pagkaakyat ko ay nagshower ako at nagbihis, ang saya ngayong araw na 'to. Buong buo na ang araw ko. Tinignan ko naman yung picture ni Deb habang tulo laway na tulog. At natatawa talaga ako pero maganda pa din naman siya.

------- -----

A U T H O R ' S N O T E:

Hi! ;) Here's CHAPTER 16: Unexpected date! :)

I hope you enjoy the update! :* ^___^v

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! :* ^____^v

Thank you so much! :*

-Theinnocentskater.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro