Chapter 17: Brokenhearted

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

(A/N: Ang chapter na ito ay itutuon na muna natin kay Chard, para makilala niyo din siya at yung ibang side ng personality niya. Di ko kasi masyado nabibigyan ng exposure yung role niya. Kawawa naman e, ang unfair na ata. At ang chapter na to ay, kasabay ng day na nagde-date si Deb at si Seven. Don't forget to vote and comment. :) )

Chard's POV

WEEKENDS at ang wala akong magawa ngayon sa bahay. Dumaan ang mga araw na parang wala lang nangyari. Masaya naman, close na ako sa mga bagong kaibigan ko. Dinadalaw ko si Deb, para tignan kung okay na siya. Sabi niya okay na daw siya kaya wag ko na siyang alalahanin, totoo nga naman kaya 'di na ako masyado pumupunta sa kanila. Kinausap naman ako ng tito na pakibantayan na lang siya dahil napapasama na naman ata siya sa gulo.

Nakilala ko na din ang boyfriend ni Ate Andy, siya si Lucas, gwapo naman siya pero mas gwapo ako. Totoo naman ah? Wag na kayong kumontra.

Pero ramdam ko naman na seryoso naman siya sa kapatid ko. 'Di naman sila magtatagal ng 3 years kung 'di siya seryoso baka nga nakipagbreak na si Ate Andy sa kanya kapag nagkataon. 'Di naman siya sa takot na mang-iwan ng lalaki, dahil si Kuya Lucas lang talaga ang nagpatino diyan.

Play girl kasi yan, dahil sa tarantado niyang Ex na iniwan siya, yun pala pinagpustahan lang siya ng mga kaibigan nung boyfriend niya, ang sabi sa kanya 'di naman talaga siya minahal at may Girlfriend talaga siya, pineperahan lang siya at miski isang pagkakataon walang naramdaman para sa kanya. Devastated si Ate nun, ilang araw din siyang hindi kumakain, at lagi lang siyang nakatulala. Kinakausap namin siya pero wala talaga. Hanggang isang araw, lumabas siya ng kwarto niya at gusto niya na daw niyang pumasok pero araw-araw naman siyang nasa bar. Hanging out with some guys, basta lahat ng lumapit na lalaki sa kanya, ifli-flirt niya. Hanggang isang araw napagod na ata siya, kinausap niya sila Mom and Dad na, magste-stay siya sa America para makapagbagong buhay, nagsasawa na siya. Pumayag naman sila at dun siya nagtapos ng college. Hanggang sa nakilala na niya si Lucas.

*Sigh!*

Ano kayang pwedeng gawin? Ako lang ang tao dito sa bahay. Iniwanan nila ako may mga lakad sila.

ALAM KO NA!

Pupunta na lang ako kanila Deb, tutal wala namang pinupuntahan pag sabado yun at nakatambay lang siya sa bahay yayayain ko na lang siyang lumabas! Ang talino ko na ang gwapo ko na!

Naligo na ako at ni-ready ko na yung sasakyan ko, habang nagda-drive ako. May biglang matandang babae na tumawid. Muntik ko na siyang mabangga buti na lamang ay nakapreno agad ako. Bumaba naman ako at nakita ko namang may buhat siyang mga ulam at kanin.

"Lola! Ayos lang po ba kayo? Di ba kayo nasaktan? Dadalhin ko na po kayo sa Ospital." Sabi ko habang tinitignan ko ang katawan niya kung may natamo ba siyang sugat. Wala naman pero malay mo diba?

"A-ayos lang ako iho. *cough* *cough* Nawawala kasi ako, nasaan ba ang bahay namin? Dadalhin ko pa para sa apo ko itong pagkain. *cough* *cough* di pa siya nakakakain." Sabi ni lola habang hawak hawak ang dibdib niya habang inuubo. Mukhang may sakit siya dahil medyo payat na siya.

"Nako lola, inuubo po kayo. Okay lang ho ba talaga kayo? Tara po idadaan ko muna kayo sa ospital upang malaman."

Di naman sumagot si lola. Pinatayo ko muna siya dun sa isang tabi dahil ipa-park ko yung kotse ko. Pagkatapos ay naglakad na ako palapit kay Lola para ipacheck-up siya. Naglakad kami dahil ayaw niyang sumakay sa Kotse at malapit lang naman din yung ospital dito.

Bigla ko namang napansin na tumutulo ang luha niya. Gustong gusto na niyang umuwi.

"Lola, bakit mo kayo umiiyak? Ayos lang po ba talaga kayo?" Tanong ko kay lola.

"Iniisip ko kasi kung ano nang nangyari sa apo ko, kung nakakain na ba siya? Kung sinong nagbabantay sa kanya?" Sabi ni lola, inaalala pa niya ang apo niya kesa sa kanyang sarili, nasaan kaya ang mga anak niya?

"Nako po, baka okay naman po yung apo niyo sa bahay niyo. Ilang taon na po ba siya? Tsaka po bakit kayo ang bumibili ng pagkain niya?"

"Labing apat na taong gulang na ang apo ko, kakarating lang kasi niya sa kanyang eskwelahan. Kahit sabado may pasok sila, naaawa na nga ako sa apo ko e kaya ako na ang bumili ng pagkain niya, wala siyang nadatnan na pagkain sa bahay kaya ganun." Sabi ni lola.

"Eh, ba't di na lang po yung mga magulang nila ang inutusan niyo? Alam niyo po bang delikado sa daan? Mamaya mapaano pa kayo, gaya kanina muntik ko na po kayong mabangga. Sorry po pala."

"Okay lang yun. Nakikitira lang naman ako sa bahay ng anak ko. Wala naman akong mapuntahan kaya sa kanila na lang ako nakitira." Sabi ni lola.

"Nandito na po pala tayo. Sige na po, pasok na tayo para matignan na yung katawan niyo. Tapos ipupunta ko na lang po kayo sa pulis para ipareport na nawawala kayo."

"Salamat iho. Marami sanang biyaya ang dumting sayo, gabayan ka sana ng diyos."

Nang dumaan ang oras, napa-check up ko na si lola at okay lang naman daw siya, walang problema o pilay man. Dinala ko naman na sa presinto si lola upang i-report. Sakto namang may nakita kaming batang babae na nasa edad 14 at inis na inis ang mukha.

"Apo Eunice! Eto na ang pagkain mo, nakakain kana ba?" Sabi ni lola at nilapitan ang apo. Niyakap niya ito pero inirapan lang siya.

Ang sama naman neto, 'di naman ako pumapatol sa babae, tinignan ko muna kung magiging maganda ang kondisyon ni lola.

"Ano ba yan tanda! Kung saan saan ka pumupunta?! Dapat sayo talaga nilalagay lang sa bahay e! At sino namang nagsabi sayo na bilhan mo ako ng pagkain ha?! Alam mo bang pinagalitan ako ng dahil sayo?!" Sabi nung babae sabay tapon yung pagkain na binili ni lola. Umiyak naman si lola at baka makasama ito sa kanya.

"Hoy ikaw! Alam mo bang nawala si lola ng dahil sayo? Pasalamat ka nga, nagmamalasakit sayo si lola. Alam mo bang habang nawawala siya, muntik na siyang mabunggo? Iniisip ka pa niya imbis na yung sarili niya. Wala kabang nanay para gawin mo kay lola yan?!" Sabi ko dun sa apo ni lola, ang bastos kasi e.

"At ano namang paki mo ha?! Sino ka ba sa palagay mo?! Nakikisali ka dito? At itong matanda na to! Psh. Wala naman siyang pakinabang sa amin e. Kung gusto mo sayo na yan! Walang may pake diyan!" Sabi niya habang dinuduro niya si lola.

"Ikaw walang-------" Muntik ko na siyang patulan pero pinigilan na lang ako ni lola. Nakakainis! Psh. Kumalma muna ako at nagpalipas ng galit.

"Apo, iniisip lang naman kita." Sabi ni lola habang hawak hawak ang kamay ng apo niya.

"Di naman kita iniisip. Umalis kana." Sabi niya at tinabig yung kamay ni lola.

Nakakainis na talaga siya! Walang galang! 'Di na siya naawa kay lola! 'Di niya siguro alam yung pakiramdam ng may nagaalala sa kanya.

"Tara na lola, hoy ikaw! Nasaan ang tatay mo o kung sino mang guardian mo?!" Sabi ko sa babaeng walang galang.

"Nasa bahay! Pumunta kana dun ngayon!" Sabi niya.

Sinundan ko naman siya habang naglalakad kami, kahit na mabilis siya kaya ko namang sundan. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila. Malaki naman ang bahay nila. Nakita ko naman ang tatay niya na nakaupo.

"Oh bakit ngayon ka lang?! Nasaan na si tanda?!" Sabi nung lalaki habang kinakausap ang anak niya.

"Ayan oh! Kasama yung lalaking feeling superhero."

"Sir, ako po si Richard, kung gaganituhin niyo lang naman si lola, e ako na lang po ang kukuha sa kaniya sa amin na lang po siya titira. Ako po ang bahala sa pangangailangan niya. Kukunin lang po namin yung gamit ni lola." Sabi ko, habang nakaharap sa lalaking nakaupo.

Si lola naman, nakayuko na lang habang hawak hawak ko ang kamay niya.

"Ah. Ganun ba? Osige, wala namang kaming mapapala sa matandang yan e!" Sabi nung lalaki malamang anak ni lola to.

Nagsimula na akong kunin yung mga damit ni lola. Binuhat ko ito sa labas hanggang sa nakita kong....

Umiyak si lola at nilapitan ang anak niya. At sinabing "Tandaan mo, mahal pa rin kita anak kahit na ginaganito mo ako. Kasi anak kita, patawad kung may nagawa akong 'di maganda sayo anak. Paalam."

Kinuha ko naman na si lola at naglakad na ulit kami. Hanggang sa nakita ko na ang kotse ko. Tinanong ko naman si lola kung kaya niyang sumakay sa kotse, um-oo naman siya. Nag-drive ako papunta sa bahay namin. Nakita kong nandiyan na si Ate Andy at ang boyfriend niya.

"Ate, simula ngayon dito na titira si lola. Kahit na i-cut niyo na ang gadgets ko, patirahin niyo lang siya dito."

"Ah ganun ba. Ano bang nangyari?"

Kwinento ko naman ang nalalaman ko at nalaman ko sa side ni lola na matagal na siyang minamaltrato ng pamilya niya, tinitiis niya kasi mahal niya sila. Nakakaiyak ang kwento pero 'di naman ako umiyak si ate oo. Naawa din siya kay lola at kausapin na lang daw namin si Mom and Dad mamaya.

Buti na lang may extra pang kwarto dito, dito na lang namin siya patutulugin. Bahala na kay Mom and Dad, mas iisipin ko ang kalagayan ni lola kesa sa sarili ko na kaya ko naman. Nangangayayat na si lola kailangan niyang pagpalusog baka magkasakit siya at magkaroon ng sakit.

Lumipas ang ilang oras hapon na pala 'di ko napansin. 'Di na ako nakatuloy kanila deb. Sa susunod na lang siguro.

"Mga bata, ano bang pangalan niyo? Pasensya na 'di ko naitanong kanina. At salamat sa pagpapatira niyo sa akin dito sa inyong tahanan." Sabi ni lola sa amin habang nasa sala kami.

"Ay ako po si Andy."

"Ano? Ending?" Sabi ni lola, medyo natawa naman si ate sa sinabi ni lola.

"Andy po hindi ending. Hahaha."

"Ah, Andy. Pasensya na alam mo naman matanda na."

"Ako namang po si Chard."

"Sard?"

"Chard po."

"Ah, chard. Bulol na din ata ako. Hahahahaha." Sabi ni Lola.

"Ako naman po si Lucas, boyfriend ni Andy."

"Ay, magkasintahan pala kayong dalawa? Ay sana'y kayo'y magtagal. Naalala ko pa ng ako'y nililigawan ng aking asawang si Alberto."

"Ay lola! Paano kayo naligawan ni lolo Alberto nung araw?" Tanong ni Ate Andy.

"Ay." sabi ni lola, pumi-PBB teens.

"Lola naman e, ikwento mo na. Kung paano kayo nagkakilala at nagpakasal at nakabuo ng forever. Hihihi. " Kinikilig na sabi ni Ate. Grabe talaga, nainlove lang ulit, mahilig na sa mga lovestory.

"Ay, naaalala ko pa noong aking kabataan. Ang sarap sariwain ng nakaraan, nakilala ko si Alberto sa isang sayawan sa aming baryo, niyaya niya akong sumayaw. Pumayag naman ako at nakipagsayaw sa kanya. Nagtanong tanong siya sa aking buhay at ako nama'y nagtatanong din sa kanya. Nang tumagal kami ay naging malapit sa isa't isa at nagsimula siyang pumunta sa aming kubo upang kausapin ang aking mga magulang na siya ay manliligaw at hinihingi niya ang permiso sa aking mga magulang kung siya ba ay papayagan na manligaw."

Huminto si lola at uminom ng Tubig, medyo dumudugo na ang ilong ko dahil sa lalim ng ginagamit niyang salita. Bigla namang lumapit sa amin si Lucas, may dala-dalang popcorn. Anong palagay niya movie to?

"Pumayag ang aking mga magulang na manligaw sa akin si Alberto, habang tumatagal ay nahuhulog ang aking loob sa kanya, siya ay mapagmahal at malambing na lalaki. Araw-araw siyang nagpapadala ng sulat sa aming bahay at nagpapadala ng bulaklak. Nang isang araw, may pinakilala sa aking lalaki ang aking ama. At yun daw ang aking magiging kasintahan at mapapangasawa, ngunit hindi ako sumangayon sa kanyang sinabi, sinabi ko kay Alberto ang plano ng aking ama, araw araw namang sinasabi sa akin ng aking ama na gaganda ang aking buhay kung siya ang mapapangasawa ko, pero hindi pa din natinag ang pagmamahalan namin ni Alberto. Nag-aminan kami na mahal namin ang isa't isa."

"WAAAAAAAH! LOLA! LOLA! EDI KINILIG KA NUNG NAG-AMINAN KAYO? WAAAH! ANG SWEET NIYO NAMAN." Sino pa ba ang sisigaw ng ganyan kundi lamang ang aking pinakamamahal na kapatid.

Ano ba yan! Gumagamit na din ako ng mas malalalim na salita! Grabe mang-impluwensya si lola e.

"Oo, nag-aminan kami. Nalaman na niyang mahal ko siya. Hanggang sa napagpasyahan namin na magtanan, nang madaling araw ay nahanda ko na ang aking gamit at dahan dahang umalis sa amin bahay upang makipagkita sa aming tagpuan ni Alberto. Nakita ko naman siyang nagaantay dun. Ngumiti ako sa kanya at siya din ay ngumiti. Lumipas ang ilang araw ay sinagot ko na si Alberto. Lumipas ang mga taon at nagkaroon kami nang anak, nagkaroon kami ng 4 na anak. Tumanda kaming magkasama ni Alberto nakapagpakasal kami sa simbahan at yun ang pinakamasayang araw naming dalawa."

"WAAAAH! Kinasal na sila. Awww. Anong sunod na nangyari lola?" Singit na naman ng kapatid ko.

"ATE! Wag ka ngang sumingit. Ang ganda na nga nung kwento e!"

"Maganda din naman yung simumingit a!"

"Mukha mo!"

"Maganda ang mukha ko alam mo yan!"

"Tss, sige na lola ituloy mo na."

"Nang ikasal kami, tumatag lalo ang aming pamilya, saksi na ang simbahan sa aming pagmamahalan. Hanggang sa tumagal ang panahon, nagkaroon ng matinding karamdaman si Alberto, nagkaroon siya ng Sakit sa puso pero wala kaming pera upang ipangbili ng gamot ng aking asawa at nag-aaral pa ang aming mga Anak. Kaya nagtrabaho na din ako, para may maipangtawid gutom kami. Pero ginawa ko lahat ng aking makakaya para mailigtas sa sakit ang aking asawa ngunit isang araw pag-uwi ko, inuubo siya ng inuubo. May inabot siya sa aking sulat at ang laman nun ay puno ng pagmamahal. Na-miss ko ang tumanggap ng ganung sulat. Dahil simula ng nagtanan kami 'di na siya nakagawa. Nakalagay yun sa isang papel at sinasariwa ang lahay ng alaala namin. Nagsayaw din kaming dalawa gamit ang tugtog sa Cassette player. Pero ang masayang araw na yun, yun pala ang araw na huli ko siyang mahahagkan at masasabihan na mahal na mahal ko siya at masabihan niya din ako. Nagluksa ang buo naming pamilya dahil sa pagkawala ni Alberto. Hanggang sa tumagal ako na lamang ang bumubuhay sa aking pamilya. At ngayon nga na napalayas na ako at may bago na akong pamilya na kaya akong tanggapin salamat kay Chard at sinama niya ako dito."

"Awwww. Nakakaiyak naman lola yung sa part na ginawan ka ulit ng letter ni lolo Alberto. Huhuhuhu." Sabi ni Ate habang humahagulgol. Pinatahan naman siya ni Kuya Lucas.

Nakakatuwa kung tutuusin ang kanilang naging buhay pagibig buti pa sila walang naging kaagaw at ganun ang panliligaw, mahal na mahal nila ang isa't isa.

Sa panahon kasi ngayon pag nanligaw ka, di kapa sigurado. Kagaya na lang nung kay Deb. May posibilidad na ma-bestfriendzone ako.

"Ay lola! Ano nga palang pangalan niyo? Di pa namin natatanong e." Sabi ni Ate. Ang daldal talaga kahit kelan.

"Ay, ako nga pala si Lola Inocencia."

"Ang ganda naman po ng pangalan niyo, ang ganda niyo siguro nung kabataan. Pati naman ngayon maganda pa rin po kayo. Hihihi."

"Nako nambola ka pa, ikaw naman maganda ka din at gwapo ang kapatid mo pati ang iyong kasintahan."

"Nako lola, alam ko naman po yun. Haha!" Sabi ni ate.

"Binobola ka lang din ni lola no! Psh. Naniwala ka naman?" Sabi ko kay Ate. Pinalo naman niya ako sa braso, dumadalas ang pagiging Sadista neto.

"Tanggapin mo na lang kasi na maganda ako. Wala ka namang magagawa e."

"Ay mga apo, meron ba kayong mga gulay dito? At gagawan ko kayo ng meryenda?"

"Gulay lola? Para sa meryenda?!" Sabi ni ate. 'Di kasi siya ganun kagusto ang mga gulay.

"Oo. Gagawa ako ng turon."

"Ay lola, wag na mapapagod lang po kayo." Sabi ko naman.

"Nako, ayos lang yun. Nakikitira na lang din naman ako dito eh pagsisilbihan ko na din kayo."

"Lola, alam niyo po 'di ko po kayo kinuha para maging katulong sa bahay. Kinuha ko po kayo kasi 'di naman kayo aalagaan ng maayos ng mga anak niyo." Sabi ko.

"Minsan lang naman kaya pagbigyan mo na ako tsaka hindi ako sanay ng walang ginagawa."

Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko na lang si lola. Sinamahan ko naman si lola na magluto dahil 'di naman niya alam kung saan nakalagay yung mga kakailanganin niya.

"Lola! Ano yung turon?" Tanong ni Ate

"Binalot yun na may lamang gulay. Sigurado akong magugustuhan mo yun kesa naman sa mga junk foods na kinakain niyo hindi naman masustansya. Tapos ibababad mo yun sa may mantika at pag nag-golden brown na pwede mo nang kainin." Pagpapaliwanag naman ni lola.

"Masarap po ba yun?" Tanong ulit ni Ate.

"Oo naman. Sigurado akong magugustuhan mo yun."

"Go na lola! Magluto kana. excited na po akong matikman!" sabi ni ate, para siyang bumalik sa pagkabata.

Nagpatuloy tuloy kami sa paggawa. Ang sarap ng amoy ng pagkain. Nang makaluto na ay tinawag na namin sila Ate. Dumiretso naman na kami sa kusina.

"Ano yung masarap na amoy na yun?" Bungad ni Ate at hinahanap pa talaga yung amoy.

"Yung yung luto ni lola ate. halika na! Mukhang masarap."

Tinignan naman ni Ate yung luto ni lola. Sinabi kasi ni lola na may gulay kaya titig na titig si Ate. Tinikman ko naman yung luto ni lola at

*o* ANG SARAP!

"Ate! Kumain ka pramis! Ang sarap, masarap din yung gulay!"

"Oo nga babe, masarap siya. Tikman mo."

"Sige na, Andy tikman mo pag 'di mo nagustuhan 'di na lang ako magluluto ulit." Sabi ni lola habang kumakain.

Kumuha naman ng isa si Ate at nakapikit pang kinagat. Maarte talaga siya sa pagkain, pero ng ilang segundo ay dinilat niya ang mata niya, akala ko 'di siya nasarapan pero biglang...

Naging ganito ang mata niya *O* At...

KUMUHA SIYA NG SOBRANG DAMI AT NILAGAY SA PLATO!

"Lola, ang sarap! The best to para sa akin! Ngayon ko lang natipuhang kumain ng gulay!"

"Mabuti naman at nagustuhan mo yang niluto ko."

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa naubos na namin yung niluto ni lola.  Ang sarap e! *o* magdadala nga ako nito ipapatikim ko kay deb. TAMA! Iba na talaga kapag gwapo.

Naghugas na ako ng pinagkainan at totoo to! Walang halong biro! 'Di porket lalaki ako 'di na ako marunong ng gawaing bahay. Mas matindi pa nga si Ate sa akin. 'Di ko alam kung paano ang magiging buhay ni Kuya Lucas kasama si Ate.

Pagkatapos ay umakyat na kami. Inaantok din si lola kaya hinatid ko na siya sa kwarto. 5:00 na pala matawagan nga si Deb.

'Di naman siya sumasagot baka busy.

Ano kayang ginagawa nun?

Nagbasa na muna ako ng libro dahil 'di talaga ako makatulog at wala akong magawa.

Everytime I see you fallin'

I get down on my knees and pray

Waiting for that final moment you'll

Say the words that I can't say.

Ringtone ko yun ah? Sino kayang tumatawag?

Dad? Ba't siya tatawag?

"Hello?" Bungad ko sa kabilang linya.

"Nak, nandiyan yung ate mo?"

"Opo. Magkasama silang dalawa ni Kuya Lucas."

"We will be having a dinner at Well's Restaurant."

"For what?"

"Uhm, nothing? Minsan lang naman ako mag-aya ng dinner tsaka yung mom mo naman talaga ang nag-aaya."

"Ah. That's all? What time?"

"8 pm sharp."

"Okay. I'll tell them later. We have something to tell you also to you. Where's mom?"

"I don't know. Baka nag-mall or may pinuntahan sila nung kumare niya. I'll just call her."

"Okay. Ingat. ~ Bye."

Binaba ko na at naghanap ng damit para mamaya. Magpo-polo lang naman ako tapos pants edi ayos na.

-

"Lola, aalis kami mamayang 8pm. Maiiwan ka po muna mamaya uuwi din naman po kami. Medyo late na nga lang po."

"Ah ganun ba? Osige. Mag-iingat kayo a?"

"Salamat po. Sige aalis na kami."

"Lola, aalis na kami." Paalam naman ni Ate at ni Kuya Lucas.

Magkasama silang dalawa ni Ate Andy sa kotse at mag-isa lang ako. Medyo malayo layo dito sa bahay yung Well's Restaurant.

Nakita ko naman na yung table ni Mom and Dad, dumiretso naman kami nila Ate dun sa pwesto nila.

"Let's eat first before we talk. Namiss kasi namin mag-dinner tayo no, since 'di pa naman bumabalik ang ate mo sa America."

Kumain naman kami, may nahagip akong babae at isang lalaki na parehas naka-peach papunta sila sa back side ata ng restaurant. Medyo hawig ng pangangatawan ni Deb pero imposible namang mag-dress yun, 'di ko pa nakikita miski isang beses na magsuot ng ganun e, maliban sa pagpunta niya sa bahay at hindi naman ganun kaikli ang buhok niya.

Pero maganda nga siya kung titignan sa side view. 'Di ko na lang pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

"Nak, kelan ka pa natutong kumain ng gulay?" Tanong ni Mom, actually kasi siya yung nagluluto sa pamilya.

"Uhm, kanina lang. Ang sarap nga e."

"Weird. May nangyari ba?"

"Wala naman. May bagong member lang ng family. Pero sana payagan niyo siyang tumira sa bahay." Sabi ko naman.

"Oh, sino yun? Mapagkakatiwalaan ba?"

"Oo naman mom! Please please? Patirahin niyo na po siya dun. Please?" Sabi ni Ate.

"Siguraduhin niyo lang ah? Oh sige. Pumapayag na ako." Pagsang-ayon ni Mom.

"Dad, ikaw? Papayag ka naman diba? Please?" Sabi na naman ni Ate at nag-pout.

"Wag ka nang mag-pout anak. Sige na pumapayag na ako."

"YES!/YES!" Sabay naming sagot ni Ate Andy.

Wala nang problema kay lola sa wakas. Nag-usap usap naman kami kung anong ugali ni lola at na-touch nga sila sa story ni lola. At sobrang daldal ni ate. Buti natatagalan ni kuya Lucas 'to.

"Ikaw nak? May plan ka na ba for college?" Tanong ni Dad sa akin.

"Actually, wala pa e." Sagot ko.

Tumango naman si Dad bilang sagot pero alam ko namang ako ang magma-manage ng company kaya 'di na ako magdadalawang isip pa. Bigla namang sumingit si Mom at kinagukat ko..

"AY! Kamusta na kayo ni Deb?" Sabi ni Mama.

Muntik ko nang mabuga yung iniinom kong juice. Buti na lamang at 'di natuloy.

"Ayos ka lang ba?" Sabi ni Ate.

"Oo."

"So ano na anak?" Ang bait talaga ni mama, nakita nang nasamid na ako't lahat lahat.

"Uhm, okay lang naman. Normal, friends."

"Sus, friends daw. Bakit kasi ayaw mo siyang ligawan?"

"Ano ka ba mom?! Anong klaseng tanong yan?" Sabi ko kay mama.

"Jinojoke lang naman kita. Hahahahaha!"

"So, may gusto ka pala kay Deb?" Seryosong tanong ni Dad.

"Ikaw kasi ma e! Tsk. Yea dad, narinig mo na."

"Woooooh! Nakahinga din ako ng malalim!" Sabi ni dad, ano nang nangyayari sa kanya?

"Oh dad? Anong meron?" Tanong ni Ate Andy.

"Eh kasi naman, akala ko bakla kana. 'Di ka naman kasi nagke-kwento tapos wala naman akong nalalaman na nagiging Girlfriend mo. Oh sinong hindi kakabahan?" Sabi ni dad.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Si mama yan at sila Ate nung narinig nila ang sabi ni dad.

"Oo nga naman kapatid. Pfffftt --- Ba't kasi ayaw mong ligawan si Deb?"

"Wala na kayo dun. Let me handle my lovelife."

"Basta kapag tips sa panliligaw sa akin ka makipagusap!"

*Pok*

"Oh, ba't ka naman nambabatok diyan?!" Sabi ni Dad kay mama.

"Aba! Sinasabihan mong sayo manghingi ng tips?! Eh, ang cocorny ng pinaggagawa mo dati!" Sabi ni Mom kay Dad.

"Sus corny daw. Kinilig ka naman!"

"Whatever. Tsaka, ang pangit kaya nung ginawa mo dati!"

"Nagustuhan mo naman! Kaya mo nga ako sinagot e."

*Pok*

Sigurado akong nagmana si Ate kay Mama, parehas sadista e.

Nag-excuse naman ako sa kanila na pupunta lang ako ng CR pero may nakasalubong ako...

Tama siya nga.

Siya nga yung babae.

Ang ganda niya ngayon.

Siya yung babaeng mahal ko.

Kung ganun, sino yung nakita kong kasama niyang lalaki kanina?

Nakikipag-date na siya?

Kanino naman?

Nagtago ako sa gilid at pinagmasdan siya, nakangiti siya at parang kinikilig dahil sobrang laki ng ngiti niya at namumula siya.

Nang nasa loob siya ng CR may narinig akong bulong bulungan sa tapat ko

"Alam niyo ba may nagde-date daw sa likod?"

"Oh, baka sila yung dalawang naka-peach kanina? Kanino mo naman nalaman?"

"Sa mga waiter. Ang sweet nga nila e."

Wala na akong nakitang pumasok kanina maliban sa kanila. Bigla namang lumabas si Deb at sinundan ko siya, 'di masyadong sarado yung pinto at nakita kong si... Seven ang nakaupo.

Nakita ko namang umupo si Deb....

Bagay sila tignan. Bagay na bagay.

Kumain na sila ng ice cream at yun ang favorite flavor ni Deb... Cookies n Cream.

Nagtatakbuhan sila dahil nagpapahidan sila ng ice cream.

Nang matapos nilang magtakbuhan ay niyaya atang sumayaw ni Seven si Deb tumayo silang dalawa at nagsayaw, nagtitinginan sila ng mata sa mata.

Gusto kong umalis para 'di na makita yung nakikita ko, masakit.

Sobrang sakit.

Pero ayaw gumalaw ng mga paa ko mula sa kinakatayuan ko, kahit na masakit tinitignan ko sila.

Bakit ganun tong nararamdaman ko?

Nasasaktan ako sa nakikita ko at nalulungkot na may nagpapangiti ng ganun kay Deb.

Anong ginawa mo sa akin deb?

Di ko namalayan na may tumulong luha sa mga mata ko.

Ayoko nang makita, nasasaktan lang ako.

Masakit makita na ang bestfriend mo ay may kasamang ibang lalaki na alam mo namang gusto niya.

Mali...

Mas masakit makita na ang taong mahal na mahal mo ay may kasamang iba at kaibigan mo pa.

Palabas na ata sila, naglakad naman ako patungo sa lamesa namin. Inaantay kong lumabas silang dalawa.

"Chard, umiyak ka ba?" Tanong ni ate.

"Ha? Hindi no."

"Sigurado ka? Antagal mo atang mag-CR?"

"M-madami k-kasing gumagamit ng CR kaya natagalan ako."

"Ah ganun ba?"

Sakto namang lumabas si Deb at si Seven na magkahawak kamay. 'Di ko nagawa kay Deb yun.

Miski isang beses.

Ni miski isang pagkakataon.

Alam ko namang wala akong karapatang magselos pero nagmamahal ako.

Parang dinurog ng pinong pino yung puso ko sa nakikita ko.

"Dad, may pupuntahan lang po akong importante."

"Ah ganun ba? Sino? Si Deb? Sige nak, goodluck!" Sabi ni dad.

Tama ka dad, pupuntahan ko siya pero alam ko sa sarili kong 'di ako masaya sa makikita ko.

'Di ko alam sa sarili ko kung bakit ganito.

Alam ko na ngang masakit yung nakikita ko, pero sinusundan ko pa din sila.

Hanggang sa nakita kong pinarada ni Seven yung kotse niya sa gilid.

Tumakbo si Deb at pumunta dun sa tambayan namin dati, may kinuha naman sa likod ng sasakyan si Seven.

Pumunta din siya dun at humiga.

Habang tinitignan ko sila, alam kong masaya si Deb sa piling niya. Pero hindi pa naman sila diba? 'Di ko nga nababalitaan na may gusto si Seven kay Deb e.

May isang shooting star na dumaan. Naaalala ko pa pag may ganyan laging sinasabi ni Deb na...

"UY! Shooting star oh! Mag-wish ka!"

Naniniwala kasi siya na nagkakatotoo ang wish kapag daw may nakita kang star.

Pero iba na ang kasama niya ngayon hindi na ako.

Pero, ano nga bang magagawa ko?

Bestfriend niya lang ako.

Pero ganun talaga. 'Di ako susuko.

Bigla naman silang tumayo at umalis na, papunta ata sila sa bahay ni Roxanne dahil yun ang daan. At tama nga.

Umalis na din ako at, habang nagda-drive lutang ako. Binuksan ko na ang gate, nakauwi na ata sila nandito na ang kotse ni dad.

Dinaanan ko muna ang kwarto ni lola. Tulog na siya.

Tulog na silang lahat at pumasok na ako sa kwarto ko.

Sana...

Sana hindi pa sila...

Sana sabihin nila sa akin...

At sana kung sila man..

Sana mahalin niya si Deb...

Gaya ng pagmamahal ko sa kanya...

--- --- ---

Kawawang chard, hays. Gusto kitang damayan sa pagkakataon na 'to. Haha!

Here's CHAPTER 17: Brokenhearted.

I hope you enjoy reading this one! :*

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! :* ^_____^v

Thank you very much! :*

-Theinnocentskater.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro