Chapter 33: School Tournament

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SEVEN'S POV

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Sabay naming sigaw sa isa't isa ni... BRANDON.

Nagpalitan kami ng masamang titig sa isa't isa ng makita ko siya.

"Dapat nga ako ang nagtatanong sayo niyan eh! You don't even live here so why are you here?" I said to him with full of anger. What is he fucking doing here? Eh si Deb lang naman ang pupuntahan niya, and another one, I still remember when he said that he will court her! If I can only punch him and hurt him, I already did! But, I don't want her to get scared of me.

"You're not the reason why I came here, it's her. So you better stay away from my way Steven!" He also shouted! Wtf?! And he has a guts, to tell me he's fucking lies?! I want to punch him, really hard now! As in very now!!

"We're off to somewhere Brandon, and she's staying on us! And what's your reason for visiting her?! Is she sick?! Stop this fucking bullshit Brandon!" I answered! Sa dinami-dami ng babaeng maari naman niyang magustuhan eh, yung akin pa!

"What the?! What are you saying?! Are you crazy dude?! She is staying with us!" He shouted, What is he saying that she is staying with him? I can't answer because I felt that I am so down and I was shocked because of what I've heard. I thought.. She's staying with us? He is deadly serious when he told that, no guts of laughing nor joking.

"What are you saying that she is staying with you?" I asked him and look to his eyes. Para akong sinukluban ng langit at lupa at hindi naintindihan ang sinabi niya, parang gusto ko pang ulitin niya ito para mas maintindihan ko.

"S-seven.." Out of no where, she called my name. She held my hand and pinched it, I felt her cold hands and it's shaking like she's scared of something. I looked at her but she's not looking at me, instead she was bowing her head. She stayed in that position as she started to talk. "T-that i-is t-the r-reason why I want to talk to you..  Tumawag si tatay kaninang umaga na pinakausapan niya si Brandon na sa kanila daw ako mag-stay." She said while stuttering, I feel sad when I heard that from her, I think, I just wanted to don't end this day so she won't stay with Brandon! I can't say any word, I feel all my energy are gone, the excitement that we will packed up her things and she will stay with us is covered by sadness.

"Go inside." I said to Brandon, I tried to calm my self because every second I can punch him really hard! Before he went inside but he took a glance at Deb and smiled a little bit! I gave him a death glare and he continued walking.

'Tsk! Bullshit!'

I drag her outside of their house and she's still bowing her head. Ini-angat ko ang baba niya't nakita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata at hindi pa ito tumutulo, agad ko namang pinahid yun dahil ayokong makita siyang umiiyak, parang nasasaktan din ako. She smiled a little bit and wiped away her tears and she didn't cry already.

"Why do you need to stay there?" I asked her with a calm tone, I'm trying my best to stay calm and smile at her. I'm still thinking that they are on the same roof and there's a possibility that Brandon will take a move and at the same time she will be closed to him! It sounds gay but I really don't want to lose her.

"Sinabi ko naman kay tatay na sa inyo ako magste-stay, kaso ayaw ni tatay na pumayag dahil nakakahiya daw. Sa inyo na nga siya nagta-trabaho pagkatapos dun pa daw ako magste-stay." She said with a sad tone, you can see the sincerity on her eyes that she wanted to stay with us but her dad don't allow her. I want to stay her in our house so badly. Tsk!

"Why does he need to get shy? Tsk!" Sabi ko pa't umiling-iling. "Sayang naman, akala ko makakasama kita ng matagal." Panghihinayang kong saad sa kanya, parang gusto ko na lang sabihin na. 'Wag ka nang sumunod, dun ka na lang sa 'min.' pero alam kong magagalit si Tito, sa pagkaka-kwento kasi ni Deb minsan ay pag sinabi niya ay hindi na niya binabawi.

"1 week is so very fast babe." She said.

"ANONG MABILIS DUN BABE?!" Sigaw ko! "Do you know that you will stay everyday to their house?! Let's just say that you know him, but people change.. Even feelings of a person can change also." Malungkot kong saad.

"What do you mean?" Kunot noo niyang tanong.

"I didn't mean anything about that. Don't mind it." Sabi ko't bumuntong hininga sa hangin. "Promise me."

"Ano naman yun? Ayan na naman yung pangakong yan, ba't parang ikaw lang ata ang laging nagrerequest ng pangakong yan?" Sabi niya't ngumiti siya ng bahagya. Masaya akong makita na nakangiti siya, parang napapawi lahat ng pagod ko't lungkot kapag ganun. Parang nagiging maayos na agad ang lahat kapag nakikita ko siyang masaya.

"Ang dami mong sinasabi babe alam mo yun?" Sabi ko't inirapan siya, parang bakla pero natatawa siya kapag ginagawa ko yun kaya minsan nakakasanayan ko na din dahil kahit papano'y napapangiti ko siya.

"Bagay talaga sayong maging bakla babe. Hahaha!" Sabi niya't tumawa, sinamaan ko naman siya ng tingin at agad siyang tumigil sa pagtawa. "Eto naman, ang bilis maasar." Sabi niya't pinisil ang ilong ko.

"Stop to pinch my nose babe." Sabi ko't hinawakan ko ang ilong niyang pinisil niya. "Just promise!" Reklamo ko.

"Oo na po babe! Masyado kang atat e! Ano ba yun?" Sabi niya't umirap.

"First, you will call me before you sleep."

"ANO?! Anong palagay mo sa 'kin madaming pera pang-load?" pagrereklamo niya.

"Wag ka nang madaming sinasabi babe! Edi ako na ang tatawag! Tss!" Singhal ko naman sa kanya.

"Yun! Oh sige, tumawag ka ah! Aasahan ko yan!" Pagsang-ayon niya.

"Second, you will text me when you are going somewhere!" I said and raise my phone.

"Kahit na sabay kami pumasok sa school?" Tanong niya.

"ANONG SABAY PAPASOK NG SCHOOL?! SUSUNDUIN KITA NO!" Pasigaw kong sagot! Aba, 'di na siya makakainom ng kape kapag 'di siya sumabay sa 'kin!

"Grabe 'di ko naman alam na ganyan ka ka-obssess sa 'kin." Pang-aasar niya't tumawa pa! Aba't ano bang problema ng babaeng to?! "Joke lang! Peace! Hihi!" Dagdag pa niya't nag-peace sign. "Oo na, may load naman ako lagi pang-text."

"Good. Pangatlo, ba-----"

"Ang dami mo namang rules!"

"Wag ka nang maarte babe! Ang dami mo pang reklamo e!" Sagot ko sa kanya't nagpatuloy na nagsalita. "Third, don't you ever try to cook for him Adobo and Menudo! Don't you dare!" Sabi ko, aba! Mamaya mas lalo pang ma-inlove si Brandon sa kanya kapag nilutuan siya ni Deb, mahilig pa namang kumain yun.

"Kahit na pakbet, kare-kare o si-----"

"Common sense babe! Lahat ng luto na alam mo 'wag mo siyang lulutuan! Dapat ako lang ang lulutuan mo! Okay?" Sabi ko sa kanya, minsan may pagka-slow talaga 'to e. -.-"

"Ay? Obssess ka ta---" Sinamaan ko na naman siya ng tingin! "Oo na po, hindi na." Sabi niya't nag-pout.

"And last! Don't be sweet with him!" I said. She's a sweet girl, even though you are not in mood? She can make you smile. And at the same time, brandon likes her, he might mis-interpret some actions of Deb! Subukan niya lang gumawa ng mga bagay bagay na hindi ko magugustuhan, babasagin ko yung pagmumukha niya.

"Oo na po. Yun lang? Ang dali naman! Nangangako akong gagawin ko yun, don't worry!" Sabi niya't ngumiti.

"Promise?" Saad ko.

"Promise." Sabi niya't agad na tumingkayad! I can't make any move, my body was stuck on that place and my eyes was only staring in one place, I can't breath normally and my heart beats so fast!

SHE KISSED ME ON MY CHEEK!

It's a simple but memorable kiss! After that she smiled at me and looked at my face an I just stay staring at her face. Parang nabalot ng kilig at tuwa ang puso ko ng matapos yun, parang nakuntento lang ako sa halik sa pingi na yun at parang senyales yun na deal.

I experienced that kiss the past years but it didn't feel like this, many girls kissed me already on cheek but her kissed was the one I really like and I want to repeat it again and again.

Sa kanya ko naranasan na lumunok ng paulit-ulit sa sobrang kaba, sa kanya ko lang naipakita ang ibang side ng pagkatao ko at sa kanya lang ako nakaramdam ng pagka-tulala ng halikan ako sa pisngi.

'I will never let you fall for Brandon.. Babe."

"Babe." Tawag niya sa 'kin at bumalik sa realidad. "Kanina ka pa tulala diyan, nagandahan ka ba ng sobra sa 'kin?" Pang-aasar niya't ngumiti ng bahagya.

"Maganda ka, pero mas maganda ang puso mo." Sabi ko't ginulo ang buhok niya. "Tara na, inaantay ka na nung ugok na yun, tss." dagdag ko't inakbayan siya.

"Grabe, ang init talaga ng dugo mo kay Brandon e no? Para kayong mag-kaaway." Saad niya.

'Oo Deb, nag-aaway kami. Nag-aaway kami para sa isang babae, para sa puso ng isang babaeng parehas na bumihag sa 'ming dalawa.'

"Lalaki yun babe, at hindi naman lahat ng lalaki ay gaya ng iniisip mo." yun na lamang ang naging sagot ko't pumasok na kami sa loob, nakahiga na siya dun sa sofa't may unan sa ulo.

"Ang tagal niyo naman na nag-usap." Reklamo niya't umupo.

"Sige na Deb mag-impake ka na." Sabi ko naman kay Deb at umakyat na siya, tinignan ko naman si Brandon at ngumisi. "Binalaan ko lang siya sayo."

"Why?" Sabi niya't ngumisi pa at tumawa ng bahagya. "Are you afraid that she will fall in love with me in one week?" Pagyayabang niya. Kumunot ang noo ko doon at nainis!

"No, because she will not fall for you. I will die first before that happends." Sagot ko't tumalikod sa kanya.

"In one week we can do so many things." Pang-iinis niya, bumuntong hininga ako dahil malapit ko na siyang masapak! Nagpipigil lang ako dito!

"We had talked already and I'm too confident that in one week, she will never be yours."

"Promises are meant to be broken dude."

"Not at all. Because when she promise, she's doing it." Huling sagot ko't umakyat sa taas para tulungan siyang mag-impake.

Kumatok muna ako't nang sumagot siya'y pumasok ako, patapos na siya dahil nalagay na niya sa loob ng maleta niya yung damit niya, 'di naman ganun ka dami, mga damit pangbahay lang naman at ilang pang-alis.

"Ba't may pang-alis ka babe?" Tanong ko, wala naman siguro siyang balak umalis no?

"May weekends babe, magsisimba ako. Anong gusto mong suotin ko sa loob ng simbahan? Shorts?!" Pambabara niya't umirap pa. Napa 'tss' na lang ako't umupo dun sa kama.

Tinignan naman ako dun sa ibang damit niya at may nakita akong shorts!

"Babe!" Tawag ko sa kanya habang kinukuha niya yung reserve tooth brush niya dun sa cabinet.

"Bakit?"

"Palitan mo 'tong short! Maikli!"

"Wala na akong short na mahaba! Atsaka 'di naman sobrang iksi yan! Above the knee lang at 1 inch lang ang layo!"

"Kahit na!"

"Wala nga!"

"Pajama meron ka?"

"Meron diyan sa loob, aba't pinakielaman mo talaga pati damit ko e no? Obssess ka talaga sa 'kin e!"

"Tss!"

After we fix her things, I didn't notice that it's already 7:30 already, I take a look on my phone and there's a message came from mom. She said that I must go home already because she's excited to see Deb. But, I can't say that Deb will stay at Brandon's house. Ugh.

Ako naman ang nagbaba nung maleta niya, may dala din siyang bag, yun yung bag niya na dinadala simula nung school tournament.

Nakita ko naman si Brandon na malawak ang ngiti sa labi ng makita si Deb, ang sarap niyang bitayin at putulan ng ulo! Nakakainis!

Nag-presinta naman akong ako na ang magda-drive pero si Brandon na daw, kaya ako na lamang ang naglagay sa likod ng sasakyan ng maleta ni babe.

"You can say already what you wanted to say before we go." Sabi ni Brandon habang nakangisi sa 'kin! Advantage niya 'to dahil sa kanila si Deb magste-stay! -.-"

Lumapit naman ako kay Deb at ngumiti sa kanya.

"Ingat ka dun ah? Itext mo ko kapag may nangyari sayo." Sabi ko sa kanya't niyakap siya, saktong hanggang dibdib ko lang din kasi siya't hinaplos ang buhok niya't hinalikan ko siya doon. Amoy na amoy ko pa ang mabango niyang buhok.

"Wag mo kong sanayin na yakapin babe. Makakasanayan ko 'to at baka hanap-hanapin kanila brandon." Sagot niya, napangiti ako ng bahagya dahil mami-miss niya ang yakap ko ngunit kasabay naman nun ang isa pang pumasok sa isip ko na mayayakap niya si Brandon!

"Subukan mo lang yumakap sa kanya, hindi kita kakausapin." Pagbabanta ko. Kaya ko naman kaya? "Alam mo bang minu-minuto kitang namimiss? Gusto ko nga lagi na lang kita laging kasama e. Gusto ko sa 'min ka na lang tumira kaso hindi pwede." Dagdag ko.

"Gusto din naman kita kasama e, pero kailangan kong mag-stay sa kanila." Sabi niya.

"Sige na babe, baka magbago ang isip ko't i-uwi ka sa 'min mapagalitan pa 'ko ni tito." Sabi ko't kumalas sa yakap, gustuhin ko pa man siyang yakapin pero gabi na, malayo layo dito ang bahay nila Brandon baka gabihin sila.

"Ikaw talaga." Sabi niya't pinisil ang pisngi ko. "Sige na, aalis na ko. Mamimiss kita!" Dagdag niya, napangiti ako doon ng sobra dahil unang beses pa lang niyang sinabi na mamimiss niya ako. Haha! Ang gwapo mo talaga swayze! Iba na talaga ang kamandag mo!

"Bye, ingat ka." Sagot ko't hinalikan siya sa noo sumakay naman siya dun sa passengers seat at kumaway pa.

"Ingatan mo siya." Utos ko kay Brandon, hindi ako makikiusap no! Dahil alam ko namang iingatan niya si Deb! Tss.

"Oo naman, aalagaan, iingatan at mamahalin ko pa." Sabi niya't agad na pumasok sa driver's seat, napatingin ako agad sa side mirror kung saan makikita ko ang mukha ni Deb.

Ngumiti siya sa akin, hindi man niya nasabi ng malakas ngunit naintindihan ko yun kahit na pabulong lang. "Ingat ka, mami-miss kita." Yun ang sabi niya't dun ko na lang narealize na pinaharurot na ni Brandon ang sasakyan niya't nawala na sa paningin ko.

'Hay! Ang hirap naman nun, ano kayang mangyayari kapag magkasama sila? Masakit sa ulo, napaka-dami ko pang iisipin. Sana sa sandaling panahon na yun, ako pa din ang gusto niya.'

Nagdrive na din ako pauwi ng bahay at ng makarating ako'y kitang kita ko si mom na nakaupo sa sofa.

"Nak! Ba't ngayon ka lang? Where's deb?" Tanong niya sa 'kin at tumayo.

"Good evening mom." Sabi ko't hinalikan siya sa pisngi. "Hindi siya makakapag-stay dito mom." Malungkot kong saad.

"Why?" Gulat niyang sabi.

"She's staying with Brandon, magkakilala ata sila Brandon at tatay ni Deb, kaya sa kanila siya magste-stay." Pagpapaliwanag ko.

"Ow. Sayang naman, nagluto pa naman ako para sa kanya ng bagong recipe ko." Malungkot na sabi ni mom, sorry. Kung 'di sana kailangan magstay ni Deb dun eh,nandito na siya.

"Ako na lang mom ang titikim!" Sabi ko'y pinilit na ngumiti, kahit na malungkot ako ayaw ko naman ito ipahalata kay mom, dahil magtatanong na naman siya.

"Talaga anak? Come! I look Adobo for you!" Masayang sabi ni mom at hinila ako papunta sa kusina, saktong kakalito lamang nito't inihanda na sa lamesa.

Naalala ko na naman si Deb dahil sa sinabi ni mom na Adobo, I miss her already.

"Let's eat!" Aya ni mom at nagsimula na kaming kumain, naglagay muna ako ng kanin bago tinikman ang ulam na hinanda niya. "How does it taste?" Tanong ni mom.

Tinikman ko naman 'yon at nilasahan. "It taste good mom! How did you cook this one?" Tanong ko sa kanya, masarap naman talaga 'yon pero sa totoo lang, mas masarap ang luto ni Deb.

"Hey! I'm talking to you, why aren't you answering? Is there any problem?" Tanong ni mom at dun ko lang napansin na kanina pa pala siya nagsasalita.

"Nothing mom." Pagsisinungaling ko't ipinagpatuloy ang pagkain.

"Are you sure?" Tanong ni mom at nagpatuloy ring kumain.

"Yes." Sagot ko't ngumiti ng bahagya.

Nagpatuloy kami sa pagkain, at nag-usap. Naitanong ko kung bakit wala pa si Julia at si Dad. Sabi naman ni mom ay nasa duty pa daw si ate at mamaya pa itong mga alas-onse uuwi. Samantalang si dad naman daw ay may ka-meeting pa kaya 'di pa ito umuuwi hanggang ngayon.

Natanong niya naman si Deb at sinabi ko naming kami ay masaya, at nagkwento ako ng mga bagay na nangyari sa 'min. Kilig na kilig pa nga ito ng malaman niya. Ngunit hindi ko sinabi ang tungkol sa halik nang kami ay nasa beach, hindi ko mawari ngunit nahihiya akong sabihin. Marahil hindi pa ito ang tamang oras.

Pagkatapos naming mag-usap ay ako na ang naghugas ng pinggan, ayaw man ni mom pero nagpumilit ako. Wala na din siyang nagawa kaya hinantay na lamang niya akong matapos.

Hindi naman ako makaramdam ng antok kaya't nagpunta na lamang ako sa aming sofa at tumabi kay mom.

"Nak, I want to ask something." Biglang sabi ni mom. "Did you already kiss her?" Tanong ni mom na ikinagulat ko, nanlaki pa ang mata ko't hindi agad na nakasagot!

*LUNOK!*

'Kailangan ko na bang sabihin sa kanya?! Mag-isip ka seven!'

'Pero wala namang masama, dahil nanay ko naman siya.'

"Y-yes m-mom." Pa-utal kong sagot. Para akong bata na hindi agad nakasagot sa tanong niya, una nakakahiya dahil kahit na siya'y nanay ko ay hindi naman kami ni Deb kaya baka magalit siya na nahalikan ko na si Deb.

"REALLY?!" Hindi makapaniwalang sigaw ni mom, nanlaki pa ang mata nito't gulat sa kanyang narinig. "YIEEEE! KELAN? SAAN? PAANO?" Kinikilig na sabi ni Mom! Kakaiba 'to! Akala ko'y magagalit siya pag nalaman niya yun.

"Sa resort mom nung nagpunta kami dun, naalala mo pa?" Sagot ko't ngumiti, tumango naman si mom bilang sagot. "Nung pauwi na kami mom, niyaya ko siya manood ng takip-silim. Hindi ko naman talaga siya hahalikan nun mom pero kasi na-akit ako sa labi niya eh!" Nangiti kong sabi dahil parang na-ulit sa aking isip ang nangyari nung mga panahong 'yon. "Pinilit ko namang pigilan pero syempre, lalaki ako. Nangyari na ang hindi dapat." Sabi ko.

"Yieeee! How does it feel?" Tanong niya.

"Masarap sa pakiramdam mom. Kahit na simpleng halik lamang 'yon. Parang nawala ako sa ulirat ko nang mga panahon na yun." Nahihiya kong saad.

"Oh my god nak! Nakakakilig! Hihihi!" Sabi ni mom at pagkatapos ay tumitig ng kakaiba sa 'kin.

"Hehe. Kiss lang mom hindi yun gaya ng iniisip mo ah?" Pagdepensa ko sa sarili ko, kakaiba gumana ang isip ni mom! Tsk!

"Good. Syempre, alam ko namang hindi pa kayo anak at alam mo naman siguro yun diba? Kasi sabi mo MU lang kayo." Sabi ni mom.

"I know that mom, Ayoko namang madaliin siya eh." Nakangiting sagot ko.

"That's my son!" Sabi ni mom at niyakap ako bigla, napangiti na lang ako bigla at tinapik ang kanyang likod. "Kamusta yung school tournament niyo 'nak? Sorry kung hindi ako nakakanood after the Opening ha? Kailangan ko kasing mag-duty e. Alam mo naman madami kaming charity works."

"Okay lang mom, wala pang talo." Nakangiti kong sabi.

"Ako ang magluluto ng breakfast mo bukas nak."

"Sure mom. Maaga mo akong gisingin ah? Susunduin ko pa kasi si Deb kanila Brandon e." Sabi ko.

Kinamusta niya si Brandon at sinabi kong okay naman siya, hindi na siya muling nagtanong dahil alam naman niya na hindi kami magkasundo ni Brandon. Pagkatapos nun ay umakyat na ako para maligo't matulog.

Hindi ko namalayan na 10:30 na din pala, pagkatapos kong maligo'y sumalampak ako sa kama at tumingin sa kisame. Naalala ko na tatawagan ko pala si Deb!

Pagkuha ko ng cellphone ay may bumungad sa 'kin. Dalawang text na galing kay Deb. May nabuong matamis na ngiti sa 'king mga labi ng mabasa ko ito.

'Seven? Nakarating na kami.'

Received: 8:30 pm

'Matutulog na 'ko ha? Inaantok na kasi ako e, don't worry magkahiwalay naman kami ng kwarto e. Okay? Good night! Sweet Dreams! :*'

Recieved: 10:00 pm

Nang mabasa ko ito'y may kiss mark sa dulo! What the?! HAHA! Ang gwapo mo talaga Steven Swayze! Para akong baliw dahil hindi ko mapigilang ngumiti.

Tinext ko naman siya't sinabing..

'Sorry hindi ako nakatawag, good night! May pa kiss mark, kiss mark ka pa diyan ah! Haha! Haynako babe. Miss na kita. See you tomorrow! Susunduin kita okay? Sweet dreams! :*

Sent!

Pagkatapos kong i-text 'yon ay umayos na 'ko ng higa't pinatay ang lampshade at natulog na.

K I N A B U K A S A N

DEBBIE'S POV

Pagkamulat ng mata ko'y isang maliwanag na kwarto ang sumalubong sa 'kin, maliwanag na hindi mo na kinakailangang magbukas pa ng ilaw dahil nakatapat ang sinag ng araw dito.

Nag-inat inat ako't pumasok ng CR para makapaghilamos at tooth brush. Tinulungan ako ni Brandon na ayusin ang aking mga gamit kagabi, nagtaka pa nga ako dahil ang laki ng kwartong 'to para sa 'kin. Maganda 'to at pula pa ang kurtina. Favorite color ko. Nakilala ko pa si Manang Rosa na itinuturing na din na parang tunay na ina nila Brandon, mabait siya't masayahin. Parating nakangiti at maganda ang bungad niya sa 'kin kahapon. Pakiramdam ko'y welcome na welcome ako dito at parang ako'y nakatira.

Napatingin ako sa oras at 6:00 am na. Gising na kaya ang mga tao dito? Si Seven kaya gising na? Sabi niya susunduin niya daw ako e. Maitext nga.

Agad ko namang kinuha ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa kung saan nakalagay ang lampshade. Agad na bumungad sa 'kin ang isang text mula kay Seven. Inopen ko naman 'yon at magulat ako ng mabasa ko ito!

'Sorry hindi ako nakatawag, good night! May pa kiss mark, kiss mark ka pa diyan ah! Haha! Haynako babe. Miss na kita. See you tomorrow! Susunduin kita okay? Sweet dreams! :*'

Nagsend ba ako?! Naaalala ko lang nalagay ko  yun pero dinelete ko dahil nahiya ako, pero hindi pala! Nakakahiya!

Tinext ko naman siya ng Good morning at aantayin ko siya dito't itext na lang niya 'ko kung papunta na siya. Pagkatapos nun ay bumaba na 'ko papuntang kusina, maganda ang bahay nila para na rin itong mansyon kung tutuusin mas malaki nga lamang ang bahay nila Seven.

Pagkapunta ko ng kusina'y nakita ko ang isang lalaking nakaputing t-shirt at naka boxers na si brandon na nagluluto! Kailan pa siya natutong magluto?! Eh parang noon lang ay halos masunod na niya yung niluto naming pancakes noon sa TLE! Ang simple na nga lang nun eh! Nasunog niya pa nga.

"Oh! Deb! Nandyan kana pala!" Gulat na sabi ni Brandon. "Good morning!" Nakangiti niyang bati. "Gutom ka na ba? Malapit na 'tong matapos 'wag kang mag-alala." Dagdag pa niya.

"Nako, hindi! Sige lang, 'wag mong madaliin na magluto." Sabi ko't itinaas pa ang kamay ko't sumenyas na hindi.

"Sigurado ka? Baka gutom kana. Ayaw ko pa namang nagugutom ka, mamaya pumayat ka." Sabi niya, napangiti naman ako don sa sinabi niya.

"Kelan ka pa natutong magluto?" Tanong ko sa kanya.

"Kanina lang." Sagot niya. Ano daw?! Kanina lang?! Buti hindi naging disaster ang kusina nila?! Mukhang masarap yung luto niya ah?

"Ano ba yang niluto mo?" Tanong ko muli at umupo doon sa upuan na mataas, at nangalumbaba sa lamesa.

"Hotdog, scrambled egg, sunny side up, fried rice at pancakes." Sagot niya.

"HAHAHA! Totoo ba yan Brandon?! Eh parang dati lang halos masunog mo na yung pancakes natin!" Pangaasar ko sa kanya, eh totoo naman eh! Haha!

"Hoy deb, nagbasa ako ng cook book dito kaya masarap 'to! Mas masarap pa sa luto mo!" Sagot naman niya hindi na lang ako sumagot at inantay siyang matapos.

Pagkalipas ng ilang minuto ay inihanda na niya ang plato't nilagay sa lamesa, tutulungan ko na lang sana siya ngunit pina-upo niya ako ulit.

"You're my princess here okay? Just stay there and I'll prepare our food." Sabi niya't ipinagpatuloy ang pagpe-prepare. Siguro marami nang babaeng kikiligin sa sinabi niya pero alam ko namang magkaibigan lang kami at kapatid lang ang turing niya sa 'kin yun lang at wala ng iba. Napangiti na lang ako sa kinilos niya.

Pinagmasdan ko naman siya habang hinahanda ang almusal. Gwapo, maganda ang tindig ng pangangatawan, may pagka-gray ang kanyang buhok, maputi, matangos ang ilong at brown na mata. Kung tutuusin, mabait naman talaga siya. Bakit kaya wala siyang girlfriend? Sa pagkaka-alala ko'y may naikwento siya sa 'kin. Tatlong buwan lang naging sila't hindi 'yon taga school namin. Nakalimutan ko na nga lang ang school na pinapasukan ng babaeng yun.

"Nagwapuhan ka ba sa 'kin?" Biglang sabi ni Brandon at bumalik ako sa 'king wisyo! Dun ko na lamang namalayan na tapos na pala siya't nakatimpla na siyang Juice.

"Ang kapal mo! Kumain ka na nga lang!" Sagot ko naman sa kanya, nakita niya siguro akong tinitigan siya! Nakakahiya! "Nga pala, ba't 'di mo pa tawagin si Liam at Manang Rosa?" Tanong ko sa kanya.

"Si Liam, gi-gising yun mga 7 na, si manang tulog pa kanina ng magising ako e, kaya hindi ko na siya ginising. Nagluto naman ako ng para sa kanila." Sagot nito. "Nagluto naman ako dahil gusto kong matikman mo ang luto ko kung pwede na bang pumasa sayo! Haha!" Dagdag pa nito't tumawa.

Naglagay naman ako ng kanin sa 'king plato ngunit konti lamang iyon, hindi naman kasi ako kumakain ng sobrang dami, lalo na't hindi ko naman alam ang schedule namin.

Nilagyan ko naman ng hotdog at sunny side up ang plato ko, ngunit nabigla ako ng biglang dumami ang kanin ko!

"Huy! Ang dami niyan! Ba't mo nilagyan?" Tanong ko, ang dami nun! Maliligo pa naman ako pagkatapos! Baka hindi agad ako matunawan.

"Kaya ka pumapayat eh, kumain ka lang okay?" Sabi niya't ngumiti, hindi na lang ako sumagot at nagsimula ng kumain.

Nabuo ang katahimikan sa 'ming dalawa, masarap naman iyon ngunit, nasobrahan siya sa paglagay ng asin. Masyadong maalat ang itlog, ngunit hindi ko na lamang sinabi. Miski ang kanin medyo maalat din. Mahilig ako sa sinangag na kaning may asin pero hindi naman sobrang dami!

Pinilit kong kainin ito dahil okay naman ang pagkakaluto niya sa hotdog at pinaghirapan niya 'to kaya dapat lang na kainin ko. Sa bawat pagsubo ko ng kanin at ng sunny side up ay umiinom ako ng isang basong tubig, sobrang alat talaga as in!

"Deb, mauubos mo na yung isang pitsel ng tubig." Bigla niyang sabi kaya agad akong napatingin roon sa pitsel.

"H-ha?" Nautal kong sagot.

"Alam kong maalat, natikman ko din eh. Sorry failed na naman." Malungkot niyang sabi, agad naman akong nakaramdam ng awkwardness dahil dun.

"Nako, okay lang yun! Masarap pa din naman e!" Nakangiti kong sabi. "Atleast diba? Sinubukan mo, at ginawa mo yung best mo. Matututunan mo pa naman magluto niyan habang tumatagal e." Pagpapagaan ko sa kaniyang loob at saka ngumiti.

Nabuhayan naman ang kanyang mukha at ngumiti. 'Talaga? Ayos lang?"

Tumango naman ako't ipinagpatuloy na lang ang pagkain, halos yung hotdog ang kinain namin dahil maalat din ang scrambled egg. Pinagtawanan na lang din namin sa huli ang luto niyang itlog.

"Oh, pancake. Kain kana, kahit isa lang. Please?" Sabi ni Brandon, nahiya naman akong tumanggi dahil hawak-hawak na niya iyon.

"Isa lang ah." Sabi ko't kinuha na ang hawak niyang pancake. "Masarap ah! Kelan mo pa na-perfect 'to? Haha!" Nakangiti kong sabi. Totoo naman kasi! Masarap na siya't hindi sunog.

"Talaga? Mabuti naman at nagustuhan mo." Sabi niya, kumain pa 'ko ng isa't inayos na ang mga pinagkainan, ako na lamang ang naghugas kahit na ayaw ni Brandon.

Habang naghuhugas ako'y hindi ko maiwasang mailang dahil nandun siya sa upuan at nakatapat sa 'kin. Pagkatapos kong hugasan 'yon ay 6:30 na pala, nagstay lang ako at umupo sa upuan.

"Deb, salamat nagustuhan mo pa din yung luto ko." makabuluhan nitong sabi.

"Oo naman, gawa mo yun eh. Sayang naman diba?" Sagot ko naman sa kanya.

"Sabay tayong pasok mamaya ah?" Suhestiyon niya.

"Nako, hindi pwede eh." Sagot ko naman.

"Bakit naman?" Kunot noo niyang tanong.

"Susunduin kasi ako ni Seven, 'di ko nga lang alam kung anong oras pero sabi niya susunduin niya 'ko."

"Ganun ba? Sayang naman." Nakangiti ngunit kitang kita sa mukha niya ang panghihinayang. "Ay! Gusto mo ng coffee? Diba mahilig ka dun? Gusto mo timplahan kita?" Bigla niyang suhestiyon.

"Okay lang, wag mo lang sobrahan sa asukal ah?" Sabi ko't agad siyang kumilos. Minsan 'di ko na alam kung nagmamadali talaga siya e.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dala na siyang dalawang tasa ng kape at inilagay sa lamesa. Humigop naman ako't buti na lamang hindi ganun kainit, akala ko'y mapapaso ang dila ko kanina.

"Anong lasa?" Tanong niya.

"Okay naman. Sobra lang sa gatas, pero masarap. Sa susunod alam mo na ang babawasan mo ah? Haha!" Natawang saad ko.

"Talaga? Sige!" Sagot niya.

Nagpatuloy lang ako sa pag-inom ng kape at kumain ng tinapay, pagkatapos nun ay nagpaalam na 'kong umakyat dahil kukunin ko ang cellphone ko, meron naman text ni Seven doon at 7:30 niya daw ako susunduin. 6:45 pa lang naman. Maaga pa.

Bumaba na muna ako't naglibot sa labas nila may nakita akong mga bulaklak at mga halaman. Napangiti ako doon dahil sobrang ganda nila't makukulay pa. Mukhang hindi pa nadidiligan kaya't kinuha ko ang sprinkler at kumuha ng tubig.

'Lalalalalala' Kanta ko sa isip ko't nag-hum na lamang habang nilalagyan ng tubig ang mga halaman. Nakakatuwa, masarap tignan.

"Deb?" Isang tinig ng babae ang aking narinig at agad akong napatingin sa pinang-galingan nito.

"Oh! Ate Dianne! Bakit po kayo nandito?" Nabigla kong sabi't ibinaba ang sprinkler. Pumunta ako sa pinto't lumabas. "Good morning po." Bati ko.

"Good morning din." Nakangiti niyang bati sa 'kin. "Napadaan lang ako sa kaibigan ko dito, naglalakad ako upang maglibot tapos nakita kita. Ba't ka pala nandito?" Tanong naman niya.

"Ah ganun po ba? Eh kasi po, dito po ako pinag-stay ni tatay, mawawala daw kasi siya ng isang linggo't walang magbabantay sa 'kin." Sagot ko naman sa kaniya.

"Hmm, sino pala ang nakatira dito?" Bigla niyang tanong sa 'kin.

"Mga Sa-----"

"Deb!" Naputol ang pagsasalita ko ng biglang sumigaw si Brandon, ngumiti naman ako sa kanya't naglakad naman siya papalapit sa 'kin. "Sinong kausap mo?" Tanong niya.

"Nga pala! Brandon this is Ate Dianne." Pagpapakilala ko, kitang kita ko sa mata ni Brandon ang pagkagulat at paglunok nito ng ipakilala ko sa kany si Ate Dianne. Samantalang si Ate Dianne naman ay ngumiti ng bahagya sa kanya. "Ate dianne, this is Brandon. Sa kanila ako nagste-stay." Dagdag ko pa.

"It's nice to see you Brandon Sarrosa." sabi nito't ngunit may diin ang pangalan ni Brandon.

'Bakit alam niya ang last name nila Brandon?'

Ngumiti naman ng bahagya si Brandon at nakipag-hand shake kay Ate Dianne. "Dianne Venus." Sabi naman ni Brandon.

"Last name niyo po yung Venus?" Tanong ko.

"Oo." Sagot naman nito.

"Ang ganda. Middle name ko din ho yan e!" Sabi ko't ngumiti. Ang galing naman. Haha! Middle name ko ay Venus.

"I have to go." Nakangiti nitong saad.

"Sige po, ingat kayo." Nakangiti kong sabi.

Pagkatapos nun ay pumasok na kami sa loob, agad namang nagtanong si Brandon kung saan daw nakilala si Ate Dianne, sabi ko namang kapitbahay namin sila. 'Di ko alam ngunit bigla siyang umiling. Tinanong ko naman kung bakit ngunit hindi na siya sumagot. Sinabi niyang 'wag daw ako masyadong magtitiwala sa mga taong nasa paligid ko lalo na yung mga bago kong nakikilala. Siguro masyado lamang siyang nagiging protective syempre para na ring kaming magkapatid.

Umakyat naman ako para maligo dahil 7:00 na din, pagkatapos ay sinuot ko na ang Jersey ko't inayos ang bag ko na dadalhin. May text naman si Seven na nasa baba na daw siya.

Bumaba naman ako't hindi pa naliligo si Brandon, mukhang mamaya pa siya papasok. Nakasalubong ko naman si Liam at kakagising lang, ngumiti naman siya sa 'kin at binati ako. Ngumiti din naman ako't binati siya.

"Aalis kana? Hindi pa ligo si Brandon ah?" Tanong niya.

"Hindi naman si Brandon ang kasabay ko, si Seven. Nandyan nga siya sa labas e." sagot ko.

"Ganun ba? Oh sige, ingat ka ah? May ipa-palaro ako sayo mamayang gabi." Nakangiting saad nito, naglaro kasi kami ng Xbox kagabi, tuwang tuwa pa ko nun nung matalo ko siya pati si Brandon sa racing. Pinanood ko din silang maglaro dahil nagpupustahan pa talaga sila. Haha!

"Sige salamat. Alis na 'ko." Sagot ko't dumiretso kay Brandon. "Alis na 'ko Brandon, andyan na daw sa labas si Seven." Sabi ko sa kanya.

Bumuntong hininga naman siya't ngumiti ng bahagya. "Sige. Ingat ka ah?" Sabi nito.

Lumabas naman ako't kitang kita ko ang kotse niya't naka sandal siya dito.

"Good morning babe!" Nakangiting bati ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa'kin at agad akong niyakap, nagulat naman ako't napasandal na lang sa dibdib niya. Ngumiti ako ng matamis at niyakap din siya. Nakakakilig! Pag nakayakap siya'y pakiramdam ko'y ligtas ako't ramdam na ramdam ko na nandyan siya para sa 'kin.

"Na-miss kita." Sabi nito't mabilis na tumibok ang puso ko! Grabe naman 'to magpakilig! Nakakainis!

"Ako din." Sabi ko.

Pagkatapos nun ay umalis na kami at dumiretso ng school, nandoon na silang lahat kumpleto na't kaming dalawa na lang ang wala.

"Ang tagal niyo ah?" Reklamo ni Roxanne.

"Malayo yung bahay ni Brandon e. " Sagot ko.

"Bakit kanila Brandon?" Nagtataka niyang tanong.

"Dun ako nagste-stay." Sagot ko naman.

Ang dami nilang tinanong kung bakit daw nagstay sa kanila at marami pang iba. Si seven naman ay dumiretso kanila Kyle at nag-usap din sila, sabi nila'y Rocketeer University ang kalaban namin akala ko'y joke lang ang pangalan ng school na yun pero totoo naman pala. Isa lang daw ang laro namin at mamayang 2pm pa daw. Isa lang daw ang kalaban namin dahil yun na lang naman daw ang natitira.

Best of 3 games daw, napanalo na namin lahat ng first game maliban na lang para mamaya sa Rocketeer University. Nalaman na din nila ang schedule para bukas pero pending pa 'yon. Depende na lamang kung magbago ang standings at matalo kami.

Inaasahan na ang Championship ay magaganap sa Linggo, ito na din ang awarding para sa mga nanalo na schools at teams. Sa monday ay may pasok agad kaya nakakawalang gana din dahil kinakailangan ko na namang gumising ng napakaaga.

Nakausap ko na din si Seven at ang kalaban na lamang nila ay ang Walters University. Wala din silang talo, may 2nd game pa kaya hindi pa sila ganun ka kampante.

Nag-stay muna kami dun sa mga rooms dahil matagal pa naman ang game, ibang schools pa ang naglalaban kaya gusto pa naming magpahinga.

Naupo kaming dalawa ni seven dun sa lapag sa gilid at tinignan ko muna ang cellphone ko, nilagyan niya ako ng earphones sa tenga at agad naman akong napatingin sa kanya.

"Ano 'to?" Tanong ko naman.

"Pakinggan mo, dedicated sayo yan. Kaninang umaga ko lang ginawa." Sagot naman niya, agad akong napangiti at pakiramdam ko'y namula ako doon dahil ginawa niya yun kaninang umaga! Hihi!

Gusto kong tumalon at magsisigaw sa sobrang kilig kaya ngumiti na lamang ako.

Inilagay ko naman sa kabilang tenga ko iyon dahil mahaba naman 'to. Naghanap naman ata siya ng kanta dahil nagsco-scroll pa siya sa kaniyang cellphone.

Agad namang itong tumunog at instrumental lamang sa una't gitara lamang ito hanggang sa may kumanta.

Gusto kita. Sa puso ko'y ikaw lang ang mahalaga,
Pilitin mang limutin ka ay 'di ko magagawa,
Parang alipin mo ang isip at damdamin ko,
Gusto kita. Pagka't ang kilos mo'y sadyang ibang-iba,
Mahinhin at malambimg pa katangian 'di mo sadya,
Pagibig kong ito'y hindi na magbabago pa..

Isang ngiti ang pumorma sa'king mga labi habang ito'y aking pinapakinggan, ang ganda ng boses niya'y swabeng pakinggan. Malamig at nakakakilig. Ang akala ko'y ayaw niyang kumakanta kaya hindi siya kumakanta. Bawat liriko, tunog at tono ay tumatagos sa 'king puso.

Kahit sabihin na mali ako,
Alipin mo o bihag mo,
Ako'y iyong iyo.
Kung pag-ibig lang ang paguusapan,
Di ko na ililihim pa ang damdamin ko sayo,
Sa akin ay gusto kita.

Kahit sabihin na mali ako,
Alipin mo o bihag mo,
Ako'y iyong iyo.
Kung pag-ibig lang ang paguusapan,
Di ko na ililihim pa ang damdamin ko sayo,
Sa akin ay gusto kita...

Kinikilig ako sa bawat liriko ng kanta, ang ganda, sinasabi niyang gusto niya ako at mabilis na tumibok ang puso ko, I feel some butterflies on my stomach, I can't say anything, maganda ang boses, maganda yung kanta, yung message ramdam na ramdam ko at nakakatuwang isipin na nagrecord pa siya kaninang umaga para dito.

Gusto kita. Pagka't ang kilos mo'y sadyang ibang-iba,
Mahinhin at malambimg pa katangian 'di mo sadya,
Pagibig kong ito'y hindi na magbabago pa..

Nang tumagal ay nasusundan ko na rin 'yon. Dahil paulit-ulit lamang ito.

Kahit sabihin na mali ako,
Alipin mo o bihag mo,
Ako'y iyong iyo.
Kung pag-ibig lang ang pagu-usapan,
Di ko na ililihim pa ang damdamin ko sayo,
Sa akin ay gusto kita...

Kahit sabihin na mali ako,
Alipin mo o bihag mo,
Ako'y iyong iyo.
Kung pag-ibig lang ang paguusapan,
Di ko na ililihim pa ang damdamin ko sayo,
Sa akin ay gusto kita...

Gusto kita..

Gusto kita..

At sumunod nun ay instrumentals na, strum nang gitara at natapos na ang kanta.

Tinanggal naman niya ng earphone sa tenga ko't nagsalita. "Nagustuhan mo ba babe?" Nakangiting tanong niya.

"Oo. Sobra." Nakangiti ko ding sabi.

"Halata nga e. Sobrang pula mo pa." Pang-aasar niya. Napahawak naman ako sa mukha ko't napatingin sa isang salamin na nalagay sa gilid at sobrang pula ko nga!

"Ayaw pang maniwala e. See?" Sabi niya't tumawa pa.

"Thank you." Sabi ko.

"You're always welcome my princess." Sabi niya. "Namumula ka na naman."

Inirapan ko naman siya't umayos na lamang ng upo.

Sinabi kong i-send niya sa 'kin yung kanta't papakinggan ko, sinend naman niya't sinalpak ko ang earphones sa tenga ko't pumikit. Paniguradong makakatulog ako nito.

"Sandal." Sabi niya't ti-nap ang kanyang balikat.

"Okay lang sayo? Baka mangalay ka?" Tanong ko.

"Hindi, basta para sayo." Sabi niya't ngumiti. Isinandal ko naman ulo ko't naramdaman ko ang pag-galaw ng kamay niya, umakbay siya sa 'kin at tinatapik ang aking balikat.

~~

Pagkagising ko'y ganun pa din ang posisyon namin nakasandal pa din ako sa kanya. Ngunit pagkatingin ko sa paligid ay wala lang tao at kami lamang ang nandito. Napatingin naman ako sa kanya't kitang kita ko ang mahimbing niyang pagtulog at nakasalampak pa sa kanyang tenga ang earphones, pinagmasdan ko ang kanyang mukha, makinis na mukha na kapag nakikita mo'y akala mo'y nakakita ka ng artista, Malambot na buhok na akala mo'y babae, malilit na mga mata na kapag nakangiti'y naniningkit at wala ka nang makikita, ang matangos niyang ilong na kahit saang anggulo mo tignan ang gwapo pa din, maganda ang lips niya at mapula pula ito, napangiti na lamang ako dahil sa katotohanang magkasama kami ng lalaking ito't masaya kami.

"Staring is rude babe." Bigla niyang sabi at iminulat ang kanyang mata, nanlaki naman ang mata ko, ibig sabihin alam niyang kanina pa ako nakatingin sa kanya? What the!

"Che!" Sabi ko't tumayo na. Narinig ko namang ang pagtawa niya ng bahagya habang nakatingin sa 'kin.

"Okay lang yun babe, basta ako lang tititigan mo ng ganun eh okay lang sa 'kin." Nakakalokong sabi niya't ngumiti pa. Nginiwian ko naman siya't inayos ang sarili ko.

Nakaramdam naman ako ng gutom dahil kumukulo ito, grabe naman ang dami na nang pinakain ni Brandon sa 'kin kanina e di pa rin ako nabusog! Napatingin naman ako sa orasan at alas onse na pala! Grabe, ang tagal naman naming tulog! Sabagay, anong oras na din naman ako natulog kagabi. Pero parang may gusto akong kainin.. Ayun! Kwek kwek!

"Babe, gutom kana?" Tanong niya sa 'kin.

"Slight lang, ikaw?"

"Slight lang din, tara kain tayo. Mamayang 2 pa naman ang game niyo diba?" Sahi niya't agad na hinawakan ang kama'y ko papalabas ng room. Hindi kami gumamit ng kotse't naglakad kami papunta sa mcdo.

"Hey, gusto mo ba dito?" Sabi niya, sa totoo lang gusto ko talagang kumain ng  street foods. Naalala kong may isang lugar dito na nadaanan namin e. Buti na lamang at naalala ko pa 'yon.

"Ayos lang pero may gusto akong kainin e. I'm sure magugustuhan mo dun. Swear." Sabi ko't hinila siya papalabas at naglakad kami papunta doon sa tindahan ng kwek kwek at iba pang street foods.

"Nandito na tayo!" Nakangiti kong sabi sa kanya, agad namang kumunot ang noo niya't parang nagtaka kung anong pagkain 'yon.

"Ano 'to babe?" Tanong niya.

"Itong nakikita mo, kwek kwek yan, yung isa isaw, galing sa bituka ng manok. Kalamares naman ang isang yan, fried siomai naman yan, yun naman dugo ng baboy, ulo ng manok, at marami pang iba." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Masarap?" Tanong niya.

"Oo naman! My treat! Sige na kumuha ka na ng kwek kwek!" galak kong sabi at kinuhaan siya ng lalagyanan ng malalaking kwek kwek. "Magkano ho ang isa?" Tanong ko sa ale na nagbebenta.

"Sampung piso ang isa iha." Sabi nito't kumuha na ako ng dalawa para sa 'min ni Seven.

"Itlog yung loob niyan, try mo. Masarap, tapos lagyan mo nung matamis." Agad naman niya akong sinunod at kumuha sa matamis na sasawan.

"Ahh." Sabi ko't napatingin pa siya sa kin atdaka ngumiti, napansin ko ang pamumula ng tenga niya'y napangiti ako dun. Sinubuan ko siya ng konting piraso mula sa lalagyanan ko. Nginuya naman niya ito't tinignan ko ang mukha niya. "Ano masarap diba?" Tanong ko.

"Oo nga! Masarap!" Ngiting sabi nito. At kitang kita ko sa kanyang mata ang sarap ng malasahan niya ito. Kumuha siya at kumain siya ng kumain.

Tuwang tuwa naman akong panoorin siya na kumain nun dahil sa palagay ko ito lamang ang kauna-unahan niyang kumain ng kwek kwek. Naka-lima na ata siya't ako'y nakadalawa naman.

"Iho, hinay-hinay ka naman." Natatawang salaysay ng nagbebenta, ngumiti naman si Seven at kumain na lamang.

"Dalawang juice nga po." Sabi ko naman kay ate at kumuha naman siya doon sa jar at inilagay sa plastic cup. 

"Okay na?" Sabi ko kay Seven.

"Oo, ang sarap nga eh." Sagot naman nito. "Ate, kukuha po ko ng sampung piraso." Sabi nito sa babae't nagbalot naman ang babae ng sampung malalaki na kwek kwek, pagkatapos ay inabot ang isang plastic, at binayaran naman ito ni Seven.

Binayaran ko naman ang kinain namin kanina at lumipat naman kami sa isaw.

"Eto naman gawa sa bituka ng manok, masarap din yan." Sabi ko't kumuha kami ng tag-isa, mukhang nasarapan naman siya't sunod sunod na kumain. Ngunit siya na ang nagbayad dahil nakakahiya naman daw na ako pa ang gumagastos.

Pagkatapos ay nagkalamares naman kami hanggang sa mabusog na kami, bumili rin siya ng maraming ganun dahil gusto din niyang ipatikim kanila James.

Bumalik na kami at nakita ko namang nandun sila, busog na busog na kami sa kinain namin, buti na lamang at medyo matagal tagal pa ang aming laro.

"Oh? Saan kayo galing?" Tanong ni James.

"Kumain." Sabay naming sabi ni Seven.

"Eto oh, binilhan ko kayo. Masarap yan, kahit kanina lang ako nakatikim, I'm sure na 'di pa kayo nakakatikim niyan." Sabi ni Seven at inilagay sa lamesa ang pagkain.

"Ano 'to?" Tanong ni Kyle.

"Kwek-kwek, isaw, kalamares at fried siomai." Sagot naman ni seven.

Saktong kakarating naman nila Roxanne kasama sila Chard at nakangiti siyang makita ng pagkain na dala namin, kumain sila't nasarapan din sila sa pagkain na yun. Pare parehas naman sila ng sinabing ito ang unang beses nilang nakatikim ng ganun.

Nagkwentuhan kami at inasar sila Myca at Chard, nanliligaw na daw si Chard kay Myca sabi nila. Ganun pa din naman sila't naga-asaran pa din ngunit makikita mo talaga ang kinang sa mata nilang dalawa. Lumipas ang ilang oras ay dumating na ang oras para sa laro namin. Ginoodluck naman kami ng mga boys at naiwan sila Myca roon, sasabay na lamang daw siya sa pagbaba para mapanood kami, tapos na daw kasi ang game nila, nanalo daw sila laban sa calders. Wala din daw silang talo kaya may tyansang makasama kami sa championship dahil wala pa naman kaming talo. Magiging abala din kami dahil nagpre-prepare na din sa championship..

'Good luck sa 'min.'

SOMEONE'S POV

Magandang umaga ang sumalubong sa'kin at nakita ko siya muli kanina. Hindi ko man inaasahan na nandoon siya, pero nagagalak akong masilayan siyang muli.

Bukas ay pupunta ako ng Pampanga upang makipagkita sa kaniya, hindi ko na mataim na makita lamang siya, gusto ko na siyang yakapin, haplusin ang kanyang mukha, alagaan at hagkan.

Hindi niya ako inaasahan na bumalik, sa totoo lang ay galit na galit siya ng makita ako sinabihan niya ako ng masasakit na salita ngunit hindi ko hinayaan ang sarili kong umiyak sa harap niya. Kailangan kong maging matatag, kailangan kong ipakitang malakas ako sa kanya.

Ayaw niya man o gustuhin niya ay magpapakilala ako sa kaniya. Nagmakaawa ako't nag-usap kami ng maayos at susunod ako sa kanya.

Mahal na mahal ko siya, hindi ko ginustong ipakasal sa taong hindi ko gusto, ngunit wala akong choice kung 'di sumunod sa 'king mga magulang kaya ako'y nagpakasal.

Matagal na kaming nag-iibigan, high school pa lang kami, nagkahiwalay kami nun at nakilala ko si Victor ang naging asawa ko.

Nabuntis ako at nagkaroon ng anak, kinasal kami. Hindi ko siya kayang mahalin dahil ang totoong mahal ko'y siya at hindi si Victor, pagkalipas ng ilang buwan ay nagkita kaming muli, nagkaroon kami ng relasyon ngunit lingid sa kaalam niya na may asawa ako. Ang alam niya lamang ay nag-aral ako't walang asawa't anak.

Hindi ko kayang sabihin na may asawa na ako, alam kong kasalanan 'yon sa diyos at kasalanan ko rin 'yon sa kanya ngunit gagawin ko ang lahat upang matanggap ako ng taong mahal ko.

May nangyari sa 'min hanggang sa nalaman kong buntis ako, sinabi kong mag-aabroad ako sa aking tunay na asawa ngunit ang totoo'y titira kami ng aking karelasyon sa iisang bahay, tuwang tuwa pa nga ako at pati siya ng malamang ako'y nagdadalang tao.

Pumayag naman siya't sinabi niya na siya ang magbabantay sa aming anak, nagpapadala ako kada buwan ngunit nanggagaling 'yon sa aking naipong pera, kada buwan ay nagpapadala ako ng 15k buti na lamang ay hindi niya alam na ako'y may itinatagong pera kaya nakakapagpadala ako.

Lumipas ang ilang buwan at nailuwal ko na ang anak amin, bumalik ako sa aming bahay kung saan nandoon ang aking asawa, nang panahong iyon ay isa't kahalating taon na ang anak namin, sa pagdaan ng araw ay ramdam ko ang pagtataka ni Victor. Isang gabi'y pinagbantaan niya ako na papatayin niya ang aking kabit kapag hindi ko ito hiniwalayan, takot akong mamatay siya dahil may anak kami noon at baka madamay ito.

Mahal ko siya ngunit hindi ko gugustuhing mamatay siya ng maaga, nabuntis ako't nalaman ng tunay kong asawa ko ang katotohanan, lahat lahat. Sinaktan niya ako nun, minaltrato, sinabihan ng masasakit na salita at king ano ano pa. Sinabi niya na kapag nakipaghiwalay ako sa aking kabit ay pagkakatiwalaan niya muli ako't mamahalin muli. At kung hindi ay papatayin niya ang kabit ko't pati ang anak ko.

Mas gugustuhin kong ako ang magsakripisyo para sa lalaking mahal ko at para sa aming anak kaya't nagsinungaling ako sa kanya.

Alam kong hindi niya ko mapapatawad dahil sa aking dahilan ngunit para ito sa kanya at sa aming anak.

Pinilit kong mabuhay na hindi sila nasisilayan dahil hindi na din ako pinapalabas ng bahay ni Victor, hindi niya na din ako mahal hindi gaya noon. Ngunit nabuo muli iyon ng tumagal ang panahon.

Nabalitaan ko na lamang na siya'y may asawa na, siguro'y malaki ang galit sa puso niya, alam kong may kasalanan din ako, alam kong kasalanan ko 'yon dahil nagsinungaling ako, ngunit anong gagawin ko? Hindi ko pwedeng isusugal ang isang inosenteng bata para lamang sa pagmamahalan namin ng kanyang magulang.

Namatay ng aking asawa't nalungkot ako noon, dahil minahal niya ako ngunit hindi ko kayang suklian ang binibigay niyang pagmamahal.

Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha sa aking mga mata, hindi 'yon tumitigil hanggang sa mapagod na 'ko. Tuwing naaalala ko iyon ay gusto kong saktan ng sarili ko dahil sa ginawa ko. Ngunit nangyari na at wala na 'kong magagawa pa.

Ilang beses ko 'yong tinatanggal sa aking isipan ngunit naging parte na ito ng aking nakaraan, halos araw-araw ay iniisip ko ko kung kamusta na ba sila, kung mapapatawad pa nila ako..

At alam kong may kasalanan pa 'ko sa kanila, 'yon ang pinagsisihan ko sa lahat ng mga katangahng nagwa ko, desperada ako ng panahong 'yon kayahindi ko na alam ang ginagawa ko at kung ano pa ang dapat kong gawin.

'Mahal ko kayong dalawa, gagawin ko ang lahat matawad niyo lamang ako.'

TO BE CONTINUED..

HERE'S THE UPDATE!  ^___^v

Chapter 33: School Tournament

Sorry kung natagalan ang pag-update, exam kasi namin last week. I hope you understand! :')

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! :* ^___^v

Hindi man mabasa ni ito Pope Francis ay gustong sabihin na welcome po sa pilipinas sana maging masaya po kayo sa pagstay dito! :*

THANK YOU VERY MUCH! :* ^___^v

-Theinnocentskater

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro