Chapter 34: School Tournament

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SEVEN'S POV

Natapos ang laro nila Debbie at sa 'min. Sila'y laban sa Rocketeerians at kami nama'y laban sa Walterians ang laki ng ngiti niya ng manalo sila, lahat naman sila ngunit ang ngiti ni Deb syempre ang pinaka-nagustuhan ko. Malapit-lapit na din pala ang championship. Matatapos na din sa wakas.

Natatawa pa nga kami nila Kyle dahil sa cheer ng mga girls, parang nasanay na din sila kaya mas ginanahan kaming maglaro. Haha!

Ngayo'y manonood kami ng game nila Chard, ito pa lang ang unang beses naming makakanood dahil laging magkakatugma ang schedule namin kaya wala kaming chance na panoorin sila. Kaya ngayon ito pa lang ang unang beses namin silang mapapanood.

"Babe. Tara na puntahan natin sila Chard. Nagtext sa 'kin magsisimula na daw sila e." Tawag ko sa kanya

"Oh sige. Tara na." Sabi niya't kinuha ang bag niya, hinawakan ko naman ang kamay niya at pumunta na kami sa Kiosk. Naka-reserve talaga 'to para sa mga table tennis players.

Kaninang umaga'y Calders daw ang kalaban nila, ito na daw ang huling game nila ngayong araw at bukas na ang second game pero hindi pa nila alam ang schedule.

Xaver University ang kalaban nila, boys division muna ang nauna at susunod naman ang girls division.

"GO CHARD! WOOOH!" Sigaw ni Debbie ng magsimula ang laban, kay chard walang sabi sabi sumisigaw pero pagdating sa 'kin hirap na hirap tsk!

Nagpatuloy na lang kami sa panonood at maraming sigawan ang naririnig ko, nagsisigawan kadalasan ay yung may crush kay Chard, halata naman sa kanila may pa pompom pompoms pa. Kung titignan mo si Myca umiikot ikot pa ang mata dahil sa mga nagche-cheer kay Chard.

Mukhang magiging mabilis lamang 'to dahil malakas ang pagpalo ng bola ni Chard na kapag pupunta na sa side ng kalaban ay hindi na niya 'to natitira.

Habang tutok kami sa panonood ng laban ay may pumasok bigla sa gate at si Brandon 'yon mukhang naghahanap siya ng pwedeng maupuan. Biglang huminto ang ulo niya sa tapat namin atsaka ngumiti at naglakad papunta sa 'min.

'Eh?! Saan balak neto umupo?!'

Naglakad siya at huminto siya sa harap ni Deb, napatingin naman sa kanya si Deb at miski ako, nakakunot ang noo ko sa kanya ngunit hindi niya ako tinitignan. Napatingin naman siya sa kamay namin at doon ko lang rin namalayan na hanggang ngayon ay magkahawak kamay pa rin kami. Mas hinigpitan ko naman ang paghawak sa kamay ni Deb at nagkunware akong nanonood.

'Ma-inggit ka diyan! Tch!'

"Pwedeng umupo dito?" Tanong niya kay Debbie, dun ko lang namalayan na may upuan pala sa tabi nito! Ba't ngayon ko lang napansin?

"Pwede naman wala namang nakaupo diyan e. Umupo kana." Sagot naman ni Deb, ngumiti naman 'to saka umupo.

"Sino na lamang?" Tanong ni Brandon, naa-alibadbaran ako sa lalaking 'to! Nakakainis!

"Sila Chard, malapit na nga matapos eh. Late kana." Sagot naman sa kanya ni Deb.

Nakaka-op naman sa dalawang 'to, hindi man tumitingin si Deb sa kanya pero si Brandon naman titig na titig sa kanya. Hindi ako makapag-react dahil alangan namang gumawa ako ng eskandalo dito. Tch!

"Ang galing pa din ni Chard ah. Nga pala Frey, tumawag ang dad mo. Umuwi ka daw ng maaga." Biglang sabi ni Brandon na agad na nagpatanggal ng konsentrasyon namin sa panonood maski si Deb ay napatigil rin sa panonood at tumingin sa kanya. At anong Frey?! Tch!

"Bakit daw? Kasama ko naman si Seven eh." Sagot ni Deb, parang may kung ano sa kanya na nagtataka siya. Kung sabagay, ito ang unang beses na tumawag ang dad ni Deb para pauwiin siya ng maaga.

"Sabi ni tito eh. Ewan ko kung bakit." Patay malisyang sabi ni Brandon. Agad namang kumunot lalo ang noo ko dahil mukha siyang nagsisinungaling.

"Ganun ba? Sige ako na bahala." Sagot naman ni Deb at dun lang namin namalayan na tapos na pala ang laro't girls division na ang susunod.

Mukhang may tumawag kay Brandon kaya napalabas siya sa Kiosk dahil maingay sa loob. Agad namang ibinaling ni Deb ang tingin sa 'kin at tumingin sa 'kin ng kakaiba.

Lumapit siya't inilagay niya ang dalawang daliri niya sa magkabilang kilay ko't pinaghihiwalay 'yon miski ang noo ko'y ginaganun niya rin may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko't bawat galaw ng daliri niya'y kinikilabutan ako sa 'di malamang dahilan.

"Ang panget mo kapag magkasalubong ang kilay mo't nakakunot ang noo mo. Don't worry mahaba naman ang oras. Mga 6 ihatid mo na lang ako kanila Brandon." Sabi niya't ngumiti sa 'kin gumaan naman ang pakiramdam ko. Napangiti na lang din ako't tinanggal niya ang magkabilang daliri niya't nagkatitigan kami.

Nanatiling ganun ang posisyon namin at parang hini-hypnotize ng mga mata niya ang mata ko, bumagal ang pintig ng puso ko at parang nawala ng tao sa paligid ko. Hindi ako makapag-react o makagalaw man lang sa harap niya, maski siya'y nakatingin lang din sa 'kin

"EHEM." Biglang parinig ni Brandon sa 'min at umupo sa tabi ni Deb.

'Tch! Panira ng moment.'

Panalo ang schidmt laban sa Xavier. Ngayon naman sa girl division ay laban naman sa Cavaliers. Hindi na inulit ng MC ang faults dahil nagsimula na agad ang laban.

Nagiging agresibo maglaro si Myca't nakakunot ang noo, miski ang kalaban niya'y ganun rin. Anong meron sa kanila at ganun sila maglaro?

"Babe." Tawag sa 'kin ni Deb at napatingin ako sa kanya. "Napansin mo maglaro si Myca?"

"Oo babe. May mali e. 'Di naman sila magkaaway ni Chard kanina eh. Kaya mukhang hindi naman si Chard ang dahilan." Sagot ko.

"Weird. Kahit na ito pa lang ang unang beses kong manonood ng labanan sa table tennis ay alam ko namang maglaro niyan, hindi ka ganyan dapat ka agresibo maglaro." Kumento niya sa paglalaro ni Myca. Nanonood din ako sa mga dating tournament. Napanood ko na din siyang maglaro pero hindi naman siya ganyan. Dati nga eh, chill lang siya maglaro kaya lagi siya ang kinukuha sa girls division.

"Mabilis siyang mauubusan ng energy diyan, ang lakas pa naman niyang tumira. Ano kayang nangyari?" Saad ni Deb habang tutok na tutok na nanonood.

MYCA'S POV

Bwiset! Bwiset! Ito pa lang babaeng ang daming foundation na hindi naman pantay hanggang leeg ang kalaban ko! Gusto ko nang matapos ang laro na 'to at matalo siya! Tch!

Chill lang sana akong naglalaro dapat ngayon pero kanina narinig ko siya habang papunta ako ng canteen para bumili ng inumin namin bago magsimula ang game nila Deb.

*FLASHBACK!*

Papunta ako ng canteen, pabili na sana ako ng biglang nagsalita ang dalawang babae sa likod ko ngunit nakaupo naman sila't sadyang malakas lang talaga magchismisan.

"Girl! Alam mo ba, may nalaman ako dun sa ka-MU ni Steven?" Sabi ng isang babae mukhang siya'y nasa kanan ko dahil dun nagmula ang boses niya.

Itinuro ko na lang sa tindera yung bibilhin ko't agad naman niya 'tong kinuha at ininom at nagkunwareng bumibili pa.

"Ano naman yan? Wag ka nang umasa girl! May ka-MU siya! Mukha ngang seryoso siya dun e." Sagot naman nung isang babae.

"Tss. If you only know, mahirap yung babae! Such kadirdir. Gold digger yun!" Sabi nung babae at agad na nagpanting ang tenga ko. Sino sila para sabihin yun?! Mga mapanghusga! Di kasi nila kilala si Deb!

"Oh? Paano mo naman nasabi yan girl?"

"Kasi kanina, naglalakad ako papuntang mcdo, then nakita ko sila, lumabas sila kaya sinundan ko sila at alam mo ba pinakain niya si Steven ng street foods?! Such a poor!"

"Ew. Kadiri nga, buti nasisikmura sumama ni Seven sa babaeng yun?"

"Sobra, tapos mukhang pinabili pa niya ng marami si Seven. Kadiri talaga! Ibibigay pa daw kanila James!"

"Yak! Eh puno ng germs yun e! Kadiri naman!"

"Sobra! Tapos alam mo ba girl na yung bahay nila maliit lang! Like duh! Nakita ko sa Undersite! Kadiri! Mahirap talaga! Siguro inakit niya si Seven at naawa naman si Seven sa kanya!" Sabi nung babae, nagpigil naman ako ng inis dahil baka makagawa ako ng eskandalo dito sa loob ng canteen. Ang lakas naman ng loob nilang sabihin yun! Eh sila nga wala sa kalingkingan ni Deb e! Ang papangit pa!

"Ay girl! Alam mo ba may nabalitaan din ako sa crush mong si Richard Smith!" Sabi nung babae, at napatingin na 'ko sa kanila ngunit mukhang hindi nila ako napansin!

"Ano yun? Omg! Don't tell me may girlfriend na siya? Waah! I'm gonna die!" Ang landi naman ng babaeng to! Nililigawan niya ko excuse me!

"Di pa niya girlfriend pero nililigawan na daw niya!" Sabi nung babae. Saan naman niya kaya nalalaman yan? Napaka-tsismosa!

"Maganda ba?! Mas maganda sa 'kin?!"

"Gaga! Mas maganda ka dun girl! Tapos alam mo ba? Nalaman kong dati daw ay nagpapapansin daw yun kaya etong si Richard ay laging kasama nun ewan! Baka niloloko lang nung girl!"

"Kilala mo ba siya?! Tch! For sure yaman lang gusto nun!" Sagot nung babae na agad na nagpanting lalo ng tenga ko! What the hell!

"Oo girl ang pangalan niya nga e My-----"

"Myca Mich Mendez." Pagpapakilala ko sa sarili ko. Anong akala niya sa 'kin?! Hindi lalaban?! Shame her!

"Girl! Siya yun!" Sabi nung babae at dinuro pa 'ko! Ang kapal ah! Nakaka-bwisit talaga!

"Ow. Tch! Di ka naman pala maganda! Tsh!" Panglalait nito sa 'kin! Ang kapal talaga! Sasabog na 'ko dito!

"Ano ka pa? Kung 'di ako maganda. Ikaw sukdulan ng panget!" Sabi ko! Aba! 'Wag kayong matapang-tapang sa harap ko!

"What the! How dare you to call me ugly! Bakit ka kaya niya liligawan? Psh. Ano namang makikita niya sayo?"

"Kahit 'di ako ganun ka-ganda ako ang niligawan. Hindi ikaw. Tch. Papansin." Sabi ko't umalis sa harap niya't dumiretso sa court para manood na ulit ng game.

*END OF FLASHBACK!*

Nakaka-badtrip diba? Kaya nunng nalaman kong kalaban ko pala siya aba! Gusto kong ipalo sa kanya 'tong panira eh! Palitan ng mga tira ang namagitan sa 'ming dalawa. Pati nga committee ay nakikisigaw na din dahil sa malalakas na palo ng bola.

'Isang maling tira mo lang, isa lang talaga!'

Agad siyang hindi nakagawa ng isang magandang galaw dahilan para magawa ko ang plano kong hindi niya matira pabalik sa 'kin ang bola. At gaya ng ng inaasahan ay.. PUNTOS PARA SA 'KIN!

Kanina pa 'ko naiilang pero nawawala na rin ang nadarama kong 'yon. Tinignan ko si Chard at agad niyang ipinakita ang magandang ngiti niya sa 'kin. Parang nawawala lahat ng inis na nararamdaman ko sa babaeng yun!

Bumulong siya ngunit hindi ko man 'yon marinig ay naintindihan ko 'yon.. "Easy. Galingan mo. I love you."

Napangiti ako't sumagot ng "I love you too." at kumindat! Aba! Ang cute ko kaya mag-wink! Hindi nagbago ang mukha niya't parang nagulat pa sa ginawa ko.

Tumingin naman na ko dun sa kalaban ko at kita ko ang bakas ng inis sa nakita niya. Mainggit siya! Akin lang si Chard! Nginisian ko siya't inirapan. Mamatay siya sa inggit!

-

Natapos ang laban namin at syempre dahil inis siya sa 'kin ay inirapan niya lang ako pagkatapos! Tch! Makikipag-handshake pa naman ako dahil ganito talaga pagkatapos ng laban pero agad siyang tumalikod! Tch! Di matanggap ang pagkatalo! Edi it means PANALO KAMI!

Agad akong nilapitan ni Chard at ginulo ang buhok, ang cute cute niya. Napapatingala nga ako masyado dahil mas matangkad siya sa 'kin. Naniningkit pa yung mata niya kapag ngumingiti siya. Ang gwapo! Ang swerte mo Myca, nanliligaw pa lang yan! Paano pag naging kayo na? Tsk! Haha!

"Congratulations. Panalo ka na naman." Nakangiting sabi niya sa 'kin.

"Salamat, ikaw din naman nanalo kanina eh." Sagot ko naman sa kanya, nakita naman naming papalapit sila Seven pero hindi sila agad makagalaw dahil sa mga estudyanteng lumalabas.

"Ba't ganun ka maglaro nung una? Pati yung babae iniirapan ka." Tanong niya. Kung alam mo lang pinagdadamot kita sa iba!

"Eh kasi! Ang landi ng babaeng yun! May gusto daw sayo!" Sabi ko't umirap pa sa kanya, tumawa naman siya ng bahagya sa 'di malamang dahilan. "Anong nakakatawa dun?! Tch! Palibhasa ka----"

"Natutuwa lang ako, kasi nagseselos ka. Ang cute mo kaya, namumula kapa. Nakaka-akit masyado." Sabi niya't pakiramdan ko'y uminit ang pisngi ko! Ano bang pinagsasabi niya! Kinakabahan ako! Anong nakaka-akit?! MABABALIW NA 'KO!

"A-anong p-pinagsasabi mo diyan?" Pa-utal kong tanong. Kaloka!

"Hindi ko nga sila pinapansin tapos ikaw todo pansin sa kanila?" Sabi nito at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinaplos ito. Hindi ako makahinga, parang tumigil sa pagtibok ang puso ko, parang siya lang ang nakikita ko, wala akong masabi, hindi ako makapagsalita. "Lagi mong tatandaan na ikaw at ako lang. Walang sino mang hahadlang. Kahit na ilang milyong babae pa ang makita ko, kahit na sa paningin ng iba napaka-ganda na nila. Ikaw pa din ang pinaka-maganda para sa 'kin. Ikaw pa din ang mamahalin ko at ikaw--- ikaw ang pipiliin ko." Malambing niyang sabi at ngumiti ng matamis! Ganun pa din ang posisyon ko, at wala pa din akong galaw na malikha. Ang sarap marinig sa kanya yun, na kahit hindi pa kami'y alam kong mahal niya na 'ko. Hindi ko mawari at parang may 'di maipaliwanag sa aking tiyan. Nakakakilig! Sobra!

"Hoy, Mich!" Tawag niya sa 'kin! Dun lang ako bumalik sa reyalidad at umiwas ng tingin! Malamang sobrang pula ko na! Ba't ba kasi ang sweet niya?! Hindi ko na kaya 'to! "Kinikilig ka na naman, okay lang yan. Atleast sa akin naman. Hindi sa ibang lalaki." Dagdag pa neto kaya napaharap ako sa kanya.

"Bago yun ah? Mich?" sabi ko, ito kasi ang unang beses na tinawag niya ako sa Second name ko. Ang sarap pakinggan! Hihi! Ano ba yan! Mukha na 'kong ewan dito!

"Ayaw mo? Ang cute kaya nung pangalan mong yun, parang ikaw." Sabi pa neto! Ano bang nakain niya?! Ba't ang dami niyang pinagsasabi na 'di ko inaasahan?! Nakakakilig lahat! Ang sweet niya sobra!

"He!" Sita ko sa kanya. "Alam ko na! Mich sa 'kin diba? Edi.. Rich sayo! Oh diba? Ang talino ko talaga!" Pagpupuri ko sa sarili ko! Ang cute kaya, Mich-Rich. Hihi! Makagawa nga nun mamaya sa phone. Gagawin kong wallpaper!

"Grabe, ang brilliant nga ng utak mo. Sabagay, cute din naman." Pagsang-ayon pa niya.

"Ehem! Ehem! Nandito kami! Ehem!" Tawag atensyon sa 'min nila Gab at dun lang namin napansin na kanina pa sila nakatayo dun.

"Ay. Sorry." Sabi ko't nag-peace sign pa.

"Ang cute ng endearment niyo ah! Pangalan niyo pa talaga. Haha! Rich-Mich!" Sabi ni Anne.

"Parang kami lang ni James! Hihi! Kaso kami naman Jamy-Roxy ang endearment." Sabi naman ni Roxanne. Oo nga, matagal ko nang naririnig yan. Nagulat pa nga kami ng magtawagan silang ganun.

Agad namang nagtinginan ang tatlong magpa-partner. Oo nga, sila lang ang walang endearment na gamit ang pangalan. Kakaiba kami! Si Kyle at Anne kasi ang tawagan ay 'Hon' Si Gab naman at si Natasha ay 'By' si Seven naman at Deb ay 'Babe'

"Oh guys! Mukhang lahat tayo walang talo, see you na lang bukas. Aalis kami ni Roxy eh! May importante daw na sasabihin." Pagpapaalam ni James, 'di naman siya nagmamadali no? Sabagay 'pag si Roxanne talaga ang usapan. Uunahin niya lagi kesa sa iba.

"Bye. Ingat!" Sabi naman namin. Pagod kaming lahat pero kapag kasama namin ang isa't isa nawawala lahat.

Naglakad-lakad muna kaming lahat, maraming nakatingin sa 'min syempre sino ba naman ang hindi eh tinitilian sila lahat ng mga kababaihan. Ang swerte ko nga, naging kaibigan ko sila eh. Sa kanila ko naranasan magkaroon ng totoong kaibigan.

Napagdesisyonan naming kumain dahil maaga pa naman, sayang at may lakad sila James. Tawanan at asaran ang namuo sa lamesa namin, masasaya kami sa mga nagiging resulta ng performances namin lahat kami wala pang talo. Nagkwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay at syempre kami ang pinpoint nilang lahat! Newly couple daw kami eh!

Nakakahiya sumagot syempre lahat sila nakatingin sayo pero napapalitan naman 'yon ng ngiti't tawanan ng bawat isa namin.

Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyonan na naming maghiwa-hiwalay. Simula nung umamin sa 'kin si  Chard ay hindi na 'ko nagdadala ng sasakyan gusto niya daw kasi na kasama ako pauwi at mahatid niya ako ng ligtas sa bahay namin.

Kahit na ganoon ay hindi niya nakakasalubong sila mom and dad, busy kasi sila this week, balak ko ngang ipakilala ba siya kay mom and dad e. Nagkakaroon na din sila kahit papano ng time sa 'kin. Napansin ko yun this past few days, lagi na silang tumatawag sa 'kin. Nagiging malapit na kami sa isa't isa.

Nabanggit ko na din naman siya sa kanila at mag-business partner din ang family namin kaya kilala na nila ang pamilya nila Rich. Pero hindi pa daw nila nakikita ang anak nito kaya gusto din daw nila makilala! Excited na 'ko!

"Mich." Tawag sa 'kin ni Rich habang nakatutok pa din sa daan at nagda-drive. "Ipapakilala kita kay mom and dad sa saturday." Sabi nia at hindi agad ako nakasagot! Iniisip ko lang kanina na ipapakilala ko siya! Tapos ako na ang ipapakilala niya?!

"S-sa sa-sabado agad?" Nautal ko pang sabi.

"Oo. Gusto ko makilala ka nila, ayaw mo ba?"

"Hindi! Nagulat lang ako, kasi kanina iniisip ko na ipapakilala kita sa magulang ko."

"Haha! Parehas naman pala tayo ng iniisip, kanina ko pa iniisip yan."

"Anong isusuot ko? Nakakahiya naman sa mama at papa mo. Mamaya 'di nila ako magustuhan."

"Just be your self okay? You don't need to act. I'm sure they will like you. Aura mo pa lang matutuwa na sila. Just wear something that you are comfortable."

"Okay. Sa susunod naman ipapakilala kita sa mom and dad ko."

"Kahit 'di mo pa sahihin, pupunta naman ako sa bahay niyo basta nandyan sila, humahanap lang ako ng tamang tyempo." Sabi niya't kahit na side view lamang ay ngumiti ito. "Nandito na tayo." Sabi niya, dun ko lang nakita na nandito na kami sa tapat ng bahay namin.

Pinagbuksan niya ko ng pinto at inilahad niya ang kamay niya na hinawakan ko naman. Ang gentleman niya, para na siyang perfect guy. For sure magugustuhan talaga siya ni mom and dad.

"Natapos na naman ang araw. Bukas na naman tayo ulit magkikita." Sabi niya't lumungkot ang mukha. "Tatawagan kita mamaya okay?" Dagdag nito't ngumiti pa.

"Mag-aantay ako." Sagot ko.

"Bye. I love you." Sabi niya't ngumiti ako sa kanya, kahit na sinabi na niya yan kanina kinikilig pa din ako.

"I love you too." Sagot ko. Hinalikan niya ko sa noo't naglakad papunta sa Driver's seat. "Ingat ka!" Sabi ko't winagayway pa ang kamay ko.

Ngumiti naman siya't sumakay na tsaka pinaandar ang sasakyan papalayo. Nang hindi ko na maaninag ang kanyang sasakyan ay pumasok na 'ko sa loob. Ilang araw na lang championship na. Dalawang araw na lang.

ROXANNE'S POV

Nang magpaalam na kami sa kanila'y agad kaming umalis. Pupunta kasi kami sa isang park ngayon, yung paborito naming puntahan kung saan kami madalas tumambay at mag-picnic. Nagsasawa na din kasi kaming pumunta kung saan-saan kaya dito na lang kami madalas pumunta. Hindi naman 'to ganun kalayo pero mapapagod ka kung lalakarin mo.

Habang nagda-drive siya'y hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanya, malapit nang matapos ang tournament namin sasagutin ko na siya! Hihi! Pero kailangan ko pang sabihin sa kanya yung tungkol kay Liam.

Nang mga nakaraang araw kasi'y nagiging malapit na sila sa isa't isa. Pansin ko yun dahil lagi kaming magkasama. Natanong na nga din niya kung meron na ba akong ex eh. 'Di ko naman masagot dahil nag-uusap kaming tatlo nila Liam nung mga oras na yun. Alangan namang sabihin ko na si Liam ang ex ko. Ang awkward para sa 'kin dahil ex ko si Liam at manliligaw ko si James ngayon! Tahimik nga lang ako sa harap nila nun eh. Umiinom lang ako para hindi mahalata na ayokong magsalita.

Ang hirap, hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Natatakot ako na baka sabihin niyang pinagmumukha ko siyang tanga, mamaya magalit siya sa 'kin kasi hindi ko sinabi sa kanya ng mas maaga. Natatakot ako na baka hindi maging maganda ang resulta ng pagsasabi ko sa kanya ng katotohanan at mas natatakot ako sa pwedeng mangyari sa 'ming dalawa at sa pagkakaibigan nila ni Liam..

Naalala ko pa ng tinanong niya ako ng magkasama kami sa bahay nila't nanonood ng Titanic nun! Umiiyak pa nga ako! Tinanong niya 'ko kung ano bang itsura at anong ugali ng ex ko. Nabalot ng kaba ang kalooban ko ng mga oras na yun! Pilit ko mang iwasan na malaman niya'y mukhang malalaman niya talaga.

Sinabi ko na lamang na matangkad siya't gwapo. Biniro pa niya 'ko nun na paano daw kapag binalikan daw ako ng ex ko? Ano daw ang gagawin ko? Sinagot ko naman na siya ng pipiliin ko, kasi siya ang mahal ko. Ngumiti na lang siya nun ng hindi tinatanong ang pangalan ng ex ko. Kinabahan pa 'ko na baka alam na niya't pinapaamin niya lang ako pero wala naman na siyang sinabi hanggang sa matapos namin ang pinapanood namin.

'Magagalit ka ba sa 'kin kung sasabihin kong si Liam ang ex ko? Na siya ang dating mahal ko na pinalitan mo?'

Sana maintindihan mo na mahirap sabihin ang katotohanan na Ex ko siya, hindi naman magbabago yun eh. Naging parte pa din siya ng nakaraan ko, wala naman na 'kong pakielam eh. Mas may pakielam ako sa kung anong meron ako.

Sana nga lang ay makinig ka sa paliwanag ko, sana hindi mauna ang galit o kung ano mang mararamdaman mo kung sakaling malaman mo. Ito pa naman ang unang beses na niyaya ko siya na pumunta dito dahil kadalasan siya naman ang naga-aya.

"Roxy. Gwapong-gwapo ka na ba sa 'kin?" Sabi niya na nakapagpabalik ng ulirat ko. "Kanina ka pa titig na titig sa 'kin eh." Dagdag pa niya.

"Nandito na pala tayo?" Sabi ko't ibinaba ang bintan ng kotse.

"Oo, kanina pa. Kaso naisip ko na sisirain ko naman ang pade-day dream mo sa 'kin!" Sabi niya't tumawa ng bahagya. Hindi ko magawang tumawa dahil sa kabang nadarama ko. Hay! Buhay! "Eto naman! Masyado kang seryoso Roxy. May problema ka ba?" Seryosong tanong nito.

"Wala no! Tara na!" Buong lakas kong sabi at lumabas ng kotse, walang tao. Mamaya pa kasi ang dismissal ng mga bata na malapit sa school na 'to.

Maaliwalas ang paligid, wala kang makikitang kalat mula dito, kitang kita mo ang araw na natatabunan ng mga puno na nagsisilbing silong para sa'min. Huminga ako ng malalim at nakita kong lumapit na sa 'kin si James na nakangiti ng malapad. Lagi siyang ganyan, kapag badtrip ako, pinapangiti niya pa din ako. Jolly person siya, kaya nga hirap na hirap akong magsabi sa kanya tungkol kay Liam.

"Let's go?" Sabi niya't inilahad ang kamay niya. Hinawakan ko naman ito at ramdam ko ang malambot niyang kamay na ang sarap pisil-pisilin kapag naglalakad kami, pinilit kong ngumiti at nagsimula na kaming maglakad.

"Ba't parang ang lamig ng kamay mo Roxy?" Tanong nito't mas lalong hinawakan ang kamay ko.

"H-ha? K-kasi malamig eh." Sagot ko naman, kahit na ramdam ko ang init sa balat ko at nanlalamig pa din ang katawan ko.

"Ang init kaya. Baka masama ang pakiramdam mo kaya ka nilalamig?" Nag-aalala nitong sabi sa 'kin.

"Hindi. Malamig lang talaga." Sagot ko naman sa kanya.

Patuloy kami sa paglalakad at ganoon pa rin, walang nagbago sa malakas na pintig ng puso ko't kabang nararamdaman ko.

"Saan mo gustong pumunta?" Nakangiti nitong tanong. Maka-ngiti ka pa kaya ng ganyan kapag sinabi ko na sayo ang totoo?

"Sa swing na lang siguro." Sagot ko't naglakad kami papunta dun. Umupo naman ako sa isang swing at doon naman siya sa isa pa.

Tinulak tulak ko ang sarili ko't winawagayway ang sapatos kong sumasayad sa lupa, hindi naman ganun kataas ang nagiging tulak ko. Samantalang yung kanya ang taas-taas na. Nakatingin lamang ako sa kanya't nakangiti pa din siya hanggang ngayon. Mas lalo akong napaisip kung sasabihin ko na ba sa kanya ngayon o sa susunod na lang.

"Roxy!" nakangiti nitong tawag sa 'kin. "Gusto mo itulak kita? Para ma-experience mo naman." Anyaya nito sa 'kin.

"Okay lang?" Sagot ko't bahagyang ngumiti.

"Oo naman basta ikaw." sabi niya't isinadsad niya ang sapatos niya sa buhangin upang mapatigil ang paggalaw ng swing.

Lumapit siya sa 'kin at nagsalita. "Kumapit ka ah? Mamaya malaglag ka diyan. Okay? One! Two! Three!" Pagbibilang niya't at saka ako itinulak.

Tumaas ito ng tumaas hanggang sa pakiramdam ko'y malalaglag ako anytime!

"WAAAAAH! TAMA NA! AYOKO NA! AYOKO NA!" Sigaw ko ng sobrang taas na at nalulula na 'ko. Hindi siya sumagot at mas lalo pang linakasan ang pag tulak sa likod ko.

"AYOKO NAAAAAAA! NATATAKOT NA KO! MAMA! WAAAAAH! JAMES! AYOKO NA! WAAAAH!" Sigaw ko pang muli at saka na niya hinawakan ang kabilang gilid upang huminto.

"Okay ka lang?" Tanong nito't umupo sa harap ko at tinignan ako.

"Slight? Ikaw kasi! Akala ko matatanggal na yung kaluluwa ko dun! Bwiset ka!" Sabi ko't pinalo ko siya sa braso.

"Aray ah! Ang sadista mo talaga!" Sabi nito't hinawak-hawakan pa ang braso niya! Sus! Ngayon lang siya nag-react kung kelan nandito kami! "Nakakatawa ka kanina. Haha! Para kang ewan eh!" Pang-aasar pa nito sa 'kin agad ko naman siyang inirapan ngunit ibinaling ko muli ang tingin ko sa kanya.

Nanahimik kaming dalawa, walang nagsasalita ganun ang posisyon namin at nakatingin sa isa't isa. Ito na ba ang tamang oras? Ito na ba?

Linalakasan ko ang loob ko na sabihin sa kanya ang lahat. Bumuntong hininga ako at tumingin ng diretso sa mata niya. This is it Roxanne. This is it!

"U-uhm.. J-james." tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa 'kin at seryoso ang mukha niya sa pagkakataon na 'to na mas lalong nagpakaba ng nararamdaman ko.

"Why?" Sagot nito sa 'kin.

"I just want to tell you something.." Panimula ko, ramdam ko ang panginginig ng kamay ko at ng panga ko na parang nababalutan ng malamig na hangin ang paligid kahit na maaraw.

"About what? Why are you shaking?" tanong nito't hinawakan pa ang nanginginig kong kamay at hinigpitan ang hawak dito, pinisil-pisil pa niya ito gaya ng nakagawian niyang gawin.

Parang gusto ko na lang umiyak sa harap niya. Parang ayaw kong sabihin sa kanya. Ayoko. Ayokong magalit siya sa 'kin.

"About my ex." Buong lakas ng loob kong sabi sa kanya. Ramdam ko ang pagtigil niya sa pagpisil ng kamay ko, mas lalo akong kinabahan na parang gusto ko na lamang lamunin ng lupa.

"W-what a-about your ex?" Pautal niya ding tanong sa 'kin. Nakatingin siya sa 'kin at kahit na hindi man siya sabihin ay gusto niya ding malaman kung sino ba ang ex ko.

"Do you still remember last past few days, when you are asking about my ex? I can't answer you because the truth is you know him." Buong lakas kong sabi, mas lalong sumeryoso ang mukha niya. Ang ekspresyon niyang 'yon ay hindi ko kailanman nakita kapag magkasama kami. Lumunok ako ng ilang ulit dahil pakiramdam ko'y nanunuyot ang lalamunan ko sa bawat sinasabi ko. " I can't tell to you because I think you will get shock and I don't like also to tell you because I don'y have interest on that guy already. Wala na, tapos na. Ikaw na ang mahal ko." Dagdag ko pa.

"Diretsahin mo 'ko Roxanne." Seryoso nitong sabi, nagulat na lamang ako ng tawagin niya 'kong Roxanne. Mas lalo akong natatakot, mas lalo akong kinakabahan. Ngayon niya lang kasi ako muling tinawag sa buong pangalan ko. Ngunit nakahawak pa din ang kamay niya sa 'kin mahigpit pa din at hindi nagbabago.

"I'm sorry. I'm really sorry if I don't tell you, please don't get mad at me.." Sabi ko't doon na lumabas ang luhang kanina ko pa tinatago. Umiyak ko, sunod sunod na patak ng luha ang nanggaling sa mga mata ko, nakayuko ako't hindi pa din siya gumagalaw.

"Sino ba kasi ang ex mo?" Tanong nito ngunit mas lalong naging seryoso ang boses nito na may bahid ng pagkagulat lahat-lahat na!

"I'm sorry." Paghihingi ko muli ng tawad. "L-liam is my Ex..." Pagladlad ko't umiyak pa lalo.

Mas lalo akong naiyak dahil binitawan niya ang kamay ko. Unti-unti niya itong tinanggal, napatingin ako sa kanya't bakas mukha niya ang pagkagulat sa nalaman niya, na tila hindi makapaniwala sa mga narinig niya sa 'kin. Napaupo siya dun sa buhangin at napailing.

"I-ibang L-liam naman siguro yung sinasabi mo diba? Hindi ba? Hindi Sarrosa diba?" Pagpupumilit niyang hindi maniwala sa narinig niya, kahit na umiiyak ako'y ramdam ko ang paglabas ng mga luha sa mata ko.

"S-siya yun. Si Liam. Liam Dominique Sarrosa." Pag-uulit ko pang muli at kita ko ang pagsapo niya sa kanya noo at pag-gulo ng buhok, mas lalong nag-iba ang aura niya. Hindi na siya matignan ng mta sa mata.

"AFTER ALL THIS TIME?! NGAYON MO LANG SASABIHIN SA 'KIN?! PINAGMUKHA MO LANG AKONG TANGA SA HARAP NIYONG DALAWA! PINAGMUKHA NIYO KONG GAGO!" Sigaw nito sa 'kin. Natatakot ako, umiyak na lamang ako ng umiyak sa harap niya at hindi na makapagsalita pang muli. "ROXANNE! ANG TAGAL TAGAL KITANG TINANONG TUNGKOL DIYAN! MAGKASAMA TAYONG TATLO MADALAS ALAM MO NAMAN YUN DIBA?! PINAGMUKHA NIYO 'KONG TANGA!" Mas malakas niyang sigaw at sumipa pa ng buhangin ngunit hindi namam sa harap ko. Sabi ko na nga ba, magagalit siya. "ILANG BESES AKONG NAGTANONG! PERO WALA AKONG MAHANAP NA MATINONG SAGOT! ANONG KLASENG PAGTATAGO YAN?! NILOLOKO MO LANG BA AKO?! KASI AKO ROXANNE?! HINDI! KAILANMAN! HINDI!" Sigaw pa nito muli sa 'kin. Ramdam ko ang pagsinok at paghikbi ko, lahat ng sinasabi niya'y tumatagos sa puso ko.

"Hindi kita niloloko.." Buong lakas na sabi ko, wala akong ibang masabi kundi yan lamang dahil mahal ko naman talaga siya. Hindi ko nga lamang masabi sa kanya ng diretsahan.

"SANA MAS SINABI MO SA 'KIN NG MAS MAAGA EDI SANA HINDI AKO NAGMUMUKHANG TANGA SA HARAP NIYO! SANA NAKAGAWA AKO NG PARAAN PARA ILAYO KA SA KANYA! PERO HINDI! ROXANNE! ANONG KULANG?! GINAWA KO NAMAN LAHAT! LAHAT-LAHAT NG MAKAKAYA KO! TAPOS SASABIHIN MO SA 'KIN NGAYON NA SI LIAM ANG EX MO?!" Sabi niya. Ramdam na ramdam kong galit siya sa 'kin. Na kulang na lamang ay saktan niya ko, patuloy ako sa pag-iyak at hindi makasagot..

"KAYA PALA NUNG UNANG ARAW PA LANG NG PAGLIPAT NILA MAINIT A ANG ULO MO DAHIL EX MO PALA SIYA?! WHAT THE FUCK!" Sigaw niya't sinipa ng malakas ang buhangin. "AT YYNG YAKAPAN NIYONG YUN SA ROOFTOP?! NA HINDI KO MAKALIMUTAN?!" Ani niya, yun yung araw na kinausap ako ni Liam at dapat ay hihingi siya ng second chance. "NA HINDI KO MAKALIMUTAN?! PEEO UMIIYAK SI LIAM NUNG MGA PANAHONG YUN KAYA HINAYAAN KO SIYA NA YAKAPIN MO KASI INAKALA KO NA KINO-COMFORT MO SIYA! PERO HINDI PALA!" Mas malakas niyang sigaw.

"Hindi 'yon gaya ng iniisip ko Liam.."

"ANONG HINDI?! HINDI NAMAN AKO BULAG ROXANNE!" Ani niya't bumuntong hininga. "Roxanne.. Mahal kita.. Mahal na mahal kaya nga sinasabi ko sayo lahat! Pero bakit ganon? Kung kelan handa na kong mahalin ka pa ng sobra sobra ngayon pa nangyayari 'to?" Garagal na sabi nito na parang paiyak na. Pinilit kong tumingin sa kanya kahit na umiiyak pa din ako, tama nga. Kitang kita ko ang nangingilid na luha sa mata niya. Mas lalo akong nasasaktan, mas masakit pa 'to sa mga sinabi niya kanina na wala namang katotohanan.. Mas masakit na makita ko siyang umiiyak.. Umiiyak sa harap ko..

"Roxanne.. Nagkulang ba 'ko? Ginawa ko naman lahat.." At doon ko nakita ang pagpatak ng luha sa mukha niya, ang sakit. Sobrang sakit na parang  sinasaksak ako ng paulit-ulit.

Pinahid niya ito na para bang ayaw na niyang makita ko siyang umiiyak sa harap ko. "Fuck this! Okay lang sana Roxanne kung hindi ko kilala eh! Maiintindihan ko pa! Pero yung sarili kong kaibigan! At matagal ko na palang kilala?! Pinagmukha niyo kong tanga! Pinaglaruan niyo ko! Ako naman 'tong si gago na walang alam na mag-ex pala kayo!"

"Balak ko naman talagang umamin sayo pero.."

"Pero ano?! Tangina naman Roxanne! Ginawa ko lahat! Pero harap-harapan niyo pala akong niloloko!" Sabi niya't may pumatak na namang luha sa mata niya.

"I'm sorry." Yan na lamang ang nasabi ko't umiyak, wala akong magawa. Hindi ko siya magawang hawakan, hindi ko siya magawang sagutin dahil galit siya.

"Isang tanong Roxanne." Sabi nito't agad akong nakinig at pinahid ang luhang nanggaling sa mata ko. "Mahal mo ba ako?" Tanong nito sa 'kin at nagkatinginan kami sa mga mata.

"Oo. Mahal na mahal." Diretsong sagot ko at tumango siya.

"Aalis muna ako." Sabi niya't naglakad papalayo. Hindi ko siya magawang habulin dahil pakiramdam ko'y nawalan ako ng lakas, naubos lahat ng enerhiya ko.

Umiyak ako ng umiyak na para bang bata, walang ibang tao dito kundi ako lamang, mas maganda 'to mag-isa lang ako. At least ako lang ang makakakita sa luhaang ako. Pinilit kong pigilan ang pag-iyak peo hindi ko magawa. Traydor na luha 'to! Sinabi ko nang ayaw ko na ngang umiyak eh!

Ang sakit. Sobrang sakit masabihan ng masasakit na salita.. Pero kailangan kong tanggapin yun. Tanggapin niya pa kaya  ako? Iiwanan ba niya ako? Ang daming tanong sa isip ko ngunit mas natatakot ako sa isang bagay na naisip ko. Na baka iwanan niya ako. Sa palagay ko'y hindi ko kakayanin, nasanay na 'kong nandyan siya sa tabi ko. Kakayanin ko kaya kung saka-sakaling mangyari yun? Siguro, hindi.

Ngayon lang ako nagmahal ng ganitp, hindi ko iniyakan si Liam ng ganito ng imalis siya't nakipagbreak ako sa kanya. Malayong malayo 'to sa naging sitwasyon ko dati. Kung tutuusin hindi kami ni James pero nasasaktan ako ng sobra sobra.

'Bakit ba ang laki ng epekto mo sa 'kin?'

Patuloy pa din ako sa pag-iyak ng may isang tao biglang nagsalita.

"Alam mo ba sabi ng isang importanteng babae sa 'kin na kapag may nakita daw akong babaeng umiiyak ay yakapin ko daw?" Sabi nito't napatungin ako sa kanya. Si Liam... Nakaupo siya sa kabilang swing at tinutulak ang sarili.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya, sigurado akong mugto na ang mata ko kakaiyak. Parang hindi ako nauubusan ng luha.

"Binabantayan ka. Sorry, kasalanan ko kaya nag-aaway kayo ngayon." Paghihingi ng tawad nito sa 'kin.

"Hindi mo kasalanan, ako ang may kasalanan. Kung sinabi ko lang sa kanya ng mas maaga edi sana ayos na kami ngayon." Sagot ko sa kanya, ramdam ko na aman ang pagtulo ng luha ko, naaalala ko na naman yung nangyari kanina.

Ramdam ko ang pagyakap niya sa 'kin at tinapik tapik ang aking likod at nagsalita. "Umiyak ka lang, ilabas mo yung sakit." Ani niya, dahilan upang hindi ko na mapigilan ang sarili ko't niyakap ko siya ay umiyak ako sa kanya.

"Ang sakit.. Hindi ko naman inakala na magiging ganun eh.. B-bakit ganun? Mahal ko siya sobra.. I-inaasahan ko pa naman na maiintindihan niya ko.. Bakit ganito kapait sa 'kin ang tadhana? Una sayo! Sumunod sa kanya naman.." Pagmamaktol ko't pinalo palo siya sa likod, kahit papano'y nababawasan yung sakit kahit na sa simpleng paraan lang. Ramdam ko ang paghagod niya sa likod ko at tinapik tapik ako.

"Sana man lang matauhan siya't balikan niya ko. Hihintayin ko siya o kung ako lang ang pwedeng gumawa ng paran gagawin ko 'wag lang siya magalit sa 'kin. Ganun kasakit. Na parang gusto ko na lang buhusan ng kumukulong tubig, na parang sinasaksak ang puso ko ng paulit-ulit kasi pakiramdam niya na niloloko natin siya. Yung mali niyang akala. Masakit eh." Dagdag ko pa't mas lalong nilakasnang pagpalo, pagod na 'kong umiyak. Ayoko na.

"Tutulungan kita. Kakausapin ko siya. Sasabihin ko sa kanyang wala naman talagang namamagitan sa 'tin." Suhestiyon niya.

"Salamat. Tatanawin ko yung utang na loob." Sagot ko naman sa kanya at nagpahid ng luha't kumawala sa bisig niya.

"You're always welcome." Lumapit siya sa harap ko't tumingin sakin. Umupo siya gaya ng upo ni james kanina at pinahid ang luha sa mga mata ko gamit ang kanyang daliri. "Ang pangit mo kapag umiiyak, 'di ba sabi sayo ngumiti ka lagi? Sorry. Kasalanan ko talaga."

"Hindi mo kasalanan." Pagpupumilit ko.

"Tumayo ka na diyan." Utos nito ngunit hindi ako sumunod. "Mas lalo akong nakokonsensya na bumalik pa 'ko dito. Mas lalo lang atang gumulo ang buhay mo ng dahil sa 'kin. Edi sana kung 'di ako bumalik edi masaya kayong dalawa." Sabi pa nito, ilang beses na niya inulit yun pero hindi ko na magawang sumagot dahil pakiramdam ko'y pagod na pagod ako. "Mahal mo siya diba? Ipaglaban mo. Hindi naman kailangan laging lalaki ang maghahabol. Hindi 'yon nakakahiya. Nakakatuwa pa 'yon sa parte namin. Palipasin mo lang ang init ng ulo nun."

"Hindi ko naman talaga siya niloko, siya lang nag-isip nun, mahal ko siya ng higit pa sa inaakala niya. Sabi ko na nga ba yun ang magiging reaskyon niya kapag nalaman niya na mag-ex tayo." Sagot ko sa kanya.

"Tama na, 'wag ka nang umiyak." Sabi nito at niyakap ako. Tinapik pa ang likod ko't napayakap ako sa kanya. Siya lang ata ng masasandalan at makakaintindi sa 'kin sa mga oras na 'to dahil siya ang nandito.

Kumportable ako sa yakap niya, hindi man 'yon gaya ng yakap sa kin ni James ay napapalagay naman ako. Parang pagod na pagod ako ngaong araw sa mga nangyari. Ang bigat ng mata ko't parang gusto ko ng magpahinga.

"Tara na? Ako ang bahala sayo." Anyaya nito kaya tumayo na ko't sumama sa kanya papunta sa sasakyan niya.

Binuksan niya ng pinto sa passenger seat, mapait akong ngumiti at hindi nagsalita at umupo na lamang doon. Sinuot ang seatbelt at tumingin sa daan.

Napapikit na lamang ako ng maalala ko ang mga nngyari kanina.. Ang masakit na salitang tumatagos sa puso ko.. Naramdaman ko muli ang pagtulo ng luha sa 'king mata at ramdam ang sakit sa 'king puso.

'I'm sorry James.'

DEBBIE'S POV

Pagkatapos namin non ay dumiretso kami sa bahay nila Seven dahil gusto daw akong makita ng mama niya, nagkwentuhan kami pero kailangan kong umuwi kaagad. Nang nga bandang ala sais na ay nagpaalam na 'ko. Bitin nga daw at gusto niya pa daw akong makausap kay niyaya niya 'kong nagdinner sa kanila bukas.

Um-oo naman ako dahil nakakahiya namang tumanggi sa pa-anyaya ng nanay niya, minsan lang din naman kasi 'to humingi ng favor sa kin kaya pinagbigyan ko na. At ang bait bait pa niya sa 'kin! Kilig na kilig nga sia sa pinagkwe-kwento ko. Para nga kming mag-nanay eh. Namimiss ko na naman si mama. Kamusta na kaya siya sa langit? Hays.

Hindi na 'ko nagpasundo kanila seven kay Brandon kahit na gusto niya, mamaya kasi magtaka pa ang mama ni Seven mahirap na. Mga ilang oras ay nakarating na 'din kami sa bahay nila Brandon.

"Babe. Thanks for the time kahit na bitin atleast nakasama naman kita. Worth it na yun! Nawala yung pagod ko." Sabi ni Seven ng makalabas na kami ng kotse niya.

"Salamat din, salamat sa paghatid. Itetext na lang kita mamaya." Sagot ko naman sa kanya.

"Tatawagan na pang kita mamaya." Suhestiyon naman niya, tumango na lang ako at ngumiti.

Nang makaalis na siya'y pumasok na 'ko ng bahay nila Brandon, nakita ko na nga yung sasakyan ni Liam eh. Pagkapasok ko'y nakita ko agad si Brandon naka-upo.

"Good evening!" Nakangiti kong bati sa kanya.

"Ang tagal mo naman." Pagrereklamo niya't ginulo pa yung buhok ko.

"He! Isa ka pa eh, nanggugulo ng buhok."

"Gusto mo ng Ice cream?"

"Oo naman! Anong flavor ba?"

"Your favorite one. Cookies and Cream!"

"Aba! Alam mo talaga ang paborito ko! Haha! Tara na!" Sabi ko't hinila siya sa kamay papunta sa kusina.

Masaya kaming kumain nagkwentuhan kami't asar talo na naman ako sa kanya. Tch! Paano ba naman kasi! Yung mg throwback memories namin pinagsasabi niya! Nakakainis! Pero nagtawanan lang rin kami sa dulo. Syempre, inasar ko din siya naalala ko nung naggupit siya ng 'di ko alam na tawag sa haircut na yun! Mukha siyang pugo! Wahahaha!

Dun ko lang napansin na ubos na pala yung isang litro ng ice cream na kaming dalawa lang ang kumain.

"Oh! Liam!" Tawag ko sa kanya ng may mgkita akong isang malinis na tubig at towel. "Ba't kang may dalang ganyan?" Nagtataka kong tanong, wala namang may sakit sa kanilang dalawa. Atsaka saan naman kaya niya gagamitin yun?

"Ah eh k-kasi.. Si roxanne nasa taas." Sabi nia na ikinagulat ko!

"HA?! Bakit?! May nangyari ba sa kanya?!" Nag-aalalang tanong ko, aba baka ano nang mangyari kay bessy. Hindi ba alam ni james 'to? Parang kanina lang magkasama sila't sabi niya aalis sila.

"Akyat ka na lang, mahabang storya kasi eh." sagot ni Liam at nagkamot ng ulo.

Agad naman akong umakyat at sumunod naman silang, dalawa, agad akong lumapit kay Roxanne at kitang kita ko ang mata niyang parang galing ng iyak at namumulang mukha at tulog. Kitang kita ko din ang eyebags niya.

'Anong nangyai? Bakit ganyan ang itsura niya?'

Nalungkot naman ako sa nakita ko, hindi ko siya nakitang ganito. May nangyari kayang 'di maganda sa kanila ni James?

Lumapit naman si Liam kay Roxanne at umupo sa kama't inayos ang buhok nito, iginilid niya't inilagay sa tenga at saka pinunasan ng maligamgam na tubig.

"Magiging okay din siya Frey.." Sabi ni brandon sa 'kin habang nakatalikod ako sa kanya't hinawakan ako sa balikat at tinapik tapik.

'I hope your fine bessy.'

TO BE CONTINUED..

Nakapag-update din sa wakas! Haha! Achievement! Ang tagal ko pang pinag-isipan 'to, kaya ewan. Sana maganda at magustuhan niyo! :*

At sana try niyo basahin yung bagong story ko na 'The Royal Blood.' Haha! Ang genre niyo ay Action! :) Kaya sana basahin niyo kung may extra time kayo.

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! :* ^____^v

THANK YOU VERY MUCH! :* ^___^v

-Theinnocentskater.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro