Chapter 39: Everything's gonna be alright

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

DEBBIE's POV

MALAPIT ng mag-uwian ngunit hindi pa kami nagu-usap nila Roxanne, nagtataka na nga sila Natasha dahil buong araw kaming hindi nag-uusap. Isang gawain na kahit kailanman ay hindi namin nagawa -- Ang hindi mag-usap sa isang buong araw.

Kadalasan kasi kapag kami'y nagkakatampuhan ay may isa sa aming magpapakumbaba, hindi lumilipas ang isang oras o isang araw na hindi kami nagkakaayos.

Mahirap para sa 'king sitwasyon na tiisin sila, ang hinsi sila sulyapan at hindi sila kausapin. Maski kasi si Chard ay hindi ako magawang kausapin. Marahil ay alam na niya na alam ko na ang katotohanan.

Gusto kong umuwi ngunit parang hindi ko kaya, madaling sabihin para sa akin na gusto ko ng umuwi ngunit mahirap gawin. Nakapagisip-isip din naman ako kanina na mali rin ang aking inasta at ipinakitang asal.

Isa pa't hindi naman ako panghabang buhay na magtatago sa katotohanan na kailangan kong tanggapin na siya ang tunay kong ina.

"Guys! Alam niyo kanina pa ako nakakahalata! May problema ba kayo? Nandito kami, hindi kami bula." Bulalas ni Natasha habang palabas kami ng klase.

"Alam niyo? Tara sa tambayan at pag-usapan natin yan!" Pa-anyaya ni Anne.

"Huwag na!" Sabi ko sa kanila at napatingin sila sa 'kin. "I mean kasi.. Okay suko na ako." Pagsuko ko sa mga tingin nila.

"Girls talk muna 'to kaya kayo mga boys, mag-bonding muna kayo." Saad ni Myca at wala na silang nagawa kundi sumunod.

"Pero kasama si Chard do'n." Sabi ni Roxanne. "Pero okay lang naman sa 'kin kung hindi siya kasama." Dagdag pa nito.

"Ayos lang. Sa ibang araw na lang ako.." Sagot ni Chard at umiwas ng tingin sa 'kin.

"Tara na?" Sabi ni Myca kaya sumunod kami sa kanya.

Nabaling naman ang tingin ko kay Seven ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at pinigilan akong maglakad, nakita ko pa sa kanyang mata ang pagaaalala nang titigan ko siya sa mata.

"Kaya mo na ba? Pwede kong sabihin na, hindi ka pa handang kausapin sila." Tanong niya sa 'kin.

"Kakayanin. At saka, kaikangan kong marinig ang paliwanag niya." Sagot ko naman sa kanya't ngumiti ng mapait. "Huwag kang mag-alala okay? Kaya ko ang sarili ko."

Nagpaalamanan naman na kami sa mga lalaki at dumiretso na kami sa tambayan. Pakiramdan ko'y naging mabagal ang byahe kahit na malapit lamang ito.

Kinakabahan ako sa 'di ko malamang dahilan. Marahil ako'y natatakot lamang na marinig ang magiging paliwanag niya, kung bakit niya inilihim 'yon. Kung para ba sa kanya -- sa kanila o para sa ikabubuti ng lahat?

"So anong problema niyo?" Bungad ni Myca sa aming dalawa.

"Kasalanan ko." Paga-ako ni Roxanne at nabaling ang tingin ko sa kanya. Malungkot ang kanyang mukha at ayokong nakikita siyang gano'n. Kasalanan ko na nagkakaganyan siya't sinisisi niya ang sarili niya

"Anong kasalanan mo?" Nagtatakang tanong ni Anne sa kanya.

Nagpakawala ng buntong hininga si Roxanne bago sinimulang magsalita. "Kilala na kasi ni Deb ang totoo niyang nanay."

"Ano? Akala ko ba patay na ang nanay ni Deb?" Naguguluhang tanong ni Natasha.

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang isasagot ko. Gusto kong malaman mula sa kanya ang lahat-lahat ng katotohanan.

"Ang akala niyang nanay miya, ay hindi niya tunay na nanay. Iniwan siya ng mama niya ng baby pa lang siya." Panimula ni Roxanne at tumingin sa 'kin. "Alam kong sabay tayong lumaki at kaya alam ko din 'to dahil ikwinento ni mama sa 'kin."

"S-sige. I-itulot mo lang. Gusto kong malaman ang lahat.." Sagot ko sa kanya.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago niya sinimulan ang kwento.

"Bata pa lang tayo, iniwan ka na ng mommy mo na si Tita Dianne, si Tito Vergilio ang totoo mong ama ang nagpalaki sa 'yo. Sinikap ka niyang buhayin sa kabila ng pagiwan sa 'yo ni Tita Dianne. Hanggang sa isang araw nainlove ulit si Tolito na siyang kinilala mong mama na si Tita Kristina."

".. Hanggang sa mag-7th birthday ka, magbe-bestfriends tayo no'n. Yung limang ugok, ako at si Chard. Naaalala ko pa nga binigyan ka pa ni Brandon ng dilaw na bulaklak no'n dahil 'yon ang gusto mo." Sabi niya't ngumiti ng bahagya, tama nga siya nga yung lalaking 'yon.

"Si Tita Kristina ang inakala mong mama dahil siya ang ipinakilala sa 'yo ni tito at siya ang nagpalak sa 'yo. Pero ng mismong araw na 'yon ay nagbago ang lahat. Kinidnap ka ng sarili mong ina, nagkagulo no'n at hanggang sa sundan ka nila tito at tita, pero sa kasamaang palad, nabunggo kayo at maraming dugo ang nawala sa 'yo.."

"Nagising ka na wala kang maalala na maski tatay mo ay hindi mo maalala. Naisipan ni Tito na lumayo at isama kayong dalawa ni Tita Kristina, sinabihan nila kami na huwag ipaalala sa 'yo ang lahat. Hanggang sa magkita tayo ulit."

".. Grade 3 tayo no'n pero hindi ko masabi sa 'yo na ako ang kababata mo dahil ayaw ko nang ipaalala sa 'yo ang masasamang alaala at trahedya na nangyari sa 'yo. Grade 5 ng makita mo ulit si Chard.. Naging magbe-bestfriends tayo ulit, at 'yon ang isa sa pinaka hindi ko makakalimutan na yugto ng buhay ko.."

".. Hanggang sa mag-second year highschool na tayo, at 'di sinasadyang magkatagpo ang landas natin nila Brandon, noong una ay hindi ko sila maalala kasi nagbago ang mukha nila at wala din kaming communication. Hanggang sa magkakilala tayo at naging kami ni Liam.."

"Ngayong 4th year tayo.. Nagpakita siya pero akala namin wala siyang balak na lapitan at balikan ka. Sinubukan naming ilayo ka sa kanya dahil natatakot kaming mawala ka ulit, ngunit nakatakda na atang magkita kayo at ito na dumating na ang araw na inaasahan ko ngunit hindi ako nakapaghanda.. Nalaman mo na ang totoo."

Bumigat ang pamiramdam ko, hindi ko akalain na simula bata pa lamang kami ay nagawa na niyang itago sa 'kin ang lahat. Na nagawa niya 'yon para sa 'kin. Tumulo ang luha sa 'king mga mata na kanina pa gustong lumabas.

Naitindihan ko na lahat na para sa 'kin 'yon at nagawa nila 'kin kahit na nahihirapan na sila.

"Sorry bessy kung hindi ko.man nagawang sabihin sa 'yo, natatakot kasi akong baka mawala ka isang araw at kamuhian mo ako, baka magalit din si tito sa 'kin, na baka hanapin mo si Tita Dianne. Ayos lang sa 'kin kahit na magalit ka. Patawarin mo ako.." Sabi niya't umiyak na. Maski si Anne ay napaluha na.

Matagal na panahon akong naniwal na si Mama Kristina ang totoo kong ina, na kahit na gano'n ay hindi pa din ako magagalit o magkakaroon man ng sama ng loob sa kanya dahil naisip niya pa din ako.

Nagpapasalamat ako na siya ang ibinigay sa 'kin ng diyos dahil marami siyang itinuro sa 'kin.

Sinubukan kong tumayo upang yakapin si Roxanne, at niyakap niya rin ako ng mahigpit. Tumigil na din ako sa pag-iyak at ngumiti sa kanya ng malapad. Saka hinawakan ang magkabila niyang balikat at pinaharap sa 'kin.

"Hindi ako galit okay? Naguluhan lang ako at nagulat sa mga nangyari.. Sorry kung naisip mo ba galit ako sa 'yo. Huwag kang mag-alala. Kahit na anong mangyari, tayo pa rin ang mag-bestfriend okay? Sorry. I love you!" Sabi ko't niyakap siyang muli.

"Thank you bessy. Thank you." Sabi niya at alam kong nakangiti siya ng sambitin niya 'yon.

Gumaan ang pakiramdam ko, pakiramdam ko'y nakuha ko na lahat ng sagot. Kulang na lamang ay ang paliwanag ng aking ina.

Nagusap-usap pa kami ng ilang sandali upang makapag-bonding at dahil gumaan naman ang pakiramdam ko'y nakangiti na din ako ng maayos ng hindi gaya ng kanina. Matapos at naghiwa-hiwalay na kami upang makapagpahinga at makauwi ng bahay.

Sumabay naman ako kay Roxanne dahil may dala siyang kotse ngayon.

"Bat ka nga pala may dalang kotse?" Tanong ko sa kanya habang siya'y nagmamaneho.

"Ayokong sumabay kay James kanina dahil mugto ang mata ko kaninang pumasok. Ayokong magtanong siya at isipin pa niya ang problema ko. Aasarin pa ako nun." Sabi niya't ngumuso.

"Ba't kaba kasi umiyak?" Tanong ko sa kanya't inirapan niya ako.

"Malamang! Natatakot akong baka hindi ka makinig sa paliwanag ko! Baka kamuhian mo ako dahil sa pagtataago ko sa 'yo ng totoo, natatakot din akong mawala ka sa 'kin! Grabe, siguro hindi mo ako iniisip no?!" Sabi niya't ngumuso uli, tumawa pa ako dahil sa kadramahan niya. "Ganyan ka! Pag ako nagtampo, iiyak ka din!" Dagdag pa niya't inirapan ako.

"Baliw." Saad ko na lamang at hinatid ako sa bahay.

"Bye bessy! Fighting kaya mo yan! Just listen to her okay?" Sabi niya't tumango naman ako saka sila umalis.

Tumayo ako sa harap ng bahay namin at para akong naninigas sa kinatatayuan ko't ayaw kong pumasok sa loob ng bahay namin. Parang mas nanaisin kong umalis ngunit gusto kong malaman ang katotohanan.

Ang dahilan kung bakit niya ako iniwan, ang dahilan kung bakit hindi man lang niya ako magawang balikan at kung bakit ngayon lamang siya bumalik.

Nagpakawala ako ng buntong hininga upang maibsan ang tensyong namumuo sa aking sistema. Pumikit ako't huminga ng ilang beses bago napagpasiyahang kumatok sa pinto ng aming bahay.

Nanginginig ang tuhod ko matapos kong katukin ang bahay namin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung paano ko sila babatiin. Naghintay ako ng ilang sandali at narinig ko ang pagtunog ng doorknob namin.

Bumukas ang pinto at bumungad sa 'kin si.. Mama.

"Anak!" Bungad niya't agad akong niyakap ng mahigpit. Nagulat naman ako't alam kong masaya siyang makita ako, ngayon ang unang beses na niya ako ng tunay kong ina. Masarap ngunit may kulang pa rin. Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko't niyakap siya at tinapik-tapik ang kanyang balikat. Hanggang sa makita ko ang tatay kong nakangiti pababa ng hagdan.

"Ayos ka lang ba? San ka natulog kagabi? Alam mo bang natatako ako kagabi? Akala ko nasaan kana." Natataranta niyang saad at hinaplos ang aking mukha, at hinawakan ko naman 'yon at ngumiti ng mapait.

"Ayos lang po ako.." Mahina kong sagot at kitang kita ko sa mata niya ang pagkasabik na hagkan at yakapin ako at agad naman niya akong pinapasok sa bahay.

"Anong gusto mo? Gusto mo ba ng kanin? Biscuit? Juice? Tubig? Ano anak ang gusto mo?" Tanong niya muli ata agad naman siyang nilapitan ni tatay.

"Dianne, kalma. Kaya niya ang sarili niya." Sabi ni tatay saka umupo sa tabi ko. "Nak, sorry. Patawarin mo si tatay." saad niya at hinaplos ang buhok ko kaya agad akong nanghina. Nagbabadyang tumulo ang luha ko, ngunit pinipigilan ko 'yon. "Kasalanan ng tatay kung bakit mo nararanasan yan. Patawarin mo ako. Kung may gusto kang itanong, handa akong sagutin lahat." Sabi ni tatay, saka tumulo ang luha ko ngunit agad kong pinahid 'yon.

"Wala po akong nais pang itanong sa inyo dahil alam ko na ang lahat. Si.. Ate Dianne na lang po muna ang kakausapin ko dahil sa kanya ako maraming tanong." Sagot ko kay tatay at tumayo naman siya at lumabas.

Si Ate naman ay lumapit sa 'kin at umupo sa harap ko. Mabilis na tumibok ang puso ko. Kinakabahan ako sa maari niyang isagot sa 'kin.

"Anak/Ate." Sabay naming tawag sa isa't isa. Ilang sandali ay inantay ko siyang magsalita dahil ayoko naman siyang pangunahan.

Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at tumingin sa 'kin. "Patawarin mo ako anak. Hindi ko 'to ginusto. Kung alam mo lang kung paano kita iniisip araw-araw. Iniisip ko kung kamusta kana, kung matatanggap mo ba ako kung sakaling bumalik ako, kung kamunuhian mo ako.. Anak alam kong mahirao pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon para mapunan ko ang pagkukulang ko." Sabi ni Ate Dianne habang patulay sa paghikbi.

Parang tumutusok sa puso ko na awa sa sarili kong ina, na dapat ay makinig ako sa kanya at bigyan siya ng pagkakataon na makabawi. Muli na namang lumabo ang paningin ko at nagbabadyang tumulo ang luha sa 'king mga mata.

"B-bakit mo ako iniwan? Bakit hindi mo man lang ako ginawang alagaan? Masama ba akong anak? Bunga ba ako ng ma----"

"Hindi anak. Hindi. 'Wag mong isipin 'yan, ako ang mali. Ako ang may kasalanan ng lahat." Sabi niya't hinaplos ang mukha ko. "M-may tunay akong a-asawa." Dagdag niya't para akong sinukluban ng langit at lupa. Lumuha ako at hindi ko 'yon maipigulan.. Ilang beses kong tinatatak sa utak ko na hindi totoo yon at hindi ko narinig 'yon.

"Ibig sabihin, bunga ako ng pagkakamali?" Hindi makapaniwala kong tanong. Ang sakit kasi, sobrang sakit.

"Hindi anak. Mahal naman namin ang isa't isa ng tatay mo kaya ka namin nabuo." Paliwanag naman niya.

"Pero bakit mo ako iniwan? Bakit hindi mo ako binalikan? Bakit mo iniwan si tatay?" Sunod-sunod kong tanong.

"Makinig kang mabuti anak. Mayroon akong asawa ngunit nasa taong sekondarya kami ay magkasintahan na kami ng iyong ama, pero ng mag-labing walong taong gulang na ako ay may ipinakilala sa akin ang aking ama, si Victor. Nagpakalayo-layo ako dahil ayokong malaman niyang may ibang lalaking nakatakda para sa 'kin.."

".. Mahirap para sa 'kin na osipin na.. Mawawala ang taong mahal ko. Na kailangan kong sundin ang magulang ko. Sinubukan kong mahalin si Victor ngunit hindi ko magawa dahil mahal na mahal ko si Vergilio." Saad niya't kitang-kita sa kanyang mata ang lungkot at pagmamahal sa aking ama.

".. Hanggang sa isang araw nagkita kami ulit, natukso ako ngunit alam ko namang mahal na mahal ko ang tatay mo. Kaya kong gawin ang lahat kahit na kumaliwa ako para sa pag-ibig. Hanggang sa mabuo ka.. Nagpaal ako na mangingibang bansa kay Victor ngunit nay anak din kaming babae na mas matanda sa 'yo ng isang taon. Nang mapanganak kita ay bumalik ako sa 'min at nalamangnuyang may kabit ako.."

".. Pinagbantaan niya akong papatayin niya kayo, at ayokong mangyari 'yon kaya hindi ko nagawang balikan ka pa."

Saka ko lang naintindihan ang lahat-lahat. Nang maikwento niya ang lahat. Ginawa niya ang lahat para sa 'kin at kay tatay, hindi pala naging masama sa 'kin ang mundi at nagkaroon pa ako ng inang gaya niya na kayang isakripisyo ang pagmanahal niya kay tatay at pagmamahal sa 'kin bilang anak niya.

"Anak.. Patawad." Muli niyang sambit at niyakap ako -- ng mahigpit. Niyakap ko din sita na para bang wala ng bukas at parang natatanggap ko sa sarili ko na siya.. Ang nanay ko.

"Ma.. Sorry." Yun na lamang ang nasambit ko at gumaan ang pakiramdam ko. Nakahinga ako ng maluwag sa mga oras na ito. Nabunutan na ako ng tinik mula sa 'king puso. Hanggang sa maalala ko ang sinabi niya kanina. "Ma, diba sabi mo.. May anak ka pang isa? Nasaan siya? Paano na ang asawa mo? Siya ang uuwian mo balang araw.. Iiwan mo na naman ako.." Malungkot kong saad.

"N-namayapa na si Victor. Si Tricia ang kapatid mo. Gusto mo ba siyang makita?" Tanong niya sa 'kin.

"Ayos lang naman po sa akin, pero baka hindi niya po ako matanggap."

"Hindi.. Mabait siya anak. Huwag kang mag-alala. Kapag nagkaroon siya ng oras para makabalik dito sa Pilipinas. Ipapakilala ko siya sa 'yo." Nakangiti nitong sagot sa 'kin.

Lumipas ang ilang oras, sabay-sabay kaming kumain ng aming hapunan, si mama ang nagluto at masarap 'yon sa totoo lang. Parang ang sarap magkaroon muli ng buong pamilya.

Kita ko sa mga mata nila na nagmamahalan sila, masaya akong makita at masaksihan 'yon.

Namuo ang tawanan at masasayang usapan sa hapagkainan at kahit na ako'y medyo naiilang alam kong masasanay din ako at magiging masaya kami.

Nanood pa kami ng movie at halos abot tenga ang ngiti ko dahil sa hindi maipaliwanag na saya.

"Goodnight ma, pa." Sabi ko'y hinalikan sila sa magkabilang pisngi at umakyat.

TO BE CONTINUED.

HERE'S THE UPDATE! ^.^ SORRY. Super delayed ang update, pasensya na talaga guys. Sorry. Anyways! I hope you enjoy reading! :")

Guys, tweet mo on twitter @LataKatherine and use the hashtag #MUonWattpad. Thankyou! :")

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ^______^

THANK YOU VERY MUCH! ^_____^

-Theinnocentskater.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro