Chapter 40: The Commercial Model

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

DEBBIE's POV

DUMAAN ang mga araw, ayos na kaming lahat nabunutan na ako ng tinik sa 'king puso. Parang nabuo na ako at okay na ako. Actually nagiging close na kami ni mama, malapit na din ang loob ko sa kanya.

Sa una, mahirap mag-adjust pero nasanay na din ako, sa mundo talaga natin dapat matuto tayong magpatawad, tanggapin ang katotohanan at mamuhay ng maganda.

Ayos na din kami nila Brandon, bumalik na kami sa normal ngunit pansin ko naman ang pagpapakita niya ng motibo. Minsan nagugulat na lang ako na nasa bahay siya, kausap ni mama.

Umuuwi na siya minsan ng mga alas nuwebe ng gabi, naiilang nga ako ngunit sabi ni mama normal lang daw ang nararamdaman ko.

Hindi ko nga lang maiwasang isipin na nasasaktan siya ng dahil sa 'kin, sa eskwelahan kasi'y lagi kaming magkakasama ni Seven hindi naman ako naiilang dahil nasasanay na akong kasama si Seven noong una pa lang.

Nahihirapan nga lang talaga akong makita na nasasaktan ko siya sa tuwing makikita niyang sweet kami ni Seven, hindi naman na kasi ako nahihiya ipakita ang sweetness ko sa kanya.

Mas nagugustuhan ko mga 'yon kasi naipapakita kong mahal ko siya kahit na hindi ko man sinasabi, hindi kasi ako makahanap ng tamang tyempo.

Ngunit kahit na gano'n man ang nararamdaman ko, masaya pa din ako! Kasi una, buo ang pamilya ko, masaya na kami. Tuwing weekends ay umaalis din kami kaya hindi na ako nahihirapan na makipag-usap kay mama ng hindi naiilang.

Ang saya, pakiramdam ko'y wala ng problema ang dadating sa 'kin, ngunit naiisip ko din na lahat ng sayang nararamdamanko ngayo'y maaring mawala nang parang bula.

Alam ko naman kasing kaakibat ng saya ang lungkot kaya natatakot ako na baka may kapalit lahat ng nararamdaman ko ngayon.

'Negative thinker ka na naman Debbie. Tsk! Erase! Erase!'

"Grabe! Tuyong-tuyo na ang utak ko! Ano bang buhay 'to? Gusto ko nang umuwi!" Pagrereklamo ni Roxanne habang nagsusulat ng reviewer para sa exam namin mamaya.

Third day para sa long test ng fourth quarter kaya puspusan ang pagre-review. Hindi pa naman ito ang periodical pero kung hindi din kami magrereview ay malaking kabawasan para sa grado namin 'yon.

Nandito kami sa bahay nila Natasha, akala nga namin nandito ang mga magulang nila pero wala pala, yung si Manang Elsie lang ang kasama nila.

Buti nga'y pinayagan akong mag-sleep over nila Mama, akala ko kasi'y hindi nila ako papayagan dahil si Papa masyadong protective.

"Ako din! Ayoko talaga ng history! Ugh! Disaster!" Reklamo din ni Natasha habang nagsusulat din at kumakain ng tinapay.

"Shut up guys! I can't concentrate!" Paninita ni Anne sa kanila, ang ingay naman talaga kasi nila. Ayaw daw kasi nila ng subject na History.

Paborito ko 'yon pati ang Science at Math kaya ayos lang para sa 'kin.

"Tch! Paborito mo kasi ang History!" Singhal ni Natasha at nag-hikab. Nag-alarm kasi kami ng alas tres ng madaling araw para fresh ang masasagot namin mamaya.

"Duh, tss. Alam niyo namang hirap ako sa Science eh. Matatapos na ako kaya 'wag na kayong maingay." Pagsusungit ni Anne sa kanya. "Gayahin niyo si Debbie, tahimik lang oh!" Baling naman niya sa 'kin.

"Oh? Ba't ako nadamay?" Sabi ko naman.

"Ba't hindi ka nagrereview?" Tanong ni Roxanne sa 'kin habang kinakain yung chippies niya.

"Tapos na kasi ako." Sagot ko sa kanya at ininom yung kapeng tinimpla ko.

"HA? Ang bilis mo naman?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Natasha at nangalumbaba.

"Nung natulog kasi kayo nag-aral na ako, tinapos ko na lahat para hindi na ako gigising ng madaling araw, kaso nga lang ang lakas nung alarm ayan, edi ito ngayon nanonood na lang ako sa inyo." Sagot ko sa kanya at kumuha ng biscuit.

"Ugh, buti ka pa. Pahingi naman kahit konting talino para sa History Deb!" Sabi ni Natasha sa 'kin.

"Madali lang yan, imemorize mo lang yung araw at taon, tapos yung keyword for the word para madali mong matandaan." Payo ko naman sa kanya at ipinagpatuloy na niya ang pag-aaral.

Matapos kong maubos ang kape ay nilagay ko 'yon sa may lababo at mamayang umaga ko na lang huhugasan. Nakakatamad. Dinalaw naman na ako ng antok kaya pagka-akyat ko'y dumiretso na ako sa tulog. Mahirap kasing sumagot kapag puyat ka mamaya.

-

Naalimpungatan naman ako ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko ng sunod-sunod 5:30 na pala, 7:00am kasi ang pasok namin at bawal malate dahil magagalit si Mr. Chan.

Tinignan ko naman sila Anne at mga bagsak ang ulo sa lamesa ang pwesto nila. Mukhang natulugan nila o kaya natapos mag-review at tinamad nang bumalik ng kama.

"Guys, gising na." Panggi-gising ko sa kanila ngunit wala maski isa sa kanila ang kumibo.

"Male-late tayo guys, five thirty na. Bangon na! Kakain pa tayo." Sabi kong muli at mukhang naalimpungatan naman sila.

"5 minutes pa, inaantok pa ako." Sabi ni Natasha at pumikit muli.

Inuna ko na lamang na gisingin si Roxanne dahil madali namang kausap 'to ngunit wala pa din, humingi din ng five minutes sa 'kin kaya wala akong choice kung hindi si Anne ang gisingin ko.

Buti na lamang ay gumising na agad siya at nag-inat muna bago tumingin sa 'kin.

"Anong oras na ba?" Tanong niya sa 'kin habang nagkukusot ng mata.

"Five forty na, maliligo at kakain pa tayo. Gisingin mo na nga yan, ayaw magsi-gising eh." Sabi ko naman sa kanya at ngumiti na lang siya at tinapik ako sa balikat.

"Let me. Watch and learn." Sabi niya't ngumisi pa. Ano naman kayang balak niya?

"NATASHA! ROXANNE! MAGBE-BREAK NA DAW KAYO NG MGA BOYFRIEND NIYO PAG HINDI KAYO PUMASOK BAGO MAG SIX THIRTY!" Sigaw niya at agad naman silang nagsi-galaw at tumingin sa 'ming dalawa.

"Ano? Anong break ang pinagsasabi mo diyan? Manahimik ka diyan, babango na 'ko." Sabi ni Natasha at agad na nagkusot ng mata, pagewang-gewang pang naglalakad papunta sa pinto.

"Hindi cr yan uy!" Sabi ko naman sa kanya.

"Ay sorry. Inaantok pa ako eh." Sabi niya't nagkamot ng ulo niya, jusko! Ano bang nangyayari sa mundo?

Bumangon na din si Roxanne at normal lang naman siyang kumilos at nagpusod ng buhok.

Nando'n naman na si Manang at nakapaghanda na siya ng pagkain, inaya namin siyang sumabay sa 'min ngunit ayaw naman niya.

Matapos naming kumain ay ako na ang nagpresinta na maghugas ng pinagkainan nanin at naligo na 'ko. Hindi ko nga alam kung bakit apat ang CR nila dito pero iilan lang silang nakatira.

"Ako ang magda-drive today!" Sabi ni Natasha, sa passenger seat naman si Anne at sa likod kami nila Roxanne.

Dumiretso kami sa carpark, ngunit gaya na din ng nakakasanayan namin ay marami pa ding bulungan, hindi na siguro mawawala talaga 'yon.

Mas dumami pa ito nung nalaman nila si James na at si Roxanne. Paano pa kaya kami? Nasasanay na din si Roxanne at parang wala na lang sa kanya 'yon at dire-diretso na lang kaming naglalakad.

"Good morning." Bati sa 'min nung mga lalaki at may malawak na ngiti sa labi.

"Good morning din." Sabay din naming bati sa kanila, tumabi naman na ako kay Seven dahil 'yon na din ang nakasanayan ko.

"Kamusta review mo kagabi?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm, okay lang. Hindi nga lang ako sanay na hindi ka kausap kapag gabi. Tatlong araw? Napakahirap no'n!" Pagtatampo niya sa 'kin at umiling-iling pa at napangiti naman ako.

"Hirap din ako no, mahirap kayang maka-adjust sa isang bagay na hindi mo naman nakasanayan." Sabi ko naman sa kanya.

"Nga pala babe, pinapabigay ni Ate." Sabi niya't may ini-abot sa 'king papel.

"Ano naman 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto ka daw kasi niyang kasama dun sa photoshoot niya, pati nga ako dinadamay eh. Tsk!" Singhal niya.

"Nako, wala akong hilig kasi dito eh. Wala naman akong balak mag-artista." Sabi ko naman at binalik sa kanya ang papel. Form pala 'yon kung gusto mong sumama.

Ngunit bigla naman akong dinalaw nung konsensya ko ng maalala kong tinulungan niya kami sa project.

"Sige okay lang yan, sasabihin ko na lang kay Ate. Tatawagan ko na lang ngayon para masabi na niya agad." Sabi naman ni Seven at dinial agad ang number ni Ate Julia.

Ano? Sasama ba ako? Nakakahiya naman kasi dahil ngayon lang naman siya humingi ng pabor sa 'kin, tatanggihan ko pa? Aish! Ang hirap mag-isip

Agad naman niyang dinial ang number ni Ate Julia, nahihiya nga ako sa totoo lang eh.

"Ate, ayaw ni Babe sumama eh. Wa--" Putol niyang sabi ata agad na inilayo sa tenga niya ang phone mukhang sumagaw si ate. Ugh, baka magalit siya't magtampo.

"Uh.. Babe oh. Kausapin ka daw." Sabi niya't ini-abot sa 'kin ang phone ngunit sinenyasan niya ako na kung ayaw ko daw ay okay lang naman, siya na daw ang bahala.

"Hi, good morning Ate Julia." Bati ko sa kabilang linya.

"Girl! Sumama kana! Wala kasi akong ka-close do'n and you know libangan ko lang naman 'yon malay mo maging artista or model ka! Please? Samahan mo na ako, minsan lang naman ako humingi ng favor sa 'yo eh." Pagpupumilit niya sa 'kin, naga-alinlangan pa nga akong sumagot dahil una wala akong kaalam-alam sa mga damit damit na yan.

"Uh.. Kasi ate wala din naman akong susuotin diyan kaya wag na lang.." Sagot ko naman sa kanya.

"Don't worry. Nabili na kita! Kaya sumama kana please? Please?" Pagpupumilit niyang muli nahiya naman ako dahil minsan na nga lang hindi ko pa pagbibigyan..

"Uh.. Sige na nga. Kelan ba?" Tanong ko na lamang. Mapapasubo talaga ako dito.

"Tomorrow! Oh c'mon. Wala kang klase bukas. Don't worry! Okay?" Sabi niya't napabuntong hininga na lang ako.

"Anong oras?" Tanong ko pang muli.

"9:00 in the morning! Susunduin na lang kita, itatanong ko na lang kay Seven! Okay? Thankies! Muah!" Sabi niya't ibinaba na ang tawag.

"Babe, kung ayaw mo okay lang 'yon ako na lang ang magsasabi sa kanya." Sabi niya at ngumiti.

"Sige okay lang, sasama na ako. Siguro naman mae-enjoy ko 'yon." Sabi ko naman.

"Nga pala babe, malapit na ang birthday mo ah? Aalis ba kayo ng family mo?" Tanong niya sa 'kin. Oo nga pala, malapit na ang birthday ko. Hindi ko na din masyado napansin dahil nga siguro busy din sa pag-aaral.

"Hindi ko lang alam, kung aalis man okay lang sa 'kin, pero sana 'wag na. Masyadong masakit sa ulo, madami pa ang gastos. May retreat pa kasi tayo another gastos na naman oh diba?" Sagot ko naman sa kanya at kinuha yung pagkain sa bag ko, ginawan kasi kami ni Manang ng burger para daw may laman ang tiyan namin.

"Oh, ba't burger lang ang kinakain mo? Hindi ka ba nag-almusal?" Tanong naman niya kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Masarap kaya. Nag-almusal ako, nagugutom lang ako ulit. Gusto mo tikman? Oh." Sabi ko't tinapat sa bibig niya ang burger.

"Sige sa 'yo na yan Babe. Okay lang ako." Sabi naman niya't umiling-iling.

"Isang kagat lang! Try mo! Masarap siya." Pamimilit ko naman sa kanya at ngumiti ng malapad.

"Opo na ma'am." Sabi niya't ngumiti ng bahagya at kumagat do'n sa burger.

"Oh, masarap diba? Sabi ko sa 'yo eh." Sabi ko't kumagat ulit do'n sa burger ngumiti na lamang siya at tumango sa 'kin.

Ganyan siya, hindi siya nagsasalita kapag may laman ang bibig hindi gaya ko na bira lang ng bira kahit na may laman pa ang bibig.

"Nai-inggit ako! Grabe! Ang daming langgam! Jusko!" Sabi ni Roxanne at pinagpag-pagpag pa yung lamesa.

"Anong nakakainggit diyan? Gusto mo ding kumain? May pagkain ako dito!" Sabi niya't naagaw ng atensyon naming lahat 'yon at naglabas ng isang garapon ng stick-o.

"STICK-O?! BA'T KA MAY DALANG GANYAN?!" Gulat na sabi ni Roxanne at bahagya pang nakanganga habang salubong ang kilay.

Maski naman ako'y napataas ang kilay ko't napanganga ng naglabas siya ng stick-o. Akala ko kasi kung anong pagkain ang dala niya.

"Kasi, nakita ko yan sa kwarto mo dati! Ang dami mo kayang stock ng stick-o do'n! Eh dapat kahapon ko ibibigay kasi nga sleepover kayo diba? Eh alam ko namang walang stick-o diyan sa bahay nila Anne." Pagpapaliwanag naman niya't napangiti ako ng bahagya.

Ngumiti naman si Roxanne at halatang-halata ko 'yon dahil namumula na naman yung tenga niya. Ha! Akala niya ah!

"Salamat." Sabi niya habang ngiting-ngiti at kumuha do'n sa stick-o. Tinawanan na lang siya nila Kyle dahil daw sa kabaduyan niya.

"Masarap, dapat pala lagi na lang akong magpadala kanila Anne ng burger nila." Sabi niya sa 'kin. Inirapan ko naman siya't agad na nagsalubong ang kilay niya. "Bakit?"

"Wala, edi magpagawa ka. Che." Pagsusungit ko naman. Tch. Da't pala 'di ko na lang pinatikim.

'Ang possessive mo naman Debbie! Pati si Manang Elsie dinadamay mo!'

"Babe." Tawag niya sa 'kin. "Anong gusto mong regalo sa birthday mo?" Bigla naman niyang tanong sa 'kin.

"Wala gusto ko lang ng masaya na birthday yung buong araw masaya lang ako." Sagot ko naman sa kanya't kinuha ang reviewer na ginawa ko. "Hindi naman ako materialistic na tao, basta nandyan ka lang sa tabi ko masaya na ako." Nakangiti kong sabi sa kanya at nagbasa na ng mga notes.

Hindi na siya nagsalita pang muli ngunit kitang-kita ko na nakangiti siya habang nagbabasa ng libro.

Nag-bell na kaya umakyat na kami, alphabetically ang arrangement ng upuan. Magkakatabi nga sila Roxanne dahil puro nagsisimula sa S ang last name nila.

Nilagay ko naman na dun sa likod ang bag ko at kinuha ang ballpen ko. Pagbalik ko sa upuan ko'y may nakadikit nang isang sticky note.

Agad ko naman kinuha 'yon at binasa.

'Goodluck babe! Ipapasa natin 'to!'

Yun ang nakalagay at napangiti naman ako do'n saka tumingin sa kinaroroonan nila at sakto namang nakatingin siya sa 'kin at agad na kumindat.

Ang gwapo niya talaga kapag kumikindat tapos makikita mo pa na nakangiti siya, kahit na sa simpleng kilos niya lang na 'yon ay nabubuhay na ang sistema ko.

Nakakaramdam ako ng mabilis na pagtibok ng puso ko at napapangiti ng kusa kahit na malayo pa lamang ay nakikita ko na siya.

Alam kong habang tumatagal, mas lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya ngunit hindi ko naman masabi sa kanya na mahal ko siya ng harap-harapan.

Ang pangit kasi ata tignan kapag babae ang nag-first move. Kaya inaantay ko na lang talaga na masabi niya 'yon.

Balak ko din na sana siyang sagutin sa birthday ko! Excited na nga ako sa totoo lang, sa tuwing aalalahanin ko 'yon nabubuhayan ako ng loob.

"Uy! Enriquez!" Tawag sa 'kin nung babaeng nasa harap ko at ini-abot ang test paper sa 'kin. Humingi na lamang ako ng pasensya at pinasa pa ang ibang papel sa likod.

Una pala ang Math namin, mukhang marami na namang magre-reklamo.

-

Natapos ang long quiz namin at lahat kami'y nakahinga na ng maluwag! Ngunit hanggang ngayo'y hindi pa din kami pinapalabas ni Mr. Chan may importante daw kasi siyang sasabihin.

"So guys!" Tawag nito sa atensyon namin at agad naman kaming nakinig sa kanya. Yun ang nakakatuwa kay Sir nakikipag-sabayan siya sa 'min kahit na may asawa na siya.

Mukha siyang batang tignan ngunit may asawa na, ang nakakatuwa pa'y hindi siya gaya ng ibang guro namin na puro aral lamang si sir kasi ay may halong kwela kaya hindi boring sa tuwing magka-klase siya.

"I just want to say na, malapit na ang retreat niyo, by monday you have to submit all your parents consent letter kung papayagan ba kayo o hindi, don't worry kasi nung nag-enroll kayo bayad naman na yan, depende na lamang dun sa iba. Okay? Is that clear?" Sabi ni Sir at tumango naman kaming lahat.

"Second one, nabalitaan ko na may isang manliligaw dito na sinagot na at natanggap na ang matamis na oo?" Sabi ni Sir at agad lumapit kay James napangiti na lang kaming magka-kaibigan dahil do'n.

"Hindi ako nangingialam pero congrats! I hope lang na kaya niyong pagsabayin ang relasyon niyo at ang pag-aaral. Is that clear?" Sabi ni Sir at tinapik-tapik pa si James.

"Yes sir." Sagot naman ni James.

"Ms. Santana paano mo sinagot 'to eh mukha namang puro katatawanan at kalokohan lang ang alam nito?" Biro ni Sir sa kanila ngumiti na lamang si Roxanne sa kanya dahil sanay naman na kami do'n.

"Gwapo eh." Tugon ni James at hinawakan pa ang baba. Yung ibang babae nama'y nakangiti ngunit alam naman ni Roxanne na may gusto ang mga 'yon kay James.

"Humahangin!" Sabi ni Sir at naglakad papunta muli sa harap.

"Okay class and for the Third one, I'm very glad na dito manggagaling ang running for the Valedictorian ang Salutatorian." Masayang sabi ni sir sa 'min.

Panigurado akong matalino talaga 'yon. Hindi naman kasi pinapakita ang ranking ng mga estudyante every quarter dito, sabi ni Anne after daw ng 4th quarter exam lang lagi sinasabi ang official. Pero habang wala pa daw, may candidates naman na agad na sinasabi.

At feeling ko si Dean Ford 'yon, ang katabi ko lagi kapag may exam at nakatabi ko din sa seatplan, lagi kasing matataas ang grade niya kaya feeling ko talaga kasama siya do'n. Siguro running for Valedictorian.

Siya din ang laging pinagseselosan ni Seven dati, dahil lagi kaming nagkwe-kwentuhan. Nacute-an ako sa kanya kasi cute ang mata niya, pero wala akong pagtingin sa kanta hindi gaya ng kay Seven.

Sinasabi ng iba na nerd siya pero para sa 'kin hindi. Isang beses nga'y hindi niya ako pinansin ng isang linggo akala ko galit siya sa 'kin ngunit hindi pala.

Sinabihan siya ni Seven na 'wag akong kausapin, nagseselos daw kasi siya kapag may kausap akong iba, seatmate ko pa daw. Kung pwede nga lang daw ay do'n na siya umupo sa tabi ko hanggang matapos ang school year na 'to.

"Sir! Sino po ang running for Valedictorian ang Salutatorian natin?" Excited na tanong ni Dean sa kanya.

"Our running for salutatorian is you. Dean Ford!" Proud na sabi ni Sir at agad namang napangiti sa sobrang saya si Dean.

"Sabi ko na eh! Congrats Dean!" Pamumuri ko sa kanya.

"Salamat." Hindi mapigilang ngiting sabi ni Dean sa 'kin.

Masaya ako para sa kanya. Grabe! Ang talino niya!

"Eh sir, sino po ang running for Valedictorian?" Tanong naman ni Natasha.

"Excited ah! Haha! I'm proud to say na babae ang Valedictorian natin.." Sabi ni Sir at agad na nagbulong-bulungan ang mga kaklase namin, ako naman ay bago lang din dito kaya wala akong alam.

"This is very unforgettable school year for this school. Because this is the very first time na babae ang nasa running for Valedictorian. Maski si Mr. Principal na Dad ni Kyle eh nagulat din." Sabi ni Sir. Oh? Ibig sabihin puro lalaki ang nasa honor list dito? Ang galing naman no'n.

"Sir sino nga?!" Halatang excited na sabi naman ni Daryll. Kahit kasi na transferees sila dito ay madali nilang naging close ang mga estudyante.

Malamang mga gwapo eh, saan ka pa? Mababait pa! 'Wag mo lang susubukan na galitin.

"It's.. Ms. Enriquez Debbie!" Sabi ni Sir at halos mapanganga ako dahil sa gulat.

Nakaawang pa din ang bibig ko at parang hindi agad kayang tanggapin ng utak ko yung sinabi ni Sir..

"Ako sir?" Naninigurado ko pang tanong.

"Oo Ms. Enriquez! Congratulations! Taasan mo lang yung examination mo! I'm very proud of you!" Sabi ni Sir at halos hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko, ang saya sa pakiramdam!

"Congrats!" Sabi ni Dean sa 'kin at ngiti na lamang ang nasagot ko dahil parang naubusan ako nang sasabihin.

"Congrats!" Bati din sa 'kin nung iba at nagpasalamat naman ako sa kanila. Sila Roxanne din ay pinuri ako at wala talaga akong masabi kundi salamat.

'Sasabihin ko agad 'to kanila mama pag-uwi ko!'

"Oh Mr. Swayze? Wala man lang Congrats diyan? Akala ko ba nililigawan mo si Ms. Enriquez? Ba't hindi mo siya i-congrats?" Panga-asar naman ni Sir kay Seven at umiling-iling na lamang 'to.

"Special yung akin, dapat siya lang makakarinig. Mas sweet kapag gano'n sir. Dagdag pogi points!" Sabi naman ni Seven ngunit hindi na ako tumingin sa kanya. Mas lalo lang ako kikiligin at baka asarin pa nila ako.

Trip pa naman ako lagi ni Sir kapag homeroom namin sa uwian at kaming dalawa ni Seen ang pinagi-intiresan.

"Ms. Enriquez, kelan mo ba sasagutin 'tong si Mr. Swayze?" Tanomg nito kaya halos manlaki ang mata ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko! Ito ang ayaw ko na punto! Ang tanungin kung kelan sasagutin si Seven, hindi ko talaga kasi alam kung anong isasagot ko..

"S-sa tamang panahon sir." Sabi ko na lamang at ngumiti ng bahagya.

"Hindi naman ako nagmamadali Sir, ayos lang sa 'kin kahit matagal basta ako lang ang pagtutuunan niya ng pansin." Sagot naman ni Seven.

"Yieeeeee!" Pangga-gatong naman ng mga kaklase namin maski sila Anne ay nakiki-kilig din sa kanila.

"So Class! Itigil niyo na yan at see you on monday! Goodbye!" Sabi ni Sir at pinalabas na kaming lahat kinuha naman ni Seven yung bag ko ngunit kinukuha ko naman pabalik.

"C'mon, duty ko 'to. Para sa future girlfriend ko." Nakangiti niyang sabi at kumindat na naman! Ano bang meron ngayon at sobra niya akong pinapakilig?! Naka-kain ba siya ng sobrang daming tsokolate?!

"Nakakakaakit ka masyado kapag namumula ka, tara na." Sabi niya't bumaba na kami at dumiretso muna do'n sa bench.

"So half day naman! Saan tayo?!" Bungad ni Gab sa 'min.

"Gusto niyo mag-restaurant?" Suhestiyon ni Anne.

"Nah, nakakasawa na." Sagot naman ni Nastaha.

"Park?" Sabi naman ni Roxanne.

"Masyadong maraming tao, wala din tayong mauupuan do'n." Sagot naman ni Anne.

"Circle?" Saad naman ni James.

"Pangit pumunta do'n kapag tanghali." Sagot naman sa kanya ni Chard.

"Tambay sa bahay ni Kyle?" Wika naman ni Myca.

"Boring do'n." Sagot naman ni Kyle.

"Saan na tayo neto?" Singit ko naman sa kanila.

"Ikaw? May suggestion ka?" Tanong ni Myca.

Nag-isip naman ako kung saan pwede pumunta at may pumasok agad na idea sa utak ko.

"Gutom na ba kayo?" Tanong ko sa kanila at um-oo naman sila.

"Tara sa karinderya!" Sabi ko't parang puro tanong ang utak nila maliban kay Roxanne at Chard dahil alam na nila 'yon.

"Saan?" Tanong ni James.

"May alam ako, and I'm sire magugustuhan niyo do'n. Kaso nga lang, TV lang ang nando'n, pero malaki naman! Masaya do'n no!" Galak kong sabi sa kanila.

"Oh ano pa? Edi tara na!" Sabi naman ni Natasha at pumunta kami sa Carpark.

Sinundan na lang nila kami at nang marating namin ang karederya ay walang katao-tao. Hindi ko alam kung bakit wala masyadong kumakain dito, marahil ay tago? Pero sobrang sarao ng mga luto nila.

"Sure ka dito? Walang katao-tao eh." Tanong ni Anne.

"Magugustuhan niyo promise!" Sabi naman ni Roxanne.

Ako na ang pumauna at binuksan ang pinto at agad na bumungad sa 'min ang apat na servidora.

"Good Afternoon! Welcome 'to Idang's Karinderya!" Sabay sabay nilang sabi, umupo kami do'n sa isang hilera na mahabang upuan. Kahoy-kahoy dito, para kasi siyang makaluma na kainan.

Inabutan nila kami ng Menu nila, at ito ang nakakatuwa dito dahil para din itong isang restaurant.

"Babe.. Uh.. Wala akong masyadong alam dito maliban sa luto mo na Menudo at Adobo. Yun na lang siguro sa 'kin." Sabi niya.

"Ako bahala!" Sabi ko.

Maski sila Anne ay wala masyadong alam dahil madalas ay sa restaurants sila kumakain, dahil syempre anak sila ng major stock holders ng eskwelahan namin.

Lagi ding busy ang pamilya nila kaya wala ding nagluluto sa bahay nila ng gano'n. Mga lutong bahay ang kanilang ibinebenta dito, kaya alam ko namang magugustuhan nila 'yon.

Inorder ko na lahat para matikman nila, kung sakaling ako ang magbabayad ay ayos lang dahil may pera naman ako. Masaya kaming kumain, para bang isang pamilya at marami kaming nakain lahat. Naubos nga namin lahat ng inorder dahil din sa gutom.

Tinuruan din namin silang magkamay sa una ay nakakatawa ngunit natuto din sila, ito daw kasi ang kauna-unahang beses nila na nagkamay.

Matapos naming kumain ay nagkanya-kanya na kaming hugas nahuli nga lang si Seven dahil siya ang huling natapos, siya din ang pinakamaraming nakain sa 'min.

Pinabuksan naman namin yung TV para tumingin-tingin buti na lamang may cable dito. Gusto ko talaga laging tinitignan ay ang fashion and designs, Nando'n kasi si Tricia Morales. Half filipina and korean siya.

Ang ganda nga niya sa totoo lang para siyang anghel kapag ngumingiti. At dahil nga kalahating koreana siya ay maliit ang kanyang mata.

Sikat din siyang model do'n, ang dami nga niyang magazine covers eh, kumpleto ko 'yon! Pinagiipunan ko pa 'yon dahil sobrang ganda niya talaga.

Bumalik naman si Seven at muling umupo sa tabi ko.

"Okay kana?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Ano yan? Fashion TV?" Tanong naman niya.

"Oo, titignan ko lang tuwing ganitong oras kasi pinapakita yung idol ko na model. Ang ganda niya kaya!" Masaya kong sabi.

"Oo nga, maganda talaga 'yon. Lagi naming inaabangan ni Bessy 'yon eh." Singit naman ni Roxanne.

"Edi antayin na lang natin bago umalis!" Sabi naman ni Myca at tumango naman sila Anne.

Inantay naman namin yung commercial at bigla naman nang lumas yung Reese Fashion!

"Ayan na!" Sabay pa naming sabi ni Roxanne.

Pinakita 'yon at mukhang photoshoot 'yon, unang pinakita ang mula sa baba at pataas ng pataas hanggang sa magbago 'yon.

Pinakita na ang mukha niya! Ang ganda niya talaga! Nakasuot siya ng isang fitted black na dress at sinabi niya in the end na bumili ng bagong magazine at natapos na ang fashion day.

May bago palang release! Yes!

"Oh diba? Sa-" Putol kong sabi ng lahat sila'y nakatulala sa at parang nakakita ng multo. Nagandahan siguro kay Tricia.

Maski si Seven ay nakatingin pa din kahit na iba na yung nasa TV. Sabi ko na eh, magagandahan talaga siya.

"May tanong ako.." Sabi ni Myca na gulat pa din hanggang ngayon.

"Ano naman 'yon? Grabe hanggang ngayon tulala pa din kayo, sobrang ganda niya diba?" Nakangiti kong saad.

"Hindi ba, kapag ganyan it means nasa pilipinas siya ngayon? Ang reese kasi diba sa philippines?" Nagtatakang tanong ni Myca.

"Oo! Kaya nga excited akong makita siya eh! Malay mo may signing!" Nakangiti kong sagot sa kanya.

"This can't really be happening.." Hindi makapaniwalang sabi ni Natasha.

"Tara na." Biglang aya ni Seven sa 'min at tumayo na.

"Kaya nga tara na! Next time! Meron pa naman!" Pagsang-ayon naman ni James kaya tumango na lang din kami.

Tahimik kaming lumabas at alam kong may hindi maipaliwanag akong nararamdaman, tahimik din si Seven at nakatingin din sa daan.

"Babe, may emergency kasi pwede sumabay ka muna kay Roxanne?" Sabi niya't tila magmamadaling umuwi.

"Bakit? May nangyari ba?" Nagaalala ko ding tanong.

"Pinapauwi ako agad ni Dad, hindi ko din alam kung bakit." Sagot niya.

"Sige okay lang, ingat sa pagda-drive." Sabi ko naman.

Nang makasakay siya sa driver's seat ay parang may kulang. Hindi siya gano'n kasi na sasakay agad ng hindi ako hinahalikan sa noo bago umalis.

May nangyari naman ng ganito dati pero ito ang kauna-unahang beses na hindi niya ako hinalikan. Ugh! Napa-praning na ako.

Agad niya 'yong pinaharurot at naiwanan akong nakatayo do'n.

"Oh c'mon! Sabay-sabay na tayo! Diba nasa bahay pa yung mga damit niyo?" Sabi ni Anne kaya agad naman kaming sumunod sa kanya.

'Bakit ganun? Iba ang pakiramdam ko? Hindi naman ganito dati ang nararamdaman ko..'

"Bessy. Baba na." Sabi ni Roxanne at do'n lang ako natauhan na nandito na pala kami kanila Roxanne.

"Ay sorry." Sagot ko naman at bumaba na ng kotse.

Halo-halo ang nararamdaman ko, may lungkot, kaba at pagtataka. Naglakad ako papasok ng bahay at agad na umupo do'n sa higaan.

"Deb.. Okay ka lang ba?" Tanong ni Anne sa 'kin at tumabi sa 'kin sa mama.

Ngumiti naman ako bago sumagot. "Okay lang, nanibago lang siguro?" Sagot ko dito.

"Si Seven ba? Diba sabi niya may emergency lang?" Saad naman niya.

"Oo nga, emergency lang 'yon! Napa-praning lang siguro ako, 'di kasi ako nasanay na hindi niya ako hinahalikan sa noo." Sagot ko naman sa kanya at nagiisip ng positibong ideya.

"May tanong pala ako, matagal ka nang fan ni Tricia Angeles?" Tanong niya sa 'kin.

"Oo, ang ganda niya kasi. Tsaka mukhang mabait kaya. Bakit?" Sagot ko naman sa kanya.

"Wala lang, natanong ko lang. Kilala ko kasi siya, pero wala na akong contact sa kanya ngayon eh." Sagot naman niya.

"Sayang naman, pero atleast diba? Nakilala mo at nakita mo ng personal!" Masaya kong saad.

Umakyat na din sila Natasha at nag-movie marathon na lang kami. Pampalipas nang oras lang, matapos no'n ay umuwi na kami sa bahay namin.

Agad akong kumatok sa bahay at walang sumasagot man lang o bumubukas, kumatok muli ako at bumukas naman 'yon at bumungad sa 'kin si mama.

"Anak, buti nandito kana. May surprise si mama sa 'yo." Sabi naman ni Mama sa 'kin at nagmano naman ako.

"Ano naman 'yon mama?" Sagot ko kay mama. "Nasaan pala si tatay?"

"Nasa trabaho, tara sa sala!" Nagmamadali niyang sabi kaya sumunod naman ako sa kanya.

May nakita akong babae na nakatalikod at nakalugay ang buhok na may nakalagay na headphones sa tenga.

Sino naman 'to?

"Anak.." Tawag ni Mama do'n sa babae habang hawak hawak ang kamay ko agad namang tinanggal nung babae ang head phones niya ngunit hindi lumingon. Anak niya? Baka ito yung sinasabi ni mama na ipapakilala niya! Excited na ako!

"Tara." Sabi niya't pumunta kami sa harap niya ngunit nakayuko siya at hindi ko makita ang mukha.

"Trixie, eto nga pala ang kapatid mo si Debbie." Pagpapakilala niya sa 'kin at agad na ini-angat ng babae ang kanyang mukha niya.

Tumingin siya sa 'kin at parang bored na bored ang mukha at medyo mataray ang tingin at nang ma-recognize ko siya ay hindi ako makapaniwala sa nakita ko..

Siya ang kapatid ko?

"Okay." Sagot nito at ibinaling muli ang tingin sa laptop.

Imposible.. Siya talaga ang kapatid ko?

Mas lalong dumami ang mga iniisip ko, siya nga ba? O baka nagmamalik-mata lang ako at puro imahinasyon ko lang 'to?

O baka naman nagha-hallucinate lang ako?!

'Si Tricia Angeles ang kapatid ko?'

TO BE CONTINUED..

Patricia Angeles at the side --->

Here's the update! Sorry delayed! ^.^v Sana nagustuhan niyo! ^.^v Pasensya na talaga guys.

Happy 16k+ reads para sa story kong MU! Malapit na siyang mag 1st anniversary! At dahil diyan, magiisip ako ng pwedeng ipang price at contest! Haha! Yes naman!

Nga pala guys, I just want to promote my new published one-shot story titled "One more time" #ChandaraLoveteam. Haha! Hart hart!

Nasa external link yung one-shot --->

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ^_____^v

THANK YOU VERY MUCH! ^.^v

-Theinnocentskater


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro