Chapter 41: The Press Conference

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

DEBBIE's POV

TINABIHAN ko siya ngunit para lamang akong hangin dahil siya'y tutok na tutok sa kanyang laptop, umalis si mama dahil mamamalengke daw siya at kinailangan namin ng oras upang makapag-usap.

Sinilip ko naman ang laptop niya at may ka-chat siya, mukhang manager niya 'yon, dahil ingles ang ginagamit nilang linggwahe upang mag-usap.

Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan at sa totoo lang ay sobrang ganda niya, ang kinia ng balat, bumagay sa kanya ang maiksi niyang short at sleeveless na pantaas.

Para siyang dyosa, wala kang makikita maski ni peklat man lang sa kanyang balat, walang pimple at walang eyebags, wala siyang make-up kaya litaw na litaw ang ganda ng kanyang mukha.

Maputi pa siya at matangkad kaya bagay talaga sa kanya ang modelling. Hindi ako makapaniwala na siya ang kapatid ko! Ang sarap sa pakiramdam na ang iniidolo ko'y kapatid ko pala!

Noong una ay ayaw ko pa maniwala ngunit ipinakita ni mama ang picture nila kaya naniwala na din ako.

At sinabi din niya na anak talaga siya ni mama. Yung boses niya din, parang anghel! Grabe! Para na siyang perpektong babae!

Ngini-ngitian ko siya ngunit tingin lang ang nagiging tugon niya na maski isang ngiti man lang ay hindi niya magawa.

"Hey! Stop looking at my laptop!" Singhal niya sa 'kin at agad naman akong napasinghap dahil sa taas ng tono ng kanyang pananalita at agad na inilihis sa 'kin ang laptop niya.

"S-sorry." Nautal ko pang sagot saka yumuko. "Ako nga pala si De—"

"You're Debbie Enriquez? Ang anak sa labas ng nanay ko? Tss. Stay away from me." Pag-singit niya't hindi man lang pinatapos akong magsalita.

Hindi ko alam kung maiinis ako o iintindihin ko siya dahil sa sinabi niya, kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya ngunit agad naman niya aking pinagtaasan ng kilay.

Bumuntong hininga na lang ako kahit na nasaktan ako sa sinabi niya, totoo naman kasi na anak ako sa labas? Pero sana naman tratuhin niya ako bilang kapatid niya.

"Alam mo bang idol kita? Ang ganda mo sa personal, bumibili din ako ng magazines mo. Idol ka din nung bestfriend ko." Galak kong sabi sa kanya. Nagbabaka-sakali na baka magbago ang mood niya at umayos 'yon kahit na papa'no.

Mukhang mas lalo ata siyang nawalan ng gana at interes sa kanyang ginagawa dahil kitang-kita ko ang pag-ikot ng kanyang mata at bumuntong hininga.

Sinarado niya ang kanyang laptop at tinanggal ang kanyang headphones saka nilagay 'yon sa gilid niya.

"I don't care! Do you think, I'm interested on what you are saying?!" Iritado niyang sabi at agad na krinus ang kanyang magkabilang kamay at tinaasan ako ng kilay! "I have many fans, I don't care if I lose you and you're pathetic bestfriend. I don't give a damn!" Mas pasigaw pa niyang sabi kaya napayuko na lang ako.

Naiintindihan ko kung galit man siya, sino ba naman ang masaya kung may kapatid ka sa labas at yun pa ang dahilan kung bakit halos masira ang pamilya mo?

Pinipilit ko siyang itindihin sa abot ng makakaya ko, kinailangan ko ng mahaba-habang pasensya dito dahil mukha talagang mataray siya.

Sa tono pa lang ng pananalita niya ay alam ko nang may kinikimkim siyang galit sa 'kin.

Iniisip ko na lamang na ganito lang siya sa 'kin dahil ganito ang sitwasyon namin at hindi siya nagpapakitang tao sa fans niya.

Akala ko mabait, pero hindi pala. Ngunit sa kabila ng pag-iisip ko na 'yon ay nagtatago ang paniniwalang matatanggap niya ang lahat.

"Ate.." Nanlulumo kong tawag sa kanya, gusto ko kasing magkaroon ng kapatid na mas matanda sa 'kin ngunit sa kasamaang palad dati'y namatay ang nakababata kong kapatid.

"Don't you ever call me ate! You're not even my sister! Wala akong kapatid sa labas! Bunga ka lang ng isang pagkakamali!" Sigaw niya't halos magpanting ang tenga ko!

Gusto ko siyang saktan! Sampalin kung maari lang! Hindi naman ata tama 'yon! Naghahalo-halo ang nararamdaman ko, pilit ko siyang iniintindi pero sumo-sobra ang pananalita niya.

'Hinga ng malalim Debbie, hinga. Mahirap pero kailangan mong subukan na tanggapin niya. Kailangan ng mahabang pasensya.'

Bumuntong hininga ako para maibsan ang tensyong nararamdaman ko, ayokong maging pangit ang impresyon niya sa 'kin dahil unang araw pa lang niya dito.

"Where's your room?!" Pasigaw niyang tanong sa 'kin.

"Sa taas." Sagot ko naman.

"Ihatid mo ko dun." Mas malumanay niyang sabi ngunit nando'n pa din ang bahid ng inis.

"Ano namang gaga-"

"Ihatid mo na lang ako! Ang dami mo pang tanong!" Galit na naman niyang sabi at tinignan ako ng masama. "You bring this!" Sabi niya't agad na ibinigay sa 'kin ang laptop niya. Kainis! "'Wag mong gagasgasan yan! Mahal yan!" Sigaw niya pa.

Umakyat naman ako at ng matapatan na namin ang kwarto ko'y agad niya 'yong binuksan.

Mukhang magiging maayos naman kami siguro nito dahil nasa kwarto kami. Agad siyang sumalampak dun sa kama ko at inilagay ko naman sa gilid ng study table ko yung laptop niya.

"Saan ka pala matutulog?" Tanong ko sa kanya at umupo sa gilid ng kama.

"Here! Where do you think will I sleep?! Ugh!" Inis niyang saad kaya agad na napakunot ang noo ko.

Gagamitin niya ang kwarto ko?! Kwarto ko 'to ah?

"Pero kwarto ko 'to." Pangangatwiran ko naman.

"Would you please shut up your mouth?! Just go out! You're too noisy!" Bwisit na bwisit niyang sabi dahil halos mapakamot na siya ng ulo niya.

Saan naman kaya ako matutulog? Maglatag na lang kaya ako ng banig sa baba mamaya?

Sabagay, hindi kasi siya sanay siguro na natutulog sa sofa dahil sikat nga siya't sa malambot na kama siya natutulog.

Tumayo naman ako saka nagbihis ng damit at nilagay do'n sa gilid ng lamesa sa tabi ng kama ang ID ko.

Sinilip ko siya bago lumabas ng kwarto, iniisip ko na sana mabawasan naman ang pagtataray niya, umaas na baka isang araw maging maayos ang lahat.

Sinara ko naman 'yon at bumaba saka nagisip-isip. Nang maburyo ako ay kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinignan kung may nagtext.

Ngunit wala, maski kay Seven na nagsasabi kung nakauwi na ay wala man lang akong natanggap maski blanko lamang. Ano kayang nangyari? May problema kaya? Baka kaya hindi niya ako tinetext kasi malaki yung problema nila? O baka naman may ginawa siyang kalokohan?

Sunod-sunod kong tanong sa isip ko at umiling ako ng ilang ulit saka humiga do'n sa sofa.

'Napa-praning kana Debbie, kung ano-anong tumatakbo sa isip mo!'

Bigla namang nag-ring ang cellphone ko kay agad akong napatingin do'n umaasa na baka si Seven na ang tumawag pero hindi. Imbes ay un-registered number ang nakalagay do'n.

Sinagot ko naman 'yon at agad na bumungad sa 'kin ang malakas na boses ni Ate Julia dahilan para ilayo ko ang telepono sa 'king tenga!

"Sorry! Hihi! Excited lang ako bukas. Anyways, na-ready ko na lahat ng susuotin natin! Hihi! Malay mo makuha kang model sa cosmopolitan! Yes naman!" Masayang sabi ni Ate Julia at agad akong napangiti ng bahagya.

"Grabe ka talaga mambola ate." Natawa ko pang sabi.

"Totoo naman! Ang ganda mo kaya! So ano? Bukas ah? Susunduin naman kita eh!"

"Oo, bukas promise. Ay! Nga pala, pa'no 'yon walang make-up man lang? I mean, ayoko no'n pero diba may gano'n sa photoshoot?" Tanong ko sa kanya, lagi ko kasing nakikita sa backstage videos ni Ate Tricia na mine-makeupan siya.

"Oo naman girl! C'mon, let me handle everything! All you need to do is to rest and breath!"

"Okay." Sabi ko't ngumiti ng bahagya dahil wala naman na akong pro-problemahin. "Nga pala ate, nandyan na ba si Seven?" Nagbabaka-sakaling tanong ko, baka makakuha man lang ako ng balita sa kanya.

"Oo! Yun nga din pala ang dahilan kung bakit ako tumawag! Nag-away ba kayo?" Tanong nito sa 'kin ata agad na nabalot ng pagtataka ang isipan ko't umupo.

"Hindi. Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kasi pag-uwi niya daw sabi ni Chi sa 'kin, nakabusangot daw. Hindi nga daw siya pinansin nung nag-hello daw siya. Tapos parang walang narinig, parang lutang at agad na dumiretso lang ng kwarto." Sagot nito kaya agad akong nakaramdam ng kaba.. Diba sabi niya.. Pinapauwi siya ng Dad niya?

"Eh.. Sabi niya kanina sa 'kin, pinapauwi siya ni tito ng maaga dahil may sasabihin ata sa kanya. Um-oo naman ako kasi baka emergency." Naga-alinlangan ko pang sagot. Bakit? May nangyari kaya sa kanya?

"H-huh?" Halos mautal pa niyang sagot. "S-sige ako na ang bahala, kakausapin ko na lang siya. S-siguro nga p-pinapauwi siya kanina ng maaga. Sige ah? See you na lang bukas! Bye!" Suno-sunod pa niyang pag-uutal kaya parang dismayado pa 'ko. Mukha kasing hindi siya sigurado sa kanyang sinabi.

"Sige ate, pasabi na lang sa kanya na itext ako mamaya." Sabi ko't ibinaba na ang telepono.

Bumuntong hininga pa ako matapos no'n at ang dami na namang tanong ang dumagdag sa isipan ko.

Bakit naman gano'n ang sinabi ni Chi? May problema kaya siya? Siguro naman sasabihin niya sa 'kin 'yon..

'Ugh! Tama na yan Debbie! Napa-praning ka na naman.'

Umiling ako ng ilang beses saka dumiretso ng kusina at uminom ng isang basong tubig. Ilang beses na umisip ng magandang alaala ngunit nababalot ng pangamba ang aking puso.

"Nak." Biglang tawag sa 'kin ni mama at hinawakan ako sa balikat at agad akong napasinghap. "Ang lalim ata ng iniisip mo?" Dagdag pa nito saka nilagay sa lababo ang pinalengke niya.

Mukhang 'yon ang uulamin namin ngayong gabi, may nakita akong ilang gulay at karne.

"Ang dami mo atang biniling pagkain ma?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre naman, espesyal na araw 'to para sa 'kin. Nabuo yung pamilya natin at kilala mo na ang kapatid mo. Kaso yun nga lang, hindi niya makikilala ang ama mo dahil hindi nga daw siya uuwi." Pagsasalaysay nito habang nakangiti pa't nilinis ang baboy na kanyang binili.

"Ma, ako na diyan sa gulay. Mukhang alam ko na ang lulutuin niyo." Pagpe-presinta ko't kinuha ang sitaw, kalabasa, talong at iba pang sahog.

"Mukhang parehas tayo ng iniisip nak! Paborito din kasi ni Trixie yan, at saka magluluto ako ng Adobo, paborito niya din kasi 'yon." Kita ko ang saya sa kanyang mga mata, na makita ulit ang kapatid ko. Ako din naman masaya na makilala siya. Mas lalo pang nakakatuwa na ang iniidolo ko ay kapatid ko pala.

Masarap sa pakiramdam ngunit alam ko naman na may kaakibat 'to. Syempre, isang sikat na modelo ang kapatid ko, at alam ko naman na hindi kalakihan ang bahay namin kaya alam kong hindi siya sanay tumira sa ganito.

"Ma, nga pala. Saan matutulog si Ate?" Tanong ko sa kanya habang naghihiwa ng kalabasa.

"Sa kwarto namin ng ama mo, 'di naman uuwi si tatay mo eh. Dito na lang ako sa baba. Malaki naman yung sofa." Sagot ni mama sa 'kin.

"Nako, 'wag na ma! Dun na lang siya sa kwarto ko, malaki naman po 'yon eh." Sagot ko naman sa kanya. Nakakahiya kasi na si mama pa ang matutulog sa sofa.

"Mukhang malapit na kayo sa isa't isa ah? Saglit ko lang naman kayo iniwan. Maganda yan." Masayang sabi ni mama at hindi na lamang ako sumagot. "Kasya ba kayo dun sa kama mo?" Tanong nito sa 'kin.

"O-opo naman ma, saka po m-mabait naman si ate." Pagsisinungaling ko. Ayoko kasing problemahin pa ako ni mama, mukhang masaya pa naman siya dahil nga dumating si Ate.

"Ganun ba? Oh sige." Sagot nito sa 'kin at umupo do'n sa kaharap ng upuan ko. "Nga pala, nasaan siya?"

"Nasa taas ma. Natutulog. Mukhang pagod po eh." Sagot ko.

"Siguro may jetlag. Ay ma! Alam niyo po bang, running for valedictorian ako?" Masaya kong pagpapahayag sa kanya.

Agad namang nagliwanag ang mukha niya saka sumagot. "Talaga anak? Congrats! Ang talino mo naman! Ang galing ng anak ko!" Masaya nitong sabi ata agad na lumapit sa 'kin at niyakap ako. Niyakap ko din siya at agad niyang hinaplos ang buhok ko.

"Ang galing mo naman nak. Proud si mama sa 'yo. Nasabi mo na ba sa tatay mo yan?" Tanong niya sa 'kin.

"Salamat ma. Hindi pa nga po, siguro pag-uwi na lang po niya." Sagot ko naman.

"Tama! I-surprise na lang natin siya!" Galak nitong saad.

Nagkwento ako tungkol sa mga pangyayari sa school namin hanggang sa napunta ang usapan namin sa 'min ni Seven. Inamin ko naman na hindi pa talaga kami at maganda naman daw 'yon dahil makikilala namin ang isa't isa.

Nakakatuwa na kahit sa maiksing panahon ay nagiging magaan ang loob ko kay mama, nakakapagsabi ako ng mga nararamdaman ko.

Sinabi ko din yung nangyari kanina ngunit 'wag daw akong magpapadala sa mga iniisip ko dahil do'n daw nagsisimula ang away.

Naisip ko namang tama 'yon dahil baka magkatotoo at bigla naming pag-awayan 'yon. Sinabi ko din yung sa photoshoot bukas at sasabihin nga daw niya 'yon kay Ate mamaya.

Syempre model ang ate ko, kaya alam daw niya ang mga taste sa fashion ng mga tao at baka sakaling maging model din ako.

Natapos kaming magluto at umakyat naman ako upang tawagin si Ate upang kumain. Kinatok ko muna siya dahil baka may ginagawa siya at makaistorbo ako.

"Ate.." Tawag ko pang muli saka kumatok.

"What?!" Sigaw niya't binuksan ko na lamang ang pinto.

"Kakain na daw. Tara na, nagluto si mama ng paborito natin." Nakangiti kong tawag sa kanya.

"Tss. It's not our favorite. Sa 'yo lang 'yon. Close the door. Bababa na lang ako." Pagsusungit niya sa 'kin, isasara ko na sana ng bigla naman niya akong tawagin. "I'll talk to you later about certain things." Seryoso niyang sabi kaya tumango na lamang ako.

Bumaba naman na ako't nando'n na at nakahanda na ang mga plato, sinabi ko namang susunod na siya at ilang sandali ay bumaba na siya.

"Kain na tayo 'nak! Niluto ko ang paborito mo. Diba gustong-gusto mo ang Adobong baboy at Pakbet. Parehas kayo ng paborito ni Debbie para kayong kambal!" Masayang sabi ni mama at lalagyan na niya sana ng kanin si Ate sa plato ng bigla niyang kunin 'yon at ang sandok na nasa kamay ni mama.

"I can eat with my own." Seryoso nitong sabi at mukhang napahiya naman si mama kaya itinigil na lamang niya 'yon. Kitang-kita ko sa mukha ni mama ang lungkot ngunit agad niyang pinawi 'yon saka ngumiti.

"Anak oh, kain kana." Sabi ni mama at nilagyan niya ng kanin ang plato ko, noong una'y nailang pa ako dahil hindi naman ako sanay.

Sinabi ko nga na huwag na, ngunit hayaan ko man lang daw siyang gawin ang hindi niya nagawa noon sa 'kin. Nagpatuloy naman kami sa pagkain, tanong naman ng tanong si mama sa kanya ngunit maikli lamang ang isasagot niya dito, kundi naman ay tatango lamang at iiling.

Ayoko namang sumingit at kahit papano'y may nalalaman ako sa kanya. Baka kasi kung sakaling magtanong ako, baka bigla lamang siyang magtaray at marinig pa ni mama.

Ayaw ko namang mangyari 'yon kaya mas ginusto ko na lamang ang manahimik. Napansin ko din ang malakas niyang pagkain ng hinanda ni mama.

Marahil ay paboritong-paborito niya talaga 'to dahil madami siyang nakain. Maski din naman ako ay madami din ngunit natutuwa akong makita na kumakain siya ng malapitan.

Matapos naming kumain ay dumiretso na sila ni mama sa sala dapat kasi'y si mama ang maghuhugas ngunit ako na ang nag-presinta. Ayaw namang maghugas ni Ate dahil daw masisira ang nail polish niya.

Naiitindihan ko naman 'yon dahil may interview daw siya bukas at sa linggo para sa launching nung magazine niya.

"Anak, pwede mo bang pahiramin si Debbie ng mga damit mo? May photoshoot kasi siya bukas." Tanong ni mama ngunit rinig ko naman 'yon, tapos na din naman kasi akong maghugas at papunta na sa sala.

"What? Photoshoot? Are you kidding me mom?" Sabi niya't halos matawa pa. "Bakit kailangan kong ipahiram sa kanya? Duh, kaya nga siya nag-photoshoot kasi may damit siya!" Mas lalo pa niyang pagsusungit kaya umiwas na lamang ako ng tingin.

"Trixie, stop treating her like that!" Mataas na tonong sabi ni mama sa kanya.

"And why? Tss. She's not even my sister! Duh! Pinilit mo lang naman akong mag-stay dito! I don't like here! Can you see mom?!" Inis na sabi nito kay mama kaya agad akong napalingon sa kanila't hinaplos sa balikat si mama at ngumiti sa kanya. Senyales na ayos lang ako.

"Okay lang, susunduin naman ako mama ni Ate Julia bukas, saka siya naman na daw ang bahala sa damit ko." Mapait kong sagot sa kanya at ngumiti ng bahagya upang maibsan naman ang nararamdaman ni mama.

"Duh! Ano ka pulube at ibang tao pa ang bahala sa damit mo? Tss. Pathetic!" Mas lalo tuloy akong nainis dahil sa sinabi niya!

Ayoko lang na magkagulo at hindi maging maganda ang tulog ni mama kaya ayokong sumagot!

"Alam mo ate, kung wala kang matinong sasabihin manahimik ka na lang." Mahinahon kong sabi sa kanya at tinignan siya sa mata.

"Ugh. Whatever! I'll go to sleep na!" Sabi niya't padabog na umakyat ng hagdan at bumuntong hininga na lamang ako saka umupo.

"Sorry anak, siguro dahil lang sa pagod niya sa byahe kaya niya nasabi 'yon." Paghihingi ng despensa ni mama.

"Okay lang ma, siguro nga dahil dun lang." Sabi ko'y ngumiti ng bahagya.

"Matutulog na ako anak ah? Tabi naman kayong matutulog diba? Malaki din naman ang kama mo do'n kaya magkakasya kayo, mabuti na lamang at nilinis ko din 'yon kanina." Nakangiting sabi ni mama at agad akong hinalikan sa pisngi.

"Sige ma, aakyat na din ako. Goodnight po." Sabi ko naman at umakyat na si Mama.

Umakyat naman din ako at nakita ko si Ate na nakaupo at mukhang nagbabasa ngunit hindi ko na lamang siya pinansin at kumuha ng damit sa drawer ko.

Nag-half bath naman ako at matapos ay nagpatuyo ng buhok, buti na lamang ay dalawa ang electricfan do'n.

Hindi naman niya ako pinapansin kaya ayos lamang sa 'kin 'yon, kinuha ko naman yung isang kumot do'n at kukunin na sana ang isang unan ko.

"Hey! Bakit mo kinukuha yan?!" Inis na naman niyang sabi sa 'kin.

"Sa baba ako matutulog, ayaw mo kasi ng katabi diba? Kinukuha ko lang 'to kasi wala akong unan." Mahinahon ko namang pahayag at ayaw kong makipagtalo sa kanya.

"Don't get that! Just go down! May nakita ako do'n! Yun ang gamitin mo!" Sabi niya't hindi ko na lamang kinuha yung unan.

"Hey!" Tawag pa niya sa 'kin bago lumabas.

"Oh ano! May kailangan ka pa?! Hindi ko na nga kinuha yung unan eh!" Iritado kong saad sa kanya, kanina pa ako nababanas sa kanya!

"Don't shout at me! You don't have the right to do that!" Saad niya't tinignan ako sa mata ng masama na para bang ginagamit niya 'yon upang matakot ako!

"Bakit?! Sino din ba ang nagbigay ng permiso sa 'yo para sigawan mo ako?" Sagot ko sa kanya at hindi na siya sumagot bagkus ay bumuntong hininga na lang siya't umirap.

"I'll just ask certain things." Kalmado na niyang tanong at nakita ko ang pagbabago sa mukha niya. Mas naging mas maaliwalas hindi gaya kanina.

Lumapit naman ako sa kanya't umupo do'n sa dulo ng kama.

"Pwede ka naman palang kumalma, ang sungit-sungit mo pa." Sabi ko't humiga do'n sa kama. "Bakit ba?"

"You're studying in Schidmt University?" Tanong niya sa 'kin.

"Oo. Paano mo nalaman?" Sagot ko naman sa kanya.

"I saw on your ID. Do you know John Steven Swayze?" Tanong niya't kaya halos mapadilat ako do'n!

Hindi ko alam kung bakit hindi agad ako makasagot, kinabahan ako sa 'di maipaliwanag na dahilan. Paano niya nakilala si Seven? Bakit naman niya natanong si Seven?

".. And also his friends? Sila James Cooper, Kyle Schidmt and Gabriel Osborne?" Dagdag pa nitong tanong kaya mas lalo akong nagtaka.

'Paano niya nakilala sila James? Eh sa korea siya nakatira? Alam ko 'yon dahil binabasa ko ang ilang articles pa-tungkol sa kanya..'

"O-Oo. K-kilala ko sila bakit?" Halos mautal ko pang sagot sa kanya at hindi ko man lang siya magawang tignan.

Parang sa pagkakataon na ito, nanghina ako. Hindi ko siya kayang tignan dahil nababalot ng mga katanungan ang utak ko.

"You're in the same school year right? Mag-kaklase ba kayo?" Sunod-sunod niya tanong.

"Kaklase ko sila, actually kaibigan ko silang lahat." Sagot ko sa kanya.

"What?!" Hindi makapaniwala niyang sabi at tinignan ako.

"Oo nga. Mag-kaklase kaming lahat. Wait, bakit mo ba tinatanong? At bakit mo sila kilala? Hindi ka naman taga Pilipinas ah?" Sunod-sunod ko ding tanong sa kanya. Hindi ko mapigilan, naghahanap ako ng sagot.

"You don't know all about me. You're just one of my fan. But you don't know about my life." Seryoso niyang sabi sa 'kin at nakaramdam ako ng pagka-dismaya dahil do'n, hindi niya sinagot ang tanong ko.

"I'll sleep now. Go down and sleep." Sabi niya't bumaba naman ako. Ano naman kasi ang gagawin ko do'n diba?

Hindi matanggal sa isip ko na kilala niya sila Seven. Paano nangyari 'yon? Edi dati pa silang magkakilala gano'n?

May konekto ba 'yon sa sinabi ni Anne kanina na kilala daw niya at nakita na daw niya ng personal si Ate?

Umiling-iling na lang ako at hindi na inisip 'yon, saka nagkumot at natulog.

-

"Nak, gising na.." Panggi-gising sa 'kin ni mama habang natutulog sa sofa. "Bakit ka dito natulog? Akala ko ba tabi kayo ng ate mo?" Tanong niya sa 'kin at umupo naman na ako.

Ala sais na pala, susunduin pala ako ng alas siete ni Ate Julia.

"Nakatulog na kasi si Ate, ayaw ko naman siyang istorbohin kasi nga pagod po siya sa byahe." Pagsisinungaling ko na lamang saka tumayo.

"Ah ganun ba? Sige. Gigisingin ko na ang ate mo para makapag-almusal." Sabi niya't tumango naman ako, naghilamos at nagmumog saka nagtimpla ng kape.

Bumili pala si nanay ng tinapay, kaya inantay ko na lang silang makababa.

"Good morning ate." Bati ko naman sa kanya at hindi naman niya ako pinansin at kumuha ng tinapay at mayonnaise.

Nagtimpla naman ng kape si nanay kaya kumain na kami. Si ate naman ay tinapay lang, syempre model, iniingatan ang katawan niya.

"Saan pala yung photoshoot niyo?" Tanong ni mama sa 'kin.

"Hindi ko po alam eh. Basta si Ate Julia na daw ang bahala." Sagot ko naman sa kanya.

Matapos naming mag-almusal ay dumiretso ako sa sala, tinignan ang phone ko pero wala pa din maski isang text galing kay Seven.

Ganun ba kalaki ang problema niya't hindi na niya ako magawang i-text?

Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa mga konklusyon na naglalaro sa isipan ko.

"Hindi ka mahal niyan, niloloko ka lang niyan for sure." Sabi ni Ate at ngumisi pa sa 'kin.

Hindi ko na lamang siya pinansin at umakyat ng kwarto. Naligo naman ako at nag-ayos ng sarili, konting pulbo lang naman ayos na eh.

Matapos no'n ay narinig ko na lamang na may bumusina sa tapat ng bahay namin, marahil ay si Ate Julia 'yon. Kinuha ko naman na yung bag ko at bumaba na saka dumiretso ng pinto.

"I'll go up. Don't you dare to call me." Nagmamadaling sabi ni Ate at agad na umakyat sa kwarto.

'Ang weirdo niya pala kapag nakilala mo.'

Agad ko namang binuksan ang pinto at nakitang siya nga 'yon kaya agad naman akong lumapit kay mama.

"Ma, siya nga pala po ang ate ni Seven, si Ate Julia." Pagpapakilala ko sa kanya.

"Magandang umaga iha." Bati ni mama sa kanya.

"Magandang umaga din po." Sagot naman ni Ate.

"Ikaw pala ang kapatid ni Seven, ang ganda ng lahi niyo. Gwapo ang batang 'yon at ang ganda mo naman." Sabi ni mama at ngumiti naman si Ate Julia. Grabe talaga, napuri na naman!

"Sige po, alis na kami baka mahuli po kami eh. Ibabalik ko na lang po siya." Sabi ni Ate Julia.

"Oh sige, mag-ingat kayo ah? I-enjoy mo lang 'yon anak!" Sabi ni mama at ngumiti naman ako.

Nagpaalam na ako saka kami naglakad papunta sa kotse at sumakay ako do'n sa passenger seat at nagsimula na siyang mag-drive.

"Diba Deb.. Patay na ang nanay mo? Ba't nanay mo din 'yon? Ang gulo." Naguguluhang tanong ni Ate Julia.

"Yung dati kong nanay na si Mama Kristina, hindi pala siya ang totoo kong nanay. Kundi yung nakita mo kanina na babae. Si Nanay Dianne." Pagpapaliwanag ko naman at na-gets naman daw niya agad.

"Excited na ako! Swear bagay talaga sa 'yo yung binili kong damit! Hihi! Ang lakas kaya ng radar ko about fashion!" Excited na sabi ni Ate Julia.

"Maski ako eh, medyo nahihiya nga lang ako kasi hindi naman ako sanay dito." Sagot ko naman sa kanya at ngumiti. "Nga pala, kamusta na si Seven? Hindi pa din kasi siya nagte-text sa 'kin eh."

"A-ah, kasi.. Hindi ko siya napuntahan kagabi, ayaw niyang buksan yung pinto.. Ayaw ko namang makagulo sa iniisip niya.. Mukhang malaki ang problema no'n dahil hindi naman ganun 'yon." Sagot ni Ate Julia kaya agad akong nanlumo.

"Okay lang kaya siya? Mamaya mapano na 'yon, naga-alala na kasi ako eh. Pwede pag-uwi natin mamaya daan muna tayo sa inyo? Okay lang kahit na 'wag mo na akong ihatid pauwi ng bahay. Kaya ko naman eh, basta daan lang tayo sa inyo." Sabi ko sa kanya. Nag-aalala lang naman ako, wala namang masama do'n.

"Sige, baka lumabas na din ng kwarto yo'n baka may dinadamdam lang kaya gano'n." Sagot niya sa 'kin at nag-drive na siya.

Tahimik naman ako't naglaro na lamang sa cellphone upang pampalipas oras, mahaba-habang araw pa 'to.

PATRICIA's POV

I'm back to the philippines. Pero kasabay no'n ang halo-halong nararamdaman ko, natatakot, kinakabahan at nate-tense.

Ayoko talaga kay Debbie, I hate her very much! Dahil kasi sa kanya, nag-hiwalay ang mom and dad ko! Palibhasa kasi, anak sa labas!

But I admit that she's pretty but I'm prettier than her. Model kaya ako! Duh! Nakakainis pa, maka-tawag siya ng ate akala niya kapatid ko siya at close kami. Duh. Tss.

Kahit kelan ata 'di ko siya magugustuhan, ang dami kong kinaiinisan sa kanya. Baka nga plina-plastic lang ako no'n, nagbabait-baitan! Tch!

Ang dahilan ko lang din naman kaya ako bumalik dito ay dahil sa Reese Magazine, marami pa akong Press conference na pupuntahan kaya 'di ko din makikita yung lecheng kapatid ko sa labas.

Isa pa, bumalik ako para kay Steve.. Kay John Steven Swayze. Hindi ko naman talaga siya iniwanan, ginawa ko lang 'yon para sa 'ming dalawa at para sa pangarap ko.

Hindi pa kami break kaya alam kong may babalikan pa ako, gagawin ko ang lahat para lang mabalik siya sa 'kin.

Alam kong mahal na mahal pa din niya ako dahil base sa nabalitaan ko walang tumagal sa kanya, nilandi niya lang lahat at ako pa din ang mahal niya.

Lahat ng naka-MU niya ay hindi tumatagal, wala din siyang girlfriend kaya alam kong ako pa din ang mahal niya. Walang iba, kundi ako lang.

Pero kahit gaano ako ka-sigurado do'n ay nilalamon pa din ako ng takot sa sarili ko. Kagaya kanina, nang sunduin ni Ate Julia si Debbie, hindi ko kayang buksan yung pinto dahil nga natatakot ako.

Close pa ata sila, kasi sinundo pa siya. Eto namang kapatid ko sa labas, napaka-feeling close! Duh, magpho-photoshoot tapos hindi prepared?! Duh! Sabagay, mahirap kasi. Tch.

Isa pa 'tong si mom, hindi ko alam kung bakit pa niya binalikan yang si Debbie! Ugh! Masaya naman kami sa korea eh, simula lang nung namatay si Dad after ilang months bumalik na siya ng Pilipinas!

Tapos, pipilitin niya akong tanggapin si Debbie at ang dad niya! Duh! Gusto ko nang bumalik sana ng korea after the press conference at launching ng magazine but I have my another mission.

To win Steve back.

Alam kong magiging mahirap ang sitwasyon ko, 'di pa siguro nila alam na nakabalik na ako ng Pilipinas dahil sa limited channels lang naman pinapalabas yung video ng magazine.

After several hours, I take a bath dahil nga may Press Conference pa ako. Tinatawagan na nga ako ng manager ko dahil hindi naman niya alam kung saan ako nakatira.

Duh, sasabihin ko bang sa isang up and down na bahay lang ako nakatira? Sa isang maliit at masikip na bahay?! Duh! Ew!

Buti nga naman at malinis siya sa kwarto at CR niya kundi ay mapipilitan na talaga akong lumipat ng condo, pinilit lang naman kasi ako ni Mom, nakakainis!

Wala pang aircon, napaka-init! Ugh. I hate everything in this house! Especially the people staying here!

"Trixie, where are you going?" Biglang tanong ni mom sa 'kin ng makita niya akong pababa ng hagdan.

"May press conference ako, about the magazine. Do you want to come with me?" Tanong ko sa kanya, kahit papa'no naman ay naging close kami ni mama, mahal ko naman siya. Pero sa tuwing makikita ko yung anak niya sa labas ay naiinis talaga ako!

Dahil din kasi sa kanya kaya muntik nang masira ang pamilya ko! Malas siya para sa 'kin! Fan ko pa? She doesn't belong to my fan!

"No. Walang magbabantay dito sa bahay, papanoodin ko na lang sa TV incase that you're there." Sagot naman ni Mama. Kaya napabuntong hininga na lang ako, sikat naman siya sa korea dahil nga mom ko siya.

Naging actress din siya do'n kaya parehas kaming sumikat. But then, she quitted being an actress to support and take care of me.

Kahit kelan talaga hindi ko siya magawang tiisin, kahit na naiinis ako, nagagalit ako. Wala, lilipas ang ilang oras, okay na. Parang walang nangyari kaya kapag naiinis ako kay mama kapag inaasar niya ko dati. Matatawa na lang kami pagkatapos.

Nami-miss ko tuloy yung dating kami. Yung masaya, buo ang pamilya, yung kami lang ang iniintindi ni mom. Pero hindi na mauulit 'yon, wala na si Dad.

Okay lang sana kung kaming dalawa na lang ni momang magkasama eh, hindi ko alam kung bakit kinakailangan pa niyang balikan yang anak sa labas niya! Kainis!

"I'll go na mom." Sabi ko't sinuot na yung shades, mahirap na baka mamukhaan pa ako dito.

"Ingat ka trixie. I'll watch you don't you worry." Sabi ni mom, hinalikan ko naman siya sa pisngi bago lumabas nang bahay.

Ngumiti naman siya sa 'kin bago pa ako makalabas ng bahay, mabuti na nga lang ay may garahe sila dito, kahit na maliit ang bahay nila. Tch.

Kanina pa nga ako tinatawagan ng manager ko at tinatanong kung bakit hanggang ngayo'y wala pa din ako.

Sinabi ko naman na paalis na ako at nasa byahe na 'ko. Habang tinatahak ko ang daan ay maluwag naman ang daloy ng trapiko.

Akala ko'y aabot ako dahil 5 seconds na lang ang natitira at maggre-green na ang ilaw para sa kanan pero nagkamali ako.

Akala ko'y mabubunggo na ako ng biglang prumeno ang nasa kanan ko! Napapikit na nga lang ako dahil baka pagalitan na naman ako dahil late akong makakadating sa Press conference.

"Hey miss!" Sabi nung lalaki habang kinakatok yung bintana ng kotse ko.

Agad naman akong lumabas upang makipag-ayos sa kanya, mainit pa naman ayokong naiinitan ang balat ko! Tch!

"Alam mo bang hindi ka aabot tapos dumiretso ka pa rin?! Magpapaka-matay ka ba?! Tsk!" Inis na saad ng lalaking naka-vneck at naka-shades kaya medyo nailang ako.

Pakiramdam ko'y nakita ko na siya at may kamukha siya kundi ako nagkakamali pero parang hindi naman.

"Look, may conference akong kailangan puntahan!" Sabi ko sa kanya't aalis na sana ng bigla niyang higitin ang kamay ko. "What?!"

"You're going to a conference?! Hindi ka man lang marunong mag-sorry?!" Banas na sabi niya sa 'kin kaya agad ko naman siyang tinaasan ng kilay!

"Yes I am. Then, fine sorry! Okay na?!" Inis ko namang sabi sa kanya.

"Tch, akala mo maganda. Umarte ka ng naayon sa ganda mo miss." Sabi niya't kayang mas lalong uminit ang ulo ko.

"What the?! I'm pretty you know! Model ako!" Pagmamalaki ko sa kanya't tinanggal ang shades ko!

Mukha naman siyang nagulat at lumuwag ang pagkakahawak sa kamay ko. Kita ko ang pamumutla ng bahagya ng kanyang mukha kahit na maaraw.

"Ano nagandahan ka no?! For your information, I'm Patricia Angeles! See? Tulala ka!" Pagmamalaki ko sa kanya, saka siya inirapan.

"Y-you're b-back." Halos mautal niyang sabi kaya aga na nagsalubong ang kilay ko.

Tinanggal niya ang shades niya at tumingin sa 'kin, tama nga ako. Siya nga!

"B-brandon?" Halos manlumo kong sabi ng makita ko siya, napa-atras ako ng konti at napakurap pa ng ilang beses.

Naramdaman ko ang kaba ng makita ko siya, baka sabihin niya na nandito na 'ko.. Mahirap na.

"I h-have to go!" Nagmamadali kong sabi at umalis at agad na sumakay ng kotse at iniwanan siyang nakatayo do'n.

Mabilis pa ding tumitibok ang puso ko ng makita ko siya, nakita ko siya sa Korea pero nalaman kong umalis na sila't bumalik ng Pilipinas.

'Hindi niya pwedeng sabihin 'yon at alam ko namang hindi niya sasabihin 'yon dahil magkaka-gulo lang.'

Nang madating ko ang lugar ay 5 minutes akong late. Hindi naman nagalit masyado ang manager ko at agad akong pinaupo do'n sa upuan.

Matapos ng kanilang introduction ay agad naman nila akong krinong-gratulate ng mga media dahil sa tinahak kong karera sa pagiging modelo.

"So. Ms. Angeles, balita namin you're staying here for a long time?" Tanong ng isang reporter.

"Yes. I want to stay here in the Philippines, to have a time for my self also." Sagot ko saka ngumiti. Ganito talaga sa showbiz kinakailangan mong ngumiti kahit na ayaw mo.

"So how long will you stay here in the Philippines?" Tanong naman nung isa.

"Maybe 5 months? I don't know. Maybe I will take too long to stay here." Tugon ko naman dito.

"So how's working for the Reese?"

"It's unforgettable experience foe me and the best magazines I've ever tried." Wika ko saka sila sumunod na nagtanong sa manager ko.

Tumingin naman ako sa paligid. Sunod-sunod ang flash ng camera, inikot ko ang mata ko sa lugar na 'yon hanggang sa tumigil 'yon sa lalaking nakatayo sa kaliwang parte at nakasandal sa pader.

Mabilis na tumibok ang puso ko at parang tanging siya lamang ang nakikita ko. Gano'n pa din ang tindig ng pangangatawan niya.

Gwapo pa din, ngunit mas gwapo siya ngayon, nakasuot ng polo at pants. Nagkatitigan kami sa isa't isa.

Napalunok pa ako dahil baka sakaling guni-guni ko lamang 'to ngunit hindi. Siya talaga 'yon, ang lalaking mahal ko nanonood sa 'kin. Si.. Steve.

Ngumiti siya kaya agad akong napangiti pabalik, marahil ay nalaman na niyang nandito ako sa Pilipinas.

Sabi ko na ba, tama ako. Mahal pa din niya ako. Dahil kung hindi ay hindi naman siya pupunta dito.

Nagkatitigan kaming dalawa at ngiti lamang ang naging tugon namin sa isa't isa. Nakakamiss na makita muli ang matamis niyang ngiti na gaya ng dati.

Gusto ko siyang hagkan, lapitan at halikan ngunit magkakagulo at pagkakaguluhan lamang siya ng maraming tao.

"So, Ms. Angeles. We heard that you're also back here in the Philippines because of a guy. Is that true?" Tanong nung isang reporter.

Hindi ko alam kung isasagot ko pero nandito naman siya, siguro tama din naman sabihin ko't habang nakatingin siya sa 'kin.

"Yes. I'm staying here also for the guy I love." Sabi ko't tumitig sa mata niya habang sinasambit ang tugon ko do'n sa nagtanong.

Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ng mata niya at ng kanyang mukha dahil kakaiba ang tingin niya sa 'kin.

"Can we know he's name Ms. Angeles?"

"No. I'm sorry. But he knows how much I love him." Sagot ko't masasabi kong ang ngiting namuo sa labi ko lamang ang naging totoo para sa press conference na 'yon.

"Do you have any message for him?"

"Yes." Excited ko pang sabi. "You know how much I love you, how much I want to be with you and I'm back. I'll take any risk just to be with you. I love you." Saad ko. Alam kong magiging mahirap pero kailangan kong kayanin para bumalik siya sa 'kin.

Natapos ang conference ngunit imbes na matuwa ako pagkatapos ay parang nabalot ng kaba ang puso ko, nakita ko siyang umupo do'n sa upuan. Marahil ay iintayin ako.

Hindi man lang ako nakapag-handa para sa araw na 'to, isang iglap bigla na lamang siyang nagpakita.

Pinauna ko na ang manager ko't sinabi kong susunod na lamang ako.

Kaming dalawa ang natira mula do'n ngunit pakiramdam ko'y napaka-init ng paligid, pakiramdam ko'y ang maluwag na lugar na 'yon ay napakasikip sa 'ming dalawa.

Nagpakawala ako ng buntong hininga, inayos ang sarili ko bago lumapit sa kanya, ayokong maging pangit sa paningin niya.

Dahan-dahan akong naglakad, ngunit gano'n man ay binabalot ng takot ang kaba ang puso ko, pakiramdam ko'y sobrang layo niya sa 'kin at malayo pa ang lalakarin ko papalapit sa kanya.

Mas lalong hindi ko alam kung paano ako magsisimula at kung ano ang sasabihin ko.

Nang makalapit ako sa kanya'y agad ko siyang tumayo at nakatingin lang sa 'kin, amoy na amoy ko ang pabango niya. Calvin Klein pa din ang gamit niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya agad ko siyang niyakap ng sobrang higpit.

"I miss you Steve." Masayang sabi ko ngunit wala siyang naging tugon, ayos na sa 'kin na mayakap ko siya ng ganito kahigpit.

Ngunit naramdaman ko ang dahan-dahan na pagyakap niya sa 'kin kaya mas lalo akong natuwa at nakaramdam ng kilig.

 "I m-miss y-you too." Sagot niya sa 'kin at parang wala na akong narinig kundi yun lamang.

Hindi ko din inaasahan ang naging tugon niya sa 'kin, kinilig ako sa totoo lang, tono pa lang ng pananalita niya nakakakilig na.

Mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit dahil sa sinabi niya. Nakakagaan ng pakiramdam sa totoo lang.

Humiwalay naman ako atsaka siya tinignan sa mata niya at ngumiti, ang sarap niyang titigan ng malapitan para kang nakakita ng perpektong lalaki..

"We need to talk." Sabi niya't tumango naman ako.

'Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Ito na ba ang tamang panahon para makapagpaliwanag na ako? O baka ito na ang matagal na hinihintay ko?'

 TO BE CONTINUED..

Here's the update! ^.^v Napaaga ata? Lol.

Guys! Nasa external link yung link ng page ko. XD Feeling famous e no? Anyways, I like niyo na lang para malaman niyo kung kelan ako magu-UD and for other important news. Lol. Haha!

Sana mabasa niyo yung ginawa kong One-shot na "One More Time" one of my heartbreaking story. Thank you!

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ^____^

THANK YOU VERY MUCH! ^______^

-Theinnocentskater.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro