Chapter 44: Vulnerable

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

(A/N: I-play niyo lang yung nasa Multimedia, yan ang favorite kong kanta na babagay sa cahpter na 'to eh. Hahah! Enjoy reading! :D)


-


DEBBIE's POV


NANGHINA ako ng marinig ko 'yon, para akong sinaksak ng ilang ulit ng marinig ko ang pangalan ng lalaking mahal ko mula sa kapatid ko, nangunot ang noo ko at mabuti na lamang ay nasa tabi ko si Brandon..


Hindi ako makahinga ng maayos, hindi ako makapagsalita para akong estatwa na nakatayo at inaantay siyang umakyat mula sa stage..


Lahat ng tao gulat, ngunit hindi ko na napagtuunan pa ng pansin 'yon, hawak-hawak ni Brandon ang balikat ko at ang kamay ko na parang senyales na kaya ko na nandyan siya para sa 'kin..


Nang maka-akyat siya'y agad na tumulo ang luha sa magkabilang mata ko, mas nasaktan ako ng makita ko siyang malapit sa 'kin.. Kasama ang kapatid ko't mag-kahawak ang kamay..


Parang sinaksak ko ng ilang ulit, gusto kong magsalita pero walang lumalabas mula sa bibig ko, tinignan ko sila.. Nakangiti siya sa harap ng mga tao.. Ngiti na alam kong masaya siya..


Nagsasalita ang kapatid ko pero wala akong naririnig mas naririnig ko pa ang pintig ng puso ko na sobrang bagal at sobrang nasasaktan..


Napadako ang tingin ko sa kamay nilang dalawa, ganun ang paghawak niya ng kamay ko na parang ayaw niyang may ibang lalaking makakuha sa 'kin. Pero ngayon.. Bakit iba na ang gusto niyang panghawakan? Ang gusto niyang ipagdamot sa iba?


Mas lalo akong nasaktan ng isipin ko 'yon, kulang na nga lang ay matumba ako dahil sa panginginig ng tuhod ko at sakit na nararamdaman ko..


Hinawakan ko yung binigay niya sa 'king kwintas.. Gusto kong itapon 'yon, ibato o kaya ibalik na lamang, pero hindi ko magawa dahil bigay niya 'yon.


"See my sister? I thought may ipapakilala ka sa 'king lalaki na Seven ang pangalan?" Nagma-maang maangan pa niyang sabi na parang gusto ko siyang saktan! Gusto ko siyang sampalin! Pero alam kong hindi magiging tama.


Hindi ako makasagot at tanging pagtulo na lamang ng luha ko ang nararamdaman ko, tinignan ko si Seven, walang emosyon ang mata niya, 'di gaya ng Seven na kilala ko. Wala akong maramdamang lungkot o sakit man lang sa mata niya..


Marahil ay ginawa niya lang din ako gaya ng ibang babae na nalaman kong naging ka-MU niya, na nilandi lang niya at hindi niya minahal..


Mabuti na lamang ay nag-alisan na ang ilang magulang at mga malalapit lamang sa 'min ang natira sa loob pakiramdam ko'y hindi naman nila alam kung anong meron sa 'min kaya bakit pa ako magsasalita?


Tinanggal ko ang kamay ni Brandon mula sa kamay ko at sa balikat at nilakasan ang loob na lumapit sa kanila, naiinis ako, nagagalit, halo-halo na! Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman!


Tinignan ko siya ng mas malapitan, mas masakit 'di gaya kanina, gusto ko siyang sampalin pero nanghihina ako, hindi ko kayang saktan ang lalaking mahal ko.


"Bakit kapatid ko pa?" Garagal kong tanong sa kanya kahit na nahihirapan na ako, patuloy pa din ang pagtulo ng luha ko.


"What are you saying?" Sabi naman ng kapatid ko.


"'Wag kang umarte na hindi mo alam.. Ayos na sanang sungitan mo ako, magalit ka sa 'kin pero sobra-sobra naman ata 'to! Bakit pati siya?!" Pasigaw kong saad at dinuro-duro siya! Wala na 'kong pakialam kung magka-eskandalo dito, sasabihin ko na ang gusto ko.


"What the?! You're insa-" Putol niyang sabi ng sinampal ko siya ng pagkalakas-lakas! Sasampalin niya sana ako ng bigla siyang pigilan ni Seven.


Tinignan ako sa mata ni Seven at nagsalita, "Itigil mo na yan Debbie, nangi-eskandalo ka." Matapang niyang sabi!


Pinahid ko ang luha sa mga mata ko, at suminghap ng hangin na kumukuha ng lakas para sabihin ang nararamdaman ko.


"AKO PA ANG NANGE-ESKANDALO?! BIRTHDAY KO 'TO! PERO SINIRA NIYO! BAKIT, DAHIL BA NILANDI MO LANG AKO AT SINAMA SA MGA KOLEKSYON MO?! SABIHIN MO NGA SA 'KIN, KAHIT KELAN BA MINAHAL MO MAN LANG BA AKO?!" Galit kong saad! Sinubukan akong lapitan ni Brandon ngunit hindi ko siya pinansin! Pinipilit kong maging malakas sa harap niya para hindi siya sa 'kin maawa, at ayokong kaawaan niya ako.


"Sa totoo lang.. Hindi. Kailanman, hindi. Oo, kasama ka sa kanila sa mga babaeng koleksyon ko." Sagot niya't sinampal ko siya! Ang sakit-sakit!

Parang umulit-ulit 'yon na tila isang sirang plaka sa utak ko, na bumabaon sa puso ko. Na nilandi niya lang ako at hindi niya man lang ako minahal.


"Bakit ako pa? Marami namang iba.." Halos manlumo kong saad.


Suminghap pa siya bago nagsalita, "Kasi madali ka lang naman paibigin, madali ka lang mahulog sa gaya ko. Lahat ng sinabi ko? Isang malaking kasinungalingan lang 'yon, sinasakyan ko lang yang nararamdaman mo para mahulog ka sa 'kin. Kaya 'wag kang umasa na mamahalin kita Debbie. M-mahal ko si Patricia. Siya lang ang mamahalin ko." Diretso sa mata niyang sabi sa 'kin, kumirot ang puso ko. Ginawa lang pala niya akong isa sa mga kolesyon niyang babae, ang sakit-sakit. Kung kelan minahal ko na siya, dun pa nangyari 'to.


Bakit ako pa? Marami namang ibang babae diyan na pwede niyang lokohin?


"Sana, hindi ka na lang nangako kung mapapako lang din naman. Sana hindi mo ako pinaasa. Masakit kasing marinig mula sa 'yo na hindi mo minahal ang isang gaya ko. Sabagay, ano pa bang aasahan ko? MU? Hindi naman mutual feelings 'yon kasi ako lang ang nagmahal sa 'yo, ang MU ata ay isang malanding ugnayan lang para sa 'yo! Na para sa 'kin ay mag-isang umiibig lang." Nanghihina ko nang sabi sa kanya, nauubos na ang lakas ko, pagod na akong umiyak. Ganito pala kasakit ang maloko. "Sana, hinayaan ko na lang si Brandon na mahalin ako, kesa sa 'yo na sinayang mo lang lahat ng pagmamahal ko!" Dagdag ko pa saka tumakbo papalayo! Naririnig kong tinatawag nila ako pero tanging sinok ko lang ang naririnig ko ng dahil sa pag-iyak ko.


Pakiramdam ko'y wala na akong kakampi, walang makakaintindi sa 'kin, ang sakit kasi. Tangina.


Tumakbo ako ng tumakbo, ayokong mahabol nila ako, mahanap dahil gusto kong mapag-isa!


Bakit kasi ako pa?! Wala naman akong ginagawang masama, minahal ko naman siya, hindi ko naman siya niloko, pero bakit nagawa niya sa 'kin 'yon?


Bakit kapatid ko pa?


Takbo lang ako ng takbo kahit na may nakakakita sa 'kin na umiiyak, wala na akong pakialam. Ayos lang sa 'kin na makita nila akong ganun. Hindi naman nila ako kilala.


Hanggang sa marating ko ang isang park, may mga benches do'n at umupo ako saka tinanggal ang suot kong sapatos.\


Wala akong naramdaman na sakit mula sa paa ko pero mas nasaktan ako sa realidad na, hindi ako minahal ni Seven.


Napayakap na lang ako sa tuhod ko, isinuksok ang mata ko sa mga tuhod ko't umiyak ng umiyak. Sabi naman nila, walang masama kung iiyak ka.

Bakit nga ba ako nasasaktan? Kasi nilandi lang niya ako't minahal ko naman agad?


Nangako ako kay Ate Julia na, hindi ako bibitaw kahit na anong mangyari. Ito na ba yung sinasabi niya sa 'kin?


Nagtatalo ang isip at puso ko, kung dapat paba akong lumaban para sa kanya, anong laban ko kung girlfriend niya ang kapatid ko? Pero bakit ang sabi nila sa 'kin, ex niya na 'yon..


Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko, naloko na naman ako sa pangalawang pagkakataon.


Umulit na parang sirang plaka ang sinabi niya kanina sa 'kin, na madali lang ako mahulog sa gaya niya at lahat ng sinabi niya kasinungalingan lang..


Anong ibigsabihin no'n? Yung halik.. Wala lang? Sinubukan lang niya?


Mahal ko siya ng sobra-sobra. Kahit na nasaktan ako kanina, hindi pa din nababawasan ang pagmamahal ko para sa kanya.


May mga bagay siguro na kailangan ko na lang talagang tanggapin kahit sobrang sakit.


Ang daming pumapasok sa isip ko na, sinukuan na niya ako. Hindi niya nga ako minahal eh. Masakit mang marinig. Pero kailangan kong tanggapin.


Gusto ko siyang ipaglaban pero siya na mismo ang ang sabi na hindi niya ako mahal. Papa'no pa ako lalaban?


Tanging pag-hikbi ko na lamang ang naririnig ko, marahil ay magang-maga na ang mata ko at kalat-kalat na ang make-up ko pero hindi ko na inintindi 'yon..

Sa kanya lang ako sumaya kahit na 'di naging kami.


"Miss?" Tawag sa 'kin ng isang lalaki at napatingin naman ako sa kanya. "Are you okay?" Tanong niya sa 'kin.


"Mukha ba akong maayos? Umalis kana." Walang kaemo-emosyon kong sabi saka pinahid ang luha sa mga mata ko. Pero parang kahit na anong pigil ko, hindi pa din siya tumitigil.


Hindi naman siya nakinig sa 'kin at tumabi pa do'n sa tabi ko. Pero wala na akong lakas para paalisin pa siya do'n, para na kasi akong lutang na si Seven lang ang laman ng puso't isip ko.


"Hindi kita magawang iwan, mukha kang problemado. Mamaya bigla kang tumalon sa isa sa mga creek dito." Sabi niya't agad naman na nagsalubong ang kilay ko.


"Hindi ako ganun ka-desperada. Hindi porket nakikita mo akong mahina ibigsabihin magpapakamatay na ako." Diretso kong sagot ngunit hindi nakatingin sa kanya. Binaba ko naman na ang mga paa ko dahil baka makitaan pa ako.


"Then why are you crying? Look. I may be a stranger to you but I don't want to see a girl crying." Sabi naman niya't tumingin sa 'kin.


Pa'no naman kaya niya ako nakita dito? Alam ko walang makakakita sa 'kin dito.. Dapat ko nga ba siyang pagkatiwalaan? Hindi din naman niya ako kilala at mukha na din siyang nasa 20's kaya siguro ayos lang 'yon..


"Mahabang kwento.." Sagot ko sa kanya saka pinilit na pigilan ang pag-iyak at pinahid ang luha sa aking mga mata..


"C'mon. Come with me." Sabi niya't agad akong kinabahan at parang nawala lahat ng sakit ang puso at napalitan ng kaba.


"H-hindi ako sasama sa 'yo.." Natatakot ko pang saad at nagsimulang umurong..


"Hay nako!" Singhal niya sa 'kin. At nanginginig naman akong timingin sa kanya. "Wala akong gagawin sa 'yo. Sa edad kong bente, gwapo pa din ako. Sabihin mong hindi?" Saad niya't agad akong napangiti ng bahagya.


"Oh diba! Kaya tara na, may alam akong lugar na gagaan ang pakiramdam mo't ikwento mo na sa 'kin yang nangyari sa 'yo." Sabi niya't inilahad ang kamay niya at tinitigan ko pa siya, hindi naman siya mukhang masamang tao at gwapo naman talaga siya. Tch.


Hinawakan ko naman 'yon upang alalayan niya akong suotin yung sapatos ko saka ko siya binitawan.


Naglakad kami ng medyo malayo-layo pero parang wala akong nararamdaman na pagod, mas iniisip ko pa nga si Seven. Baka nabigla lang siya at nadala lang siya sa nangyari kanina.


Umaasa pa din ako kahit na wala naman ata akong dapat na asahan.

"Nandito na tayo." Sabi niya't tinignan ko ang lugar na 'yon at agad akong napangiti ng mapait..


BRANDON's POV


"FUCK YOU!" Sigaw ko saka ko siya sinapak ng pagkalakas-lakas at agad naman siyang napatumba!


Umalis na ang ilang bisita at kami-kami na lamang ang natitirang malalapit na magka-kaibigan!


"Anong kalokohan 'to Seven! Anong ginawa mo kay Debbie! Pinaubaya ko na ginago mo pa?!" Sigaw ko sa kanya at gusto ko siyang suntukin muli ng pigilan ako ng kambal ko!


"Stop it Brandon!" Sigaw naman sa 'kin ni Patricia at tinulungan si Seven na makatayo! Gusto ko siyang saktan pero mali!


"Tss." Sabi niya't tinignan kung may dugo ang kanyang labi! "Kasalanan ko bang hindi ko siya magawang mahalin?" Barumbado niyang sagot at ngumisi pa sa 'kin saka tumayo!


Agad na nag-init ang ulo ko saka ko siya muling sinuntok ng isa pang beses! Binuhos ko lahat ng galit na nararamdaman ko! Marahil ay umiiyak na ng sobra-sobra si Debbie ngayon dahil sa walang kwentang 'to!


"Suntukin mo lang ako, palagay mo ba may magbabago?" Pagmamayabang pa niyang sabi!


"How dare you!" Sabi ni Anne at sinampal si Seven na pinigilan naman ni Kyle! "Minahal ka niya pero ganito?! Bakit ano bang meron sa babaeng yan?! Iniwanan ka na niyan diba!" Galit na sabi ni Anne!


"Wala nang magbabago Anne, gaya nga ng sabi ni Natasha, sinama ko lang din siya sa naging koleksyon kong babae." Sagot niya't mas lalo akong nakaramdam ng pagka-pikon na may halong galit!


"'Langya Seven! Sana iba na lang! Hindi siya! May ginawa ba siyang mali sa 'yo?! Alam mo bang kahit anong pilit ko sa sarili ko sa kanya, ayaw niya dahil mahal ka niya! Tangina! Nagpaubaya ako! Sinayang mo?!" Galit kong saad! Ngunit hindi niya magawang tumingin sa 'kin, gusto ko pa siyang saktan ng paulit-ulit para kahit papa'no naman ay maramdaman niya ang sakit at makaganti ako dahil alam kong nasasaktan na ng sobra si Deb ngayon!


"Ayos lang sana na iniwanan mo siya eh, pero yung ganito?! Yung ipangalandakan mo sa harap namin? Sa harap ng maraming tao at pati sa mga magulang mo na, ang girlfriend mo ay yang malanding babae na yan at ni-"


"Don't you dare to call her flirt!" Sigaw niya saka ako sinapak! Tangina! Magkakasakitan talaga kami!


"Bakit? Hindi ba totoo?! Sabihin mo, bakit ka bumalik diyan kung nandyan naman si Deb diba!" Sigaw ko saka ko siya sinuntok pabalik at wala ng pumipigil sa 'min!


"Kasi mahal ko siya!" Ganti niya naman sa 'kin saka ako pinagsusuntok!


"Tanginang pagmamahal yan! Kalokohan! Sige nga, paano si Frey?! Diba sabi mo, hindi mo naman siya mahal?! Edi liligawan ko na siya?!" Pagbabanta ko sa kanya!


Nagpalitan kami ng suntok! Wala na akong pakialam kung anong isipin ng iba, maiganti ko lang si Deb! Nagpalitan kami ng suntok walang nais na pumigil dahil din sa takot nila hanggang sa biglang may humila sa 'min!


"Wala ka nang babalikan Seven! Huwag na huwag mo lang pagsisisihan yang desisyon mo, dahil gagawin ko ang lahat mapasakin lang siya at hindi ko siya sasaktan gaya ng ginawa mo!" Sigaw ko'y dinuro-duro siya! Eskandaloso ako sa tingin ng iba, pero wala akong pakialam!


"Hindi ako nagsisisi. Dahil mas gugustuhin ko ang nangyari kanina, kesa masaktan siya sa ibang paraan." Malumanay niyang saad saka ako tinignan sa mata, hindi ko maipaliwanag pero alam kong may bumabagabag sa kanya ngunit isina-walang bahala ko 'yon!


"Kahit saan mo bandang tignan, masasaktan at masasaktan mo siya! Tanga ka lang at hindi mo ginagamit yang utak mo dahil puso mo lang ang pinapakinggan mo! Makikipagpatayan ako para kay Deb! Kahit na isugal ko ang buhay ko para lang sa kanya! Kahit na mapatay kita ngayon! Maiganti ko lang siya!" Sabi ko saka ako kumawala sa kamay na nakapatong sa 'king balikat ni Zach saka nagmadaling pumunta ng carpark!


Nang makita ko ang isang pader na malapit sa 'kin ay agad kong pinagsusuntok 'yon ng ilang ulit!


'Ba't hindi ko man lang nagawang iiwas sa sakit si Deb?! Bakit hinayaan ko siyang masaktan kanina?!'


Nagdugo ang kamay ko pero si Deb pa din ang nasa isip ko! Hindi naman niya kabisado ang lugar na 'to, papa'no kung kinidnap na siya?! Paano kung ano nang nangyari sa kanya?!


"Nasaan ang kapatid ko?" Biglang sabi ng isang babae sa 'king tabi kaya agad akong napatingin sa kanya, si Julia.


"Nando'n yung tarantado mong kapatid sa loob kasama yung malandi niyang babae!" Sigaw ko sa kanya at nasuntok muli ang pader.


"Walang mangyayari kung sasapakin mo yang pader, buhay pa ba?" Sabi niya't napailing na lang ako saka ngisi.


"Buhay pa, pag pinatay ko 'yon, masasaktan lalo si Deb." Sabi ko't naitapat ko na lang ang noo ko do'n sa pader. Nanatili naman siyang nando'n na nakatingin sa 'kin na para bang naaawa pa. "Sabihin mo Julia, totoo diba? Tama ako. Hindi lang ako ang mangloloko sa mundong 'to, yung kapatid mo natukso. Pero tangina! Ba't si Deb pa?!"


"Hindi ko alam, nasasaktan ako sobra para kay Deb. Alam kong mangyayari ang araw na 'to na malalaman ni De-"


"Ba't hindi mo pinigilan?! Alam mo namang masasaktan si Deb! Ayos lang sana kung nasaktan na siya ng paulit-ulit, pero hindi! Kauna-unahang lalaking minahal niya ang kapatid mo! Palagay mo ba alam na niya ang gagawin niya kung saka-sakali?!" Singhal ko sa kanya! Hindi ko pa din magawang hindi isipin na nasasaktan ang babaeng mahal ko ng ibang lalaki.


Panahon na siguro para ipakitang nandirito ako para sa kanya. Na hindi ko siya sasaktan at kahit na anong mangyari hindi ko siya iiwanan.


"Ano bang meron kay Patricia at nahulog kayo sa kanya?" Seryosong tanong ni Julia sa 'kin saka ako napailing at napangisi.


"Ang gunggong mo lang na kapatid ang nahulog sa malandi na 'yon. Gusto mo ba malaman ang totoo? Nilandi ko si Patricia noon, para mawala siya kay Seven, para maramdaman ni Seven na hindi siya lagi ang panalo! Magkaba-bata kami diba? Naiinggit ako sa kanya, kaya nilandi ko si Patricia. Hindi ko naman alam na bibigay siya at inamin niya na nagsasawa na siya sa kapatid mo. Kaya sumunod siya sa 'kin nung 1st year highchool sa korea at nakipagbreak ako." Pagbubunyag ko ng katotohanan at gulat ang ekspresyon ng kanyang mukha.


"Ibig sabihin.. Kaya ka nakipag-break sa 'kin ay dahil kay Patricia?" Seryosong tanong niya sa 'kin na nagpahina lalo ng puso ko, nakikita ko siyang nasasaktan hanggang ngayon dahil sa 'kin.


Siya ang ex ko, si Julia. Na minahal ko ng sobra-sobra pero isinugal ko 'yon para sa plano kong mag-higanti.


"Oo. Pero 'wag mong isiping hindi kita minahal. Mahal na mahal kita ng panahon na 'yon, hanggang sa makita ko si Deb muli ng second year ako." Sabi ko naman sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang braso.


"Fuck. All this time, I knew is that.. You leaved me because you're getting bored at me." Hindi niya makapaniwalang saad sa 'kin saka ko nakita na may tumulong luha sa kanyang mga mata.


"No. I just leaved you because of that. But, I'm sorry for that.. I hoped you had already moved on." Nanghihina ko pang sagot saka, pinahid ang luha sa kanyang mukha.


"Oo naman. Naka-moved na ako, naging clueless lang ako at hindi ka nagpaliwanag sa 'kin." Sagot niya't ngumiti sa 'kin na sinuklian ko din ng isang ngiti. "P-pero.. Si Debbie, n-nasasaktan na siya ngayon.." Nautal pa niyang dagdag.


"Alam ko, tangina kasi ng kapatid mo." Sambit ko saka binatawan siya.. "Nagpaubaya na ako, sinaktan pa niya? Sorry but, I'm willing to love Deb even though what happen. Kahit na masaktan ako at gagawin ko ang lahat para lang mahalin niya ako." Matatag kong sabi at tumingin sa kanyang mga mata.


"But.. My brother loves her."


"Mahal ng kapatid mo?! Kalokohan! Sinabi niya na sa harap ng madaming tao! Nadinig mo pa! Hindi pa ba sapat 'yon?! Wasak na wasak na siya Julia! Hindi mo ba naiitindihan?!" Iritado ko pang saad saka sinipa yung pader!


"Maybe he has rea-"


"WHAT?! MAYBE HE HAS REASONS?! FUCK THAT REASONS!" Sigaw ko na sa kanya! Saka siya umurong ng kaunti! Nagi-init talaga ang ulo ko! "Aalis na ako, wala naman akong mapapala kung nandito lang ako. Hahanapin ko siya at kapag nakita ko na siya, hindi ko na siya ibabalik sa kapatid mo." Seryoso kong saad saka pumunta sa kotse ko.


Napasuntok na lang ako sa manibela ng kotse ko dahil sa galit pa din na nararamdaman ko! Saka may tumulong luha sa mata ko, kalalaki kong tao may ganitong lumalabas sa mga mata ko!


Ang hirap pala makitang umiiyak ang babaeng mahal mo..

Sobrang sakit pala kapag nakikita mo siyang nasasaktan..

Nagpa-ubaya na ako, bakit pa niya sinaktan ang babaeng mahal ko?


'Sana ako na lang ang minahal mo, edi sana.. Nakikita kong nakangiti ka ngayon at hindi ang mata mong walang tigil sa pagtulo ang luha mula rito.'


PATRICIA's POV


Umalis kami sa party at dumiretso kami sa condo niya, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.


Kung maaawa ba ako sa sarili ko o sa kapatid ko? Kung matutuwa ba ako dahil naging tagumpay ang plano ko na saktan ang kapatid ko? Kung malungkot ba ako dahil sa mga sinabi nila at sa pananakit ni Brandon sa boyfriend ko?


"Ste-"


"SHUT UP PATRICIA!" Sigaw niya sa 'kin at agad akong nagulat ng sambitin niya 'yon.. Ito ang kauna-unahang beses na sinigawan niya ako ng ganito.


Tumulo ang luha sa mga mata ko, ngunit inilihis ko ang tingin sa kanya, ayokong makita niyang mahina ako na hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko na nasasaktan ako.


Parang pinupunit ang puso ko ng maalala ko ang ginagawa sa kanya ni Brandon kanina.. Na ang dahilan ng pakikipagsuntukan niya dito ay hindi dahil sa 'kin.. Kundi dahil sa ibang babae.


Napakagat na lamang ako sa labi ko upang hindi makalikha ng ano mang ingay na baka maging dahilan pa ng pagka-irita niya.


Tama naman ang ginawa ko diba? Tama lang na kunin ko kung ano ang akin.

Ang sakit-sakit na nakikita kong dumudugo ang labi niya pero ayaw niya akong palapitin sa kanya.. Na para ba niya akong kinamumuhian..


Mas masakit pa ang kirot na nararamdaman ng puso ko kesa sa mga malulutong na mura, masasakit na salitang sinabi nila sa 'kin..


Nang sinabi ni Brandon na malandi ako ay ipinag-tanggol ako ni Steve kaya alam kong may natitira pang pagmamahal sa puso niya para sa 'kin kinakailangan ko lang sigurong suyuin pa siya. Desperada man akong tignan sa ibang tao, ayos lang sa 'kin basta para sa lalaking mahal ko.


Kahit na kamuhian ako ng sino mang tao, 'wag lang si Steve. Kahit na mawala na ang lahat sa 'kin, 'wag lang siya.


Sinubukan kong lumapit sa kanya habang nakayuko siya't nakasabunot ang kanyang magkabilang kamay sa kanyang buhok.


"S-steve.." Nanlulumo kong tawag sa kanya at nakita kong may tumulong luha sa kanyang mga mata..


Para akong tinutusok ng ilang ulit, habang nakikita kong umiiyak siya ng hindi dahil sa 'kin, kundi dahil sa ibang babae..


Gusto kong sabihin na 'Ako na lang, nandito naman ako. Kayang ibigay ang lahat sa 'yo na hindi niya kayang ibigay.' pero hindi ko magawa dahil alam ko namang hindi mangyayari 'yon..


Gusto kong iparamdam na mahal na mahal ko siya mas malala pa sa pagmamahal sa kanya ng kapatid ko, na kaya kong ibigay ang mundo ko kahit na kamuhian pa ako ng ibang tao gagawin ko para sa kanya..


Na handa ko nang iwanan ang lahat mahalin niya lang ako muli ng buong puso, maski ang career ko para lang sa kanya..


Lumuhod ako sa harap niya upang maging kalebel niya at makita ko ang kanyang mukha na patuloy pa din siyang umiiyak sa harap ko, nahihirapan sa nangyari at nasasaktan..


"Pat.. Bakit ganun? Bakit mo ginawa 'yon? Sa palagay mo ba tama ang ginawa natin?" Garagal niya pang saad na mas lalong nagbigay ng kirot sa 'king puso pero pinipigilan kong magmukhang mahina sa kanya, na gusto kong ipakita na malakas ako at magiging matatag ako para sa 'min..


"Tama 'yon, tama ang ginawa natin. Diba mahal mo ako? Tama 'yon.." Sabi ko't hinawakan ang dalawa niyang kamay saka niya tinanggal ang pagkakasabunot niya mula dito at kitang-kita ko ang walang tigil na pagtulo ng luha sa mga mata niya.


"Pero bakit ngayon pa? Kung kelan espesyal na araw niya? Na dapat masaya siya at hindi umiiyak ng dahil sa 'kin?" Nanlulumo niyang saad at nilakasan ko pa ang loob ko, dapat matapang ako. Hindi ako susuko.


"Dahil, mahihirapan lang siya kung patatagalin natin. Mahal kita, mahal mo ako. Dapat na mangyari 'yon at nangyari na ang dapat." Pagmamatigas ko na wala akong iniisip kundi kami lamang na dalawa.


"Tangina naman Patricia! Puro tayo ang iniisip mo! Ba't hindi mo sinabi na kapatid mo siya?! Ba't mo 'ko pinikot?! Bakit?!" Nangga-galaiti niyang saad sa 'kin at nabato niya na lamang ang baso na nasa gilid ng lamesa at napapikit ako ng dahil do'n!


"Nakita mo ba kung pa'no siya umiyak kanina?! Kung pa'no siya kahirap na makita tayo?! Kung pa'no siya mang-hina kanina?! Ayos lang sana kung hinayaan mo ako, hindi sa harap ng napaka-daming tao at sa harap pa ng pamilya ko! Sinabihan kitang ako na ang bahala pero ano 'to?!" Galit niyang saad at napapikit na lamang ako ng madiin habang pinapakinggan ang bawat salita na lumalabas sa bibig niya na nagpapabigat sa nararamdaman ko.. Iniisip niya pa din si Deb at hindi ako.


"Hindi ko na kayang magtiis na itago sa magulang ko pati sa kanya na umuuwi ako araw-araw at hindi ko masabing ikaw ang boyfriend ko." Nanlulumo kong saad at yumuko sa harap niya. "Mahal mo naman ako diba?" Tanong ko kaagad sa kanya..


"Oo, mahal kita. Mahal na mahal Patricia pero hindi naman sa ga--"


"Pero bakit pakiramdam ko mahal mo siya?"


"Hindi mo kasi ako maiintindihan! Alam mo ba na gusto ko siyang yakapin kanina?! Na gusto kong humingi ng tawad pero kinailangan kong gawin 'yon! Dahil sa 'yo! Na saktan siya sa harap ng madaming tao at ipahiya ang sarili ko! Na naalala ko ang nakaraan kung paano niyo ako niloko ni Brandon! Ang sakit Patricia! Na nagawa mo akong iwanan noon para kay Brandon at sumama sa Korea!" Sigaw niya't mas lalong sumakit ang puso ko, ipinapamukha niya sa 'kin ang nakaraan ang nangyari noon na hindi ko na mababago..


"Masaya naman tayo diba?" Pagiiba ko ng tanong sa kanya at umarte na parang wala akong narinig kanina.


"Masaya ako na bumalik ka sa 'kin kung kai--" Hindi ko na siya ipinagpatuloy na nagsalita at hinalikan ko siya ng mariin sa labi.


Ang halik na puno ng sakit, na ito lang ang natatanging paraan na naiisip ko upang matanggal ang galit niya sa 'kin na paraan ko upang hindi niya isipin si Deb kahit na isang saglit..


Ipinagpatuloy ko 'yon hanggang sa naramdaman ko nang gumaganti siya sa halik ko, hinawakan niya ang bewang ko at para akong nabuhayan nang loob na nagagawa niyang gumanti sa halik na ginawa ko..


He bite my lip for entrance and I allow him and open my mouth.. I opened my eyes and see his handsome face that I can't resist.


He's driving me crazy.. I run my fingers on his hair and crashed my lips to him.


Then he carry me into bed and let me sit infront of him..


In this way, I can feel his love.. That he loves me.. Only me..


My hand touch his chest, and I just can't think normally..


"I'm sorry patricia. Mali 'to. I can't do it. I can't do it with you." Bigla niyang saad at inihiwalay ang labi niya sa labi ko saka tumayo..


Napapikit ako ng madiin, pilit na pinapalitan ng magandang interpretasyon ang mga bagay na.. Nirerespeto niya ako.


Ang sakit na alam ko naman sa sarili kong iba ang dahilan pero nagpapaka-tanga ako dahil mahal siya..


"Nangako ka diba?" Walang kaemo-emosyon niyang sabi habang nakatingin sa 'kin..


"Oo, gagawin ko 'yon, napag-usapan na natin diba?" Nanghihina kong sagot sa kanya.


"Tumupad ka, dahil alam mo namang gagawin ko ang lahat.. Maging maayos la-"


"Alam ko, at kahit gano'n ay naniniwala pa din ako sa sinasabi mo sa 'kin na tutupad ka sa kasunduan."


"Iiwanan na kita dito. Kailangan kong umuwi ng bahay." Sabi niya't kinuha ang susi ng kotse niya.


"Steve.. 'Wag mo 'kong iwanan." Pagmamakaawa ko.


"Babalik pa ako, uuwi lang ako. Bye." Sabi niya't lumabas na sa kwarto at narinig ko ang pagsara niya ng pinto mula sa labas..


Dun na lumabas ang luhang kanina pa nais na lumabas mula sa 'king mga mata. Humagulgol ako at napayakap na lamang ako sa tuhod ko, ang sakit-sakit..


Wala na akong kakampi at si Steve na lang ang meron ako at hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'kin kapag nawala na siya..


Marahil ay galit din sa 'kin si mom dahil sa ginawa kong eskandalo sa party ng anak niya sa labas, na sumira ng lahat!


Buong-buo pa din ang galit ko kay Deb dahil lahat na kinukuha niya, pati ba naman si Steve kukunin pa niya?!


Hindi ako papayag, ipaglalaban at mamahalin ko si Steve ng sobra-sobra, mas malalim pa sa pagmamahal na kayang ibigay ni Deb na sa 'kin niya lang mararamdaman.


'Akin lang si Steve.'


TO BE CONTINUED..


Hi guys! ^.^v Sorry for super duper late update, may kinailangan kasi akong asikasuhin at hindi ko matapos-tapos agad ang update ko. ^.^v


Bilang na lang ang mga kabanatang natitira para sa kwento na 'to. Ito pa naman ang pinakamamahal kong kwento dahil dito ako nagsimula. ^.^v Dito ko din madalas naibuhos ang emosyon ko, kaya madaming pinagdaanan ang storya na 'to. Di ko akalain na ganito kahaba. Lol. Ang drama ng author.


PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ^______^


THANK YOU VERY MUCH! ^_____^


-Theinnocentskater.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro