Chapter 45: Till my heartaches end.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


DEBBIE's POV


"Papasok na 'ko. Salamat sa uniporme." Pagpapa-salamat ko saka ako yumuko na nagpapakita ng respeto sa lalaking nakilala ko kagabi.


"Sige. Text mo lang ako kapag kailangan mo ako, pasalamat ka nag-aral yung kapatid ko at ginawa niyang remembrance sa 'kin yan." Nakangiti niyang sabi at napangiti ako ng mapait. Ngayong umaga ko lang kasi napansin na may hawig siya kay Seven pati ang pangalan nila magkalapit.


"Salamat Kuya Sixth!" Pagkukunwari kong masigla na sabi kahit na nahihirapan na akong ngumiti sa harap niya.


Sariwa pa din sa puso't isip ko ang mga sakit na nangyari kagabi, ang masakit na katotohanang kasintahan niya ang kapatid ko.


Kumirot na naman ang puso ko ng sobra-sobra. Parang konti na lang durog na durog na naman ang puso ko. Papa'no ako magre-react? Papa'no?


Sinong lalapitan ko? Marahil ay kasama ni Roxanne si James, si Chard naman ay kasama ni Myca. Kakayanin ko naman na mag-isa, kakayanin ko 'to.


Hindi dapat ako maging mahina kapag nakita ko na si Seven, dahil malamang wala lang para sa kanya ang presensya ko.


Pero nangingibabaw pa din ang pagmamahal ko para sa kanya sa kabila ng lahat ng sakit na naramdaman ko kagabi, hindi ko alam kung tanga ba ako kung ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para sa kanya..


Gaya nga ng sabi ni Kuya Sixth kagabi, 'Kung mahal mo, ipaglaban mo.' pero papa'no naman ako lalaban kung matatalo lang din ako sa dulo dahil wala naman akong pinanghahawakan..


"Hoy!" Biglang tawag pansin niya sa 'kin at napatingin ako sa kanya. "Tulala ka na naman! Pumasok kana! Pasensya kana, hindi kita mahahatid pero alam mo naman yung daan diba?"


"Oo Kuya Sixth! Salamat ulit!" Sabi ko na lamang at saka naglakad papalayo sa condo niya. Huminga ako ng malalim upang maibsan ang nararamdaman ko.


Kailangan matapang ako, sa pag-ibig siguro, kinakailangan sumugal, kapag mahal mo talaga ang isang tao, kahit na wala kang kasiguraduhan.


Kahit na hindi man siya bumalik sa 'kin, lumaban naman ako sa nararamdaman ko.


Sumakay ako ng tatlong jeep bago nakarating ng school namin, kahit na para akong lutang na nagco-commute at lumalagpas ako.


Ganun pala kapag nasasaktan sa pag-ibig, nakaka-praning. Nakakabaliw at nakakawalang-ganang umasa ulit, na parang siya na ang naging parte ng sistema mo na hindi mo matanggal-tanggal.


Nasa tapat na ako ng seven-eleven ngunit natigilan akong maglakad, babalik pa pala ako do'n mamaya sa bahay nila Kuya Sixth para kunin ang gamit ko.


Mabuti na lamang ay binilhan niya ako ng damit kagabi, pinahiram niya din ako ng pera pamasahe, baon pati ng bag para pumasok ako ng school.


Napakabait nga niya at magaan ang loob ko sa kanya. Wala din namang alam sila mama kung nasaan ako, wala naman kasi akong dala na kung ano man kagabi kundi ang damit ko lang pati yung sapatos ko.


Napatingin ako sa kwintas na suot ko, hinawakan ko 'yon na tila ba do'n ako humuhugot ng pag-asa na magkakaro'n ng pag-asa sa 'ming dalawa.


Naglakad na 'ko at kahit na may nakakasalubong ako at alam ko namang napapansin nilang maga ang mata ko ay ayos lang.


Naririnig ko pa ang iba na nagbu-bulungan pero wala naman akong pakialam. Parang wala lang akong naririnig at diretso pa din akong naglalakad.


Bigla namang may bumusina sa likod ko at napatingin ako, tinted ang salamin ng kotse kaya hindi ko makita kung sino ang nasa loob. Gumilid na lang ako saka ipinagpatuloy ang paglalakad, hindi ko na pinagtuunan ng pansin 'yon at baka ma-late pa ako sa klase.


Nakapasok ako ng campus namin, diretsong naglalakad hanggang sa makasalubong ko si Brandon tumingin ako sa kanya saka ngumiti ng mapait.


Gusto ko sanang umiwas ng daan sa kaniya pero hinigit niya ang kamay ko kaya napatigil ako sa paglalakad saka tumingin sa kanya.


"Brandon, bitawan mo 'ko." Nanghihina ko pang sabi pero hindi niya pa din ako binibitawan at mas hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay ko.


"Saan ka natulog kagabi? Wala ka daw sa bahay niyo. Hinanap kita kagabi, wala ka. Saan galing yang uniform mo? Pati yang bag mo? Yang sapatos mo?" Sunod-sunod niyang tanong at ramdam ko ang paga-alala niya sa 'kin.


"Okay lang ako, walang nangyari sa 'kin. Nakikita mo ba 'to?" Sabi ko saka ngumiti ng malapad sa kanya. "Ayan, okay lang ako. Parang wala lang nangyari kagabi, nagugutom lang ako kaya sinabi kong bitawan mo 'ko. Kaya bitawan mo na ako at kakain na 'ko." Pagsisinungaling ko sa kanya.


"C'mon Frey. Don't lie at me. I know you're suffering from what happened last night." Seryoso niyang saad at tumitig sa mga mata ko.


"I'm okay Brandon. Easy ka lang! Wala lang 'yon, alam ko naman na mahal niya ako kahit hindi niya sabihin sa 'kin. Kahit na masakit hahabulin ko pa din siya." Seryoso ko ding sagot sa kanya at umiling-iling siya.


"Tara. Anong gusto mong kainin?" Tanong niya't huminga ng malalim at alam kong hindi siya satisfied sa sagot ko.


"Tara, kain tayong chocolate cake." Sabi ko't ililihis ko na sna ang kamay ko pero hinawakan niya 'yon, wala naman na akong lakas para tanggalin pa kaya hinayaan ko na.


Habang naglalakad kami papunta ng cafeteria ay panay ang bulungan nila, marahil kasi'y alam naman nila na magka-MU kami ni Seven tapos hawak-hawak ngayon ni Brandon ang kamay ko.


Marahil ay alam na din naman nila ang nangyari kagabi, mabilis naman kumalat ang mga ganitong balita dito.


Nang makarating kami ng canteen ay pumunta kami do'n sa food station, umorder kami ng chocolate cake na isang slice lang saka umupo do'n sa upuan.


May ibang umalis nang umupo kami do'n at may iba namang bumulong pa, wala na talaga akong magagawa sa kanila.


"Saan ka ba talaga galing kagabi?" Tanong niya sa 'kin habang nginu-nguya ko yung cake na binili niya para sa 'kin.


"Sa park, tapos kumain kami dun sa isang station ng Creamlies. Meron din pala do'n no? Tapos dumiretso kami sa condo niya. Naka-"


"Ano?! Sumama ka sa isang estranghero?! Mamaya kung anong ginawa sa 'yo nun! Ayos ka lang ba?" Natataranta na niyang sabi at napatawa ako ng bahagya do'n.


"OA mo ah. Okay lang ako, wala siyang ginawa sa 'kin. Actually magaan ang loob ko sa kanya kaya sumama ako, kahawig siya ni.. Seven tapos malapit din sa kanya ang pangalan nun." Saad ko at ipinagpatuloy ang pagkain ng cake.


"Alam na ba nila tita na umuwi ka? Naga-alala ako sa 'yo kagabi, hindi ko alam kung saan ka hahanapin. Nakukuha mo pang tumawa kahit na nasasaktan kana?" Sabi niya't natigilan ako sa pagkain nung cake.


"Masakit palang tumawa ng pilit kahit nasasaktan ka no? Mahirap umarte na masaya ka kahit sobrang sakit at lungkot na ng nararamdaman mo." Sambit ko't inislice ng maliit ang cake at nararamdaman ko ang pagkirot na naman ng aking puso kasabay ng paghapdi na naman ng magkabilang mata ko.


'Kailangan maging matapang ka Debbie. Para sa 'yo din 'to.'


"Deb.. Alam mo naman siguro na mahal kita diba?" Sabi niya't napaangat ko na lamang ang ulo ko at tumingin sa kanya. "Wala na din naman siya sa 'yo diba? Tama ba ako?" Paniguradong tanong niya.


"Ipaglalaban ko pa siya, ayokong mawalan ng pag-asa na babalik siya sa 'kin kahit na hindi naman kami. Na kahit wala kaming relasyon ay isa lamang 'yong masamang panaginip na kailangan ko lang burahin sa 'king utak na walang nangyari kagabi.. Mahal ko pa din siya Brandon, at lalaban ako hanggang kaya ko pa. Pero kung ayaw niya din akong ipaglaban, siguro kailangan ko nang mag-move on kahit na wala naman kaming nagong relasyon.." Pagpapaliwanag ko sa kanya ng totoong nararamdaman ko.


"Pero pa'no kapag nakita mo siya?" Malungkot niyang tanong sa 'kin.


"Actually, hindi ko alam ang gagawin ko.. Hindi ko alam kung papa'no ang magre-react sa kanya, kung pa'no ko siya kakausapin. Marahil kasi ayaw niya sa 'kin pero kahit na ganun 'di naman ako nawawalan ng pag-asa." Sabi ko't pinaglaruan na lang yung cake.


"Kaya pala kasama niya si Brandon, malandi talaga. Sabi ko sa 'yo eh, nilandi lang talaga ni Seven yan at wala siyang balak seryosohin yan. Tatanga-tanga kasi." Narinig kong bulong ng isang babae, bubulong na nga lang maririnig ko pa. Tch.


"Don't mind them." Sabi ni Brandon at naalala ko si Seven sa sinabi niya.. Nung araw na sabay kaming pumunta ng bahay ni Seven para sa project at nakita kaming sabay..


Nung pinagtitinginan kami ng mga tao. Masaya sanang alalahanin ang mga sandali na 'yon, pero napakahirap ngayon, parang tinutusok lang ang puso ko sa tuwing aalalahanin ko ang mga alaala na 'yon.


"Tara na? Bell na oh." Sabi niya't dun lang ako bumalik sa ulirat ko at napatingin sa kanya.


Hinawakan niya ang kamay ko kaya hinayaan ko na lamang, naglakad kami paakyat at mabuti na lamang ay mag-seatmate kami kaya ayos lang.


Kinuha niya yung bag ko at inilagay sa kabilang braso niya at isinukbit 'yon.

Paakyat na kami ng third floor ng biglang may malaglag na ballpen sa harap ko kaya inaabot ko 'yon sa babaeng nakalaglag at para siyang gulat na tumingin.


"A-ate, wag ka munang dumiretso ng classroom niyo.." Sabi niya't kumunot ang noo ko saka siya umakyat papunta ng fourth floor.


Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad at hindi pinapakinggan ang babaeng nakasalubong namin.


Nang kumaliwa kami ay napapikit ako dahil sa malakas na pag-ihip ng hangin may narinig akong mga humiyaw na para bang kinikilig at bago pa ako dumilat ay bigla akong niyakap ni Brandon at dahil hanggang dibdib ko lang siya ay wala akong makita sa harap ko.


"'Wag kang kakalas, kahit 30 seconds lang." Sabi niya't mas hinigpitan ang yakap sa 'kin.


"Ano? Tumabi kana diyan, mamaya may makakita sa 'ting teacher dito eh, mamaya papuntahin pa tayong guidance." Sabi ko't itinulak siya pero hinila niya pa din ako at niyakap.


"Kahit ngayon lang makinig ka sa 'kin, 'wag kang tumanggi sa sinasabi ko, huwag kang sasalungat. Please." Pagpupumilit niya pero dahil kinakabahan ako na baka may makakita sa 'min at pagalitan kami ay nagpumilit akong kalasin ang yakap niya't bumitaw siya sa 'kin.


Kitang-kita ng dalawang mata ko ang paghalik ng kapatid ko kay Seven habang may malawak na ngiti mula sa kanyang mga labi, nagpalitan din sila ng yakap at para akong binuhusan ng yelo dahil nanatili akong tulala at nakatingin sa kanilang dalawa.


Hindi ko magawang kumurap maski ang gumalaw at lumihis ng tingin pero parang nawalan ako ng lakas na gawin 'yon. Napalunok na lang ako habang titig na titig sa kanilang dalawa.


Kumirot ng sobra ang puso ko, at nanlabo ang aking magkabilang mata, bakit ba napaka-pait sa 'kin ng tadhana? Bakit kailangan ko pang makita silang ganun?

Ito na ba ang simbolo na 'wag ko na siyang habulin?


Napatingin silang dalawa sa 'kin at mas lalo akong nasaktan ng dahil wala akong makitang konsensya o kung ano man kay Seven habang nakatingin sa mga mata ko. Umiwas lang siya ng tingin at nagsimula nang maglakad si Ate at binunggo pa ako saka dumiretsong naglakad at inirapan pa ako.


Gusto kong tumakbo palayo pero parang hindi ko maigalaw ang mga paa ko, hinawakan bigla ni Brandon ang kamay ko saka niya ako hinila papasok ng classroom, ngunit nakayuko na lamang ako habang papasok at hindi na tinignan si Seven.


Yung amoy ng pabango niya ganun pa din. Walang pinagbago gaya ng dati. Umupo na lamang kami sa upuan namin at sunod-sunod na bulungan ang naririnig ko.


'Alam niyo bang bumalik na si Patricia? Oh my god! So totoo na nilandi niya lang si Enriquez?'


'Duh, sabi ko naman kasi sa 'yo. Ayaw niyong maniwala sa 'kin na si Ate Patricia pa din ang mahal ni Seven at isa lang yang si Enriquez sa mga nilandi.'


'Masyado kasing assumera. Feelingera na seseryosohin siya ni Seven. Kawawa naman.'


'Mas gusto ko naman si Ate Patricia no. Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig..'


'Hindi naman kasi sila nag-break girl, wala silang official break up.'


Huminga ako ng malalim at pinipigilan ang nararamdaman kong galit, bakit kailangan marinig ko pa yan? Nai-insecure ako sa kapatid ko.


Ba't kasi hindi ko man lang nagawang isipin na ang lalaking sinasabi niya ay ang lalaking mahal ko din?


"Good morning class!" Masiglang bati ni Mr. Chan at agad naman kaming tumayo at binati siya pabalik.


"So, may good news ako sa inyo, but I will remind you that bukas na ang retreat niyo. I know may ibang excited na sa inyo, Three days and two nights din tayo dun. So base sa mga reply slips na natanggap ko lahat naman kayo kasama. Kaya titiisin ko munang hindi kasama ang fiancè ko para lang sa inyo." Saad niya't tumawa naman sila ng bahagya at ngumiti naman ako ng kaunti.


"Sir! Sir! Pwede magtanong?" Tawag pansin sa kanya ni Zach habang nakadikwatro pang nakaupo mula likod.


"Ano 'yon Mr. Radcliffe? Siguraduhin mong may sense yang tanong mo ah." Biro naman ni sir sa kanya.


"Ba't ang saya niyo ho ata ngayon? Ibigsabihin, wala na kaming quiz niyan sa Science?" Tanong sa kanya ni Zach.


"Matalino kang bata! Dahil diyan, tuloy ang quiz natin. Nakalimutan ko na, pinaalala mo pa." Sagot sa kanya ni Sir at halos mag-reklamo lahat ng kaklase namin ng dahil sa sinabi ni Zach.


"Pero, magpasalamat kayo dahil, gusto ko kayo bigyan ng rest day para peaceful ang utak niyo. Masyado lang akong good vibes ngayon." Sabi niya't ipinatong ang kanyang kamay sa lamesa upang maging kanyang gabay sa pagtayo saka sumandal sa likod nito. "Ms. Enriquez! I'm sorry kung hindi ako nakapunta kahapon, I need to do something important yesterday. But, Belated Happy Birthday. How's your birthday?" Tanong niya't hindi agad ako nakasagot, natahimik din ang mga kaklase ko. Marahil ay nakatingin na silang lahat sa 'kin, kalat na din siguro ang nangyari kagabi.


Napaiwas ako ng bahagya ng tingin saka huminga ng malalim, nagi-isip ako ng maaring masagot sa kanya..


"Ms. Enriquez? Lutang kapa ata? Na-enjoy mo ata ang surprise ni Mr. Swayze kagabi?" Pabiro nitong sabi at kumirot ang puso ko. Siya na naman, bakit ba kasi napakalakas ng epekto niya sa 'kin?


Bakit kailangan mangyari ang mga nangyari kagabi? Bakit kailangan mangyari sa 'ming dalawa 'yon?


"Grabe nga yung suprise niya Sir. Unforgettable. Ayos lang naman yung birthday niya sir. Speechless lang!" Sarkastikong sabi ni Timothy at ngumisi pa.

"Mr. Swayze, seryoso ka ata diyan? Ba't hindi ka nagsasalita?" Baling naman ni Sir kay Seven.


"I'm fine. Just continue, what's the goodnews?" Seryoso niyang sabi, hindi ko man siya tignan, yung tono ng kanyang pananalita ay seryoso.


Baka kasi kapag tinignan ko siya, manlumo ako at bibigay kaagad ako. Ayoko namang ipakitang mahina sa kanya kahit na gustuhin ko man na lapitan siya.


Baka umiyak lang ako at mas lalong masaktan sa maari niyang ipakita at iparamdam sa 'kin. Gusto kong sumugal pero bakit may halong takot akong nadarama?


"Nga pala! Buti na lang.. Someone is back, I bet you know her already." Saad ni sir at naglakad papunta sa linya ni Seven. "Sabihin niyong hindi, kayo pa? Mahuhuli sa balita?" Pagloloko ni Sir.


"Si Patricia Angeles! Yung model na crush na crush ni Zach!" Sigaw ni Daryll at sinamaan naman siya ng tingin nito at tinawanan lamang siya nito.


"Tignan niyo nga kalalaking tao ni Mr. Greiter, alam na alam ang chismis. Tsk! Tsk!" Panga-asar ni Sir.


"So sir, anong meron? Alam naman namin na nandito na si Ate Patricia ano pong meron?" Tanong ng isa naming kaklase.


"Syempre, every year naman may sinasama tayong alumni. So bukas, para sa 'ming retreat, kasama natin siya." Masayang sabi naman ni Sir at agad na napatingin sa 'kin si Brandon.


Mas lalong bumigat pa ang nararamdaman ko, bakit kailangan kasama pa siya? Bakit kailangan sumakto pa na siya ang kasama?


"Deb, hold on. I'm here. No one can hurt you." Sabi ni Brandon sa 'kin at ngumiti na lamang ako sa kanya saka bumuntong hininga.


"Salamat." Sambit ko at ibinaling na lamang sa iba ang atensyon ko.


"Nga pala Deb, ayos lang ba sa 'yo kung susunduin kita bukas?"


"Ayos lang sa 'kin, ikaw bahala."


"Mamaya din ah? Para kunin na din natin yung damit mo dun sa bahay nung Sixth ba yun?"


"Oh sige, samahan mo na lang ako. Pero, pwede bang.." Pambibitin ko dahil nagdadalawang isip pa 'ko, naga-alala na siguro sa 'kin si tatay sa 'kin tsaka si mama.


Gusto ko namang silang uwian, para makita nilang okay lang ako. Pero parang hindi ko pa kayang makita si Ate pag nakita ko siya, baka anong magawa ko at hindi ko mapigilan ang sarili ko't masaktan ko siya.


Hindi ko pa kayang makita ng matagalan ang babaeng kahati ko sa lalaking mahal ko na kahit saan bandang tignan ay papangit ang tingin sa 'kin ng ibang tao, marahik ay iisipin ng iba na malandi ako o ano man dahil sila pa pala ng kapatid ko ay ka-MU na ako ni Seven pero kasalanan ko ba 'yon? Hindi ko naman alam na kapatid ko pala ang g-girlfriend ng kapatid ko.


"Ano 'yon Deb?" Tanong niya sa 'kin.


"Pwede bang mag-stay sa inyo mamaya? Uuwi naman ako, hindi lang kasi ako handang makita sa bahay namin si ate, alam mo naman diba? Pero kung ayaw mo ayos lang naman sa 'kin, maghaha-"


"No, it's okay. You can stay in our house. Actually nando'n sila mom and dad. But you can use my bedroom." Sagot niya't kitang-kita ko sa mata niya ang sinseridad na ayos lamang sa kanya na do'n ang mag-stay.


"Hindi, 'wag na Brandon. Nando'n pala sila tita. 'Wag na, makaka-istorbo pa 'ko." Sabi ko't ngumiti sa kanya.


"No I insist. Ayokong masaktan ka dahil makikita mo ang kapatid mo. Na sasabihan ka na naman niya ng kung anong masasakit na salita. Baka, pumunta pa do'n si Seven at hindi ko alam kung anong gagawin mo kung sakaling ganun nga ang mangyari. Kaya ayos lang sa 'kin. Okay?" Mahaba niyang sabi at ngumiti sa 'kin.


Tumakbo ang oras nagsasalita yung mga dumadating na mga guro namin pero parang kahit makinig at ituon ko ang isip ko ay walang pumapasok sa utak ko, parang lumilipad ang utak ko.


Gusto kong sulyapan kahit isang beses man lamang si Seven pero hindi ko magawa, nasasaktan ako ng sobra.


Sumagi sa isip ko ang nakita ko kanina bago pa ako makapasok ng classroom.

Yun ba ang tinatawag na selos?


Yung selos na selos na 'ko, pero wala naman akong karapatang mag-react dahil hindi naman kami? Hindi ba pwedeng mag-selos ang isang taong nasasaktan na may ibang kasamang babae ang taong mahal niya?


Hindi ba niya talaga ako minahal kahit na katiting lang? Miss na miss ko na siya.. Yung pag-hawak niya sa kamay ko na para bang sinasabi niya na gusto niya ako panghawakan hanggang dulo na ipinagkakait niya ako sa iba..


Yung yakap niya na, sinisigurado niya na, magaan ang pakiramdam ko, na nandyan lang siya para sa 'kin at kaya niya akong damayan.


"Deb. Recess na." Tawag pansin sa 'kin ni Brandon at nakatulala na naman pala ako. "'Wag mo na siyang masyadong isipin, muntik ka nang sitahin ni Sir kanina, sa bintana ka nakatingin habang nagpapaliwanag siya."


"Sorry. Tara na?" Sabi ko't tumayo na.


Naglakad kami pababa at nakasabay pa namin sila Roxanne at nginitian ko lamang siya ng mapait. Maski si Chard ay ganun din sa 'kin at 'yon din naman ang naging tugon ko sa kaniya. Miss ko na din sila, pero hindi ko sila magawang samahan dahil nandun si Seven. Parang ang pangit naman na tignan na magkasama kaming dalawa.


"Hi Babe!" Biglang sigaw ng isang babae at nabaling ang tingin naming lahat sa kanya.


Si Ate na naman, ano naman kaya ang ginagawa niya dito?


Hinalikan niya sa pisngi si Seven at hindi naman tumugon si Seven do'n, wala siyang ginawa kundi tinignan lamang ang kapatid ko.


"Tara na! May surprise ako sa 'yo! Hindi ko pala nabigay kagabi!" Biglang sabi ni Timothy at saka ako inakbayan. "Padaan nga! Maglalandian na nga lang sa harap pa ng naloko." Pagpaparinig niya't natawa pa 'ko.


Kinutusan ko siya't agad naman siyang napatingin sa 'kin. "Ano na naman? Ba't mo 'ko kinutusan?!"


"Kalalaki mong tao, nagpaparinig ka? Ikaw talaga!" Saad ko't ginulo yung buhok niya.


"Ikaw na nga iniiwas eh, 'wag kang babalik dun sa mokong na 'yon, minahal ka nga ni Brandon ng hindi sinasaktan tapos siya ganun? Tss. Kalalaking tao ko man, concern lang ako sa 'yo." Sambit niya't umiwas ng tingin.


"Ang drama mo naman!" Sabi ko't ginulo ko ang buhok niya. "Pasalamat ka, malakas ka sa 'kin. Tara na! Nangangalam na yung tiyan ko." Dagdag ko pa't ngumiti sa kanya. Sila talaga yung malalapitan ko sa mga panahong ganito.


Nakadating kami ng cafeteria at ang space na lang ay ang linya ng lamesa kung saan doon kami umuupo nila Seven kapag kumakain. Dun sila Roxanne nakaupo sa kabilang dulo at dun na lang din sa kabilang dulo umupo.


"Oh, ano yung nakalimutan mong ibigay kagabi?" Sabi ko naman kay Timothy at tinaasan siya ng kilay.


"Anak naman ng tipaklong. Nalagay ko na yun dun sa gift side mo kagabi, alliby ko lang 'yon para di mo na sila makita. Mukha kang tanga kanina eh." Sagot niya't napalunok na lang ako, mukha pala akong tanga kanina.. Ganun na pala ang tingin sa 'kin ng ibang tao. "Hey, h-hindi naman 'yon ang ibig ko-"


"Ayos lang Timo. Naiintindihan ko, mukha siguro talaga akong tanga kanina na tinitignan lang silang dalawa." Saad ko at ngumiti ng mapait.


"Ikaw kasi Timothy eh! Deb, may baon ka ba diyan? Siguro naman nagbabaon ka pa din diba?" Pagi-iba naman ni Daryll ng usapan at ngumiti sa 'kin ng malapad.


"Oo naman. Nagluto kasi ako kanina ng Adobo. Marami yung dinala ko, kaya bilisan niyo na. Nagugutom na ako." Sambit ko't ngumiti naman silang lahat. Kahit papa'no naman ay gumagaan ang pakiramdam ko na kasama sila. Hindi ako naiilang na kahit alam nila ang sitwasyon ko, pinapagaan pa din nila ang pakiramdam ko sa ibang paraan.


Umupo naman ako do'n sa pangatlong upuan sa kanan at niyakap ang bag ko. Napatingin ako sa pinto at tinitignan ang mga pumasok do'n.


Maraming nakangiti sa kanila na tila ba walang problema, ang hirap pala umibig sa isang taong hindi ka naman pala mahal. Mahirap palang ipaglaban ang nararamdaman mo kung alam mo namang wala kang dahilan para ipaglaban at lalo na kung may nagmamay-ari na sa kanyang iba. Masakit palang makita na masaya ang taong mahal ko sa ibang babae at hindi sa 'kin.


Napapikit ako ng madiin at isinuksok na lamang ang ulo ko sa bag at tumingin sa lapag pinipigilan ang luha na namang lalabas sa 'king mga mata. Masakit pa lang sa kwentong 'to, parang ako ang kontrabida na sumira ng lovestory nila, kumbaga isa lang akong extra at sa susunod ay hindi na ako kakailanganin.


Sana hindi na lang siya nagpakita ng gano'ng motibo sa 'kin noon para hindi ako umaasa ngayon. Ang sakit kasi eh, na hindi naman pala niya ako kayang mahalin.


Tumingala ako ng maramdaman kong wala nang nagbabadyang luha na tumulo sa mata ko at huminga ako ng malalim.


Nagulat na lang ako ng nasa gilid ko na sila James at nakaupo malapit sa 'min at may nakaupo na sa kinauupuan nila kanina. Ngumiti silang lahat sa 'kin at sinuklian ko din naman ito ng isang ngiting normal na parang wala akong naramdaman na sakit at kirot sa dibdib.


Ang hirap ngumiti na sa totoo lang gusto ko nang sumigaw, iiyak ang lahat ng kaya kong iiyak para gumaan ang nararamdaman ko pero magiging mahina ako para sa kanila at ayoko naman na makita nila 'yon.


"Deb, we want to say sorry for what happened yes-"


"No. Ayos lang 'yon Kyle," Saad ko't ngumiti sa kanya ng mapait. "Hindi talaga siguro ako ang nararapat sa kanya. Hindi ako ang mahal niya. Ang kapatid ko ang mahal niya at hindi ako. Hindi ko alam kung lalaban ako, pero pipilitin ko kasi mahal ko siya. Mahal na mahal kaya 'wag kayong mag-alala. Ayos lang ako." Dagdag ko pa't ngumiti ng malapad.


"Oh? Kanina, nando'n kayo sa dulo. Ngayon, nandito na kayo?" Biglang sambit naman ni Zach at umupo sa susunod na bakanteng upuan na dahilan upang maging katapat niya ako. Katabi ko naman si Brandon at katabi niya si Timothy.


Dun ko lang din napansin ang isang bakanteng upuan sa tabi ko. Sino ang uupo do'n? May isang ding bakanteng upuan sa tabi ni Roxanne.


"Deb, pwede naman tayong lumipat ng iba kung gusto mo. Tara?" Sambit ni Brandon at hinawakan pa ang kaliwang kamay ko.


"Hindi, ayos lang. Dito na tayo. At saka tinatamad na din akong maglakad, nagugutom na ako kaya dito na tayo." Sagot ko naman at ngumiti ako sa kanya.


"Oh, hi my sister!" Biglang sambit ng isang pamilyar na boses sa 'kin ngunit hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin. Bagkus ay kinuha ko na lamang ang lunch box sa bag ko.


"Bro! Dito kana sa tabi ko!" Bigla namang sabi ni James at para akong natigilan sa pagbukas ng baunan no'n.. Mabilis na tumibok ang puso ko. Ang awkward at isa pa, pakiramdam ko'y hindi ako makakagalaw oras na magtabi kami.


"No, you seat here na lang. I'll be sitting there so I can talk with my sister." Sarkastiko niyang sabi at gumaan kahit papa'no ang pakiramdam ko na hindi si Seven ang katabi ko. Napalitan naman 'yon ng pagkairita dahil ayaw ko din naman siyang katabi.


Naramdaman kong umikot naman na siya at nang i-usog niya ang upuan ay tumama 'yon sa kamay ko kaya umusog na lang ako kaya umusog din si Brandon.


Ang hirap mag-react sa mga ganitong pagkakataon. Hindi ko alam kung may mangyayari bang maganda ng dahil dito.


Umupo naman si Seven sa tapat ng kapatid ko at ipinatong ni Ate ang kanyang dalang lunch box sa lamesa.


"Tara kain na tayo. Ito oh, madami yan! Niluto ko kanina. May dala din akong hipon. Siguro naman mabubusog na tayo niyan?" Masigla kong sabi at binuksan yung dalawang lalagyanan na dala ko. Pinipilit kong maging magaan ang pakiramdam ko para hindi nila mahalata na apektado ako sa kung ano mang meron ngayon.


"Sabi ko sa inyo eh, magsama na tayong lahat sa iisang bahay at i-hire natin yang si Deb bilang tagaluto. Mabubusog talaga ako lagi sa luto nito eh." Sambit ni Liam at tumawa na lang ako at uniling-iling. Hindi ko naman sinasadyang napatingin kay Seven at nakatingin siya sa ulam at inilihis ko agad ang tingin ko.


"Oh tara na! Nagugutom na 'ko!" Saad ko't kumuha na do'n sa Adobo.


"Hey here. I make some sushi for you, diba favorite mo 'to?" Pagpapapansin naman ng kapatid ko at ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko.


Kumain lang kami ng kumain. Napapadaan ang tingin ko kay Seven at ngumingiti naman siya habang kumakain ngunit hindi yung pangkaraniwan niyang ngiti. Kumakain din sila Roxanne at himala nga'y nagdala sila ng mag lunch box din nila.


Ano kayang meron at nagdala sila ng mga lunch box nila ngayon?


"Here oh, tikman mo. Gawa ko yan kanina, ah.." Sabi niya't susubuan niya si Seven ng mapatingin ako sa kanila, nagkatinginan kami ni Seven at ngumiti na lamang ako sa kanya.


'Please naman, 'wag ngayon. 'Wag kang mangta-traydor luha. Kahit na masakit na, huwag kang tutulo. Kahit na nakikita mo silang ganyan..'


Pumasok sa alaala ko yung unang punta namin sa creamlies. Yung pamimilit niyang pagpapa-subo ng ice cream..


Ibinaling ko na lamang sa pagkain ang atensyon ko ngunit nakita pa din ng mata ko ang pagsubo nito kay Seven. Tinignan ko na lamang yung ulam at nakita ko si Brandon na hindi kumain nung hipon.


"Oh? Hindi ka kumain nung Hipon? Bakit?" Sunod-sunod ko pang tanong sa kanya.


"Ah.. Eh.. Hindi kasi ako marunong kumain niyan. Maski nga sila oh!" Pagtuturo pa nila sa kanila at ngitian nila ako nagpapahiwatig na balatan ko pa sila.


"Kahit kelan talaga kayo." Sabi ko't kumuha ng isang hipon. Kumuha din sila ng isa at nilagay sa plato nila.


"Tanggalin niyo muna yung ulo, tapos balatan niyo na, pwedeng sa dulo niyo hilahin, parang ganito." Pagtuturo ko pa at tinanggal ang parteng sinasabi ko. "Tapos kainin mo na." Saad ko't nilagay sa gilid yung pinagbalatan at kinain na kasabay ng kanin.


"Kulay orange? Luto ba talaga yan?" Sabi pa ni Brandon at tumawa pa ako ng pagkalakas-lakas. "'Wag mo 'kong tawanan uy."


"Sorry, hindi ka nga pala kumakain ng hipon. Hater ka niyan eh, try mo. Masarap yan! Luto ko yan eh." Saad ko't itinapat pa sa bibig niya yung hipon.


"Kabaklaan mo naman bro! Bading ka! Hipon lang di ka kumakain!" Panga-asar sa kanya ni Liam.


"Subuin mo na! Ang arte mo naman parang bading!" Panggagatong pa ni Zach at ngumiti ako sa kanya saka niya kinagat yung hipon.0


"Oh diba? Masarap?" Nakangiti kong saad habang nakatingin sa kanyang mukha.


"Masarap nga. Isa na din 'to sa gusto kong luto mo." Saad niya't pinisil yung pisngi ko. Umiwas naman na ako saka ipinagpatuloy ang pagkain.


"Penge ako bessy! Na-miss ko na yung luto mong yan! Meron pa ba?" Saad naman ni Roxanne at ini-abot ko naman sa kanya yung lalagyanan.


Pagkabalik sa 'kin ay si Seven na lang ang hindi kumakain. Si ate kasi'y napilitan pa atang kumuha kahit na ayaw niya. Malay ko ba kung gusto niya ng luto ko.


Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kumuha ako nung Adobo at nagpatay malisya na wala akong nakikita pero hindi ko matiis na hindi siya patikimin ng luto ko.


Nasasaktan ako na, makitang ang sweet nila, sinusubuan siya ng pagkain ng kapatid ko, kahit gusto ko siyang pigilan na gusto kong sabihing ako na lang ang magsusubo dahil nami-miss ko nang gawin 'yon ay hindi ko magagawa dahil ito ang realidad.


Huminga ako ng malalim saka tinignan yung hipon at tinignan si Seven at nagsalubong ang tingin namin. Hindi ko maipaliwanag kung tama ba ang nakikita ko, parang malungkot ang mga mata niya.. Bakit kaya?


Hindi ko alam kung papa'no siya tatawagin. Kung Seven pa ba? Steve o Steven? Baka kasi ayaw ko na siyang tawagin sa ganun.


"U-uh.. S-steven.. Gusto mo din ba?" Nautal-utal ko pang tanong sa kanya. Para akong nakikipaghabulan at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa kung anong isasagot niya.


"Hindi ako marunong kumain niyan." Seryoso niyang sagot at uminom do'n sa inumin na dinala ni Ate.


"Pero gusto mong tikman?"


"Ayos lang. Di pa naman ako kumakain ng hindi nakabalat."


Ngumiti na lang ako ng bahagya saka ko binalatan yung hipon saka nilagay dun sa takip.


"Bigyan mo na lang siya ng kanin, mas masarap yan kapag may kanin." Sabi ko naman kay ate at agad na umiwas ng tingin. Kumain na lang ako ng kumain hanggang sa naubos ko na yung baon ko.


"Oh, dahil nilibre mo kami ng ulam. May libre din dessert. Diba paborito mo 'to?" Sabi ni Zach at ngumiti ako saka umiling.


"Nag-abala ka pa. Ayos lang naman sa 'kin kahit mag-tubig na lang ako, kahit wala nang cake." Sagot ko naman sa kanya.


"Eto, tubig." Biglang sabi ni Seven at natahimik kaming lahat, tinignan ko pa yung bote na may tubig at aabutin ko na sana 'yon ng bigla namang kunin ni Ate.


"Akin na lang, I need water. I'm thirsty." Saad ni Ate at binuksan yung bote saka ininom yung tubig.


"Kumain na kami nung cake at chocolate cake pa 'yon kaya matamis. Masakit sa lalamunan."


"Deb." Tawag sa 'kin ni Brandon at tumingin naman ako sa kanya. Ngumuso-nguso naman siya at hindi ko naman maintindihan 'yon.


"Ano ba 'yon?" Magkasalubong na kilay kong saad.


"May amos ka, halika." Sabi niya't nilinisan yung gilid ng labi ko't nailang pa ako.


"B-brandon, a-ako na." Saad ko't binigay naman niya sa 'kin yung tissue.

Bigla namang tumayo si Seven kaya nabaling ang tingin namin sa kanya.


"Saan ka pupunta bro?" Tanong ni Gab sa kanya.


"Bibili ng inumin." Diretso niyang sabi at nilagay sa bulsa niya yung kamay niya at naglakad.


"Kung maglalandian kayo, 'wag dito. Bawal ang PDA dito diba?" Singhal naman ni Ate sa 'kin at agad na nagsalubong ang kilay ko.


"Ano pang tawag sa ginawa niyo kanina? Hindi PDA ang paghalik sa tapat ng classroom? C'mon. 'Wag kang magmalinis." Sagot ko naman sa kanya at mas lalo pa ata siyang nainis sa 'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay.


"Don't mess up with me." Inis na pabulong niyang sabi.


"Then stop putting attention on me. Mind your own business." Iritado kong sabi sa kanya at tinignan siya ng matalim.


"Tubig oh. Alam ko, umay ka na diyan sa cake." Sabi ni Seven at nakatingin sa mata ko habang nakalahad ang kamay niya kasama yung bote ng tubig.


"S-salamat." Yun na lamang tangi kong nasagot at umiwas na ako ng tingin.


"Retreat na bukas, mag-sleep over kaya tayo mamaya?" Paga-aya ni Natasha at ngumiti naman ako sa kanila.


"Bright idea! Tutal kasama naman ako bukas sa retreat so tama lang yung sleepover." Pag-singit naman ni Ate at kitang-kita ko ang pag-irap nila Myca.


"Nako, hindi ako makakasama." Sagot ko naman sa kanila.0


"Bakit naman? Di ka papayagan? Ako na magpa-paalam sa 'yo girl!" Pagpe-presinta ni Anne.


"Hindi! Hindi!" Sabi ko't sumenyas pa ako. "Kasi, dun ako magste-stay kanila Brandon ma-"


"Kanila Brandon ka matutulog mamaya?" Seryosong tanong ni Seven kaya napatingin ako sa kanya.


"Yes bro, any problem with that?" Sabi naman ni Brandon at nagpalitan sila ng tingin na hindi ko maintindihan. Seryoso ngunit parang may iba pang kahulugan.


'Nagse-selos kaya siya? Pero imposible naman 'yon dahil mahal niya ang kapatid ko.'


"Ay, ganun ba. Sayang naman, namiss ka na namin ka-bonding. Nakakaumay kasi kumain sa labas at pumunta sa kung saan saan." Makahulugang sabi ni Myca.


"N-nandyan naman si Ate. M-masaya naman yang kasama." Pilit ko pang sabi.


Bigla namang tumapon yung baso ng tubig na nasa tabi ng kamay ni ate at tumapon sa uniform ko!


"I'm sorry!" Biglang sabi ni Ate at nakagat ko na lang yung labi ko sa inis.


"Are you okay Deb?!" Sabay pang sabi nila Brandon at Seven.


"Ano bang ginawa mo Patricia?!" Sigaw ni Seven at umikot papalapit sa 'kin.


"H-hindi ko sinasadya. Natabig ko lang yung baso." Utal-utal na sabi ni Ate.


"Hindi daw sinasadya. Tss. Deb, tara may uniform pa 'ko dun." Sabi ni Natasha.


"Hindi, ayos lang. Matutuyo naman agad 'to." Sagot ko sa kanya.


"Are you sure? Kunin mo na lang yung uniform ni Natasha. Ako na bahala diyan sa uniform mo. Malalamigan ka lang diyan." Naga-alalang sabi ni Seven at ngumiti ako ng bahagya dun ngunit hindi ko na lamang ipinahalata.


"Tara na Deb, sige na. Gamitin mo na lang yung uniform ko dun sa locker." Pagpupumilit ni Natasha kaya pumayag na 'ko. "Tara samahan na kita sa CR." Dagdag pa niya't tumayo na 'ko.


"Oh, susi ng locker ko. Kunin mo dun nakalagay sa paper bag yung uniform ko."


"Ah sige, ako na kukuha." Sabi naman ni Seven at kinuha yung bag niya.


"Kunin ko na din yung bag mo, wala na din naman tayong klase eh. Hintayin mo na lang ako dito sa baba. Okay?" Sabi ni Brandon at ngumiti naman ako saka kami lumabas.


Naunang maglakad si Seven at nasa likod niya kami, napansin kong mahaba-haba na rin pala ang buhok niya. Ba't hindi pa siya nagpapagupit?


"Deb, saan ka nagpunta kagabi? Naga-alala kami sa 'yo pati sila tita hinahanap ka." Naga-alalang tanong ni Natasha at pinunasan ko naman ng tissue yung damit ko habang naglalakad. "Si Seven.. Hinahanap ka niya kagabi.." Dagdag pa niya't natigilan ako sa pagpupunas..


SEVEN's POV


Nauna akong naglakad sa kanilang dalawa ni Natasha, gusto kong lumingon para tignan siya, gusto ko siyang lapitan, yung sobrang lapit na parang ayaw ko na siyang bitawan, pero hindi ko magawa! Napaka-duwag mo Seven!


Yung kamay niya na ang lambot-lambot hawakan, yung yakap niya na ang sarap sa pakiramdam kapag niyayakap ko siya. Fuck! I miss her so much! Lahat naman kasi 'to, pakitang tao lang! Kung hindi ako blinock mail ni Patricia na hinalikan ko siya nang pumunta kami ng river side, at hindi niya sinabing guguluhin niya ang buhay ni Deb, edi sana magkasama pa kami ngayon..


Ako sana yung kasama niyang kumain ng chocolate cake kaninang umaga.. Nakita ko sila at ang sakit sa pakiramdam na nakikita ko siyang kasama ng lalaking karibal ko! Ako sana yung kumakain nung adobong niluto niya, gustong-gusto kong sabihin na, 'Akin na lang yan.' pero hindi ko magawa.


Natatakot akong saktan siya ni Patricia kapag umuuwi siya ng bahay nila, kapag sinasabi niya kasi'y ginagawa niya talaga. Ayokong malaman niya ang nakaraan ko, natatakot ako, kahit kalalaki kong tao na baka pag nalaman niya na ex ko ang kapatid niya, layuan niya 'ko.


Mahal na mahal ko siya pero 'di ko man lang siya pinaglaban! Ang sakit-sakit! Ako sana yung pinaghimay niya kanina ng hipon, ako din sana yung nagpunas nung amos niya. Shit.


Gusto kong mag-sorry na balikan na niya ako, na hindi ko naman talaga mahal ang kapatid niya, pero hindi ko magawa dahil sa takot kong may mangyari sa kanyang masama..


Ang mas masakit sa lahat ay yung malaman kong magsle-sleep over siya kanila Brandon. Lang 'ya! Bakit sa kanila pa?!


Sumusulyap ako sa kanya na kahit sa konting pagkakataon at sa sandaling oras lang matitigan ko man lang siya. Miss na miss ko na siya sobra. Naghahalo yung takot, lungkot at galit ko sa sarili ko! Kalalaki kong tao, napaka-mahina ko!


Napasuntok na lang ako sa locker ng malakas at biglang tumulo ang luha sa magkabilang mata ko. Kitang-kita ko pa yung medyo maga niyang mata na alam kong, galing sa iyak, hindi ko sinasadya yung sinabi ko kagabi.. Nagtatalo yung isip at puso ko na mahal ko si Patricia pero hindi naman talaga.


Hindi ko na siya mahal, dahil mahal na mahal ko na si Deb.


Nakita ko ang pagdugo bahagya ng kanang kamay ko ngunit binalewala ko 'yon, mas masakit ang nararamdaman ng puso ko. Gusto kong sumigaw ng paulit-ulit na baka sakaling gumaan yung pakiramdam ko. Pero walang epekto, gustong-gusto ko siyang makita.


Kanina sa classroom, hindi naman ako ang nang-halik, nagulat na lang ako ng halikan ako ni Patricia at niyakap at nakita ko si Deb na nakatitig sa 'min at para bang iiyak na, gusto ko na siyang lapitan kanina pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Alam naman ni Patricia na kahit hindi ko sabihin sa kanya, mahal ko ang kapatid niya.


Gusto kong yakapin siya kagabi, habulin siya nung tumakbo siya sa party, pero pinigilan ako ni Patricia, hanggang sa magkasagutan kami ni Brandon.


Sobra ko nang nami-miss yung pagtawag niya sa 'kin ng 'Babe', pero hindi ko na ata maririnig 'yon kahit kelan. Ang sakit na, maski sa pangalan ko, nagbago na ang tawag na.. Hindi na 'Seven' ang tawag niya sa 'kin, 'Steven' na..


Binuksan ko ang locker ni Natasha at kinuha ang sinasabi niyang paper bag, pinunasan ko na yung luha ko kailangan kong ipakitang wala akong pakialam kay Deb pero hindi ko siya matiis, bawat galaw niya, apektado ako, bawat salitang binibitawan niya sa 'kin nasasaktan ako dahil ang lamig-lamig na niya, hindi gaya ng dati na malambing at masaya ang boses niya..


Puno 'yon ng sakit at hinanakit sa 'kin, marahil ay hindi na niya ako babalikan kahit na magmakaawa akong mahalin ko siyang muli.


Hinanap ko siya kagabi kaya ako nagsinungaling kay Patricia, na uuwi ako ng bahay. Alam naman nila James ang nararamdaman ko, pero tangina! Hindi ko man lang siya maipaglaban man lang! Ang hina-hina ko!


Sobra akong naga-alala sa kanya kagabi dahil hindi naman niya kabisado yung lugar na 'yon, baka ano nang nangyari sa kanya, na baka bigla siyang mahimatay sa kakaiyak kagabi, na kahit ayoko man siyang makitang umiyak, nagawa ko.. Kasalanan ko naman talaga lahat 'to.


Mahal na mahal ko siya at hindi magbabago 'yon.


"Natasha? D-deb?" Tawag ko sa pangalan nila saka kumatok sa pinto.


"Nakuha mo na?" Tanong ni Natasha at ngumiti naman ako ng bahagya saka ini-abot yung paper bag. "Salamat." Dagdag niya't sinarado yung pinto.


Tumayo ako do'n sa gilid at sumandal, wala namang masama kung hihintayin ko silang lumabas, gusto ko lang naman siyang makita ng matagal.


Pumikit na lang muna ako saka isinandal sa pader ang ulo ko, napahilamos na lang ako ng dahil sa mga nangyayari ngayon.


"Oh, ba't nandyan ka pa?" Biglang saad ni Natasha ng makita niya ako't agad kong naibaba ang kamay ko. Tinignan ko kung maayos na yung uniform ni Deb at okay naman na siya. "Ma-iwan ko muna kayo." Saad nito at umalis na siya saka umakyat.


Napuno ng katahimikan kaming dalawa na nakatayo't iwas ang tingin sa isa't isa, gusto ko siyang kausapin pero baka galit siya sa 'kin..


"Anong nangyari sa kamay mo? Ba't dumudugo?" Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa kamay ko, sobra kong namiss yung boses niya..


"W-wala 'to, a-ayos lang ako. Galos lang naman yan, mawawala naman agad." Sagot ko na lamang saka itinago sa likod ang kamay ko.


Bigla naman niya 'yong kinuha at tinignan at para akong kinukuryente sa paghawak niya sa kamay ko hindi ako makagalaw maski makapagsalita, nakatingin lang ako sa kanya habang tinitignan niya ang kamay ko at hawak-hawak niya 'to.


"Yan ba yung galos lang? Ano bang ginawa mo?" Sunod-sunod niyang tanong at wala naman akong maisagot, gusto ko lang na marinig ang boses niya. "Tinatanong kita, sagutin mo 'ko. May sinuntok ka no? Bakit? May nanakit ba kay Ate?"


"W-wala naman." Nautal ko pang sagot. "Tara." Saad ko't hinila ang kamay niya papunta sa likod sa may bakanteng lote.


"Ano bang ginagawa mo? Ba't mo 'ko pinunta dito? Mamaya may makakita sa 'tin!" Singhal niya sa 'kin ngunit nagbingi-bingihan ako saka ko siya niyakap ng mahigpit!


"Bitawan mo 'ko, hindi 'to tama! Mamaya makita tayo ni Ate." Pagmamatigas niya ngunit mas niyakap ko siya ng mahigpit.


"Just let me do this for a while. Please." Pagmamakaawa ko pa't hindi na siya sumagot bagkus ay niyakaap na niya ako pabalik.


"Just say anything you want.. Anything." Sabi ko habang magkayakap kaming dalawa.


Narinig ko kaagad ang paghikbi niya at agad ko namang hinagod ang likuran niya. Pumikit ako ng maramdaman ko ang sakit na nararamdaman niya.


"Bakit ganyan ka? Bakit pinakitaan mo pa ako ng motibo para mahalin kita ng ganito kalala? Wala naman akong ginagawa sayong masama minahal naman kita pero ganito ang nangyari, bakit? Isang araw, girlfriend mo na ang kapatid ko.. Mali pala, girlfriend mo siya talaga. Pero bakit mo 'ko ginano'n? Dahil mabilis akong mahulog sa gaya mo? Ang sakit kasi eh!" Sabi niya habang nakayakap sa 'kin at sinusuntok ang likod ko't napalunok na lang ako't napapapikit.


"Mas okay pa sana yung hindi ka nagpakita sa mismong araw ng birthday ko, yung nagpakita ka ulit sa 'kin? Kasi umasa ako na isa na 'yon sa pinakamasayang araw ng buhay ko eh. Pero yun pala ang pinaka-masakit na araw ng buhay ko. Yung sabihin mong hindi mo 'ko minahal!" Nanghihina niyang sabi at umiyak na siya.


'Sorry.. Mahal kita.'


"Umaasa ako na baka isang masamang panaginip lang 'yon eh, pero pagkagising ko, totoo pala. Gusto ko sana ibigay sa 'yo yung Adobo dahil paborito mo 'yon, pero sino pa ba ako para ibigay 'yon sa 'yo? Hindi mo naman ako girlfriend." Sabi niya't kumawala na sa yakap ko saka siya nagpunas ng luha. Sinubukan ko siyang hawakan muli pero iniiwas niya ang kamay niya.


Tumingin siya sa mga mata ko at hindi ko siya matitigan ng matagal. Nakikita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Masakit makita na umiiyak sa harap mo ang babaeng mahal mo, parang gusto mo na lang na saktan ang sarili mo.


"'Wag mo na 'kong lapitan, nagmamakaawa ako. Nasasaktan lang ako, nagmamakaawa ako. Layuan mo 'ko, kasi habang tumatagal, nahihirapan akong magmove-on, actually bakit nga ba ako magmo-move on? Hindi naman naging tayo. Isa lang malaking kalokohan ang MU Steven. Hindi 'yon, Mutual Understanding! Hindi! Dahil wala namang naging mutual sa nararamdaman nating dalawa, ako lang naman ang nagmahal sa 'yo at hindi mo naman ako minahal pabalik diba?" Madiin niyang sabi at nahihirapan na siyang huminga habang dinuduro ako.


"MU ay isang Malanding Ugnayan lang, walang mutual do'n, mali ang sumugal, kasi wala ka namang maipaglalaban kung talo ka lang din sa dulo. Sana hindi na lang kita nakilala, sana hindi na lang kita nabunggo nung first day. Isa 'yon sa hiling ko, kaya Steven.. Layuan mo na 'ko. Palayain mo na 'ko. Salamat na lang sa magandang alaala." Sabi niya't halos madurog ang puso ko sa mga salitang binitawan niya, naglakad naman siya papalayo.


Susundan ko sana siya ng makita kong yakap-yakap na niya si Brandon, para akong sinasaksak ng paulit-ulit na makita silang gano'n. Pinapatahan siya sa pag-iyak nito.


"Steve?" Biglang tawag sa 'kin ni Patricia at lumingon ako sa kanya. "Bakit ka umiiyak?" Tanong niya pa't napasuntok na lang ako sa pader sa sobrang galit!


"Hey, itigil mo yan, may sugat na yang kamay mo." Pagpipigil niya sa 'kin ngunit tila ba wala akong narinig na galing sa kanya!


"Itigil mo na yan! Please!" Sigaw niya't napasabunot na lang ako saka napasandal sa pader.


"Masaya ka na ba? Wala na yung babaeng mahal ko! Wala na siya! Ayaw na niya akong makita! Ayaw na niya akong lapitan pa siya! Lang 'ya!" Sigaw ko sa kanya.


"But, I'm here.. You love me right?" Mahina niyang sabi.


"Oo mahal kita, pero noon 'yon! Hindi na ngayon! Dahil siya ang babaeng mahal ko! Nakikita mo ba o nagbubulag-bulagan ka pa din hanggang ngayon Patricia?! Ano bang mahirap intindihin sa hindi na kita mahal?!" Singhal ko sa kanya.


"But I still love you Steve, please don't leave me." Saad niya't lumapit pa sa 'kin at kitang kita ko ang luha sa mga mata niya.


"Nirerespeto pa din kita bilang babae Patricia, kahit anong pilit mo, hindi na kita mahal." Pagpupumilit ko.


Umiling-iling pa siya sa 'kin na tila ba hindi naniniwala sa mga sinasabi ko sa kanya.


"Nasasabi mo lang yan kasi nakita mo siyang kayakap si Brandon. I don't believe you. Iiwan muna kita, uuwi muna ako. Pupunta ako dito para sa retreat bukas." Sabi niya't naglakad na papalayo sa 'kin.


Hindi ko na siya hinabol o ano man, wala na akong pakialam sa kanya dahil hanggang ngayon si Deb pa din ang iniisip ko. Siya lang naman talaga ang mahal ko.


Ayaw na niya akong makita, bakit? Dahil ba mahal na niya si Brandon? Dahil nandyan si Brandon para mahalin siya? Kaya ko siyang mahalin ng sobra-sobra ng kayang ibigay ni Brandon.


Dumiretso na lang ako ng clinic at nakita ko si Mrs. Tan na nakikipagkwentuhan sa loob nito kasama ang kanyang anak na nurse dito.


"Oh, bakit hindi mo na kasama yung magandang dilag? Yung sinasabi mong babaeng gusto mo?" Biglang sabi ni Mrs. Tan at nailang akong sumagot.


"Ma.." Tawag ng anak niya sa kanya.


"Oh bakit? Totoo naman ah. Yung huling punta niya dito yun ang sinabi niya na gusto niya yung babaeng natagusan?" Sabi pa ni ma'am at ngumiti na lamang ako sa kanya ng mapait.


"Miss pahingi ng alcohol para dito." Sabi ko't ipinakita ang kamay ko.


"Oh, saan galing yan? May sinuntok ka ba?" Nabigla na sabi nung nurse.


"Oo." Sagot ko.


"Akin na, gamutin ko." Pagpe-presinta niya't umupo naman ako do'n sa isang upuan. "Sabihin mo na lang kapag masakit." Saad niya't tumango na lamang ako.


Nagsimula na siyang maglinis ng sugat ngunit parang wala akong nararamdaman na sakit, mas masakit pa yung nararamdaman ng puso ko dahil sa sinabi niya kanina sa 'kin.


"Anong nangyari? Ba't kailangan mong gawin 'yon sa mismong birthday niya?" Tanong nung nurse habang patuloy pa din siya sa paglinis nung sugat ko.


Huminga pa 'ko ng malalim saka sumagot sa kanya, "Hindi ko plano 'yon, hindi ko inaasahan yun kagabi. Nagulat na lang ako ng biglang banggitin ni Patricia 'yon."


"Pero bakit hindi mo ipinaglaban? Mahal mo diba?" Pagu-usisa pa niya.


"Natatakot ako na baka pag umuwi siya, saktan siya o kaya naman kung anong gawin sa kanya ni Patricia. Kilala mo siya, gagawin niya ang lahat para lang mapasakanya ang gusto niya." Pagpapaliwanag ko ng nararamdaman ko.


"Eh ano yung halik? Nakita ko kayo no'n sa may River side. Hinalikan mo siya, akala ko hindi ikaw 'yon eh pero nung lumapit ako ng bahagya alam kong ikaw 'yon."


"Hindi ko din alam kung bakit ko siya hinalikan nung mga oras na 'yon, miss na miss ko siya ng panahon na 'yon. Akala ko kasi mahal ko pa siya.. Hindi na pala." Sagot ko't diniinin niya ang paglagay ng alcohol sa kamay ko.


"Ano masakit? Mas malala pa diyan yung mararamdaman niya kung nakita niya lang kung pa'no mo hinalikan si Patricia." Pagpapahayag niya't ipinagpatuloy ang paglilinis sa sugat ko. "Mr. Swayze, kung kuntento ang puso mo sa taong mahal mo, kahit sino pa ang dumating, hinding-hindi ka malilito." Makahulugan niyang sabi at tumingin pa ng bahagya sa mata ko saka ipinagpatuloy ang pagsasalita, "Sabi nga nila, masarap ang may kasama lalo pag mahal mo at mahal ka rin niya. Oo tama sila, pero 'di mo akalain na kung ga'no kasarap ang makasama siya, ganun din kasakit kapag wala na siya."


Hindi na 'ko nakapag-salita pero naguguluhan ako sa sinabi niya. Bakit ganyan siya magsalita? Malapit na siyang matapos mag-lagay nung band aid.


"Pwede magtanong?" Nahihiya ko pang sabi.


"Nagtatanong kana kaya. Hindi, joke lang. Ano ba 'yon?" Sagot niya.


"Bakit ganyan ka magsalita sa 'kin? Ganyan ka din dati pero yung nakikita mo na ata lahat ng gawin ko hindi pa." Naguguluhan kong sabi sa kanya.


"Alam ko lahat ng tungkol sa 'yo, ikaw ang may hindi alam sa sarili mo at sa pagkatao mo. May kulang pa Seven, may kulang pa. Siya lang makakapag-paliwanag at siya lang ang magiging sandalan mo kapag nakita mo na siya." Sabi niya't agad na nagsalubong ang kilay ko.


Namuo ang tanong sa isip ko. Sino naman yung sinabi niya? Anong hindi pa buo ang pagkatao ko? May hindi paba ako nalalaman?


'Anong ibig niyang sabihin?'


TO BE CONTINUED..


Ano kayang ibig sabihin ng nurse? Find out to the next chapters. ^_____^


Sorry guys, dapat kahapon ang update eh. Kaso 'di ko pa natatapos at may kailangan akong gawin.


PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. ^____^


THANK YOU VERY MUCH! ^_____^


-x Theinnocentskater x-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro