CHAPTER 46: Fight for love

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

DEBBIE's POV

PARA akong lutang na nakatingin mula sa bintana ng kotse ni Brandon kanina habang papunta kami dito sa bahay. Hindi pala parang. Wala talaga ako sa sarili ko, okyupado ang isip ko at tanging si Seven lang ang nakakagawa no'n sa 'kin. Bakit kinailangan pa niya akong kausapin ng gano'n? Yakapin ng gano'n kahigpit? Alam niya naman sigurong masasaktan niya ako, iniisip ko kung ginagawa ba niya 'to kung para saktan pa ako o mas mahirapan pa ako o baka naman nais niya lamang na, pagaanin ng konti ang pakiramdam ko?

Mahal na mahal ko siya pero hindi ko naman akalain na ganito kasakit, ganito kahirap. Papa'no ko siya haharapin bukas?

"Frey, we're here." Biglang sabi ni Brandon na nagpabalik sa ulirat ko ngunit hindi ko man lang siya nagawang lingunin man lang. Parang nawala lahat ng lakas ko simula nung yakapin niya ako kanina.

Sa panahon pala talaga ngayon ang hirap malaman kung seryoso ba talaga sayo ang isang tao, dahil marahil ay nagpapanggap lang ito at pakitang tao lamang ang lahat, na gagamit pa sila ng ibang tao para lang makapanakit at paglaruan ang puso ng iba.

"I know. I can't help you in a way that you can just easily forget him and forget all the paih that you're feeling now, buy I can be your pillow and shoulder." Seryosong sabi ni Brandon at kahit na hindi ko man siya magawang tignan ng diretso sa mata ay alam kong naga-alala siya sa 'kin.

"Pasensya kana Brandon, pero hindi ko magawa ang hirap. Sobrang hirap na sa araw-araw ay makikita ko siya na nasa piling ng iba. Yung kapatid ko pa." Sabi ko't nagpakawala ako ng malalim na hininga saka nagpatuloy, "Yung akala ko na susuportagan ako ay siya pala yung babaeng magiging dahilan ng paghihirap ko." Nanlulumo kong sabi ngunit wala nang namumuong luha mula sa mata ko, pagod na akong umiyak. Tama na.

Hindi na siya sumagot pa at pinagbuksan na lamang ako ng pinto, sinabihan ko na lamang siya ba antayin na lamang niya ako at kukunin ko ang gamit ko para sa retreat namin.

"Sigurado ka bang, kaya mo mo nang harapin sila tita?" Pagpigil pa niya sa 'kin nang makalabas ako ng kotse. Tumango naman ako bilang sagot.

Naglakad ako papalapit sa pinto namin saka kumatok na agad naman akong pinagbuksan ng pinto ni mama, agad naman niya akong niyakap ng pagkahigpit-higpit. Bumigat ang nararamdaman ko, hindi man lang ako makagalaw at nagigimg emosyonal na naman ako.

"Anak, sa'n ka ba galing ha? Naga-alala na kami ng papa mo, hindi namin alam kung saan ka habanapin, tumawag na nga kami sa police kagabi. Anak, sabihin mo naman sa 'kin, may nangyari bang masama sayo?" Naga-alalang saad ni mama at hinaplos ang mukha ko, nagpakatatag ako at tinignan siya ng diretso sa mata, kailangan kong kontrolin ang sarili ko.

"Ayos lang ako mama, pwede bang kanila Brandon muna ako makikitulog?" Pagpapaalam ko kay mama. "Hindi ko pa po kasi kayang makasama yung dumrog sa 'kin." Dagdag ko pa. Wala man lang akong emosyon na maipakita kahit na ramdam kong naga-alala siya sa 'kin.

Tumango na lamang siya at nagpakita ng isang pekeng ngiti, marahil ay naiitindihan naman niya ang nararamdaman ko ngayon.

Gumilid ako saka naglakad papunta sa kwarto at nang buksan ko ang pinto ay nando'n siya at tila ba may kinukuha sa cabinet.

"What are you doing here bitch?" Pambungad niya sa 'kin habang nakataas ang kanang kilay at naka-pameywang.

"Bahay ko 'to. Kwarto ko 'to at cabinet ko yang kinakalkal mo. Nakikitira ka lang dito kaya huwag kang umasta na sayo 'to." Mataray kong sagot sa kanya saka inilapag sa higaan ang bag ko.

"Ang lakas talaga ng loob mo na magpakita sa 'kin e no? Sabagay, lahat naman ng kabet--"

"Ang kapal naman ng mukha mo. Ako kabet?" Sabi ko't nilapitan siya at naga-alab ang galit sa dibdib ko! Magkasalubong ang kilay ko at gusto ko siyang saktan para makaganti man lang ako. "Ginagago mo ba ako?! Sino bang dumating na parang kabute at biglang magpapakita sa lalaking iniwanan niya ha?! Sinong babae ang hahalikan ang lalaking may iba nang nililigawan?! At sinong matinong babae ang hahayaang masaktan ang kapatid niya para lang sa lalaking 'yon?! Mas makapal ang mukha mo!" Sigaw ko sa kanya saka siya dinuro-duro!

"What the hell are you saying?! Nililigawan ka eh hindi ka nga mahal?! Ganyan ka na ka-desperada?!" Sigaw niya naman sa 'kin! "I can't take that you're my sister, you're ugly while me? I'm pretty." Pagmamalaki naman niya sa sarili niya.

"Maganda ka nga, pangit naman ang ugali mo. So what's the sense of your fucking beauty? A slut? A whore?" Panglalait ko sa kanya! Agad na nagsalubong ang kilay niya at alam kong namuo ang galit sa kanyang puso!

"How dare you?!" Sigaw niya saka niya ako dapat sasampalin ng bigla kong mahawakan ang kamay niya ng pagkahigpit-higpit!

"Huwag mong ipapatama yan sa 'kin, dahil sa larong 'to, ako ang mananalo. Hindi ako makakapayag na masampal ako ng isang maitim ang budhi na gaya mo! Naintindihan mo?!" Sigaw ko saka ko binato ang kamay niya! Sinampal ko siya sa kanyang pisngi at nagulat siya sa ginawa ko! "Tama lang yan sayo, kulang pa yan sa mga kahayupan mong ginawa sa 'kin! Kaya lumayas ka dito dahil kapag 'di ako makapagtimpi, baka ihampas ko sayo lahat ng makikita ko!" Sigaw ko sa kanya at para ba siyang natakot sa 'kin at kinuha ang gamit niya! "ANO?! ANONG TINITINGIN TINGIN MO?! LABAS!" Mas malakas ko pang sigaw sa kanya at lumabas naman siya!

Matapos niyang lumabas ay parang mas lalo lang nag-init ang lio kp, huminga ako ng malalim saka umupo do'n sa kama saka umiling-iling.

Pagkatapos ko siyang tiisin, tanggapin, pumayag akong insultuhin ako, nagawa pa din niyang agawin ang lalaking mahal ko.

"Hindi, mali ka Debbie. Kahit kailanman, hindi naging sayo si Seven dahil nananatili siyang sa kapatid mo, simula pa lang." Pagpupumilit ko sa sarili ko sa masakit na katotohanan na hindi naman talaga siya sa 'kin.

Inayos ko na lamang ang gamit ko, nilagay ko sa bag at nakita ko ang CD ba nasa bag ko, yun ang CD na nakita ko sa kwarto ni Seven ng pumunta ako sa kanila. Nanginginig akong hawakan 'yon at nangingibabaw ang pakiramdam ko na hindi talaga 'yon para sa 'kin.

Nilagay ko 'yon sa harap ng bag ko habang nilalagay ko ang toothbrush sa bag ko ay biglang bumukas ng pinto at hindi na ako nag-atubiling tignan 'yon, nagpatuloy na lamang ako sa paglalagay ng gamit sa bag ko kahit na wala naman ako sa diwa.

"'Nak, pwede ba kitang makausap?" Sabi ni tatay at umupo sa kama, napatigil ako sa paga-ayos ng gamit ngunit kinuha ko ang huling ilalagay ko at ayos na ang gamit ko.

"'Nak, alam kong masakit malaman at makita na hindi mo na kasama ang lalaking mahal mo. Aminin mo man sa 'kin o hindi na hindi mo siya mahal ay hindi kana makakapag-kaila." Malumanay na sabi ni tatay saka ako umupo sa tabi niya. May kung anong kumirot sa puso ko, at napakagat na lamang ako sa labi ko upang mapigilan ang nararamdaman ko na naman na pagtulo ng luha ko.

"Masakit makita na masaya sa ibang tao ang lalaking mahal mo na datu ikaw lang ang nagiging dahilan non. Nakita ko yung ngiti mo na mas maganda at mas maaliwalas ang mukha mo noong kasama mo siya, hinayaan kita dahil alam kong kapag pinigilan kita, magiging malungkot ka at ayokong mangyari 'yon." Bumuntong hininga siya saka ako inakbayan at tinapik-tapik ang balikat ko.

"May mga tao talaga na kahit mahalin mo ng sobra-sobra na nagmumukha ka nang kawawa ay hindi ka pa din kayang mahalin pabalik gaya ng iyong inaasahan. Masakit umasa, para ka lang nalaglag na walang ibang tumulong sayo. Masakit magmahal ng taong 'di ka mahal. Sa pag-ibig kailangan mong mag-sakripisyo para sa okabubuti nang lahat. Ang magiging desisyon ng isa ang magpapabago sa lahat. Akala nila, malakas ka pero ikaw ang pinaka-mahina sa lahat." Seryoso niya pang dagdag at tumatagos sa puso ko ang kanyang sinasabi. Lumalabao na naman ang paningin ko at hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong maging emosyonal.

"Iiwan mo siya kung kinakailangan. Sacrificing is a part of love. Pero magsa-sakripisyo ka pa ba kung siya naman ang unang bumitaw? Sa tingin mo ba anak, magsisisi siyang uniwan ka niya ng magmu-mukmok ka lang diyan? Bumangon ka at magpakatatag para pagdating ng isang araw masasabi niya na mali ang desisyon niya na iniwanan ka niya." Do'n na tumulo ang kanina pang nais lumabas sa 'king magkabilang mata parang gripo na walang tiguk sa pagtulo at niyakap ko ang si tatay.

Kinailangan kong maging malakas at huwag magpa-apekto.

"Hahayaan kitang umiyak ngayon, masakit para sa isang ama na makitang umiyak ang kaisa-isa niyabg anak. Wala akong masisi, dahil alam kong hindi 'yon tama. Ama mo ako, pero 'di ko alam kung saang paraan kita pro-protektahan. Ako ang nagpalaki sayo pero hindi ako naging handa sa ganito. Imbes na ako ang unang hihingan mo ng tulong, unang dadamay sayo at lalabasan mo ng sakit, sama at saya ng buhay mo mo ay nauna pa ang iba." Sabi niya na tila ba nagsisisi siya ngunit hindi ako makapagsalita, walang lumalabas na kung ano sa bibig ko, tanging hikbi ang naririnig ko at sakit lamang ng puso ko ang nararamdaman ko.

Tinapik niya ang likuran ko at wala na akong nasabi pa, maiintindihan naman niya siguro ako na kahit na hindi ko sabihin, umiyak ngunit pinipigilan ang hikbi hanggang sa naramdaman ko ang paghaplos ng aking ama sa buhok ko.

"Maiintindihan ko kung hindi ka muna matutulog dito, hindi kita pipigilan sa kung ano mang gusto mo basta hindi makakasama sayo. Alam kong kaya mo na ang sarili mo, may tiwala ako sayo pero.." Pabitin niyang sabi at ini-angat ang mukha ko at pinahid ang luha sa mga mata ko. "Wala pa akong tiwala sa puso mo." Sabay duro niya sa banda kung nasaan ang aking puso. "Dahil alam kong nagdurugo pa yan at nasasaktan ka pa hanggang ngayon.

"Tay, salamat." Sabi ko't ngumiti sa kanya, isang ngiti na kahit hirap akong gawin ay alam ko sa puso ko na 'yon ang nararamdaman ko.

Matapos no'n ay kinuha niya ang dadalhin kong bag saka ibinaba, huminga ako ng malalin tinignan ang kwarto ko, ang lugar kung saan nabuo ang masasaya at mapapait na alaala ng buhay ko.

'Dapat maging malakas ako, para sa sarili ko at para sa taong nasa paligid ko.'

Naligo ako upang mahimasmasan ako. Alam kong matagal ako do'n at matapos kong magbihis ay mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako saka sila nakitang nakaupo sa sala.

Magkatabi sila mama samantalang nasa tapat naman nila si Brandon. Kinuha ko naman ang panali ko ng makita ko ang kwintas sa katabi nito.

Seven. Siya na naman. Naaalala ko pa ang sinasabi niya sa 'kin habang nilalagay niya ang kwintas na 'to sa leeg ko na para ba akong isang prinsesa ng araw na 'yon ngumit magiging isang bangungot lang pala.

'Kahit na anong mangyari, ikaw lang ang babaeng magugustuhan ko hanggang dulo. Ikaw ang pinaka-magandang bigay sa 'kin ng diyos and I'm very thankful. This day, everything will change but my feelings to you will stay the same.'

Nagbango nga, kasinungalina. Hindi na lang san niya ako pinaasa sa wala, isa kang malaking sinungaling John Steven Swayze.

Bakit kahit na anong gawin gawin ko, kahit na konting galit, wala akong maramdaman? Bakit nananaig ang pagmamahal ko sayo.

Sinuot ko na lang 'yon, at tumingin sa salamin. Ang ganda non kumikintab pa.

Bumaba naman ako at umupo sa tabi ni Brandon at ngumiti naman siya sa 'kin.

"Ingatan mo yung anak ko Brandon, may tiwala ako sayo." Sabi ni tatay at nginitian naman siya ni Brandon.

"Opo. Salamat sa tiwala." Sabi naman ni Brandon.

Tumayo naman na kamo at nginitian niya akong muli at kinunutan ko naman siya ng noo.

Yumakap naman ako kay kanila mama tsaka na kami umalis at siya na ang nagbuhat nung dala kong damit at sinakay niya sa kotse.

Kailangan ko nang kalimutan yung araw na 'yon, kailangan ko nang magbagong buhay para sa ikabubuti ko, kailangan 'wag ko na masyadong isipin ang pangyayaring 'yon. Mapapagod lang ako kakaiyak at kakaisip.

'Tama yan Deb, isipin mo na lang yung ibang taong nasa paligid mo.'

"Deb? Tara na?" Tawag sa 'kin ni Brandon at ngumiti ako sa kanya saka kami sumakay.

Umalis na kami at binaybay ang daan, traffic pa kaya mas lalong nakakainip. Halos hindi na nga umandar ang mga kotse kaya nagulat na lamang ako ng bigla siyang nagu-turn at hinayaan ko naman siya dahil baka may iba namang daan.

Ipinarada niya ito sa isang madamong lugar, maraming ilaw sa daan at nagulat na lamang ako ng hawakan niya ang kaliwang kamay ko.

"C'mon, tanggalin natin kahit konti yung sakit sa puso mo." Sabi niya't bumaba naman kaming dalawa sa kotse saka ko mas nakita ang paligid, maganda siya at makikita mo ang ilaw sa mga bahay lalo na kapag nasa taas kana.

Hawak-hawak niya ang kaliwang kamay ko habang naglalakad kami at hindi ko alam kung maiilang ba ako ngayong alam ko namang may gusto siya sa 'kin o hindi ko na lamang intindihin?

Umakyat kami hanggang sa marating na namin ang pinakamtaas, mas maganda do'n, yung mga street lights na tila ba isang bituin na nagkikintaban.

"Upo ka diyan, malinis dito. Every month pinapalinis ko 'to." Sabi niya't agad naman akong nagtaka.

"Bakit? Lagi ka ba dito?" Tanong ko sa kanya saka ako umupo at maski siya'y umupo din.

"Oo, dati nung hindi ko masabi na gusto kita." Sabi niya't nanatili pa ding nakatingin do'n sa magandang tanawin. Hindi agad ako nakasagot, hindi ko alam ang sasabihin ko. "It's been years since I like you. But this is not about me." Saad niya't umiling saka ngumiti na alam kong nasasaktan na naman siya ng dahil sa 'kin. "Sa lugar na 'to, dito ko sinisigaw lahat ng sama ng loob ko, when I am happy, when I am sad, when I am mad. This place makes me comfortable and this place lessen the pain." Pagkwe-kwento niya. "Isigaw mo lahat ng sakit na nararamdaman mo sa kanya, I'm sure it will lessen the pain."

Tinignan ko naman muli yung mga ilaw, saka ako pumikit at huminga ng malalim.

"Nakakainis ka! Nakakainis ka! Umasa ako sa wala! Akala ko kase, magiging gano'n din ang nararamdaman mo sa 'kin! Pero mali eh! Mali! Ang sakit-sakit Seven! Sa tuwing aalalahanin ko lahat ng nangyari sa 'tin na masasayang alaala wala naman akong maalala na ginawa kong mali! Wala! Pero bakit nagawa mo akong saktan ng ganito?!" Sigaw ko saka pumulot ng isang bato at ibinato yon sa malayo! "Shit this! Kung alam ko lang na ganito pala, edi sana hindi na lang kita nagustuhan! Hindi na lang sana kita kinaibigan pa! Alam mo yon?!" Dagdag ko pa saka ako nagbato muli ng bato!

"Ako naman?" Sabi niya't tumango naman ako. "You fucking bullshit! I want to kill you, because of hurting her. I told you that if you hurt her, I'll get her and I will never return her to you! Shit! To all the girls that you've hurt, why her?! She doesn't do anything bad to you! Why do you need to betray her like this?!" Sigaw niya saka siya bumato ng isang bato. Nasasaktan ako para sa kanya. Ganito niya ako kamahal, pero bakit hindi na lang siya ang nagustuhan ko? Sana siya na lang, para hindi ako nasasaktan nga ganito.

"Alam mo yung masakit?! Yung kapatid ko pa ang babaeng magiging kaagaw ko sayo! Nakakainis! Sobrang sakit kasi eh! Dito oh! Dito!" Sigaw ko saka idinuro ang puso ko! "Ang sakit lang kasi wala akong nakitang mali sa mga ipinakita ko sayo, naging mabait naman ako sayo!" Sigaw ko ngunit naramdaman ko na naman ang mainit na likidong lalabas na naman sa magkabilang mata ko.

"Minahal lang naman kita.. Pero ganito ba kasakit na mahalin ka?!" Garagal ko nang saad, nanghihina na ako kakaiyak. Hindi pa ba nauubos ang luha sa 'king mata? Kumikirot ang puso ko ng sobra-sobra, para bang hinihiwa na naman 'to na kahit ilang beses na akong umiyak ay hindi pa din nababago ang sakit na nararamdaman ko. "Masaya naman ako eh, alam ko naman at nararamdaman ko na masaya ka din sa 'kin nang panahon na 'yon.. Pero bakit ngayon ang nararamdaman ko'y nagpanggap ka lang sa nararamdaman mo para sa 'kin noon?" Naiyak ko nang saad. Tinapik-tapik naman ni Brandon ang balikat ko

"I hate the way that I don't hate you. Not even close, not even a little bit, not even at all. May mga bagay na kailangan ko na lang tanggapin kahit sobrang sakit. Alam mo yung, masakit pa lang tumawa kapag ang totoo ay nasasaktan kana. Ganun yung nararamdaman ko ngayon e." Nasasaktan kong saad at pahina ng pahina ang boses ko.

Tumahimik naman na ako at tumingin na lamang sa tanawin, marahil mugto na naman ang mata ko kakaiyak. Lumapit naman si Brandon saka ako inakbayan at isinandal ang ulo ko sa kanyang balikat.

Walang kung anong nararamdaman na maski si Brandon ay para bang nanginginig na ng bahagya sa lamig ay hindi ko maramdaman.

'Mahal pa rin kita.'

Ang masakit na katotohanang hindi ko matanggap-tanggap dahil alam ko namang mali, dahil hindi naman niya masusuklian ang nararamdaman ko. Nakakapagod na, papa'no pa bukas kung makita ko kayong magkasama? Ang sakit-sakit.

BRANDON's POV

"Ako na lang ang mahalin mo, kahit hindi mo ko matutunang mahalin, basta sa tabi lang kita. Pwede mo akong rebound, kahit na alam kong masasaktan lang ako sa huli." Saad ko ngunit wala akong narinig sagot mula sa kanya. Nang tignan ko'y nakatulog na pala siya. Lagi na lang ganito.

Dati noong nagtangka din akong umamin sa kanya, nakatulog siya sa balikat ko, lahat ng pagkakataon sinubukan ko, mabuti na lamang dati'y naka-amin ako ng hindi siya nakatulog. Ngayon namang gusto kong sabihin na maging rebound na lang niya ako, tulog na naman siya.

Sobra siyang nasasaktan ngunit ganun din ka-sobra niya kung mahalin si Seven, binalaan ko naman na siya, alam naman niya siguro ang usapan namin dati na 'wag niyang sasaktan si Deb pero ginawa pa din niya. Gusto ko siyang iganti pero masasaktan ko naman si Deb.

Sobrang sakit para sa 'kin na makita siyang nasasaktan.

Tinignan ko ang mukha niya habang nakasandal siya sa balikat ko hinahawakan ko ang hibla ng buhok niya hinahaplos 'yon ng paulit-ulit.

Masaya ako kapag ginaganito ko siya pero ngayon alam kong kailangan niya ako, kailangan kong isalba ang puso niya. Nandito naman ako para mahalin siya ng buong puso.

Kabadingan man pakinggan pero wala akong pakialam. Gagawin ko 'to para sa kanya at para sa 'ming dalawa.

Nanatili kaming nando'n nagisip-isip, dahan-dahan akong gumalaw at binuhat siya, pagod na pagod siguro siya kaya kahit na ginagalaw ko na siya'y hindi man lang niya nararamdaman.

Nang makarating ako sa sasakyan ay nahirapan akong buksan 'yon dahil buhat buhat ko pa siya. Nang maayos ko siya mai-upo ay tinitigan ko ang mukha niya, may luha pang namuo mula sa gilid ng mata niya kaya hinaplos ko 'yon.

"Hindi talaga bagay sayo ang umiyak, pumapangit ka. Dapat sayo pinapangiti lang eh, kapag nasasaktan ka mas nasasaktan akong makita kang gano'n, mas nasasaktan akong makita kang nanghihina. Masokista ako, bibihira lang sa lalaki 'yon diba? Baka nga ako pa lang ang kauna-unahang lalaki sa mundo na masokista eh. Gagawin ko 'yon dahil mahal kita. Mahal na mahal kita." Saad ko't umupo sa bakanteng espasyo ng kinau-upuan niya.

"'Di mo man marinig ang sinasabi ko ngayon, bukas sasabihin ko sayo o kaya mamaya kung magising ka man. Nandito lang ako, mamahalin ka hanggang sa abot ng makakaya ko. Pro-protektahan kita sa paraang alam ko." Saad ko saka ko siya hinalikan sa noo.

Pumunta naman ako do'n sa driver's seat tsaka ako nag-drive. Medyo maluwag na ang daloy ng trapiko at kapag tinirignan ko si Frey napapangiti ako ng maluwag.

Kabaklaan ba ang matatawag dito? Tignan ko lang siya napapangiti na ako? Siguro, ganito lang talaga kapag mahal mo ang isang tao.

May nadaanan akong store at sumagi sa isip ko na gustong-gusto niya ang cookies and cream na Ice cream. Magugustuhan niya 'yon kaya pumarada na muna ako sa gilid.

Hindi naman siya gumagalaw kaya alam kong mahimbing ang tulog niya. Bumaba na muna ako tsaka ako naglakad papunta sa loob.

Nang makakuha ako ng cookies n cream ay nilagay ko 'yon sa gilid tsaka ako kumuha nang isang chocolate drink. Bumili din ako ng hotdog in bread. Nang makakuha ako'y pagkatalikod ko'y nakita ko kaagad si Seven na nakatingin sa 'kin.

"Oh bro, nandito ka pala." Bati ko naman sa kanya, tch. Kahit na alam kong naiinis ako'y alam ko namang wala din namang mangyayari dahil mahal niya si Pat.

"Ah o-oo nga. Bi-bibili kasi ako ng pagkain." Nautal naman niyang sagot sa 'kin na para ba siyang nahihiya na kinakabahan.

"Ah, para sa inyo ni Patricia?" Sarkastiko ko namang tanong sa kanya at nakita ko ang pagbago ng ekspresyon ng mukha niya.

"H-hindi. Para sa 'kin, dadalhin ko lang bukas para sa road trip habang nakasakay do'n sa bus." Sagot niya't nakakatawa ang sagot niya pero hindi ko na lamang pinahalata.

"Pang-road trip ba talaga yang chocolate drink tapos may kasama pang hotdog?" Matawa-tawa kong sabi sa kanya at sabay napatingin siya sa dala niya at para ba siyang mas lalong nahiya.

"Kukuha pa kasi ako." Pagsisinungaling naman niya.

"Ah gano'n ba?" Sagot ko naman sa kanya at tumango-tango pa ako na tila naniniwala pa ako. "Sige, alis na ako. Matutunaw na 'to. May naga-antay pa sa 'kin eh. Ingat ka." Pagpapaalam ko pa sa kanya. Naglakad naman na ako papunta sa cashier at sumunod naman siya, marahil ay magbabayad din.

"B-bro, kamusta na si Deb?" Tanong niya't agad namang nagsalubong noo ko. May mga nakapila pa kaya hindi pa ako yung susunod.

"Okay naman siya kahit papa'no, pero ano bang inaasahan mo? Na ayos na siya matapos ng mga ginawa mo sa kanya?" Iritado kong sabi sa kanya saka ako umabante.

"Alam ko namang nasaktan ko siya, pero hindi ko naman ginusto 'yon." Sagot niya sa 'kin.

"Anong hindi mo sinasadya? Na hindi mo siya minahal bro? Kalokohan!" Mas malakas ng bahagya ko na pagkakasabi. "Kung una pa lang, hindi mo na siya minahal, edi sana iniwanan mo na siya. Pero hindi eh, pinaasa mo siya sa loob ng ilang buwan. Tangina. Kung hinayaan mo na lang siya sa 'kin sana hindi siya nagkakaganyan diba? Ang tanga mo!" Dagdag ko pa, nakakainis. Parang tatanga-tanga. Kung hindi lang marami ang tao dito, baka nasuntok ko na siya.

"Ah, sir?" Tawag sa 'kin nung nasa cashier at do'n lang namin napansin na kami na pala ang susunod.

"Sorry." Sabi ko. Saka ibinigay yung binili ko, nagbayad na din ako atsaka sumunod naman na siya.

Hindi ko na siya hinintay. Nakakainis lang. Mamaya nagising na pala si Frey tapos wala naman pala ako do'n.

Lumabas na ako nang biglang may pumigil sa 'kin tinawag ako at napalingon ako. "Bro, I want to see her."

"You don't have the right to see her." Pagmamatigas ko.

"You don't have the right to stop me, you're not her boyfriend."

"You're not also her boyfriend. You betrayed her asshole, so what do you think if she will see you? Will she be okay? She's in pain. She's vulnurable. You'll see her tomorrow. Everything will be change, specially her feelings towards you."

"What do you mean bro? She'll not fall in love with you."

"You think so?" 

"Yes. Because I feel, she still love me."

"You're wrong bro." Pagmamatigas ko saka ko siya tinitigan ng diretso sa mata saka nagsalita, "Because she will fall inlove with me."

TO BE CONTINUED..

HELLO EVERYONE! BASAHIN NIYO TO. ^.^

Patawarin niyo po ako dahil halos isang buwan po akong hindi nakapag-update. Una, sira ang phone ko. Pangalawa, ayaw nilang ipaayos ang aking laptop. Pangatlo, busy ako sa school, graduating student po kasi ako. Wala akong mahanap na oras dahil marami akong kailangang gawin. Sana po naintindihan niyo ako.

Sorry po talaga, ayoko namang madaliin ang kwento ko. Mahal ko 'to eh. Mahal ko din naman kayo! (naks. lol) Anyways, salamat sa mga patuloy na naghihintay sa update. ^____^

Don't worry guys, susubukan kong maging regular. Tuwing saturday, maga-update ako. ^_____^

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ^______^v

THANK YOU SO MUCH! ^_____^v

-Theinnocentskater.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro