CHAPTER 55: HULING KABANATA

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Debbie's POV

"Good morning!" Bati sa 'kin ni Seven ng sunduin niya ako sa bahay. Sinalubong ko naman siya saka niyakap ng mahigpit at mas mahigpit naman ang pagkakayakap niya sa 'kin na para bang ngayon lamang kami nagkitang muli. "Nakita ko sila tita sa labas. Nag-hello ako tapos hinanap kita." Sabi niya't hinalikan ako sa noo. Napangiti naman ako ng dahil do'n.

Isang buwan na din ang nakakalipas simula nung sinagot ko siya. Wala pa naman kaming nagiging away at masaya ako do'n. Maganda ang daloy ng relationship namin. Masaya ako sa kung anong meron sa 'min. Yung pakiramdam na araw-araw nakikita ko siya at nakakasama ko siya, sobrang saya ko na.

Wala pa din siyang pinagbabago gaya ng dati, malambing pa din. Pero mas malambing siya ngayon. Natatawa na lang ako kapag minsan 'di ko siya napapansin dahil may ginagawa ako. Mananahimik na lang siya tapos kukulitin na naman ako.

Nalaman ko din na planado pala lahat. 'Di naman talaga umuwi sila ate no'n at inantay nila na mag-announce ng mga awardees. Masaya sila para sa 'kin at sinusuportahan nila ang relasyon namin ni Seven. Pinagbantaan pa nga ni ate si Seven na 'wag na akong tangkain na saktan ulit. Nangako naman si Seven na 'di na siya uulit.

Graduation na namin at parehas kaming may nakuhang award kaya proud na proud sa 'min ang mga magulang namin. Naging inspirasyon talaga namin ang isa't isa sa pag-aaral.

"Tara, balikan natin sila mama para pumasok na." Sabi ko sa kanya't nginitian naman niya ako saka ako inakbayan.

Nang makita namin sila mama ay tinawag na namin sila upang pumasok sa loob. Sabay na rin kaming pumila dahil magsta-start na ang program.

Nagsimula nang mag-martsa ang mga kaklase namin. Nasa dulo kami dahil may mga awards kami. Habang papalit ng papalapit ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Dumating na yung araw na hinihintay ko.

Graduation day.

"For our Salutatorian we have Swayze, John Steven S." Tawag kay Seven at maraming nagpalakpakan ng pumasok siya. Si tita agad ang napansin ko dahil siya ang kasama niya sa pag martsa papunta sa harap.

Kitang kita sa mata ni tita na sobrang proud siya sa anak niya. Si Chi ay pumapalakpak at tumatalon-talon pa sa sobrang tuwa.

"For our Valedictorian, Enriquez, Debbie Frey V." Tawag sa 'kin at si tatay ang kasama kong mag-martsa papunta sa harap. Malawak ang ngiti niya at nakangiti din ako habang papalapit sa naka-assign na upuan sa 'kin.

"Congrats anak. Proud na proud sa 'yo si tatay." Sabi niya ng maihatid niya 'ko. Niyakap ko siya mahigpit at naglakad na siya papunta kanila mama.

"Sobrang proud na proud sa 'yo si tito." Sabi sa 'kin ni Seven at nginitian ako.

"Sa 'yo din naman. Lalo na mom mo. Syempre ako din, proud ako sa 'yo." Nakangiti ko ding saad.

Nagsimula na ang program, nagbigay na ng diploma at si mama ang kasama kong umakyat ng stage. Si tito naman ang kasama ni Seven na umakyat ng stage upang kumuha ng diploma niya at grad pic.

Matapos no'n ay mga awards na ang pinamimigay gaya ng Best Cadette officer, Best in Discipline, Best Cadet at iba pa.

Maingay ang paligid ngunit ang ingay na 'yon ay sanhi ng mga magulang at mga estudyante na proud sa sarili nila.

"Best in Araling Panlipunan, Best in Science, Best in Filipino and our Salutatorian we have Swayze, John Steven S." Tawag kay Seven at si tita ang nagsabit ng medalya sa kanya. Naiyak pa nga si tita dahil sa sobrang tuwa. Tumingin sa 'kin si Seven at nginitian ko rin siya.

Si Ate Julia naman ay kinukuhanan sila ng litrato. Passion niya talaga ang photography kahit kelan.

"Best in Values, Best in Physical Education, Best in English, best in TLE, our Valedictorian we have Enriquez, Debbie Frey V." Tawag sa pangalan ko at sinalubong ko si mama para umakyat ng stage.

"Congrats anak! Proud na proud sa 'yo si mama. Lahat kami." Mahina at mangiyak-ngiyak niyang sabi ngunit sapat lamang upang marinig ko.

"Thank you ma. I love you." Nakangiti kong sagot at sinuot niya sa 'kin ang aking medalya.

Rinig ko ang palakpakan ng mga kaibigan at mga kaklase ko habang kinukuhanan kami ng litrato. Nagpapasalamat talaga ako sa diyos at sa mga taong nasa paligid ko dahil nandyan sila para sumuporta sa 'kin.

"For our Valedictorian speech may we call on once again Enriquez, Debbie Frey V. Let us give her a round of applause." Tawag sa 'kin ng MC at kinakabahan talaga ako habang naglalakad paakyat.

Ngumiti muna ako ng nasa harap na ako ng microphone at huminga ng malalim.

"I am Debbie Frey Enriquez." Pagpapakilala ko sa sarili ko saka ngumiti. "To our president, principal, Stock holders, teachers, parents and other important guess for today's unforgettable event, good day." Hinto ko't nag-bow sa kanila.

"Today is our day. The last day of being a high school student and all of us will have different paths after this. They said, "Highschool is the most unforgettable moment you will ever had." They're correct. Because I know all of us learn, discovered and explored the world."

"Friendship formed," Sabay tingin ko sa mga kaibigan ko. "Struggle has come but all of us overcome it. We have misunderstandings but still friendship is still strong and during these days? We have fallen in love." Sabi ko't tinignan si Seven at ngumiti siya sa pabalik.

"We commit mistakes but there is a way to change for the better. We encounter hardships but there is always a solution to solve it. Sometimes our feelings becomes obfuscating but when the time come and you already realized and understand? You will feel relieved."

"To our teachers who become our second parents, who are always there to support, believe, help, guide and love us like their own children. Like we really  belong to them, thank you so much." Pagpapasalamat ko sa mga teachers namin.

"To my parents, who supported me in my dream, who guides me in my decisions, who inspires me to be a better teenager, who gives me advice in my everyday life, who loves me unconditionally, who take good care of me from the day I was born up until now and to the people who I love with all my heart, I like to say thank you very much." Ngumiti ako ng malapad saka tinignan sila mama mula sa kinauupuan nila. "Without you mom, dad and ate, life will not be colurful, I will not learn and discover new things, I will not reach this kind of promotion day with awards without you. Because you are my inspiration to live, to believe and to love." Garagal ko nang saad dahil nagiging emosyonal na ako, pilit kong pinipigilan ang pag-iyak.

"Mom, please stand." Sabi ko't nakita ko ang pagpahid ng luha sa kanyang mga mata saka tumayo. "Mom, you are the best mom in the world for me. Maybe you committed mistake, but still you make things right. Thank you for making me feel that everything's gonna be alright when I'm with you, thank you for giving me the chance to live here in the world and to see how wonderful it is." Naiyak ko nang saad at napahinto ako ng dahil do'n, huminga ako ng malalim saka tumuloy, "Mom. I love you so much and nothing can explain my feelings. Thank you for everything mom."

"Dad, please stand." Tawag ko naman kay tatay at gaya ni mama tumayo din siya. "Kasama kita simula bata pa ako. Tinuruan mo ko ng lahat ng bagay sa mundo at pinalaki mo ako ng may takot sa diyos. Naalala ko, sabi mo sa 'kin, "'Nak, edukasyon lang ang maipapamana ko sa 'yo kaya mag-aral ka ng mabuti. Kasi, 'yan? Hindi yan mananakaw." Naiintindihan ko na 'tay at gagawin ko ang lahat, kahit ga'no pa kahirap makapagtapos lang ng pag-aaral. Etong mga medalya na 'to?" Sabi ko't itinaas ag mga medalyang nakuha ko, "Ito ang simbolo ng paghihirap at balang araw 'tay, dadami pa 'to at makakapagtapos ako ng kolehiyo." Sabi ko't ngumiti sa kanya. "Salamat tay, ma, ate sa lahat."

"Walang kapantay na saya yung nararamdaman ko ngayon kasi kumpleto lahat ng taong nasa paligid ko. Kaya tayo? Dapat mag-aral tayo ng mabuti para sa magandang kinabukasan. Pag-aaral lang ang magiging sandata natin para maging isang propesyonal na mamamayan at laging tatandaan na tayo ang pag-asa ng bayan."

"Strive for the best. Don't say that because you're not in the high class family you'll not have the chance to finish studying. No! Because there's always a way for you to finish and continue life."

"Enjoy being teenager and in college, we must be matured enough." Saad ko't inilibot ang mata sa paligid. "So now, I am Debbie Frey Enriquez saying thank you and congratulations co-graduates!" Pagtatapos ko ng speech ko't nagpalakpakan silng lahat. Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos non at bumalik sa kinauupuan ako.

Tapos na. Tapos na ang graduation.

-

Nang matapos na ang ceremony ay maraming nagpapicture, iba't ibang ngiti ang makikita ngunit iisa lamang ang dahilan.

Maraming nagpa-picture sa mga kaibigan ko gaya ng nakasanayan. Lagi naman. Nakakatawa na nga lang isipin na yung iba napapansin kong kada event may picture.

'Siguro ultimate crush nila yung mga kaibigan ko.'

"Frey!" Sigaw ng isang lalaki at alam kong si Brandon 'yon.

"Uy! Brandon. Congrats!" Bati ko sa kanya't niyakap siya. "Graduate kana! Akalain mo nga naman!" Pang-aasar ko sa kanya at pinisil naman niya yung ilong ko kaya napa-aray ako. "Masakit ah! Grabe ka." Reklamo ko't hinawakan ang ilong ko.

"Gaya pa din nung elementary, valedictorian ka pa din. Pahingi nga ng konting utak!" Natatawa niyang saad at natawa naman ako ng dahil do'n. "Ang talino mo kasi. Kaya talaga kita nagustuhan dahil diyan." Mahina ngunit kita ko sa mata niya ang sinseridad ng sabihin niya 'yon. Awkward kasi bago pa mag-prom, hindi na niya ako kinakausap. Namiss ko din siya sa totoo lang.

"Ikaw talaga." Nahihiya kong saad at umiwas ng tingin.

"Frey, don't worry. Naiintindihan ko naman ang lahat. Okay lang talaga, masakit." Natatawa niya pang saad at hinawakan pa niya ang dibdib niya.

'Kahit kelan, dinadaan niya lang sa tawa ang mga bagay-bagay.'

"Sorry Brandon." Nanghihina kong sabi ng hawakan niya ang mukha ko at inangat 'yon.

"Okay lang Frey. Sabi ko nga naiintindihan ko diba? Alam ko naman, una pa lang na pipiliin mo si Seven. First love mo siya eh, at alam kong mahal na mahal mo siya. Nag-usap naman na kami kanina so you don't have to worry. Thank you Frey for giving me the chance to love you, to express my feelings towards you. Thank you for making me feel like my life is worth it and making me realize that I must focus in my studies not only in lovelife. Thank you for teaching me that life is unpredictable. Thank you for everything. Still, I love you Frey. Don't worry. I'm fine okay?" Sabi niya't ngumiti naluha tuloy ako ng dahil do'n.

"Sorry Bra---"

"Don't say sorry okay? I choose this path and I have to deal with it. 'Wag kang makonsensya. Okay lang ako." Sabi niya saka pinahid ang luha ko sa pisngi saka ako hinalikan sa noo. "Before I leave, I just want you to know that I'm coming back to Korea." Sabi niya't nanlaki ang  ko ng bahgya dahil sa pagkagulat sa sinabi niya.

"Ano?! Bakit?!" Hindi makapaniwala kong saad.

"Babalik kami dong lima kasi do'n kami pinapaaral nila mom and dad. Si Liam kasi kailangan ipagpatuloy yung mga nasimulan niya do'n so yun." Pagpapaliwanag niya't sumimangot naman ako ng dahil do'n.

"Ang daya. Wala man lang pasabi."

"Sorry, biglaan din kasi Frey. Anyways, take care always okay? Sinabihan ko na din si Seven kanina. Stay pretty and just call me sa skype if ever na my problems ka. I am always here to listen. Okay?" Pagpapaalala niya at ngumiti lang din siya gaya ng dati. Niyakap ko siya ng mahigpit at gano'n din siya sa 'kin. Nagtagal 'yon ng ilang minuto dahil mamimiss ko din talaga siya.

"Thank you sa lahat din Brandon." Pagpapasalamat ko.

"No worries. So, I need to say goodbye. Diretso airport na kami eh. Baka malate kami sa flight eh. Bye." Pagpapaalam niya't naglakad na papalayo sa 'kin.

'Bye Brandon. Salamat sa lahat ng maganda alaala.' Malungkot ko na lamang na saad sa sarili ko.

"Babe. Don't be sad." Tawag ng atensyon sa 'kin ni Seven at inakbayan ako. "Makakapag-usap pa din naman kayo. May skype naman eh. 'Tsaka nag-usap naman kami. Magiging okay din siya don." Pagpapagaan ng loob ni Seven.

Ngumiti naman ako at huminga ng malalim. Tama siya, magiging okay naman do'n si Brandon.

-

"Congrats to all of us guys!" Sigaw ni Natasha.

Nagkaro'n ng farewell party sa school at lahat kami ay nando'n. Nagsasaya at nadiriwang dahil tapos na kami ng highschool.

"Dapat lahat tayo sabay sabay gagraduate din ng college!" Masayang sabi ni Anne.

"Kaya nga. Dito na din ako mag-aaral ng college kasi specialized naman nila yung course na gusto ko." Sabi ni Roxanne at uminom ng drinks.

"Kami ding mga lalaki eh. Dito na din." Sabi naman ni James.

"Depende na lang kung may same sched tayo. Syempre yag college, iba na yung oras." Saad naman ni Gab.

"Sana may magkakatugma pa ding sched para nagkikita kita pa din tayo." Sabi ko't ngumiti sa harapan nila.

"Yes naman! Parehas may special awards yung dalawa!" Pang-aasar ni Chard.

"'Yan ang tinatawag na, Relationship goals!" Natatawa pang sabi ni Mich at natawa na lang din kami dahil don.

"Friendship goals naman ang tawag sa 'tin. Naka-graduate tayong lahat eh." Sabi ni Seven.

"Cheers?" Saad ni Kyle at itinaas ang baso niya.

"Cheers!" Masaya naming sigaw na lahat.

Nagsayawan, hiyawan, kantahan at nagtalunan ang iba dahil sa iba't ibang tugtog. Masaya ako para sa 'ming lahat. Sa mga nangyayari. Lahat kami masaya at walang nalulungkot sa 'ming lahat. Ang saya lang sa pakiramdam.

Hindi dito nagtatapos ang lahat dahil meron pa kaming tatahaking bagong daan. Marami pa kaming matututunan sa hinaharap at mararanasan.

Ngayon? Masaya ako dahil nandyan si Seven sa tabi ko na laging makinig sa 'kin, dumamay at magmahal sa 'kin.

Masaya akong nakilala ko ang mga kaibigan ko at natuklasan ang iba pa ng side ng sarili ko. Dahil sa kanila naging malakas at natuto akong makihalubilo sa ibang tao.

"Deb, I love you." Saad ni Seven niyakap ako ng pagkahigpit higpit.

"I love you too Seven." Sagot ko't mas niyakap siya ng mahigpit.

-The end.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro