EPILOGUE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Sabi nila, wala daw nagtatagal sa MU. Marahil nga'y oo, pero may mga nagtatagal din. Kagaya namin ni Seven.

Hindi masama ang pagkakaro'n ng ka-mu, dahil nagkakaro'n ka ng inspirasyon sa pag-aaral, nagiging masaya ka sa pang-araw araw na papasok ka sa school, nagiging masaya ang puso mo, natututo kang magmahal at higit sa lahat natututo kang sumugal sa isang bagay. Na subukan ang isang bagay.

Wala namang mawawala kung hindi susubukan. Kaya ako? Hindi ko pinagsisisihang nakilala at minahal ko ng buong puso si Seven.

Tinuruan niya ako kung pa'no mahalin ang isang kagaya niya na kahit hindi man kami parehas ng estado sa buhay ay nakibagay ako sa kanila.

Na hindi lahat ng mayayaman ay matapobre. Na hindi lahat ng tao na makakasalamuha mo ay hindi masasama kundi may mga mabubuti rin naman.

Sa pag-ibig. Kahit pagkakaibigan ay maisusugal mo. Ngunit ito'y nakadepende sa 'yo, kung handa ka bang mahalin pa ng higit pa sa pagkakaibigan ang isang taong naging nandyan para sa 'yo o tanging pagkakaibigan lang ang kaya mong ibigay.

Sa pag-ibig, natututo akong magbalanse ng oras. Sa kaibigan, pamilya, pag-aaral at sa sarili. Hindi dapat puro puso dapat may utak din, dahil kung hindi ito balanse? Marahil yan ang magiging dahilan ng pagbabago ng mga bagay bagay.

Sa pag-ibig, walang pinipiling edad, kulay, tangkad, relihiyon at kung ano pa. Dahil lahat posible. Hindi mali ang magmahal. Bakit? Kasi sa pag-ibig, lahat ng sa palagay mong mali ay magiging tama pa din.

Makulay ang pag-ibig. Makakaramdam ka ng Butterflies in the stomach sa tuwing hahawakan ka ng taong mahal mo, makakaramdam ka ng Comfort sa kanya sa tuwing yayakapin ka niya at sasabihin niya sa 'yo na magiging ayos lamang ang lahat.

Masaya ang umibig ng isang tao. Masarap magmahal dahil minsan lamang ito. Ngunit kapag nagmahal ka ng sobra? Masakit ang balik non. Mas sobra pa sa inaakala natin.

Marami kayong kakaharaping problema ngunit 'yon ang magpapatibay sa inyo at mas makikilala niyo ang isa't isa ng dahil do'n.

Dapat hindi sumuko kaagad at h'wag magpapadala sa emosyon dahil ito ag magdadala sa 'ton sa maling desisyon.

Kagaya namin ni Seven at ng mga kaibigan ko. Marami kaming mga kinakaharap na problema ngunit hindi kami sumusuko.

MU? Lahat siguro nakaranas na. Hindi dahil nasaktan ka ay lahat na ng lalaki o babaeng makikilala mo ay kagaya na isang taong nanakit sa 'yo.

Iba iba ang mga tao at lahat tayo'y may unique na katangian kaya dapat hindi natin i-lahat lahat ng taong nasa paligid natin dahil may isa diyan na namumukud-tanging tao na magpaparamdam sa 'yo ng kakaibing pakiramdam-- ang umibig.

Lahat tayo may happy ending at makikilala natin ang taong magmamahal sa 'tin ng buong puso na mamahalin tayo not minding our imperfections because we're perfect with our flaes.

Makakahanap tayo ng taong makakasama natin sa hinaharap.

I am Debbie Frey Enriquez and this is my story.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro