KABANATA LABING-DALAWA

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 12:

THIRD PERSON'S POV

Saturday. Walang pasok si Ayessa. Naglalakad siya ngayon sa subdivision papuntang parke. Gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin.

Hindi pa rin maalis sa isipan niya ang mga narinig nila ni Hilary sa dalawang nagtatalo sa garden.

'Sino ba niyong Ayessang mahal ko? Sa Ayessang tunay at noon? Nalilitoooo na ako' sabi ni Ayessa sa isip niya.

Hindi namamalayan ni Ayessa na nasasabunutan na niya ang sarili.

"Ayoko naaaaaa! Suko na ako! Urgh! Gusto ko ng bumalik! Kuya Gabriel!" paulit-ulit na sabi ni Ayessa sa sarili.

Pinagtitinginan na siya ng mga tao sa parke pero siya patuloy pa rin sa kakasalita.

"Are you okay,Mary? I mean, Ayessa?"

Napalingon ang dalaga sa lalaking kaharap niya. Lumaki ang kanyang mga mata at agad niya rin ito binalik sa dati na parang wala lang.

"Hey! Are you okay? Nag-aalala ako sayo. Buti nalang nakita kita dito." sabi ulit ng lalaki.

"Luigi Ranz?" niyon lang ang lumabas sa bibig ng dalaga.

Napakamot ang binata sa batok niya "naalala mo pa pala ako." Tatawa-tawang sabi ng binatang lalaki.

"Akala ko nakalimutan mo na ako eh. Papakilala ulit ako sayo, I'm Luigi Ranz Cordova. Kakambal ni Luigi Franz Cordova. Your Childhood crush." pagpapatuloy niya sabay pogi pose.

'Childhood crush? Huh? Ano raw? May topak yata ito eh. Kaya pala pinapabantayan sa akin.' sinabi ni Ayessa sa sarili niya.

"Hehehehe! Patawa ka!" tumawa na lang si Ayessa para mawala ang awkward na sitwasyon.

"W-wala ka ba talagang naaalala? Hindi mo ba talaga ako naaalala,Ayessa Mary?" seryosong sabi ni Ranz kay Ayessa.

"Huh? Hindi naman ako nagkaroon ng amnesia eh?" sagot ni Ayessa sa binata

"May K-kambal ka raw?" tanong ni Luigi Ranz sa kanya. Naalala kasi ni Ranz ang sinabi sa kanya ni Cedrick na may kakambal daw si Ayessa.

"Kakambal? Parang kayo ni Franz? Kambal kayo diba?"

"Ah! Oo, parang kami ni Franz kambal." sumagot na lang si Ranz sa tanong ni Ayessa.

"Ah... wala naman sinabi sina mama at daddy na may kakambal ako. Masaya siguro kung may kakambal ako. May kasama ako sa pangtitrip." sabi ni Ayessa habang may ngiti sa labi. Hindi alam ng binata na may Pilyang iniisip na ang dalaga.

"Sabi na nga ba! Nagsisinungaling lang si Cedrick!"

"Huh? May sinasabi kaba Ranz?" Naguguluhang tanong ni Ayessa.

"Ah-eh! Wala! Tara hatid na kita sa inyo. Baka magsalita ka na naman dyan. Pinagtitinginan kana ng mga tao kanina. Mukha kang baliw. Hahahaha" pang-aasar ni Ranz sa kanya.

"Ah okay!" Sagot ni Ayessa sabay nag-pout.

Kinurot na lang siya ng binata dahil sa ginawa niya. 

Nang makarating sa tapat ng bahay nila Ayessa ang dalawa.

"Pasok ka muna Ranz, nagluto marahil si Mama ng breakfast." sabi ni Ayessa kay Ranz.

"W-wag na. Nakakahiya naman. Sige, mauuna na ako."

Papalakad na si Ranz ng habulin ni Ayessa ang binata.

"Huwag kana mahiya! Ako nga walang hiya eh. Alam mo ba sa hardin ng mga Anghel este sa probinsya namin pasimuno ako ng gulo hahahaha. Kaya Tara na. Saka inimbitahan naman kita." sabi ulit ni Ayessa sa binata sabay hila niya sa kamay ng binata.

Walang nagawa si Ranz kundi sumama at magpahila kay Ayessa.

Pagkapasok nila sa bahay nila Ayessa, nakita ni Ranz si Cedrick na nakatayo na ngayon sa gilid ng sofa. Bakas sa mukha ng binatang Cedrick ang galit.

"Cedrick, nandito ka pala. Kumain kana? Nakita ko kasi Luigi este si Ranz sa parke. Kakambal pala siya ni Luigi este ni Franz. Nakakalito siguro kung magkatabi silang dalawa para kasing wala silang difference sa physical figure." bumaling siya kay Ranz "Ikaw, tatawagin na lang kitang Ranz tapos yung kakambal mo si Franz para hindi ako malilito Hehehe." sabi ng dalaga sa mga ito.

Hindi niya alam na may namumuong alitan na sa dalawa.

Papalit-palit ang tingin niya sa dalawang lalaki. "Bakit ayaw niyo magsalita? Gutom na ba kayo?"

"Ayessa, nandyan kana pala. Kanina ka pa hinihintay ni Cedrick..." napahinto sa pagsasalita ang ina ni Ayessa ng makita niya si Ranz. "Nandito ka rin pala Ranz. Tama pala talaga ang narinig kong dito kana magiistay." pagtatapos na sabi ng ginang.

"Ah tita, aalis na po ako. Dumaan lang po ako rito para kay Ayessa. Sige po." paalam ni Cedrick sa ginang. Lumapit siya kay Ayessa at hinalikan ito sa ibabaw ng ulo.

Nang makaalis si Cedrick, siya ring paalam ni Ranz sa mga ito "Ako rin po Mrs.Carlos, baka hinahanap na ako ni Mama. Maraming salamat sa invitation Ayessa. Siguro sa susunod na lang."

Walang nagawa si Ayessa ng umalis ang dalawang binata. 'Ano kayang nangyari sa mga niyon?' tanong niya sa sarili.

"Tara na Ayessa, kumain na tayo. Umalis na ang papa mo, hindi ka nakapag-paalam. Ikaw talaga!" sabi sa kanya ng ina niya.

Sa kabilang banda, ang dalawang binata ay nagtatalo at nagsisigawan na.

"Ranz, nakiki-usap ako layuan mo si Ayessa!" Bakas sa boses ni Cedrick ang pagmamakaawa.

"Sabi ko sayo Cedrick, bantayan mo si Ayessa! Makukuha at makukuha ko siya sayo!" matapang na sabi ni Ranz.

"Ano ba talagang problema mo?"

"Wala akong problema, Gusto ko lang makita kang umiyak at magmakaawa! Para maramdam mo ang nangyari sa akin." maanghang na sabi ni Ranz kay Cedrick.

Sabay alis ni Ranz. Hindi sinabi ng binata kay Cedrick na mahal niya pa rin si Ayessa.

* * * *


"Ma, aalis lang po ako ha. Pupuntahan ko lang po si Hillary - niyong bago naming kaibigan." sabi ni Ayessa sa ina niya.

"Okay! Huwag kang magpapagabi ha. Mag-iingat ka!" Sigaw ni Mrs. Carlos mula sa kusina.

"Okay po!" sabi ni ayessa sabay alis sa bahay nila.

Papunta si Ayessa sa apartment ni Hillary para magtanong pa. Alam niyang may hindi pa siya nalalaman kaya pupuntahan niya ang dalaga.

Nasa tapat na siya ng apartment ng dalaga. Kumatok siya sa pinto at Maya-maya ay bumakas ito at bumungad sa kanya si Hillary.

"Tuloy ka Ayessa." sabi ng dalagang si Hillary.

"Pasensya na, ngayon lang ako. Nilakad ko lang kasi eh!" kakamot-kamot na sabi ni Ayessa kay hillary.

"Paano ka nagkaroon ng apartment? May sinaniban ka ba?" Tanong ni Ayessa dito. Si Ayessa kasi sumanib sa katawan na Ayessa rin ang pangalan baka ganoon rin si Hillary.

"Wala akong sinaniban na katawan. Katawan ko talaga ang pinagamit ni kuya Gabriel sa akin. Ang apartment na ito ay inuupahan ko lang habang nandirito ako sa lupa." sagot sa kanya ni Hillary.

"Ah..." niyon na lang ang tanging nasagot ni Ayessa. 

Tumayo si Hillary sa sofa at pumunta sa kusina para kumuha ng makakain.

"Anong gusto mong malaman Ayessa?" tanong sa kanya ni Hillary habang pabalik sa sofa.

"Lahat. Lahat-lahat Hillary. Gusto ko malaman ang lahat." sagot ni Ayessa.

"Okay, saan ba ako magsisimula? Doon na lang tayo sa hindi ko pa nasasabi sayo... Ayessa, alam kong hindi mo 'to naaalala pero... may kakambal kay Ayessa! May kakambal ka! May k-kapatid ka pa pwera kay kuya Gabriel. Hindi ka ba nahiwagaan, bakit may mga magulang ka ng magising ka simula ng umpisahan mo ang iyong misyon? Ayessa, niyang katawan mo ngayon ay sa kapatid mo, sa kakambal mo mismo!"

Hindi maproseso ni Ayessa ang mga sinabi ni Hillary sa kanya. Hindi niya maalala na may kapatid siya, may kakambal pala siya.

"M-may kakambal ako? Pero, hindi ko maalala Hillary! Alam ko lang si Gabriel ang kuya ko! Siya lang ang natatandaan ko! P-paanong?"

Hindi na natuloy ni Ayessa ang sasabihin, bigla na lamang bumuhos ang kanyang luha sa mga mata niya.

"W-wala akong maalala Hillary! H-hindi ko alam na may kakambal ako!" Umiiyak na sabi ni Ayessa.

"Huwag mong pilitin na maalala mo! Ayessa, niyong kakambal mo hindi siya kilala ng ibang tao dahil may sakit siya. Hindi siya pwedeng lumabas baka kasi lalo siyang manghina kaya wala siyang kakilala at walang may alam na may kambal ka pwera si Cedrick. Siya lang ang may alam na may kakambal ka. Siya niyong nag-iisang kaibigan at kasintahan ng kakambal mo. Ngayon, nalaman na rin nina Stef at Franz dahil sinabi ito ni Cedrick nung mga panahong naaksidente kayo ni kuya Gabriel. Ang buong pangalan mo, Ayessa Mary Carlos at ang buong pangalan ng kakambal mo na siyang hinihiraman mo ng katawan ay si Ayessa Marie Carlos."

"Ibig bang sabihin magulang ko talaga ang mga kasama ko ngayon sa bahay? Bakit pati sila hindi ko maalala? Hindi man lang sinabi sa akin ni kuya Gabriel." malungkot na sabi ni Ayessa na hanggang ngayon ay umiiyak pa.

"Hindi lang makahanap ng tyempo si kuya Gabriel,Ayessa. Huwag kang magalit sa kanya. May dapat ka pang malaman Ayessa..."

Dali-dali ng pinutol ni Ayessa ang sasabihin ni Hillary

"Wag na muna Hillary, hindi na kaya ng utak ko ang mga nalaman ko! Ang sakit. Hindi ko man maalala ngayon, pero niyong puso ko, alam na totoo ang sinasabi mo." umiiyak na sabi ni Ayessa.

Naawa si Hillary sa kaibigan niya. Masakit para sa kanya na makita si Ayessa na umiiyak. Hindi niya aakalain na makitang umiiyak ng ganito si Ayessa sa harapan niya. Alam niyang nasasaktan talaga ang dalaga sa mga narinig.

Pinatahan na lang ni Hillary si Ayessa kahit may gusto pa siyang sabihin kay Ayessa.

Umuwi ng bahay si Ayessa na namumugto ang mga mata dahil sa kakaiyak niya sa apartment ni Hillary. Hindi niya pinahalata sa mga magulang niya, totoong mga magulang niya na umiyak siya. Basta, dumiretso lang agad siya sa kwarto at umiyak ulit siya.

Buong gabi, buong gabi siya umiyak hanggang inabot siya ng madaling araw sa kakaiyak.

.
.
.
.

- end of chapter 12 -

A/N:
More revelation na ang nangyayari! Hanggang kabanata 20 na lang po siguro 'to o less than 20 😊 Maraming salamat!❤

VOTE. COMMENT. FOLLOW. SHARE. LET'S SPREAD ANGELS!

Thank you!❤😊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro