KABANATA LABING-TATLO

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Hi po idol  VentreCanard   Sana mabasa niyo po! Isa po kayo sa hinugutan ko nito huhuhu!❤ VentreCanard

Kabanata 13:

THIRD PERSON'S POV

Nang malaman ni Ayessa ang tungkol sa kakambal niya na si Ayessa Marie, nag-aalala siya rito kung nasaan ang kaluluwa ng dalaga, kung kaluluwa niya ang nasa katawan nito.

'Siguro naman alam ni kuya Gabriel ang ginagawa niya, hindi niya hahayaang may mangyari sa kapatid namin.' Ang nasa isip ni Ayessa.


May naalala si Ayessa, kung bahay niya talaga ito at mga magulang niya talaga ang mga nakatira dito, bakit wala siyang nakikitang mga litrato nila ni Gabriel.

Pupuntahan niya sana ang kanyang ina pero nabago ang kanyang isip. Sa halip, pumunta siya sa basement ng kanilang bahay.

Nang makita ang kanyang pakay, pumasok siya sa masikip at madilim na basement. Batid dito ang kalumaan ng mga gamit na nandirito. May nakita siyang malaking kahon, dahil sa kanyang kuryusidad, binuksan niya ito...tumambad sa kanya ang mga litrato...

Mga litrato ni Gabriel at mga litrato nila ng kambal niya. Halata sa litrato ni Gabriel ang pagiging binata sa litrato niya at ang mga litrato nila Ayessa ay parang nasa junior high palang sila.

May nakita pa siyang picture, iniangat niya ito, nakita ang isang litrato... isang family picture. Nakita niya ang sarili niya, ang kakambal niya at ang kuya Gabriel niya kasama ang kaniyang mama at daddy. Napaiyak na lang si Ayessa sa nakita. Tinalikod niya ang family picture nakita niya ang date, 2 yrs ago ang nakakalipas.

"T-two years ago? Two years na kaming patay ni kuya Gabriel sa pagkakaalam ko. Ito ang huling kuha namin ni kuya kasama sila?" lalong napaiyak si Ayessa.

Kinuha ni Ayessa ang larawang kasama sila ni Gabriel. At, umalis sa basement. Nagawa na niya ang pakay doon, ngayon pupuntahan niya ang kanyang ina.

Pababa na dapat siya sa sala ng makita niya ang kanyang ina, na mukhang papunta sa kwarto nilang mag-asawa.

"Ma, puwede po ba kita makausap?"

Nagulat ang ginang sa sinabi ni Ayessa "B-bakit anak? B-bakit namumula ang mga mata mo? Umiyak ka ba,sweetie?" nag-aalalang sabi ng kanyang ina.

Naglakad sila papunta sa kwarto ni Ayessa, nang makarating "Ano sasabihin mo sa akin--"

Hindi pa natatapos magsalita ang ginang, bigla na lang yumakap ng mahigpit si Ayessa sa kanyang ina.

"W-wala po! Gusto lang po kita mayakap matagal na po kasi kitang hindi nayayakap. Saka po, gusto ko po makarinig ng kwento kay kuya Gabriel at kay Ayessa Marie este Ayessa Mary,Ma." sabi ni Ayessa sa kanyang ina habang nakayakap pa rin siya sa ginang.

"Hay! Namimiss mo na naman ba ang kuya mo at ang kakambal mo? Ako rin anak, Miss ko na rin sila. Sana masaya sila kung nasaan sila. Hindi pa rin sila nawawala sa puso at isipan ko. Alam mo ba, ang kuya mo laging masungit kaya walang nagkakagusto sa kanya pero sobrang mahal kayo niyon at ang kakambal mo, si Mary, Ayuuuun magkaiba kayo ng ugali, ikaw mahinhin at ang isang niyon ang pilya kaya hindi magkasundo ang kuya at kakambal mo pero mahal na mahal nila ang isa't isa."

Hindi napigilan ng ginang na maiyak habang nagsasalita, bakas sa kanya na mahal at nauulila na siya sa dalawa niyang anak.

"M-mahal n-namin s-sila. H-hanggang ngayon h-hindi ko p-parin m-matanggap niyong nangyari pero kailangan namin ng daddy mo maging malakas dahil sayo,anak. K-kaya wala akong nilalagay na mga picture ng kakambal at Kuya mo sa sala, lahat ng picture nila nasa kwarto namin ng daddy mo..."

Umiiyak pa rin ang ginang dahil naaalala na naman ang dalawang anak niya na namatay agad ng maaga dahil sa aksidente na niyon.

"Ma, m-may n-nakita ako sa basement. Family Picture natin noong nabubuhay pa sila Kuya at si kambal."nabubuhay pa ako. Hindi rin namalayan ni Ayessa na umiiyak na rin siya.

Kinuha ng ginang ang larawan at lalo lang siya napaiyak. Nakikita sa family picture nila na sobrang saya nila as family.

Hindi nila namalayan bumalik pala ang kanilang padre de pamilya. Pinapanood lang sila sa pintuan. Hindi siya nakatiis, pumasok siya sa kwarto kung nasaan ang kanyang mag-iina.

Nagulat ang dalawa ng makita ang padre de pamilya na nakayakap na rin sa kanila at umiiyak na rin.

Napagdesisyon ng tatlo na pumunta sa sementeryo kung saan nakalibing si Gabriel at si Ayessa Mary.

Hindi na bumalik sa trabaho ang daddy ni Ayessa - tumawag na lang ito sa office nila na hindi na siya makakapasok.

Nang makarating sa puntod, nagsindi sila ng kandila at nag-alay ng bulaklak at munting panalangin para sa dalawa; Gabriel at Ayessa Mary.

Nag-stay pa sila ng matagal sa puntod ng dalawa. Nagkwentuhan na parang nasa tabi lang nila ang dalawang anak nila.

Nang lumalim ang gabi, nagsiuwian na silang tatlo.

* * * *

Monday. Kahit bagot at gusto pang matulog ni Ayessa wala siyang nagawa dahil sa sigaw ng kanyang ina.

"Ayessa, sweetie, wake up! It's almost 8am. Come on, tumayo kana diyan!"

Ungol lang ang nagiging sagot ni Ayessa sa kanyang ina.

"Come on, malalate ka na niyan. Nasa bahay na si Cedrick, kaya tumayo kana diyan!"

Dahil sa sinabi ng kaniyang ina, napabangon agad ang dalaga kahit antok na antok pa siya.

Tumingin siya sa kanyang ina, at tumungo para sabihan na maliligo na siya.

Pagkababa niya nakita niya si Cedrick, na nakaupo ng maayos sa sala.

Napatayo ang binata ng makita niya si Ayessa "Good morning, sa magandang babae na nakilala ko." sabi ni Cedrick at sabay wink.

'Kung hindi lang kaibigan ng kakambal ko 'to, iisipin kong may gusto siya sa kakambal ko. Wait, baka naman sila? Kasi, niyong Babe na sinabi niya? Tapos niyong sinabi ni Hillary na kasintahan ng kakambal ko si Cedrick!' Nagulat siya sa kanyang iniisip.

"Matanong nga kay Hillary niyon kung tunay!" masayang iniisip ni Ayessa pero hindi niya alam na palakas ang sabi niya.

"A-ano itatanong mo kay Hillary?" Nagtatakang tanong ng binata.

"Huh? Anong itatanong kay Hillary? Ah- niyong takdang aralin namin sa isang sabjekt. Oo, niyon nga Hehehe." Maniwala ka!! Sabi ni Ayessa sa binata.

Bago pa makasagot si Cedrick, hinila na siya ng dalaga.

"Ma, aalis na po kami! Malalate na po kami. Sa cafeteria na lang po kami kakain. Sige po,ma. Babye. Mahal po kita." Sabay alis ng dalaga kasama ang binata.

May gustong itanong si Ayessa sa binata pero hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin.

Bumuka ang kaniyang bibig pero sinara niya rin ito. Hindi siya mapakali pero hindi niya alam kung paano sasabihin.

Nahalata ni Cedrick ang kilos ng dalaga "May sasabihin ka Ayessa?"

Napalingon sa gawi niya ang dalaga "Ah, wala Cedrick! Nagugutom lang ako Hehehe hindi pa kasi ako nakakain."

NANG makarating sa school. Naglakad ang dalawa ang dalawa papuntang cafeteria, dahil pareho silang hindi pa kumakain ng breakfast.

Umupo ang dalawa sa isang table na pang-apatan. Tahimik silang kumakain at kung minsan may tinatanong si Cedrick sa kanya at sinasagot na lamang ito ng dalaga.

Napatingin ang dalaga sa gawing kanan ng side niya, nakita niya doon ang lalaking kanina pa niya gustong makita...

"Ranz!! Yuhooo! Ranz!! Yuhooo!!" malakas na sumigaw ang dalaga habang kinakaway-kaway pa ang kanyang mga kamay para agad siyang makita ng binata.

Winawagayway pa rin niya ang kanyang mga kamay habang sinisigawan ang binatang si Ranz. "Nandito kami Ranz! Hoyyy! Dito oh!"

Hindi alam ni Ayessa na ang lalaking kasama niya sa lamesa ay masama na ang tingin sa tinatawag niya.

Nakita na rin agad ni Ranz ang tumatawag sa kanya, sumilay sa mga labi ni Ranz ang tunay na ngiti habang nakatingin pa rin sa babae.

"Kanina pa kita tinatawag! Ang tagal mong lumingon,kulang nalang ihagis ko 'tong bag at sapatos ko sayo!!" sinisigawang sabi ni Ayessa kay Ranz ng makalapit ito sa lamesa ng dalaga.

Hindi alam ni Ayessa na nakatingin si Ranz kay Cedrick na may halong ngisi na pinahihiwatig na nananalo na siya.

"Hinahanap ko nga boses mo, hindi ko makita buti na lang luminga-linga ako." nakangiting sabi ng binatang si Ranz kay Ayessa.

Papaupo pa lang si Ranz sa tabi ni Ayessa,  nang tumayo si Cedrick.

"Mahuhuli na ako sa klase. Mauuna na ako." malamig na sabi at umalis na dire-diretso si Cedrick.

Walang alinlangang sumunod si Ayessa kay Cedrick at iniwan si Ranz...

"Lagi na lang ako naiiwan! Dapat talaga masanay na ako."

- end of chapter 13-

VOTE. COMMENT. SHARE.

Thank you!❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro