CHAPTER FOUR

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER FOUR

“WRU?”

“Church.”

“Saan?”

“Sa malapit lang sa amin.”

“Ok…”

Ibinalik na ni Tere sa bag ang gamit na cellphone dahil mag-uumpisa na ang misa. Medyo punu-an sa mga oras na iyon kaya sa bandang likuran siya nakatayo. Siya lang mag-isang nagsisimba dahil pawang may mga lakad ang mga kapatid. Iginala niya ang paningin sa paligid at nanlaki ang kanyang mata nung mapasino ang malaking bulto papasok sa loob ng simbahan. Nung makita din siya nito ay nginitian siya at lumapit na ito sa kanya.

“Bakit ka narito?”

“Syempre magsisimba din ako.”

“Bakit?”

“Anong bakit? Eh linggo ngayon di ba kaya magsisimba ako.”

“I mean bakit dito ka magsisimba?”

“Ano bang klaseng tanong yan. Gusto kong magsimba dito eh.”

Di pa rin kumbinsido si Tere kaya muli niyang kinulit si Migoy pero pinatahimik lang siya nito at sinabihang makinig sila sa sermon ng pari. Maraming mata ang nakatingin kay Migoy at hindi ito nag-atubaling ngumiti at tumango sa mga ngumingiti at tumatango dito. Nung bandang offertory na ay muli niyang tinanong si Migoy kung bakit nagawi ito sa simbahan iyon pero di pa rin siya sinagot ng maayos ni Migoy.

Nung kantahin na ang Ama Namin ay nagulat na lang si Tere nung biglang gagapin ni Migoy ang kanyang kamay. Nanlaki ang mga mata ni Tere na tumingin kay Migoy at ito naman taimtim na sumasabay sa pagkanta habang nakapikit ang mga mata. Nung matapos na Ama Namin ay hindi binitiwan ni Migoy ang kaliwang kamay ni Tere kahit na anong pilit na pagbawi ni Tere dito.

“Huwag kang malikot. Baka pagalitan ka ng pari.” Saway ng nakangiting Migoy sa kanya.

“Bitiwan mo na kasi kamay ko.” Mahinang sagot naman niya.

“Sssshhhh huwag kang maingay.”

“Migoy…”

“Let’s greet each other as a sign of peace!” ani ng pari

Hindi pa nakakabawi si Tere sa paghawak ni Migoy ng kamay niya nung bigla siyang kabigin nito at yakapin. Init na init na ang mukha ni Tere sa hiya at bigla na naman lumakas ang tambol ng kanyang dibdib.

“Lamb of God, you take away the sins of the world….” Pagpatuloy ng pari sa misa.

Shock pa rin si Tere sa ginawa ni Migoy. Medyo may katagalan na silang magka-ibigan pero ito ang unang pagkakataong naging mapangahas si Migoy sa kanya. Binitiwan lang ni Migoy sandali ang kanyang kamay nung akapin siya nito pero muli nitong ginagap ang kanyang kamay bago sila pumila para magcommunion hanggang matapos na ang misa at nung iginaya na siya nito sa kotse.

Nagtataka si Tere sa inasal ni Migoy pero ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang lahat lalo na’t alam niyang merong Tiffany na baliw na baliw rito. Nung maka-upo na siya sa kotse at nakapasok na rin si Migoy sa loob ay bigla niya itong pinalo sa braso.

“Ouch! Bakit?”

“Pinagtitripan mo ako eh!”

“Pinagtitripan? Paano?”

“Ah basta!”

“Ikaw talaga! Bakit naman kita pagtitripan aber? May pupuntahan ka ba?”

“Wala naman. Bakit?”

“Samahan mo ako. May bibisitahin lang.”

“Sino?”

“Basta! O ano game?” Kumikindat-kindat pa ito.

Kinakabahan tuloy si Tere kung saan sila pupunta. Sige pa rin ang kulitan nilang dalawa sa loob ng kotse. Hindi na alintana ni Tere ang mga pagdampi ng kamay ni Migoy sa kanyang balikat at kamay. Basta masaya niyang ini-enjoy ang kung ano mang meron silang dalawa.

NANLAKI ang mata ni Tere nung makitang nasa isang orphanage sila tumigil.  Kinindatan siya ni Migoy bago patayin nito ang makina ng sasakyan.  Pagkababa nito ay dumiretso agad ito sa compartment ng kotse at mas lalong namangha si Tere dahil punong-puno iyo sa mga plastic ng isang sikat na department store.

            “Wow ang dami nito ah.  Pipila din ako mamaya ha kasama ng mga bata.”  Birong sambit ni Tere habang tinutulungan si Migoy na bitbitin ang mga plastic.

            Napangiti si Migoy sa tinuran ni Tere.  Lumapit na rin ang mga tauhan ng orphanage at tinulungan silang ibaba ang mga gamit.  May matandang babaeng nakangiting lumapit sa kanila.

            “Migoy, salamat naman at nadalaw ka at salamat sa Diyos at ok ka na.”

            Pagkakita ni Migoy sa babae ay mabilis nitong binitawan ang mga dalang plastic na hawak ng kanang kamay at kinuha ang kamay ng babae para magmano rito.

            “Pasensya na Tita Jas at ngayon lang ako naka dalaw.   Nagpapagaling pa kasi dahil sa aksidente.  Oo nga pala, kaibigan ko po at nag-alaga sa akin nung ako’y naaksidente.  Si Tere.  Tere, si Tita Jas.  Siya ang namamahala sa orphanage na ito.”  Pagpapakilala ni Migoy sa dalawa.

            Nakikimano na rin si Tere gaya ni Migoy at nginitian ang ginang.

            “Ay isa ka bang nurse iha?  Ay mabuti naman at naalagaan mo itong si Migoy nung naaksidente.  Hay nako, parang tumigil ang pag-ikot ng mundo namin dito nung nabalitaan naming naaksidente si Migoy.  Di man lang ako nakadalaw sa kanya sa ospital dahil inaaatake ako sa dyaskeng arthritis na ire.”

            “Ay ako din po.  Laging gulat ko po nung makita kong duguan si Migoy.  Pero buti na lang po eh nakaraos naman ang taong ito kahit papaano.”  Di na rin napigilan ni Tere na magsalita.

            “O siya tama na ang mga pag-alala dahil alive kicking naman ako at malapit na ulit bumalik sa paglalaro.  Tara ng pumasok sa loob at namimiss ko na ang luto ni Lola Pinang.”  Ang tinutukoy ni Migoy ay ang tagaluto sa orphanage.  Paborito ni Migoy ang luto nitong tinolang manok.

            “Oo nga.  Halika ng pumasok at kanina pa nasasabik ang mga bata na makita ka.  Tere, sana mag enjoy ka rito.”

            Sabay sabay na silang pumasok sa loob ng bahay at gaya ng inaasahan ay malakas na hiyawan ang naririnig galing sa mga bata nung makitang nandun si Migoy.  Lahat ay lumapit rito at gustong yumakap o nakipag high-five.  Isa-isa pinagbigyan ni Migoy ang mga bata at mas lalo itong nagpalakpakan nung sabihin ni Migoy na paparating na si Jollibee at ito yung may bitbit ng pagkaing pinadeliver nito para sa mga bata.

            “Mga bata, gusto ko palang ipakilala sa inyo ang kaibigan ko at nag-aalaga sa Kuya Migoy niyo sa hospital.  Isa siyang mabait na nurse.  E welcome niyo naman si Ate Tere niyo.”

            Hinila ni Migoy si Tere palapit sa kanya nung ipakilala sa mga bata.  Kagaya din ni Migoy at niyakap at nakipaghigh five din ang mga bata sa kanya.  Yung iba ay humahalik pa at gayun din ang ginawa ni Tere.

            Inabot ni Migoy sa isa sa tagapangalaga ng mga bata ang cellphone nito para kuhanan sila ng picture.

            “Kuya Migoy, gelpren niyo po ba si Ate Tere?”  tanong ng isang batang lalaki kay Migoy.

            Uminit na naman ang pakiramdam ni Tere sa mga pisngi niya kaya siya na mismo ang sumagot sa bata.

            “Nako hindi po.  Magkaibigan lang kami ng Kuya Migoy niyo.”  Mabilis na sagot ni Tere sa tanong ng bata.

            Nanatiling tahimik lang si Migoy at ginulo ang buhok ng batang nagtatanong.

            “Weeeh!  Bagay kayong dalawa Kuya Migoy at Ate Tere.”  Sagot naman ng isang bata na dalaga.

            “Weeeh!  Bakit alam mo na ang bagay bagay ha.  Ikaw ba may boypren na?” Birong sagot ni Tere sa dalagita.

            Ito naman ang pinamulahan ng mukha at ngumiti.

            “Hala!  May boyfriend ka na?”  Nanlaki ang mga mata ni Tere sa iniisip pero nakangiti naman.

            “Nako Rhuvy, bata ka pa.  Pag-aaral muna ang asikasuhin bago boyfriend.”  Ani Migoy.

            “Kuya naman eh.  Wala po akong boyfriend.  Crush lang po.”

            Nagkatawanan silang lahat dahil sa sagot nito. 

            “Si Jollibee!”

            Dumating na ang mascot ng Jollibee at pinagkaguluhan na rin ito ng mga bata.  Nagsasayawan at nagpipicturan ang mga ito at napapansin din ni Tere na may ilang taong kasamang dumating at tumutulong na rin.  Napag-alaman niya kay Migoy ay mga staff ito ng kanyang ina mula sa charity na sinusupportahan ng pamilya.  May mga kumukuha na ng pictures. 

            Nakikigulo na rin sina Migoy at Tere sa mga palarong hatid ng crew ng Jollibee.  Hinati nila sa dalawang grupo ang mga bata at tig-iisa sila ni Migoy na team at nagkokompetensya.  Dikit ang laban ng bawat kupunan at si Tere ay determinado ding papanalunin ang team.

            Kinahapunan ay nagkayayaan ng maglaro ng basketball.  Girls versus boys pero si Migoy kasama ng mga girls at si Tere kasama ng mga boys.  Laro ito ng mga malalaking bata na nasa orphanage.  Dahil nakarubber shoes na rin si Tere ay di siya nahirapang maglaro.  Napabilib si Migoy dahil tama nga ang mga kapatid ni Tere na marunong talaga itong magbasketball.  Si Migoy ang nakabantay kay Tere at gayun din ang dalaga.  Hindi alintana ni Tere ang pagdaiti ng kanilang mga balat ni Migoy dahil determinado talaga siyang manalo ang kanyang team.

            Natapos ang laro na isang puntos lang ang lamang ng kupunan ni Migoy.  Ang parusa sa mga natalo ay dadaan sa pagitan ng binti ng mga nanalo na gumagapang.  Si Migoy ang nasa pinakahuli at si Tere ang pinakahuli ding gagapang.  Nung turno na ni Tere ay binibiro ito Migoy at pinagdikit nito ang binti para maliit ang butas na papasukin ni Tere.  Nung makalampas si Tere sa gitna ay mas inipit pa ito ni Migoy kaya mas lalong nagtawanan ang mga bata.

            Nung makawala si Tere kay Migoy at mabilis itong tumayo pinagpapalo si Migoy.  Tumatakbo si Migoy palayo sa dalaga kay nauwi sa habulan ang kulitan ng dalawa.  Hinawakan ni Migoy ang kamay ni Tere para di na ito makapalo kaya yung mga paa naman nito ang winagayway para makaganti kay Migoy.  Nakahanap ng tyempo si Migoy at bigla nitong binuhat si Tere na nagpupumiglas.

            “Migoy, ano ba!  Bitiwan mo nga ako!”

            “Ayoko!”

            Sige pa rin ang kulitan nila at di pa rin binitiwan ni Migoy si Tere.  Napuno ng halakhakan ang lugar at natigilan lang sila nung tawagin sila ni Tita Jas na magmeryenda.  Inilapag ni Migoy si Tere at biglang kinabig at niyakap.  Natigilan si Tere sa ginawa ng huli at biglang lumakas ang tambol ng kanyang dibdib.  Bigla tuloy niyang natulak ito para makalayo.

            Napangiti si Migoy sa ginawa ni Tere at alam nitong nabigla ang dalaga.  Pero di pa rin ito tumigil dahil pinisil nito ang mainit na mga pisngi ni Tere.

            “Ang init ng pisngi mo!  Nakakapaso!”

            Dahil sa sinabi ni Migoy ay biglang dinala ni Tere ang mga kamay sa pisngi niya pero dun lang niya natantong kamay pala Migoy ang kanyang nahawakan na nakahawak pa rin sa kanyang mga pisngi.

            Inilapit ni Migoy ang mukha ni Tere rito at mas lalong pinagdikit ang mga palad para ma squeeze ang mukha ni Tere.  Dahil dun ay biglang binitiwan ni Tere ang pagkakahawak ni Migoy at binigyan niya ito ng may kalakasang jab sa tiyan.  Kunyaring nasasaktan si Migoy at nag-iinarte pa itong bumagsak at humiga pa sa court.  Naghiyawan ang mga batang nandun at biglang natauhan si Tere sa nagawa at inakala talagang nasaktan si Migoy kay mabilis nitong nilapitan ang binata.

            “Migoy, hala sorry ha.  Malakas pa yung pagsuntok ko?”

            Iyon ang pagkataong hinintay ni Migoy dahil hinila nito si Tere na napasalampak na rin katabi ng binata.  Ang lakas na naman ng tawa ni Migoy sa mga sandaling iyon gayun din ang mga bata.  Pati si Tere ay di na napigilang tumawa.

            “Migoy, Tere at mga bata, halina kayo at baka lumamig ang meryenda.”

            Naunang tumayo si Tere at inilahad ang kamay kay Migoy para itayo na rin ito.  Nung tumayo si Migoy at muling inakbayan nito si Tere at ginulo ang buhok.

            “Basang-basa ka ah.  Dun na muna tayo sa kotse para makapagpalit.”

            “Wala akong dalang extra t-shirt.  Ok lang ako Migoy.  Kaya na ito ng tissue.” 

            “Hindi.  Baka magkasakit ka pa.  May dala akong gamit sa kotse pero yun nga lang hayaan mo munang maluwag yung pamalit mo.”

            Di na nakipagtalo si Tere sa sinabi ni Migoy dahil siya mismo alam niyang naliligo siya sa pawis at masama iyon pag natuyuan siya.  Uso pa man din ang trangkaso sa ngayon.

            Bago umalis sina Migoy at Tere sa orphanage ay ginamot na muna ni Tere ang mga batang may mga sugat at galos.

            Sige pa rin ang kulitan nila habang pauwi na kina Tere.  Nagyaya pa sana si Migoy na kumain sila sa labas pero ayaw na ni Tere kasi gusto na niyang maligo dahil sa sobrang pawis kanina sa paglalaro.

            Pagdating nila sa bahay nina Tere ay siya namang pagdating ng mga kapatid kasama si Jennifer kaya sa halip na makaalis si Migoy ay nayaya pa ito ng mga kapatid na mag-ihaw ihaw at dun na maghapunan sa kanila.  Naki-usap na lang si Migoy kay Tere na makigamit ng banyo para makaligo dahil ito man ay atat na atat ng maligo.

            “Hoy Tere, ano ba ang score niyong dalawa ni Migoy?”  Di nakatiis na tanong ni Jennifer kaya Tere habang nasa banyo si Migoy.

            “Anong score?  Wala ah.  Magkaibigan lang kami.”

            “Magkaibigan pa rin?  Eh palagi kayong magkasama ah.  Magtapat ka nga sa akin, nanliligaw ba sayo ang mokong na yan?”

            “Atey, sabi ko magkaibigan lang kami.”

            “Bunsoy, tanong ko eh nanliligaw ba sayo yan?” Giit pa ni Jennifer.

            Akmang sasagot sana si Tere pero biglang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwal ang bagong paligong si Migoy.

            “Ang sarap maligo.”  Sambit nito habang pinupunsan ang basang buhok at lumalapit sa kanila.

            “Masarap ba ang tubig Migoy?  Saan ba kasi kayo galing ni Tere’t para kayong gusgusin na bumalik?  T-shirt mo ba itong suot ni Tere?”

            “Galing kami sa orphanage.  Napasabak sa basketball sa mga bata at tama nga si Pareng Jason, magaling itong si Tere magbasketball.”  At hinawakan na nito ang balikat ni Tere na kunyari minamasahe.

            Naging conscious naman si Tere sa sarili dahil di pa siya nakaligo kaya alam niyang amoy araw pa siya kaya nilayo niya ang sarili kay Migoy.

            “Ano ba Migoy, huwag ka ngang dumikit sa akin at ang baho ko.”

            “Oo nga!!!! Maligo ka na!  Amoy araw ka na eh!”  Biro ni Migoy sa kanya.

            “Tse!” 

Pinandilatan ni Tere si Migoy.  Pero nung makita nitong basa ang batok ni Migoy ay mabilis nitong kinuha ang tuwalyang nakasampay sa balikat nito at pinahiran ang batok ni Migoy.  Tila natural lang ginagawa nilang dalawa at nakangiting tiningnan sila ni Jennifer.  Nung napansin iyon ni Tere ay bigla nitong binitiwan ang hawak na tuwalya na tila ba nakakapaso.  Tyempo namang pumasok si Kuya Josef niya kaya nayaya na nito si Migoy na samahan sila sa labas ng bahay kung saan nag-iihaw ang mga ito.

“Di nanliligaw dahil kayo na?  Ganun ba?”  Pukaw ni Jennifer kay Tere.

“Ha?”

“Ha ka diyan.  Kayo na ba?”

“Hindi ah.  Hindi sabi eh.  Eh basa yung batok eh kaya nagmagandang loob lang akong punasan.”

“Sinabi mo eh.  O cya sige maligo ka na.  Ang baho mo eh!”

“Hmmmp!”  Sabay inirapan ang nanunudyong kaibigan at pumasok na sa kwarto para kumuha ng gamit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro