CHAPTER THREE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER THREE

“WE’RE here!” Pukaw ni Migoy sa lumilipad niyang isip.

“Sure ka talagang manunuod? Baka pagkakaguluhan ka dun?” Muling tanong niya at di pa rin nawala ang pagkabahala na baka kaguguluhan si Migoy ng mga nandun.

“Yup. Let’s go at baka mapagalitan ka ng kuya mo dahil sa Gatorade.”

Nung maaalala ang Gatorade ay mabilis na kumaripas ng baba sa sasakyan si Tere. Pero di rin siya makatakbo dahil naalalang iika-ika pa pala si Migoy maglakad dahil sa aksidente.

“Ay sorry. Nakalimutan kong injured ka pala.”

“Oks lang yan. May nurse naman akong kasama.” Nakangiting sambit ni Migoy na ikinapula na naman ng pisngi ni Tere.

Pagdating nila sa gym ay nakita ni Tere na nagwawarm-up na ang mga manlalaro. Kinawayan niya ang mga kapatid at gaya ng inaasahan ay tatalakan sana siya ng Kuya Jason niya pero bigla itong natigilan nung mapansin ang kanyang kasama.

“Bunsoy, bakit ang tagal mo… Migoy Concepcion ikaw ba yan?” Manghang-mangha si Kuya Jason sa nakita.

“Migoy, si Kuya Jason ko. Kuya… Kuya…Hoy Kuya!!! Si Migoy at naglalahad ng kamay sa’yo!” Sabay siko sa kapatid na nakatunganga.

Dun lang napansin ni Kuya Jason ang paglalahad ng kamay ni Migoy kaya mabilis nitong tinanggap iyon at kinamayan ang muli ng pagkahigpit-higpit.

“Kuya… kuya Jason… huy baka mabali yung kamay ni Migoy sa higpit ng hawak mo.”

“Ay sori brad! Tol! Tol! Nandito si idol!” Excited na tawag ni Kuya Jason sa iba pa niyang mga kapatid.

Gaya ng inaasahan ay pinagkaguluhan si Migoy ng mga nandun. May mga nagpapicture at nakipagkamay sa kanya. Pero walang nakakagawa ng masama rito dahil nag-astang bodyguard ang mga barakong kapatid ni Tere dito. Pumuslit sandali si Tere para magtimpla ng Gatorade para sa mga kapatid at siya namang pagdating ni Jennifer.

“Oi Atey, may baon ka pala! Tinanan mo na?”

“Gagah! Hay nako Atey, savior ko yan sa araw na ito. Lakas ng ulan kaya ang hirap sumakay. Akala ko nga di na ako aabot sa laro eh. Pagnagkataon ako pa ang sisisihin ni Kuya Jason pagnatalo sila.”

“At talagang hinatid ka dito at sumama pa? Are you thinking what I’m thinking?”

“Thinking thinking ka diyan. Wala ah. Gusto daw manuod ng laro kaya ayun isinama ko na. Hayaan mo na. Para ganahan din sila kuya maglaro. Picturan mo kami mamaya ha!”

“Landi lang! Aray ko!” Napa-aray si Jennife nung kurutin ito ni Tere.

Napadako ang tingin ni Migoy sa kanila at nginitian siya nito na sinuklian din naman niya habang nagpipirma ito ng autograph at nagposing sa mga nagpapapicture.

“Atey, teka natapakan ko ang haba ng hair mo. Excuse me lang, pakilinis at nagkalat na masyado sa paligid.” Pukaw ni Jennifer sa kanya pagpunta sa cloud 9.

“Atey! Panira ka ng moment!”

Nagkatawanan silang magkaibigan at maya-maya lang ay pinakilala na niya ito kay Migoy nung natapos na rin itong pagkaguluhan ng mga taga-roon. Naging special na tuloy ang championship game na iyon dahil pina-unlakan ni Migoy ang organizer na siya na ang magbigay ng ceremonial jumpball bago mag-umpisa ang laro. Magkatabi silang naupo sa bleachers habang nanunuod ng laro. Sobrang dikit ang laro at maging si Migoy ay di na napigilang mapasigaw tuwing nagkakarambola na ang dalawang kupunan sa bola. Nung manalo ang team nila Tere ay bigla na lang nagyakapan silang dalawa ni Migoy. Si Jennifer na nakasaksi ay tinutudyo si Tere na pinandidilatan naman ng huli.

Si Migoy na rin ang nagbigay ng trophy sa team ng kuya ni Tere at pati nung tanghaling MVP ang Kuya Josef ni Tere. Nashock si Tere dahil pina-unlakan din ni Migoy ang imbitasyon ng mga kapatid niya na sumama ito sa munting salo-salo nila sa isang restaurant.

“Ang bait ni Migoy ano? Ang galing makisama. Parang antagal na niyang kakilala ang mga makukulit mong kapatid. Tingnan mo, parang hindi celebrity kung makisama sa mga ordinaryong tao.” Ani ni Jennifer sa kanya.

“Oo nga Atey. Totoong mabait talaga yan. Kahit sa aming mga nurses magaling makisama yan.”

“Matanong nga kita, nanliligaw ba sayo yan?”

“Ha? Hindi ah. Sumama lang eh naliligaw na agad-agad? PBB Teens lang ang peg?”

“Weeh di nga? Pero teka, sarap ba yumakap?”

“Atey ha!”

“Hug mo ko! Hug mo ko!” Binibiro siya ni Jennifer na nag-ala Vice Ganda na hug mo ako na parang sa biro nito sa mga PBB Teens.

Kinurot niya ang kaibigan at muli silang naghagikhikan.

“Oi bunso, sabi ni Pareng Migoy bibigyan niya kami ng ticket sa game niya pagkabalik niya!”

“Pare na agad Kuya Jason? Wala ka pa ngang anak eh kumapare mo na?” Biro niya sa kapatid.

“Walang basagan ng trip tol! Pareng Migoy, pagpasensyahan mo itong bunso namin. Lumalaking parang lalaki kasi. Pero magaling din yan magbasketball. MVP yan nung nasa varsity pa.”

“Oo nga Pareng Jason. Sabi nga magaling daw maglaro si Tere. Sayang di ko naabutan dahil di na siya naglalaro nung pumasok ako sa varsity.”

“Talaga magkumpare na kayo ha. Hay nako Migoy, 19 kupong-kupong pa yun. Tagal ko ng di nakalaro.”

“Asus sinungaling ko bunsoy. Wag ka maniwala diyan Pareng Migoy, kahit lalaki ay kayang talunin niyan sa one-on-one. Pahumble pa itong bunso namin.” Sambit ng Kuya Josef niya sabay gulo ng buhok niya.

“Kuya! Ano ba!” Pilit na kumawala si Tere sa bisig ng kuya niya at inaayos ang ginulo nitong buhok.

Muling napuno ng halakhakan at kulitan ang mesa nila at gabing-gabi na nung nilisan nila ang lugar. Sa mga kapatid na sumabay pauwi si Tere kahit pa nag-offer si Migoy na ihatid siya.

Bago umuwi si Migoy ay hiniritan ito ni Jennifer kung kaano-ano nito si Tiffany at ngiti lang ang isinagot ni Migoy. Naging pala-isipan kay Tere ang sagot na iyon ni Migoy. Bumuntunghininga siya habang binalikan ang pangyayari sa araw na iyon.

“Kahit kailan talaga Tiffany, panira ka talaga ng moment sa akin. Pag mabangit talaga pangalan mo, nakakasira talaga ng moment…” Yamot na sambit ng isip ni Tere habang nakahiga siya at nagpapa-antok. Pero muli siyang napangiti nung maalala ang mga oras na kasama niya si Migoy. Naputol ang pagmuni-muni ni Tere nung tumunog ang cellphone. Hindi niya kilala ang number na nakarehistro kaya walang sigla niyang binasa iyon.

“I had a great time. Sa uulitin ha. –Migoy”

Napa-iktad sa kinahihigaan si Tere at muling binasa ang text. Galing nga kay Migoy iyon kaya muling lumapad ang kanyang ngiti. Dali-dali niyang sinagot ang text nito.

“Salamat din ha. Ikaw ang naging inspirasyon ng mga kapatid ko para manalo. Tsaka pasensya na sa kakulitan nila ha.”

“Ok lang yun. Ang galing nga nila eh. Tsaka enjoy silang kasama. Pero mas na-excite akong maka-one-on-one ka sa basketball.”

“Talaga lang ha. Sige pagmagaling ka na basketball tayo. Nako po pressure ito. Kailangan ata magpatrain ulit ako sa mga kuya ko. Lol!”

“Looking forward to it. Thanks and good night.”

“Nyt!”

Akala niya di na sasagot si Migoy pero nagsmiley face pa ito kaya muling napangiti si Tere at maging sa pagtulog niya ay nakangiti pa din siya.

Iyon ang naging simula ng regular na kumunikasyon nina Tere at Migoy. Pero gayun pa man ay madalang silang magkita. Nagkikita lang sila pagnagagawi si Migoy sa hospital para sa kanyang regular na therapy. Bumubuti na din ang kalagayan ni Migoy at hindi na ito paika-ika kung maglakad. Nakakapagdrive na din ito gaya ng dati pero di pa bumalik sa paglalaro hanggang matapos ang kanyang physical therapy. May mga pagkakataon ding hinihintay ni Migoy si Tere na matapos ang shift nito at isinasabay na nito ang dalaga sa pag-uwi at sa tuwina’y laging napapasabak sa inuman at kwentuhang walang katapusan si Migoy sa mga kapatid ni Tere.

HINDI na simpleng tagahanga ang turing ni Tere sa sarili kay Migoy kundi isa na rin siyang kaibigan nito. Si Tere ang naging parang pahingahan ni Migoy ng loob sa tuwinang nagkakaroon ito ng tension sa kanyang ama. Hindi kasi pabor ang ama ni Migoy sa pagbabasketball nito at gusto nitong pagpamahalain si Migoy sa negosyo ng pamilya pero sadyang nasa basketball ang puso ni Migoy kaya malimit itong nakikipagtalo sa ama.

Isang araw ay bigla na lang siyang pinuntahan ni Migoy sa ospital at pinaki-usapang samahan niya ito dahil kailangan lang daw nito ng makaka-usap.

“Migoy, pagpasensyahan mo na kasi ang papa mo. Only son ka kaya natural lang na gusto niyang ikaw ang magmana at mamahala ng negosyo ninyo.”

“Yun ang problema eh kasi wala sa puso ko ang pagnenegosyo. Gusto kong maglaro ng basketball or atleast until I will retire then that’s time I will consider the option of taking over the business. Why can’t he understand that!”

Ito ang unang pagkakataong nakita ni Tere na nagagalit si Miguel. Naamoy din niya na nakainom ito.

“Migoy, kausapin mo na lang ng maayos ang Papa mo. Tsaka bakit ka pala umiinom? Di ba nagdidrive ka? Alam no namang masama yan di ba? Tsaka kakagaling mo lang sa aksidente.” Mahinahon ang boses ni Tere sa pagpapaalala kay Migoy.

Hinilamos ni Migoy ang mga kamay sa mukha sabay bumuntunghininga. Ramdam ni Tere ang hirap ni Migoy kay umusog palapit dito at hinimas ang likod nito. Nandun sila sa paborito nilang pocket garden na bahagi ng ospital. Nanatili sila sa ganung ayos nung biglang nagkatinginan. Unti-unti lumalapit ang mukha ni Tere kay Migoy na malamlam namang nakatitig sa kanya. Gahibla na lang ang pagitan ng mukha nila nung biglang pitikin ni Tere ang noo ni Migoy sabay sambit ng “Ang drama mo Tsong!”

Natampal ni Migoy ang namulang noo dahil medyo may kalakasan ang pagpitik ni Tere at di na rin nito napigilang tumawa. Upang makabawi ay bigla nitong inakbayan si Tere at ginulo ang buhok.

“Hoy ano ba! Nakita ng nakaayos yung buhok eh!” Sigaw ni Tere habang umiiwas sa mga kamay ni Migoy. Pero dahil sa malaking tao si Migoy ay namalayan na lamang ni Tere na nakapaloob na pala siya sa mga bisig ng huli. Kung may makakita sa kanila ay mapagkakamalan talagang nagyayakapan silang dalawa at naghaharutan.

Biglang natigilan si Tere nung mabisita ang hitsura nilang dalawa at gayun din si Migoy. Sa pagkakataong iyon ay unti-unting lumalapit ang mukha ni Migoy kay Tere.

“Diyos ko po, hahalikan ba ako ni Migoy???” ani ng isip ni Tere.

Gahibla na lang ulit ang pagitan ng mukha nilang dalawa at di na naiwasan ni Tere na mapapikit nung biglang tumunog ang telepono ni Migoy. Parang pareho silang binuhusan ng tubig at mabilis niyang naitulak si Migoy at inayos ang sarili habang ang huli ay bumuntunghininga muna bago kinuha ang telepono sa bulsa at sinagot.

“Tiff, bakit?”

“Sabi na nga ba eh si Tiffany na naman. Ang lakas talaga ng radar ng babaeng ito at kung makapanira ng moment wagas talaga!” Reklamo ng isip ni Tere. “Yun na yun eh. Malapit na malapit na eh!” Panghihinayang niya.

Inaayos ni Tere ang sarili habang hinihintay na matapos si Migoy sa telepono. Napansin ni Tere ang paghawak ni Migoy sa sentido at naririnig niya ang matulis na tinig ni Tiffany sa kabilang linya na walang tigil sa pagtatalak at naririnig niya na hinahanap nito si Migoy at kesyo bakit di daw ito sumipot sa usapan nila. Puro tango lang ginawa ni Migoy pero halata na rin ang pagka-irita. Nag-angat ng mukha ang binata habang hawak pa din ang telepono at nagmwestra ito na parang nagtatalak din. Napabungisngis ng tawa si Tere at para di siya marinig sa kabilang linya ay tinakpan niya ang bibig habang pinipigilang tumawa ng malakas dahil sa reaction ni Migoy. Di na rin napigilan ni Migoy na mapangiti at tuluyang napatawa kaya mas lalong nangitngit si Tiffany sa kabilang linya.

“Tiff, enough. Ok I will fetch you na. Just give me an hour. Ok bye.” At di na nito hinintay pang matapos sa pagsasalita ang kausap at ini-off na nito ang cellphone. Nagpakawala ito ng isang malalim na buntunghininga at kunyari ay nililinis ang tengang nabibingi daw.

“Whew that was one big rapido!”

“Eh kasi naman bakit di mo sinipot at naglasing ka pa!”

“Eh… it’s complicated!”

“FB status lang! It’s complicated. O ano sober ka na ba? Tara magkape ka muna bago ka umalis para mawala ang amats mo.” Muntik ng tanungin ni Tere si Migoy kung kaano-ano nito si Tiffany pero pinigilan pa rin niya ang sarili.

“I think that’s a good idea. Tara dun ulit sa paborito mong vendo machine.”

At masaya silang pumasok muli sa ospital. Sige pa rin ang kulitan nila hanggang makaalis na si Migoy. Naging sobrang kumportable na sila sa isa’t-isa at sa muli ay nakangiting nakatulog si Tere nung gabing iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro