CHAPTER ONE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER ONE

“PAGING Dr. Santos, to the ER please.”

Nasa nurse station na si Tere at nag-aayos na lang ng mga dokomento dahil tapos na ang kanyang shift nung mapansing parang biglang nagkakagulo sa emergency room.

“Anong nangyari? Bakit parang andaming tao?”

“Oo nga. Aalis ka na ba Tere?”

“Oo. Maya-maya siguro. Tinangnan ko kung anong nangyari dun ha.”

Hindi na hinintay ni Tere na sumagot ang kasamahang nurse at nagmamadaling pumunta sa ER. Nagulantang siya sa nasaksihan. Ang daming pasyente na base sa narinig niya ay mga pasahero ito sa isang bus na tumaub sa NLEX.

Tawag ng tungkulin ay biglang nilapitan ni Tere ang supervisor at binulungang mag-oovertime siya para makatulong sa kanila. Nginitian siya at binigyan ng instruction ni Ms. K sa mga gagawin.

“Tere, kaya ko na dito. Puntahan mo yung isang lalaking nandun. Siya ang saklolohan mo.” Sabay turo sa kanya sa isang pasyente na nasa dulo.

Mabilis na tumakbo si Tere at nilapitan ang pasyente. Matangkad na tao ito dahil halos lumagpas na ito sa kama . Namangha siya sa nasaksihan dahil puno ng dugo ang puting t-shirt na suot nito. Hindi pa niya maaninag ang mukha nito dahil nakabaling iyon sa kabaliktad ng kanyang direksyon.

“Sir, ako po si Nurse Tere. Lalapatan ko lang po kayo ng first aide ha.”

Lumipat si Tere sa direksyon kung saan nakabaling ang pasyente at napansinghap siya nung mapasino ito.

“Migoy!”

Biglang umungol ito at duma-ing kaya mabilis na tinawag ni Tere ang doktor para matingnan agad ang kalagayan ni Migoy.

May sugat sa ulo si Migoy kaya iyon ang dahilan kung bakit naliligo siya sa dugo. Madugo talaga pag masugatan ang ulo. Nakapikit si Migoy pero bigla nitong hinawakan ang kanyang braso nung lapatan niya ng gasa ang sugat nito.

“Sandali lang po Sir. Lilinisin ko lang po yung sugat niyo habang hinihintay si Doc.”

Hindi umimik si Migoy at halata ang sakit na naramdaman nito. Ilang ulit din itong napangiwi habang nililinis niya ang sugat. Kada ngiwi ni Migoy ay siyang pagsinghap din ni Tere.

Isa ng batikang manlalaro sa PBA si Migoy. Pagkagraduate nila ay kinuha agad ito sa isang team at katunay ay isa ito sa mga naging star player ng team. Dahil loyal si Tere kay Migoy ay sinubaybayan pa rin niya halos lahat ng laro nito. Maging ang kanyang mga kuya ay tagahanga din nito. Hindi rin ilang beses na sumama siya sa mga ito sa Araneta Coliseum para manuod ng laro ni Migoy.

Pero hanggang duon lang ang encounter niya kay Migoy. Pagkagraduate nila ay nag PBA na si Migoy at siya naman ay nag-rereview para sa nursing board exam. Pagkapasa niya ay nagtrabaho agad siya sa isang hospital para makakuha ng experience habang nag-aapply din sa ibang bansa.

Naputol ang pagmuni-muni ni Tere nung lumapit na ang doktor. Masusi nitong iniksamin si Migoy habang tinatanong din siya sa mga nagawa na niya sa huli. Maliban sa sugat sa ulo ay nilagyan din ng neckbrace si Migoy dahil hindi nito maigalaw ang leeg ng mga oras na iyon.

“Tere, kindly arrange that the patient will be given chest x-ray and MRI.”

“Yes Doc.”

“Sir, kailangan naming tahiin yung sugat sa ulo sa noo mo dahil medyo malalim ito. And please wear the neck brace too. We will be conducting chest x-ray and MRI just to clearly see if there’s something wrong. For the meantime, I’ll ask Nurse Tere to arrange for your admission.”

Makalipas ng ilang oras ay hinatid na ni Tere si Migoy sa kwarto nito. Nandun na ang pamilya ni Migoy at hula ni Tere ay mommy nito ang babaeng kanina pa umiiyak. Napag-alaman ni Tere na kasunod pala si Migoy sa tumaob na bus. Dahil mabilis ang takbo ni Migoy ay huli na ng nakapagpreno ito kaya sumalpok ito sa likuran ng bus. Dahil na rin siguro sa malakas na impact kaya may tama ang leeg nito. Marahil yung sugat ni Migoy sa noo ay dahil sa malakas na pagkabagok din nito.

Matapos muling chineck ang vitals ni Migoy ay umalis na din si Tere sa kwarto ng huli.

Bumuntunghininga si Tere pagkalabas niya ng kwarto ni Migoy. Tumingin siya sa orasan at muling nanlaki ang mga mata nung mabisita ang oras. Dalawang oras na pala niyang pinaghihintay si Jennifer. Dapat ay manunuod sila ng sine ngayon. Nakalimutan din niya itong tawagan kanina dahil sa nangyari. Mabilis na tumakbo si Tere sa nurse station at dun niya naiwan ang cellphone.

“Patay!!! 38 miss calls at nagblink na yung envelope na icon.”

“Bakit Tere?

“May usapan pala kami ni Jennifer ngayon na manuod ng sine. At di ko siya natawagan na bigla akong napa OT.”

Nagkrus muna si Tere bago edinayal ang numero ng kaibigan.

“Hello Teh…”

Pero bago pa magdagdagan ang sasabihin ay galit na galit na nagtatalak na si Jennifer sa kabilang linya.

“Sorry na Teh. May nangyari kasing aksidente dito kaya tumulong ako. Kawawa naman kasi yung mga nasugatan.”

“Sorry ka ng sorry. Lagi ka na lang ganun. Kung ikaw kaya pinaghintay ng dalawang oras. Gusto mo?” Halata pa rin ang sobrang inis sa boses nito.

“Kaya nga sorry na eh. Di na mauulit. Pasensya na.”

“Pasensya… lagi na lang pasensya. Ewan ko sayo. Basta di kita bati.”

“Teh naman eh. Sorry na. Promise, libre na kita ng halo-halo bukas.”

“Huwag na. Basta di kita bati.”

Mahaba-habang paki-usapan pa ang sumunod pero matapos ang ilang minuto ay natapos din ang pag-uusap ng magkaibigan.

“Basta Teh, bukas talaga dadalhan kita ng paborito mong halo-halo. First thing in the morning. Kung kinakailangang gisingin ko si Aling Tasing para igawa ka ng halo-halo ay gagawin ko! Babush na kasi uwi na rin ako!”

“Quota ka na sa overtime Tere ah. Di ka ba napapagod?” Di mapigilang tanong sa kanya ng isa sa mga kasamahan.

Malimit kasing nag-oovertime ng di sinasadya si Tere. Para sa kanya, hindi naman dahil gusto niyang kumita pero talaga likas lang siyang maalaga at maawain lalo sa mga kasama. Underman sila sa ospital na iyon kaya di talaga maiwasang ang mga di inaasahang overtime.

“Oo nga Te pero ok lang, kahit naman kakapirangot lang ang bayad eh bayad pa din tsaka nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko.”

“Hay napakabait mo talaga Tere. O cya sige umuwi ka na kasi di ba maaga ka pa ulit bukas at saka para naman maligawan ka.” Tuydo sa kanya ng pinakaclose niyang nurse doon na si Nurse Diana Jane.

Bungisngis lang ang isinagot ni Tere at tuluyan ng nagpaalam sa mga kasamahan. Bago siya umuwi ay di niya mapigilan ang sarili na muling silipin ang kalagayan ni Migoy. Napabuntunghininga siya nung maalala ang hitsura nito kanina. That night before she went to bed, she said a little prayer for Migoy’s recovery.

“BUNSOY, aalis ka na? Eh gabing-gabi ka na umuwi kagabi ah!” Sigaw ng kanyang panganay na kapatid na si Kuya Jason nung makitang nagmamadali na siyang nagliligpit ng gamit para umalis.

“Oo Kuya. Duty na ako. Alis na ako. Babush!”

“Hoy Bunsoy, mag-almusal ka muna!” Habol na sigaw naman ng kanyang Kuya Josef.

“Sa ospital na lang po!” At kumaripas na ng takbo si Tere palabas ng bahay.

“Ano bang nangyari dun at nagmamadaling umalis?” Nagtatakang tanong ng pangatlong kapatid niyang si Kuya John.

Nagkatinginan na lang ang tatlong barakong kapatid at muling pinagpatuloy ang pagkain ng almusal.

DAHAN-DAHANG kumatok at pumasok si Tere sa kwarto ni Migoy. Laking tuwa niya nung malaman kahapon na sa area niya pala nakatoka ang pag-aalaga kay Migoy kay siya na mismo nagvolunteer na titingin dito. Patay malisya naman ang mga kasamahan dahil sa parehong floor na iyon ay mayroong isang sikat na artista din naconfine kaya ang mga atensyon ng mga kasamahan nurse ay nandun kaya solong-solo niya si Migoy.

“Good morning po Sir. Gamot lang po.”

Isang tipid na ngiti lang ang isinukli ni Migoy sa kanya. At hindi maiwasang mapasinghap ni Tere sa simpleng ngiting iyon. Medyo nararamdaman na niya ang pag-init ng pisngi na buti na lang dismulado dahil morena siya.

Tahimik na kinuha ni Migoy ang gamot at uminom. Inaalalayan ito ni Tere dahil nahihirapan itong kumilos dahil neck brace.

“Ah Miss, pwedeng magpatulong?”

“Sure Sir. Ano po ang gusto nyo?”

“I need to go to the bathroom.”

“Ah ok Sir.”

Mabilis na tinulungan ni Tere si Migoy. Inaalalayan niya itong maglakad papunta sa CR dahil may benda ang kanang paa nito na ngayon lang niya napansin. Matapos ipasok ang lagayan ng IV nito sa CR ay isinara na ni Tere ang pintuan at hinintay si Migoy na matapos. Muli niya itong inalalayan nung tawagin siya nito at inihatid na niya ito sa higaan.

Naawa si Tere sa kalagayan ni Migoy na halatang nanakit ang buong katawan at nahihirapan sa kanyang sitwasyon kaya di na rin siya nagtagal sa kwarto nito at akmang aalis.

“Miss…”

“Yes Sir?” Muling lumingon si Tere sa kinaroroonan ni Migoy.

“Sorry ha, pero you look familiar. Have we met before?”

“Ah opo. S..siguro po.”

“Tere ano ba, bakit ka nauutal!” Sigaw ng isip ni Tere.

“Saan pala tayo nagkita?”

“Eh.. ano… kasi… sa school! Tama sa school!”

“Ah ganun ba? Are we classmates? Or schoolmates? Familiar ka lang talaga. And ano pala ang name mo ulit? Pasensya na ha, I should have asked you that kanina pa.”

Hindi na naiwasan ni Tere na mapangiti sa sunod-sunod na tanong ni Migoy.

“Actually schoolmates tayo Sir. Fan niyo rin po ako sa basketball. At nagkita tayo nung varsity party. Nabangga niyo po ako at tumilapon yung mga gamit ko. Sorry ha at nasigawan pa ata kita dati. Galing kasi ako ng duty nun kaya kulang sa tulog.”

“Teresa, bakit ba nag-eexplain ka!” Parang may sumisigaw sa tainga ni Tere ng mga katagang iyon matapos ang mahabang eksplenasyong ginawa niya.

“Yeah I remembered that incident. Oh, ikaw yung friend ni Jao right or should I say girlfriend ni Jao?” Tudyo nito sa kanya na muling ikina-init ng mga pisngi ni Tere.

“Ay hindi po. Kaibigan ko lang si Jao. Makulit lang talaga yun. Classmate ko naman siya and ka groupmate tapos chinutor ko yun dahil laging natutulog sa klase kaya laging pinagagalitan ng teacher…namin… Ay sorry po, ang haba ng sinabi ko.”

Napangiti na ng tuluyan si Migoy exposing his nice set of teeth. Sa pagkakatong iyon ay gusto ng kumawala ang puso ni Tere sa lakas ng tambol.

“It’s ok. Tere, huwag mo naman ako e-po. Bata pa ako at pareho lang ata tayo ng edad or I’m a year older than you lang. Call me Migoy na rin. It’s nice meeting you again.” Sabay lahad na nito ng kamay.

Gaya ng dati ay natigilan na naman si Tere at nakabitin sa ere ang kamay ni Migoy na naghihintay na tangapin niya. Akma nitong ibaba ang kamay nung natauhan si Tere at gaya ng dati ay mabilis niya iyong tinangap.

Napa-iling sabay muling ngumiti si Migoy habang nagshashake hands sila.

“Some things never changed…”

“ Po ?”

“Wala, sabi ko some things never changed. Kasi ganito din nangyari nung una tayong nagkita di ba?”

“Ha?”

“Diyos ko po, naalala pa pala niya yun. Tere naman! Nakakahiya ka ulit!” Gusto ng sampalin ni Tere ang sarili dahil sa kanyang kapalpakan.

“Tere… Tere…. Hey Tere!” Pukaw ni Migoy sa nakatulalang si Tere. At nanlaki ang mata ng dalaga nung mapansing nakahawak pa rin pala siya sa kamay ni Migoy. Para siyang napapasong binitiwan ang kamay nito at dahil biglaan ay napangiwi ito sa sakit kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ni Tere.

Pero biglang bumulaghit ng tawa si Migoy sa nakitang reaksyon kay Tere.

“Sorry po Sir Migoy.”

“It’s ok Tere. Nakakatawa naman ang reaksyon mo. You know what, I like you.”

“ Po ?” Tama ba yung narinig niya. Na sabi ni Migoy na gusto siya nito.

“Nakakatuwa ka. Dalawin mo ako lagi ha para di naman maging boring ang buhay ko dito sa ospital.”

Akmang magsasalita pa sana si Tere nung biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang nilalang na sa tanang buhay niya ay ayaw na niyang muling makita lalo na pagkasama niya si Migoy.

“Migoy, I’m so worried of you. Nagpabook talaga agad ako ng flight back to Manila when I heard what happened to you.” At bigla nitong sinugod ng yakap si Migoy na di nito alintala ang pinsala ng huli. Napangiwi tuloy si Migoy dahil sa naramdamang sakit.

“Mam, hinay-hinay lang po. Huwag niyo po biglain si Sir Migoy kasi nabugbug po ang katawan niya.” Di na napigilan ni Tere na magkumento sa ginawa ni Tiffany sa pasyente.

Natigilan si Tiffany at bigla ito kumalas sa pagkakayakap kay Migoy at hinarap siya’t tinaasan ng kilay. Di rin nagpatinag si Tere at nakikipagsukatan din ito ng tingin kay Tiffany.

“You look familiar. Have we met before?” Mataray na sambit ni Tiffany matapos siyang e head to foot nito.

Hindi sumagot si Tere bagkus ay sinenyasan nito si Migoy na aalis na at hindi na rin hinintay pa ang sagot ng huli at mabilis siyang umalis sa silid nito.

Naririnig niya ang pagtatalak ni Tiffany tungkol sa kanya na kesyo mayabang siya at isusumbong daw sa head nurse sa pangit niyang ugali. Naririnig din niya ang boses ni Migoy na pilit pinapatahan si Tiffany. Napabuntunghininga na lang siya.

“Hay nako, sa halip na makakatulong ang pagdalaw mo bruha ka ay mas nasestress pa sayo ang pasyente ko. Nakakagigil ka talaga kahit kailan at wrong timing ka lagi!” Gigil na gigil sa inis si Tere habang naglalakad.

“O sino naman ang kaaway mo at di maipinta ang mukha mo!” Sambit ng isang pamilyar na boses.

Napaangat ng tingin si Tere at ang nakasimangot na mukha ay biglang nagliwanag at tuluyan ng lumapad ang ngiti.

“Atey!!!! Buti binisita mo ako!”

“Bakit sambakol yung mukha mo ha?” Dinalaw siya ng kaibigang si Jennifer sa ospital at dinalhan ng pagkain.

“Wala! May nang-agaw lang ng moment sa akin kanina. Bakit mo ako dinalhan ng pagkain?”

“Eh kasi naman yung mga kuya mo eh nag-alala sayo dahil di ka daw kumain ng almusal.”

“Eh sabi ko naman sa kanila na dito na ako kakain eh. Oi, bati na kayo ni Kuya John?” Tudyo niya sa kaibigan. Nagkamabutihan ng loob kasi ang Kuya John niya’t bestfriend niyang si Jennifer.

“Oo bati na ulit kami. Pero teka, sino ba yung sinasabi mong nag-aagaw ng eksena sayo ha?”

“Ah yun ba, naalala mo kahapon bakit di kita napuntahan… kasi may aksidente at yung naaksidente ay si Migoy.”Halos pabulong na ang pagkakasambit ni Tere sa pangalan ni Migoy at di iyon narinig masyado ni Jennifer kaya muli siyang tinanong.

“Si Migoy…”

“Sino?”

“Si Migoy!” napalakas na ang boses ni Tere kaya yung mga tao na nasa malapit sa kanila ay napatingin na din sa gawi nila.

“Si Migoy na crush mo?”

“Isisigaw talaga Teh! Halika ka na nga. Samahan mo na nga lang akong mag-almusal.”

“Ah kaya pala sabi ng mga kuya mo na nagmamadali ka kanina. May rason pala. Oi, nakikita na naman ang crush…” At nagkukulitan ang magkaibigan habang naglalakad papuntang canteen.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro