PROLOGUE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

PROLOGUE

DUMADAGUNGDUNG ang ingay ng buong paligid. Hindi magkandahumayaw ang magkabilang dako habang nagsisigawan at winawagayway ang mga hawak na lobo at kung ano anong mga banners na nagtataglay ng kinabibilangang kupunan.

Dalawang matinding magkaribal sa kupunan ng basketball ang naglalaro at nasa game 3 na sila ng play-off. Kung sino man ang mananalo sa larong ito ay siyang tatanghalin na kampiyon ng pinakaprestihiyosong university basketball league ng bansa.

Masakit na ang lalamunan ni Tere sa kakasigaw at kakatili sa team nila. Dahil sa nag-iisa siyang anak na babae at merong apat na nakakatandang kapatid lalaki na pawang mga mahihilig at naglalaro ng basketball kaya gayun na lang din ang hilig ni Tere sa laro. Sa katunayan ay myembro din siya sa womens team ng paaralan pero hindi na siya naging aktibo dahil naging abala na sa pag-aaral ng nursing. Pero gayun pa man ay hindi niya pinapalampas ang importanteng larong gaya nito lalo na’t naglalaro ang kanyang ultimate crush na si Migoy na siyang star player ng team.

“E-shoot mo Migoy! E 3 points mo!!!”

“Kung makasigaw lang Teh wagas ha! Baka naman gusto mong hiramin yung microphone ng announcer at dun ka magsisisigaw!”

Tiningnan ni Tere ang kaibigang si Jennifer ng masama.

“Walang pakialamanan pwede? Palibhasa taksil ka dahil yung crush mong si JM ay andun sa kabilang team. Lumipat ka na kaya dun sa kabila.” Sabay irap sa kaibigan.

“Ay pwedeng lumipat Teh? As in now na?” Muling tudyo nito sa napipikong si Tere.

“Tse! Umayos ka nga diyan. E shoot mo na Migoy!!! Shoot!!! Migoy 3 points!!!”

Mas lalong lumakas ang sigaw ni Tere nung mag 3 points shot nga si Migoy at gaya ng nakagawian nito pagnakashoot ng 3 points ay nagpopoint ito sa mga fans sabay flash ng kanyang killer smile.

“Feeling mo naman ikaw ang nginingitian niya ganun?”

Biglang natigilan si Tere sa ginagawa at muling tiningnan ng masama ang kaibigan at hinarap.

“Ano ba ang problema mo? Palibhasa naungusan ni Migoy si JM kaya galit ka sa kanya. Huwag mo nga basagin ang trip ko Teh. Nakakapikon ka na ha sa totoo lang.”

“Asus pikon na ang ale oh. Nanunulis na yang nguso mo. O siya mag cheer na tayo kay Migoy! Go go Migoy! Pakiss daw sabi ni Tere!”

Parang narinig ni Migoy ang sigaw ni Jennifer dahil bigla itong nagbigay ng flying kiss sa gawi nila kaya gayun na lang ang tili ni Tere. Pero napawi ang ngiti nilang dalawa ni Jennifer nung biglang lumingon ang nasa harap nila at iyon pala ay ang dinedate ni Migoy na kasalukuyang reigning queen ng kanilang school na si Tiffany kasama ang mga maarteng kaibigan.

Tinaasan silang dalawa ng kilay ng mga ito at di pa nakuntento’t hinead to foot pa silang tingnan.

“Huwag ilusyunada.” Sambit ng isa sa mga babaeng nandun sabay bulungan ang mga ito.

Nagkatinginan sina Tere at Jennifer at biglang nagkindatan. Alam na nila ang susunod na gagawin na mas ikinagulantang ng mga babaeng nasa harap. Sabay silang sumigaw ng “I LOVE YOU MIGOY!” at natyempuhan namang nagkaroon ng konting katahimikan kaya dinig na dinig ang tili nila.

Napalingon si Migoy sa gawi nila at muli itong ngumiti at nagbow pa na siyang mas ikinatili ng dalawa. Magiliw si Migoy sa mga fans niya at mabait ito at palangiti kaya maging ang ibang nandun ay di na napigilang ngumiti.

Parang nasa langit ang pakiramdam ni Tere pero panandalian lang yun dahil biglang tumayo si Tiffany at nagflying kiss kay Migoy na kunyari naman tinangap ng huli at dahil sa nasaksihan ay mas lalong nagtilian ang mga kababaihian sa loob ng gymnasium.

Muli siyang hinarap ni Tiffany at tinaasan ng kilay sabay ngiti ng pauyam bago ito muling umupo.

Akmang susugurin ito ni Jennifer pero pinigilan niya.

“Ang yabang lang ha!”

“Teh, hayaan mo na yan. Basta cheer lang tayo ng cheer! Go Migoy!” Bulong ni Tere kay Jennifer at muling binalik ang konsentrasyon sa laro.

Muli silang napatili nung tuluyan ng nanalo ang kupunan nina Migoy. Nagchampion ang kanilang team sa pangalawang magkasunod na pagkakataon. Bukod sa kampiyonato ay natanggap din ni Migoy ang matagal ng inaasam-asam na Most Valuable Player award kaya hindi nawawala ang ngiti nito sa labi.

“Baba tayo Teh. Shake hands tayo kay Migoy.” Yaya ni Tere sa kaibigan.

“Ngek! Ang daming tao eh. Huwag na. Sa party mo na lang e congratulate yan. May party naman bukas ng gabi di ba tsaka kasama ka dahil parte ka pa din ng varsity. Tara na. O ayan tingnan ko nga kung makakasingit ka ba dyan sa lintang nakakapit kay Migoy.”

Biglang laglag balikat si Tere dahil tama nga naman si Jennifer. Paano pa siya makakalapit kay Migoy at nandun na si Tiffany na kanina pa nakakapit sa huli.

“They seem to be very fond of each other kaya tara na. Hayaan mo na friend, kay JM na lang tayo.” At dahil dun ay kinikilig na naman si Jennifer.

“Yuck! Parang kuya ko lang yun. Tara na nga.”

Varsity Victory Party

Nag-iisa pumasok si Tere sa venue dahil di siya sinamahan ni Jennifer gawa ng hindi naman ito varsity player. Late na si Tere dahil galing pa siyang duty kaya gayun na lang ang kanyang pagmamadali. May dinudukot siya sa kanyang bag kaya hindi niya namalayan ang taong nakasalubong at nagkabangaan silang dalawa kaya natapon ang mga laman ng bag niya.

“Ano ba! Bakit kasi di ka tumitingin sa dinadaanan eh!” Yamot at kulang sa tulog kaya medyo may kababawan ang mood ni Tere ng gabing iyon at nabulyawan niya ang nakasagi sa kanya.

Sige sa pagpulot si Tere sa mga tumilapon na gamit at ganun din ang ginawa ng nakasagi sa kanya.

“Sorry miss. I did not notice you. I was talking on the phone. I’m really sorry.” Sabay abot nito sa kanya ng mga napulot na gamit.

Nagpantig ang tenga ni Tere sa narinig na pamilyar na boses. Nanlaki na ang kanyang mata nung mapasino ang nakasagi sa kanya.

“Mi..Migoy….”

Nginitian siya nito sabay muling abot nito sa mga napulot na gamit na hindi pa rin niya nakuha rito. She was too stunned to move and she literally froze.

“Pare, hinahanap ka ni Coach… Tere are you alright?”

“Ha?”

“Hoy, baka mapasukan ng lamok ang bibig mo.” Tudyo sa kanya ng dating kaklaseng si Jao na kasamahan ni Migoy sa team.

“Ha?” Parang natauhan si Tere at biglang hinablot ang gamit na nasa kamay ni Migoy. Aksidenteng napadaup ang palad niya sa palad nito kaya muling nanlaki ang kanyang mga mata.

Biglang bumulaghit ng tawa si Jao sa naging reaksyon ni Tere. Kinikindatan nito ang dating kaklase at ngitian ng nakakapanukso.

Namula si Tere at mabilis na sinilid ang mga gamit sa bag para dismulado ang naging reaksyon.

“I don’t think you guys know each other. Migs, this is Tere. Varsity ng basketball women’s team kaso she stopped na dahil busy sa duty and hindi mo na din naabutan dahil last year ka lang pumasok. Tere, ofcourse you know Migoy right?”

“Please to meet you Tere.” Sabay lahad ni Migoy ng kamay kay Tere.

Parang nagfreeze pa rin si Tere kaya akmang babawiin ni Migoy ang kamay kaya mabilis niyang hinabol iyon para makipagkamayan.

“O ayan magkakilala na kayo kaya tara na pasok na tayo at open na ang buffet. Gutom na ako!”

“After you Tere.” Magalang na sambit ni Migoy sabay ngiti ulit.

Sinuklian naman din ni Tere ang ngiti ni Migoy at nagpatiuna na sa pagpasok sa bulwagan. Muling nagulantang si Tere nung maramdaman ang pagdagan ng mabigat na braso sa kanyang balikat.

“Crush mo ano?”

“Jao ano ka ba! Kung makapangulat talaga!”

“Aminin mo, crush mo si Migoy ano?”

“Tse! Kung anong pinagsasabi mo diyan. Alisin mo nga yung braso mo at ang bigat-bigat!”

Pero hindi natinag si Jao at sa halip ay kinikiliti pa siya nito. Close sila ni Jao na naging groupmate niya dati. Actually tinutulungan niya ito na maipasa ang subject nila dahil hindi naman sa bobo ito kaso masyado lang pagod sa practice kaya laging nakakatulog sa klase. Gwapo din si Jao at gaya ni Migoy ay magaling din maglaro pero mas napupusuan talaga niya ang style ni Migoy kaya kahit anong palipad hangin ni Jao dati ay binabara niya.

“Ano ba Jao!”

Pero ayaw pa rin siyang nantanan nito at namumula na si Tere sa hiya lalo na’t nakita niyang nakatingin si Migoy sa kanila kaya gaya ng nakagawian ay siniko niya si Jao at maarte itong nagkukunyaring nasaktan daw at napaluhod pa na sapo ang tiyan.

“Buti nga sayo! Tumayo ka nga diyan.”

“Aray ko Tere! Ang sakit sakit ng ginawa mo. Ouch!” Nakaluhod pa rin ito at nakapikit pa ang mata at kunyari nasasaktan.

Medyo nabahala si Tere dahil parang totoong nasaktan nga si Jao kaya sinipat niya ito. Habang tiningnan ang parteng nasaktan ay bigla na lang hinalikan ni Jao ang pisngi Tere bago kumaripas ng takbo papunta sa mesa ng mga basketball men’s team sabay kindat kindat kay Tere.

Huminga ng malalim si Tere at tumayo at tiningnan ng masama si Jao pero natawa na rin sa reaksyon nito na tila nagyayabang sa ginawa. Tuluyan ng napangiti si Tere nung makita ang pagngiti din ni Migoy. Nag thumbs-up pa ito kanya.

“Naka one point na naman si Jao sayo Tere ah!” Pukaw ng isa sa mga dati niyang teammates.

“Oo nga. Di bale cute naman si Jao. Buti nakarating ka Tere. Akala namin di mo na kami sisiputin.” Ani pa ng isa sa mga teammate din niya.

Pagka-upo ni Tere ay nagsimula na ang kanilang kwentuhan ng mga dating kasamahan. Magaan ang pakiramdam ni Tere dahil na rin sa close encounter nila ni Migoy kanina. Pero hindi na sila muli pang nagkaroon ng pagkakataon magka-usap nung gabing iyon dahil pagkalipas lang ng ilang sandali ay dumating ang grupo nina Tiffany at gaya ng dati ay parang tuko na naman itong kumakapit kay Migoy.

Nagkayayaan pa ang mga nandun na mag bar pa pagkatapos pero dahil wala pang tulog si Tere ay hindi na siya sumama at nauna ng umuwi.

Habang naghihintay siya ng taxi sa labas ay humahangos naman humabol si Jao sa kanya na may bitbit na isang supot.

“Jao! Anong nangyari sayo?”

“Akala ko di kita aabutin eh. Bigla ka na lang nawala. Di ka ba sasama sa amin?”

“Hindi na. Uwi na ako kasi wala pa akong tulog eh. Galing pa ako sa duty at maaga pa ulit duty ko mamaya.”

“Ito pala para sayo.” Sabay abot sa kanya ng bitbit na brown na supot.

“Ano to?” Nagtatakang tanong ni Tere sa inabot sa kanya ng huli.

“Regalo ko sayo. Sa lahat ng tulong mo sa akin at pagpapasensya. Sa bahay mo na buksan ok.”

“Asus nag-abala ka pa. Pero ano man ito, thank you pa rin. Nakaraos ka rin at gagraduate na.”

“Thanks to you. Dahil sa matiyaga mong pagtuturo kaya ako pumasa dun sa prof nating masungit.”

Napangiti si Tere. At akmang magsasalita nung biglang pumarada na ang taxi sa harap niya kaya minabuti na lang niyang magpaalam kay Jao at tuluyan ng umalis.

Nung nasa taxi na siya ay di niya napigilang buksan ang binigay ni Jao at napasinghap siya sa nakita sabay tili. Mabilis tuloy napapreno ang driver ng taxi.

“Mam, ok lang po kayo?”

“Ha? Ay sorry po Manong. Naexcite lang po. Sige po magdrive na kayo ulit.”

“Ok po Mam.”

“Nako Jao, bayad na yung pagtiyatyaga kong pagturo sayo dati!” Piping sambit ng isip ni Tere at sabay yakap sa regalo ni Jao sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro