Ang Presidente Duterte

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ang Presidente Duterte
By Spark_In_Light

Siya ang ating kasalukuyang presidente,
Pangalan niya'y Rodrigo Roa Duterte.
Kanyang pamumuno ay prominente,
Kaya't sa pamumuno niya, ako ay kampante.

Siya ay dapat huwag natin pagtaksilan,
Sapagkat siya'y buong tapang na naninindigan.
Tayo ay hindi na dapat piringan,
Upang makita ang kaniyang natatanging kabutihan.

Pilipinas ay kaniyang inaaruga,
Sa pamamagitan ng kaniyang mga programa.
Kahit sa kanya'y maraming humuhusga,
Pinagpapatuloy niya pa rin ang kaniyang mga ginagawa.

Buong Pilipinas ay kaniyang binago,
Ginamit niya ang salitang pagbabago.
Kabutihan niya ay hindi tinatago,
Dahil tayo'y hindi naninibago.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro