Basura Ko, Sagot Ko

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Basura Ko, Sagot Ko
By Spark_In_Light

Ang iyong basura ay iyong linisin,
Upang mabawasan ang mga sakitin.
Tamang pagtatapon ay ating alamin,
Upang ang barangay natin ay galangin.

Ang ating bansa ay marumi na ngayon.
Ang mga basura, dulot ay polusyon.
Kung tayo'y hindi pa agad aaksyon,
Ito'y gagawin ng bagong henerasyon.

Ang bawat tahanan sana ay matuto.
Paghihiwalay ng basura tayo'y listo,
Bulok, di-nabubulok sa tamang puwesto,
Upang madali ang pagkolekta nito.

'Basura Ko, Sagot Ko' iyan ang prinsipyo.
Kung may disiplina ang bawat Pilipino,
Tiyak na tayo sa buhay aasenso,
At ang Pilipinas ay magiging masamyo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro