03

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Craig

It's good to be back, mahabang panahon akong hindi nakauwi and now I'm here. I'm finally here, my homeland and my beloved Philippines. Lucky charm ko talaga ang bansang ito, dito ko unang nakilala ang pinakamamahal ko at dito ko rin siya mababawi. I'll make sure na kapag umuwi ako sa Amerika ay kasama ko na siya at Fuller na ang apelido niya.

"Erin Santibanez- Ferrer," mahinang bulong ko sa pangalan ng asawa ko habang nakatitig sa display photo niya. Kakapalit niya lang kasi ng bagong profile, litrato ito na kinuha sa isang garden. Nakasuot siya ng pulang dress at nasa gitna ng mga rosas, may malapad siyang mga ngiti sa kaniyang mga labi. Mga ngiti na ako ang unang nakakita noon, ngunit ako rin ang naging dahilan kung bakit nawala ang mga 'yon.

"Her again? Umaasa ka pa rin ba na maaayos ninyo 'yong dati ninyong relasyon at babalik siya sa'yo?" It's my dad, hindi ko namalayan ang pagdating niya.

"Dad, ikaw po pala. Kanina ka pa?"

"Sagutin mo muna ang tanong ko Craig, umaasa ka pa ba?" Tanging tango lang ang naisagot ko at mapait na pag-ngiti. "Anak, alam mong hindi na puwede. Nagloko ka, 'di ba? Baka lang nakakalimutan mo." Mariin ang titig ng ama ko, isang linya ang kaniyang labi na indikasyon na seryoso siya sa kaniyang sinasabi.

"That's my greatest mistake, Dad. Sobra ko pong pinagsisisihan ang lahat, sana pala kaysa nagpadala ako sa tawag ng laman... sana pala hindi ko na lang 'yon ginawa." aniko.

Alam ko naman 'yon, alam na alam ko ang ginawa ko. Niloko ko ang babaeng pinakamamahal ko. 

"Nagsisisi ka ngayon, 'di ba? 'Yan sige, tama 'yan. Deserve na deserve mo ang karma na 'yan, Craig." Iiling-iling na sabi ng Daddy.

Tama naman siya, this is my karma. I need to accept my own dosage of  medicine. Tasting it might not be bad, hopefully it will end up with something that will favour me this time. 

"I'll admit Dad, I'm a coward at  nagsisisi na po ako. I swear, I'll do anything just to win Erinback." Mariin kong sambit.

Buntong hininga at muling pag-iling ang isinagot ng Daddy, inabot niya ang kaliwang kamay ko na may singsing at tinitigan ito. "Palayain mo na, kasal na siya at ikaw naman ay ikakasal na. Isipin mo ang mga anak mo, Craig. Huwag mo nang sundan pa ang yabag ng Mommy mo. "

"I don't want to be with anyone,kung hindi lang rin naman si Erin ang pakakasalan ko mI'll better be alone." Mariin kong tugon habang papatayo mula sa swivel chair na kinauupuan ko.

"How 'bout Olivia? Matagal na siyang umaasa sa 'yo, 'di ba?" I just shook my head as an answer. "May mga anak kayo at nangako ka sa ama niya na pakakasalan mo siya."

Olivia Lopez is Erin's kababata and former best friend, matagal na siyang may gusto sa akin. I did make her pregnant, siya ang ina ng mga anak ko. And yes, the main reason why my relationship with Erin failed. She is my former fubu, and now the mother of my children.

I've been in love with Erin since day one, she's my first love. 'Yon nga lang, things happened. Natukso ako, I cheated, I cheated with her best friend, Olivia. Despite of it, hinding-hindi mawawala sa puso ko si Erin. Siya ang mananatiling mahal ko kahit pa mamatay ako, si Erin lang ang pipiliin ko.

Nakaramdam ako ng gutom matapos kong makipag-usap sa ama ko na walang ginawa kung'di ipaalala ang lahat ng kagaguhan ko from the past kaya nagdesisyon ako na lumabas para kumain, ala-dyes pa lang naman at maya-maya pa ang simula ng mga schedule ko kaya inuna ko na muna ang gutom kong tiyan na dati-rati ay napupunan ng mga masasarap na pagkain na niluluto ng pinakamamahal kong si Erin.

It's been seven years, miss ko na siya. Miss ko na ang pag-aalaga niya, miss ko na ang mga pagkain na inihahain niya. 

Dumiretso ako sa isang food park  na nasa tabi ng Evergreen mall na  pag-aari ko na para mag-agahan at  mananghalian at the same time. I can afford to buy luxurious food but I will still choose those home made food that Tita Irene cooked. Isa sa mga food stall na naroon ay pagmamay-ari ng Mama ni Erin na si Tita Irene, parati ako doon na kumakain at syempre ay kumukuha ng update mula kay Celestine at sa kapatid ni Erin na si Elliot.

"Uy Craig!" Isang pamilyar na babae ang lumapit sa akin nang makapasok ako sa resto, nasa 5'5 ang height, morena, at mahaba ang kulot na buhok. Nakasuot siya ng asul na maternity dress at halata ang umbok sa tiyan. Her name is Mia, high school friend namin ni Erin.

"Mia? Ikaw na ba 'yan?" I asked .

"Oo, ako na nga ito. Kumusta ka na? Kailan ka pa nagbalik-bayan?" Patanong niyang tugon.

"Last week lang, maayos naman ako. I'm starting a new business and a new life." I said forcing myself to smile.

"Nabalitaan ko nga, kakain ka rito?" She asked.

"Yeah, ikaw din ba?" Tanong ko, she suddenly acts like unease.

"N-No, actually may binisita lang akong kaibigan sa loob and pauwi na rin ako, anyway I have to go. Nice meeting you again, Craig." Pautal-utal niyang wika.

Kind-off weird, she's out-spoken. I never saw her acting like this. 

"A friend?" Tumango lang siya. "Common friend ba natin?"

"MIA BELLE!!"

Mia was about to answer but she stuttered when we both heard a very familiar voice. Sabay namin na nilingon ang direksyon na kung saan nanggaling ang boses.

My heart skips a beat the moment I laid my eyes on her, her hair was ebony and it flowed over her shoulders. She owns a round face, an almond orb, and perfect heart-shaped lip, she own's a pointy noise and a perfect hour-glass body that complete her goddess-like look. She looks pretty with her blue top and high-waist jeans.

Saglit siyang napahinto nang magtama ang mga mata namin, kumurba ang labi ko sa isang ngiti habang magkatitigan kami. She does the same but seems like it's force, agad din kasi 'yon na nawala bago siya lumapit sa kinaroroonan namin ni Mia. Nag-iwas din siya ng tingin at nagdire-diretso lang na nilapitan ang kaibigan namin.

"Sabi ko na at makakalimutan mo ito, ang paboritong ng inaanak ko," aniya habang iniaabot ang paperbag na kulay asul kay Mia .

"Ay! Oo nga pala, pasensiya na." Kamot-ulong sabi ni Mia habang kinukuha ang paperbag. "Sorry na, alam mo naman na may hinahabol akong appointment kaya nagmamadali ako. Kuhaan rin kasi ng card ng inaanak mo. 

She's avoiding me, ni hindi niya ako matignan kahit pa magkalapit lang kami at one inches lang ang layo ng mga braso namin.

"Kaya nga e, magtatampo na naman sa'kin 'yang si Bien. Alam mo naman na dalawang pasko ko nang hindi nareregaluhan si Bien-Bien natin e." Natawa siya but she keeps it in a soft tone na para bang ayaw niya iparinig sa akin. 

"Sige na, mauuna na ako." Pasimpleng sumulyap pa si Mia sa akin. "Salamat ulit sa pa-tsokolate at sa bagong cellphone ng inaanak mo ha . May special kang customer all the way from U.S, mukhang kailangan ng asikaso mo. "Natatawang sabi pa nito saka ako ininguso.

 Sinulyapan ako ni Erin ngunit saglit na saglit lang, bumeso siya rito kay Mia at hindi na nagsalita pa matapos na magpaalam ng kaibigan namin. Akma rin siyang aalis para bumalik siguro kung saan siya nanggaling pero hindi ko siya hinayaan. Hinigit ko ang kaniyang braso, nag-angat naman siya ng ulo at taking tinignan ako

"Hi?" pagtatangka ko. "It's been years..."

"Hello," tipid niyang sabi.

"Kumusta?" I asked, there's an awkward sensation between us. Ni hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

I can't catch her stare. Malayo ang mga tingin niya and she was clearly avoiding me.

"Okay naman, kakain ka ba rito?" Tumango ako at ngumiti bilang sagot. "O-Okay, k-kuhanin ko lang ang menu."

"There's no need, alam ko na naman kung ano ang kakainin ko.  Regular customer ako ni Tita, I want the usual," sambit ko nang nakangiti.

"Kare-kare, shanghai, at okoy?" Dikta niya sa mga pagkaing paborito namin.

"Tigalawang order." I can't help but to smile. Damn! I miss her!

"M-May kasama ka?" She asked.

"Yeah, special someone." tugon ko.

"Wow, c-congratulation..." she said in a low tone.

"Her name is Erin Santibanez-Fuller," banggit ko sa buo niyang pangalan. Her eyes widen, I think she didn't expect it.

"Craig..." she immediately looks at me. Matigas ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Yes love?" Ngumiti ako. Love ang endearment naming noong magkarelasyon pa kami, sana nga lang ay naaalala niya pa. "It's been six-seven years, Love."

"Please, huwag dito." Mariin ang bawat pagsambit niya.

"What? Ayaw mo ba akong makasama na mag-lunch? Alam ko naman na naka-move on ka na sa akin e saka isa pa kakain lang naman tayo e. I don't find anything wrong about it." She didn't talk back, nanatili siyang nakatitig sa mga mata ko, walang emosyon at tila binabasa ang nasa isip ko. "Erin?"

"Working hours, hindi puwede" tipid niyang sabi.

"Ipagpapalam kita sa boss mo, puwede naman 'yon. I'll pay for your time also." 

I'm already married, hindi pa nasisira ang ulo ko para lokohin ang asawa ko." Her expression went blank but her eyes don't lie. 

Hindi siya masaya sa marriage niya, sigurado ako roon.

"To whom? Kilala ko ba?" I asked. I'm just pretending to be naive, I already stalked her facebok profile. Kay Jarell siya ikinasal, sa preskong business owner na ilang araw na akong kinukulit para bilhin ko sa kaniya ang kalahati ng kumpanya niya.

"Kakain ka ba o dadaldal na lang?" Pagsusungit niya.

"Samahan mo ako," malapad akong ngumiti, irap naman ang isinagot niya. "Please..."

She breathed and shut her eyes for a sec before answering. " Kukuhanin ko lang ang order mo. Tigalawang order lang ba? How about the drinks?"

"Ikaw na ang bahala, ikaw naman ang date ko e. You decide, like the usual."

"Okay, like the usual..." mahinang sambit niya. 

Erin was avoiding my gaze pero dedma lang, ang mahalaga ay nakita ko na ulit siya.

Lihim akong natuwa nang marinig ko ang sagot niya, ilang taon kaming nawalay sa isa't-isa at ito ang unang beses naming na muling pagkikita. I'm surprised na kabisado niya pa rin ang usual food na iniluluto niya tuwing Tuesday, akala koay tuluyan niya nang kinalimutan iyon.

I can't help but to stare and smile at her, she didn't change.

Erin stays as beautiful as she was. Nagpahiksi lang siya ng buhok at pumayat ng kaunti pero siya pa rin 'yon, ang babaeng minahal ko at pinakasalan.

I can't help but to stare at her deeply, examine her face and body. Pati na mga daliri niya na busy habang isinusulat ang order ko ay sinulyapan ko rin, I did notice her ring finger, she was wearing a wedding ring. That thing broke me, gusto kong maiyak sa totoo lang. 

"Pakihintay na lang ang order mo, dadalhin diyan ni Celestine." aniya saka niya ako tinalikuran at umalis. This time ay hindi ko na muna siya pinigilan, hinayaan ko na muna.

Pinaunlakan niya ang alok kong lunch date, 'yon ang importante para sa akin. 

"How are you?" I asked while dipping the okoy to it's sauce.

"I'm doing great." aniya habang isinusubo ang shanghai sa bibig.

"Nabalitaan ko na ikinasal ka na raw kay Jarell, totoo ba 'yon?" She just nods as answer, busy siyang ngumuya. "Kailan pa?"

"Last year." mahiksing sagot niya.

"Seeing you marry other man will be hard for me." sambit ko na nakapagpahinto sa kaniya sa pagkain. "That's the truth, mahal pa rin kita Erin at hindi iyon magbabago. Sadyang mali lang ako sa part ---" 

She cut me off. "Craig, ayoko nang pag-usapan pa ang nakaraan. Tapos na 'yon eh. I've already moved on."

"Sorry, w-wala akong intension na gulohin ka, I just want to let you know na I still love you. Alam kong wala na tayong pag-asa pero... pero hinding-hindi kita isusuko." I am shaking terribly.

"I-I've already move-on, I hope you do the same. Free yourself Craig." She wasn't smiling, blanko lang ang ekspresyon niya mula pa kanina. "You were with Olivia, right? Siya na lang"

"Ikaw lang ang kaya kong mahalin Erin, no one else."

Pakiramdam ko, anytime ay magbe-breakdown ako. Ang yabang-yabang ko kanina na ayain siya na mag-lunch kasi akala ko kaya ko na, masakit pa rin pala

"I'm already married, pease respect my marriage. Wala akong plano na lokohin ang asawa ko at mas lalong wala akong plano na makipagbalikan sa taong nanakit sa akin."

"Ayaw ko sa iba, ikaw ang gusto ko Erin." Napasinghap ako, humapdi ang puso ko at nanikip ang dibdib. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kaniyang kamay at pinisil ito. "Balik tayo sa dati, please."

"Alam mong hindi na puwede."

"Puwede Erin, walang imposible" Pamimilit ko pa, yeah pamimilit. Mukhang gano'n naman ang ginagawa ko.

 Sorry, desperado lang talaga.

Umiling-iling siya at nagtangka na bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko ngunit hinila ko ito at hindi pinakawalan . "Don't... please... ayaw ko nang mawala ka ulit."

"Craig, umalis ka na. Nkakahiya sa mga tao, pinagtitinginan na nila tayo."

They did pero wala akong pakielam. I want to confess my love, matagal-tagal ko nang itinatago ito.

"Mahal kita Erin, parati mo 'yang tatandaan." sambit ko. Humalik pa ako sa likod ng kamay niya bago ko ito tuluyan na bitiwan.

Nagpasya ako na umalis na ng restaurant matapos ko na makapag-bill out, hindi ko na siya nilingon.

Sapat na sa akin na makita siya sa ngayon, kumuha lang talaga ako ng lakas ng loob. Nandito na ako, ngayon pa ba ako susuko? 

Slowly but surely, sa gano'ng paraan ko babawiin ko si Erin sa taong may hawak ngayon ng puso niya.

Don't blame me, love makes me crazy.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro