04

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Erin

Kahapon pa tuliro ang isipan ko matapos ang isang pagtatagpo na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na mangyayari sa buong buhay ko. 

Sa pitong taon ko na paglayo at pag-iwas na mag-krus ang landas namin, ang buong akala ko ay maayos na ako. Inakala ko na tuluyan na naghilom ang mga sugat na idinulot ng kahapon ngunit mali pala ako.

Napatunayan ko na sariwang-sariwa pa pala  siya, na kahit pala kasal na ako sa taong mahal ko ngayon ay hinding-hindi mapagtatakpan ng singsing at bagong istado ko sa buhay ang sakit na hanggang ngayon ay kinikimkim ko. 

Halos apat na oras lang ang itinulog ko at nagising din ako ng bandang alas-kwatro kanina bukod sa  'yon kasi talaga ang oras ng gising ko kahit no'ng nasa Amerika pa ako ay hirap na hirap akong panatagin ang sarili.

 Matapos ko na makapaligo at makapagbihis ay dumiretso na ako sa kusina para magluto at maghanda na ng almusal para sa amin ni Mama. Hindi ko na naabutan si Jarell nang magising ako, natulog ako nang hindi siya katabi gano'n din noong magising ako.  

"Sabi ko na sa'yo, huwag mo akong uunahin e." Pabirong sabi ng Mama habang patungo sa cupboard para kumuha ng kape at asukal. "tutulungan mo ba ako ngayon sa foodpark?" tanong pa niya.

"Opo Ma, wala naman po akong gagawin ngayon e." tugon ko naman

Tumango-tango ang nanay ko bago muling nagsalita. "Nagkita pala kayo ni Craig"

Napahinto ako sa paghahalo ng sinangag nang sambitin iyon ni Mama. "P-Po?".

"Nabalitaan mo na ba? Siya na ngayon ang nagmamay-ari ng Fuller Chain of company at ang President ng Evergreen Megamall. Siya rin ngayon ang general manager ng food park na kinatatayuan ng negosyo natin."

"General Manager po?" aniko.

Ibig sabihin ay boss ko na pala siya ngayon... Wow!

"Oo, si Natalie lang ang nagbalita sa akin." wika ng Mama. "Mukhang araw-araw mo na palang makikita ang ex-husband mo kung araw-araw kang papasok ka sa food park. Maliit talaga ang mundo, Erin." Napapa-iling niyang sabi.

"H-Hindi naman po ako natatakot na magtagpo kaming ulit," saad ko saka ko muling pinagpatuloy ang pagluluto.

"Bakit? Ano bang dapat mong ikatakot?" tanong ng Mama habang binubuhos ang tubig sa thelmos sa baso niya. 

"Wala naman po, Ma. Matagal na akong nakawala sa kaniya, kasal na rin ako at masaya na ako sa asawa ko. Masaya na ako sa kung anong meron kami ni Jarell." 

Sinabi ko lang 'yon to satisfied my bothered mind but I'm really bothered deep inside. Sino bang hindi?

"Hindi ka okay, tama ba ako?" Huminto si Mama sa paghahalo ng kaniyang kape.  "Tapatin mo ako, Erin"

"P-Po?"

"Hindi ka okay sa balita na 'yon, tama ba ako?" T

ama ka Ma, hindi nga po ako okay.

"B-Bakit naman po ako hindi magiging okay? Matagal na po kaming tapos ni Craig." Pineke ko ang pagtawa ngunit tila hindi iyon umubra at napansin pa rin ng Mama ko. Lumapit siya sa direksyon ko saka inagaw ang hawak kong spatula.

"Erin Jeanette, kilala kita. Nanay mo ako at anak kita, nararamdaman ko kung ano man ang bumabagabag sa'yo ngayon. Erin anak, mas mabuti pa na huwag ka na lang munang tumulong sa food park. Dumito ka na lang, hindi maganda na magkita ulit kayo. Kasal ka na anak, alam ko naman na alam mo 'yon."

Buntong-hininga ang isinagot ko kay Mama, hanggat maaari ay ayaw ko na munang mag-isip ng kung ano-anu. Sinunod ko ang sinabi niya, nanatili ako sa loob ng bahay. 

Nandito ako sa Pilipinas para mag-relax, maglibang. Hindi para alalahanin ang sakit ng nakaraan. I've been good for the past years, ayaw ko na bumalik pa sa dating ako na walang ginawa kung hindi umiyak nang umiyak.

"You okay hon?"

Napakurap-kurap ako nang marinig ko ang boses ni Jarell, hindi ko namalayan na nandito pala siya. "K-Kanina ka pa?"

"Y-Yeah, lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi ko. "Kanina pa rin kita kinakausap pero mukhang malalim ang iniisip mo. Iniwan mo pa nga nakabukas ang pintuan ng bahay. Okay ka lang ba?" Tumango ako bilang sagot at pinwersang ingiti ang mga labi ko.

"Kanina ka pa tulala e, may problema ka ba?" usisa pa niya.

"W-Wala, wala naman. I'm fine don't worry." Iniikot ko ang gaming chair  kung saan ako nakaupo at humarap sa direksyon niya.

"Sure ka?" Muli akong tumango. "O-Okay, if you say so. By the way, may meeting ako today." Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang aking mga kamay. "This is it, hon."

"Meeting? Para saan?"

"Well, alam mo naman na kailangan ko ng business partner ngayon para ma-survived ang company ko. Sa dami ng company na sinulatan ko for appointment, isa lang ang tumugon. And guess what, 'yon ang kumpanya na pinapangarap ko. "

"A-Ang Crystallion? Tama ba ako?" 

"Yes love! Wala nang iba pa!" Masiglang sambit ni Jarell na ikinakabog ng dibdib ko. 

As much as I want to be happy with his success, hindi ko magawa.  

"W-Wow! C-Congratulation, mahal ko." aniko saka ko siya yinakap. 

"Thank you so much mahal ko."

I can feel that he's really happy, his eyes were delighted. Ni hindi rin mawala ng malapad na ngiti sa kaniyang mga labi. I don't want to disappoint my husband, sobra ko siyang mahal. 

"Congratulation, hon. Sobrang proud ako sa'yo." wika ko pa. I'm trying to sound sincere, ayaw ko na ma-feel niya na hindi ako masaya sa kung anuman ang achievement na meron siya. 

 "I love you, hon. Ikaw talaga ang lucky charm ko." aniya nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. " Tama talaga ang desisyon ko to  keep your photo as my desktop wallpaper."

"Ano naman ang connect no'n ?" I forced myself to laugh but the truth is... sa totoo lang ay na-bother ako.

"Noong nakita kasi ni Sir Craig ang litrato mo, napangiti siya. He even told me that I have a beautiful wife, ang sabi pa nga ng kasamang chinese ay maganda raw ang ratio ng mukha mo. Swerte ka raw sa business." pagku-kwento pa niya

"T-Talaga?" Muli akong napakurap-kurap. 

"Oo naman, hon. I'm the luckiest, mabuti na lang talaga at pinakasalan kita at —" napahinto siya nang mag-vibrate ang cellphone niya. "Excuse me hon, I'll just take this call," paalam pa niya bago dukutin ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya. "Hello, yes po this is Ja— Mr. Fuller ikaw po pala!"

Hearing his surname makes me feel sick,  I was near to thrown up. Gusto ko man na kontrahin si Jarell sa nais niya pero mas pinili ko na intindihin na lang siya. I'm his wife, ako dapat ang unang uunawa, iintindi, at susuporta sa lahat ng naisin niya. I know that Jarell just want the best for our future. Ngayon ko na lang ulit nakita ang mga ngiti sa labi niya, nitong mga nakaraang araw kasi ay parati siyang malungkot gawa ng malungkot na balita na natatanggap niya tungkol sa mga  problema sa negosyo na iniwan sa kaniya ng yumao niyang ama.  

"Hon,magbihis ka. Aaalis tayo," sambit ni Jarell matapos ang tawag. 

"H-Ha? B-Bakit?" 

"I want you to meet my new business partner. And I know he wants to meet you too," kumurba ang labi niya sa isang ngiti.

"A-Ano?" Kamuntikan pa akong malaglag mula sa kinauupuan ko nang sabihin niya 'yon. "Gusto niya ako na makita? B-Bakit raw? Hon, baka naman puwede na—"

"So, tinatanggihan mo na ako ngayon? Tama ba ako, Erin?" Sumeryoso ang kaniyang tinig at naging isang diretso ang kaniyang labi. 

"H-Hindi naman sa gano'n. A-Ano lang kasi—" He cuts me off.

"Magbihis ka na, aalis tayo." Malamig na sambit niya.

"What's wrong hon? You look unease, is something bothering you" He asked. Wala akong maramdaman na concern sa way ng pagtatanong niya.

"Wala... wala naman." sambit ko. 

I can't stop thinking sa kung ano ang posibleng mangyari kapag nagkrus muli ang mga landas nami ni Craig. 

"Kanina ka pa di umiimik, mula nang umalis tayo. " tanong ni Jarell nang makarating kami sa isang restaurant. "Ano ba ang gumugulo sa isipan mo?"

"Wala nga, masama lang ang pakiramdam ko. talaga."

"Saglit lang naman 'to, mamaya kapag natapos na ito makakapag-pahinga ka na." aniya sa malamig na tinig.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro