08

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

MAY tatlong araw na ang nakalilipas mula noong huli kami na magkita ni Craig. Hindi na ulit nagtagpo ang mga landas namin matapos iyon. Mabuti na rin siguro na ganito kami, malayo sa isa't-isa

Limang taon din kaming magkarelasyon, sa totoo lang kahit naman i-deny ko ay  lalabas at lalabas pa rin ang katotothanan dahil sa mga  impulsive actions ko. Mahal ko pa rin si Craig at mananatili pa rin na  may puwang siya sa puso ko sa kabila ng pangit na nakaraan naming dalawa. Hindi ko alam kung batid 'yon ni Jarell at kung hindi man ay ayaw ko nang ipaalam sa kaniya. 

Ayaw ko nang madagdagan pa ang mga pasang natatamo ko sa kaniya sa tuwing nagagalit siya, quota na ako. Iisang taon pa lamang kaming mag-asawa ay nakararamdam na agad ako ng pagod. Ayaw ko na matuluyan kung kaya't hanggang maaari ay kailangan nasa ayos ang  lahat ng pagkilos ko.

"Anak, bakit hindi ka pa nakabihis?" Si Mama na kakapasok lang sa kwarto ko, dire-diretso siya na pumasok dahil hindi rin naman ako nagla-lock ng pinto lalo kapag dalawa lang kami na nandito sa bahay at kaniya naman ito. "Erin naman, tatlong araw ka nang narito ah. Lumabas-labas ka naman, hindi maganda sa katawan kapag hindi naarawan. Gusto mo ba na bumalik na naman 'yong sakit mo?" Panenermon niya.

"Ma, okay lang po ako rito. Ayaw ninyo naman po kasi ko na patulungin sa business ninyo, pati nga dito sa bahay e. Halos wala na akong ginagawa dahil laging nandito si Manang Alma," pangangatwitran ko pa.

"At sumasagot ka pa talaga, Erin Jean!" Tumaas ang kaniyang kilay at nameywang. 

"Sorry na po, I love you." aniko sa malambing na tinig.

"Bangon na riyan, Erin. Huwag tatamad-tamad, kung wala kang magawa rito e maghanap ka ng gagawin mo. O 'di kaya naman e bisitahin mo 'yong asawa mo tatlong araw nang hindi umuuwi sa bahay. Nilamon na yata ng trabaho niya," iiling-iling na sambit ng Mama.

"Ma, busy 'yon. Hayaan mo na muna siya, para naman sa amin 'yong ginagawa niya na 'yon." aniko.

Umikot ang kaniyang mga mata sabay umiling-iling. "Ewan ko Erin ha, hindi maganda ang kutob ko riyan kay Jarell. Hindi ko lang masabi sa'yo noon dahil alam ko na mahal na mahal mo siya pero iba ang awra ng asawa mo. Mukhang nasa loob ang kulo e, ubod pa ng tahimik." Iiiling-iling pa niyang wika. 

"Ma, mabait po si Jarell at mahal niya ako. Sadyang tahimik lang po talaga siya at malimit kung magsalita," pagtatanggol ko sa aking asawa. 

Ika nga nila, a mother's instict naver fail. At mukhang ganoon nga ang nararamdaman ng nanay ko ngayon.

"Ikaw ang bahala, malaki ka na Erin Jean." Humugot siya ng malalim na buntong hininga. "O siya, babalik na ako sa food park. Wala ka na bang ibang kailangan? Wala ka bang ipabibili?" 

"Wala na po Mama, ingat po kayo." Bumangon ako mula sa kama at pagka ay humalik sa kaniyang pisngi.

Sa tono ng pananalita ng Mama ko, nahalata ko agad na ayaw niya kay Jarell. Ni hindi niya kinakausap ang asawa ko, ni tanguan man lang. My mom always wear a straight-face whenever she saw Jarell. 

Dalawa lang naman ang nakarelasyon ko pero halos magkaiba ang pakikitungo ng ina ko sa kanila. Mas close sila ni Craig, nagbibiruan, at  mas mukha pa silang mag-nanay na dalawa. Samantalang kay Jarell ay malayo ang loob niya. Alam kong may rason ang mama ko, hindi ko lang alam kung ano at wala naman akong balak na alamin iyon. Hihintayin ko na lamang na si Mama mismo ang magsabi sa akin.

Bumalik ako sa paghiga at panonood ng movie, nakaka-walong episode na ako ng Empress Ki ngayong araw. Pangalawang korean-drama na ito ni Ha Ji Won na pinapanood ko magmula pa noong Linggo.  Tatlong araw na akong naririto sa loob ng kwarto naming mag-asawa, nanonood habang kumakain ng mga sitsirya, ilang araw na ring hindi maayos ang tulog ko dahil magdamag akong nanonood ng mga korean drama. 

Ito na ang naging daily routine ko magmula noong magsimula si Jarell na magtrabaho at maging busy sa opisina niya. 

Wala naman kasi akong magawa sa bahay bukod sa humilata at kumain maghapon. Busy ang mga kaibigan ko  sa mga sarili nilang buhay kaya't wala akong maistorbo at wala rin naman na nang-iistorbo sa akin. Si Celestine ay nagta-trabaho, si Mia naman ay may negosyo, samantalang si Badeth ay may mga chikiting na inaasikaso. 

'Yong isa pa naming kaibigan na si Natalie ay wala kaming balita, huli ko siyang nakita noong naghiwalay kami ni Craig. Pinsang buo at best friend niya ang ex- boyfriend ko, isa siya sa mga tao na nasaktan noong nagpasya ako na tapusin na ang relasyon ko kay Craig.

Nasa gitna ako ng panonood ko ng biglang agawin ng nag-pop na notification ang atensyon ko. 

Natalie Fuller Del Mundo accepted your friend request.

Speaking of Natalie, it's been three years since  I sent her a friend request but ngayon niya lang ako in-accept and at the same time ay nag-send ng message na agad ko naman na nireply-an.

Natalie Fuller Del Mundo (active now)

Natalie Fuller Del Mundo: hey sissy! kumusta ka na?

Erin Fajardo: Uy hello! Okay naman ako. Ito happily married na. How bout u?

Natalie Fuller Del Mundo: kita ko nga hahaha, same here! with three kids na rin. 

Natalie Fuller Del Mundo: anyway, balita ko nasa Manila ka na raw totoo ba?

Natalie Fuller Del Mundo: nakita ko kasi si Ninang Ai, naichika lang niya sa akin

Erin Fajardo: Yes sissy, one week na rin. 

 Natalie Fuller Del Mundo: huuy! catch up naman tayo. free ka ba now?

Natalie Fuller Del Mundo: may bagong bar na bukas, asawa ni Kiya ang owner.

Natalie Fuller Del Mundo: G ka ba mamaya? 

Natalie Fuller Del Mundo: :invite ko rin sila Celest, B, & Mia.

Erin Fajardo: Sure! Matagal na rin akong di nakakalabas.

Erin Fajardo: Sure! What time ba? 

Natalie Fuller Del Mundo: Now na, magbihis ka na. Sunduin na lang kita, see u! muwah

Hindi na ako nag-reply matapos niya iyon na sabihin, nakaramdam ako ng excitement. matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakalabas at is apa wala naman akong gagawin dito s bahay kaya okay na rin siguro na sumama ako sa kanila. Ngayon lang naman, magka-catch up lang naman ako with the girls, and I don't think dapat pa ito na malaman ni Jarell. Busy rin naman siya with his things, ayaw niya na naiistorbo kaya hindi na rin ako magpapaalam sa kaniya.

Pinatay ko na ang laptop at isinara saka ko ito ibinalik sa bag at itinago sa drawer ko. Matapos ay naligo na ako at naghanap ng damit na isusuot para sa girl's night namin mamaya. 

Noong dalaga pa ako, mahilig na talaga  akong  bumili at magsuot ng mga damit na sexy kahit hindi ko naman sinusuot kaya naman handa ako sa mga ganitong pagtitipon. Hinanap ko agad ang  short silver sequin dress ko na above the knee ang haba, backless ito at talaga namang hapit sa katawan ko. Binili ko ito last 2017 noong  nagpunta kami sa France ng ate ni Jarell, first time ko ito na isusuot. Hindi naman ako tumataba, hindi rin naman nababawas ang timbang ko kaya naman sukat na sukat pa rin ito. 

I didn't wore a bra dahil wala akong bra na strapless, hindi naman babakat ang nipples ko dahil may built-in bra na ang naturang dress. Pinarisan ko ito ng silver din na stilleto, na may taas na three inches at  silver na sling bag. Naglagay lang ako ng light make-up sa mukha ko at ruby rose na shades ng lipstick sa labi ko.And to complete my final look, ikinabit ko ang kwintas ko na may heart-shaped pendant at silver din na hoop earrings.

Habang pababa ako sa hagdanan ay nakatanggap ako muli ng message mula kay Natalie. mukhang narito na siya dahil may bumusina na sa labas.

Natalie Fuller Del Mundo (active now)

Natalie Fuller Del Mundo: wer na u? dito na me sa labas ng gate nyo

Natalie Fuller Del Mundo: help!!! may mga doggies dito. 

Erin Fajardo: Waitchu, pababa na! 

Isinet ko sa airplane mode ang cellphone ko saka ko ito pinatay, full charge naman ang phone ko pero in case of emergency ay nagdala na ako ng charger at powerbank pati na rin extrang memory card. Adik sa selfie at groufie ang mga friends ko, paniguradong mapupuno ang memory ng cellphone ko. Mabuti na ang handa.

"Erin!!" Ang malakas na boses nina Natalie at Celestine agad ang bumungad sa akin ng makalabas ako sa gate namin. 

"Come in! Hinihintay na tayo ng alak at musika!" sigaw ni Badette mula sa loob

Sakay sila ng itim na van, nasa driver's seat sina Celestine at Natalie habang nasa passenger seat naman sina Badette at Mia.Mukhang pinaghandaan ng mga babaeng 'to ang araw na'to dahil sa nagagandahang mga ayos nila at nagse-seksihang mga kasuotan. 

Isa-isa akong bumeso sa apat bago ako sumakay sa van, sa gitna nina Mia at Badette ako umupo. Ang malas ko ngayon dahil nasa gitna ako ng dalawang  babae na kapag tumatawa ay may kasamang hampas sa braso. 

"Grabe naman ang babaeng ito, napakaganda." Puna ni Badette matapos isara ang pinto ng van. "Parang walang asawa, sana all."

"Para naman talagang walang asawa 'yan e, ang chika ni tita ay tatlong gabi na 'yang hindi inuuwian ni Jarell."Pag-intrada ng madaldal na si Celestine.

"Hay naku, Celestina! Kahit kailan ay kay daldal mo talaga." ani Badette at napa-irap.

"Ano na girl? When ang character development?" saad naman ni Mia na tatawa-tawa. 

"Sa true, Celestina Mari. I invited everyone here to enjoy, 'yong mga ganiyang usapan ay i-forget natin. Erase, erase, erase!"

"I say tama, dalaga tayo ngayong gabi." pagsang-ayon pa ni Mia bago humithit ng vape at bumuga ng usok.

Dalaga for tonight? E halos buong buhay ko yata ay dalaga ako kahit pa kasal ako ay para rin naman akong walang asawa dahil sa ginagawa ni Jarell. Mas asawa niya pa nga ang kotse niya kaysa sa akin. Anyway, sabi nga ni Natalie ay narito kami ay magsaya hindi para isipin ang mga problema namin sa aming mga buhay. 

Akin ang gabing ito, ngayong gabi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro